Followers

Tuesday, March 29, 2011

EXCHANGE OF HEART pt3

By: Gelo

TOK!TOK!TOK! kumatok ako ng mahina lamang. Mga limang secondo pa lamang may nag bukas agad ng pinto at bumungad agad sakin ang ale na na nakabanggaan ko nung isang lingo.

“Good evening po,anajn po ba si Louie?” habanag nag tatanong ako umiikot naman ang mata ko sa buong kabahayan nila. Mukang malinis at maayos naman ang pagka-arrange ng mga kagamitan at nakapukaw ng attensyon ko ang FLATSCREEN nilang TV mga 32 inches ata ang laki sabi ko sa isip ko “wow sosyal sana kame meron din non hehehe”

“ah oo andito sya. Sino po sila?”

“ako po si Andy classmate nya po my kailangan lang po akong sabihn sa kanya tungkol sa school.” Mahinhin KUNO kong pag sagot.

“ah sige pasok ka” pag yaya nya sakin.

“upo ka muna tawagin ko lang si louie. Weng!! Weng!! May bisita ka baba ka dito” pag sigaw nya sa taas ng hagdanan.

“buti alam mo bahay namin at hindi ka naligaw?” pag tatanong nya.

“taga jan lang din po ako, jan lang banda sa looban at tinuro din po kasi sakin ni Louie bahay nyo kaya alam ko po”

“ah ganun ba? Oh sige kukuwa lang ako ng miryenda nyo ha?hintayin mo nalnag si Louie dito”

“ah sige po” hindi na ako makatangi kasi nakatalikod na sya, hindi na sana ako mag tatanagl kasi baka maabutan ko ng 6pm mahirap na. habang inaantay ko si Louie my dalawang bata akong kasama sa sala, isang lalake at isang babae mga kapatid nya ata? May hawig kasi sila kay louie. Ang isang lalake na mas mukang bata kesa dun sa babae mga around 10-13 yeras old ata, lingon ng lingon sakin naiilang tuloy ako habang nag sususlat naman sya. Ang babae naman busy sa kakatext at panonood ng t.v. Maya maya bumaba na tong si louie naka jersy short at white sando sya medyo basa ang buhok naligo pa ata mukang pinag handaan ang pag bisita ko ngunit mukang matamlay parin ang mata? Ahahaha! Anyways.. nung nakita nya ako medyo nagulat sya.

“oh napadalaw ka?” tanong nya habang pinapagpag ang basang buhok sa bandang likuran ng kanyang ulo.

“ah kasi ano..” medyo nataranta ako kasi ang cute pala nya! Ahahahahaha! At my hugis ang katawan nya bakat sa white sando nya ang medyo umbok nyang dibdib at flat nyang tiyan at bumaba pa hanggang may makita pa ako umbok ahahahaha! Manipis kasi jersy short nya kaya my nakaumbok. At my hugis din ang mga biceps nya IMPERNEZ! My ilalaban ang gagu! At mukang maaliwalas ang muka nya kahit parang matamlay ang mga mata. Nakatulala naman ako ng ilang segundo habang pinag mamasdan buo nyan katauhan ng basagin nya ang pag papantasya ko ng isang.

“huy!” ano na??

“ay sorry” bigla akong nagising sa pagpapantasya ko sa katawan nya, nakakahiya nahuli nya ata akong pinag mamasdan katawan nya hindi na tuloy ako makatingin sa mata nya. Umupo sya sa bandang harap ko mga isang metro ang layo sakin ng dumating ang miryenda namin.

“oh mag miryenda muna kayo. Kumain ka na ba iho?” tanong ng ale.

“salamat po, hindi pa po eh” nahihiya kong sagot, hindi parin ako makarecover sa nangyaring pag pukaw ng atensyon ko ni louie sa pagkatulala ko sa kanya.

“ah sige kumain muna kayo” alok ng ale nya.

“salamat ma”sagot naman ni louie “oh bat ka nga pala napapunta dito?” tanong nya na my pag tataka sabay dampot ng sandwich at nag alok sakin. Doon ko nalaman na mama nya pala eto. Hindi naman kasi nya kamuka siguro nakuwa nya itsura nya sa papa nya.

“sige! Sige! Hindi rin ako mag tatagal eh, kasi my groupings tayo sa chemistry dalawa sa isang group eh absent kasi ako nung sabado kaya wala akong kagroup ang sabi ni ma’am tayo nalang daw kung ok lang sayo tutal absent ka din naman.” Hindi talaga ako makatingin sa kanya sa hiya kakainis kasi! Wag lang sana na nag Blush na naman ako at mahalata nya madali kasi ako mag blush lalo na pag nahihiya.

“ah ganun ba? Oh sige ok ako jan. Anong activity ba? At pano?”

Inexplain ko naman agad sa kanya at madali naman nyang nakuwa ang instructions. Lumapit sya ng konti sakin para makita nya ang sinulat ko habang nagpapaliwag. Ng bigla kong naamoy pabango nya “shit tang ina! Ang bango ng pabango nya lalakeng lalake ang amoy hindi masangsang sa ilong di tulad ng ibang pabango” napabuntong hininga tuloy ako sa kalagitnaan ng pagpapaliwanang ko.

“bakit? Anong problema?” pag tatanong nya.

“ah wala my naalala lang ako” pag papalusot ko.

“ui! Naiinitan ka ba?” tanong nya ulit?

“ha? Bakit? Hindi!” kinabahan ako shit nag blush na naman ata ako at nakita nya!

“namumula ka kasi eh, teka tutok ko lang electric fan dtio ha!” pag mamadali nyang pag kilos.

“tang ina talaga gusto ko ng umuwi huhuhu sobrang hiya ko na talaga dito” sabi ko sa isip ko at napatingin ako sa orasan 5:45pm na 15minutes nalang ako pwede dito hala!

“tara bilisan natin kasi gagabihin na ako” hindi ko na din sinabi na hangang 6pm lang ako nakakahiya kasi college na kasi kame at masyado pang maaga ang 6pm para sa mga college student baka pag tawanan nya lang ako. pinag patuloy ko ang pagpapaliwanag habang sya medyo malapit sakin at nakaditik ang balikat nya sa balikat ko at amoy ko parin ang pabango nya.

Ng matapos kong ipaliwanag lahat sa kanya tungkol sa activity bukas nag aya na ako umuwi dahil 5:55 pm baka makatulog ako nito sa labas ng wala sa oras!

“sige mauna na ako, basta kaw nalang mag dala ng ibang materials ha ako na bahala sa iba,bukas ha wag ka na absent.” Pagmamadali kong pag sabi sabay tayo. “mauna na po ako tita”

“ di pa pwede hindi mo pa nga ginagalaw tong inihanda ni mama eh” pag pigil nya sakin at hinila ako sa braso, napaupo naman din ako agad.

“ay sorry talaga, kailangan ko ng umuwi eh hanggang 6pm lang ako baka hindi na ako pag buksan eh.”pag papaliwanag ko na my halong pag aalala.

“ako bahala samahan kita sa inyo ako mag papaliwanag sa magulang mo tutal ako naman may dahilan bakit ka nalate ng uwi eh kain ka muna jan kaw na my sabi diba hindi ka pa nakain? Nakakahiya naman kay mama oh pinag abalahan ka pa nya sa ibang bisita ko hindi nya ginagawa yan. Sige ka mag tatampo yan sayo” pag kumbinsi nya sakin na may halong ngiti.

“ay hindi ok na ako nalang uuwi kahit wag mo na ako samahan ako nalang mag papaliwanag” pag tanggi ko baka kasi anong isipin ng mga tao sa bahay pag nakita sya kasama ko pangasar pa naman mga tao dun.

“mama oh! Ang kulit!” pag tawag nya sa mama nya nasa kusina habang nag luluto.

“aray!sakit non ha!” napasigaw sya sa pag kurot ko sa hita nya.

“ay sorry kaw kasi! Oo na papasama na ako!” nagulat din ako sa pag kurot ko sa kanya at feeling ko close na kame sa pag kurot kong iyun.

Binilisan ko ang pag kain ko siguro mga 3 minutes lang tapos na ako ng makauwi din agad sabay nag palaam na ako sa mama nya.

“tita uwi na po ako salamat po sa miryenda” pag papaalam ko.

“oh sige! Sige! iho mag-ingat ka! salamat din. Sasamahan ka ni louie pauwi sa inyo ha?hoy aweng uwi agad pag ka hatid mo jan sa classmate mo baka san san ka na naman mapadpad!”Habang pinupunasan nya ang basa nyang kamay.

“opo ma” habang nakakamot sa ulo.

Mabilis ang lakad ko para mabilis akmeng makarating sa bahay, kinakabahan na nga ako hindi ko alam kung anong sasabihn ko dahil 6:15 na.

“teka ang bilis mo naman mag lakad hintayin mo naman ako!”

“subukan mo din kaya maglakad ng mabilis diba? My hinahabol po akong oras baka hindi na ako pag buksan” inis kong sagot!

“sungit naman nito!”

Tahimik ,walang nag sasalita. Nagsalita nalang ako para my mapag usapan. Tinanong ko bakit sya absent ng isang lingo.

“bakit ka nga pala absent ng isang linggo?” tanong ko habang nag lalakad ng mabilis.

“nag kasakit kasi ako eh, lagnat” sagot naman nya.

“ah!” yun nalang ang sagot ko para hindi na humaba pa ang usapan dahil nasa harap na kame ng bahay.

Pinindot ko ang doorbell ng may halong kaba habang nag pupunas ng malamig na pawis ng biglang bumukas ang pinto, naka-abang pala si papa pati tita sa baba.

“anong oras na?” bulyaw agad ng tatay ko! Nakita ko naman na biglang nagulat si louie.

“ eh kasi pa pumunta pa ako sa classmate pinag usapan lang namin ung gagawing activity para bukas.”takot kong sagot na parang nauutal.

“good evening po, ako po si louie classmate ni andy sorry po kung nalate sya ng uwi taga dito lang din po ako sa banda dun malapit lang dito” hindi nakapag paliwananag pa siguro napangunahan ng takot ang gago.

“oh sige2x pumasok ka na! sa susunod ayaw ko ng mangyayari to ha kung hindi, hindi na talaga kita pag bubuksan! ikaw umuwi ka na din at gabi na salamat sa pag hatid sa anak ko.” Matapang na sagot ng tatay ko.

“sige po, paumanhin po ulit. Salamat andy ha! Pasyensya na..” malungkot nyang tugon.

Umakyat na ako agad sa hiya! “nakakainis talaga tong tatay ko ang OA2x nakakahiya!” sabi ko sa sarili ko ng makapasok na ako as pinto ng kwarto ko. Hindi na ako lumabas ng kwarto para mag dinner tutal kumain na ako kila louie medyo na busog naman ako sa isang sandwich at isang basong juice. Para maramdaman ng tatay ko na galit ako sa pag papahiya nya sakin. Nang Maya maya may kumatok.

“andeng! Deng! Kain na daw sabi ng papa mo!” tawag ni ate linda sa labas ng pinto ko.

“pakisabi busog ako!” sagot ko naman ng pasigaw!

Maya2x my kumatok na naman mas malakas sa unang katok malamang hindi ate linda to.

“Andeng lumabas ka na jan kakain na!”

“busog ako pa” sagot ko naman na medyo mahinahon lumapit ako ng konti sa pinto para marinig nya.

“bat ba ayaw mong buksan tong pinto? Pag buksan mo nga ako!” pasigaw nyang sabi! Binuksan ko naman agad ang pinto.

“bakit ayaw mong kumain?” tanong nyang malumanay ang boses.

“busog naman kasi ako pa kumain na ako kila louie” sagot ko habang nakahiga sa kama at nakatakip ng kumot.

“ano bang kinain mo dun at nabuso ka?” pag uusisa nya.

“ano ba yan pati kinain ko tatanungin pa? Baka gusto mo pati ung ininom ko tanungin mo din?” sa isip-isip ko lang. “sandwich at juice” sagot ko.

“oh pano ka nabusog non? Tara na nak kain na taas” pagkunbinsi nya sakin sabay pag hila nya pababa ng kumot ko. “galit ka ba nak? Pasyensya kana nak sana maintindihan mo ako hindi tulad ng probinsya nyo ang manila maraming tarantado dito lalo na pag sapit ng gabi inaalala ko lang naman mga kabutihan nyo kaya ko kayo pinaghihigpitan sa pag uwi at minsan ko lang naman kayo magaganto eh sa isang linngo babalik na ako ng africa” malungkot nyang sabi.

Bigla naman akong napalingon sa kanya nung sinabi nyang babalik na sya ng africa may naramdaman akong kurot sa puso ko sa mga sinabi ng papa ko.

“aalis ka na agad? Ang bilis naman?” malungkot kong tugon.

“kailangan eh pinapatawag na ako ng kompanya eh, kaya tara na nak sulitin na natin habang andito pa ang papa” pag yaya nya sakin sabay hawak sa kamay ko. Sumama na din ako agad may naramdaman akong awa at guilty sa ginawa ko tama nga naman sinabi ni papa.

Kinabukasan pasukan ulit, maaga ako ginsing ni papa kasi nag bilin ako baka malate na naman ako. sinadya kong sa harap ng bahay nila louie dumaan para sumakay ng pedicab ng nakita ko sya sa harap ng pinto nila naka upo bihis na papasok na ata.

“ui andy! Pinagalitan ka ba ng tatay mo?sorry ha? Hindi ko naman expect na ganung ka terror tatay mo eh kala ko simpleng sermon lang. Nakakatakot naman tatay mo”

“ok na!wag mo na isipin yun hindi naman ako pinaglitan eh kaya wag ka na mag alala, sabi ko sayo eh kulit mo eh!”

“sorry ulit ha! Hindi ko naman alam eh” mukang tuta na nag mamakaawa ang gagu.

“ok na nga eh parang tanga to! Tara na baka malate tayo.”

Sabay na kame sa pedicab at jeep at ito na naman naakit na naman ako ng pabago nya ewan ko bang gustong gusto ko yung amoy ng pabago nya para akong na aadik! Ahahaha! Sana lang wag ako mamula. Nakarating kame ng school mga around 7:50 at pumasok na kame ng room tinginan naman ang lahat samin o siguro kay louie kasi nga 1 week absent. At ng umupo ako sa tabi ni faye, ang gaga naka ngisi na aagd sakin sabay banat.

“ui sabay sila!” pangangasar nya na may halong ngiting demonyita!

“oh ano naman ngayon kung sabay kame? Selos ka na nyan? sorry ha ganda ko eh? Oh aray! Ung hair ko naapakan mo!” banat ko!

Tawanan naman kameng dalawa. Pag katapos ng klase kinuwento ko kay faye mga nangyari kilig naman ng gaga kala mo kinikiliti ang clitoris sa kilig! Si louie naman kasa kasama nya ung isa naming classmate na si aldrin, ewan ko parang close na agad sila eh pinakilala pa nga nya kame ni faye kay aldrin.

“andy, faye si aldrin nga pala, drin sila andy and faye.” Pag papakilala ni louie samin kay aldrin.

“hello” na may ngiti.

“hi” tinugunan din namin ng ngiti ni faye, cute din si aldrin mapuit matangakad, payat nga lang.

“andy sabay na tayu uwi mamaya ha? Ok lang ba?” pag yaya ni louie sakin.

“ah. Eh.. “ napakunot ang nuo ko sa pag tapak ni faye sa paa ko napasagot nalang ako ng “ah oo sige2x”

“ah sige, miryenda lang kame ni aldrin sa labas.” Pag paaalam nya.

“sige..” sagot ni faye. Ng malayo layo na ang dalawa binalingan ko si faye.

“kailangan inaapakan ang paa? Ganun? Kung apakan ko muka mo?” bulyaw ko sa kanya!

“grabe naman to! Paa lang ang inapakan ko sayo ganti mo sa muka?”

“eh yang muka mo kasing mukang paa!ahahaahaha! tawa naman kame ng tawa!

“pero IMPERNEZ cute din ung aldrin diba? Akin nalang kaya ung aldrin tapos iyo nalang si louie? O patas na hatian na yan ha nakakahiya naman sayo nakikihati ka pa sakin dati kay louie eh”

“ok lang kahit silang dalawa sayo! Alam ko naman sakin din bagsak nila!” pilyo kong sagot. Tawanan ulit kame!

Natapos na ang lahat ng klase at uwian na. Naunang lumabas sila aldrin at louie hindi ko lam san pumunta at lumabas na din kame ni faye para umuwi. Nang makalabas na kame ng school hindi ko na makita si louie sabi nya kasi sabay kame pero hindi ko naman sya pwedeng antayin baka malate na naman ako ng uwi kaya nag decide akong umuwi ng una.

“teh tara na” pag yaya ko kay faye.

“hindi mo na ba aantayin si fafa louie? Diba sabi nya sayo sabay na kayo?”

“hindi na! alanagn libutin ko pa buong skwelahan makita lang sya para may kasabay ako ano sya sineswerte?” mataray kong sagot.

“wow ganda mo talaga!”

“naman!ahahahaha” sagot ko.

Nauna ng sumakay si faye kasi hindi naman nya kailangn tumawid para sumakay eh ako tatawid pa para sumakay. Ng makatawid na ako nililingon ko pa yung gate ng school baka nasa labas na si louie eh wala parin kaya napag desisyonan ko ng sumakay ng jeep at mauna na. ng sasakay na ako narinig kong my tumawag sa pangalan ko.

“Andy!”

Napalingon naman agad ako sa pinanggalingan ng boses. Si louie, nakaupo sa gilid. Sabay lumapit. Naudlot nalang ang pag sakay ko ng jeep.

“iiwan mo na ako? sabi ko sabay na tayo eh”

“eh nawala ka kasi eh, alam mo namang hindi ako pwedeng gabihin diba? Kaya nauna na ako.” pag papaliwanag ko.

“andito lang ako nag aantay. Nagpasama kasi si aldrin bumili hindi na din kita nakita kaya naiispan kong dito nalnag mag-antay”

“yun namana pala eh! Tara na!”

Ng makababa kame sa street na nila louie kame dumaan kung san madadaanan namin bahay nila. Nung nasa harap na kame ng bahay nila nag yaya tong louie na mag miryenda na naman sa kanila.

“miryenda muna tayo dito sa bahay tutal maaga pa naman oh 4:50 palang”

“wag na baka mapatagal na naman ko jan”pag tutol ko.

“geh na saglit lang tayo PROMISE 30minutes lang. Geh na please makabawi man lang ako sayo.” Pag pupulimit nya may matching praying hands pa ang gago asabay hinila na ako sa loob hindi na tuloy ako makatangi nasa loob na kame eh ahahaha!

“teka nga lang! Makabawi ba san? Dun ba sa pinagalitana ako kagabe?” pag tataka ko.

“umupo ka na jan! Bibili lang ako ng miryenda sa labas! Turon gusto mo?” pag baliwa nya sa tanog ko na parang walang narinig!

“ewan!” masungit kong sagot!

“nag susungit ka na naman! Geh saglit lang to bili lang ako sa labas!” nag mamadali syang lumabas hindi man lang nag palit ng pang bahay.

Naiwan ako sa bahay nila mag-isa samantalang bumaba naman ang mama nya galing sa taas.

“oh iho andito ka pala?asan si aweng?”

“lumabas po my binili lang”

“ah ganun ba! Ano nga ulit pangalan mo iho?” pag uusisa ng mama ni louie.

“ah andy po. Andy jacosalem.” Sagot ko.

“jacosalem?!! Sino nanay mo?!” gulat nyang tanong.

“ah eh sandra po” nag tataka kong sagot.

“eh tatay mo?” tanong nya ulit.

“anthony po bakit po?” parang my hinala na ako dahil my nabangit sakin si mama na my ninang daw ako na malapit lang daw sa tinirirahan namin ngayon. Si ninang alma ang pinaka favorite kong ninang dahil kada uwi nya sa trabaho nya inaabangan ko sya nung bata pa ako sa labas ng bahay namin dahil lagi syang my pasalubong sakin. Hindi ko na masyadong maalala ang itsura nya kasi naman 5 years old pa ata ako nung huli ko syang makita dahil dinala nga kame ng lola ko sa probinsya.

“Ninang Alma?” tanong ko na parang di sigurado.

“Andeng?” excited nyang sagot.

“OPO! Ninang ikaw nga!!!!!!!!!” sabay yakap ko sa kanya at napayakap din sya sakin. Biglang dumating tong si louie at takang taka bakit kame nag yayakapan.

ITUTULOY!

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails