Followers

Friday, May 6, 2011

Musmos - Part 19

by: blue42784
Salamat sa masugid niyong pagcomment at pagsubaybay!
Big thanks to Kuya Mike Juha for the inspiraton & opportunity at mga fellow MSOB & Solid MSOB fans/authors.
Siyempre, hindi ko sila makakalimutan:
  * Raffy & Justin David
 * athann19, Chack, James Wood, R3b3L^+ion, Ako_Si_3rd, Raffy, Jojo Pabon, mhei,Mars, xander monteverde, brylle, Yuan, Andrew Johnson, at ALMONDZ (ni Chestnutz :-D), Thor, less, at INARONAJ. _lester_. and plenty of our Anonymous commenters po.
Pavote po sa Poll kung sino sa dalawa ang mas nararapat kay Jeremy sa link na ito >>>>>> Poll Link



".. Jemimi ko... Jemimi.... I love you Jemimi ko..." ang humahagulgol na sabi ni Kevin nang siya at tumigil sa paghalik qt idinikit ang kanyang noo sa akin.
Nahabag akong lubos kay Kevin. Para akong sinasaksak sa bawat pag-iyak niya. Mahal ko si Kevin pero hindi pwedeng dalawa sila at hindi ko na siya mahal tulad ng dati. Di hamak na mas higit ma si Dexter sa kanya.
Naramdaman ko namang hinahaplos ni Dexter ang aking likod at di ko na napigilang makipag-iyakan kay Kevin. 
"Ayan.. Nag-iyakan na ang best friends.. Nalulungkot na rin ako... Tahan na bunso... Kevin tahan na..." ang sabi naman ni Dexter.
"Kuya ano ba gusto mong palabasin?.... Bakit?... Nasasaktan na si Kevin..." ang nag-aalala kong itinanong kay Dexter.
"Mahal kita bilang aming asawa ngunit hindi ko naman maipagkakait ang taong nagpakilala sa akin sa iyo na pinsan ko." ang sagot ni Dexter.
"Kevin... Alam kong mahal mo si Jeremy pero ako ang mahal niya... Sana tulungan mo ang sarili mong makabangon.." ang sabi ni Dexter.
"Masasaktan ka lang pag nakikita mo si Kevin... Tulungan mo sarili mo.." ang seryoso nang sabi ni Dexter sa kanyang pinsan.
Tumayo na ako sa kama at nagbihis upang iwanan ang dalawa. Naguguluhan ako at sa pinagawa sa akin ni Dexter kakaibang sakit ang naramdaman ko para kay Kevin nang halikan ko siya.
Nasa harap lang ako ng pintuan ng silid ni Dexter at naupo sa sulok. 
Bumukas ang pintuan at lumabas si Dexter na nakashorts na. 
"Bunso... Bumalik ka sa kuwarto please.. Tulungan natin si Kevin. "
"Kuya panong tulong ang gagawin ko sa kanya kung ako mismo ang dahilan ng problema niya?" ang sagot ko.
Biglang sumingit si Kevin kay Dexter palabas ng pintuan at hindi kami pinansin. Wala kaming nagawa kundi ang sundan lang siya ng tingin tungo sa sala. 
Nagpatuloy ang matatamis na mga sandali namin ni Dexter na umabot din ng taon. Masaya kaming laging pumapasok sa school at pumayag pareho ang mga magulang na magrent kami ng room sa mga pinaparentahan sa harap mismo ng gate one ng La Salle Dasma. 
Halos para na kaming live-in partners ni Dexter kulang na lang talaga ang kasalan ngunit hindi naman iyon legal dito sa pilipinas kaya nanatili na lang kaming kuntento sa amin kalagayan.
Hinahatid niya ako sa unang class ko dahil naging maaaga ang mga schedules na nakukuha ko at sinusundo ko naman siya sa aming dorm kapag papasok na siya pagkatapos na ang aking class or vacant ko. Pag pareho kaming vacant ay magkasama kaming tumatambay sa mga kubo sa campus at nagaaral habang naglalambingan o naghaharutan.
Pag may group projects ang bawat isa ay isinasama namin ang isa. Kung may shooting, stage play practice, video editing, radio productions ako kasama siya lagi. Madalas pa nga sa photography class siya ang model ko sa mga litrato ko. Siya naman pag may review tinutulugan ko siya sa kanyang tabi habang nag-aaral siyang maigi at ginigising na lang niya ako pag nababagot na siya sa kanyang ginagawa upang lasapin namin ang aming mga sadaling maiinit.  
Para na kaming kambal tuko ni Dexter. Hindi kami mapaglayo ng kahit ano. Ngunit may iisang bagay akong napansin na madalas kay Dexter. Ang pagsakit ng kanyang ulo at madalas niyang pag-inom ng gamot na pampawala ng sakit.

Tapos na ang school year at isang araw ay napagplanuhan naming puntahan si Kevin upang kamustahin. Hindi na kasi siya nagpaparamdam.
Nang makahinto si Dexter sa harap nila Kevin, narinig namin na nagvivideoke siya at kumakanta ng "Back To Me". Pinasok na namin ang bahay at nasa sala si Kevin na kumakantang umiiyak. Namayat siya at nawala ang lusog sa kanyang mga pisngi.
Ang bawat linya naman ni Kevin sa kanang kinakanta ay isa-isang tumama sa aking puso na parang sibat. Napakasakit at ang bigat na ng aking damdamin na sinisisi ang sarili na ganito ang mangyayari sa aking mabuting kaibigan. Wala akong magawa.
Tumabi sa kanya si Dexter ay niyakap niya ang kanyang pinsan.
"Kevin... tahan na... nahihirapan ka na masyado... dahil sa mahal kita bilang pinsan at kapatid na rin at mahal ka rin ni Jemykoy natin... hahayaan kong makasama mo siya mun palagi... at kahit anong gawin mo sa kanya okay lang sa akin..." sabay kindat ni Dexter sa akin na nagpaisip sa akin kung anong ibig niyang sabihin doon.
"Ang sa akin ay sa iyo.." ang huling sinabi ni Dexter kay Kevin na nagpatigil kay Kevin sa kanyang ginagawa. Yumakap na rin si Kevin kay Dexter at umiiyak na nagpasalamat.
"Ron... mahal natin pareho si Jeremy.... pano ba ito?... nahihirapan akong makitang kayo lang dalawa..." ang humahagulgol na sambit ni Kevin kay Dexter. 
"Ano ako? laruan niyo?" ang naiirita kong sabi sa sarili sa aking mga naririnig ngunit hinayaan ko na lang sila at si Dexter sa kanyang mga sinasabi mapatahan lang si Kevin.
Tumayo na kaming tatlo nang tumigil si Kevin sa drama niya at pumunta sa kanyang silid.
"Vinvinpot... ilang araw muna akong mawawala may aasikasuhin lang ako... ikaw na muna bahala kay Jemykoy natin.." ang sabi ni Dexter na ipinagtaka ko naman dahil hindi naman niya sa akin sinabi ang plano niya.
"Kuya masyado yatang madalian yang lakad mo hindi mo ba ako gusto isama?" ang tanong ko kay Dexter.
"Dito ka muna bunso kasi importante lang ang aking lalakarin. Medyo buwan ang bibilangin" ang sabi ni Dexter.
"Hmph... nagtatampo na ako sa iyo. Sabi mo gusto mo ako lagi makasama." ang sabi ko kay Dexter.
"Wag ka na po tampo mahal ko... please po this time lang sana unawain mo ako.." ang sabi ni Dexter. Wala na akong nasabi.
"Kevin... ikaw na bahala sa kanya ha?... Baka dumalas kasi... ayokong makita niya... ayokong masaktan siya..." ang bulong ni Dexter kay Kevin. "Teka.. nakabili ka ba at napagawa mo na ba?" ang sunog kong narinig sa kanya at tumango lang si Kevin at tinuro ang kanyang kabinet.
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa aking pagtatampo.
"Mahal kong bunso... aalis muna si kuya ha? Pero may ibibigay ako sa iyo bago ako umalis... Gusto ko ingatan mo ang mga ito ha?" ang sabi ni Dexter at tinungo niya ang tinuturo ni Kevin sa kanyang kabinet.
May isang maliit na karton at isang malaking puting teddy bear siyang hawak na aking ikinagalak nang aking makita.
Niyakap kong mahigpit ang teddy bear na puti at inabot niya ang kanan kong kamay at lumuhod sa aking harap. Napansin ko namang si Kevin ay umiiyak nanaman habang nanonood sa amin.
Binuksan ni Dexter ang maliit na karton at inilabas ang isang simple ngunit napakagandang singsing.
Halos nakalimutan kong huminga nang makita ko ang laman ng karton. Para akong nasa alapaap sa ginagawa ni Dexter. Habang isinusuot niya ang singsing ay..
"Mahal ko.. ingatan mo ito... ito ang puso ko na inaalay ko para sa iyo..pangako kong balang araw ay pakakasalan kita... sa saan mang simbahan na pwede... akin ka lang at ako'y sa iyo lamang.." ang malambing na sambit ni Dexter habang nakatitig sa aking mga mata at isinusuot sa aking pala singsingan sa aking kanang kamay.
Inilapit ko ang singsing sa aking mukha upang kilatisin ang kamay kong may suot nito. Kinuha naman ni Dexter ang isa pang maliit na box mula sa kanyang bulsa na kapareho ng sa akin at may laman din itong singsing na kambal na isinuot niya sa akin.
Ibinuka niya ang aking kaliwang palad at inilagay ang hawak niyang singsing doon. Matapo noon at inpinustura niya ang kanyang kamay na parang nagpapasuot siya sa akin ng ibinigay niyang isa pang singsing. Agad kong ipinasok iyon sa kanyang palasingsingang daliri sa kanyang kanang kamay.
"Mahal na mahal kita Dexter... mag-iingat ka lagi at alagaan mo ang sarili mo habang hindi mo ako kasama ha?... hihintayin kita sa iyong pagdating.. " ang sambit ko sa kanya habang patuloy ang pag-iyak.
Bigla na lang humagulgol si Kevin marahil durog na durog na ang kanyang puso sa mga sandaling iyon.
"Ay..Sorry na Kevin..." ang nag-aalalang sabi ni Dexter sa kanya. "Sige... maiwan ko na kayong dalawa at uuna na ako.."
Sa lubos na kaligayahan ko ay di ko na napansing kalingain si Kevin o tanungin si Dexter sa kanyang sariling lakarin. Natulala na lang ako at bago umalis si Dexter ay hinalikan niya ako ng sobrang puno ng pagmamahal at niyakap ako nang parang iyon na ang huling pagkakataon na mayayakap niya ako.
(itutuloy)


Musmos - Part 20

9 comments:

  1. san kaya pupunta c dexter ??

    hmmm,, parang lama kuna ,, hehehehe :)

    niCe 1 :) galing tlga :) hehe

    _lester_

    ReplyDelete
  2. ..ayokong isipin na may sakit si Dexter/Ron...npkaunpredictable kasi ng story na to..wla pa yatang tumama sa mga nging hula ko before..kya, hhntayin ko nlng ang mga susunod pang mga kabanata...good JOB Blue :))

    ReplyDelete
  3. may sakit si dexter? nice nice jeff

    ram

    ReplyDelete
  4. may sakit si dex....finally.. its jeremy and kevin. haha....

    ReplyDelete
  5. Doon sa chapter na nasa tagaytay sila, nakakita si Jeremy ng mga gamot doon sa kanilang silid, wala nuon sina Kevin at Ron. Inakala na lang ni Jeremy na mga vitamins(?) ang mga iyon...

    At dito sa chapter na ito, sinabi rin na napapdalas ang pag inom ng pain killer ni Ron. Sa madaling salita ay may iniinda siya (or worst may inililihim na sakit).

    ReplyDelete
  6. Naks ALMONDZ talagang inaabangan mo ha! Thank you so much!!!

    blue42784 << tinamad maglogin

    ReplyDelete
  7. Let's see on the next parts depende sa result ng poll... heheh... Thanks Almondz! Talagang sinubaybayan mo ha :-D

    ReplyDelete
  8. hi blue. ask ko lang about dun sa deleted scenes eh kasi iung blogsite na nakapost sa taas para sana sa deleted scenes eh hindi na napupuntaha. bgla kasi akong naguluhan sa story nan bgla naputol..

    well simula sa chapter 1 to chapter 18 . ang ganda nan story ,, grabeh ang galing nan takbo nan story.\\ pwede ko ba mahingi email mo para dun ko nalang hingin ung part? BTW > tnx.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails