Followers

Saturday, May 28, 2011

EXCHANGE OF HEART pt15

I am proud to present to you THE FACES OF
EXCHANGE OF HEART!!!!!


"ANDY"


"LOUIE"


"JONER"



"KIM"

By: Gelo

Siniil nya ng halik ang labi ko, hindi ko mapigilang hindi pumatol sa halik na iyon dahil nag dadala ito ng kiliti at sarap sa bawat pag galaw ng labi nya. Mas humihigpit pa ang yakap nya sakin, sobrang higpit! Ng subukan nyang ipasok ang dila nya sa bibig ko biglang pumasok sa isip ko ang sakit na nadarama ko patungkol sa kanya. Ang pag sisinungaling nya sakin, pagtatago, at huling eksena kung saan napag desisyonan namin na wag na muna mag-usap o mag sama. Hinawakan ko sya sa magkabilang muka nya at dahang dahang inalis ko ang labi ko sa labi nya sabay namang tumulo ang luha ko ng mga oras na iyon. Mabilis lang na hininga nya ang naririnig ko.

“please.. please..” yun lang ang nasabi ko.. tumungo lang sya sabay naman ng pag talikod ko. Ang buong akala ko hindi ko na mararamdaman ang halik na iyon na para sakin ang pinakmasarap na halik, buti nalang at kumalas ako kundi sa halik palang mawawala na lahat ng pinag hirapan ko sa wala at baka mapatawad ko na sya sa ginawa nya.

Nabigla ako nung maramdaman kong medyo basa ang kamay ko nung inalis ko ang kamay ko sa muka nya. Marahil luha din ito hindi ko alam bakit sya umiyak atleast alam ko hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon naming ito. Mabilis akong nakatulog dahil na din sa sobrang kalasingan ko noon.

Pag mulat ko ng mga mata, wala akong joner na nakita na nakahiga sa tabi ko. Dahil nga ang huli kong natatandaan bukod sa halikan namin ni louie ay kay joner ako humarap ng pag higa pero hindi ko sya nakita doon. Sunod kong napansin ay may kamay na nakapatong sa bandang tiyan ko, pag lingon ko si louie! Nakanganga pa ang LOKO! Agad ko namang inalis ito sa pag ka patong ng kamay nya sa tiyan ko at umupo. Biglang kong naramdaman ang sakit saking ulo at medyo tipsy pa ang pakiramdam ko. Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto. Malaki at maaliwalas ang paligid at maayos ang bawat gamit. Noong susubukan ko ng tumayo napa upo ako sa nakita ko. Si joner kakalabas lang ng CR at nakatapis lamang at walang pang itaas! “DIYOS KO PO ANG SARAP NA PANGHIMAGAS NAMAN ITO!” bulong ko sa sarili ko! Unang beses kong makita na walang pang itaas si joner . namangha ako sa nakita kong katawan nya. Kahit hindi masyadong kurbado ang mga abs pero panalo sa dibdib at kinis ng balat! Konting work out nalang pang model na ang tindig nito.

“oh! Kanina ka pang gising?”

“ah eh.. bago bago lang din.” Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil baka kung san san umabot ang mata at mapansin nya LINTEK NA!

“ah.. hindi ko na kayo ginising eh kasi sarap ng tulog nyo. Nakayakap pa itong si louie sa sayo.” Sabay tingin ko naman kay louie ng masama. Oo nga pala nakayap pa ang ugok na to sakin FEEL NA FEEL TALAGA ANG PAG TABI!

“ah ganun ba? Ahmm joner? Pasyensya kana kagabe ha? Kung yung..” habang naglalakad sya papauntang kabinet at kumukuwa ng susuotin.

“wala yun! Ano ka ba! Naiintindihan ko.. dapat nga ako ang mag sorry eh kasi kung hindi ko dinala yan kagabe sa bar edi sana walang nangyaring ganun.” Habang nag bibihis sya, hindi naman ako maka tinigin sa kanya baka sabihin nya binobosohan ko sya.

“ah.. tama lang yung ginawa mo.”

“tara? Almusal tayo? Nag paluto na ako almusal bago maligo.” Nakatayo sya sa harap ko non at sentrong sento naman ang pagkalalaki nya sa muka ko noon. Duon ko unang binaling ang tingin sabay akyat ng tingin sa muka nya na naka ngiti lang sakin.

“ako hindi nyo ba yayayain?” pag entra ni Louie. Gising na pala ang hinayupak!

“tara almusal na tayo JONER!” sabay tayo ko at hawak sa braso ni joner.

“baka gusto mo mag mumog muna?” hirit ni joner habang nag lalakad kame palabas ng kwarto nya habang sya nakalingon ng tingin kay louie na nakahiga pa.

“ay hindi ok lang! Kumakain ako kahit hindi nag mumog!” biro ko pero hindi naman totoo yun para lang makalabas na kame ng kwarto.

Habang nag lalakad kame papuntang dinning area, napahanga naman ako sa bahay nila joner! TALAGANG PANG MAYAMAN! Gantong ganto yung nakikita ko sa mga american styles ng bahay sa mga t.v. nung narating na namin ang dinning area. Nakahanda na ang almusal sa lamesa. May hotdog,ham,sunny side up na fried egg, tinapay at etc. PATAY! Walang kanin! Almusal ko kasi kanin talaga eh hindi ako nag titinapay.

“sir upo na po kayo kanina pa po nag-aantay ang almusal baka lumamig na.” sabi ng katulong nilang may katandaan na din.

“ah salamat manang.. sumabay na po kayo samin manang.”

“ay sir hindi na po mamaya na po ako nakakahiya sa bisita nyo.” Sabay kamot sa ulo nito.

“ok lang po manang sabay kana samin.” Binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

“oh.. sabi ko sayo ok lang eh mabait yan, sya nga pala manang si andy bagong lead singer ng banda yan.”

“ah ganun po ba? Wow siguro po ang ganda ng boses nyo sir?”

“ay hindi naman syempre mas maganda ang kay joner at saka wag mo na akong sinesir manang nakakailang po eh andy nalang.” Ngiti ko ulit.

“bait naman pala nitong kaibigan mo sir.” Habang nilalagyan ng pag kain si joner sa plato nito.

“oo naman! Bait bait nito eh!” sabay kurot sa pisngi ko. Nilagyan na ni manang ang baso ko ng kape na gusto ko sanang tangihan kasi hindi ako umiinom ng kape pero nakakahiya kasi nasa ibang bahay ako. if ever man mainom ko ito mabubura ang record ko na 10 years na ng huli akong uminom ng kape.

“hindi po umiinom ng kape yan.” Napalingon naman kameng lahat kung san nang galing ang boses na iyon. Si Louie.

“oh tol! Upo kana sumabay kana samin.” Sabi ni joner. At umupo naman sa harap ko si louie. Pero syempre dahil nga nasa ibang bahay ako at baka sabihin din ni joner at manang na maarte ako sinimulan kong hawakan ang baso at tipong ihiihipan ang kape sa baso at ininom. Pinilit kong wag mag pakita ng reaksyon na hindi ko na gustuhan ang lasa at tinititigan ko si louie habang iniinom ang kape, pang asar ba! Tinititigan lang din nya ako tipong parang sinasabi. “gusto mong kape ha? Sige! Inumin mo!” at sabi ko naman “ kala mo hindi ko kaya ha! Kahit isang litro nito kaya kong ubusin!” para kameng nag-uusap sa mata ng mabasak ang aming momento ng nag salita si joner.

“oh tol kain na!”

“ah sige sige..” nung nakalagay na ang pag kain sa plato nya biglang humirit itong bayagra!nung makita nyang hindi ko alam anong gagawin kung pupuruhin ko ba ang hotdog at itlog o ilalagay palaman ito sa tinapay kasi nga talagang kanin ako eh KANIN! Patay gutom ako! ahahaha!

“tol! May kanin ba kayo?” biglang napatigil ako sa ginagawa kong pag lalagay ng itlog sa tinapay at nanlaki ang mata at binalin ito sa kanya!

“not again!” sigaw ko lang sa isip ko. Napa tingin naman si joner kay manang na parang nag tatanong kung meron ba.

“hindi kasi kumakain ng tinapay yan eh, kanin talaga almusal nyan.” Sabay duro ng nguso nya sakin.

“meron iho, ito naman si andy hindi nag sasabi eh.” Sabay tayo ni manang at tipong kukuwa ng kanin.

“hindi po manang, ok na ako dito wag na kayo mag abala.” Sabay kagat ko sa tinapay na may palaman na itlog at tingin kay louie. “bweset na ito! Dalawang beses na bumibingo sakin ha! Isa pa! Baka palunok ko sayo yang plato mo!” sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kay louie ng masama.

Tahimik ang lahat, walang nag sasalita. Pag lapag lang ng baso sa lamesa na salamin ang maririnig ko paminsan ingay ng kutsara sa plato. Ng biglang magsasalita na naman ang bayagra at inunahan ko agad ng pag apak sa paa nya baka ano na naman ang sabihin!

“aray!” pigil na sigaw ni louie, sabay tingin kay louie ng masama.

“oh tol? Napano ka?” pag tataka ni joner.

“ah eh kasi..” tinignan ko lang sya ng masama at itinaas ang kilay.

“ah eh kasi naiwan ko ata cellphone ko s kotse mo kagabe eh hindi ko makita.”

“ah yun ba, sige check natin mamaya.”

Matapos namin mag-almusal nag handa na din kame para umuwi,andun nga ang cellphone ni louie sa kotse ni joner. mga 10am ng umaga non ng nasa byahe kame habang si joner nag mamaneho.

“ahmm joner, sa harap ng bahay nila louie mo kame ibaba ha?”

“ok..” napalingon naman sakin si louie parang nag tatanong bakit pati ako don baba.

“ako na mag papaliwanag kay ninang bakit inumaga ka na umuwi, nakakahiya naman sayo.” Sabi ko habang deretso ang tingin sa daan.

“hindi mo naman kailangan gawin yon.”

“hindi ko gagawin yon para sayo, gagawin ko yun para kay ninang alam kong nag aalala yun bakit hindi ka umuwi baka hindi pa maniwala sayo yon.” Ganun parin parang walang emosyon. Hindi na sya nag salita.

Ng makarating kame sa harap ng bahay nila louie sabay naman agad na labas ni ninang ng bahay.

“joner salamat ha? Pasyensya ulit..” sabi ko.

“ano ka ba!sabi ko sayo wala iyon sakin..”

“tol salamat ulit.. ingat sa byahe..” sabi ni louie.

“sige, tita mauna na po ako..” senyas naman si ninang kay joner.

Sabay naming nilingon ni louie ang bahay nila kung san naka tayo si ninang. Pumasok na ako agad at hindi na inantay si louie.

“ninang sa loob na po ako mag papaliwanag.” Sabay namang pumasok sakin si ninang. nakaupo na kame at nasa harap namin si ninang na nakatayo naman.

“ninang sorry po kung inumaga ng uwi si louie, galing po kame ng resto bar pagkatapos po ng Gig sinumpong ako kaya minabuti nilang dalhin nalang ako sa bahay nila joner at duon mag palipas ng gabi, sorry po kung hindi namin kayo nasabihan ng maaga tungkol dito.”

“alam ko..” sabi ni ninang na kinagulat namin ni louie. Nilingon ko si louie ng palihim kung may kinalaman sya dito.

“tumawag si joner kagabe sakin, ipinaalam kayong dalawa sakin. Mabuti na rin at sayo nangaling yan atleast confirm nga na ganun ang nangyari.”

“sabi ko sayo hindi mo na kailangan gawin yan eh!” sabay tayo at akyat sa kwarto nya.” Bwiset na to alam pala nyang nag paalam na si joner hindi man lang sinabi sakin gusto lang talaga na sabay kameng bumaba sa harap ng bahay nila.” Sabi ko lang sa isip ko.

“ah ganun po ba? Buti naman po at alam nyo na at hindi na ako mag papaliwanag ng bongang bonga!”

“anyway.. bati na ba kayo ni aweng?”

“po?ahmmm wala naman po kameng problema.” Ayaw ko ng sabihin pa kay ninang ang nangyayari samin ni louie na meron kameng di pagkakaunawaan for short LQ? Ahahahhaha.

“ah ganun ba? Buti naman kung ganun! Ayaw ko kasing nalalaman na may samaan kayo ng loob.” Sinuklian ko lamang sya ng isang ngiti.

“sige po ninang, mauna na po ako medyo nahihilo pa ako eh.” Sabay akmang tatayo na ako.

“oh sige, ayaw mo ba mag pahatid kay aweng?”

“wag na po, malapit lang naman.”

“oh sige sige mag ingat ka anak..”

Ng marating ko ang bahay, agad agad akong naligo feeling ko kasi ang baho baho ko na.. habang naliligo biglang puamsok sa isip ko ang halikan namin ni louie nung huling gabi.. napa isip ako bakit nya ginawa iyon at may bahid ng luha ang kamay ko, hindi mawari kung luha ba o pawis lang? Pero naka aircon naman eh at basang basa? Pawis? Well anyway.. bahala sya.. pero sa totoo lang kaya din ako naiyak kagabe ramdam ko ibang iba ang mga halik na yun, puno puno ng pananabik! Na may halong lungkot at nag pagsusumamo. Siguro nahihirapan din sya sa sitwasyon maing ganto pero mas mahihirapan naman ako if hindi ko ginawa iyon tulad nga ng sabi ni joner sakin “walang ibang pwedeng tumulong sa huli kundi SARLI MO LANG!” hay!! Ang hirap.. hangang kelan kaya na ganto sitwasyon namin? Sa totoo lang miss ko na sya! Sobra! Lalo na pag tinatawag ko syang “hoy BAYAG!” at ako pag tinatawag nyang “PWET!!”..

Nag daan ang araw na ganun parin ang set up habang ako abala sa pag prapractice sa banda at balita ko abala naman daw si louie sa liga sa basketball, habang kasaganahan ng sem break namin kanya kanya kame ng buhay! Lakad, pati pinag kakaabalahan. Bago umuwi lagi akong dumadaan sa bahay nila may dalang pasalubong kay ninang galing sa restobar pero hindi na din ako nag tatagal duon dinadahilan ko nalang ay pagod ako.

habang pauwi ako galing practice pansin ko daming tao halos hindi na ako makadaan sa dami naisipan kong wag na dumaan duon at lumiko nalang ng daan pauwi ng may marinig akong bulungan ng mga babae at nag mamadaling tumatakbong papuntang court.

“girl!! Bilis bilis!! 4th quarter na daw malapit ng matapos! At team nila louie ang nag lalaro!”

“ow talaga?!! Tara bilis!! Mag cheer tayo sa team nila fafa louie!” parang hindi magkanda ugaga ang mga babae sa pag takbo na parang kinikiliti ang mga CLITORIS!

Imbes na lumiko ako ng daan demeretso na ako ng daan para sumilip.. ang daming tao grabeh! Rinig ko sa iba championship na daw kaya matindi ang laban halos isang puntos lang lamang ng kalaban. Nag pumilit ako pumasok hangang marating ko ang harapan. Kakaloka! May mga parang cheering squad pa ang team nila louie ha! At karamihan KABAKLAAN! Ahahaha tawa naman ako ng tawa sa nakita ko ang iba puros kay louie nag chicheer! DAMING FANS!terno pa ang mga suot lahat naka VILOET at may hawak pang long baloons na gamit pang cheer At ganto ang mga sigaw nila!

“GO FAFA LOUIE!!”

“AWENG!! I love you!!” sigaw ng iba pag sya nakaka shoot.

“FAFA LOUIE MAG INGAT KA!! ANG GWAPO GWAPO MO!!” palong palo!! Ahahaha natatawa nalang ako sa kanila sa isip ko lang..

At may yell pa sila pag nakakashoot si louie “go louie!go louie! Go go louie! Aaaaaaaaaahhhhhhhh!! Ha!ha!ha! we love you fafa LOUIE!” na nakakapukaw naman ng atensyon ng lahat! Ako naman natatawa lang! ahahaha

“sorry kayo! Natikman ko na sya!” sigaw ko sa isip ko! Ahahaha ng biglang nasira ang AURA ng cheering squad ng bumulagta si louie sa sahig mula sa pag talon. Nagkabangaan sila ng myembro ng kabilang team. Parang mababaliw ang mga cheering squad ng team nila louie at napag kaalaman ko na sya ang star palyer ng team kaya parang lugmok ang mga tao na kampi sa team nila. Binuwat si louie ng dalawang nilang ka team at dinala sa tabi kung saan andun ang iba nilang kateam. Hindi magkanda mayaw ang mga kababaihan at kabaklaan sa pag sisigaw kala mo’y nagugunaw na ang mundo nila. Hindi ko rin maiwasan mag-alala dahil kitang kita ko sa muka ni louie ang tindi ng sakit na nararanasan! Nakahawak lamang sya sa paa nya at sakit na sakit ang itsura! Sinubukang lumapit ng ibang myembro ng cheering squad kay louie pero hinaharang sila ng ibang team. Parang hindi nila alam kung anong gagawin ang iba natataranta ang coach nila ay parang namumutla sa takot dahil nga malaking kawalan si louie if hindi sya makakalaro lalo na’t 3 minuto nalang at tapos na ang game, abante pa ang kalabang ng 2 puntos. Hindi ko na mapigilan kundi ang lumapit at tumulong. Pag lapit ko sinubukan pa akong harangin ng isa nilang kateam.

“hindi kayo pwede lumapit!” pag harang sakin ng kateam nila.

“nursing student po ako baka makatulong ako, at classmate ko si louie.” Sabi ko. Agad naman akong hinatak paloob palapit kay louie. Ng makita ko sya naka upo sa sahig at hawak hawak ang paa at kahit kalmado kitang kita ang sakit na nararamdaman nya. Lumapit ako agad hinawakana ng paa nya.

“saan ang sakit? Sa laman o buto?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nung hinarap nya ako ng tingin parang gulat na gulat at hindi makapag salita ang mokong!

“huy! Ano sagot?” bigla naman syang natauhan sa sinabi ko.

“ah eh.. sa laman ata!” parang alanganin nyang sagot.

“tiisin mo ha? Ipupush ko! Baka pinulikat ka lang!” dahan dahan kong pinush ang paa nya kitang kita sa muka nya ang sakit na nadarama habang tinutulak ko ang paa nya paharap sa kanya.

“may may telang bandage ba kayo? yung mahaba ha!” tanong ko sa isa nilang ka team, agad namang inabot sakin. Agad ko namang binandana ang paa nya buti nalang nung high school ay sumali ako sa isang FIRST AID tranning at alam ko ang mga ganto. Hinigpitan ko ang pag bandana dito. Pinainom ko din sya ng isang bote ng gatorade.

“kamusta pakiramdam?”

“ok na ok na! eh ikaw ba naman gumamot eh!” sabay ngiti sakin.

“balak ko nga putulin na eh!” sabay irap ko sa kanya at tingin sa play ng basketball. Ng nagulat ako biglang tumayo at tumalon talon at kinausap ang coach nila. Sunod na narinig ko ay tumunog ang ring at nakipag sub sya sa isang kateam nila hiyawan naman ang mga tao at lalong lalo na ang cheering squad nila ang iba parang gustong mag lumpasay sa sahig sa ka OAyan! Bagu tumungo sa play ay palihim pang lumingon sakin at kinindatan ako ng LOKO! Gago talaga! May paganun ganun pang nalalaman? Pero IMPERNEZ super kilig ang lola nyo! Ahahahaha! Parang nakita ata ng mga cheerinig squad ang ginawa ni louie at paran halos lamunin ako sa mga tingin kulang nalang lapitan ako at kalbuhin ang buhok ko gamit lang mga kamay nila!

Tuloy ulit ang game.. ngayon isa nalnag ang abante ng kabilang team! 1 minute left! Sobrang tense ang laban! Lagi tumatawag ng time out ang bawat team.. since andun ako banda sa malapit sa team nila louie pag nag tatime out at kinakausap sila ni coach nila palihim na tumitingin sakin si louie na pag nahuhuli naman nya akong tumitingin ay agad ko binabaling ang tingin sa iba. Balik ulit sa game! Halos 30 seconds nalang at ganun parin 1 puntos ang lamang ng kabilang team.. 20 seconds! 15 seconds! Hangang! 10 seconds nalang at si louie may hawak ng bola! At tatlo tatlo ang bantay! Kaloka!! Feeling ko gusto ko din sumigaw at maki cheer sa cheering squad!

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3 seconds..

SHOOT ang bola sa ring! At panlo sila louie! Talunan lahat ng taga suporta ng team nila louie lahat ng ato pumunta sa ginta ng court ganun din ang lahat ng kateam ni louie. Ako nalang ata mag-isa naiwan sa bandang gilid kung saan ako nakatayo. Ang saya ng lahat! Bukod sa natalong team.. binuhat nila si louie at inikot sa buong court. Habnag ganun ang eksena pinili ko ng umalis at umuwi na. masaya kahit papano nakatulong ako. habang nag lalakad ako pauwi nagulat nalang ako ng may ilang kababaihan at KABAKLAAN ang humarang sakin.

“hoy! Mahaderang, eksenadorang, mukang palakang, splakang bakla! Anong eksena mo kanina ha?” laking gulat ko naman sa sinabi nyang iyon parang gusto kong matawa eh sya itong mukang palaka!

“ang alin ba?”

“ay!! Kabog ito teh!! Kunwari wiz knows!!” sabi pa ng isang bakla!

“yung eksena mong charity epek kanina nung napilayan si fafa louie ha?!!” pag tataray nya.

“ah yun ba? I’m just trying to help..” sabay nung tipong aalis na at hinawakan ako sa braso ko para bumalik saking kinatatayuan.

“hoy! Wag mo kameng ma english englishin ha! Kala mo hindi ka namin maiintindihan ha!!?”

“ano teh? Jumbagin na natin itechiwa?” napa atras naman ako nung narinig ko ang sinabi nyang iyon kahit gusto ko lumaban eh ang dami kaya nila lugi ako.

Palapit sila ng palapit, paatras na naman ako ng paatras. Hangang sa ding ding nalang ang naramdaman ko sa aking likuran at hindi na ako maka atras at napapalibutan na ako. tinakpan ko nalang ng bag ko ang muka ko upang kung mabugbog man ako hindi gaanong mapuruhan ang muka ko. Ng bigla may nag salita sa likuran nila.

“wag nyo sya saktan kundi sakin kayo mapupuruhan!” sigaw mula sa likod nila na nagawang mapukaw ang atensyon nila at mapalingon.

“ay! Fafa louie!” sigaw ng isang bakla.

“tabe!” sabay hawi ni louie sa mga bakla at babae na nakapalibot sakin.

“sa sususnod na gawin nyo to sa kanya hindi ko na kayo papayagan na mag cheer sa team namin!” galit na sabi ni louie.

“ah.. eh.. ito kasi eh!” sabay sisi nung isang bakla sa babae.

“ano?!” sabi ni louie na galit parin.

“ah oo fafa louie hindi na..”

“mag sorry kayo sa kanya!”

“ui sorry teh ha!” sabi ng isa.. sumunod naman ang iba. At isa isa naman silang umalis na parang nakatago ang buntot paharap.

“ok ka lang?” sabay baling nya sakin.

“ok lang..”

“hindi ka naman nila sinaktan?”

“ hindi naman..” ewan ko ba! Umiral na naman ang kaartehan ko at iyon naiiyak na naman ako.. feeling ko kasi talagang mabubugbog na ako ng oras na iyon pag hindi pa sya dumating sirana sana ang kagandahan ko ngayon!

“oh! Bat umiiyak ka? Yung totoo sinaktan ka nila noh? Babalikan ko mga yun!” sabay hawak nya sa panga ko para tingan ang muka ko kung umiiyak ba talaga.

“wala nga kasi..” pag mamaktol ko sabay buhos ng luha sa mata ko.

“oh?bat ka umiiyak?”

“eh kasi!!! Kalako mabubugbog na talaga ako kung hindi ka pa dumating..” sabay takip ko ng muka ko kasi talagang bumuhos na ang luha sa mata ko. Niyakap nalang nya ako at dun ko pinagpatuloy ang pag iyak.

“sorry.. tama na.. wag na iyak.. alam mo namang ayaw kong umiiyak ka eh! Yaan mo hindi ka na ulit masasaktan ng mga yun kahit sino dito! Kahit saan basta andito ako! tama na..”

Kinalas ko ang sarili ko sa pagkayakap nya sakin dahil may ibang mga taong nakamasid ang mga mata saming dalawa.

“salamat.. uuwi na ako.”sabay pahid ko sa muka ko.

“hatid na kita..”pag alok nya.

“wag na! malapit nalang man din..” pero hindi sya nakinig sumunod parin sya ng lakad sakin, hindi ko na din sinaway alam ko namang kahit sawayin ko sya hindi makikinig iyon. Nasa may bandang likod ko sya habang nag lalakad kameng dalawa.. tahimik, walang nag sasalita. Hangang sa makarating kame sa bahay.

“salamat..”sabi ko, hindi naman ako makatingin sa mata nya.

“ako nga dapat mag pasalamat eh!” sabi nya.

“para san?”

“sa pag resque sakin! Kung hindi mo ako tinulungan kanina eh marahil nakabangko lang ako kanina at hindi kame nanalo. Gusto ka nga sana pasalamatan ni coach ng personal kaso hindi na kita nakita matapos ng game.”

“ah yun ba? Wala yun! Concern citezen lang.” Para kameng mga estranghero sa pag-uusap namin. Yung bagong bago lang nag kakilala at nag kakapaan ng mga ugali.

“concern? So concern ka sakin?” pag-ulit nya.

“kahit sino naman sa team nyo ang may kailangan ng tulong ko ay tutulungan ko eh, sige aakyat na ko at pagod ako sa practice.”

“ah sige sige.. salamat ulit.” Nung tipong isasara ko na ang pinto bigla sya may pahabol na sasabihin.

“ah andy teka!”

“oh?”

“ahmmm.. sige di bale nalang.” Binalingan ko na lamang sya ng isang ngiting pilit. Ng naisara ko na ang pinto sinilip ko sya sa bintana habang nag lalakad pabalik sa kanila, pakamot kamot pa ng ulo habang nag lalakad yung tipong may gusto talaga syang sabihin kaso napangunahan ng hiya. Napangiti nalang ako at tinungo ang kwarto at lakda agad sa kama.

Habang naka tihaya ako sa kama at nakatingala sa dingding, iniisip ko ang eksena namin sa court kung saan nilalagayan ko sya ng bandana sa paa kasi habang ginagawa ko iyon pansin ko nakatingin lang sya sakin yung tipong walang sakit na iniinda sa paa. Nung napalingon ako sa kanya hindi parin sya natinag at talagang titig na titig tila may sinasabi ang mga mata nya sakin na hindi ko lang mawari kung ano iyon. Tinungo ko na ang cr upang mag punas ng katawan at deretso tulog na din ako marahil sa sobrang pagod sa practice hindi ko na nagawang mag muni muni pa, ganun kasi ako aabutin ako minsan ng 1-2 oras bago makatulog lalo na nitong nag daang araw.

Kinabukasan matapos ang practice namin sa banda. Deretso ako agad ng simbahan dahil lingo noon. Mga 7pm huling misa sa simbahan samin. At ang kina-uurat ko ay hindi mapakali ang mata ko sa kaka-ikot nito, tinatanaw ko si louie kung nag simba ba o hindi. Tuloy hindi ako masyadong nakikinig sa misa. Maya maya nung tangapan ng na Ostya hindi ako pimila sa may pari mismo dahil pag kame ni louie ang nag sisimba gusto nya dun kame mismo pipila sa pari at tumangap ng Ostya. Sinadsya ko yun para makita kung nag simba nga sya o hindi. At iyon nga nakita ko sya ng pumila sa linya ni father at sya lang mag-isa hindi ata kasama ang girlfriend nya. Naka black jacket sya noon dahil tag-ulan ng mga oras na iyon at may kalamigan, ako man ay nilalamig din. Napag isip-isip ko lang bakit kaya hindi nya kasama gf nya? Hmmmm.. anyway.. ok na ako kaya hindi na umikot ikot pa ang mata ko kung saan saan dahil alam ko na san sya naka pwesto.

Matapos ang misa agad agad akong lumabas para hindi ko sya makasabay ng paglalakad pauwi. Nung nasa labasan na ako laking gulat ko nung narinig kong tinawag nya ang pangalan ko, balak ko nga sana hindi na lumingon at kunwari hindi ko narinig eh nagawang mag lingonan ng mga kasabay ko sa pag lalakad imposible naman na ako hindi ko narinig.

“ANDY!!!” sigaw nya ulit. Wala na akong nagawa kundi ang lumingon.

“oh?”

“ah.. eh wala lang.. sabay na tayo pauwi? Ok lang ba?” alanganin nyang tanong. Tinignan ko lang sya, “nangangasar lang ba ito? Parang wala kameng pinag usapan ha!” sa isip ko lang.

“oh sige, ayaw mo ata eh.”

“halika na!” sabi ko Nung tipong aalis na sya. Gulat ako sa reaksyon! Kala mo naka inom ng energy drink at biglang sumigla ang LOLO mo! Abot tenga ang ngiti! Parang gusto ko nga tumawa eh kaso baka naman sabihin nya FEELING CLOSE ako sa kanya! Well.. yun nga nag lakad kame ng sabay pero hindi ako nag sasalita. Nung napa daan kame sa GOTOHAN kung san kame madalas kumain ng Lomy ay medyo kinabahan ako dahil baka yayain ako nito, at yun nga nag yaya!

“andy? Lomy tayo? Sagot ko?”

“ah.. salamat nalang.. kumain na ako sa restobar kanina bago umalis busog ako, baka ikaw gusto mo antayin nalang kita.”

“ah hindi na rin baka sakali lang, busog din naman ako.” “bakasakali lang na ano? Ahahahah na pumayag ako? EXCUSE ME MATAAS PRIDE KO at pwede ba?” Sa isip isip ko lang! Ahahaha

“ui! Aweng! Hindi na kayo kumakain dito ah! May iba na kayong kinakainan noh?” sabi ni nong tindedro.

“ay wala po kuya! Kayo lang po suki namin.. sunod nalang po.”

“ah sige sige..”

“oo nga noh? Tagal na din nating hindi kumakain don hehehe.” Pag basag nya sa katahimikan namin, pero hindi ako naimik.

“ahmm musta nga pala practice nyo?” pangungulit nya ulit.

“ok naman.” Yun ang huli kong sinabi hindi naman sya nag salita pa ulit marahil naramdaman na nyang ayaw kong makipag-usap. Ng malapit na kame sa bahay ko bigla ulit syang nag salita.

“ahmmm andy.. uuwi pala ako bukas ng probinsya baka matagalan ako duon.” Malungkot nyang sabi. Parang nauntog naman ako at nagising saking kaartehan ng sinabi nyang MATATAGALAN gusto ko sanang tanungin kung gano katagal! 1week? 1 month? 1 year? Ano??!! Pero wala akong lakas ng loob para tanungin iyon sa halip nagkunwari paring walang pakeelam.

“ah ganun ba? Sige happy trip.. dito na ko dadaan.” Sabay lihis ko ng daan at naiwan syang nakatayo doon, ramdam ko an lungkot na dala nya sa damdamin nya. Gusto ko syang yakapin bago man lang sya makaalis! gusto ko sabihin na miss na miss ko na sya! Pero wala! Kinakain parin ako ng EGO ko na sinasabing TAMANG SAKTAN MO SARILI MO NA LUMALAYO SA KANYA KESA PATAYIN ANG SARILI MO NA KATABI SYA..

ITUTULOY..

16 comments:

  1. Ang bigat nga story...
    Nice! ang galing po ng author...

    Saan na c Kim?
    'Bat d nlng kc magaminan...
    hehehe...

    Next na po!

    -Mars

    ReplyDelete
  2. This is the hard way of letting go. Ganito din ginawa ko sa bestfriend ko nung may nararamdaman na ako sa kanya. I regret it, sobra. Sana happy ending pa rin

    ReplyDelete
  3. hello...ty ha,,,medyo mabilis update ngayon ,,,sana yng susunod agad,,,hehehe sensya ha excited ako lagi sa next chapter,,,more power to you dear author...

    ReplyDelete
  4. T.T no comment muna,,,next chapter na po please..... T.T :'(

    ReplyDelete
  5. wow ang gwapo namn ni louie sa pix, gwapo din c joner, nakakatuwa gwapo silang tatlo . . . hahah... paganda ng paganda ang storie, keep it up

    ReplyDelete
  6. CUTE NI JONER TALAGA!!!!!!!!....JON_DY NALANG!!...xD



    ok rin si fafa louie..xD kaso mas gusto ko si joner.... ^^,


    sana may part na maging sila ni joner tas si louie pilit niyang aagawin si andy...xD


    hahahhaa...sa part na iyon,,,,parang nakalimutan na ni andy si louie....ung parang na amnesia,,ung mga ganun ba...hahahahhaha,,,,, ^^




    sana iconsider niyo po...sana lang po.... ^^




    pero nice na po ung story nakakakilig sobra!!!



    next update na po... ^^,

    ReplyDelete
  7. As usual,BITIN nanaman.Hahaha.
    Eto na,nararamdaman ko na ang pagmamahalan ng dlawa!Go Gelo!Next Chapter na agad.Hahaha.

    -Oys

    ReplyDelete
  8. Nice! Bilis mag update ni author...


    Sana mag tuloy tuloy ung mabilisang pag update nya, ganito kc ung mga sumusubaybay sayo, masyado ng demanding sa gawa mo kc ang ganda ng story, very real ung mga emotions, hindi prang gawa gawa lang.

    Good Work Gelo :)

    ReplyDelete
  9. galing naman hehehe..thumbs up...ang gwapo ni andy hahaha..mabigat ang part na ito parang mahuhulog ang puso ko..habang nagbabasa ako ay bigla naman tumugtog ang BAKIT NGA BA MAHAL KITA...hahays..

    ReplyDelete
  10. hayzz!!!! bitinnn talaga!!! hehe....ang hrap namn ng sitwasyon nila,,,,hayzz!!!!! #1 ang chapter na toh para sakin hehe !! ^^


    eortiz

    ReplyDelete
  11. galing mo talaga mr author... na move nanaman ako sa pagkakagawa mo ng chapter na to... mejo masakit sa dibdib ang chapter na to eh ganito din kasi ako mas minabuti ko na lumayo kahit masakit kesa mamatay ako sa kakatabi sa kanya....

    very real...

    ReplyDelete
  12. wow super love it.kinilig an ako subra

    complete n araw ko.

    sa uulitin.heeh

    can't wait for the next story


    carl_ib2001

    ReplyDelete
  13. Nice lalong gumaganda ang kwento nito kaya lagi ko inaabangan ito sana always syang mapost ang continuation thanks! thanks!

    "-royvan24-"

    ReplyDelete
  14. nakakainlove talaga ang story na ito... next chapter plz.... author ang galing mo... congrats!!!!

    Jasper Paulito

    ReplyDelete
  15. I read from the beginning to this part para ang comment, super!!! ;D

    I must say, magaling ang pagsasalarawan mo sa mga characters ng kwento. It makes us feel na parang kami ang character, whichever we may feel to play with.

    At yung mga medical terms ay precise mong nilahad. Matanong ko lang, nursing student ka bang talaga, at kahit papano ay may bahid ng katotohanan itong kwento mo?

    Just curious. ;)

    Aabangan ko pa ang mga sususnod na chapters nito ah. :D

    -Andrew Johnson

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails