Followers

Tuesday, February 22, 2011

Joey Boy's Bakasyon Sa Singapore

Habang nakatayo't nag aabang sa pagbukas ng gate ng isang malaking bahay ang mag ina'y halos hindi na maipinta ang mukha ni Ma'am Silvs habang tahimik niyang pinagmamasdan ang humihikbing si Joey Boy at kaunting-kaunti na lamang ay mapapagalitan na naman niya ito ulit.

Since Jan 30 pa nag aalburuto't nagpapakaBratinelo itong si Joey Boy at kahit na anong saway ang gawin ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak ay ayaw nitong makinig.

Hindi kasi pumayag itong si Ma'am Silvs sa request nitong si Joey Boy na isama ang kaniyang Askal Pet na si Britney sa kanilang Vacation sa Singapore. Tradition na sa mag ina ang magSpend ng Chinese New Year sa Singapore kaya nama'y kahit na ayaw pumayag ni Joey Boy na umalis ay isinama pa din ito ni Ma'am Silvs.

Kahit na parang nagkaroon ng distraction dahil sa ginawang malakas na pag iyak ni Joey Boy sa NAIA ay nagtagumpay itong si Ma'am Silvs dahil pinagalitan that time.

Bihirang bihira lamang pagalitan ni Ma'am Silvs ang kaniyang one and only Special Son at ginagawa lang niya ito kung uncontrolable na at talagang sinasadya nitong si Joey Boy na maging pasaway.

Nasampolan nitong si Ma'am Silvs itong si Joey Boy sa Airport kaya nama'y tumahimik ito at walang nagawa pa at sumama na lamang ito sa kaniyang Mommy.

Kahit ang mga sumamang maghatid na sina Kuya Carl and Britney ay nagulat din at nasindak nang sinermonan ni Ma'am Silvs si Joey Boy.

"Can we go home na Mommy... Hu hu hu..." Ang muling pangungulit ni Joey Boy.

"Stop crying na Baby at last na lang eto. Tomorrow eh uuwi na tayo." Ang explain naman ni Ma'am Silvs.

Medyo wala nang energy itong si Ma'am Silvs dahil sa kakasuyo niya kay Joey Boy...

As much as possible ay pinapaliwanagan ni Ma'am Silvs ang kaniyang anak...

Alam naman ni Ma'am Silvs na hindi kasalanan ni Joey Boy na maging isip bata at maAttached sa pet nitong si Britney...

Joey Boy is just being Joey Boy...

"KUMUSTA KA NA MARE!!!" Ang masyaang bungad ng isang babae kay Ma'am Silvs nang magbukas na ito ng kanilang gate.

"MARE!!! " Ang sambit naman ni Ma'am Silvs sabay yakap niya sa babae.

Last na pinuntahan nina Ma'am Silvs ang naging Business partner niya sa Pinas noon na nakaBased na sa Singapore...

"Yan na ba si Joey Boy?"

"Oo Mareng Gilds... Yan na si Joey Boy..." Ang masayang sambit ni Ma'am Silvs sa kaniyang kaibigan.

"ANG CUTE CUTE MO NAMAN JOEY BOY!" Ang outburst ni Mareng Gilda at pagkatapos ay binigyan niya ng isang kiss sa cheeks si Joey Boy.

"EHEK!" Ang sambit naman ni Joey Boy at pagkatapos ay mabilis niyang pinunasan ang kaniyang cheek na hinalikan ni Mareng Gilda.

"JOEY BOY BAD YAN!" Ang saway kaagad ni Ma'am Silvs.

"Kagahapon pa sinusumpong yan..." Ang paghingi ng excuse ni Ma'am Silvs kay Mareng Gilds.

"Okay lang at baka napagod sa biyahe... Pasok muna kayo Mare..." Ang masayang alok naman ni Mareng Gilds sa mag ina.

Napagplanuhan kasi nina Ma'am Silvs and Mareng Gilds na magBonding bago bumalik tomorrow sa Manila ang Mag-ina dahil napakatagal nang panahon nang huling magkita ang magkumare.

"AY! Ganoon pala ang nangyari!" Ang natatawang sambit ni Mareng Gilda habang ini explain sa kaniya ni Ma'am Silvs ang reason kung bakit nag aalburuto itong si Joey Boy.

Tahimik and nakaFrown llang itong si Joey Boy habang nagkoCoffee ang kaniyang Mommy and si Mareng Gilds.

"Hay naku Mareng Gilds... Kahapon eh hindi man lang sumakay sa isang Rides sa Universal Studio si Joey Boy at puro Britney ng Britney ang sinasabi..." Ang sunod na natatawang kuwento ni Ma'am Silvs.

"HU HU HU..." Ang biglang pag hikbi ni Joey Boy sa gitna ng usapan.

"Why are crying..." Ang sweet na sweet na tanong kaagad ni Mareng Gilds sa lumuluhang si Joey Boy.

"I heard the name of Britney that's why I missed her again... Hu hu hu..." Ang hikbing usal naman ni Joey Boy na ikinatawa na lamang ni Mareng Gilds.

"Ay naku alam ko na ang gagawin natin paa hindi mo na ma Miss yang si Britney... Mamamasyal tayo!" Ang excited na sambit naman ni Mareng Gilds.

"UWAAAAAAHHHHH!!!" Ang mas malakas na hagulgol ni Joey Boy.

"Lalo ong naMissed si Britney.... UWAAAAAAHHHH..."

"Shhhhh... Tahan na Baby... Bukas eh uuwi na tayo.... last na ang pamamasyal natin with Mareng Gilds..." Ang pagpapatahan naman kaagad ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"BRITNEY ALWAYS ACCOMPANY ME WHEN I GO OUT... UWAAAAAH..." Ang hindi papatalong pag iyak ni Joey Boy.

"Stop crying na at kapag namasyal tayo eh ibibili kita ng Toys..." Ang bribe naman kaagad ng mayamang si Mareng Gilds.

"I don 't want to go... I'm so tired..." Ang next na sambit ni Joey Boy at pagkatapos ay sinadya nitong manghina at manglupaypay na parang tamad na tamad sa harapan ng magKumare.

"Do you want to take a rest ba Joey Boy..." Ani ni Mareng Gilds.

"Yes po... Please..." Ang acting ni Joey Boy.

"Naku huwag mong pansinin yan Mare at nagkukunwari lang yan..." Ang sambit ni Ma'am Silvs at hiyang hiya na ito sa iniaasal ng kaniyang anak.

"Ayaw mo bang sumamang mamasyal at mag Lunch sa Marina Bay Sands... Nagpareserve ako sa Lunch Buffet nila..." Ang sambit muli ni Mareng Gilds kay Joey Boy.

"I just want to take a rest..." Ang nanghihinang sambit ni Joey Boy.

"Tayo na lang Mare ang mamasyal... Sayang lang yung reservation ko sa Hotel..." Ang nag give up na suggestion ni Mareng Gilds kay Ma'am Silvs.

"Kala ko nagjo joke ka lang Mars..." Ang hindi makapaniwalang sambit ni Ma'am Silvs.

"Nung binalitaan mo akong pupunta kayo dito eh nagpaReserve kaagad ako." Usal naman ni Mareng Gilds.

"Go ahead Mommy and i'll just stay here na lang and take a rest..." Ang mabait na sambit naman ni Joey Boy.

Wala talaga siya sa mood na mamasyal at talagang gusto na niyang umuwi sa kanilang mansion...

"Wala kang kasama dito Baby..." Ang concern na sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Yung mga Cats..." Ang mabilis na turo kaagad ni Joey Boy sa dalawang Cats na nakahiga sa sofa.

"Ang cute cute mo talaga..." Ang natatawang nasambit kaagad ni Mareng Gilds.

"Sumama ka na sa amin Joey Boy at huwag matigas ang ulo mo." Ang ani ni Ma'am SIlvs.

"But I really want to take a rest Mommy..." Ang pagsisinungaling naman ni Joey Boy.

"Huwag kang mag alala Mare at hayaan mo na lang si Joey Boy na makapagpahinga dito." Ani ni Mareng Gilds.

"Hindi siya pupuwedeng maiwan si Joey Boy na walang kasama dito." Ang reply naman ni Ma'am Silvs.

"Don't worry at may magbabantay kay Joey Boy... " Ang malumanay na explain naman ni Mareng Gilds.

"Joy..." Ang next na usal ni Mareng Gilds at pagkatapos ay may lumabas mula sa kitchen na isang magandang babae na nasa kaniyang early 30s.

"Ano po yun Ate Gilds..." Ani ng babae.

"May pupuntahan lang kami ng Mare ko at ikaw muna ang tumingin sa anak niya..." Ang explain ni Mareng Gilds sa babae.

"Mare, Siya ang kasambahay naming si Joy. Siya ang magbabantay kay Joey Boy... Ano tara na..." Ang next na usal ni Mareng Gilds kay Ma'am Silvs.

"Okay lang ba sa iyo..." Ang concern na tanong ni Ma'am Silvs at talaga namang suko na siya kay Joey Boy.

"Ako na po ang magbabantay kay Joey Boy... Huwag po kayong mag alala." Ani naman ni Ate Joy.

Agad na binigyan ng bilin ni Ma'am Silvs si Ate Joy at ipinaliwanag niya dito ang kalagayan ng kaniyang anak.

"Joey Boy... Behave ka at huwag kang malikot ha..." Ang pagbibilin ni Ma'am Silvs sa nakaupo sa sofang si Joey Boy.

"Yes Mommy... Take care... Mwaaah... Mwaaah..." Ang sambit naman ni Joey Boy sabay bigay niya ng kiss sa cheeks nina Ma'am Silvs and Mareng Gilds.

"Kuya ka na Joey Boy ha... Magbehave ka dito para may surprise kami sa iyo pagbalik namin..." Ang last na sambit ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak bago na sila tuluyang umalis ni Mareng Gilds.

Kahit na medyo nag aalala itong si Ma'am Silvs na iwanan muna si Joey Boy dahil nahihiya siya sa ginawang reservation sa Marina Bay Sands ng kaniyang kumare at ayaw niyang masayang ang pera ng ni Mareng Gilds dahil non refundable ang Buffet sa Hotel...

**************

Matapos maihatid ni Ate Joy sina Ma'am Silvs and Mareng Gilds sa labas ng kanilang gate ay agad agad siyang bumalik sa sala dahil excited siya at mahilig siya sa mga bata...

First time na makaEncounter ng Special Child itong si Ate Joy at naaliw talaga siya kanina habang kinakausap ng magkumare itong si Joey Boy...

"OH JOEY BOY... Ba't ka umiiyak..." Ang bati kaagad ni Ate Joy nang makita niyang humihikbi at luhaan ang nakaupo sa kanilang sofa na si Joey Boy.

"Hu hu hu... I want to go home na po kasi... Hu hu hu..." Ang hikbi ni Joey Boy.

"Uuwi na kayo bukas diba..."

"But I want to go home now... Hu hu hu.... I miss Britney... Hu hu hu..."

"Huwag ka nang umiyak Joey Boy... Halika samahan mo ako sa Kitchen at iluluto kita ng Spaghetti..." Ang agad na sambit ni Ate Joy at alam niyang paborito ng mga bata ang Spaghetti.

"I'll just stay hear and cry... Hu hu hu..."

"Wala kang kasama dito Joey Boy..."

"I have... Them..." Ang hikbi ni Joey Boy sabay turo niya sa dalawang Cats na tahimik na nakatingin lang sa kaniya.

"Ay mababait yan. Sige Joey Boy magluluto na ako ng spaghetti at magpahinga ka lang dyan... Makipaglaro ka sa mga pusa namin..." Ang bilin ni Ate Joy kay Joey Boy bago siya nagmamadaling pumunta ng kusina upang makapagluto kaagad ng Spaghetti para mapasaya niya ang nalulungkot na si Joey Boy.

*******After 15 minutes*******

Nakapagluto na ng Pasta at pinakukuluan na lamang ni Ate Joy ang Sauce kaya nama'y kaagad siyang lumabas from the Kitchen to Check up on Joey Boy ngunit hindi pa siya nakakapasok sa Salas ay narinig niyang may kinauusap itong si Joey Boy.

"I really missed Britney..." Ang usal ni Joey Boy.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang sambit ng isang Cat na biglang ikinagulat ni Ate Joy.

"Really... You also have many friends that you missed too..." Ang sambit muli ni Joey Boy.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang reply naman kaagad ng isang Cat.

Kaagad na pinuntahan ni Ate Joy sina Joey Boy sa salas upang makita niya ng kaniyang dalawang mga mata ang pakikipag usap nito dahil naWeird-an talaga siya sa inaasal ng kanilang dalawang Cats...

"By the way... My name is Joey Boy..." Ang next na narinig ni Ate Joy na sinambit ni Joey Boy.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang next na narinig muli ni Ate Joy from one of their Cat.

"WHATTAKYUTNAME!!! Nice to meet you Tico..." Ang masyang usal ni Joey Boy na ikinalaki ng dalawang mga mata ni Ate Joy.

Ang pagkakatanda niya'y hindi nila sinabi kay Joey Boy ang names ng kanilang mga alagang Cats...

"MEOW MEOW MEOW..." Ang next na sambit naman ng isa pang Cat kay Joey Boy.

"HUWAW! YOU ALSO HAVE A CUTE NAME! Nice to meet you Taco..." Ang masayang reply naman kaagad ni Joey Boy.

Hindi talaga makapaniwala itong si Ate Joy kaya nama'y sumingit siya sa usapan nina Joey Boy and ng mga Cats...

"Kilala mo ang mga Cats namin..." Ang tanong ni Ate Joy.

"EHEK... They just told me their names..."

"Owwwws..." Ang hindi makapaniwalang reply naman ni Ate Joy.

"They also told me you like Menthol..." Ang next na sambit ni Joey Boy na halos ikaTumbling ni Ate Joy.

"MEOW MEOW MEOW!" Ang next na sambit ni Tico.

"Ansabe ni Tico Joey Boy..." Ang curious na sambit ni Ate Joy at parang naniniwala na siyang naiintindihan ni Joey Boy ang mga Cats nila.

"Tico told me that you have lot's of chocolates in your fridge... Can I have some..."

"Naku Joey Boy madami kaming chocolates... Tara na sa Kitchen..." Ang bilib na bilib na reply ni Ate Joy.

Nagpapasalamat din itong si Ate Joy na hindi na umiiyak si Joey Boy...

"MEOW MEOW MEOW..." Ang sambit naman ni Taco.

"Ansabe Joey Boy..." Ani muli ni Ate Joy.

"Can they come ba with us in the Kitchen and they also want to have some chocolates too..."

"Sabihin mo sa kanila na bawal sa kanila ang chocolates... Cat food na lang..." Ang sambit naman ng namamanghang si Ate Joy kay Joey Boy.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang usal naman ni Joey Boy kina Tico and Taco.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang reply naman kaagad ng dalawang Cat.

"Okay daw po Ate Joy..." Ang mabait na pagbabalita naman ni Joey Boy sa lalo pang namanghang si Ate Joy.

Kaagad na sinama na ni Ate Joy si Joey Boy sa kusina habang pinagmamasdan niya't pinakikiramdam ang dalawa nilang Cats...

Tahimik namang sumu-sunod sa kanila ni Joey Boy sina Tico and Taco...

"Sit down ka na Joey Boy para makakain ka na ng Spaghetti..." Ang sambit ni Ate Joy habang pinauupo niya itong si Joey Boy sa maliit na hapag sa kanilang Kitchen.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang narinig ni Ate Joy na sinabi ni Tico kay Joey Boy.

"Tico said that if it's okay if they can have spaghetti for lunch..." Ang pagtranslate ni Joey Boy.

Napangit na lamang itong si Ate Joy kaya nama'y muli niyang sinubukan kung gumagawa lang ng story itong si Joey Boy.

Pagkatapos niyang hainan ng masarap na Spaghetting niluto niya itong si Joey Boy ay nilagyan naman ni Ate Joy ng Spaghetti ang Cat Bowl nina Tico and Taco...

"MEOW MEOW MEOW..." Ang outburst ng dalawang pusa.

"They said Thank You So Much..." Ani ni Joey Boy at talaga namang nanlaki ang mga mata ni Ate Joy nang maganang kumain na ang dalawang Cats.

Hindi talaga halos makapaniwala itong si Ate Joy sa kasalukuyang nangyayari.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang sambit ni Joey Boy sa dalawang pusa.

"MEOW MEOW MEOW..." ANg mabilis na reply kaagad ni Taco sabay talon niya sa ibabaw ng table.

"Anong gagawin niya Joey Boy..."

"I asked Taco to feed me..." Ang cool na cool na sambit lang ni Joey at pagkatapos ay kahit na nahihirapan itong Cat na si Taco ay pilit nitong dinadampot ang tinidor na nasa sa tabi ng Plate of Spaghetti ni Joey Boy.

"Ako na lang ang magsusubo sa iyo..." Ang mabilis na pagVolunteer ni Ate Joy.

"Okay..." Ang mabait na reply naman ni Joey Boy.

Napapailing na lamang itong si Ate Joy dahil habang kumakain ay nag uusap itong sina Joey Boy, Tico and Taco...

"MEOW MEOW MEOW..." Ani ni Taco.

"MEOW MEOW MEOW..." Ani naman ni Joey Boy.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang sabat naman ni Tico.

Napapangiti talaga itong si Ate Joy at talaga namang nag e enjoy siya habang sinusubuan niya ng spaghetti si Joey Boy.

"BURP! BUSOG! TSALAP TSALAP TSALAP!" ANg sambit na lamang ni Joey Boy nang dumighay ito after ng kaniyang pangalawangs erving ng Spaghetti.

"MEOW MEOW MEOW..." Ani ni Tico.

"Tico said to remind you to please don't forget to give me Chocolates for dessert..." Ang nakaSmile na pagpapaalala ni Joey Boy.

"Ilang piraso ang gusto mo Joey Boy..." Ang masayang tanong naman ni Ate Joy.

"Three please... One for me... One For Tico... One for Taco..." Ang masayang outburst kaagad ni Joey Boy.

"MEOW!!!!!" Ang outburst din ng dalawang Cat.

"Hindi sabi kayo pwedeng kumain ng chocolates eh..." Ang saway ni Ate Joy sa dalawang Cat.

"MEOW MEOW MEOW..." Ani nina Tico and Taco.

"Milk na lang daw po please..." Ang sweet na sweet na pagtranslate ni Joey Boy.

Kaagad namang binigyan ng milk ni Ate Joy sina Tico and Taco and then ay binigyan niya ng chocolates itong si Joey Boy...

"Can I also have some milk please..."

"Sure Joey Boy..." Ani naman ni Ate Joy at nagmamadali siyang kumuha ng Nestle Whole milk sa Fridge at pinaglagyan sa baso itong si Joey Boy.

Halos na bura na sa isipan ni Joey Boy ang pagkaMissed niya kay Britney dahil sa pakikipagkuwentuhan niya kina Tico and Taco...

Ito namang si Ate Joy ay naging masaya din sa panonood at sa pakikipaglaro ng dalawa nilang Cats kay Joey Boy...

"EHEKKKKKK!!! WAIT FOR ME!!!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy sabay habol niya sa nagsipagtakbuhang sina Tico and Taco.

"Saan kayo pupunta..." Ang paghabol naman ni Ate Joy sa tatlo.

"We'll just play outside the garden..." Ang sambit naman ni Joey Boy habang hinahabol niya ang dalawang Cats.

"EHEK!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy nang biglang pumasok sa loob ang tumatakbong sina Tico and Taco.

"MEOW MEOW MEOW..."

"Ansabe nila Joey Boy..."

"They change their minds and wanted to play upstairs..." Ang nagmamadaling sambit ni Joey Boy habang humahabol siya kina Tico and Taco na pumanhik sa hagdanan.

"AAAAAY!!!" Ang malakas na outburst ni Ate Joy nang makita niyang masayang nag-ju-jump sina Tico, Taco and Joey Boy sa Bed sa masters bedroom.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang next na sambit nina Tico and Taco at pagkatapos ay mabilis silang lumabas ng Master Bedroom at hinabol na naman sila ni Joey Boy.

"Saan kayo pupunta..." Ani ni Ate Joy.

"They want to play at the laundry room..." Ang sambit lang sa naghihikahos na si Joey Boy.

Hindi pa nakakaRecover itong si Ate Joy ay napanganga na naman siya nang makita niyang isinasabog nina Tico and Taco ang mga labada niya at itong si Joey Boy nama'y masayang masayang ginagaya ang ginagawa ng dalawang cats...

"MEOW MEOW MEOW..." Ang masayang pagyaya muli nina Tico and Taco kay Joey Boy.

"MGA PASIMUNO TALAGA!" Ang helpless na naibulalas lamang ni Ate Joy nang hinabol na naman niya ang tatlo papalabas papuntang garden nina Mareng Gilds.

Halos himatayin na itong si Ate Joy nang makita niyang binubunot na nina Tico and Taco ang mga halaman sa Garden...

"MEOW MEOW MEOW..." Ang pagyaya nina Tico and Taco kay Joey Boy and after just a few seconds lamang ay gumaya na din itong si Joey Boy.

Aliw na aliw talaga ang mga Cats na sina Tico and Taco dahil minsan lang sila magkaroon ng bisitang makakalaro...

Ang tingin nila kasi dio kay Joey Boy ay isang baby...

Naubos na lamang ang buong maghapon ni Ate Joy sa kakahabol kina Tico, Taco and Joey Boy...

*******5:00pm******

Pagkadating na pagkadating ay kaagad na tinanong nina Mareng Gilds and Ma'am Silvs kay Ate Joy kung naging pasaway ba itong si Joey Boy...

Laking pasasalamat na lamang talaga ni Ate Joy dahil nakatulog sa pagad sina Tico, Taco and Joey Boy kaya nama'y nailigpit niya ang mga kinalat ng mga ito bago dumating sina Mareng Gilds and Ma'am Silvs from their Bonding...

Halos parang dinaanan ng isang ipu-ipo ang loob at labas ng bahay nina Mareng Gilds dahil sa paglalaro ng tatlo...

"Naku Ate ang bait bait nga ho ni Joey Boy eh... Napagod sa pakikipaglaro niya kina Tico and Taco..." Ang nakaSmie namang pagbabalita ni Ate Joy habang pinagmamasdan nila ang natutulog sa sofang si Joey Boy.
Sina Tico and Taco nama'y nakihaga sa tiyan ng naghihilik na si Joey Boy...

"Huwag mo na munang gisingin yang si Joey Boy at baka napagod talaga... MagCoffee muna tayoat hintayin na lamang nating magising siya..." Ang ani naman ni Mareng Gilds nang akmang gigisingin na ni Ma'am Silvs si Joey Boy.

*******9:00pm*******

Habang nagsho shower itong si Ate Joy ay nakaSmile pa din siya kahit na napagod siya sa kakaligpit ng mga ikinalat ng tatlo...

Aminado din naman siyang naExcite lang sina Tico and Taco sa pagbisita ni Joey Boy sa kanila...

Kahit din naman siya'y naExcite at natuwa din Kay Joey Boy...

After niyang makpagbihis at pakapaglagay ng lotions and Evening Facial creams ay nagLock up na siya ng buong bahay upang makapagpahinga na...

"Joy..." Ani ni Mareng Gilds nang makasalubong niya ito sa salas.

"Ano po yun Ate..."

"Nakita mo ba sina Tico and Taco..."

"Ang last na nakita ko sila eh nagba ba bye si Joey Boy sa kanilang dalawa bago umalis..."

"Pakihanap nga muna ulit at baka kung saan na naman nagsusuot..." Ang concerned na sambit ni Mareng Gilds ngunit bigla na lamang tumunog ang kaniyang phone at agad niyang sinagot ito.

"HA??? Sige sige we'll wait for you..." Ang narinig ni Ate Joy na sinasabi ni Mareng Gilds sa kausap nito sa phone.

"Ayare po Ate?" Ang concerned na tanong ni Ate Joy nang makita niyang medyo bothered ang mukha ni Mareng Gilds.

"Sina mAreng Silvs... Tumawag at pabalik daw sila dito..."

"Bakit Ate anong nangyari?" Ang gulat na tanong naman ni Ate Joy.

"Saka na lang niya sasabihin kapag dating nya..." Ang sambit na lamang ni Mareng Gilds kay Ate Joy.

Walang kamalay malay itong sina Ate Joy and Mareng Gilds na at that time ay umiiyak sa loob ng taxi itong si Joey Boy habang yakap yakap niya ang mga umiiyak ding sina Tico and Taco...

"Hu hu hu..." Ang hikbi ni Joey Boy na ikinabuntong hininga na lamang ni Ma'am Silvs.

"MEOW MEOW MEOW..." Ang pagpapatahan naman nina Tico and Taco sa kaniya.

Napagalitan kasi siya ulit ng kaniyang Mommy na si Ma'am Silvs nang makarating na sila kanina sa kanilang pinagtutuluyang Hotel dahil nabuking nitong itinatago pala ni Joey Boy ang dalawang Cats na sina Tico and Taco sa loob ng Red na Back pala nito.

Fin

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails