Followers

Saturday, March 26, 2011

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[10]

Author's Note: I'm Sorry sa inyo dahil sa pagkabitin nyo sa part na ito. Masyado lang po talagang busy sa pag-aaral ang dami
kasing mga reports at project na ginagawa kaya naalintana ang pag update ko nito sana ay maintindihan nyo ako. =)


"ANG PART NA ITO AY INIHAHANDOG KO SA PINAKAMAMAHAL KONG KUYA EJ I LAB U KUYA KO"

SA SUNOD KO NA BABATIIN UNG IBA HEHEHE

sana suportahan nyo ako sa MR.PCC at sa BIKINI OPEN lol sasali kasi ako eh LIKE lang naman kailangan pero di pa ngayon
popost ko na lang po dito later pag umpisa na ng labanan ^_^

by:oonheru
email:watashioonheru03@gmail.com
facebook:oonheruwatashi03@gmail.com

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[10]


Nataranta ako bigla ng mabasa ko ang kanyang text hindi dahil exited ako na marinig ang kanyang boses kundi baka bigla siyang tumawag
at naku baka magtaka si kuya sa akin.
Bigla akong tumayo mula sa aking pagkakahiga para pumunta sa rooftop at doon nalang kami mag-uusap dahil ayaw kong marinig ni kuya ang
aming paguusapan baka usisain nya ako kung sino iyon. at saka panira yan ng moment kapag may kausap ako sa telepono kung ano-ano ang sasabihin niyan.
naaalala ko noong kausap ko ang isa kong kaklase dahil may itinatanong sa akin ng bigla na lang si kuya na lumapit sa akin at nagsalita

"babes sino yang kausap mo?" ang sabi niya. kaya naman uusisain din ako ng kausap ko sa telepono kung sino iyon o kaya naman ay

"uy ung tagay mo kanina pa nag-iintay" ganyan si kuya panira talaga ng moment.

"saan ka pupunta?" ang agad niyang tanong ng bumangon ako sa higaan.

"ah eh sa rooftop may kukunin lang po" ang pag sisinungaling ko sa kanya.

"anong kukunin mo?" ang pag usisa niya.

"ah eh ung damit ko na nakasampay baka kasi umulan wala akong isusuot bukas." ang sabi ko naman

"gabi na ah madilim doon, baka kung mapano ka pa. sasamahan na lang kita?" ang sabi naman niya

"ah eh ah eh wag na kuya madali lang talaga ako promise!" ang panghihikayat ko sa kanya na wag ng sumama.

"ah okay sige ikaw ang bahala may kakausapin lang ako, balik ka agad ha?"

"opo" ang maikli kong sagot at dali dali akong tumakbo paakyat sa rooftop. habol habol ko ang paghinga sa katarantahan ko. hehe
dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng gate ng rooftop. sinalubong ako ng napakalamig na simoy ng hangin.

"wew ang lamig talaga dito" ang bulong ko sa aking sarili.
Napakaganda talaga pag nasa mataas na lugar ka makikita mo mga kabahayan na nasa malayo, ang mga sasakyan sa daan at higit sa
lagat ang kagandahan ng mga bituin sa langit at ng buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.

Napalingon ako sa may bandang kanan ko at nagtaka na lang ako sa aking nakita.
"aba may resthouse na pala dito? himala nag pagawa si tita" ang sabi ko sa aking sarili. tita ang tawag namin sa aming land lady.
Nilapitan ko ito at saka doon ako umupo.

Agad ko naman kinuha ang aking cellphone sa bulsa.
"ui tawag ka na" ang text ko sa kanya
maya maya pa tumawag na nga siya

"KRINGGGGG KRINNGGG"..

Calling...++MYTEXTMATE

bigla akong kinabahan ng tumatawag na siya ewan ko kung bakit siguro excited lang ako na makausap siya dahil unang beses pa lang ng aming pag uusap.

"Heee--llow" ang pautal utal kong sabi

"hi musta?" ang sabi naman niya.

wew ang ganda ng kanyang boses grabe.

"okay lang naman po ikaw?" ang sabi ko

"okay lang din, sige kakantahan na kita"

at kumanta na nga siya.

LENGEND: baka kayo maligaw hehehe

>SIYA
"AKO

>kay tagal ng iyong pagbabalik, minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti, nakatingin,
malayo ang tingin malalim ang isip kelangan magkita muli.
hehe umuulan na" ang sabi niya sa akin

"hindi tumugil na ang ulan sige ituloy mo lang" ang sabi ko naman

>"Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik makapiling ka. oh tapos na"

"makapiling ka" ang pagsingit ko

>"makapiling ka. ahahaha"

"wow nice pwede ka nang sumali sa pinoy dream academy"

>"bugok"

"oo, ang ganda kaya ng boses mo

"alam mo yung ano kantang i love the way you love me?"

>"hah?"

"ung kantang i love the way you love me"

>"i love the way you love me?"

"oo i love the way you love me"

>"hindi nga"


"patayin mo na ung music mo jan"

>"makapiling ka"

"ung ano na lang ung ano, a smile in your heart un favorite ko yun"

>"english naman ang gusto mo eh, nosebleed ako hindi ako marunong mag english"

"kakantahin lang naman eh"

>"papatunayan ko na ako lang sayo hinubog mong buhay ko na ang pag-ibig mo"

"anong pamagat nun?"

>"papatunayan"

"ah chorus nga, sige nga kantahi mo ang chorus"

>"ayoko nga"

"anong chorus nun?"

TINATAMAD NA AKONG MAGSULATTTT... KAYA..

(please email me para sa audio. watashioonheru03@gmail.com)
Note: utang na loob wag kaung magsesend ng paulit-ulit, ang magsend ng paulit-ulit ay hindi ko bibigyann at eto ang format:

subject: SKMATK10[urname]
Message: bahala kayo kung ano message nyo
at don't forget na magcomment muna before magsend ng request okay?lagay nyo sa [urname] ung pangalan nyo sa comment.
kung ayaw nyo naman po ay okay lang hindi naman po ito sapilitan eh.
at oo nga pala ang audio ito ay may pahintulot sa nagmamay-ari ng boses na ipublish ko dahil boses ko iyan.(hahaha adik)
Pagpasensyahan nyo na ang panget kong boses ha?hehehe at wala kayong karapatan na ibigay iyan sa iba o i upload sa ibang website
please lang po!
masesend ko to sa inyo kung naka online pa ako hehehe

at pagkatapos maputol ng aming pag-uusap ay nag text siya.

"Uy, Pasensya ka na, malolowbat na ako eh, next time na lang ulit ha? Nice talking you ang cute ng boses mo. Hehehe" ang text niya sa akin.

"hehehe hindi po kaya mas cute ang boses mo kesa sa akin" ang reply ko naman sa kanya

"hehe sige charge lang ako ah, ingat ka lagi!mwaaaah" ang huling text niya.

kinilig naman ako sa text niyang iyon dahil may kiss na kasama haha landi ko talaga.

"ingat ka din po. mwuaa" ang huling text ko sa kanya.

Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon ewan ko ba parang mas lalo pa kaming naging close sa isat-isa ng textmate kong iyon
simula ng marinig ko ang kanyang boses nakakainlove pakinggan. hayzz para akong lumulutang sa ikat pitong alapaap.

Sinasariwa ko parin sa aking isipan ang pag-uusap namin kanina. pero teka parang may ka boses siya na kilala ko hindi ko lang maalala kung sino
ahm ewan siguro kahawig lang ng kanyang boses iyon pero kahit na may ka boses pa siya nagagandahan ako doon.

Pumunta ako sa loob ng kubo ng rooftop at doon naupo dama ko pa rin ang sobrang saya ng mga oras na iyon at ang lamig ng hangin.
Ngunit ay kaunting lungkot din akong nadarama, ewan ko ba parang gusto ko siyang kausap na lang palagi.haha landee! Nasa ganun akong pag momoment
ng biglang may humawak sa aking braso mula sa likuran ang sobrang lamig ng kamay niya para siyang kagagaling mula sa hukay.

Napasigaw ako sa sobrang takot dahil takot ako sa multo hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa takot. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng napakalamig
na kamay na iyon at napaiyak ako sa sobrang takot. Si kamatayan ba ito? bakit andito siya? patay na ba ako? susunduin na ba niya ako?
anong gagawin niya sa akin? kung hindi siya si kamatayan sino siya? killer? magnanakaw?

kumaripas ako ng takbo pababa sa rooftop pero sadyang mabilis si kamatayan nakaharang agad siya sa iisang pintuan pababa. No choice na ako kundi
tumalon sa rooftop na apat na palapag siguro naman hindi ako mamamatay pag tumalon bahala na, kumaripas ulit ako ng takbo ang tatalon na
ngunit napakabilis talaga ni kamatayann. naku si kamatayan nga ito.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para pigilan sa aking gagawin. Pero bakit? Dapat hahaayaan niya akong gawin iyon. Hindi ito si kamatayan,
killer yata ito katapusan ko na yata. pumalag ako at sumisigaw parin ngunit niyakap niya ako at sinabihan na

"huwag kaang maingay"

Nagulat naman ako dahil nagsalita siya ka boses siya ng textmate ko, hindi kaya siya na iyan? pero paano niya nalaman kung nasaan ako?
o masyado lang ako nabighani sa boses niya kaya siguro lahat na lang ng boses eh kahawig niya.
Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin dahil sa nagpupumiglas pa rin ako. Ngunit naamoy ko ang kanyang pabango. Sh*t Hindi ako pwedeng
magkamali pabango yan ni kuya Mike ko.

Tinadyakan ko siya sa paa para makawala sa mga bisig niya at ganun nga ang nangyari, humarap ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang suntok sa sikmura!

"araaaay kooooo! ang daing niya.

Agad naman akong lumapit sa switch ng ilaw para makita ko kung sino nga ang gagong ito at hindi nga ako nagkamali si kuya Mike ko nga,
suot ang kanyang tribal na jacket at pantalon, namimilipit pa rin siya sa sakit dahil sa pagsuntok ko.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero nanaig parin ang galit ko sa ginawa niya sa akin aba halos papatayin na niya ako sa takot kanina.

at doon na ako umiyak ng bonggang bongga hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi dahil sa ginawa niya sa akin(adiiik haha)
pinilit niyang tumayo kahit namimilipit parin siya sa sakit at lumapit sa akin.

"bunso sorry, hindi ko sinasadya" ang paghingi niya ng tawad sa akin.

Hindi ako umiimik at patuloy parin sa pag-iyak.
Niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Nagpupumiglas ako pero wala din akong nagawa kundi ang umuyak sa mga bisig niya dahil malakas siya.

"Bunso sorry na talaga hindi ko na uulitin promise!" ang patuloy na paghingi niya ng tawad sa akin.
Pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib dahil parin sa sobrang galit. Hinahayaan lang niya ako sa aking ginagawa ngunit napagod din ako at patuloy na nag iiyak.

"Sige lang bunso ipagpatuloy mo lang ang pagsuntok sa dibdib ko kung iyan ang paraan para makaganti ka sa ginawa ko at mawala ang galit mo sa akin,
titiisin ko kahit masakit basta patawarin mo lang ako. Sorry na please?" ang walang humpay na paghingi niya ng sorry

Napagod narin ako sa kakaiyak at nanatili parin sa bisig niya.
Walang humpay parin ang paghingi niya ng sorry sa akin.

"Sorry na please? Sorry na please? Sorry naman oh," naiiyak na rin siya sa paghingi ng tawad sa akin.

Nakaramdam na ako ng awa sa kanya ,humihingi na nga siya ng sorry hindi ko pa pinapatawad.

"bunso sorry na please?" at tumulo na ang kanyang mga luha.

"OO na pinapatawad na po kita" ang nakakatawa kong sabi.

"oh bakit ka tumatawa diyan?" ang tanong niya na umiiyak parin.

"eh kasi naman kuya sorry ka ng sorry. PAULIT-ULIT? UNLI UNLI?" at tumawa ako ng malakas.hahaha

"bunso sorry talaga" ang sabi niya ulit.

"ULIT ULIT TALAGA? sinabi ng okay na eh pinapatawad na po kita sorry din po kasi nasuntok kita" hehehe

at tumawa na rin siya.

"hehehe wala ka namang kasalanan eh"

TAHIMIK!

"kriinnggggggg kriinngggg"

May tumatawag sa akin baka ang textmate ko. kinuha ko ito sa aking bulsa at tiningnan muna ang numero

"Calling 09156872*** "

pero hindi ito naka register sa phonebook ko. Sinagot ko naman ito.
Nang matapos na kaming mag-usap tinanong ni kuya kung sino ang kausap ko kanina.

"sino iyong kausap mo?" ang tanong niya sa akin

"Ah si EJ po kuya" ang sabi ko sa kanya

"EJ? sinong EJ?

(itutuloy)

10 comments:

  1. haha may bago na namang character!!!!!!! kakabitin to wah, next na po pls. akala ko dito na mabubuko weh haha

    ReplyDelete
  2. haha tagal ko to inintay taz bitin na naman haha!
    at may bago ng character na ipapasok huwahhhh di na ako makapagintay sa next part. :)

    ReplyDelete
  3. hiy ang tagal kong inan tay 2 sana agad ma post yung next chapter.

    ReplyDelete
  4. hiy ang tagal kong inan tay 2 sana agad ma post yung next chapter.

    ReplyDelete
  5. hiy ang tagal kong inan tay 2 sana agad ma post yung next chapter.

    ReplyDelete
  6. hiy ang tagal kong inan tay 2 sana agad ma post yung next chapter.

    ReplyDelete
  7. waaaah.. ngayon ko lng to nabasa.. haha..

    ReplyDelete
  8. bitin nmn.at ung fb m.d gumgana
    anu ba yan.
    pnu kita mgng fren
    im willing to be ur fren pa nma

    love ur story.

    hope u can add me sa fb

    bloodsucker8@gmail.com

    tnx
    wait ko request m po

    ReplyDelete
  9. bitin...bitin...bitin...whaaa
    asan na next chapter nito...
    tagal...

    -jojie

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails