Followers

Sunday, May 1, 2011

Unexpected Love Chapter 17



Guys heto na po ang UeL 17... salamat sa nag participate sa request ko about sa teaser ng UeL 17...
na si
Jaceph Elric
Gabriel
Rinkushirukito (Aka MJ)

sa mga walang sawang nag bibigay ng commetns nila...
Jaceph Elric
JAR
Dady Chack
R3B3L^+ion
at Lester

kay
Kuya jayson Patalinghug
sa pag modify ng aking Blogsite at pag invite saakin para maging part ng LOL.. salamat din po...

maraming maraming salamat po....

-3rd-
___________________________________________
_________________________________________________

Di ko alam kung papanu ko haharapin si dady kabado ako at ipinakita ko kay Jom ang text na iyon ni manang at kita ko sa mga ekspresyon ng kanyang mukha na ang galit at inis, pilit kong pinakalma si Jom nang lumapit sa akin sina Anton, Aelvin at si Insan..

Anton: Oy tol anu nangyari sayo bat parang balisa ka?

Ako: kasi.. anu kasi ehhh... ahmmm..

Aelvin: huwag mong sabihin, nag away agad kayong dalawa..

Ako: hindi kami nag away, may nangyari kasi sa bahay at damay kami...

Joana: anu?! Panu kayo nadamay insan?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko saka ipinabasa ko sa kanila ang text ni manang. Bakas sa mukha nila Anton at Aelvin ang pagtataka samantalang pagkainis naman ang makikita sa mukha ni Joana.

Ako: ngayon alam niyo na kung anu problema namin? Anu ba kaya ayaw kong pumasok sa ganitong relasyon kasi alam kong magulo at maraming tutol

Jom: so anu gusto mo itigil na lang natin to?

Ako: hindi ko sinabi yan Jom, ang saakin lang noon ay ayaw ko kasi alam kong ganito ang pwedeng manyari sa atin pero ngayon iba na, alam mong mahal kita diba?

Jom: Jam sorry kung naiipit ka na sa gulong ito, maging ako ay di ko inaasahan na ganito pala kagulo ang kahahantungan natin.

Anton: tol... hello anu silbi naming mga barkada ninyo kung di namin kayo tutulungan?

Ako: salamat tol pero ayaw na naming pati kayo ay madamay sa gulong ito..

Aelvin: Jam.. Tol... alalahanin mo kami ang naging tulay para tuluyang mag ka aminan kayo ni Jom, kaya suma tutal ay halos kami narin ang may nag simula ng gulo, pero maiba ang usapan natin pwede ba naming malaman kung sino yang bisita mong si Jefferey na yan at nakikisawsaw sa gulo?

Nagtinginan na lang kaming tatlo ni la Joana at Jom na parang naguusap kung sasabihin ba namin kina anton at aelvin ang bawat detalye, pero bago pa man ako maka pagsalita ay inunahan na ako ni Jom..

Jom: kakambal ko mga tol..

Anton: Whow... seariously tol evil twin brother?

Jom: Tol pwera biro seryoso ako.

Aelvin: wait ang gulo eh, tol akala ko ba eh only child ka?

Jom: iyon nga din ang akala ko, hanggang sa makita ko siya kaninang umaga kina Jam at nakita ko itong larawang ito sa files ni momy..

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iniabot niya kina anton at aelvin ang picture na kung saan ay makikita si tita anabeth karga karga ang dalawang baby.

Aelvin: Kung may kakabal ka panu ka niya natunton dito at panu niya nakilala si Jam?

Ako: nalala niyo noong nag absent ako ng 2 linggo? Doon ko nakilala si Jeffrey sa tagaytay sa isang simabahan, agad napalapit ang loob ko sa kanya kasi si Jom ang nakikita ko kahit na gusto ko noong kalimutan si Jom ay di ko nagagawa dahil kay Jeffrey ang buong akala ko ay hanggang kaibigan lang ang pagtingin niya sa akin hanggang sa araw ng pag alis ko sa simbahan.

Anton: anu may nangyari sa inyo?

Ako: ulol wala... pero ninakawan niya ako ng halik sa loob ng taxi...

Jom: bakit naman hanggang taxi ay kasama mo xa?

Ako: eh kasi nag pumilit na sumama at isa pa pinayagan naman daw siya ni father na iahtid ako, pero hanggang sa may janto lang iyon ng bahay namin dahil agad akong bumaba, pero di ko inaasahang sumunod pala siya at doon siya nakilala nila momy na napagkamalan pang si Jom. Pagkatapos noon ay nagusapusap sila sa loob at ako naman ay nagpahangin sa labas, pero di ko alam na may inalok pala sa kanya si dady. Tapos kaninalang umaga nang hinatid ako ni Jom sa bahay ay di ko inaasahang magkikita sila at nakalimutan ko rin naman kasi ang tungkol kay Jeffrey..

Joana: Insan naman... anu ba sobra ba kalasingan mo at nakalimutan mo na di pwedeng malaman ni Jom ang tungkol kay Jeffrey?

Jom: Joana... sorry ako may kasalanan... kung di lang kasi sa nangyari kagabi siguro ay di nakalimutan ng pinsan mo...

Aelvin: What the?!! Anung ibig mong sabihing sa nangyari kagabi?

Anton: tol wag mong sabihing nag... anu kayo?

Tinitigan ko nalang si Jom mejo naiinis ako kasi sa kanyang sinabi.. di ko alam kung papanu nanaman sasagutin sila sa bagong nalaman niya na ginawa sa akin ni Jeffrey..

Jom: sorry mahal ko...

Anton, Aelvin, Joana: waaaaaa!!!!!!!!!!

Anton: wow ang bilis ah

Aelvin: nice one bro

Joana: Insan ikaw talaga di mo ako binigyan ng pasabi kayo na pala!!!!

Ako: so di niyo pala napansin kanina ang kasweetan nitong ni Jom sa akin kanina?

Anton: ako mejo, pero inisip ko nanunuyo na sayo si Jom, di ko naman akalain na kayo na pala agad..

Ako: ngayon alam niyo na... so siguro naman may idea na kayo kung anu ang gulong naghihintay sa amin ni Jom sa bahay...

Joana: naku insan... ok lan yan.. ako susuyo kay uncle at auntie ok....

Di na namin pa pinatagal ang usapan at nag pasya kaming mag siuwian na, si Anton at Aelvin ay umuwi na samantalang si insan naman at si Jom ay sumama sa akin sa bahay para sabay sabay naming harapin ang gulong ginawa ni Jeffrey...

Pag lapit namin sa bahay ay agad na binuksan ni manang ang pinto at nagulat kami nang makita naming si nakaupo na lang sina momy sa may dinning area samantalang si Jeffrey naman ay nakaupo din sa may gilid kainan at napansin kong putok ang labi nito.

Ako: momy!! Anu nanyari dito?

Momy ni Jam: kasi yang si Jeffrey sinabihan si Dady mo nang kung anu anu... pinagsasabi niyang mahal ka daw niya at nanghihingi siya ng permiso sa dady mo na ligawan ka... tapos sinabi pa niya na boyfriend mo daw si itong si Jom... at kung anu anu pang sinabi niya kaya hayun nandilim ang paningin ni dady mo at biglang nasapak ng dady mo...

Dady ni Jam: anu totoo ba ang sinasabi nitong lalaking ito? Na gusto ka niyang ligawan at ang isa sa dahilan kaya ka niya hinatid sa atin sa doon sa tagaytay ay dahil manliligaw na sana siya sayo?

Di ko alam ang isasagot ko sa mga oras na iyon, parang gusto kong mag sinungaling sa mga oras na iyon at depensahan ang sarili ko at para na rin maipamukha ko kay Jeffrey na kahit anung gawin niya ay di ko siya gusto, pero di ko magawa

Ako: ma....pa.... ang totoo niyan.... kasi......

Jom: tama ang sinabi niya tito... boyfriend ko si Jam....

Nanlaki ang mga mata ni dady at bakas ang galit.. dalidaling tumayo si dady at bigalng binigyan si Jom ng isang suntok...

Jom: Hoy!!!! Lalaki... pakatatandaan mo Lalaki ang anak ko!!! At di ako papayag diyan sa kahibangan ninyong iyan... kaya ngayon palang itigil niyo na iyan!!!!

Isa pang suntok ang binitawan ni dady pero sa halip na sa mukah ulit ito ni Jom dumapo ay hinarang ko ito kaya ako ang tinamaan...

Ako: dady!!! Pwede ba!!! Makinig ka muna!!!!

Dady ni Jam: makinig saan!? Sa kasinuganlingan ng lalaking ito?! Hoy Jom naturing ka pa namang kaibigan ng anak ko at syota ng pamangkin ko tapos ngayon sasabihin mong ang anak ko ang nobyo mo? anu ka bakla?

Joana: uncle! Makinig ka!

Pare pareho kaming natamihik sa ginawa ni Joana... di naming lahat akalain na kaya niyang sigawan si dady...

Joana: tama ang sinasabi ni Jom... at alam ko ang lahat....

Dady ni Jam: mga walang utang na loob!!!!

Aktong sasapakin na sana ni dady si Joana nang nakita naming pinigilan siya ni Jeffrey...

Jeffrey: mawalang galang na ho... ok lang po sana sa akin na ako ang saktan ninyo... pero ang saktan niyo pa ang anak ninyo pati na ang pamakin ninyo ay di na po ako makakapayag niyan...

Dady ni Jam: at sinong nagbigay sayo ng pahitulot na umalis sa kintatayuan mo? Haypo ka!!!

Ako: Dady!!! Tama na!!!!!

Natigilan silang lahat dali dali kong inabot din ang kamay ni dady dahil sa pagbabalingan nanaman niya ng galit si Jeffrey. Di ko alam kung bakit ko iyon nagawa samantalang alam kong nararapat lang iyon sa kanya...

Ako: dady..please let us explain... momy please....

Di na nakasagot pa sina momy at dady at tiningnan ko sila si dady ay puno parin ng galit ang kanyang mga mata samantang si momy naman ay nakatulalang umiiyak...

Ako: dady.. alam ko po kung anu ako... noon at ayaw pilit kong iwinawaksi at itinatanggi sa sarili ko iyon... pero ngayon dad tanggap ko na... kaya sana naman po matanggap ninyo ako kung anu talaga ako at sana supportahan niyo na lang ako kung saan ako masaya...(sabay tulo ng mga luha ko)

Momy ni Jam: Jam.... huwag kang magsalita ng ganyan... nalilito ka lang.... anak.... alalahanin mo..... lalaki ka..... at di pwede yang relasyon ninyo ni Jom....

Wala paring tigil si momy ng kakaiyak, ramdam kong naawa na rin si momy sa akin at alam kong gusto lang niyang maliwanagan ako...

Momy ni Jam: anak... pag isipan mo muna yang pinapasok mo... alalahanin mo... pwedeng ikasira ng pangalan natin yang gagawin mo...

Ako: momy... sorry po... pero ganito po ako eh... at kahit bugbugin ninyo ako... kahit bitayin ninyo ako ng patiwarik.... kahit patayin po ninyo ako ngayon din..... eh wala na pong mababago kasi ako ito... ang pakiusap ko lang po eh sana maging masaya kayo para sa akin..

Di na naka imik pa si momy at isang galit na bulyaw ni dady ang narinig naming lahat...

Dady ni Jam: Hayop ka!!!!(sabay suntok sa aking tiyan) lumayas ka!!!!! wala akong anak na salot!!!! LAYAS!!!!! Huwag ka nang magpapakita pa sa amin dahil mula ngayon!!!.... wala na!!! wala na kaming anak!!!! Hindi ka na isang Del Rosario!!!!!

Momy ni Jam: Anton... huwag ka namang padalos dalos.... di ko na kaya ang mawalan pa ng anak......

Anton Del Rosario(dady ni Jam): Tumigil ka Ana!! Dahil ikinahihiya ko ang makaroon ng anak na... BAKLA!!!!! At ikaw Joana.... isusumbong kita sa dady mo!!!! makikita mo!!!

Ako: dady... please....

Anton Del Rosario: LECHE!!!Luamayas ka!!!! dahil kung hindi ka aalis ay ako mismo ang papatay sayo dito sa harap ng asawa ko!!!

Lumapit na lang sa akin si momy kahit na mangiyak-iyak at saka sinabihan ako

Ana Del Rosario(momy ni Jam): Anak.... please.... umalis ka na....please....

Di na nakakaimik pa sina Jom, Jeffrey at Joana... maging ako ay mangiyak iyak na rin dahil ito ang unang beses na nakita ko si dady na nagalit ng sobra sobra... ayaw ko mang umalis ay pili akong ipinagtabuyan ni mimy para na rin sa sarili kong kaligtasan... di ko magawang sisihin si Jom dahil alam ko kung hindi ako pumayag sa gusto niya ay alam kong hindi ito mangyayari pero hindi mapapanatag ang loob ko... kahit na malungkot ako dahil sa pag takwil sa akin ni dady ay masaya parin ako dahil alam ko ginawa ko ang tama at wala akong ibang taong inapakan para makapiling ko ang taong mahal ko....

Mangiyak iyak akong umakyat sa aking kwarto para kumuha ng ilang gamit ko at isa-isa itong inilagay ko sa aking bag. Pagkababa ko ay agad akong lumabas ng bahay si dady na lang ang nadatnan ko sa may dinning area. Pag labas ko ay doon ko ulit na kita si momy..

Ana Del Rosario: Anak.. please... give your dady some time to absorb everything... nabigla lang ang dady mo...

Ako: sige po momy... aalis po muna ako... pero momy... panu po ang pag aaral ko.. malapit na ang finals eh....

Ana: huwag kang mag alala.. ako bahala doon anak, makakpasok ka parin... paktandaan mo.. kahit anu ka pa... mahal kita.. anak kita eh.... pero kailangan muna nating maghiwalay ngayon... heto oh kunin mo... sige na...

Ayaw ko magn umalis ay wala na akong magagawa para rin sa sarili kong kaligtasan, iniabot din sa akin ni momy ang isang makapal na sobre, alam ko nang pera ang laman noon at ibinigay niya iyon sa akin para sa aking pag layo. Di ko pa ngayon alam kung saan ako pupunta si insan naman ay mangiak inyak parin dahil sa bantang binitiwan ni dady. Si Jeffrey naman ay di rin alam kung saan na siya tutuloy, lalo na si dady pala ang inaasahan niya. Nagmagandalng loob na si Jom na doon na muna ako sa kanila mag stay, parang ayaw ko pero wala naman akong magagawa lalo na wala akong ibang lugar na matutuluyan.

Jom: Jam... kung gusro mo pwede ka naman mag stay sa bahay..

Ana: Sige na anak... doon ka na muna...

Ako: sige po momy.. salamat po...

Ayaw ko mang gawin ay naawa na rin ako kay Jeffrey kaya inaya ko na rin siyang sumama na saamin papunta kina Jom, para kahit papanu ay makilala na niya ang kanyang momy kahit na di pa talaga namin alam kung siya nga ang kakambal ni Jom..

Pagdating na pagdating namin sa bahay nila Jom ay agad kaming sinalubong ni tita Anabeth..

Anabeth: Oh Jom.. anak.. bat ngayon lang kayo... (nakatalikod pa ito)

Jom: dumaan pa po kami kina Jam saglit momy eh..

Anabeth: ganun ba.. sige... kumain ka na ba?

Jom: hindi pa po.. momy...

Anabeth: anu yun anak?(sabay harap) Anak anu nangyari sayo?

Jom: wala po ito.. pwede po bang dumito na muna si Jam...

Anabeth: sige.. pwede..pwede... pero anu nga ang nayari bakit pareho kayong may pasa at putok ang labi? Nag suntukan ba kayong magnobyo?

Jom: di po...kasi po... si Jam... eh....

Anabeth: eh anu?

Ako: pinalayas po ako sa amin tita.... itinakwil po ako ni dady....

Anabeth: bakit daw?

Ako: kasi po tita.. nalaman na ni dady ang tungkol sa amin ni Jom... at ayun.. pinalayas niya ako... kung di daw ako aalis ay papatyin niya ako sa harap mismo ni momy...

Jom: kaya nga po, kung pwede dito na muna siya hanggang sa kumalma na si Tito Anton at makauwi na itong si Jam sa kanila..

Patuloy kami sa pag uusap kay di namin napansin na andun si Jeffrey sa labas ng bahay nakaupo lang sa kanto at tulala.. siguro ay nagiisip o kay naman ay nagsisisi sa kanyang ginawa...

Anabeth: sige.. sige.. pwede ka dito.. anak na rin kita eh... teka papanu ba nalaman ng dady mo Jam?

Nagtinginan na lang kami ni Jom di namin alam kung sasabihin na namin sa kanya ang tunkol kay Jeffrey... sa titig naming parang nangungusap ay doon namin napagkasunduang sabihin na kay tita ang lahat..

Jom: si Jeffrey po ma.... siya po ang nag sabi sa dady ni Jam..

Anabeth: sino ba yan?

Ako: yung kakamabal po ni Jom tita ang nawawala niyo pong anak...

Natulala si Tita sa kanyang narinig at dali daling hinanap si Jeffrey...

Anabeth: asan siya ngayon? Gusto ko siyang makita...

Ako: andito po tita... andito lang siya sa likod kasama namin...

Pero pag lingon ko ay wala na kaming Jeffrey na nakita di namin alam kung saan siya nagpunta, nangangamba kami kasi wala ngang alam iyon dito kaya agad ko siyang tinawagan para tanungin..

Ako: Hello Jeffrey...

Kabilang linya...

Ako: Jeffrey... bakit ka naman umalis...

Kabilang linya...

Pinindot ko ang loudspeaker para marinig ni tita ang sinasabi ni Jeffrey...

Ako: Jeffrey.. bakit nga ayaw mong manatili dito kina Jom...

Jeffrey: Sorry tol, pero ayaw ko na talgang manatili pa muna jan... sorry din kung dahil sa akin ay nasaktan ka.. sana maging masaya kayo ni Jom..

Anabeth: Anak!!! Bumalik ka!!! please!!!

Jeffrey: Sino yun?

Ako: Momy mo Jeffrey...

Jeffrey: Jam alam mong wala na akong momy simula pagkabata, kaya anung pinagsasabi mo??

Ako: Jeffrey... mahirap ipaliwanag dito.. kaya sana bumalik ka na... please... kung gusto mo maging masaya ako... please bumalik ka...

Di na naka imik pa si Jeffrey... at ilang pinatay na ang kabilang linya..maya maya pa ay nakita ko na siya mula sa malayo, parang biglang lumiwanag ang aking pakiramdam sa oras na iyon.. pati si tita anabeth ay di magkandamayaw ang nang makita niya si Jeffrey.. agad niya itong sinalubong ng isang yakap at saka hinalikan sa pisngi tanda ng talagang nangungulila siya sa kanyang anak...

Siguro di namin pa sigurado kung siya nga ang kakambal ni Jom pero halata sa galaw ni Tita na alam niyang si Jeffrey ang nawawala niyang anak..

Kahit na naging masaya ang mga oras na iyon ay di parin mawala sa isip ko kung anu na ang mangyayari sa akin ngayon. Sabay sabay kaming kuamin ng hapunan nang gabing iyon pero di parin talaga ako mapakali hanggang sa pag akyat namin sa kwarto.. natural sa kwarto ni Jom ako natulog at si Jeffrey naman ay sa guest room natulog.

Jom: mahal ko....

Ako: Jom tigilan mo muna ako at marami akong iniisip..

Jom: mahal naman...

Ako: Jom...

Jom: anu yun?

Isang halik lang binigay ko sabay sabi

Ako: i love you... salamat sa pag depensa mo kanina sa akin ha...

Jom: i love you too mahal ko...

Pagkatapos ay natulog kami ng may ngiti sa aming labi kahit na alam naming ang gulong iyon ay nagsisimula pa lang...

Itutuloy...

7 comments:

  1. niCE,,, hehe..grabe naman ang papa ni jam ..

    hehehhehe..

    sweet naman nila kahit may problema cla...

    nicE oNe,, galing mo tlga kuya,, :)

    _lester_

    ReplyDelete
  2. Grabe!!
    Hindi ko kinaya ang eksena!!
    Lalo na yung daddy ni Jam, grabe dinaig pa ang dragon.. Ultimong si Joana sasapakin din!!
    Haaayyy...
    Kawawa naman si Jam at Jom.. Pero mas nakakaawa si Jam.. Ano kaya mangyayari next?? di ko ma-predict.. Pero sa nakikita ko, since mayaman yung family ni Jam, kawawa sila Jom baka pag-initan sila..
    Haaayyy...

    ReplyDelete
  3. the drama... so sweet... the daddy anton... so brute... the mommy.. so naloka.. the anabeth.. so complete.. the jeffery... so competitor... the jam... so busted... the jom... so happy.. the joana... so lonely... :-D i love it 3rd.. i love it!!

    ReplyDelete
  4. (i almost forgot) the paul... so available for jeffery.... :-D

    ReplyDelete
  5. blue... ang tanong gusto ba ni jeffrey hehe

    ReplyDelete
  6. nice one.... salamat ha... may paring agad... hahahahaha

    Jeffy ikaw naman mag update ng sayo dali... :D

    ReplyDelete
  7. nice! hehehhe...

    parang new year lang... daming pumutok! heheheh labi nga lang hehehhe...
    maganda po!

    -mars..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails