Followers

Tuesday, May 3, 2011

Love Me Like I Am (Book 1 Part 11)

Eto na po ang Part 11!!! Para po sa mga hindi pa po nakakalam, yung part 9 po ay nai-revised ko na.. Minor editing lang naman po ang ginawa ko walang binago at nandun pa rin yung pinaka-important events yung ka-cheesyhan, yung sa waterfalls, yung revelation, etc.
So Eto na po!! Sana po ay magustuhan niyo..

At dagdag ko lang po.. Para dun sa naghihintay ng "Gab and Steph Confrontation.." Sa part 12 ko po linagay.. Bakit?? Basta.. Hehe.. mas angkop po kasi siya dun kesa dito.. Mas malalim ang pag-aawayan nila doon kumpara dito..

So sige na at baka mai-spoil ko pa ang next Part.. LOL XD Eto na po ang Part 11. Muli ay nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumabasa at sumusuporta sa Story ko.. Next part na lang din ang batian portion.. Hehehehe...

--------------------------------------------------------------------------------

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 11: "The Janly-G Band!!"


Naging masmasaya ang mga nalalabing araw ng bakasyon namin. At dahil iyon kay Ely, Ella at higit sa lahat kay JARED na laging nasa bahay ko. Oo tama ang nadinig niyo, Jared. Jared na lang dahil iyon naman talaga ang tawag ko sa kanya nung mga bata pa kami. Naging kuya lang dahil sa ayon nga, basta, alam niyo na iyon! Hehehe. Kaya minsan tintry kong tawagin siya bilang Jared na lang at wala ng Kuya. Pero gusto niya may Kuya pa din dahil daw MAS MALAMBING ANG DATING! Hahaha!! Nakakawindang, malambing daw oh! Nyahahaha.

Anyway, dumating na ang huling taon namin sa High School, 4th year. Since pasukan nanaman, ANDITO nanaman ang kontrabida sa buhay ko.. Si STEPH!! Pero wala akong pakielam dahil nandyan naman si Ely ehh. Basta, subukan niya lang na awayin ako!! SIGE!! Hehehe.

Habang nasa class, ewan ko ba kung sinasadya nila Steph na madinig namin yung pinag-uusapan nila or sadyang malakas lang talaga ang boses niya para magpapansin at magpasikat.

STEPH: “This is what I called, THE YEAR!!”

MIKA: “Steph, bakit naman THE YEAR? Ha?”

STEPH: “This is fourth year right? Our final year in High School.”

IZA: “So?”

STEPH: “Therfore, No one Stops me from shining. Because, I will become the Star of this year.” Ang biglang pagtayo niya habang nakapamewang.

MGA ALIPORES: “Whooaaa!!” sabay palakpakan

STEPH: “Yes.. NO EXCEPTIONS!! Walang kokontra.” Sabay tingin sa lugar namin.

Ngunit bumanat nanaman si Ely na parang nagpaparinig din.

ELY: “Palibhasa ingiterang froglet ka. Puro pasikat at papansin lang ang alam, kahit wala naman pwedeng ipagmalaki sa kanya.. Sa ugali pa lang nya, BASURA NA!”

STEPH: “May sinasabi ka!?!”

ELY: “Oo.. Bakit? May binanggit ba akong name? Bakit? Tinamaan ka ba? Nyahaha!!” ang pang-iinis niya.

ELLA: “Ely.”

ELY: “Sshh!”

AKO: “Ely, Naghahanap ka nanaman ba ng gulo? Tara na labas na tayo.” Sabay hatak sa kanya.

Habang pababa ako, si Jared, Ella, at Ely.

ELY: “Bebe Gab, since last year na natin ito, at last year na natin makikita ang pagmumukha niya hayaan niyo na akong kontrahin siya. Para naman kahit papaano makaganti tayo nuh.”

AKO: “Gulo lang ang hinahanap mo ehh.”

ELY: “Hay hindi!! Gusto kong kainin niya ang mga pinagsasasabi niya. I want to humiliate that bitch in public!! I swear!! Yun bang wala na siyang ihaharap pang mukha.”

AKO: “Grabe ka naman..”

ELY: “Talaga!! After all, karma is around, at ako ang gagawa ng paraan para makarma na ang babaeng yan. Bwiset siya!”

KUYA JARED: “Teka lang guys, tingnan niyo yun oh.” Sabay turo sa poster na nakadikit sa pader ng campus.

ELLA: “Hhhmm Battle of the Bands? So ano? Sasali ka dyan Jared?”

KUYA JARED: “Pwede! Why Not!” sabay smile.

AKO: “Eh teka! Sino naman kasama mo dyan?”

KUYA JARED: “Hhhhmm.. Ikaw Gab, sama kita at si Ella. Kasi, parehas kayo marunong magpiano at kumanta. Ako naman sa guitar.”

AKO: “At pwede ka ring bumack-up.”

KUAY JARED: “Hindi Gab, ikaw na ang magback-up kay Ella kasi si Ella ang main vocalist or pwede ka rin. Hehehe. Palit-palit kayo. Kulang na lang ng isa kasi nakalagay oh.. Minimum of four.”

ELY: “Nice IDEA!! Ehhh papaano naman ako?” sabay ngiti na parang gusto siyang isali.

KUYA JARED: “Ikaw? EH hindi ka naman marunong tumugtog ehh.. Kahit nga kumanta hindi. Hahaha!!” ang malakas niyang tawa na parang nambubuska.

ELLA: “Jared, for your information, Magaling kumanta yan! And take NOTE! Drumer yang si Ely.”

KUYA JARED at AKO: “WHAAAATTT???” ang sabay naming sabi na may halong pagkagulat.

ELY: “Yeah.. You heard it Right! Ako lang ang marunong mag-drums nuh! Kaya need niyo ako!!”

KUYA JARED: “Hoy Marunong din ako, mas expert lang ako sa guitar.”

ELY: “Di rin!!”

AKO: “Waahh!! Gaya-gaya talaga kayo ng Expression!! Ughhh..”

ELLA: “Di rin Gab!!”

ELY: “Hahahaa!! Tammaaaa!!”

AKO: “Putek na yan!!”

KUYA JARED: “Di rin tol.. Hahaha!!”

AKO: “Uggghh magtigil kayo!!”

At ayun na nga napagdesisyunan namin na sumali. Wala lang, parang trip lang ni kuya na sumali. FOR EXPERIENCE DAW. Oh Well, it will be my first time na umakyat sa entablado nuh at iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako. Hay naku! Anyway, bahala na si Batman!! Sana si Ella na lang ang maging lead vocalist for the rest of the competition dahil hinding-hindi ko kakayanin ang humarap sa tao with matching spotlight pa tapos nasa center stage pa ako! HINDI!!

Dalawang linggo pagkatapos noon,

KUYA JARED: “Naku Tol, Nagclose na kahapon ang registration. Wala na..” ang malungkot niyang sabi.

AKO: “Ay! Kahapon ba yun? Di ko alam! Sayang naman.” Ang nasabi ko na lang.

Nalungkot din naman ako para kay kuya kasi alam ko isa yun sa hilig nya. At gustong gusto niya talaga.. Habang kaming tatlo ay nagmumukmok, dumating si Ely at..

ELY: “GUYS! Bakit parang biyernes santo ang mga mukha natin? Be Happy!!” ang nasabi niya.

AKO: “Naku Ely magtigil ka nga dyan, kita mo naman na malungkot si kuya oh dahil hindi tayo nakapagregister para doon sa battle of the bands.”

ELY: “Ayun na nga kaya nga ako nandito para sabihin sa inyo na nagregister ako kahapon.”

KUYA JARED: “Talaga?” ang Masaya niyang sabi, kasabay pagbago ng matamlay niyang mukha.

ELY: “Oo.. Bago ako umuwi kahapon, nadinig ko na close na pala ang registration ng tanghali kaya naman nagpunta ako agad doon sa registration at pinakiusapan ko si kuya na nandon.

ELLA: “Buti pumayag pa.”

ELY: “Oo naman nuh! Ginamit ko ang charm ko!! Sa ganda kong ito, NO ONE CAN RESIST! Nyahaha!!”

AKO: “Bwahahah!! Ibang klase ka talagang babae ka!” ang natatawa kong sabi sa kanya.

ELY:” Oo nuh. Alam mo kasi bebe Gab, Ikaw lang ang hindi nagagandahan sa akin.”

AKO: “Eh kasi, NIPISAN MO ANG MAKE-UP MO! ANg pangit-pangit na kaya!” ang sigaw ko sa kanya.

ELY: “Ako pangit? Tingnan mo nga oh, nagandahan sa akin yung nagreregister kaya ayan pasok tayo!! Nyahaha!!”

AKO: “Di rin.. Kamukha mo na si Iza at Mika oh..” tukoy ko sa dalawang alipores ni Steph.

ELY: “ANg kapal naman ng mukha mo bebe Gab! Kumpara mo ba naman ako sa dalawang iyon!”

AKO: “Hahaha!! Ayaw mo?”

ELY: “Ayaw ko bebe Gab!! Anyway highway, ang ganda-ganda ng pangalan ng band natin.” Sabay ngiti.

KUYA JARED: “ANo?”

ELY: “Edi JANLY-G Band!! Hehe..”

AKO: “Ha? Bakit iyon? ANg pangit!! Parang clown ang dating!! Parang comedy!!”

ELY: “Hoy bebe Gab, anong pangit ka dyan? Ayos nga ehh parang kwela. Nyhaaha!!”

KUYA JARED: “Ginawa mo naman tayong katawa-tawa niyan.”

ELY: “Ok lang yun at tsaka kaya naman naging ganun ang name it’s because pinagsama-sama ang names natin! Jared, Angela, Ely, and Gab! Oh di ba? BONGGA!!”

AKO: “Hhhmmpphh.. Mas maganda yung iniisip kong name.”

ELY: “ANo naman yun aber?” sabay pamewang at taas ng kilay.

AKO: “Jared’s Force o di kaya ay Jared’s Dream Band.”

ELY: “Ngek!! Bakit yan? Soooo Baduy.”

AKO: “Hoy anong baduy? Kaya ayan yung naiisip ko, dahil kung hindi dahil kay kuya, WALA TAYONG SASALIHAN NGAYON!”

ELY: “Hhhmmpphh!! Anyway change topic tayo. Since Next Month na ang competition, saan tayo pwedeng mag-rehease?”

Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin. Nagpapahiwatig na sa bahay na lang namin mag-practice. Hahaha.

AKO: “Hoy, Hoy, Hoy, bawal mag-ingay sa bahay namin ha. At tsaka wala kaming instruments nuh. Lalo na yung Drums ni Ely.”

ELY: “Edi dadalhin ko yung Drums ko sa inyo! Nyahaha!!”

ELLA: “Oo nga Gab! Sige na!!”

AKO: “Hay naku wag nyo na dalhin.. Sige! Payag na ako sa amin, meron namang vacant room doon. At tungkol dyan sa equipments, sige papabili na ako sa tatay ko.” Sabay ngiti.

ELY: “Waaahh!! I love you bebe Gab!!”

AKO: “Oh! Mamaya mainlove ka sa akin ha!”

ELY: “Ewww bebe Gab! Kadire ka!! Kapatid lang ang turing ko sa iyo nuh at kung maiinlove man ako, kay Papa Jared na lang! Nyahaha!!” sabay tawa ng malakas at yakap kay Kuya Jared.

KUYA JARED: “Hahaha!!” ang sabi niya na natatawa sabay yakap na rin kay Ely.

Sa puntong iyon, aaminin ko nagselos ako. Alam ko biruan lang ang lahat pero paano kung magkatotoo? Naiimagine ko na ang sakit na mararamdaman ko kapag nagkatotoo iyon. Kasi naman!! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?? Bakit sa kanya pa?? Bakit ba ako ginawang ganito?? Uuggghh..

AKO: “Si Ely oh.. kinareer na!” ang nasabi ko na lang.

ELY: “OO naman!! Syempre!! Minsan ko lang mayakap ang wafung ito oh!! Sheeet!! Ang sarap! Feeling heaven!!” sabi nya na kinikilig-kilig to the max sabay tawa ng malakas.

ELLA: “Hoy magtigil na kayo dyan sa ginagawa niyo, baka may makakita at MAGSELOS!” ang nasabi niya.

Ewan ko kung bakit nasabi iyon ni Ella. Pero malakas ang pakiramdam ko na nakakatunog na siya sa nararamdaman ko para kay Kuya Jared. Naku Gabriel! Nakakahiya! Umayos UMAYOS! Ok!! Wag magpahalatang affected.

Isa, dalawa, tatlo, apat na linggo ang nagdaan. Dalawang araw na lang at Battle of the bands na. Since napagkasunduan namin na hindi kami magpapractice kinabukasan para naman makapagpahinga, General Practice namin ang araw na iyon.

Habang hinihintay ko si Ely at Ella na dumating sa bahay para magpractice nga, nakaupo ako sa keyboards at biglang dumating si Kuya.

KUYA JARED: “Tol, kamusta? Mukhang nagppractice ka na agad ah. Hehehe”

AKO: “Hindi. Wala may iniisip lang, grabe kasi kinakabahan na talaga ako. Sa kamakalawa na kasi iyon eh.”

KUYA JARED: “Wala ka naman dapat ikakaba, isipin mo na lang na it’s just for fun.”

AKO: “Hindi kuya eh. This is my first time kasi na masabak sa ganyan ang.. ang humarap sa audience.”

KUYA JARED: “Kaya mo yan!! At tsaka hindi naman ikaw ang nasa gitna ahh.. Si Ella naman.”

AKO: “Hindi ehh. Kasi ganun din, haharap pa rin ako sa mga tao, alam mo naman na wala akong bilib sa sarili ko. Wala akong self-confidence.”

KUYA JARED: “Basta isipin mo lang na nandito ako sa tabi mo, kasama mo sa stage.”

AKO: “Thanks for the support pero.. Ewan ko.. Bahala na.”

KUYA JARED: “Teka nga tol, ano yang kanta na nandyan sa keyboard? Title pa lang mukhang maganda ah.” Ang paglilihis niya ng kwento para mawala ang pag-aalala ko kahit papaano.

AKO: “Ah yan, wala. Nag-iipon lang kasi ako ng mga copy ng music sheet.. yung ganyan. Hehe.. Para pagpraktisan.” Ang dahilan ko.

KUYA JARED: “Hhhmm.. alam ko ito ahh.. tugtugin mo nga.”

AKO: “Bakit?”

KUYA JARED: “Basta.. sige na pagbigyan mo na ako.”

Kaya ayun pinagbigyan ko naman si Loko kahit ayoko. Kaya naman ayoko tugtugin dahil BULLSEYE din naman yung song sa aming dalawa. Title pa lang ehh swak na swak na. Ngunit habang inuumpisahang kong tugtugin iyon, hindi ko aasahang sasabihin niya na.

KUYA JARED: “Kakanta ako at sasabay ka ha..”

Kaya ayun na Game! Ok rin naman ehh samantalahin na. Nyahaha!! KILIG!!


“It's hard to believe
That I couldn't see
You were always there beside me

Thought I was alone
With no one to hold

But you were always
There beside me
This feelings like no other
I want you to know

That I've never had someone that knows me like you do

The way you do

And I've never had someone as good for me as you

No one like you

So lonely before I finally found

What I've been looking for

Whoo-Ooohhhh”


Maikli lang ang version na iyon ng kanta, pero SOBRANG MEANINGFUL. Sobra akong nakakarelate sa kanta, totoo kasi na “He’s always there beside me”, tapos totoo naman na “This feeling’s like NO OTHER” ang nararamdaman ko para sa kanya. Totoo din na “So lonely before” naman talaga ako. At higit sa lahat, totoo na nakita ko na ang taong hinahanap ko, AT SIYA IYON wala ng iba pa. Haayyy grabe!

Anyway pagkatapos namin kantahin iyon,

KUYA JARED: “Ang ganda ng kanta kahit maikli.”

AKO: “Ahh Oo. Maganda nga.” Ang nasabi ko na lang.

Maya-maya..

ELLA: “Ok guys I’m here.”

KUYA JARED: “Oh Ella, Si Ely?”

ELLA: “Ahh nandito na rin, nag-cr lang.”

Pagkarating ni Ely ay nag-umpisa na kaming mag-rehearse.

The day after tomorrow………

ELY: “Waahh Grabe Bebe Gab!! This is it!! Woohh.. Kaka-exicite!”

AKO: “Hindi ba kayo kinakabahan?”

ELLA: “Enjoyin mo na lang Gab.” Sabay ngiti.

KUYA JARED: “Tama! Enjoy lang.”

After ng pag-uusap namin na iyon,

HOST: “Our next band is REALLY Fabulous. Please all welcome, the FABULOUS Band leaded by the School’s Prime Girl Stephanie Aragon.

Sa pagkakataong iyon, tila kinabahan ako ng todo-todo! Para na akong hihimatayin grabe!! Basta, grabe talaga sobrang pressure at kalaban pa namin ang kontrabida sa buhay ko. Siguro isa ito sa sinasabi niya dati na “This is the YEAR” na siya ang magiging star daw at kung anu-ano pa. Pweh!!

“Bahala siya, basta remember Gab, this is just for fun!” ang nasabi ko sa sarili ko.

After ng performance niya na.. well, no comment, nyahaha. Nagpunta sa backstage si Steph at..

STEPH: “Wow!! Kumpleto pala ang tropa!! Hhmm.. Bakit ba kasi nagsama-sama ang mga walang talent? Eeeww!!!”

ELY: “Hoy anong walang talent ka dyan? Bakit ikaw, feeling mo ba ang galing mo kumanta kanina ha? Napaka-low class mo. Your just a below average singer, NAPAKA-TRYING HARD COPYCAT!”

STEPH: “Ayy!! Ang baduy ng pag-eenglish mo ate!! So Kadiri!! Kung tutuusin, kayo ang trying hard dahil sasali-sali kayo dito pero mga wala naman kayong talent!! So Baduy!! For sure magkakalat lang kayo. Nakakahiya! Hahahaa!”

AKO: “Tara na Ely, wag ng patulan ang babaeng yan.”

STEPH: “Oh.. Kasali din pala ang Clown na ito? Bakit nandito yan? Eeeww!! So kadiri!! Nakakasuka!! Yuck!!” ang tukoy niya sa akin.

STEPH (ulit): “Hhmm bakit sinasama niyo si Jared sa mga basurang walang talent na kagaya niyo? Naku, sayang lang ang talent niya sa katulad niyong mga walang talent.”

At bigla niya ang arms ni kuya Jared.

STEPH: “Jared I can assure you, kung sa amin ka sumama, hindi masasayang ang talent mo. Kaya kung ako sa iyo, I will walk away and support us instead! Kesa dyan sa mga walang kwentang yan.”

KUYA JARED: “Sorry Steph, pero ako ang nag-aya sa kanila na sumali dito dahil nakita ko ang talento nila. Sobrang galing nila kung alam mo lang at sobrang bait ng mga taong yan. Lalo na si Gab. Kaya kung pwede lang, tumigil ka na.” ang matigas na sabi niya.

STEPH: “Jared.. Listen to me..” sabay hawak sa kamay nito. Uugghh ang Landi!! Kainis!

KUYA JARED: “JUST STAY AWAY FROM US.” Ang sigaw niya sabay ng isang malakas na kabig sa kamay ni Steph.

Sa pagkakataong iyon, gustong-gusto ko lumundag sa saya!! Grabe ang saya-saya talaga!! Isang malaking sampal iyon kay Steph. Imagine, ang super crush niya na si Kuya Jared ay pinagsalitaan siya ng ganon and pinagtanggol pa niya kami, lalong-lalo na ako. On my part, nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

ELY: “You heard him right? Hindi ka naman siguro bingi Steph. Stay away from us!!” ang matapang niyang sagot.

STEPH: “Balang araw Jared, malalaman mo at marerealize mo na ako ang dapat mong kinakampihan at di ang mga walang class na iyan. LALO NA ANG MANG-AAGAW AT HAMPAS LUPANG YAN!” ang malakas niyang sigaw at turo niya sa akin.

ELLA: “Walang inaagaw sa iyo si Gab Steph.. Kaya For God’s Sake Steph, Just Shut up ok? SHUT UP!!” ang sigaw ni Ella.

Grabe ang eksenang iyon! For the first time, nakita kong sumagot at magalit si Ella. Kasi kung titingnan mo si Ella, sobrang bait niyang tao. At first aakalain mo na tatahi-tahimik siya, pero ayos din pala! Lumalaban siya kung kalian dapat lumaban. Pero grabe talaga.. First time ko siyang nakitang ganoon.

At ayun nga, nagwalk-out si Gagang Steph. Waahh! Winner kami!

AKO: “Guys, Thanks ha.. “

KUYA JARED: “Wala iyon Gab, at tsaka kapag talagang inaapi na ang mga kaibigan ko, lumalaban na ako para pinagtatanggol sila.”

AKO: “Pero alam niyo sa totoo lang, kahit ganoon yung trato sa akin ni Steph, parang naawa din ako doon sa tao.”

ELY: “Hay naku Gabriel, walang dapat kaawaan doon! Kulang pa iyon sa lahat-lahat ng pagpapahirap niya sa buhay mo nuh.

AKO: “Pero hindi pa –--“

ELLA: “Gab, inaapakan na yung pagkatao mo eh, kaya dapat lumaban ka na.”

ELY: “TAAAMMAA!! Lagi ko sa iyong sinasabi, you should learn to fight bebe Gab. Teka lang ha, magmemake-up at maglilipstick lang ulit ako ha!! Naku!! Baka tayo na ang susunod dyan!!” sabay kuha ng make-up at lipstick sa bag.

AKO: “Hoy Ely, mamaya matakot ang mga tao dyan sa mukha mo!!”

ELY: “Ang sabihin mo bebe Gab, MABIGHANI!! Nyahahaha!!”

AKO: “Ewan!! Hahaha!!”

HOST: “Last but not the least, Here’s the JANLY-G Band!!”

Pagkadingi na pagkadinig ko ng band name namin ay biglang lumakas muli ang kabog ng dibdib ko. Pagtuntong namin sa Stage mula sa Back-stage,

CROWD: “Clap! Clap!”

Pagkadinig ko ng mga palakpak ng mga tao ay lalong tumindi at lumakas ang kabog ng dibidb ko, para na akong mag-cocollapse ano mang oras kaya habang ina-adjust namin ang instruments, ay gumawa ako ng gimmick para mawala ang matinding kaba ko.

AKO: “Hay naku Ely, ang SAGWA TALAGA NG NAME!! Hahaha”

ELY: “Hay naku Bebe Gab, magpeperform na nga tayo at nirereklamo mo pa rin ang band name natin.”

AKO: “Kasi naman tinulad mo sa name mo na mabaho ang dating nuh.. ELY!! Parang lalaki. Hahahaha!!”

ELY: “Naku!! Bebe Gab, Pasalamat ka at nandito tayo sa harap ng mga tao kung hindi, LAGOT KA SA AKIN!!” ang pagbabanta niya.

AKO: “Pampaalis lang ng kaba Ely.”

KUYA JARED: “Ok Guys Game na ako. Ayos na ba yung instruments niyo? We’ve only given 5 minutes to fix ehh.”

ELLA: “Ako ok na yung Boses ko. Hahahaha!!” ang natatawa niyag sabi.

AKO: “Oks na yung keyboard ko. Pati yung boses ok na rin! Nyahaha!! Clear na clear. Wahaha.”

ELY: “Game na!!”

Pagkatapos noon ay biglang tumingin sa akin si Kuya.

KUYA JARED: “Tol, ready ka na ba? Nandito lang ako ha..” sabay killer smile! Shit!! Haha!

AKO: “Game na talaga ito Tol.” Sabay ngiti.

At sumenyas na si Kuya sa taga-time at inumpisahan naming tugtugin ang kantang “Kahit Mahal Mo Ay Iba” leaded by of course Angela “Ella” Martinez. Hehehe. Ako at si Kuya naman ang nag-babaack up singers. Hahaha!!



“Kung hindi pa kita mahal bakit ako nasasaktan pag siya'y kasama mo
Kung hindi pa kita mahal bakit laging ikaw ang nasa isip ko
Ngunit ako'y isang kaibigan lang kung kailangan mo ng matatakbuhan ako'y naririto
Handang makinig sa'yo

Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba

Kung hindi pa kita mahal bakit laging ikaw ang nasa isip ko
Ngunit ako'y isang kaibigan lang

kung kailangan mo ng matatakbuhan ako'y naririto
Handang makinig sa'yo

Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba


Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba”


Si Ella ang nagrequest na ito ang unang tugtugin namin. Ewan ko kung bakit pero parang may kurot ang kanta sa kanya. Parang may pinapatamaan siya sa kanta na iyon. Hindi lang iyon, pero sa bawat pagbigkas niya ng lyrics ay may dalang sakit iyon sa puso ng mga nakakarinig.

Napansin ko rin na bago dumating sa last chorus ang kanta ay may namumuong mga luha sa mata niya. Alam ko at nararamdaman ko na meron siyang matinding sakit na dinadala. Gayun pa man, clear na clear pa rin ang napakagandang boses niya, wala kang madidinig na nagccrack or yung parang naiiyak na. Napansin ko rin ang palihim niyang pagpunas sa mga luha niya.

Pagkatapos ng performance namin ay nagpalakpakan ang mga audience at ang karamihan dito ay sumisigaw ng “More, MORE”. Hehe Siguro, nagandahan sila sa boses ni Ella, Hindi lang kasi malinis ang pagkakakanta niya, kundi sobra-sobrang emotion ang nailabas niya mula sa kanta.

Pagkatapos noon, habang hinihintay ang announcement sa bandang pumasok sa finals.

ELY: “Grabe ka Angela Martinez, Sobra-sobrang emotion iyon ha!! WINNER!!”

KUYA JARED: “Obvious ba? Habang nag-gguitara ako kitang-kita ko ang pagkamesmerize ng mga tao sa ganda ng boses niya nuh.”

AKO: “Ella grabe ka!! Sobra-sobra ang emotion na nailabas mo. ANg galing din ng connection mo with the audience.. THE BEST!!”

ELLA: “Thanks Guys. Hindi ko naman magagawa iyon kung wala kayo ehh.”

ELY: “Wala kami? Or ang inspiration mo?” sabay taas ng kilay na parang may alam.

ELLA: “Ely, wala.. ano ka ba..”

ELY: “Hhmmm.. Naku Bhez ha! Naglilihim ka.. Pero ok lang.. Sabihin mo na lang sa akin kung handa ka na.”

Nang lumabas si Kuya at Ely para bumili ng inumin at pagkain,

ELLA: “Gab..”

AKO: “Ella, para kanino ba talaga ang kanta na iyon?” ang tanong ko na parang alam ko na din ang isasagot niya.

ELLA: “Gab, iniaalay ko ang kanta na iyon para sa isang taong mahal ko. Mahal na mahal ko. Pero kahit hindi siya magsalita, alam ko na meron siyang mahal na iba. Nakikita ko Gab, nakikita ko sa mga mata niya na iba ang mahal niya.” Ang sagot niya na naiiyak na.

AKO: “Angela, sino ba kasi? Kilala ko ba ito? Pwede mo bang sabihin sa akin? Promise ko na hindi ko sasabihin sa iba.”

ELLA: “Promise mo ba na hindi mo sasabihin sa iba?”

AKO: “Promise..”

Ngunit imbis na sumagot sa tanong ko ay nakita ko ang pagpatak ng luha niya.

(itutuloy..)

6 comments:

  1. ahhhh.. ang ganda niya.. bebe gab.. swear...

    fave line ko yung kanta nila sa chorus

    "Mamahalin pa rin kita
    Kahit mahal mo ay iba"

    matir type but i like it.. muntik ako umiyak sa kanta.. ang ganda talga bow ako sayo bebe gab

    -3rd-

    ReplyDelete
  2. Hahaha Salamat po!! ;)
    Ganda ng kantang yan ehh.. Yung bang kahit anong mangyari, nandito lang ako, hindi kita iiwan. Nandito lang ako nagmamahal at patuloy kang mamahalin.. Haayyy.. :(

    ReplyDelete
  3. Ang martyr naman ni ella. pero ganda nung song, kakaiyak.. sino kaya yung mahal niya? si jared ba o si bebe gab??
    at buti nga kay steph kaka-imbyerna yung babaeng yun!
    next part pls.!

    ReplyDelete
  4. hahaha

    nice story huh...unti-unting lumalalim ang interest ko..ahhaha

    nicely done po..

    kaso


    BITIN!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. waaahh!! may mag-cconfess! hula ko si gab yung mahal ni ella, hula lang naman po! hihihi..

    Bitin!!! next part please??

    ReplyDelete
  6. wew,,,grabe,, nakakakilig,,,

    whahahaahaa...kawawa naman c steph.. heee

    niCE again ,, :) i like it,, :)


    _lester_

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails