"JB.." mahinang tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.
Lumingon ako at ikaw ng nakita ko.
Napakagwapo mo sa puting damit na suot mo. Napakaaliwalas ng iyong mukha.
Napakatamis ng iyong ngiti. Napakapayapa mong pagmasdan.
Dumagdag pa ang ganda ng kapaligiran kung saan tayo nakatayo.
Luntiang mga halaman, makukulay na mga bulaklak. Isang paraiso.
Ngumiti ako at dahan dahang humakbang papalapit sa'yo.
Upang yakapin ka, upang halikan.
Pero unti unti kang lumalayo.
"Bash wag mo akong iiwan.." nasambit ko.
"Hindi kita iiwan, lagi lang akong nasa tabi mo.." ang sagot mo.
Binilisan ko pa ang mga hakbang ko.
Bawat tapak nito sa lupa ay tila tinik na unti unting pumapatay sa puso ko.
Kasabay nito ang unti unting paglaho mo.
"Bashh!!!" napabalikwas ako ng bangon.
Isang panaginip.
Hindi ko napigilan ang humagulgol. Namimiss na kita.
Naalala ko na naman ang mga masasayang oras natin sa isa't isa yung nabubuhay ka pa.
Nung huli tayong nagkausap talong buwan na ang nakalilipas.
Inamin mo ang nararamdaman mo para sakin. Alam kong mahal na kitang nung mga panahon na yun ngunit hindi ko nagawang pagbigyan ang sigaw ng puso ko dahil natatakot ako. Natatakot na baa hindi magwor ang relationship natin. Natatakot na baka madaming magalit sa'yo at sa akin.
Naduwag ako noon.
Hangang sa nawalan tayong bigla ng komunikasyon dahil nawalan ako ng cellphone.
Nabalitaan ko nalang na nilooban ang bahay nyo. Ang masaklap pa ay walang awa kayong pinatay ng mga nanloob. Ikaw, ang ate mo, ang ang mapapagasawa ng ate mo.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Ni hindi ko manlang naparamdam sayong mahal kita.
Ni hindi ko manlang nasabi sayong mahal na mahal kita.
Nung araw na yun kung kailan ka namatay ay ang araw kung kailan ako nakapagdesisyong umamin sa'yo. Ang araw na tinanggap kita bilang mahal ko.
Ngunit huli na. Huli na ang lahat.
Napahagulgol na naman ako. Hindi pa rin matangap ang nangyari. Hindi parin makapaniwala na wala ka na.
Alam kong mahihirapan akong makamove-on.
At pagdumating ang tamang panahon na handa na kong tanggaping wala ka na nga, ilalagay kita sa kaibuturan ng puso ko. Hinding hindi kaalimutan Kahit kailan.
Miss na miss na kita. At mahal na mahal kita.
Kiss The Rain - Yiruma Mp3
Mp3-Codes.com
Naiyak ako.. no joke.. T_T
ReplyDeleteEban.. Totoo ba ito?? If ka-calculahin. Yeah..
January or Febuary ata nawala ang Cellphone mo nun. Kasama mo pa nga ako na nawala ang Cellphone mo ehh di ba sa __________..
Di ko na alam sasabihin ko.. :(
JJ was here.. :(
ReplyDeletesayo po ba yung eban of all times?
ReplyDeletepag unti unti mong inaalala ang nakaraan mas masakit , maaaring mamimiss mo ung mga bagay na meron kau dati, ngunit gaya nga ng pangyayari dito , me namumuong takot din para sa sarili na naging dahilan ng pagkawaglit ng mga panahong pwede sana kaung naging masaya, totoo man o hindi ang storyang ito, sigurado naman akong nadama ko ng lubos ang bawat kataga at pangyayaring tumatak sa isip ko ... :))
ReplyDeletearay... ang sakit nun...
ReplyDeletedi ko pa man naexperience ang ganito ay ramdam ko ang sakit na nakapaloob sa bawat kataga, sa bawat salita, sa bawat linya... ang sakit we realy need to treasure everything kasi di natin alam baka kinabukasan huli na ang lahat....
Amp...
ReplyDeleteAng sakit naman nito.
Huhuhuhu :'(
-rhai chu-
Bunso. I hope hindi mo sinapit ang mga sinapit ko noon. Alam kong alam mo lahat ng mga nangyari sa amin ng Kuya Daniel mo. Kung totoo man to, bakit di mo sinabi sakin?
ReplyDeleteOkay,going back,the story was okay for me. The mood was there, okay naman ang words. It was fine but I know you could have done better. Way to go bunso.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteLesson learned: Every moment in your life is very important. You have to live the best of it and always think that there will be no more second chances. Grab it!
ReplyDeleteang cute namn nito kakaiyak nga lang
ReplyDelete