WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
MSOB Fanpage: http://www.facebook.com/home.php#!/pages/Michael-Shades-of-Blue-Fan-Page/175391315820611
(Sana mag like po kayo)
Author’s Note:
Unang-una, I greet ko lang ang isang masugid na MSOB follower na magbi-birthday ngayon. Nakapagbitiw kasi ako ng salita na sa araw na ito (kaarawan niya) ko ipost ang PNP part 17 at i-greet ko pa siya. Siya si Ian Clay Devibar Apuang. Happy birthday!!!!
Syempre, magpasalamat na rin ako sa lahat ng mga followers ng MSOB, lalo na ang mga active na commenters.
Speaking of commenters, may comment of the week na tayo, nasa taas ng ating shoutbox. Every week ay pipili ako ng “Comment Of The Week” base sa ating criteria.
Salamat din sa mga silent readers at taga-subaybay sa lahat ng kwento sa MSOB.
At syempre, salamat sa mga authors, lalo na ang mga active at mabilis na mag-update (hindi kagaya ko) hehehe. I really appreciate sa kasipagan ninyo bagamat walang sweldo itong ginagawa natin ngunit masigasig pa rin kayong nagbahagi ng inyong talent at oras. Saludo ako sa inyong lahat!
Regards din sa grupo nina Jojo Pabon sa Japan at sa Macau na palaging nagpustahan. Ewan kung sino na ang mananalo hehehe.
Salamat sa mga supporters at sa mga sponsors ng GEB sa Aug 13. Malapit na iyon… Kailangan pa po natin ng prize boys. Pandagdag kilig sa activity.
Sa mga gusto palang mag add sa mga models natin na sina Aljun at Jun, heto po ang mga fb nila:
Gener (Jun): http://www.facebook.com/home.php#!/cricketz.anastacio
Aljun: http://www.facebook.com/home.php#!/alandell.ramirez
-Mikejuha-
-------------------------------------------
Ako si Gener (a.k.a Jun)
Heto naman ang taong napanalunan ko sa raffle: si Boss Aljun
At heto ang kuwento namin:
----------------------------------------
“T-talaga? Ipakilala mo ako sa nanay mo?” ang malakas at nabigla kong pagbigkas, ang mga mata ko ay nanlaki dala ng sobrang excitement at magkahalong kilig at saya.
Natawa siya. Marahil ay hindi niya inaasahang matuwa ako. Inaway ko kaya iyong tao noong nakaraang araw at hindi kami nag-imikan hanggang sa pag-alis niya.
Noong mapansin ko ang reaksyon niyang parang nagulat, mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan. Kaya bigla din akong bumawi, “I mean... bakit mo ako ipakilala?” kunyari, nagbago din ang aking mood na parang may halong pagkainis at hindi interesado.
“Bakit ayaw mo?”
“E... ano… gusto. Pero bakit?”
“E, gusto naman pala e. Huwag ka nang madaming tanong. Baka mamaya, magbago pa ang ihip ng hangin.” Biro niya.
“O, e di sige... mapilit ka eh.” Ang nasabi ko na lang. “Oo nga naman. Baka mamaya bawiin pa niya, mahirap na” sa isip ko lang.
“Hindi ka na galit sa akin?”
“Galit pa rin.” Sagot ko, bagamat hindi naman talaga.
Napatitig siya sa akin, mistulang hinuhukay ang kalaliman ng aking isip kung nagsabi ba ako ng totoo. “Gusto mo halikan na kita dito?” ang nasabi niya bigla. Marahil ay alam niyang hindi na talaga ako galit.
“Ummm... Ito, gusto mo?” sabay dikit sa mukha niya ang aking kamao.
“Pwede mo naman akong suntukin ngunit hahalikan kita pagkatapos. Ano, gusto mo?”
Hindi na ako nakasagot. Syempre, sa loob-loob ko, gusto ko ang halik ngunit ayaw ko naman siyang suntukin. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit kailangan ko pa siyang suntukin bago niya ako halikan samantalang pwede naman niya akong halikan agad. Ngunit sa isip ko na lang iyon. Parang gusto ko na rin tuloy hablutin ang harapang waistline ng pantalon niya at hilahin siya papasok sa flat at doon, yayapusin siya ng mahigpit atsaka ako na ang hahalik sa kanya. Miss na miss ko kasi siya kahit isang araw lang na nawala siya. Siguro dahil iyon sa galit ko sa kanya at pagkatapos ay bigla na lang ding sumulpot. Napatitig na lang ako sa kanya.
“Hindi ka na takot na baka may makakita sa atin na magkasama?”
“T-takot pa rin ah. Pero... nand’yan ka naman eh. Bahala na...”
“Hayan.... that’s my boss.” Sabay patama ng marahan ng kanyang kamao sa aking pisngi, na para bang nanggigigil. “Gusto mo halikan na kita dito sa harap ng flat mo?”
Na sinagot ko naman ng pag-irap sa kanya. Iyon bang feeling na gusto mo ngunit nakakainis dahil hindi pa gawin agad. Kakainis.
Natawa na lang siya, sabay dampot niya sa bag ko at isinukbit iyon sa kanya balikat. “Tara! Mamaya na iyang iniisip mo.”
Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. “Waaahhhh! Bakit? Ano ba ang iniisip ko?”
“Kung makatitig ka sa akin, akala mo ay lalamunin mo ako ng buo eh. Alam ko naman miss na miss mo ako!” ang deretsahan niyang sabi.
“Waaahhhh! Mr. Aljun Lachica! Masyado kang assuming! Ikaw kaya nag atat na atat na makita ako. Iyan ang may proof.” Sagot ko.
“Ano ang proof mo?”
“Hayan... bumalik ka pa talaga upang isama mo ako.”
“Bakit? Ako rin naman may proof na miss na miss mo ako eh.”
“Ano naman ang proof mo?”
“Hayan...” sabay turo sa bag ko. “Alam ko namang susundan mo ako sa bukid e.”
“Waaahh! Paano mo nalamang sa bukid ang punta ko?”
“Saan pa ba? Hindi naman sa beach. Hindi rin sa inyo. Wala ka namanag ibang barkada dito para puntahan mo... O ano... Mr. Gener Flandez, Jr? Anything more to say?”
Napatingin na lang ako sa kanya. Tama nga naman siya. Sa kanya talaga ang punta ko, at sobrang miss na miss ko na sya. Ewan kung mental telepathy iyon, nanghuhula lang o, inaassume na lang niya iyon dahil may naramdaman din siya. Sabagay, nasabi na rin niya sa akin na alam daw niya sa tingin pa lang ng isang tao kung may pagnanasa ito sa kanya; na nararamdaman nya kapag ang isang tao ay may tama sa kanya... Marami na kasi siyang karanasan. Marami nang taong natapilok sa ka-pogian niya, na kahit naglalakad lang siya sa isang lugar na walang nakakakilala, hindi puwedeng hindi sila lilingon o tititig sa kanya. Kaya alam ko, nababasa din niya ang aking kilos at mga titig sa kanya.
“O... magtitigan na lang ba tayo dito?” ang pag singit niya noong hindi ko namalayang nakatutok pala ang paningin ko sa kanya, ang isang palad niya ay ikinaway pa sa harap ng aking mga mata. Hindi ko kasi napigilan ang naramdaman. Iyon bang feeling na pagkatapos ng pang-aaway ko, at hindi namin pag-iimikan, hayun, matinding saya na ang naramdaman ko. Paano, sobrang sweet niya. Ni hindi man lang nagalit sa akin sa kabila ng aking inasal. Kung nagkataong nasa loob lang kami ng flat ko ay baka nayakap ko na sya at nahalikan pa.
Mistula naman akong binatukan sa pagkarinig sa sinabi niya. “Ah... sige, alis na tayo.” Ang naisagot ko.
Natawa na lang siya, sabay akbay sa akin. Noong lumapat ang kanyang braso sa aking balikat, malugod kong tinanggap ito, inihanda na ang sariling panindigan ang lahat. Wala na akong pakialam pa sa kung ano man ang sasabihin ng mga tao. Kahit sabihin pa nilang bakla ako, magkunyari na lang akong hindi ko narinig ang ano mang maaaring sabihin o patutsada nila. Hindi ko kontrolado ang takbo ng isip ng mga tao; sarili ko lang ang pwede kong i-control. Kaya ako na ang magpakumbaba. Ang mahalaga, masaya ako... Napag-isip isip ko rin na hindi basta-basta dumarating sa buhay ng isang tao ang pagmamahal at lalo na sa isang katulad ni Aljun na hindi lang guwapo at matalino kundi sobrang bait pa. At ang pagkakataong iyon ay maaaring hindi na darating pa kapag palampasin ko. Kaya dapat lang na i-enjoy ko ito, at hindi ko papayagan na isang takot na matsismis lang ang hahadlang sa karapatan kong lumigaya at i-enjoy ang buhay. Kaya, go...
Naglakad kami patungong kalsada, habang dala-dala niya ang bag ko at naka-akbay siya sa akin, iyon bang akbay na sobrang higpit na may halong pangigigil at lambing. At hinawakan ko pa ang nakausling kamay niya na nakaakbay sa balikat ko, pinisil-pisil at kinikiliti ng aking daliri ang palad niya.
Pumara kami ng jeep na ang rota ay patungo sa terminal ng bus. Noong maupo na kami, nasa unahan ako habang siya ay nasa may likuran ko, ang bisig ay ipinatong sa may bintana ng jeep at nakalingkis ito sa aking katawa. Mistula talaga kaming mag-syota sa aming porma. Dikit na dikit ang aming katawan habang nakaupo, at dikit na dikit an gaming mga katawan. May mga taong nakatingin pang-usyuso, palipat-lipat ang palihim na tiningnan ang mukha ko at ang mukha ni Aljun, ang mga isip ay tila nagtatanong kung bakit parang may something sa amin. May mga estudynte ding nakapansin... Ngunit dedma na lang ako. Kung may bagong litrato mang lalabas sa pagka-sweet naming iyon, ok lang... matatanggap ko na. Hindi ko ipagpalit ang publikong pagpapakita ng pagka-sweet na iyon sa akin ni Aljun sa mga walang kwentang paninira ng mga naiinggit.
May dalawang oras din ang takbo ng bus papunta sa lugar nila. Naupo kaming magkatabi malapit sa pinakadulong upuan; siya ang nasa may bintana. Habang nilalakbay ng bus ang sementadong daan patungo sa aming distinasyon, share naman kami sa iisang music galing sa aking ipod; ang isang earphone ay nasa kaliwa kong tainga at ang isa naman ay nasa kanyang kanan. At habang nakikinig sa music, nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat.
Para akong maiiyak. Iyon kasi ang pinakaunang pagkakataong maglalakbay ako na kasama siya. Iyon bang feeling pupunta ako sa isang lugar na hindi ko alam at wala akong ideya kung ano at saan ngunit dahil kasama ko ang isang taong alam kong pu-protektahan ako, panatag ang aking kalooban. Walang ni kahit kaunting takot kundi puro excitement at saya lamang ang akin naramdaman.
Maya-maya, tumugtog na ang intro ng kantang “I’m Yours” na paborito niyang kantahin para sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin at binitawan niya ang napakagandang ngiti kung saan kitang-kita ko pa ang mga dimples sa kanyang pisngi.
Ewan kung ano ang naramdaman niya ngunit inilingkis niya ang kamay niya sa aking beywang at ang mukha niya ay idinikit pa sa aking ulo na parang hinagod ng kanyang mga labi ang aking buhok.
At noong nagsimula na ang vocal ni Jason Mraz, sinabayan niya ito.
I’m Yours – Jason Mraz Song Lyrics
Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
and now I’m trying to get back
Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
Nothing’s going to stop me but divine intervention
I reckon it’s again my turn to win some or learn some
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
A lá peaceful melody
It’s your God-forsaken right to be loved love loved love loved
So I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
I’ve been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
My breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what i’ma saying is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait I’m sure
No need to complicate
Our time is short
It can not wait, I’m yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you’re free
Look into your heart and you’ll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
A lá one big family (2nd time: A lá happy family; 3rd time: A lá peaceful melody)
It’s your God-forsaken right to be loved love love love
I won’t hesitate no more, no more
It cannot wait, I’m sure
There’s no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t complicate
Our time is short
This is our fate, I’m yours
No please, don’t hesitate
no more, no more
It cannot wait
The sky is your’s!
Mistula naman akong lumutang sa ikapitong alapaap sa kanyang ginawa. At pagkatapos ng kanta ay tawanan. Parang ayaw ko nang marating pa namin ang aming destinasyon. Parang gusto ko na lang na habambuhay ay nasa loob na lang kami ng tumatakbong bus na iyon. Parang solved na siguro ako sa buhay kung ganoon na lang kami...
Maya-maya, nakatulog akong nakasandal sa kanyang balikat habang nakayakap pa rin ang isa niyang kamay sa aking beywang. Nagising na lang ako noong pinisil niya ang aking pisngi.
“Uhmmmm! Nakatulog ako???” ang sambit ko.
At nakita ko ang softdrink na nakalagay sa plastic, may straw na nakausli dito at itinutok sa aking bibig ang dulo nito. “Inum ka boss...” ang sambit ni Aljun.
At sinipsip ko ang straw habang hawak niya ang plastic ng softdrink. Pagkatapos kong sipsipin iyon, siya naman ang sumipsip sa straw din kung saan ako sumipsip.
“Nilagyan ko kaya ng laway ang softdrink” biro ko.
“Ahhh. Kaya pala masarap. Gusto mo purong laway mo na lang ang sisipsipin ko mamaya galling d’yan sa bibig mo?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
Hindi na ako nakaimik. Kinurot ko na lang ang kanyang bewang. Muli, naidlip na naman ako sa kanyang mga bisig.
Malayo ang lokasyon ng bahay nila. Pagkatapos naming sumakay ng bus, kumain muna kami ng tanghalian sa isang restaurant. Mag-aalas 12 ng tanghali na kasi iyon. Pagkatapos naming kumain, sumakay uli kami ng tricycle at noong makababa na, may halos isang oras pa kaming naglakad patungo sa mismong bahay. Maraming puno ng kahoy at bulubundukin ang daan. Gusto kong magreklamo kasi naman ang layo-layo na nga, ang init-init pa ng araw. Lampas alas dose na kasi iyon ng tanghali. Ngunit dahil enjoy naman akong kasama si Aljun kaya ok lang. Napapawi ang aking pagod sa bawat tingin niyang nakingiti sa akin.
“O pagod ka na?” ang tanong niya noong hindi ko mapigilan ang hindi maupo sa lilim ng isang malaking puno at naupo na rin siya sa tabi ko.
“Ang layo pala boss... E di noong umuwi ka noong Friday ay nadaanan mo na pala ito. Tapos nakabalik na rin?”
“Oo! Sanay na ako dito. Tinatakbo ko na lang iyan. Kasama ng workout ko, pagpalakas at pagpatibay ng aking mga binti at paa para sa paglalaro ko ng lawn tennis at basketball.
“Kaya pala ang ganda ng hita mo, ang gandang tingnan lalo na kapag naka-shorts ka lang.”
“Malalaki ba?” tanong niya.
“Oo.”
“Mas malaki itong nasa gitna.” Sabay turo sa harapan niya.
“Waahhhh! Sexual harassment!”
“O e di sige. Kung sexual harassment pala kapag malaki ang sa akin, e di sa iyo na ang malaki.”
Tawa naman ako ng tawa. “Pilosopo!”
Tahimik.
“Ang layo na ng narating mo. Nakasakay ka na ng bus, ng jeep, ng tricycle, naglakad ditto at lahat... tapos bumalik ka pa talaga?”
“Syempre, may naiwanan nga ako, di ba?”
At heaven na naman ang aking naramdaman. “At... ako iyong naiwanan mo talaga?” dugtong ko pa.
“Hindi ikaw... iyong celphone kong nasa loob ng bag mo!” biro niya. “Bitbit mo na pala eh kaya inaya na kita sa terminal!” sabay tayo at takbong tinumbok ang direksyon ng daan patungo sa lugar nila.
“Pag naabutan kita lagot ka sa akin!!!” bulyaw ko habang sinugod ko siya.
Tawanan.
Nakarating din kami sa mismong bahay nila, halos alas dos na ng hapon.
Maliit lang ang bahay nila. Bagamat gawa ito sa kahoy, lumang-luma na ito. Sa harap nito ay may maliit na hardin ng mga bulaklak na hindi masyadong naaalagaan bagamat pilit na namumulaklak pa rin ang mga tanim. May native na mga rosas, may orchids na native din lang sa kanilang lugar, iba’t-ibang klaseng gumamela, at ang mababagong rosal at sampaguita na habang hinihipan ng preskong hanging-bukid ay kumakalat naman ang halimuyak.
Hindi ko lubos maisalarawan ang kakaibang ganda ng ambiance. Tahimik maliban na lang sa ingay ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon habang natatamaan ito ng pabugso-bugsong hangin. Walang polusyon, malamig ang hangin, nakapaligid ditto ang mga malalaking puno ng kahoy. Ang sarap ng pakiramdam.
“Anak... mabuti’t dumating na kayo.” Ang nanay ni Aljun.
Nagmano si Aljun at nagmano din ako. “Si Jun inay, ang sinabi ko po sa iyong master ko. Siya po ang nakapanalo sa akin sa paraffle.”
“Ah... siya ba? Ang guwapo-guwapo naman pala talaga!” sambit ng nanay ni Aljun.
“H-hindi naman po...” ang sagot ko.
“Ito namang batang ito, oo. Totoo naman e. Pareho kayo ng anak ko, parehong guwapo.” Sabay tawa. “Masaya ako na nakapunta ka ditto, Jun. At masaya akong nakilala ko ang ipinagmamalaki sa akin ni Aljun na... espesyal daw niyang kaibigan. Palagi ka kasi niyang ikinikuwento sa akin. Ambait-bait mo raw… Kaya sinabi ko na sa kanya na dalhin ka dito.” Sabay lingon kay Aljun at bitiw ng isang ngiti.
Parang may ibig sabihin ang binitiwang ngiting iyon ng inay niya. Ngunit hindi ko na pinansin pa iyon. Ang alam ko kasi tuwang-tuwa din siya na makita ako.
“Huwag kang mahiya dito Jun ha? Ituring mong parte ka ng pamilya...”
“Papasok na po kami sa loob inay.” pagsingit na ni Aljun.
“A, e... sige, sige. Utusan ko lang si Toto na bumili ng mainum at makakain ninyo”
“Huwag na po. Kumin na po kami sa restaurant sa lungsod. Busog pa po kami.” Ang sagot ko.
“Huwag nang mag-alala sa amin Nay. Mamaya tuturuan ko itong umakyat ng niyog para may maiinum at makain kaming buko.” Biro naman ni Aljun.
Natawa na lang ang nanay ni Aljun. “O sya... may tuba d’yan, at may ipinakatay na rin akong manok kay Toto para pulutan ninyo. Punta muna ako kina Trining upang kunin si Kristoff. “D’yan muna kayo at babalik kaagad ako.
Napatingin naman ako kay Aljun. “S-sino si Trining? Sino si Kristoff?” noong makaalis na ang nanay niya.
“Si Trining ay kapitbahay namin may 200 metro ang layo ng bahay mula dito na may anak din at minsan kapag busy ang nanay sa mga gawain niya sa bukid, nitong maliit naming palayan, doon namin ipinapakisuyo sa kanya si Kristoff. At si Kristoff naman ay... anak ko.” Ang sabi niya, pinagmasdan ang aking rekasyon sa pagkasabi niya sa salitang “anak ko.”
“Huh!” ang gulat kong sagot. “M-may anak ka na???” ang tanong ko, bakas sa mukha ang kakulangan ng paniwala. At may kirot din sa puso akong naramdaman.
“Oo. Mag-aapat na taong gulang pa lang si Kristoff. Anak ko siya sa childhood sweetheart kong si Emma.. Parehong nasa 16 lang kami noong nabuntis ko ang kasintahan. Parehong mapusok. Kaya hayun...”
“Nasaan na si Emma ngayon? Anong nangyari sa kanya? Kasal ba kayo?” ang sunod-sunod kong tanong.
“Pasok muna tayo sa bahay. Doon ko na sa loob i-kwento sa iyo...” ang sabi iya.
Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay.
Naupo kami sa isang lumang sofa na purong kahoy at walang takip o foam. Masinop ang loob ng kanilang bahay. Luma nga ngunit napakalinis.
Nagsimula siyang magkwento.
“Una, hindi kami kasal. Nag-aaral pa kasi kami noong mabuntis siya. Iminungkahe ko na kung papayag ang kanyang mga magulang, ay hindi muna kami magpakasal gawa nang tatapusin ko muna ang aking pag-aaral. Sa side ni Emma, ok lang daw sa kanya. Ayaw din niyang makasal kami dahil hindi pa raw siya handa sa responsibilidad bilang isang ina at bilang asawa. Mataas kasi ang pangarap noon. At dahil pumayag din naman ang mga magulang niya, kaya ipinagpatuloy muna naming dalawa ang pag-aaral. Sayang kasi ang scholarship ko at ganoon din siya, may scholarship din. Noong halata na ang kanyang tiyan, saka na siya huminto sa pag-aaral at ako na lang ang nagpapatuloy. Hanggang sa nanganak siya. Subalit, nag-iba ang takbo ng kanyang isip pagkatapos niyang mailuwal ang anak namin. Nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila at doon magpatuloy ng pag-aaral. Sawang-sawa na raw siya sa bukid at kahirapan at gusto niyang umangat naman ang buhay niya. At mahahanap lang daw niya ito sa Maynila o sa abroad. Nag-apply siya ng scholarship sa isang prestihiyosong unibersidad. At dahil matalino, natanggap. Ngunit hindi rin niya natapos ang pag-aaral dahil may nag-alok daw sa kanya ng trabaho sa Canada. Simula noon, wala na siyang communication. Kahit sa mga magulang niya ay hindi na rin niya sinulatan. Hanggang ngayon ay hindi na namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Ang huli niyang sulat sa akin ay kalimutan ko na lang daw siya at ako na ang bahala sa baby namin dahil may iba na siyang kinakasama, isang Canadian at malapit na raw silang ikasal. Hindi daw alam ng Canadian na may anak na siya. At marahil… kasal na nga sila ngayon. Isang taon na kasi ang nakalipas simula noong sinabi niya ito sa sulat niya.”
Hindi ko lubos maintindihan ang sarili sa narinig niyang kwento. May halong selos at lungkot na may iba na pala siyang minahal at nagkaanak pa sila. Ngunit may halong awa din akong naramdaman para sa sarili. Mistulang gumuho ang inaasam-asam ng aking puso na sana ay maging kami na. Kasi, pakiramdam ko ay handa na sana akong harapin ang katotohanang mahal ko na rin siya at kaya ko nang panindigan kung sakali man ay aabot kami sa mas malalim pa na relasyon ngunit may babae na pala siyang minahal. Parang ang hirap. Bumabalik-balik sa isip ang pagkalito at takot noong una na baka maranasan ko ang ma-in love sa isang lalaki na ang hanap ay isang babae. “M-mahal mo ba siya?” ang naitanong ko na lang.
“Oo... sobrang mahal ko ang babaeng iyon. Childhood sweetheart ko kasi at malalim ang aming pinagsamahan. At lalo na nagkaanak pa kami...” ang sagot niyang bakas ang lungkot sa kanyang mukha.
At sa sagot niyang iyon ay lalo pang bumigat ang aking naramdamang kalungkutan. Pakiramdam ko kasi ay may hinahanap-hanap pa niya si Emma.
“Ngunit kinalimutan ko na siya. Napag-isipisip kong kahit gustuhin ko man, hindi kami para sa isa’t-isa. Ang importante lang sa akin ngayon ay... masaya ako na nad’yan ang anak ko. At... syempre, tuloy pa rin ang buhay.”
Maya-maya lang ay dumating na ang kanyang inay, kasama ang anak niyang si Kristoff.
Namangha ako sa pagkakita ko sa bata. Napaka-cute niya. Maputi, matangos ang ilong, may magandang mga mata at ang pilikmata na parang sa isang manika. Na-figure out ko tuloy na ay maganda din ang ina niya kasi bagamat hawig na hawig kay Aljun ang mukha at ang tindig, maputi ito at makinis.
Sabik na tumakbo kaagad ang bata patungo sa papa niya noong makita ito. “Papa!” sigaw noong bata.
Kinarga agad ito ni Aljun, iniikot-ikot sa ere, at hinahalik-halikan ang mukha at ang labi. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi maingggit. Isang masayang larawan ng mag-amang sabik sa isa’t-isa at puno ng pagmamahalan.
“Sana sinabi mong may anak ka nap ala upang makabili man lang ako ng laruan para kay Kristoff” ang pagsingit ko sa harutan nila.
Napahinto sila sa kanilng kasayahan. Karga-karga sa isang bisig niya si Kristoff, hinarap ako ng mag-ama sabay turo sa akin ni Aljun, “O hayan, narinig mo, may laruan ka raw galing kay papa Jun mo!”
Mistula namang tumalon-talon ang aking puso sa narinig na pagpakilala niya sa akin bilang “Papa”. Natawa na rin ako.
“O... kay papa Jun ka muna!” sabay abot sa akin sa karga-karga niyang anak.
At bigla ko ring naramdaman ang excitement noong nasa bisig ko na si Kristoff. Noon lang kasi ako nakakarga ng bata, at ang cute pa niya!
“Kiss kay papa Jun! Daliiiiii!” ang utos ni Aljun sa bata na agad namang tumalima at puno ng kainosentehang idiniin ang kanyang nguso sa aking labi. At may sound pa talaga ang paghalik niya.
Natawa si Aljun sa nakitang lips-to-lips na halikan at syempre sa side ko, nagulat man, natawa na rin. “Mag-ama talaga kayo, huh!” ang nasambit k okay Aljun.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” Tanong niya.
“Pareho kayong tsansingero!”
Na sinagot ni Aljun ng isang malakas na tawa. “Ibig sabihin niyan, love ka rin niya.”
Syempre, kinilig na naman ako. “Ang ibig bang sabihin noon ay noong tsinantsinagn niya ako ng halik sa unang pagtagpo pa lang namin ay “love” na niya rin ako?” sa isip ko lang. Ngunit sa kabilang banda, ibang feeling din ang naramdaman ko sa pagkarga ko kay Kristoff. Ewan. Marahil ay dahil hindi lang siya cute at bibo at unang pagkakataon ko pang makakarga ng bata, kundi anak yata siya ng aking mahal. Parang sa loob-loob ko ay gusto kong maging akin na rin siya...
“Gusto mo ba ng laruan?” tanong ko sa bata
“Opo...” sagot ni Kristoff.
“Anong laruan ba ang gusto ni Kristoff?” tanong ko uli.
“Kahit ano po. Basta may gulong po atsaka... baril-barilan.”
Hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi matawa ng malakas. Bibong bata kasi. “O siya. Sa sunod kong pagbalik dito, bibilhan kita ng maraming laruan na may gulong atsaka baril-barilan. Ok ba?”
Tumango lang ang bata.
“Gusto mo bang magiging papa ako?”
“Opo...”
“O sige nga... kiss muli sa papa Jun.” Panghikayat kong i-kiss muli ako.
At muli na namang idinampi ang nguso niya sa aking bibig. At kagaya noong una niyang kiss may ingay uli ito. Tuwang-tuwa talaga ako sa bata.
“Uy, uy, uy... child abuse na iyan!” Ang biro naman ni Aljun noong hinalikan uli ako ng anak niya.
Tawanan.
Kinuha na ni Aljun sa mga bisig ko si Kristoff. “O sya... sa lola mo na ikaw muna ha? May bisita pa si papa. Huwag makulit at huwag pasaway sa lola, ok?” ang sabi ni Aljun sa anak sabay baba nito sa sahig.
Tumango naman ang bata at tumakbo na patungo sa lola niya.
Sinundan ko ng tingin ang nagtatakbong si Kristoff. Sobrang napahanga talaga ako, lalo na noong makarating na sa lola niya at lumingon sa amin at puno ng kainosentehang kumaway at ngumiti, bumakat sa magkabilang pisngi ang dimples na kagayang-kagaya ng sa ama niya. “Ang cute ng baby mo! scanned copy talaga sa ama!” sambit ko.
Na sinagot naman ni Aljun ng, “Pinaghirapan ko yata iyan.”
Nangiti na lang ako.
“Kayo na muna ang bahala d’yan Aljun! Sa kwarto lang kami ni Kristoff. Patutulugin ko muna ito.” Ang sigaw ng nanay ni Aljun.
Umalis ang nanay ni Aljun kasama si Kristoff at siya namang pagdating ni Toto, ang pinsan ni Aljun sa ina na sa tingin ko ay nasa 15 – 16 ang edad. Naka-short lang ito at nakahubad pang-itaas. Kulay sunog ang balat, nasa average ang pangangatawan ngunit kitang-kita ang matipunong dibdib at muscles sa biceps.
“Kuya, lilitsunin ko lang ba ang manok?” tanong ni Toto habang inilatag ang maiinum naming isang pitsel na tuba sa mesa kasama ang isang baso.
“Sige To... salamat ha?” sagot ni Aljun kay Toto.
“At may nahuli din kami kanina ni Alvin na mga dalag at hito. Iihawin ko na rin kuya...”
“Sige To... ipatikim natin sa bisita natin kung gaano kasarap ang dalag at hito dito sa lugar natin.” Sabay tawa. At baling sa akin, “Nakatikim ka na ba ng hito at dalag?”
“Hindi pa.”
“Pwes makatikim ka na ngayon” sabay tawa. Kinuha niya ang pitsel ng tuba atsakla nagtagay sa baso. “Nakatikim ka na rin ba ng tuba?”
“Nakatikim na ako niyan. Mapait hehe. Pero ok lang” sagot ko.
“Mapait ito ngunit manamis-namis kasi hinaluan na ng Pepsi. Ito ang native wine namin dito, galing sa puno ng nyog.”
Iniabot niya sa akin ang tagay at may pag-aalangang ininum ko ito. Mapait nga na matamis. Napangiti lang si Aljun noong makita ang mukha kong nasira sa lasa ng ipinainum niya.
Nagtagay na rin siya para sa sarili at ininum din iyon. Halatang sanay na siya sa lasa nito.
“Gusto mo doon tayo sa gilid ng ilog? Malapit lang dito, may mga 300 metro lang ang layo.”
“Sige, sige!” ang sagot ko. Gusto ko rin kasi ang tanawin sa labas at lalao na mag aalas-kuwtro na ng hapon iyon, hindi na masyadong mainit.
At binitbit niya ang pitsel ng aming inumin, ako naman ang nagbitbit ng baso. Dumaan kami sa may kusina at nagpaalam kay Toto.
“Dalhin ko na lang doon kuya kapag naluto na ito...” ang sabi naman ni Toto pahiwatig sa kanyang inihaw na mga isda at ang nilitson na manok.
“Ok To... mas maganda. Outdoor picnic kumbaga.”
Naupo kami sa isang mababang pampang sa gilid lang ng ilog at inilatag namin ang pitsel. Habang naupo kami, sa harap naman namin ay nandoon ang mismong ilog na may lapad lang sigurong 15 metro. Medyo putikin ang ilog na iyon at may mga tumutubong puno ng nipa sa gilid at sa may pampang ay may mga malalaking puno ng talisay. May kulay berde ang malalim na parte at kitang-kita ang marahang pag-agos ng tubig nito. Napakaganda ng lugar. Mistulang isang obrang gawa ito ng kalikasan.
At… ang sarap ng aking pakiramdam. Walang pressure, walang ibang iniisip kundi ang pag-enjoy sa kapaligiran, magandang tanawin, at preskong hangin. At syempre, dahil kasama ko ang taong nagpapakilig sa akin, lalo pa itong mas sumaya. Parang gusto kong mangarap na sana ay ganoon na lang ang buhay. Walang hassle, walang problemang bumabagabag, walang pressure, walang mga rules na iniintindi, walang nagmamatyag, walang takot na baka may makahuli... at higit sa lahat, nag-uumapaw ang puso sa kaligayahan dahil nasa piling ko ang taong nagpapatibok nito.
Maya-maya, dumating na si Toto at dala-dala sa isang basket ang niluto niyang litson na manok at inihaw na dalag at hito.
Lalo naman itong nagpasarap sa ambiance. Pagkatapos na mailatag ni Toto sa damuhan ang mga iniluto niyang pagkain, inabutan siya ni Aljun ng tagay. Agad din namang tinanggap ito ni toto atsaka tinugga ang baso. Halatang sanay din siya.
Kuwentuhan kaming tatlo. Doon ko rin nalaman na magkasing edad lang pala kami ni Toto. Nag-aaral pa siya sa fourth year high school at ang bahay nila ay nasa hindi kalayuan lang. At talagang nagpupunta lang siya kina Aljun, tumutulong-tulong sa mga gawain ng nanay ni Aljun sa bukid kapag nag-iisa lang ito at wala si Aljun.
Panay naman ang tingin sa akin ni Aljun habang tinatanong ko si Toto sa bughay-buhay niya. Nagbabantay ba o nagseselos? Hindi ko lang alam.
Maya-maya, lumusong si Toto sa ilog at sa paanan ng isang puno ng nipa na natakpan pa ng tubig ay may hinugot.
“Waaaahhh! Ano iyan?” ang excited kong tanong noong makita ang hinuot na iyon ni Toto na mistulang isang hawla na gawa sa kawayan at may mga gumagapang pa sa loob nito.
“Fish trap iyan. Nilalagyan namin ng mga pagkain atsaka inilalatag lang d’yan, hinihintay ang high tide at pag nag lo-low tide na, saka namin kukuhanin. Ang mga nahuhuli dyan ay alimango, hipon, isda at sugpo.”
“Wow! At may alimango ba yang huli niya?”
“Alimango iyan...”
May kinuha pang 6 na trap si Toto at pawang may mga laman din.
“Ang dali palang makahuli!” sigaw ko.
“Tamang-tama, Toto. May ulam na naman tayo sa hapunan para sa ating bisita.” Ang pabirong sabi ni Aljun kay Toto.
Napangiti lang si Toto. Noong binilang namin ang lahat ng laman ng trap, may 4 malalaking kasing lapad halos ng plato na mga alimango, 6 na medium size, at may mahigit 10 na sugpo din at iilang kasing laki ng palad na mga isda.
Sa nakita kong preskong lamang-ilog na kuha ni Toto, naisip kong madali lang palang mabuhay sa bukid nila. Sagana sa ulam, at sa kanin naman ay may palayan sila, may niyogan, at may mga pananim ding saging, kamote, gabi, at iba pang root crops. “Hindi ka pala magugutom dito!” ang sabi ko kay Aljun.
“Oo. Kasi mas marami pa ang supply kaysa mga tao dito sa lugar namin. Kung masipag ka lang magtanim at maghanap ng makain, hindi ka maguguton dito. Hindi kagaya nang sa syudad kung saan tambak ang mga tao, mahal ang mga bilihin, hindi pa presko, at kapag wala kang pera ay mamamatay ka talaga sa gutom...”
“Ang sarap talagang mamuhay sa bukid...” ang nasambit ko. Gusto ko pa sanang idagdag ang “... lalo na kapag kasama mo ang iyong mahal” Ngunit tinablan na ako ng hiya.
“Uwi na muna ako kuya. Ihanda ko na po ang mga ito.” Ang pagsingit ni Toto.
“Ok Tol... Galingan mo ha? Ipakita mo sa kuya Jun mo kung gaano kasarap kang magluto” ang biro ni Aljun.
Ngiti lang ang isinukli ni Toto sabay talikod at alis na.
Noong kami na lang dalawa ni Aljun ang natira, tiningnan niya ako at nginitian. “Ating-atin ang mundo.” Sambit niya.
“E, ano ngayon?”
“Wala lang... sarap...”
Iyon lang ang sagot niya. At inuman uli, kain, kuwento… Maya-maya, napatingala ako sa itaas noong dumaan ang isang napakagandang ibon at dumapo ito sa tuktok ng pinakataas ng kahoy na nasa di kalayuan lang. Kulay dilaw ang kanyang tuka at ang buntot ay mahabang may magkahalong matitingkad na kulay pula at bughaw. “Ang ganda ng ibon na iyon!” sigaw k okay Aljun.
Tumingala siya at tiningnan ang ibong tinukoy ko. “Ah, iyan ba...?” ang sambit niya noong makita na ito. “Ang tawag namin d’yan ay Ibong-wagas. Alam mo, bihira lang ang nakakakita niyan dito. Masyadong mailap kasi ang ibong iyan. At dito lang iyan matatagpuan sa lugar namin. Ang karamihan niyan ay nasa liblib na lugar ng kagubatan na namumuhay. Kaya, maswerte ka kapag nakakakita ka ng ganyang ibon.”
“Talaga? E... maswerte pala ako na nakakita niyan.”
“Oo. Dahil kahit papaano, nakita mo pa ang uri niya bagamat ang sabi ng aming mga ninuno, talagang pili lang daw ang mga taong pinapakitaan niyan.”
“Talaga? At bakit naman daw pili?”
“Pamahiin. Ang sabi nila, nagpapakita lang daw iyan sa taong may wagas na pagmamahal. At hindi lang iyan, magkakatuluyan pa sila sa kung sino man ang taong minahal ng wagas noong nakakita sa ibong iyan. Kumbaga, kapag nagpapakita iyan sa isang taong nahanap na ang nakatadhana para sa kanya.”
Para namang nabilaukan ako sa narinig. “Tama ba ang pamahiin?” ang naitanong ko tuloy sa sarili. Bakit ako at si Aljun ang piniling makakita sa kanya? “T-totoo ba daw ang pamahiin?” ang naitangong ko na lang. Syempre, excited. Kasi, may tinitimpi akong naramdaman. At kung totoo nga ang pamahiin ay magkatuluyan pa pala kami... o sya nab a ang nakatadhana para sa akin? Exciting!
“Sabi nila... Pero hindi naman ako talaga naniniwala d’yan.”
“Ay bakit???” ang disappointed kong tanong.
“Naka-ilang beses na kaya akong nakakita niyan.... at hanggang ngayon ay wala pa naman akong nakatuluyan. Ibig sabihin, wala pa ang taong nakatadhana para sa akin. Dati, akala ko, si Emma na iyon. Ngunit hindi pala…” ang sabi niya, halatang may halong pagtatampo ang tono ng pananalita.
May kirot naman akong naramdaman sa sinabi niyang iyon. Naisip ko tuloy na talagang may pagmamahal pa siya kay Emma. At ang nasabi ko na lang ay, “Ang ibig lang sigurong sabihin niyan ay hindi ka pa talaga nagmahal ng wagas.”
“Ibig sabihin naniniwala ka sa pamahiin ng ibong-wagas?”
“Why not?” ang biro ko.
Natawa naman siya. “Hoy, Mr. Gener Flandez, the smartest student of the Liberal Arts Department, nagpapaniwala ka sa mga pamahiin? Ibig bang sabihin niyan ay nagmahal ka na ng wagas ngayon?”
Syempre, deny to death ako. Kahit parang naniniwala naman ako kasi nagkataong parang mababaliw na ako sa pag-ibig sa kanya, baka isipin niyang naniwala ako sa pamahiin dahil una, umibig nga ako ng wagas at magduda siyang siya ang inibig ko, na ayaw ko namang mangyari. At pangalawa, baka isipin din niyang umaasa talaga ako na maging kami. Kaya sinagot ko siya ng, “Hoy, Mr. Aljun Lachica! President of the student council – on indefinite leave pending resolution of the case filed by a certain whoever...” ini-emphasize ko pa talaga ang salitang ‘on indefinite leave...’ “Kung totoo nga iyan, e di nagmahal sana ako ng wagas. E, wala naman eh. Paano ako maniniwala?”
Tawa naman siya ng tawa sa pagkabigkas ko at lalo na sa “on indefinite leave” na isiningit ko pa.
“O ano... Baka noon, hindi ka pa talaga nagmahal ng wagas. Baka ngayon pa lang.” ang dugtong ko pang pang-aasar.
Bigla naman siyang napatingin sa akin sa sinabi kong “ngayon pa lang.”
Nabigla tuloy ako sa hindi inaasahang lalabas sa aking bibig. Kaya binawi ko agad ito ng, “I mean, baka sa future pa lang...”
Hindi siya sumagot. Parang may malalim siyang iniisip.
Tahimik.
“M-may mga kuwento ba na naging totoo daw ang pamahiin?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Mayroon din. Ngunit coincidence na lang siguro ang mga iyon. At dahil ang ibon na iyan nga ang simbolo ng wagas na pag-ibig, ang ginagawa daw ng mga ninuno kapag nanligaw sila ay binibigyan nila ang babaeng napupusuan ng kwintas na ang pendant ay tuka ng ibong-wagas. Base sa kanilang paniniwala, magkakatotoo ang pamahiin kapag ginawa nila ito.”
“T-talaga? May lalaki pa bang nagbibigay ng ganyang pendant ngayon sa mga nililigawan nila?”
“Ngayon? Wala na siguro... Wala na akong naririnig eh. Makabago na ang mga tao dito sa amin. Wala nang nainiwala sa ganyan. At isa pa, naubos na rin ang mga ibong-wagas.” Sabay tawa.
“G-ganoon ba?” ang naisagot ko na lang. Syempre, panghihinayang ang naramdaman ko. Akala ko pa naman ay talagang totoo at ginagawa pa ng mga taga-roon.
Lampas alas 6 na ng gabi noong makabalik kami sa bahay nina Aljun. Med’yo madilim na. Pagdating kaagad namin ay nakahanda na ang hapag-kainan. Kami na lang ang hinintay ng nanay ni Aljun, si Toto na siyang kusinero at pati si Kristoff ay nandoon na rin. At dahil madilim na sa loob ng bahay, may nakasindi nang mga lampara na ang gamit ay langis galling sa niyog. Wala pa kasing koryente ang lugar nila.
Tiningnan ko ang mesa at parang nagutom uli ako sa aking nakitang luto ni Toto na pulang-pulang mga alimango na nakalatag sa hapag-kainan at ang mga malalaking sugpo. May isdang tinola din at ang isdang bukid na dalag at hito ay hindi nawawala.
Med’yo nagkahiyaan. May pagka tahimik na tao pala ang inay ni Aljun na kabaligtaran naman sa anak at apo niyang si Kristoff. Tumatawa lang kapag nagbibiro si Aljun, at kapag tinatanong saka lang nagsasalita. Pero mabait. Sobra. At alagang-alaga naman niya ako.
Tuwang-tuwa naman akong pinagmasdan ang mag-ama. Nakakandong kay Aljun si Kristoff at sinusubuan ito. Nakakaaliw. At behave habang kumakain. Tingin nang tingin sa akin, siguro nag-oobserba kung ano ba talaga ako sa papa niya.
“Kristoff, gusto mo si papa Jun naman ang magsubo ng pagkain sa iyo?” tanong ni Aljun sa anak.
Tiningnan ako ng maigi ni Kristoff, mistulang inusisa sa aking mukha ang reaksyon ko sa mungkahi ng kanyang ama at noong Makita ang ngiti sa mukha ko atsaka sumagot na ng, “Opo!”
“Matalino ang batang ito!” ang sambit ko habang kinuha ko na sya at pinakandong sa aking kandungan. At ako na ang nagsubo sa kanya ng pagkain.
Touched naman ako. Ang bait-bait na bata, walang reklamo. At habang pinapakain ko si Kristoff, hindi naman magkamayaw sa kakatingin sa amin si Aljun na para bang ako ang asawa niya at anak naming dalawa si Kristoff. “Haissssttt!” Sa sarili ko lang. Nangarap ba.
Pagkatapos namin sa hapag kainan, sa labas naman kami ng bahay nag-umpukan. Outdoor camping at bonding kumbaga. May bonfire na ginawa si Toto at nakijamming din ang inay ni Aljun.
Kantahan. At kumakanta kaming lahat, kasama na ang inay ni Aljun. Magaling din pala siyang kumanta. At pati si Kristoff ay nakikanta na rin. At may kanta na ring na-memorize ang bata. Ang galing!
Hanggang sa nauna nang nagpaalam na matulog ang inay ni Aljun at si Kristoff. At pati si Toto ay pinapatulog na rin ni Aljun upang makapagpahinga dahil med’yo lasing na rin.
Naiwan kaming dalawa.
Pakiwari ko ay tunay talaga kaming mag-asawang nagha-honeymoon. Dikit na dikit ang aming mga katawang nakaupo sa damuhan, nakaharap sa bonfire, nakaakbay siya sa akin habang nakalingkis naman ang isa kong kamay sa kanyang tagiliran.
“Hindi ka ba talaga naniniwala sa pamahiin ng ibong-wagas boss?”
“Ayoko ngang maniwala dy’an! Hindi totoo iyan. Kasi nga, hindi nangyari sa akin.”
‘Paano kung totoo?” tanong ko.
“Paano kung hindi?”
“Bakit ba ayaw mong maniwala, e wala namang mawawala sa iyo kung maniwala ka?”
“Bakit ba gusto mong maniwala, e wala din namang mawawala sa iyo kung ayaw mong maniwala?”
“Ang talino mo talaga no? E, bakit nagpapakita sa atin ang ibon kanina?”
“Aba! At ako pa ang tinanong. Malay ko ba sa ibon na iyon. Hindi naman kami close para sabihin niya sa akin kung bakit nagpakita siya sa iyo. Malay ko ba kung may crush iyon sa iyo o baka naninilip lang sa atin iyon. O baka kaya magulo ang isip o sabog. O baka naman nag-expect na maghalikan tayo at may dalang camera pala iyon, kukunan na naman tayo ng litrato.”
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Naalala ko tuloy si Giselle. “Pati ba ang ibon na iyon ay ka-kontsaba na rin ni Giselle? May tama na nga ang utak mo Mr. Lachica. Adik ka.”
“Adik talaga. At ikaw ang malaking shabu sa buhay ko...”
“Waaahhh! Bakit ako?”
“Dahil nanginginig ang buong kalamnan ko, natuturete ang utak ko kapag hindi ko nalalanghap ang usok ng mga halik mo...”
“Waaahhh! Adik ka talag---!”
Hindi ko na naituloy pa ag sasabihin gawa nang bigla niyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Ewan. Ngunit parang naiiba ang halik niyang iyon. Parang mas ramdam ko pa ang init ng kanyang pagnanasa, ang pag-aalab ng kanyang damdamin...
Noong umakyat na kami sa kuwarto niya, kaming dalawa lang pala doon gawa nang si Kristoff ay kasama sa pagtulog ng inay niya sa kabilang kwarto. Nakasindi na ang dalawang lampara. Sadyang inayos na yata ito ni Toto bago siya natulog na rin. At bagamat hindi kasing lakas ang liwanag nito kumpara sa de-koryenteng ilaw, klarong-klaro ko pa rin naman ang kabuuan ng kuwarto.
May malaking kama na may lumang kutson na may naka-set na ring kulambo.
“Ito pala ang kuwarto mo.” Sambit ko.
“Oo. Kuwarto namin ni Kristoff…” sagot niya.
Hindi pa lubos na naikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kuwarto noong bigla na lang akong niyakap ni Aljun at siniil ng halik ang aking mga labi. Hindi na ako nakapalag pa. Pinakawalan ko na rin ang nag-uumalpas at tinitimpi kong pananabik sa kanya. Sa paghahalikan naming iyon, para kaming mga hayop na gutom na gutom. Parang iyon na ang huli naming sandali sa sobra naming kasabikan sa isa’t-isa.
Ngunit habang nasa tuktok ako ng kasabikan, bigla siyang kumalas at may kinuha sa drawer ng mesa. Hindi ko alam kung bakit siya kumalas at kung gaano ba ka importante iyong kinuha niya sa drawer na iyon na sa kalagitnaan pa ng aming kasabikan.
Ngunit noong tumambad ito sa aking paningin, mangiyak-ngiyak ako sa sobrang tuwa. Sa kanyang mga kamay ay isang kwintas na ang gamit na chain ay isang itim na bibiluging sintas ng sapatos ngunit ang pendant nito ay ang dilaw na tuka ng ibong-wagas!
Para akong na-shock.
Lumuhod siya sa harap ko at nagsalita. “Boss, ang tuka ng ibong-wagas na ito ay ibibigay ko sa iyo pagpapatunay na wagas ang aking pagmamahal… Tatanggapin mo ba ang pagmamahal ko?”
At hindi na ako nakapagsalita pa gawa ng mistulang may bumara sa aking lalamunan. Inabot ko ang kamay niya at hinila sya upang tumayo at noong makatayo na siya niyakap ko siya ng mahigpit. “Naniniwala ka sa pamahiin. Naniniwala ka sa pamahiin…” ang nasambit ko na lang.
“Bakit… wala namang mawawala sa akin kung maniwala ako, di ba?”
“Di ba hindi naman ito natupad sa inyo ni Emma?”
“B-baka may kulang… baka hindi ko naibigay sa kanya ang kwintas ng tuka, kaya hindi ito nagkatotoo.”
Bahagya siyang kumalas. Pinahid niya ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. “I love you boss…” Bulong niya.
“I love you too boss…” ang sagot ko.
At isinukbit na niya ang kwintas sa aking leeg.
Muling naglapat ang aming mga labi. At sa pagkakataong iyon, buo na ang isip kong ibigay ang lahat na kaya kong ibigay para kay Aljun sa gabing iyon.
At naalimpungatan ko na lang ang ang sariling hinila ang t-shirt ni Aljun… at pagkatapos noon, kinapa ko ang butones ng kanyang pantalon, yumuko ako upang ibibaba ang zipper at hilahin pababa ang kanyang maong na pantalon.Napaupo si Aljun sa gilid ng kama upang mapadali ang pagtanggal ko ng pantaloon niya.
Kinapa ko muli ang garter ng puting brief niya, angnatirang saplot sa kanyang katawan. Pansin ko ang nag-uumalpas niyang pagkalalaki na mistulang galit na galit noong maibaba ko nang tuluyan ito sa kanyang katawan.
Noong hubo’t-hubad na siya. Tumayo ako. Nakaharap sa kanya, tinanggal ko ang aking t-shirt. Isinunod kong tanggalin ang aking pantalon, at pagkatapos ay ang brief…
Tumayo siya at nilapitan ako. Muling naglapat ang aming mga labi.
At sa gabing iyon, sa gitna ng ingay ng mga kuliglig at panggabing mga hayup, ipinagkaloob ko kay Aljun ang aking katawan at ang aking puso…
(Itutuloy)
------------------------
Note: To follow po ang complete hot scene na ito sa http://toridparts.blogspot.com abangan na lang po doon kapag natapos ko na po bagamat ang uunahin kong bibigyan ay ang mga listed followers muna ng MSOB bago ko ipost doon.

weeeeeee!
ReplyDeletetnx sa update Sir Mike!
basa mode:)
super ganda po talaga ng kwento, kakakilig cya , galing mo talaga sir mike, the best ka
ReplyDelete:)
ReplyDeletewow! next chapter na please....
ReplyDeletepanalo akoooooooooooooooooooooooooooooooooooo........................hahaha,,,ako lng at may kasama pang napakalaking poh,,,,hahaha...ty at sa mga frens at kasama ko ...sa susunod kayo naman...ty po sir mike...teka po ask lng paano po ba magpalist sa MSOB...D KO PO ALAM....NONE sabi ko sayo...yn ang sosorpresa ky jun,,,hahaha,,,sir mike uwi na po cla sa 8 po...lungkot namin ni jiji...
ReplyDeletenice.... cant wait sa torrid parts....
ReplyDelete..very refreshing scenes..pinakita kung gaano kasagana sa natural resources ang probinsya at mga bukid..hehehe..pero syempre andun pa rin ung kilig moments and kakulitan ng pamilyan aljhun - jun - kristoff...hahah..sana nga..keep it up kuya mike :)
ReplyDeleteThe best! I've always believed in the mystical, the magical. Itong chapter na ito ang the best so far!
ReplyDeleteKuya Mike, si Dodong ay si Toto rin di ba? Hehe. Andami na kasi sigurong iniisip ng utak mo kung kaya't di na napalitan ang "Dodong" ng "Toto".
Galing mo talaga! Ambangis ng galing mo.
God bless you more and more! Namaste.
waaaah!!!
ReplyDeletenice story sir mike!!
ang ganda talaga nito!
the best ang chapter na to!!
Godbless!!
wahhhh. super ganda. salamat mike...
ReplyDeleteram
c jojo to sir mike,,,minsan sa aking pagbabasa ng mga stories mo d ko maiwasan na ilagay sarili ko sa mga character,,lam mo ba kng bakit?para maranasan ko man lng sumaya o umiyak becoz of love...sa tanang buhay ko kasi,,,d ko naranasan yon...puro familya ako...d ako nagsisi pero ask ko rin minsan sa sarili ko kng tama kya...sir napakagaling nyo po...maraming salamat talaga,,,more power,,,
ReplyDeletenice story po!grabe!!!!!!!!!!1
ReplyDeletekuya mike pls send me the torrid part!thanks!gcutegigolo here from dubai,matagal ko n pong sinusubaybayan ang mga kwento nyo sobra po akong kinikilig!!!i think im in love!i think im in love!!!with jun!heheh!keep up the good work kuya mike!
ReplyDeleteso kilig!!!
ReplyDeletewew,, ang sweet tlga grabe,, nicE onE :) ehhehehe :)
ReplyDelete_lester_
great...
ReplyDeleteBEST!
ReplyDeletereynan
Touch naman ako kay aljon pinakilala sa nanay nya at anak... at higit sa lahat kinilig ako nang nakakita sila ng ibong wagas at binigyan nito si gener...
ReplyDeleteGanda kuya mike double tab ups po!
maganda :) kaso pansin ko sa mga nabasa kong kwento ni sir mike, prate may bukid tska may babae o kaya asawa :D pero maganda, sana magulat ako sa kwento nito :)
ReplyDeleteO MAY GAAAAAAAAAAAADDDDD!!!!!!!!!!!!!! hahaha.. ang ganda na talaga sir mike.. ^^ I LOVE IT
ReplyDeletegusto kong mang-huli ng ibong wagas! HAHAHAHA :)
ReplyDelete-nat B.
wow. officially on na sila. kakakilig. haha
ReplyDeletelarbeettt! cool! - athann19
ReplyDeletehayyyy finally nabasa ko ulit ang PNP.. na miss ko ng sobra ang MSOB..after 1 month ng bakasyon ko ngayon lng ako nakapagbasa..busy po kc sa bakasyon at alam mo na wlang internet sa province kaya no chance..im happy kc im back.. na miss kita kuya mike..kadarating ko lng galing flight nag maraton na agad ako..eheheh ..ang dami ko plang na miss here..mukhang magpupuyat nanaman ako.. im happy na si alandel pala si aljun heheheeh..sayang d kami nagkita ni alandel gawa ng busy kami pareho..ehehehhe
ReplyDeletenewey back to PNP..grabe dami na pla ang nangyari and dami kong namiss pero thnkful ako nabasa ko na lahat..ganda pa rin talaga ng flow ng story at ang hinihintay kong pagtatapat ni aljun ay nangyari na..love it..hehehe kaya sobrang happy ako ngayon at inaabangan na ang next chapter lalo na ung last part na mangyayari kay jun at aljun..ehhehe love it..
naka relate ako kay aljun same history may anak din ako lalaki din sya 6 yrs. old na tulad ni emma umalis din sya at nagpunta ng US d na rin sya nagpakita or cummunicate skin..namiss ko tuloy anak ko, nung inatid ako sa airport at mangiyak iyak..ang hirap talaga..pero inisip ko para sa knya naman ang ginagawa ko kahit mahirap na malayo sa kanya..ehhehe anyway drama na ngbuhay ko sory nakarelate lng po..ehhehe
newey tnx kuya at sorry ngayon lng ako nakapag visit ulit..tnx and more power..
Jhay L
hayyyy finally nabasa ko ulit ang PNP.. na miss ko ng sobra ang MSOB..after 1 month ng bakasyon ko ngayon lng ako nakapagbasa..busy po kc sa bakasyon at alam mo na wlang internet sa province kaya no chance..im happy kc im back.. na miss kita kuya mike..kadarating ko lng galing flight nag maraton na agad ako..eheheh ..ang dami ko plang na miss here..mukhang magpupuyat nanaman ako.. im happy na si alandel pala si aljun heheheeh..sayang d kami nagkita ni alandel gawa ng busy kami pareho..ehehehhe
ReplyDeletenewey back to PNP..grabe dami na pla ang nangyari and dami kong namiss pero thnkful ako nabasa ko na lahat..ganda pa rin talaga ng flow ng story at ang hinihintay kong pagtatapat ni aljun ay nangyari na..love it..hehehe kaya sobrang happy ako ngayon at inaabangan na ang next chapter lalo na ung last part na mangyayari kay jun at aljun..ehhehe love it..
naka relate ako kay aljun same history may anak din ako lalaki din sya 6 yrs. old na tulad ni emma umalis din sya at nagpunta ng US d na rin sya nagpakita or cummunicate skin..namiss ko tuloy anak ko, nung inatid ako sa airport at mangiyak iyak..ang hirap talaga..pero inisip ko para sa knya naman ang ginagawa ko kahit mahirap na malayo sa kanya..ehhehe anyway drama na ngbuhay ko sory nakarelate lng po..ehhehe
newey tnx kuya at sorry ngayon lng ako nakapag visit ulit..tnx and more power..
Jhay L
waaaaaaaaaaah.!!! Putek.. hahaha.. super kakilig naman nitong part na toh. hahaha
ReplyDeletesuper saya.. HAHAHA..
AT ginawa pa talagang umuwi ni Aljun para kay JUN. ang haba kaya ng nilakad nya.. hanep. ikanga natin gagawin mo lahat para sa mahal mo... answeeeeeeeeeeeeet!! hahaha..
at ang nakakatuwang parte is. naniniwala pala si ALJUN sa pamahiin ng Ibong-Wagas. hahaha.. syeeeeeeeeeeeet. super kilig. to the max. hehehe.. at lumuhod pa talaga siya. hahaha. kilig to the bones. up to the bOne marrow. hahaha..
basta im super happy for them napatunayan na nila ang pagmamahal nila sa isa't isa. at sana walang humadlang sa kanilang pagmamahalan.
at dagdag ko lang. kapag naiisip ko si KRISTOFF. waaaah ang cute nung bata. hahaha. sana magkaroon din ako ng ganun na anak. hehehe
at ang iskor ko ay.. 10!
galing!
ReplyDeleteang galing-galing po ng pagkakagawa....
cant wait sa susunod na chapter at sa torrid parts hehehehe...
-mars
i love the idea kuya mike, ang ganda ng setting ng pag iisang katawan nila. kung isasapelikula ito natitiyak ko ang ganda ng cinematography, ito na kaya ang unang pelikula ko bilang isang direktor? haha nangarap
ReplyDeletenice one kua! :)
ReplyDeletenhad
gud day idol...
ReplyDeleteevery chapter of ur stories was always worth for waiting... galing mo kasi idol...
hope i can read the missing part (torrid scene)... hehehe.... wala p kasi dun s link n ibinigay mo
always keep safe para madami p kami( avid reader/follower)mabasa n stories mo...
alex pascual (e-mail add - bhyck2004@yahoo.com)
Ngayon ko lang nabasa ! Late na ko ! huhuhu .
ReplyDeletepero okay lang dahil nahuli akong nagbblush nung binasa ko to, nakakahiya pero I enjoyed reading this talaga kuya mike ! :)
Ngayon ko lang masasabi na : Love can be appreciated in a little way , cause there's something special beyond it !
SUPER LIKE !
Keep it up kuya miky !
Idol writer kita !
WOW 4thumbs up(including yung nasa paa!)
ReplyDelete5Stars ang rating!
10/10 ang puntos!
Standing ovation!
Grabe ang sweet nung moments sa bus.
At pagnginitian ka talaga ng mahal mo parang nakainom ka na rin ng isang litrong energy drink.
(may naaalala lang)
Super super super the best talaga si sir Mike.
Major major ganda talaga tong PNP!
2 lang wish ko..
1.) sana may aljun, kuya rom, sir james, or kuya erwin na nagkalat sa tabi tabi.
2.) sana walang mamamatay sa story(kasi nde na talaga ako nakaget-over sa death ni kuya zach. at buti na lang yung tol i love u my 2nd version ng ending, kundi... hay basta)
MORE POWER TO YOU SIR MIKE...
INGATAN NYO PONG MAUNTOG KAYO SIR BAKA MAWALA ANG MAGICAL AND POWERFUL SKILLS NYO :D
I'm afraid
ReplyDelete'Cause it feels too good
That I want it so bad
It's just not true
Couldn't ask for anymore than you
Because you look at me
As though I'm beautiful
Could it be that you want me
I never dreamed someone like you
Could want someone like me
I'm not sure
But the more that it's real
The more it's right
Hoo-ooh, what night
It's as though we've been lovers
All of our lives
There must be a God
Could it be
That He has heard me at last
Because you look at me
As though I'm beautiful
Could it be that you want me
I never dreamed someone like you
Could want someone like me
All the pain
And the pleasure's the same
It goes so fast
I'm the guy
With the lovely hair
In the photograph
So, c'mon let's dance
Let me have it
While I have the chance
'Cause there's another world
Where there are other guys
But tonight there's only me
I never dreamed someone like you
Could love someone like me
kuuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaa mmmmmmmmiiiiiiiiiiiiiiikkkkkkkkkkkkeeeeeeeeeeeeeee!!!! laaaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbbbbeeeeeeeeeeeeeetttttttttttt!!! ang ganda ng kwento kuya. super kilig kilig! hehehehe. sa wakas nakabalik din ako sa pagbabasa after more than 6months na walang internet. awwwtttsss!! hirap din pala. dami n pala akong nakaligtaan. mahapdi na mata ko nagmamarathon.whehehe. kuya nag change pala ako ng follower name from tart to mark na. marqymarc@gmail.com
ReplyDeletekuya pasend naman ng torrid scene.hehehe.
thank you kuya mike! God bless and ingat lagi wag pabayaan ang health! =)
sana mega super dooper hot and torrid un maganap......pki post na po kua mike
ReplyDeletei read this again coz of the ibongwagas necklace scene...awesome!!!
ReplyDeletei have likewise read the torridparts and truly 2-thumbs up talaga...
now if you guys try to read this story from start to finish (up to torrid parts) you will see the progression and the build-up to the much awaited climax (of the story...and not the sex scene :)...)
because the writing style is graphic, this gives the readers a chance to make their own movie out of what they have read...
so kuya mike... kelan mo kaya gustong gawin movie ito?? sorry hindi ako producer...pero sana may makapansin :)
nice thing about this story is hindi siya ganun ka heavy drama... medyo light siya and ang daming makakarelate. please don't get me wrong... fave ko ang "tol i love you" and suaack... but PNP is really something else...
i have watch a lot of indie films but then the plot, the story and the acting... atrocious would be an understatement. meron ding magaganda pero ang daming basura...
so kuya mike... just to plant the seed in your heart and your supporters' hearts as well... perhaps it is time that MSOB and all blogosphere writers take things to the next level... :)
just a thought!!! :)
R3b3L^+ion
panalo!!! chuk pak pok..bongga!!!
ReplyDeleteNAKAKALOKA!!!!
ReplyDeleteSobrang namiss ko ang PNP!!!
After a week and five days of no internet, ngayon ko talaga lulubusin ang pagbasa dito!!!
Nakakakilig super!!!!
The wait was worth while.
WAH!!!
Sana mangyari din yan sa akin.
-Andrew Johnson
sweet talaga........
ReplyDeleted kna virgin ngayon,...
nakakaiyak ang kasweetan nila...--- ER
ReplyDeleteHeto un link sa torrid scenes...
ReplyDeletehttp://torridtorrid.blogspot.jp/2011/05/paraffle-na-pag-ibig-17-torrid-part.html
Enjoy : )
dahil sa ginawa mong pagpost sa link ng torrid parts, i delete ko na uli ang part na yan. sorry kung sino ka man, sinira mo na naman ang araw ko.
ReplyDeletesir mike pwd po pahingi ng link?
DeletePwede po huminge link for the torrid part?
ReplyDelete