Followers

Monday, May 16, 2011

Unexpected Love Chapter 21

Dali dali kong kinuha ang aking cell phone at tinawagan si insan....

Ring...ring....ring.....

Pero walang sumagot sa kabilang linya natatakot ako na baka si insan ay kanila na ring pinag initan dahil sa kanyang pag kami sa amin ni Jom at ang kanyang pag sang-ayon sa relasyon namin ni Jom. Di ko pa alam ang mga susunod kong gagawin lalo na andito ako sa ospital, agad-agad kong tinawgan si Paul, di ko alam kung anidito pa siya sa Pilipinas...

Ring.....ring....ring.....

Kablang linya....

Ako: hello paul..

Kabilang linya....

Ako: pwede mo ba akong matulungan...

Kabilang linya....

Ako: pwede pumunta ka na lang dito ngayon.. nasa ospital ako ngayon sa may ICU dito na lang ako mag papaliwanag please....

Kabilang linya.....

Agad din niyang binaba ang telepono, ilang minuto lang ang nag lipas ay agad kong nakita si Paul na tumatakbo. Pagka kita na pagkita ko sa kanya ay agad ko siyang sinalubong ng yakap sabay iyak...

Paul: Jam... Jam... please... anu problema?

Ako: Paul.... si tita anabeth....(habang umiiyak parin)

Paul: bakit anu nangyari sa kanya?

Ako: di ko alam... naaabutan ko na lang siya walang malay....

Paul: si Jom asan siya?

Ako: di ko rin alam eh... pag baba ko kanina sa kanilang bahay ay wala na akong inabutan kundi si tita na naka handusay na lang...

Paul: kumusta si tita?

Ako: Critical pa ang kanyang kondisyon ang sabi nga ng doktor ay mabuti nga at umabot pa kami kasi daw kung natagalan pa ay di na siguro naagapan pa...

Bakas sa mukha ni Paul ang pagkalito mula sa mga nangyayari, kaya pinilit kong maging mahinahon at doon ko sa kanya ikinuwento lahat ng nangyari simula ng huli kaming nagkita...

Paul: wait..... you mean may kakambal si Jom?

Ako: oo...

Paul: asan siya ngayon? Andito ba siya?

Ako: di ko nga rin alam, pareho sila ni Jom nawawala, di ko na alam pa ang gagawin ko, Paul...

Paul: tahan na... sila anton at aelvin alam na ba nila....

Nawala sa isip ko sila, kaya agad kong dinukot ang aking cellphone at tinext ko sila tungkol sa kalagayan ngayon i tita. Ilang minuto lang din ay agad ko rin silang nakita at bakas din sa kanilang mga mukha ang labis na pag aalala kay tita na nagsilbi na ring ina naming buong barkada, di ko nga alam kung anu ang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito at idamay pa ang mga tao sa paligid ko...

Sa loob ng ospital ay doon kami nagkausap-usap kung papanu ko makakausap si Joana, may kutob kasi ako na may alam siya kung asan sila Jom, pero pinipigilan siya ng kanyang kuya...

Anton: sige tol, ako susubukan ko na puntahan si Joana... ako bahala doon...at ako na rin ang bahala mag paliwanag sa skwelahan kung sakalaing di ka makapasok pati ang mga notes na kakailanganin para sa nalalapit na exam ay ako na bahala don...

Aelvin: ako tol dito ako tutulong sayo sa loob ng ospital, tutulungan kita sa pagbabantay kay tita para naman makapag pahinga ka..

Paul: ako na bahala sa mga gastusin dito, wag ka nang mag alala Jam... sa ngayon angkailanang nating alalahanin ay kung papanu natin matutunton ang kinaroroonan ni Jom at ni Jeffrey...

Ako: maraming salamat, di ko talaga alam kung anu na gagawin ko ngayon, siguro ay nagpakamatay na ako ngayon kung wala kayo ngayon dito..

Paul: Jam... wag ka magisip ng ganyan... sa sinabi mo tungkol sa inyo ni Jom ay di ako magagalit sayo dahil sa alam ko na ikaw naman talaga ang mahal niya pero sana wag ka nang magisip ng ganyan, dahil diyan ako sayo magagalit, ang Jam na kilala ko ay palaban... kaya wag kang magiisip ng ganyan...

Para nabawasan ang bigat na aking dinadala sa mga oras na iyon dahil sa kanila, lalong lalo na kay Paul na kahit na ilang taon aming di niya nakasama ay batid parin sa kanya ang pagiging isang tunay na kaibigan... kahit na nga di na niya responsibilidad na sagutin ang gastusin dito ay sinagot niya parin... lumalim na ang gabi at pansamantalang nag paalan muna sila sa akin para rin daw pag handaan nila ang mga gagawin namin, ako naman ay panadaliang umuwi sa bahay nila Jom para mag palit ng damit... pag pasok na pag pasok ko sa loob ng bahay ay bigla akong nanlumo nang muling sumariwa sa akin ang pag-aalala kung asan sila Jom at Jeffrey, agad akong umakyat sa kwarto at kumuha ng ilang damit pampalit at saka na rin ako nagpalit ng damit, pag baba ko ay narinig kong nag ring ang aking cellphone at nagulat ako nang makita kong pangalan ni Jom ang nagregister sa caller ID... sinagot ko ito sabay pindot ng record at loudspeaker ng phone ko..

Ako: hello Jom...

???: hello insan..... kumusta ka na....

Ako: brad???

Brad: oo ako nga... bakit nagulat ka anu? Bakit ka nga pala napatawag sa kapatid ko kanina?

Ako: brad bakit nasayo ang cellphone ni Jom!!!

Brad: tsk..tsk...tsk.... wag mainit ang ulo insan, ay di na pala... dahil tinalikuran mo na ang sarili mong pamilya dahil lang sa isang bakla....

Ako: brad anung pinagsasabi mo.... itinakwil ako, ayaw kong umalis pero napilitan akong umalis para na rin sa kaligtasan ng buhay ko....

Brad: pero di yan ang alam ko... alam mo Jam, ikaw na nga sana ang papalit sa dady mo bilang isa sa pinakamataas na tao ng ating ankan pero tinalikuran mo lang kami dahil lang sa isang tao...

Ako: Brad!!! Wag kang magsasalita ng gnanyan!!! Asan si Jom!!!

Gusto mo ba siyang marinig.... ooopppsss busy pala siya....

Ako: asan siya!!!!

Di na siya anagsalita pa at para akong binagsakan nanaman ng ilang toneladang semento sa mga naririnig kong ungol mula sa kabilang linya.. at mga pag iyak na tila pigil at boses na gustong sumigaw ng malakas pero di magawa dahil sa parang may nakabara sa kanyang bibig..

Ako: hayop ka brad... anu ang ginagawa mo kay Jom!!!

Brad: wag kang mag alala... binigay ko lang naman ang gusto ng mga katulad niya.. para naman mag salita na siya.... kaya Jam.. kung gusto mo pang makitang buo ang iyong pinakamamahal na Jom kuno.... punta ka sa warehouse ng mga sasakyan natin at wag kang magkakamaling magsubong sa ibang tao or sa mga pulis dahil kundi.... ako naman ay gagawa ng kahalayan kay Jom.... maghihintay ako sayo 2 araw mula ngayon sa eksatong alas 10 ng gabi... ikaw lang ang dapat na pumunta dito, kundi di mo na siguro abutan ng nasa maayos na kundisyon si Jom mo.. kada oras na na malalate ka ay mag eenjoy ang mga lalaki ditog sabik sa laman...

Agad niyang binaba ang kabilang linya... di ko na alam kung anu pa ang gagawin ko sa mga oras na iyon,takot akong magsumbong dahil sa mga banta sa akin ni Brad...

Pilit kong iwinakasi sa aking isip ang mga sinabi ni Brad para magampanan ko ang aking tunkulin na alagaan si tita. Pag dating ko sa ospital ay nagulat ako nang makita ko si Aelvin na papasok din ng ospital. Pinilit ko ang sarili kong di iapapansin sa kanya ang alam ko, nang magabot kami sa may pinto ng ICU nginitian ko lang siya at pilit ipinakita na ok lang ako, pero talgang kilala na nila ako dahil agad din niyang napansin na parang may inililihim ako sa kanya...

Aelvin: oh Jam... san ka galing?

Ako: umuwi muna ako... kumuha ng kauting gamit at nag palit na rin damit... ikaw bat ka bumali agad?

Aelvin: diba sabi ko sayo tutulungan kitang mag bantay dito...

Ako: ok, salamat tol...

Aelvin: wala yun tol, isa pa parang ina ko rin nanaman ito si tita eh... siya nga pala kanina eh sinubikan na ni anton na puntahan si Joana pero wala daw siya, nasa Amerika daw....

Para akong biglang tinabunan ng lupa, si insan ngayon ay ipinatapon sa Amerika samantalang ang pusakal niyang kuya naman ay pinabalik dito sa Pilipinas... napasnsin siguro ni Aelvin ang bigla kong pag tahimik dahil sa mga narinig niya kaya pinilit niya akong usisain...

Aelvin: tol.. may prblema ba?

Ako: wala to tol, wag mo na ako pansinin..

Aelvin: panung di kita panisinin eh kasing puti ka na ng papel, para ka atang kinakabahan... may alam ka na ba?

Ako: wala pa nga akong alam, natatakot lang ako kasi ngayong wala dito si Joana walang makakatulong sa atin....(ang alebi ko sa kanya)

Aelvin: Jam.. umamin ka..... kabisado ko na mukha m pag naglilihim ka... alam ko may nalalaman ka rin... kaya umamin ka.. alam mo na ba kung asan sila Jom at kailan mo lang nalaman?

Huli na ako, di ko na maitatago pa kay Aelvin kaya kinuha ko ang cellphone ko at ipinarinig sa kanya ang naging pag uusap namin ng kuya ni Joana... tumutulo ang luha ko di ko alam kung anu na ang gagawin lalo na ngayon, alam kong pinapahirapan na nila sila Jom doon, awang awa na ako sa kanya pati kay Jeffrey na nadamay lang naman.. sa mga narinig niya ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinontak sila Paul at Anton. Kahit na malalim na ang gabi ay walang pagdadalawang isip din namang dumating ang dalawa si Paul may dala dalang mga pagkain at supplies si Anton naman ay may dala ding mga damit siguro ay nagkita ang dalawa at nag usap na. pag dating na pag dating nila ay agad silang nag usap usap malayo sa akin, para di ko sila kontarahin pero akhit ako ay natatakot di ko alam kung anu ang gagawin ko ayaw kong ilagay sa panganib ang sila Jom at Jeffrey, pero sa kabila ng isip ko ay kailangan ko rin naman ng kanilang tulong kailangan lang talagang pag isipan at pag planuhan ng mabuti para di kami mahuli. Ilang sandali lang ay bumalik na ang tatlo at saka ako sinabuhan ni Paul...

Paul: Jam... kailangan mong mag handa alam ko may tracking ang cellphone mo kaya ang gawin mo ay i on mo lang ang tracking mo o kaya naman ay itawag mo lang at ilagay sa loudspeaker para marinig namin kung anu anu na mga nagnyayari kami naman ay mag aabang lang kasama ang mga pulis..

Ako: di niyo ba narinig ang sinabi ni Brad.. ako lang ang kailangan nila at pag nag sumbong ako sa mga pulis ay sila Jom ang malalagot, sorry Paul pero di ko ata kayang ilagay sa panganib ang buhay nila..

Aelvin: tol, alam kong kilala mo si Brad at kilala din siya dito bilang isa sa mga pusakal na kriminal, pero wag mong mamasamain ito tol pero maging kami ay ayaw din naman maming may masamang magyari sa dalawa, pero tol kailangan nating tong gawin para na rin sa kaligatasan mo at nila Jom.. kaya sana makisama ka na please..

Ako: pag iisipan mo tol, natatakot kasi ako eh kaya kong isakripisyo kahit buhay ko para lang sa kaligatasan nila...

Anton: Jam! Wag kang mag sasalita ng ganyan, kasi pag ikaw naman mapahamak sa tingin mo ba matututwa si Jom? Kaya tol kaya mo yan tandaan mo tol andito lang kami handa kaming tumulong....

Natatakot man ako ay pumayag na lang ako, tama rin namin kasi sila nailigtas ko nga si Jom at Jeffrey ako naman ang napahamak tiyak ako mag wawala si Jom. Di na umalis pa silang 3 at doon na rin nag palipas ng gabi... madaling araw nang ginising ako ni Anton at Aelvin...

Anton: tol.. mauna na muna kami... papasok na kami, wag kang mag alala kami na bahala sayo sa klase....

Tungao na lang ako, at saka bumalik sa pagkakatulog hanggang ngayon ay nasa ICU parin si tita at under observation parin siya sabi kasi ng doktor ay critical daw ang first 24 hours niya kaya iyon ang dapat na bantayan...

Ilang sandali lang naman ay ginisign ako si Paul...

Paul: Jam... Jam....Jam....

Ako: anu?....

Paul: Jam si tita...

Bigla akong bumangon dahil sa narinig at tumakbo sa may window kung saan nakita ko ang mga nurse at doktor na nag papanik at di magkandamayaw sa pag revive kay tita. Tumulo na lang ang mga luha ko dahil alam ko sa mga oras na iyon ay wala akong magagawa para tulungan si tita, dali dali akong tumakbo papalayo papunta sa chapel ng ospital at doon ako nag dasal ng taimtim...

Ako: diyos ko... please... iligtas po ninyo si tita..... maawa po kayo..... wala po siyang kasalanan...... tulungan po ninyo siyang lumaban para na rin sa kanyang mga anak......

Paulit ulit kong nagsusumamo at umiiyak, di ko na alam pa ang pwede kong gawin, grabe na ang punagbayaran ko dahil lang sa nag mahal ako ng kapwa ko lalaki, kasalanan bang mag mahal... kung alam ko lang na ganito ang mga kahahantungan ay sana di na ko na binigyan ng laya ang nararamdaman ko para sa kanya kahit masakit sana pala ay kimkim ko na lang para at least di man ako masaya kapiling siya kung sakali ay masaya naman siguro akong nakikita na ligtas siya.. doon lang pumasok sa isip ko paanu pala kung di ko sinagot si Jom siguro wala si tita ngayon sa ICU, siguro ligtas sila ngayon at walang problema..

Itutuloy....

4 comments:

  1. eiiii... nakakaexcite!

    Sana may next chapter na!
    Sana may maikwento din kng anong gnawa kina jom at jeffrey...

    hehehhe...

    -mars

    ReplyDelete
  2. di po ata pwedeng ip[ost dito ang next chapter since na nag UeL 22 ay mostly torrid scene kaya di ko pwedeng ipost dito. sorry guys.... right now nasa kalagitnaan na akong ng UeL 22.... hahabol na lang muna ako sa mga binabasa ko bago k ipagpatuloy ang uu at para masimulan ko na rin ang 23....

    ReplyDelete
  3. san po pwede mabasa ung next chapter kung ganon??

    thanks..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  4. @roan

    post ko na lang po ang link dito... hintay lang po tinatapos ko na po tapos pag napost ko na post ko na lang po dito ang link... salamat po...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails