Hindi pa dito natatapos ang storya ni Gabriel, sana po ay suportahan niyo pa rin ang IKALAWANG LIBRO NITO.
Eto na ang FINALE NG BOOK 1!!! Sana po ay ma-satisfy po kayo.. Maraming salamat po ulit!!!
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 18: "The True Heir and The Promise"
Powered by mp3ye.eu
Paraiso…
Ito ang masasabi ko sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, walang inaalala, walang problema, walang hirap, walang sakit.. Teka! Patay na ba ako?? Ang bigla kong natanong sa sarili ko.
Naka-upo ako noon sa gitna ng napaka-gandang lugar na iyon ng may madinig akong mga tao na tumatawag sa akin..
“Anak, miss na miss na kita.. Sana nandito ka, kasama namin ng Papa mo.. Alam ko anak na impossible na ito.. Pero umaasa pa rin ako na buhay ka, at ok ka.. Anak mahal na mahal kita..” ang sabi ng boses na nadidinig ko.
“Si Mama!” ang sigaw ko sa isip ko.
“Gab, sana buhay ka at kapiling ni Kuya.. Gab, hirap na hirap na ang kuya ko. Bakit ba kasi umalis ka? Bakti mo ba kami iniwan? Ako? At si kuya?? Bakit Gab?? Kung alam mo lang Gab, sobra-sobra na ang paghihirap ng Kuya Jared ko..” ang sabi ng isa pang boses na nadinig ko.
“Ella!!” ang sigaw ko ulit sa sarili ko.
“Gab... Gumising ka na.. Kailangan ka ni Enso, kailangan ka ni Lolo, at kailangan kita. Mahal kita Gab, wag mo akong iwan gaya ng pag-iwan sa akin ng magulang at girlfriend ko. Gab, please wake up.” Ang sabi naman ng isa pang boses.
“Ace!!” ang sabi ko ulit sa sarili ko.
Ilang sandali pa ay may lalaking tumatawag sa akin. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng boses ay nakita ko ang taong pinaka-mamahal ko. Si Jared.
JARED: “Gab!!” ang sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin.
Nang makalapit siya sa akin ay agad-agad niya akong yinakap.
JARED: “Gab, miss na miss na miss na kita.. Wag mo na akong iwan please.. Mahal na mahal kita.. isama mo na ako Gab..” ang sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.
AKO: “Jared.. Mahal din kita.. Pero –“ hindi ko natapos dahil..
JARED: “Gab please, take me with you.. magsama na tayo..” ang sabi niya habang umiiyak.
Hindi pa ako nakakasagot ng unti-unting lumayo ang kinatatayuan ko sa kinatatayuan ni Jared. Tumakbo siya ng tumakbo ngunit kahit anong pilit niyang habulin ako ay hindi niya magawa.
JARED: “Gab!! Wag mo akong iwan please..” ang humahagulgol niyang sabi.
Wala akong magawa kundi umiyak na lang din habang papalayo ako ng papalayo kay Jared. Awang-awa ako sa itsura niya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit sa sandaling pagkakataon lang ngunit pinagkait pa rin sa amin ito.
Nakaluhod ako noon, umiiyak ng......
“Gab..”
Isang tinig na umalingawngaw sa buong paligid ang narinig ko. Nakakapanindigbalahibo ang boses niya, at hindi lang iyon, kaboses ko pa!
“Gab..” ang sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
Nang lingunin ko siya ay laking gulat ko na nakita ko ang sarili kong mukha sa kanya. Naka-puti siya at ang buong katawan niya ay kasing liwanag ng araw. Parehas kami ng mukha, pero di hamak na napaka-gwapo at napakalinis tingnan ng lalaking ito kumpara sa akin na alam ko naman na hindi.
AKO: “Sino ka? B-b-bakit --“ hindi ko natapos dahil..
????: “Ako ang pinagkaitan ng buhay, at ikaw ay biniyayaan naman ng buhay.” Ang katagang sinabi niya.
AKO: “A-a-ano?? Hindi ko maintindihan. Sino ka ba?” ang naguguluhan kong tanong.
????: “Hindi ko man lang nasilayan ang ganda ng mundo, hindi ko man lang naranasan ang yakap ng isang ina, at hindi ko man lang naramdaman ang mahalin. Pero ikaw, napaka-swerte mo dahil naranasan mo yun Gab.”
AKO: “Hindi kita maintindihan..”
????: “Ako si Erick Anthony Alvarez Montenegro. Kapatid at kakambal mo..”
Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Ibig sabihin siya ang namatay kong kakambal.
ERICK: “Gab, hindi ko hahayaang matulad ka sa akin. Gab, kailangan mong mabuhay, para kila Mama, kay Papa, at sa kapatid natin. Kailangan mo siya mahanap Gab..”
AKO: “P-p-pero.. Ayaw ko na.. Pagod na pagod na akong mabuhay. Puro paghihirap, pang-aalipusta, at sakit ang pinaranas sa akin ng mundo. Gusto ko ng magpahinga. Kasama mo Kuya..” ang naiiyak kong sabi.
ERICK: “Bunso, Nandito lang ako lagi, nandito lang si kuya. Hindi kita pababayaan, at hindi ako mawawala dyan.” Sabay turo sa puso ko.
AKO: “Kasi naman ehh.. Bakit naman ganun?? Lahat na lang sila sinaktan ako, lahat..” at tuluyan na akong humagulgol.
ERICK: “Gab, sa kabila ng sakit, sa kabila ng paghihirap, sa kabila ng pagdurusa, ay may magandang bukas na naghihintay. At isa pa, meron ding mga taong nagmamahal sa iyo. Nandito ako, si Mama, si Papa, si Ella, si Ace, at si Jared. Kaya Gab, mabuhay ka.. Wag mong hayaang magaya ka sa akin. Lumaban ka.. Mabuhay ka, para sa akin..”
AKO: “Pero kuya—“
ERICK: “Titingalain ka ng lahat! Kahit ang mga bituin ay luluhod sa paanan mo. Magbabago na ang buhay mo. Yan ang pangako ko sa iyo..”
AKO: “Naguguluhan ako.. Anong ibig mong sabihin??”
ERICK: “Basta, kahit ano man ang mangyaring pagbabago sa buhay mo, wag mong hayaang makulong ka ng galit. Wag mong hayaang mawala ang pagmamahal dyan sa puso mo. Wag mong hayaang patayin ng galit ang sarili mo.”
AKO: “Kuya—“ ang umiiyak ko pa ring sabi.
ERICK: “Basta Gab, Mahal na mahal kita.. at hinding-hindi kita iiwan kahit kalian.” At kasabay nito ang isang napaka-higpit na yakap mula sa kanya na ginantihan ko rin ng yakap.
----------
----------
Nang minulat ko ang mata ko ay kulay puti lang ang nakikita ko. Pumikit ulit ako at unti-unting luminaw ang paningin ko. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si Ace na mahimbing na natutulog sa tabi ko at hawak-hawak pa nito ang kamay ko.
ENSO: “Si Kuya Gab!! Si Kuya Gab!!” ang sigaw ni Enso na nasa di kalayuan.
Agad namang nagising si Ace at..
ACE: “Gab!! Gising ka na!!” at pagkatapos noon ay may pinindot siya na button sa ulunan ko. Siguro ay tumawag siya ng doctor.
Pagkatapos niya pindutin ay button ay umupuo siya ulit sa tabi ko at hinawakan ang aking mukha.
ACE: “Grabe Gab.. Na Miss kita ahh..”
AKO: “Uhm.. Ace, ano ba nangyari??”
Bago pa man siya nakasagot ay dumating ang doctor at nurse, may mga ginawa sila sa akin na hindi ko na alam. Hehehe. Basta ang sabi ng Doctor ay pahinga na lang daw ako at makakalabas na ako ng Ospital. Nang makalabas na ang Doctor at ang Nurse ay..
AKO: “Ace, ano ngapala yugn sinasabi mo kanina? Ano ba yung nangyari??”
ACE: “Pagkatapos ng paghaharap namin ni Bianca ay hinanap ko kayo ni Enso. Nakita ko lang na nakahiga si Enso at duguan ang kanang balikat niya. Sinabi din niya na may dumukot sa iyo pero di niya alam kung sino.”
Bigla namang pumasok sa isip ko ang huling eksena bago ako mawalan ng malay. Ang tangkang pagpatay sa akin ni Steph.
AKO: “Si Steph..”
ACE: “Steph?? Yung pinsan ni Bianca?”
AKO: “Oo siya nga..”
ACE: “Bakit naman niya ginawa yun?”
At kinwento ko kay Ace ang lahat ng sinabi sa akin ni Steph at kung paano niya tinangkang wakasan ang buhay ko. Nalaman ko na dead on arrival pala ako noong dinala sa ospital, at nairevive lang daw ako after 45 minutes. Di raw nila akalain na magbabalik pa ang pintig ng puso ko. Sa pag-uusap din namin ay nalaman na kinwento din sa kanya ng mga kasambahay kung sino si Steph sa buhay ko. Nalaman ko din ang mapait na katapusan ni Bianca, tadtad ng bala ang buong katawan niya. Nalaman ko din na kaya pala nila ako natunton ay dahil noong nakatali ako, noong pinunasan ni Kokoy ang dugo sa ulo ko na kagagawan ni Bianca, ay mabilis na kinabitan niya pala ng Device ang kwintas ko. Ang maliit na device na ito ay para malaman ni Ace kung nasaan ako naroroon. At dahil dito ay nasundan nila ako doon sa bangin na hinulugan ko.
Sa gitna ng pag-uusap namin ay naalala ko si Lolo.
AKO: “Ace, kamusta si Lolo?”
Hindi naman agad nakapag-salita si Ace imbis ay isang tingin lang ang ginawa niya sa akin.
AKO: “Si Lolo Ace. Please, gusto ko malaman kung ano nangyari kay Lolo.” Ang pangungulit ko.
ACE: “Gab, tsaka na kapag magaling na magaling ka na..”
ENSO: “Kuya Ace, kailangan ng malaman ni Kuya Gab ang katotohanan..”
Tumingin naman si Ace kay Enso at..
AKO: “Anong dapat kong malaman Enso??”
ACE: “Hayy.. Sige.. Gab.. Gusto ka ng makausap ni Lolo sa madaling panahon. Si Lolo, bilang na ang oras niya Gab. Critical na ang kalagayan niya. Ayoko muna sanang ipaalam ito gawa ng nasa recovery stage ka pa at baka makasama pa ito sa iyo.”
AKO: “ANO!?!?! P-p-paanong??”
ACE: “Nang malaman niya ang katotohanan ay inatake ito sa puso. Sabi ng doctor ay tanging heart transplant na lang ang paraan para gumaling siya. Ang sabi naman ni Lolo ay gusto ka nyang makausap at makita sa huling sandali.”
AKO: “Gaano na ba ako katagal naka-ratay dito?” ang tanong ko.
ACE: “Mag-iisang buwan na Gab..”
AKO: “Ace.. Gusto kong makita si Lolo. Ngayon na..”
ACE: “Pero Gab..”
AKO: “Ace.. Please..”
At dahil doon ay sinamahan at inalalayan ako ni Ace at Enso patungo sa kwarto ni Lolo. Bago kami umalis ay may tinawagan si Ace at sinabihang pumunta sa Ospital. Hindi ko alam kung sino ito.
Nang makarating na kami sa kwarto ay nakita ko si Lolo. Dahan-dahang tumingin ito sa may pintuan kung nasaan kami at..
LOLO: “Gab.. Apo??” ang sabi niya.
Bakat sa boses at mukha ni Lolo ang matinding hirap.
AKO: “Lolo..” ang sabi ko sabay yakap sa kanya.
LOLO: “A-ang t-tagal-tagal kitang hinanap apo. K-k-kayo ng m-mama mo. G-gusto kong humingi ng t-tawad sa lahat-lahat ng nagawa kong k-kasalanan sa iyo, s-sa kapatid mo, at s-sa Mama mo.”
AKO: “Lolo, tapos na po yun..”
LOLO: “N-nang dahil sa akin ay nagkahiwalay kayo ng kapatid mo.. At lumayas ang apo ko.. L-l-lumayas si Aliyah..” ang sabi niya.
“Aliyah??” ang sigaw ko sa isip ko. Yun ba ang pangalan ng nawawalang kapatid ko?
AKO: “Hahanapin natin siya Lolo.. Hahanapin natin si Ate Aliyah. Basta sa ngayon, magpagaling po kayo ha?” sabay pilit na ngiti.
LOLO: “Matanda na ako.. N-nararamdaman ko.. H-h-hindi na ako magtatagal..” ang
AKO: “Hindi Lolo.. Hindi.. Hindi po pwede yan.. Ipangako niyo po sa akin na magpapagaling kayo. Ok po??” sabay pilit na ngiti at pahid ng luha.
Ngunit imbis na sumagot ay ngumiti lang siya.
LOLO: “Ace.. tinawagan mo na ba??”
ACE: “Opo Lolo.. Papunta na..” ang sabi nito.
Hindi ko alam kung sino ang taong sinasabi nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may hawak na documento.
LOLO: “Attorney..” ang sabi lang nito.
ATTY: “Don Raphael, ito na po ang mga papeles na pinahanda mo sa akin. Ang kailangan lang po ay ang inyong pirma.”
Humugot ng ballpen ang abogado at binigay kay Lolo upang pirmahan ang documento na dala-dala niya.
Nang matapos ng pirmahan ni Lolo ay..
AKO: “Attorney, a-a-ano po yang mga yan??” ang tanong ko.
ATTY: “Ang Documentong ito ay nagsasabi na pinapasa ng Lolo mo ang lahat ng kanyang ari-arian, mga lupain, mga bahay, at pati na rin ang pamamahala ng kanyang kumpanya, sa loob at labas ng bansa, sa apo nitong si Gabriel Alvarez Montenegro. Sa inyo po.”
Hindi ako makapaniwala sa mga nadinig ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natuwa sa mga nadinig ko, marahil ay senyales ito na hindi na nga magtatagal si Lolo.
AKO: “Lolo, b-bakit naman po??” ang sabi ko na naiiyak na.
LOLO: “Gab, apo. Hindi na ako magtatagal. N-n-nararamdaman ko, ilang sandali na lang ay..” ang sabi niya na hirap na hirap na.
AKO: “Lolo Please, wag ka pong magsalita ng ganyan.”
LOLO: “Ace..” ang tawag nito.
ACE: “Po??”
LOLO: “Ikaw na bahala sa Apo ko. Tulungan mo siya pagpapatakbo ng kumpanya Ace. Ikaw lang ang aasahan niya.”
ACE: “Opo Lolo..”
LOLO: “Mahal na mahal kita Apo.. Mag-iingat ka lagi.. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. P-p-pakisabi sa anak ko.. na.. mahal na mahal ko siya.. n-na p-pinagsisisihan ko ang mga kasalanan ko..” ang pa-utal-utal niyang sabi.
Ilang sandali pa ay pumikit si lolo at kasabay nito ang pagtunong at pagdiretso ng Life monitor na senyales na wala na siya.
AKO: “LOLO!!!” ang sigaw ko sabay ang pagyakap ko dito.
Bigla namang bumukas ang pinto at dumating ang mga doctor at nurse para i-revive si Lolo. Hinatak naman ako palayo ni Ace, kita ko rin ang pagdaloy ng luha niya.
DOCTOR: “Time of Death 9:08pm”
At tuluyan na akong nagsisisigaw at nag-iiiyak sa nadinig ko.
……………………………
……………………
……………
Isang linggo ang nakalipas ng iwan kami ni Lolo. Sa akin iniwan lahat-lahat ng kanyang properties kasama na rin ang pera sa bank account niya. Kaya lang, hindi ko magagalaw ang mga ito hangga’t hindi pa ako 18 gulang, 16 pa lang kasi ako ng mga panahong iyon. Sa ngayon, si Kuya Ace muna ang namamahala ng kumpanya gawa ng hindi ko pa kaya at pinag-paplanuhan namin na pumunta akong amerika upang doon mag-aral.
Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako sa amerika gawa ng naisip ko din sila mama, papa, at kuya Jared.
“Babalik ako sa bahay. Baka sa pagbalik ko, doon makakuha ako ng sagot kung tutuloy ako sa states o hindi. At isa pa, gusto ko makita si Jared. Nasa kanya ang sagot kung aalis ako o hindi.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Kasama si Ace at Enso, nagpunta ako sa bahay namin karga-karga ng isang magarang sasakyan. Dinungaw ko ang bahay ko.
AKO: “Nandito na ako.. Ang totoong bahay ko.. ang bahay na kinalakihan ko..” ang nasabi ko kay Enso.
ENSO: “Sige na kuya pasok ka na! Sigurado ako matutuwa silang makita ka.” Sabay ngiti.
Bumaba ako ng sasakyan at ng papasok na ako sa gate ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Ely, kahalikan nanaman si Kuya Jared. Sa kanilang paghahalikan ay napansin ko ang luhang dumadaloy kay Jared, hindi ko alam kung ano iyon at wala na akong pakielam. Tumalikod ako at dumiretso sa sasakyan.
AKO: “Manong, tara na po..” ang utos ko sa kanya.
ACE: “Anong nangyari??” ang tanong nito.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ay ang pagdaloy ng ulan. Kasabay ng pagdaloy ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.
ENSO: “Kuya ok ka lang ba??”
Sa tanong niyang iyon ay hindi ko napigilang humagulgol. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang taong mahal ko na may kahalikan nanamang iba. At yung tao na yun pa rin ang kahalikan niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lagi niyang sinasabi sa akin na ako lang daw ang mamahalin niya, na ako lang ang laman ng puso niya, kasi iba ang nakikita ko. Mahal niya si Ely.
AKO: “Manong, Sa may ******** Cementery po tayo.” ang utos ko.
Pagdating sa Cementeryo ay bumaba ako sa sakyan ng walang payong. Naglakad ako sa gitna ng cementeryo, hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan idamay pa ang hagupit ng hangin.
ENSO: “Kuya!! Payong!!” ang tumatakbong sabi ng bata habang may dala-dalang payong.
Hindi ko siya pinansin imbis ay naglakad ako sa pupuntahan ko. Ang puntod ko.
Pagkaharap ko sa lapida ay tiningnan ko ang nakalagay.. Pangalan ko, araw ng pagsilang, at araw ng kamatayan. Ang araw ng kamatayan ko ayon sa lapida ay ang araw na nasunog at sumabog ang building ng kumpanya namin kung saan inakala ng lahat na patay na ako.
ENSO: “Kuya..” ang nasabi niya lang habang hawak-hawak ang payong.
Basang-basa akong nakatayo sa harap ng sarili kong lapida sa gitna ng malakas na ulan.
AKO: “Sunog, Pagsabog, at Bala.. Hindi ko alam kung bakit nabuhay pa ako.. Hindi ko alam, kung may mararamdaman pa ako.. Hindi ko alam kung sino pa ba ako.. Hindi ko alam kung may pagmamahal pa dito sa puso ko.. Hindi ko alam kung bakit poot, at galit ang nararamdaman ko!!!”
ENSO: “Kuya..”
AKO: “Poot sa iyo Ely, sa pagtatraydor mo sa akin, akala ko kaibigan kita, pero inahas mo ang pinakamamahal ko. Mang-aagaw ka.. TRAYDOR KA!” ang sabi ko kasabay ang pagpatak ng luha ko.
AKO: “Galit sa iyo Jared, linoko mo ako.. Pina-asa mo ako.. Sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo, pero yun pala.. yun pala..” at hindi ko na napigilang humagulgol at lumuhod sa sariling puntod.
ENSO: “Kuya please..”
AKO: “At sa iyo Steph, sa lahat-lahat ng kahayupang ginawa mo sa akin, buong buhay ko, wala kang ginawa kundi apakan ang pagkatao ko, ipahiya at pagmukhaing tanga sa harap ng maraming tao. Sinira mo ang buhay ko.. Sinira mo ang pamilya ko.. Sinira mo ako.. PINATAY MO AKO!!” ang sigaw ko.
Kasabay ng pagsigaw ko ay isang malakas na kulog ang nadinig namin na para bang ang panahon ay nakikiisa sa lungkot at galit na nadarama ko.
AKO: “Ipaparanas ko sa inyo, ang lahat ng sakit, lahat ng paghihirap, at lahat-lahat ng galit na nasa puso ko! Maghihiganti ako, babalikan ko kayo; Ely, Jared, Steph.. Ipaparanas ko sa inyo ang lahat ng pinaranas niyo sa akin, sisirain ko ang kinabukasan niyo, wawasakin ko ang buhay niyo! Lalo ka na Steph, magbabayad ka sa ginawa mo sa akin at sa pamilya ko.. Babawiin ko ang dangal at dignidad na kinuha mo sa akin!! Sinusumpa ko, magbabayad kayong lahat!! MAGBABAYAD KAYO!!!” ang sabi ko habang ang kaliwa kong kamay ay gigil na gigil na nakahawak sa damo, habang ang kanan ko naman ay hawak ang lapida ng puntod ko.
Galit...
Ito lang ang tanging emosyon na nadarama ko sa oras na iyon. Lalong lumakas ang hangin, ulan, at kidlat pagkatapos ko bitiwan ang mga katagang sinabi ko. Isang pangako, isang sumpa, pangako ng pagbabalik kaakibat ang sumpa ng paghihirap nila.
Hindi na nakakibo si Enso, at ganun din si Ace. Nakatingin lang sila, hindi alam ang gagawin para mapawi ang lahat-lahat ng nararamdaman ko.
Maya-maya ng maging mahinahon na ako.
ACE: “Gab, tara na..” ang mahinahon niyang sabi.
AKO: “Hindi ako si Gab..” ang sabi ko.
ACE: “Ano bang sinasabi mo? Halika na..” ang sabi niya sabay hawak sa braso ko.
AKO: “PATAY NA SI GAB!!!” ang sigaw ko sa kanya.
Nagulat siya sa naging reaksyon ko. Para bang nakakita siya ng ibang tao.
ENSO: “Kuya, tama na..” ang sabi nito.
AKO: “Simula ngayon, hindi na ako si Gabriel, patay na si Gabriel.” Ang matigas kong sabi at pagkatapos ay naglakad ako papuntang sasakyan.
Limang araw ang nakaraan at handa na kaming umalis ni Ace at Enso. Patungong Amerika. Hindi ko alam kung hanggang kalian kami doon. Pero kagaya ng isinumpa ko, babalik ako.
Pinaubaya namin sa kina Aling Minda, Aling Nelly, Totoy, Kokoy, at Inday ang pangangalaga ng mansion habang wala kami.
3:00pm, paalis na kami ng mall. Namili kasi kami ng mga bagay na dadalhin namin. Around 9pm kasi ang flight namin at dapat around 5pm nasa airport na kami.
Nasa labas kami ng mall hinihintay ang limusin namin na i-pick up kami patungong airport. Kasama si Enso at Ace noon ng..
ENSO: “Kuya Gab sa may left side mo!! Si Kuya Jared nakatingin sa iyo!!” ang sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ano ang gagawin ko.
Bigla kong sinenyasan si Ace na takpan si Enso para hindi siya makita ni Jared, at isipin ni Jared na guni-guni niya lang na nakita ako. Nakita ko naman na unti-unting papalapit si Jared sa kinatatayuan ko. Bago pa man siya makalapit ay dumating ang limusin namin, supposedly merong bodyguard na magbubukas sa akin at kina Ace ngnuit dahil nga nakita ko si Jared na papalapit sa amin ay ako na ang nagbukas ng pintuan, gawa nga ng ayaw ko na maabutan ako ni Jared sa kinatatayuan ko. Ayaw ko siyang makausap at ayaw ko na maisip niya na ako yun.
Pagkapasok ko ay agad namang nakapasok si Ace at Enso. Agad kogn inutusan ang driver na paandarin na ang sasakyan at umalis.
Nang maka-andar ang sasakyan ay nakalampag ni Jared ang pwetan ng Limusin. Dinig ko rin ang pagsigaw niya.
JARED: “Gab!!!” ang sigaw nito.
Umandar ang limusin palayo sa mall at sa kanya. Ngunit nang lingunin ko ang likuran ng sasakyan ay nakita ko siya, tumatakbo at sinisgaw ang pangalan ko.
Hindi ko alam pero may dulot na awa ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Sabi ng isip ko ay wag siyang pansinin at iwan siya. Sabi naman ng puso ko ay bumaba ako at puntahan siya yakapin, halikan, at sabihing mahal na mahal ko siya sa kabila ng galit na nadarama ko.
ENSO: “Kuya.. Balikan mo siya.. mahal ka ni Kuya Jared..” ang sabi nito.
Hindi ko pinansin ang sinabi ng bata. Tiningnan ko naman si Ace at tumango ito senyales na ok lang sa kanya kung bababa ako at balikan si Jared.
Sa huli mas nangibabaw ang galit. Sa pagbilis ng andar ng sasakyan ay unti-unti siyang naiwan nito. Nakita ko na lang siya na naluhod sa gitna ng highway, umiiyak at sinisigaw ang pangalan ko.
“Tama ang desisyon mo. Tama lang na iwan mo siya, sinaktan ka niya, at nararapat lang iyon sa kanya.” sabi ko sa sarili ko.
Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay ang pagdaloy ng luha ko.
“Babalik ako, at sa pagbabalik ko, tutuparin ko ang pinangako ko.. Paghihiganti..”
“Simula ngayon, hindi na ako magiging mahina, simula ngayon, hindi na ako maaawa. Simula ngayon, titingalain ako ng lahat. Hindi na ako si Gabriel, dahil patay na si Gabriel. Ako na si Erick..”
(itutuloy..)
(END OF BOOK 1: FACES OF HEART..)
Speechless me! Ang tagal kong hinintay ito!
ReplyDeleteIbang klase ang chapter na ito! FULL OF EMOTIONS, YOU CAN REALLY FEEL THE DESPAIR AND HATRED OF GAB!
Hindi ko lang ma-imagine kung anong klaseng gabriel ang haharap sa book 2.. Pero one thing is for sure, A STRONGER AND POWERFUL GABRIEL IN BOOK 2.
I see some complicated events and I CAN'T WAIT!!!!
KUDOS TO THE AUTHOR!! ANG GALING SUPER!!!
waw, ang ganda nmn ng ending, pero bakit siya naging masama... pero sana i hope, (redundant) mapukaw uli ang pagmamahal nya, :(
ReplyDeleteWow ang gandaaaa!!!!!
ReplyDeleteIbang klase talaga ng author nito! ANG GALING!!!!!
Sabi na nga ba eh, GAB WILL NOT DIE!
At tama yung isang nag-comment doon sa part 18, na yung dating sarili ni Gab ang namatay. Looking forward sa Bagong Gabriel sa book 2.
Bow na bow ako sa author!
wow nice naman parang teleserye hehehehe aabangan ko talaga to..... sana maganda book 2... weeeeeeeeeeeeeee......... sana labanan ito mayayaman........ hehe
ReplyDeleteshittttttt mababaliw aq s kwntong ito pang teleserye lng goooooo...erick.. love it... update pls...
ReplyDelete-cedric
BITIN! SOBRANG BITIN!!!!
ReplyDeletePero ang maganda...
I wonder, ano kaya ang gagawin ni Gab sa ikalawang libro? At Erick? kinuha niya ang pangalan ng Kapatid niya??
Kaka-excite grabe! hindi ko ma-isip kung ano pa ang pwedeng mangyari.
Pero waiting ako sa confrontation ni Gab and Ely, Gab and Jared, at syempre Gab and Steph. Ano kaya klaseng sagupaan ang magaganap?
Waiting sa book 2.. BITIN TALAGA SOBRA!
ang ganda kaya lang bitin :(
ReplyDeletekelan po book 2???
Love me like i am,
ReplyDeleteone of the BEST STORIES THAT I READ.
full of unexpected events and twists.
full of EMOTIONS, damangdama ang kilig, galit, lungkot, at pagka-awa kay gab.
I can't wait sa book 2! PWEDENG POST NA NGAYON?
EPIC! FANTASTIC! AWESOME!
ReplyDeleteGrabeh! nakakacarried away ang chapter na ito! Exciting ung mga susunod na chapter!
-flashbomb
nakakainis si Gab! ay erick pala!
ReplyDeletekung ako yan, bababa ako para sa mahal ko, hindi ko hahayaang galit ang manaig sa puso ko.
what will happen in book 2?
I hope gab will regain his old and kind self.
sh!tness namn........grabe si gabriel,,,, este erick na pla haha xD
ReplyDeleteimbis na bumaba si gab ,,,,sinunod nya UNg utak nya,,, hayss,,, kung ako siya bababa ako..haha,,, !! xD
sana next na hehe xD
E.O.G
Go Gab!! Ay mali, GO ERICK!!!!!!!
ReplyDeleteIPAMUKHA MO SA STEPH NA YAN NA MALI SIYA NG TAONG BINANGGA!!! GUSTO KONG SUMADSAD SA PUTIKAN ANG MUKHA NG BABAENG YAN!!!!! GUSTO KO MATINDI ANG GAGAWIN SA KANYA NI ERICK TO THE POINT NA HINDI NA NIYA GUGUSTUHING MABUHAY PA!!!!!
BRUTAL KO NOH? Pasensya naman, nadala lang ng sobrang inis kay Steph.
NEXT PLEASE!!! POST NA!!!!!! NOW NA!!!!!!!!!!!
Ang ganda kaya lang..
ReplyDeleteAaww so sad.. :'(
Nagbago na si bebe gab. Author, sana ibalik mo ang dating Gabriel, ang gabriel na mabait at inosente, ang gab na minahal naming mga readers mo.
WE WANT THE OLD GAB MORE THAN THE NEW ONE (ERICK!)
Nakakatakot kasi yung bagong Gab eh..(Erick) Hindi ko type si Erick, parang puro galit at paghihiganti ang nasa isip niya.
Next part please?
- green vision
@anonymous, May 30, 2011 1:07 AM
ReplyDeleteI respect your opinion... Book 2 is about LOVE VS HATRED, A BATTLE BETWEEN LOVE AND HATRED IN THE HEART OF GAB / ERICK.
Parang kasi ang ano dito Man VS Himself. Yun bang, paano ma-over come ng pagmamahal ang sobrang galit na nasa puso mo, or kung may puwang pa ba ang pagmamahal sa iyo. Tama ba ang magiging desisyon ni Gab in the upcoming parts? O huli na para pagsisihan niya ang lahat. Ganun ang takbo.
Book 2 is STILL ABOUT Gab, Jared, Ella, Ely, Ace, and Steph. Sa kanila pa rin iikot ang story but mas ma-emphasize lang yung Hatred ni Gab.
Anyway, sensya na din if di mo nagustuhan..
bitin na bitin, pero ang ganda!
ReplyDeletedi ako mapakali sa mga binitiwang salita ni Gab. nakakabahala masyado. parang wala ng pagmamahal na natira sa kanya :(
bow ako sa author!
now waiting sa book 2!
para sa isang nagcomment na anonymous
ReplyDeleteDi mo ba alam ang ang salitang concept? At isa pa kung totoong follower ka ng storyang ito sa INTRODUCTION (PART 1) pa lang nakalagay doon:
"Paano kung ang puso mo ay punung puno ng hinanakit at galit sa ibang tao? Makakaya mo pa bang umunawa? magbigay? MAGPATAWAD?
Makakaya mo pa bang magmahal, kung ang puso mo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba?”
SO IT MEANS NA SA UMPISA PA LANG MAY IDEA NA TAYONG MGA READERS KUNG ANO ANG MANGYAYARI, PLANADO NA ANG MANGYAYARI, Hindi yung bara-bara lang ang gawa. Sorry if I'm agressive. I understand the writers here mahirap ang work nila. HINDI MADALING MAG-SULAT!
I'm a certified reader of your story and a certified JARIEL FAN!! (Jared and Gabriel fan)
ReplyDeleteSobrang ganda ng story! Pero nakakabitin ang neding ng book 1. Naaawa din ako kay papa jared :(
Sana binalikan ni gab si jared.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa book 2. sana bumalik ang dating gab. sana mabalik ng pagmamahal ni jared ang dating gabriel.
aaww... i miss their kulitan and kilig moments :'(
Jariel Forever ako!!!!!
kaiyak ang naman ito at hurt ang feelings tagala pag na encounter mo ganito situation...
ReplyDeletenext next pls nabitin waht gonna happen?
Thanks sa story for sharing!
"royvan24"
::whoah...my predictions have come to life in this story..a TOTAL CHANGE will happen to GAB, no no no i mean ERICK :))hahaha...looking forward to the book 2..excellente author :)
ReplyDeleteso kelan ang labas ng book 2 :)) excited na ako hihihi
ReplyDeleteCliff hanging ending!!! EXCELLENT!!! Galing ng Author!!!
ReplyDeleteExpect ko pa naman na bababa si Gab para kay Jared but it didn't happen. I guess it's because of so much Hatred in his heart.
I hope Gabriel will open his eyes na walang patutunguhan ang galit niya. Na lalo lang magkakagulo kapag tinuloy niya ang balak niya. (The way I see it, magkakagulo talaga.)
I'm bothered kung ano gagawin at kayang gawin ni Gab. I mean, Erick. Nakakatakot kasi baka may magawa siyang hindi maganda at pagsisihan niya sa huli.
Waiting sa book 2. Nabitin talaga ako!!!
Marathon from part 1-10!
ReplyDeletethen, marathon from part 11-18!
One word.. WOW!
Ang ganda! dekalibre ang dating ng story na ito!
Galing ng author! I hope na maipost na ang book 2. Sobrang nakakabitin eh.
I'm one of the silent reader at ngayon lang ako magcomment.
ReplyDeleteI would say na EVERY CHAPTER IS WORTH WAITING!
Hindi ako na-disappoint or nanghinayang sa paghihintay. kaabang-abang ang bawat eksena!
Sana maipost na ang kasunod. I can't wait sa mga gagawin ni Gab (Erick).
habang dumadaan ang araw lalo ako na-eexcite!!!! Author paki-post na please????
ReplyDelete;)
i felt sad sa ending pero if aq din yan cguro ganun din ang gagawen ko .. ewan ko pero basta xD
ReplyDeletebook 2 na po author ... IDOL! xD
(one of the silent readers d2 sa site first time ko mag comment )
-Ruri16 (screen name)
ang ganda ng story but how i wish na sana pinansin ni gab si jared sa last part... kahit hnd man sila magkaayos just to let jared know na buhay for real si gab...
ReplyDeleteto the author, i salute you. i am now ur support
congratulation ang ganda talaga grabe
Neon macatangay here
So amazing story! i had goosebumps! this is the kind of story that can dwell in teleserye! different style because its m2m! hehehe. please post the book 2...i cant hardly wait to read the full Book2! erick anthony alvarez montenegro! Go girl!
ReplyDeletepak na pak!!!! galing nanamn nang twist nang story malditang maldita lang si gab sa character nia ngayun RUBI ikaw bayan??? bida na contrabida na ngayun. i cant w8t to read the book 2 thanks sa author bonggang bongga lang ang end nang book 1
ReplyDeletegrabe ang unexpected turn of events . .
ReplyDeletebabangon na c Gabriel !
kaso kalungkot kasi gusto niyang pasakitan cna Jared at Ely . .
sana wag lang lamunin ng galit c Gab, tulad nga ng sabi ng pated nya . . kelngan laging my love sa pagkatao niya . .
Ü
pinakamaganda sa lahat ng nabasa q.. grabe.. tumatayo balahibo ko,, idol!
ReplyDelete-bry
ganda nito,, ninamnam ko bawat nakakaantig na salita tapos bigla na lng tumulo ang luha ko....
ReplyDeleteHindi n nkakatuwa ung bida,,nkakairita n,,,bwesit,,
ReplyDelete