Followers

Monday, May 9, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 7

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)
Blogspot: www.akosijamesw.blogspot.com



CHAPTER SEVEN...



Kinabukasan...


“O mukhang masayang masaya ka” Bati ko kay Luis ng makasakay sya ng kotse.


“Oo onic, sobra.” Tugon nya


“Mmm, I smell something here.” Si Papi na nakaupo sa likod na biglang nilapit ang mukha sa pagitan namin ni Luis.


“Hehehe” Sabay labas ng mapuputing ngipin ni Luis at namumula pa ang mukha.


“Anu? Bakit ka natawa dyan?” Si Papi


“Naku, inlove!” Tugon ko na kunyari nakangiti pero iritado.


“Sus! Sabi na nga ba? Magkwento ka nga. Anung nangyari kagabi?”


“Anu kasi, kuwan” Si Luis.


“Ah ganun ba. Ah yun naman pala. Kaya naman pala. Tsk.Sobra dami mong nasabi. Nagets ko grabe! Naintindihan ko, promise.” Pang ookray ni Papi.


“Hehehe, ok ito na nga sasabihin na nga po.” Sobra namumula na natalaga sya. Nililingon ko sya paminsan minsan. Happy ako oo. Pero para sa kanya, pero kung para sa sarili ko. Hindi.


“Pinagbigyan nya kasi ako kahapon na ihatid ko sya sa kanila. So i give the flowers and the stuff. Then i saw her smile.”


“Then?” Si Papi nag-aantay ng kasunod.


“Excited? excited?” Ako


“Then, ayun kumain kami sa labas. Sabi ko sa kanya na gusto ko sya, kung pwede bang manligaw?”


“Nasabi mo nang ganun kadali?”


“No, mahirap yun, hindi ko kaya. Paunti-unti syempre. Sa una mahirap, pero nung mag smile na naman sya. Ayun, I guess it’s ok for her to court her.” Mukha na syang ketchup sa pula. At nakangiti pa ang mokong. Bap trip me... huhuhu... slash /it hurts/ slash.


“Tapos tapos?” si Papi ulit.


“Ayun, sinabi lang nya na thanks sa gift and sa dinner. Tinanong ko kung pwede ko syang ihatid pauwi. Sabi nya next time nalang daw.” Pa demure ang babaeng dalahura.


“So kailan yung next time?” Ako


“Mamaya hehehe.” Sabay akbay sa akin habang nagmamaneho ako.

“Ang saya-saya ko tol, salamat sa tulong, kasi sabi nya na nagustuhan nya yung gift. Galing mo talaga.” Tuwang tuwa nyang himig.


“Wala yun” Bagamat naiinis ako, pero nawawala naman dala nang sweetness nya.


Nagkatinginan na naman kami ni Papi sa rear mirror. Umirap sya tanda nang di nya nagugustuhan ang nangyayari.


Makalipas ang ilang oras...


“O san ka fly?” Nasa loob ako ng kwarto ni Papi, hinihiram ko ang kotse nya.


“May pinapabili lang sa akin si Luis.” Matamlay kong tugon.


“Anets? Bakit bitter ocampo (malungkot) and fes (mukha mo)?”


“Bili daw ako ulit ng ferrero, ito nga ang pera, binigay sa akin”


“Nakaka-lurky, chinuchukchak na ang puso mo, inutusan kapa, pak, wit ko feel ha” Imbyerna na si Papi.


“Nag-please naman yung tao, pagbigyan nalang natin”


“Ay di na uso ang monumento para sa martyr girl, monumento ng vakla, ang pangit. Markova ikaw ba yan? Bakit hindi sya ang bumili aber?”


“Anu ba, imbis na tulungan mo kong di mainis lalo mo kong ini-inis. May pinapatapos nga sa kanya, kailangan daw nyang matapos yun para makauwi sya sa oras at makasabay nya yung babaeng yon. Ngayon lang to. At saka umoo na ako. Sige na.”


“Bwahala ka, basta ako, ewan ko sayo. O ito susi, magdrive ka sa road with jealousy ok.”


“Di mo ko sasamahan?”


“Ay dalawang monumento ng vakla, wititit (no,no,no). Di ko vet (like). Fly na you, go!”


“Akala ko ba sa hirap at ginhawa tutulungan mo ko.”


“Naman.” si Papi.


“O bakit ayaw mo kong samahan?”


“Ineng, sa hirap at ginhawa, hindi sa katangahan at ginhawa, magka-iba yun okies, bekies? Kaloka ka.”


“Fine, lalo akong nadi-dissapoint sayo, alis na nga ako, hmpt.”


“Galit lang ang drama mood? Galit lang?”


“Hindi nga o, naka ngiti pa, bye!”


So ang usapan, pagkabili, idaan sa department ni Janice at sabihing galing kay Luis. Ok.


Makalipas ang ilang oras. Mission accomplished. Maganda nga si Janice lalo na nung ngumiti at makita ang dala ko. Favorite nga nya siguro ang Ferrero. Kahit ako naakit sa kanya. Lagi kasing nakasimangot pag nakikita ko sya. Hindi tuloy makita ang ganda.


“Tol thank you so much ha. Dami ko nang utang sayo. Di ko na alam kung paano ko mababayaran.” Kiss mo nalang ako ang sabi ko sarili ko.


“Wala yun, basta masaya ka.”


“Pa-hug nga sa pinakamabait na best friend ko.” Wala na akong nasabi, basta nalang sya yumakap. Buti walang masyadong tao sa department nila. Binalik ko kasi ang sukli kaya ako pumunta, at para narin masilayan ko sya. Ngayon kayakap ko sya, mga 10 seconds pero it means a lot to me.


“Ok na, tama na ang drama ok. Balik na ako sa work ko.”


“Ok sige. Salamat ulit”


“O paano, di kana sasabay sa aming umuwi?”


“Parang ganun na nga.”


“Ok sige ingat kayo.” Madapa sana ang babaeng yun. Joke.


Kanina lang masaya ako kasi niyakap nya ako, ngayon, bitter na naman. Hayss.


Makalipas ang 2 linggo, nabalitaan nalang namin kay Luis na sila na ni Janice. Every weekend nalang namin makita si Luis, pero sabado lang, araw araw sinusundo at hinahatid ni Luis si Janice sa bahay at sa trabaho. Sa linggo magkasama silang nagsisimba. Kaya kami ni Papi ang magkasamang nagsisimba.


“Papi bakit ayaw mong mag-bf.”


“Eh sa wit pa ako makakita eh, nangingialam.”


“Ito naman nagtatanong lang imbyerna agad” Nasa food court kami sa cubao. Matapos magsimba, dito kami kumakain. May band tumutugtog. Ang mga nag pe-perform, makita mo lang busog kana, ang gwapo kasi tapos ang galing pang kumanta. May kakilala kami sa staff nila, sabi may gf daw yung mga tisoy. Kainis.


“Anu pa bang hinahanap mo? Gwapo naman yung nasa bar nung Friday eve? Ikaw na nga nilapitan.”


“Eh sa tsaka sya sa eyes ko, anung magagawa ko. Kung Feel mo pala nung time na yun sana tsinika mo sa akin, para na chorva mo!”


“Hahaha, pasaway ka talagang hitad ka. Ewan ko sayo, ang hirap mong hanapan.”


“Bakit hindi kaya ang mag-hanap nang bf ay yung walang bf? Bakit hindi muna sarili nila ang hanapan? Bago mamroblema na status ng iba? Kalurkey” Tama si Papi, bakit nga ba hindi muna ako mag hanap at saka ko asikasuhin ang relationship status nya.


“Eh anu kasi.”


“O ayan na naman tayo, kuwan kasi, si Luis na naman! Hay naku, tantanan mo na nga si Luis, may gf na yun wag ka ng umasang magiging kayo nun. Anu bah? Let go mo yang damdamin mo sa kanya.”


“E girlfriend palang naman, hindi pa naman kasal diba? Malay mo magkahiwalay sila. Tapos ma-fall sa akin si Luis, so may chance pa rin at possibility di ba Papi?”


“Papi, sumagot ka. Diba?”


“Hoy! Anu ba hindi ka naman nakikinig eh!” Reklamo ko.


“Sandali nga, Si Luis ba yun?” Si papi


“Alin saan” Ang bilis ng ikot ko sa upuan sa dereksyon na tinitignan ni Papi.


“Ayun? Ay parang hindi” si Papi


“Nasaan ba?” Ako


“Nakita ko kasi si Janice may kasamang lalaki, ayun o naupo sila sa banda doon, halika dali tignan natin ng malapitan.” Tapos narin kaming kumain at tumayo na kami, malawak kasi ang food court kaya medyo may kalayuan ang lokasyon ni Janice sa amin.


“Hindi naman yun si Luis? Teka tawagan ko nga si Luis.” Ako


“Sige bilisan mo tanong mo kung asan sya para ma confirm natin.”


“Hello, Hi Luis, musta? Naabala ba kita?” Matapos sagutin sa kabilang linya, pero hindi naman inaangat nung lalaking kasama ni Janice ang kamay nito para sagutin ang tawag, confirmed hindi si Luis ang kasama nya.


“Ah ganun ba? Akala ko may lakad kayo ni Janice ngayon? Bakit nasa bahay ka?” Ako


“Ah ganun. O sige ingat kayo ha.” Natapos ang conversation namin, pero umuusok na ang ilong ko sa galit.


“O anung sabi?” Si Papi


“Sabi nya mamaya pa daw sila mag sisimba, ang paalam sa kanya ng balahurang babaeng yun ay pupuntahan daw nito ang nanay nito. Kaya mamaya pa sila magkikita. Grrr.” Inis kong sambulat kay Papi.


“O tignan mo nagsusubuan pa.” Si Papi.


“Halika samahan mo ko, makikita ng babaeng ito ang hinahanap nya.” Gusto kong sugurin ng mga oras na iyon ang mga manloloko.



“Sandali – sandali hindi ganyan ang pagganti, ganito.” At nagusap kami ni Papi ng strategy. Pinapunta namin si Luis sa venue at sinabi kong aksidente. Kailangan akong puntahan sa lalong madaling panahon. Hindi naman nagdalawang isip si Luis at nag desisiyong na susunod agad. Hindi namin sinabi ang totoo, para sya mismo ang makakita ng panloloko ni Janice, dahil kung sasabihin nga naman namin nang walang basehan , baka hindi pa maniwala si Luis. Kahit me camera ako, mas gusto ko yung idea ni Papi. Wala pang 15 minutes ay dumating na si Luis. Nakita namin na tapos nang kumain si Janice at ang ka date nito. At ngayon ay naka-akbay na ang lalaki sa balikat ni Janice habang nanonood ng kumakanta sa stage.


“Onic, Fred, anung emergency, anung nangyari? May problema ba? San ang masakit sayo?” Kung alam mo lang ikaw ang masasaktan sa pagkakataong ito Luis. Ayaw ko mang gawin ito pero kailangan makita mo ang totoo.


“Luis wag kang mabibigla. Nakikita mo ba yung babaing iyon” Sabay turo sa babaeng naka side view sa amin mga 80 degrees.


“Si Janice yun ah? Teka sino? Anak ng...” Wala na. Sumugod na si Luis, hinabol agad namin at nakita naming kinuwelyuhan ni Luis ang lalaki sabay suntok sa mukha nito.


“Gago ka” Pak suntok


“Girlfriend ko yang nilalamas mong hayop ka” Tug –Suntok ulit.


Sige go, suntokin mo. Matapos ang limang suntok nilapitan na namin si Luis at sinabihang tama na. Nagulo na rin ang mga tao. Si Janice ang babaeng manloloko, takot na takot na nakatayo at nanonood lang, Malalaking tao kasi ang nasusuntukan, Actually si Luis lang ang nakakasuntok kasi nakahiga na ang lalaking ka date ni Janice. Dumating na ang mga Gwardiya. Hawak namin si Luis, at hawak naman ng gwardiya ang nabugbog na lalaki.


Lahat tensyonado.


“Sino sya? SINO SYA!” Ang galit na galit na baling ni Luis kay Janice habang hawak namin sa magkabilang balikat ni Fred si Luis.


“Gago ka, Ako ang boyfriend nya. Limang taon ko nang girlfriend yan, ikaw sino ka?”Ang paliwanag ng lalaking nabugbog hindi na halos makapagsalita.


“TOTOO BA YUN!” Baling ni Luis kay Janice. Nagugulat kami sa mga rebelasyon, pero nakikinig lang kami sa mga nagsasalita, hindi namin binibitawan si Luis baka kung ano pa ang magawa nito kay Janice na lalong magpapalala ng sitwasyon. Inaantay namin ang sagot ni Janice, kahit ang mga tsimosang mga tao, nakiki-intay sa isasagot ng babaeng malandi.


“Oo-OO! Huhuhu” nagumpisa ng humagulhol ang bruha. Drama.


Parang biglang bumigat si Luis. Nanlabot pala ito sa nadiskobreng katotohanan na niloko lang pala sya ni Janice. Inaakay silang tatlo ng mga gwardiya para i submit sa malapit na police head quarters dahil sa gulo na dinulot nila sa public place. 

Nakabuntot lang kami ni Fred. May mga nabasag ding mga gamit dahil sa panunugod ni Luis. Since, hindi alam nung lalaki ang panloloko ni Janice, naawa nalang kami sa babugbog na lalaki. Lahat ng sisi ay nasa balahurang babaing iyon. Si Janice ang nag bayad ng lahat ng damage. Dahil iyon ang complaint namin. Si Janice ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan. Gusto kong gumanti, gusto kong iganti ang panloloko ng babaeng iyon sa kaibigan ko at lalaking malapit sa aking puso. Makikita nya...



(ITUTULOY)

4 comments:

  1. kelan ang sunod? kakabitin...hehe

    ReplyDelete
  2. bsta pag ikaw talaga gumawa james wood..talaga malufeet kaso nman tagal ng kasunod anung petsa na..marqee to..

    ReplyDelete
  3. dont tell me.....oh noh?????grrrrrrrrr...feeling ko si luis ang nawawalang kapatid ni onic......sana mali ako....huhuhuhuhu


    -Jhay Ehm

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails