Followers

Wednesday, May 11, 2011

Ganito Ako Ginawa ng Diyos

By Jayson Patalinghug
Genre: Short Fiction

Note: Ang kwentong ito ay hindi totoo. Hango lamang ito sa aking mga pangarap na sa tingin ko ay malabong mangyari sa totoong buhay kung pagbabasihan natin ang lipunan na ating kinabibilangan. Ito ay isang handog din para sa ating mga ina na siyang unang nakakaunawa sa atin. Happy Mother day to all nanay.

************************************ 

Linggo ng umaga at hinihila ko na naman ang aking sarili patungong simbahan. Naiinis akong pumunta ng simbahan. Wag niyo sanang ma misinterpret, Di ako naiinis sa Diyos. Naiinis lang talaga akong pumunta ng simbahan – sa simbahan ni Pastor Manuel.  Mag aapat na buwan na rin mula ng maging pastor namin si Pastor Manuel. Malayong malayo siya sa dati naming Pastor, si Pastor Rey na siya na yatang pinaka mabait at pinaka-mapagmahal na taong nakilala ko. Si Pastor Manuel, sa kabilang banda ang pinaka matigas ang puso at mapang husgang taong nakilala ko sa aking tanang buhay. Ayon kay Pastor Manuel, lahat sa akin, at lahat ng ginagawa ko ay kinasusuklaman ng Diyos.



Alam kong sa umagang iyon ay maririnig ko na naman ang mga salitang kinasusuklaman ako ng Diyos at itatapon ako sa lawa ng apoy sa impyerno. Halos kada linggo nalang, yun ang naririnig ko. Ang kanyang mga sermon ay hindi man lang pumupuri sa Panginoon kundi puro panghuhusga sa kapwa. Naisip ko nga kung bakit pa kami pumupunta sa simbahang iyon. Marahil ay dahil ito ang pinakamalapit sa amin. Maari ding nakagawian nalang namin dahil sa ilang taon na rin kaming nagsisimba sa simbahang iyon. Ano man ang dahilan, pumupunta kami doon kada linggo at nakikinig sa mga salitang puno ng galit at panghuhusga sa loob ng isa at kalahating oras.

Di ko alam kong anong Bibliya ang binabasa ni Pastor Manuel, basta ang alam ko, hindi kami pareho ng binabasang bibliya. Nakasaad sa Bibliyang binabasa ko na ang Diyos ay Pag-ibig….Paig- IBIG at hindi POOT. Ngunit ang Bibliyang binabasa ni Pastor Manuel ay nagsasaad lamang ng galit, pagkamuhi at pagkasuklam, wala man lang PAG-IBIG. Kahit ilang beses kong binasa ang aking Bibliya ay di ko matagpuan ang mga katagang kinamumuhian niya ako. Dahil kung ganun ay bakit niya sinabing ginawa niya ako hango sa kanyang anyo? Kung kinasusuklaman talaga ako ng Diyos bakit nya sinabing siya ay pag-ibig? Bakit inutusan niya akong mahalin ang aking kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili? Naguguluhan ako.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails