Followers

Tuesday, February 22, 2011

Ang Tahimik Na Farm Sa Pampanga


Everyday ay palaging madaling araw kung gumising ang Farm Heir na si Lawfer para magdilig ng kaniyang mga pananim pero last evening ay naging malakas ang pag buhos ng ulan kaya nama'y sinamantala niya iyon upang magkaroon siya ng chance na late nang magising...

Pupungas pungas pa ang kaniyang mga mata nang lumabas na siya sa kaniyang room at bumaba para makapagBreakfast na...

"Andito na pala ang anak ko..." Ang masayang sambit ng Mommy ni Lawfer nang makita niya ang kaniyang anak.

"MagBless ka na sa Ninang mo..." Ang next na sambit ni Lawfer.

"Naku huwag na kumare... Ang laki laki na pala ng inaanak ko!" Ang masayang reply naman ni Ma'am Silvs nang makita niya si Lawfer.

"Good Morning po Ninang!!!" Ang sambit naman ni Lawfer ng makilala niya ang kaniyang Ninang Silvs.

"Naku naku Huwag na! Ha ha ha... Kaawan ka ng Diyos!" Ang natatawang pagsaway ni Ma'am Silvs ngunit wala na siyang nagawa pa nang nagBless sa kaniya itong si Lawfer.

"Ke Gwapo gwapo mo na!" Ang manghang sambit ni Ma'am Silvs sa binata.

Matagal ng panahon ang last na pagkikita nina Ma'am Silvs at ang kaniyang inaanak na si Lawfer. Ang tanda pa ni Lawfer ay nasa Elementary pa lamang siya nang dumalaw sa kanilang Farm ang kaniyang Ninang Silvs.

"Yan na po ba si Joey Boy..." Ang galak na tanong ni Lawfer sa kaniyang Ninang Silvs nang makita niya ang isang lalaking kasing edaran niya.

Masayang tinunguhan lamang siya ni Ma'am Silvs na lalo pang ikina Smile ni Lawfer...

One time lang na nakalaro niya noon itong si Joey Boy at talaga namang aliw na aliw siya dito...

Kahit na maliit pa itong si Lawfer noon ay batid na niya ang pagiging special ng mentality ng anak ng kaniyang Ninang Silvs...

"Baby... Do you still remember your playmate..." Ang sweet na tanong ni Ma'am Silvs sa nagbre Breakfast na si Joey Boy.

"Tsalap... Tsalap... Tsalap..." Ang sambit naman ni Joey Boy ignoring his Mommy.

Sarap na sarap kasi itong si Joey Boy sa Tapsilog na inihain sa kanila ng Mommy ni Lawfer...

"Sana po eh nagsabi kayo na dadalaw po dito para nasundo po namin kayo..." Ang masayang sambit ni Lawfer kay Ma'am Silvs nang maupo na ito upang maki join na din sa pagbre breakfast.

"We wanted to surprise you all! Hindi na din kami tumawag at alam kong napaka Busy mo dito sa Farm..." Ang sambit naman ni Ma'am Silvs sa mag ina.

"Kumusta na kayo ni Joey Boy..." Ang tanong naman ng Mommy ni Lawfer.

"Ayos naman kami Mare... Medyo hindi na ako nagbibiyahe ng malalayo since nung last na atake ko sa puso..." Ang kuwento ni Ma'am Silvs.

"Inatake ka ulet Mare!?" Ang gulat na sambit ng Mommy ni Lawfer kay Ma'am Silvs.

"Pero awa naman ng Diyos at hindi gaanong malala ito... Nagpapasalamat din talaga ako at may mga kasama na kami sa bahay na parang Family na din namin..." Ang nakaSmile na kuwento naman ni Ma'am Silvs.

"Mabuti naman kung ganoon Mare!" Ang natutuwang sambit ng Mommy ni Lawfer.

"Hello Joey Boy! Natatandaan mo pa ba ako?" Ang masayang usal naman ng Herederong si Lawfer sa maganang kumakain pa ding si Joey Boy.

"EHEK!!!" Ang sambit lamang ni Joey Boy na ikina Smile na lamang ng binata.

"Ansabe po ni Joey Boy?" Ang hindi makapaniwalang usal ni Lawfer sa kaniyang Ninang Silvs.

"Napulot niya yan sa kakanood ng TV..." Ang usal naman ni Ma'am Silvs.

"Talaga po..." Ang usal naman ni Lawfer.

"Joey Boy... Kilala mo pa ba ako..." Ang umaasang tanong ulit ni Lawfer sa ngumunguyang si Joey Boy.

"No..."

"I'm your Kuya Lawfer... Magkalaro tayo..." Ang explain ni Lawfer na ikinalaki ng dalawang mga mata ni Joey Boy.

"NO... EHEK!!!" Ang outburst ni Joey Boy.

"What's the problem Baby..." Ang tanong ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"Kuya Lawfer is only this tall..." Ang muestro ni Joey Boy habang iniangat niya ang kaniyang right hand na ka Level sa taas ng Mesa.

"I'm your Kuya Lawfer... Lumaki na ako... Bigboy na din ako..." Ang naaliw na sambit naman ni Lawfer.

"NO... EHEK!!!' Ang galit na outburst ni Joey Boy.

"ATE KATIE... Can you talk to this stranger and I will look for my Kuya Lawfer..." Ang sambit ni Joey Boy sa kanilang kumakain ding maid.

"Joey Boy... He's your Kuya Lawfer..." Ang explain naman ni Ma'am Silvs.

"NO! NO! NO!" Ani muli ni Joey Boy.

NapaSigh na lamang itong si Lawfer dahil sa kaniyang pagka Upset nang ayaw maniwala sa kaniya itong si Joey Boy ngunit naiintindihan naman niya ang Mental Capacity nito and batid niyang na aalala naman siya nito pero as a kid...

"I will finish my Milk first..." Ang usal ni Joey Boy sabay inom niya ng kaniyang milk at halos three seconds lamang ay natunga't naubos na niya kaagad ang 1 glass of milk at pagkatapos ay kaagad na tumayo ito mula sa hapag.

"EHEK!!!" Ang outburst ni Joey Boy sabay takbo palabas ng bahay.

"Joey Boy!!!" Ang malakas na pagtawag ni Ma'am Silvs pero it's too late na't nakalabas na ng bahay si Joey Boy.

"Pasensya ka na Lawfer sa anak ko..." Ang next na sinabi ni Ma'am Silvs dahil napansin niya kanina na slight na na upset ang facial expression ng kaniyang inaanak.

"Okay lang po Ninang... Atleast na aalala pa niya ako..." Ang optimistic na reply naman ni Lawfer.

"Sundan mo si Joey Boy at baka mawala sa farm yun..." Ani naman ng Mommy ni Lawfer.

"GOODLUCK DONG!" Ang sambit naman ni Katie.

"Baket?" Ang curious na tanong ni Lawfer sa maid nina Joey Boy.

"Napakagaling nang Mag Hide and Seek yun..." Ani ni Katie.

"AYOS!!!" Ang tuwang tuwang expression ni Lawfer at pagkatapos ay lumabas na din kaagad siya ng bahay upang sunadan itong si Joey Boy.

Taguan kasi ang lagi nilang nilalaro kapag pumapasyal sina ang kaniyang Ninang Silvs and si Joey Boy sa kanilang Farm noon...

**************

Kaagad na pinuntahan ni Lawfer ang pet niyang Askal na recently lamang ay nanganak dahil gagamitin niya ang Puppy nito upang mapaamo itong si Joey Boy...

"Emo... Emo... Emo..." Ang pagtawag ni Lawfer sa Puppy.

"Asan na kaya si Emo..." Ang usal ni Lawfer nang lumipas ang mga 10 minutes niyang paghahanap sa Puppy.

"Arf... Arf... Arf..." Ang matingin nakahol ni Emo na narinig ni Lawfer.

"Ehek... Ehek... Ehek..." Narinig din niy itong si Joey Boy.

Napakunot ng noo itong si Lawfer dahil parang excited ng dalawa...

He didn't bother na sundan pa ang mga ito dahil papalayo na ang dalawa and papunta ang mga boses nito sa direction ng kulungan ng alaga niyang inahing baboy. Pumunta muna si Lawfer sa maliit na bahay kung nasa saan nakalagay ang mga farm supplies upang kumuha ng food na ibibigay niya para sa breakfast ng pet niyang pig...

"ANYARE..." Ang outburst na lamang ni Lawfer nang makarating na siya sa kulungan ng pet niyang pig.

Nakabukas ang kulungan at wala na doon ang inahing Baboy...

Kaagad namang narinig niyang muli itong sina Joey Boy na papalayo na...

"Ehek... Ehek... Ehek..."

"Arf... Arf... Arf..."

"Oink... Oink... Oink..."

Napakunot ng noo itong si Lawfer dahil para bang ang sasaya nina Joey Boy, ng Puppy at ng inahing Pig na tumatakbo papalayo...

Hindi na nag aksaya pa ng panahon itong si Lawfer at agad agad niyang sinundan ang direction kung saan niya naririnig ang mga boses nina Joey Boy...

"ANG MGA KAMATIS KO!!!" Ang outburst ni Lawfer nang makita na niyang wala ng bunga ang kaniyang tanim na kamatis.

Kahapon ay tuwang tuwa pa siya at nagbalak na ngayon niya i ha Harvest ang kaniyang mga plump and red na red na mga tomatoes...

"Ehek.. Ehek.. Ehek..."

"Arf... Arf... Arf..."

"Oink... Oink... Oink..."

"TALAGA NAMAN!!!" Ang sambit ni Lawfer at nagkaroon na siya ng idea kung sino ang mga namitas ng mga bunga ng kaniyang tanim na kamatis.

Muli na naman niyang sinundan ang masasayang mga tinig ng mga papalayong sina Joey Boy, Emo the Puppy and the Inahing Baboy...

Dinala siya ng kaniyang pagsunod sa kanilang maliit na Niyogan sa Farm kung nasa saan nakatali ang kanilang Pet Kalabaw...

"Anak ng..." Ang namutawi na lamang kay Lawfer nang makita niyang wala na sa pagkakatali ang kanilang Kalabaw sa farm.

"Pati ba naman ang Kalabaw..." Ang natatawang sambit ni Lawfer at pagkatapos ay nagconcentrate siya habang tinatalasan niya ang kaniyang pandinig.

"Shhhhhhh..." Ang mahinang boses ni Joey Boy na ikinaSmile naman kaagad ni Lawfer.

Kaagad na nag 360 degress ng kaniyang paningin itong si Lawfer...

Alam niyang nasa same lang na lugar itong sina Joey Boy and ang mga kanilang Pet Animals at malapit na malapit lang ang mga ito sa kanilang kinatatayuan...

"Magaling ng maglaro ng Hide and Seek yang si Joey Boy..." Ang biglang naalala ng binata na sinabi ng Maid nina Joey Boy.

"He he he... HULI KAYO!!!" Ang malakas na usal ni Lawfer nang makita niyang gumalaw ang buntot ng kanilang Pet na Kalabaw na nagtatago sa likod ng isang tumpok ng Dayami.

"RUUUUUUUUUUN!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy.

Kitang kita ni Lawfer na lumabas itong si Joey Boy sa loob ng Drum na ginagawa nilang inuman ng Kalibaw.

"EHEEEEK... RUUUUUN!!!" Ang sunod pang outburst muli ni Joey Boy sa kaniyang mga kasama habang nagtatakbo ito.

Napailing na lamang itong si Lawfer nang makita niyang may iilan pang mga bitbit itong mga kamatis na nagsipaglalaglagan ng tumakbo ito ng matulin...

"Arf... Arf... Arf..." Ang matinig na kahol naman ng Puppy na si Emo nang lumabas ito sa likod ng isang puno ng Niyog at mabilis na sinundan ang nagtatakbong si Joey Boy.

"Oink... Oink... Oink..." Ang next na narinig naman ni Lawfer at lalo pang nanlaki ang dalawang mata ng binata nang makita niyang bumabab ng puno ng Niyog ang kanilang inahing Pig at mabilis na tumakbo din at sumunod sa tumatakbong si Joey Boy.

"ANAK TALAGA NG..." Ang naudlot na sasambitin sana ni Lawfer.

"Uuuuungaaaa... Uuuuungaaa... Uuuuuungaaaa..." Ang malakas na Outburst ng kanilang pet na Kalabaw and like what the Puppy and The Pig did ay mabilis din itong tumakbo upang sumunod kay Joey Boy.

"HUWAG KAYO DIYAN!!!" Ang nagpaPanic na usal ni Lawfer nang maRealized niya kung saang direction papunta sina Joey Boy.

"Ehek... Ehek... Ehek..."

"Arf... Arf... Arf..."

"Oink... Oink... Oink..."

"Unga... Unga... Unga..."

Ang masasayang outburst nina Joey Boy and the Farm Animals at wala silang kamalay malay na nagsisitakbo at dumaan sa taniman ng Sitaw at Letsugas nina Lawfer.

Napanganga na lamang itong si Lawfer nang makita niyang gutay gutay na ang kaniyang mga pananim na Gulay dahil kina Joey Boy...

"Ano nang gagawin ko..." Ang naiusal na lamang ng helpless na si Lawfer.

Kung dati rati'y napakatahimik and payapa ng kanilang Farm ay ngayon nama'y para may nagte Terroriz at may dumaang ipo ipo sa kanilang lugar....

*******Lunch Time*******

Pagod na pagod na itong si Lawfer sa kakahabol kina Joey Boy kaya nama'y nagdecide na lamang siyang umuwi muna sa kanilang bahay at nagbakasakaling bumalik na din itong si Joey Boy doon dahil it's na kasi for Lunch...

"Bakit ngayon ka lang..." Ani ng Mommy ni Lawfersa kaniya.

"Bakit po Ma..."

"Kakalabas lang ng bahay ni Joey Boy at hahanapin pa daw niya ang kaniyang Kuya Lawfer..."

"Kumain na po ba ng Lunch si Joey Boy..." Tanong naman ni Lawfer.

"Ang bilis ngang kumain eh... Nagbaon pa... Para daw sa Kuya Lawfer niya..." Ani naman ni Ma'am Silvs.

"Ba't parang haggard na haggard ka Dong..." Sambit naman ng naghuhugas ng platong si Katie nang mapansin niyang bagsak ang dalawang balikat ng Binata.

"Napagod lang ako sa kakahabol kina Joey Boy..." Ang matamlay na reply ng Binata.

"Kukuha na lang po ako ng Pagkain at doon ko po kakainin sa Kamalig..." Ang dagdag pa ni Lawfer.

Favorite na tambayan kasi ni Lawfer ang Kamalig sa Farm dahil may alloted na parang maliit na salas doon na pupuwede niyang paghingahan. Merong TV, Electric Farm and maliit na Ref.

"Sige at pagkatapos mong kumain eh sundan sundan mo si Joey Boy at baka kung anong mangyari doon..." Ang pahabol na bilin ng Mommy ni Lawfer sa kaniyang anak.

"Haaaaissssttttt...." Ang sigh na lamang ni Lawfer at talaga namang hinayang na hinayang siya kapag naiisip niya ang mga nasira niyang mga pananim.

Hindi lang ang mga Kamatis, Sitaw and Lettuce ang nasira nina Joey Boy and ng mga Farm animals. Pati na din ang Amplaya, Talong, Repolyo atbp.

**************

Kaagad na nagmadali itong si Lawfer nang matanaw niya sa malayong lumalabas ng kamalig itong si Joey Boy na kasunod si Emo the Puppy, Ang inahing Pig at ang kanilang Farm Kalabaw.

"NAKAW!!!" Ang outburst ni Lawfer nang makita niya ang kaniyang dalawang mga Kuting na sumusunod na din kay Joey Boy.

"WAAAAAAH!!!" Ang gulat na usal ni Lawfer nang tinignan niya ang loob ng kanilang kamalig.

Lalong bumagsak ang kaniyang dalawang balikat nang makita niyang bukas ang ref sa loob ng kamalig at lalo pa siyang nanghina nang mapansin niyang puro basyo na lamang ang mga Yakult na kaniyang inilagay kagahapon sa Fridge.

"Buti na lang at may natirang isa..." Ang namutawi sa kaniya nang makita niyang may nag iisang hindi pa nabuksang Yakult.

"OINK!!!"

"WHOA!!!" Ang gulat na outburst ni Lawfer nang walang pasabing bumalik muli sa loob ng kamalig ang kanilang pet na inahing Baboy.

"OINK... OINK... OINK..." Ang sambit ng Pig habang nagmamadali itong hinablot ang hawak na Yakult ni Lawfer.

"LOKO TALAGA!!!" Ang usal ni Lawfer nang biglang nagkakaripas ng takbo palabas ng Kamalig ang Inahing Baboy nang maSnatch na nito sa kaniyang kamay ang Yakult.

Napailing na lamang itong si Lawfer habang binubuksan niya ang Chiller ng Fridge...

"Buti na lang at hindi nila ito nakita..." Ang thankful na sambit ni Lawfer sa kaniyang sarili dahil may nakatabi pa siyang 6 pcs pack ng Yakult sa Chiller.

Nag inhale and Exhale muna itong si Lawfer bago niya sinumulan muling sundan ang buong tropa nitong si Joey Boy...

"Weird talaga..." Ani ni Lawfer dahil hindi talaga siya makapaniwalang sumusunod ang mga Farm Animals sa isip batang si Joey Boy.

"FUCK!!!" Ang naiusal ni Lawfer nang marinig niyang parang kakaiba ang mga tinig nina Joey Boy at ang mga kasama nitong mga Farm animals kaya nama'y nagmamadali niyang sinundan ang mga tinig ng mag ito.

"UWAAAAAH... UWAAAAH... UWAAAAH..." Ang malakas na mala ambulansiyang ngawa ni Joey Boy.

"ARF... ARF... ARF..." Ang malakas na parang umiiyak na kahol ng Puppy na si Emo.

"OINK... OINK... OINK..." Gayundin naman ang pag Oink ng kanilang Inahing Baboy.

"UNGAAAA... UNGAAAA... UNGAAAA..." Umaatungal din ang kanilang Pet na Kalabaw.

Lalong nagPanic at nagmadali itong si Lawfer sa kaniyang pagpunta sa kinaroroonan nina Joey Boy...

"MEOW... MEOW... MEOW..." Ang narinig din ni Lawfer na pag iyak ng kanilang dalawang Farm Kutings.

...

...

...

Hindi malaman laman ni Lawfer kung matatawa siya or maaawa nang makita niyang nakaSquat at nagkukumpulan itong sina Joey Boy...

Kitang kita din ni Lawfer ang mga mapupulang Bell Pepper na may Kagat na nasa sa paanan nina Joey Boy...

Kakaiba kasi ang Breed ng tanim ni Lawfer na mga Bell Pepper dahil kasing anghangg lang ng mga ito ang isang ordinaryong siling labuyo...

Sa sobrang ganda kasi ng mga Bell Peppers ay hindi napigilang pitasin iyon ni Joey Boy at ialok na kainin sa kaniyang mga newly friends na mga Farm Animals...

"Anyare Joey Boy..." Ang tanong ni Lawfer habang pinipigilan niyang matawa sa hitsura ng tropa ni Joey Boy.

"MY LIPS AND TONGUE HURTS... UWAAAAH..."

"ARF... ARF... ARF..."

"OINK... OINK... OINK..."

"UNGAAA... UNGAAA... UNGAAA..."

"MEOW... MEOW... MEOW..."

"Sige... Sumama kayo sa akin sa kamalig at may ipapa inom ako sa inyo para mawala ang anghang..." Ani ni Lawfer habang inaalalayan niyang tumayo mula sa pagkaka Squat ang umiiyak na si Joey Boy.

Nagpapasalamat naman itong si Lawfer at sumama na sa kaniya itong si Humihikbong si Joey Boy at kasunod naman nila ang mga Farm Animals...

"Naiintindihan nila ako..." Ang hindi makapaniwalang tanong ni Lawfer sa kaniyang sarili nang maRealized niyang kinausap niya ang mga Farm Animals at sumunod ito sa kaniya.

*******After 15 Minutes********

*******Inside the Kamalig*******

Bumili pa ulit itong si Lawfer ng Yakult dahil bitin na bitin talaga itong sina Joey Boy and ang mga Farm Animals sa iisang bote...

Naka tatlo sila nang mawala na ang anghang from the bell pepper sa kanilang mouth...

"Okay na ba kayo..." Ang tanong ni Lawfer sa kanila.

"ARF..."

"OINK..."

"UNGAA..."

"MEOW..." Ang masasayang sambit naman kaagad ng mga Farm animals.

"How about you Joey Boy..." Ang concern na tanong ni Lawfer nang makita niyang hindi umi imik at tahimik na umiinom lang ng Yakult itong si Joey Boy.

"I'm sad..." Ang mahinang reply lamang ni Joey Boy.

"Gusto mo pa ba ng Yakult..." Ang tanong ulit ni Lawfer na inilingan na lamang ni Joey Boy.

"Ba't ka naman Sad..." Ang next na question ni Lawfer at bothered siya nang makita niya ang sadness ng mga eyes ni Joey Boy.

"I miss Kuya Lawfer... I can't find him here eh..." Ang explain naman ni Joey Boy na nagpaSmile kay Lawfer.

"Wait lang ha..." Ani ni Lawfer at pagkatapos ay pumunta siya sa isang lumang cabinet sa tabi ng TV.

Binuksan niya ito at hinalughog ang loob nito looking for something...

"Eto yun..." Ang masayang sambit ni Lawfer nang makita na niya ang kaniyang hinahanap.

"Eto ba ang Kuya Lawfer mo..." Ang next na masayang sambit ni Lawfer nang iniabot niya ang isang luman g photograph kay Joey Boy.

"EHEEEEEEK... IT's KUYA LAWFER!!!!!" Ang masayang outburst ni Joey Boy habang masaya niyang tinitignan ang lumang litratong hawak niya.

"That's me..." Ang malumanay na sambit ni Lawfer.

"Eheeeek.... Really..."

"Yup... And ikaw yaan..." Ang next na usal ni Lawfer habang itinuturo niya sa litrato si Joey Boy.

Tinabi kasi ni Lawfer ang litrato nilang magkasama ni Joey Boy noong mga bata pa sila...

"Your so big and tall na Kuya Lawfer..." Ang manghang sambit ng hindi makapaniwalang si Joey Boy.

"Ikaw din naman eh... Big boy ka na din..." Ang natatawang usal naman ni Lawfer.

"Ehek... Let's play na ulet ng Hide and Seek just like before..." Ang excited na usal ni Joey Boy na lalo pang ikinatawa ni Lawfer.

"EHEK... LET's GOOOOO!!!" Ang next na outburst ni Joey Boy sa mga Farm animals sabay takbo nila ng matulin palabas ng kamalig.

"ANAK NG..." Ang walang magawang nasambit na lamang ni Lawfer nang maiwan siyang mag isa sa kamalig.

Balak talaga ni Lawfer na magpahinga na lamang that afternoon ngunit naubos ang kaniyang energy and time dahil hindi talaga niya makitakita ang mga nagtatagong sina Joey Boy and the Farm Animals.

**************

Just like a while ago'y nag give up na itong si Lawfer sa paghahanap sa mga nagtatagong sina Joey Boy and their Farm Animals at nang dumating na ang takipsilim ay narinig na lamang niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang Mommy...

"Saan ka ba nagpu pumunta... Uuwi na ang Ninang Silvs mo at si Joey Boy..."

"Nasa bahay na si Joey Boy?!"

"Kanina pa... Halika na at hinahanap ka nila..." Ani ng Mommy ni Lawfer sa kaniya.

"Teka lang po... May kukunin lang po ako sa Kamalig..." Ani naman ni Lawfer sa kaniyang Mommy at pagkatapos ay nagmamadali siyang bumalik sa kamalig dahil may natira pang Yakult sa Fridge doon.

...

...

...

"Uuwi na kayo Joey Boy..." ANg pabirong usal ni Lawfer nang makita niyang nakaBackPack na itong si Joey Boy.

"EHEK... I need to go home na Kuya Lawfer because Britney might cry..." Ang sambit naman ni Joey Boy.

Napangiti itong sina Ma'am Silvs and ang Mommy ni Lawfer nang makilala na din sa wakas ni Joey Boy ang kaniyang Kuya Lawfer...

"Sinong Britney?" Ani ni Lawfer.

"My BestFriend..." Ang explain lang ni Joey Boy.

"Yung Askal namin sa Bahay..." Ang sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Paano Lawfer... Sa susunod na lang ulet... Salamat Mare... ayo naman ang bumisita sa Mansion ha..." Ang pagpapaalam ni Ma'am Silvs sa kaniyang Kumae't Inaanak.

"Teka Joey Boy... I have something for you..." Ang masayang sambit naman ni LAwfer sabay bigay niya ng Yakult kay Joey Boy.

"EHEK..." ANg masayang outburst naman ni Joey Boy.

"What will you say to them..." Ang pag papaalala naman ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"EHEK... TENCHU KUYA LAWFER.... MWAAAAH... TENCHU PO MARE... MWAAAAH..." Ang masayang sambit ni Joey Boy sabay pagbibigay niya ng Kiss kina Lawfer at sa Mommy nito.

Napatawa lang ang Kumare ni Ma'am Silvs sa tawag sa kaniya ni Joey Boy...

"TENCHU DIN EMO... MWAAAAH...." Ang na sambit ni Joey Boy at walang pasabing nag Squat siya at binigyan niya ng Kiss ang Puppy na si Emo.

Hindi na nila namalayan pa na nandoon na din pala ang mga Farm Animals na nakalaro nitong si Joey Boy the whole day...

"TENCHU PIGGY... MWAAAAH..." Ang next na sambit ni Joey Boy.

Talaga naman hindi nakapag React sina Ma'am Silvs, Lawfer, Ang Mommy nito and si Katie nang pati ang inahing baboy ay binigyan ng Kiss ng masayang masayang si Joey Boy...

"TENCHU CARABAO... MWAAAH..."

"TENCHU KITTENS... MWAAAAH..."

"IS THIS FOR ME???!!! EHEK!!!" Ang tuwang tuwang samb it ni Joey Boy nang itinulak ng inahing Baboy sa kaniyang Harapan ang dala dala nilang malakaing Pumpkin.

Lalong napaTumbling sina Lawfer dahil sa ginawa ng kanilang mga Farm Animals....

Kahit ang Mommy ni Lawfer ay hindi maipaliwanag at talagang manghang manghang siya dahil pinabaunan pa ng kanilang mga Pet ng kalabas si Joey Boy...

"I REALLY ENJOY HERE..." Ang sambit ni Joey Boy nang sumakay na sila ng kaniyang Mommy Silvs at ng kanilang Maid na si Katie sa Revo.

"KUYA LAWFER..." Ang malakas na sambit ni Joey Boy mula sa bintana ng Revo.

"Ano yun Joey Boy..."

"I forgot to return this..." Ani ni Joey Boy sabay abot niya kay Lawfer ng litrato nilang dalawa noong mga bata pa sila.

"Sayo na lang yan..."

"You sure Kuya Lawfer..." Ani ni Joey Boy na tinunguhan na lamang ng nakaSmile na si Lawfer.

"EHEK..." Ang masayang masayang sambit naman ng hindi makapaniwalang si Joey Boy at kaagad niyang inilagay ang photo sa loob ng kaniyang red na Back Back na pinaglalagyan niya ng mga important and precious stuff niya.

"Mag i ingat kayo sa byahe Mare... Ba Bye na Joey Boy... MWAAAH..." Ang pahabol naman ng Mommy ni Lawfer.

"CAN I VISIT AGAIN AND PLAY HERE..." Ang sambit naman ni Joey Boy.

"Anytime Joey Boy..." Ang nakaSmile na reply ng Mommy ni Lawfer.

"ARF... ARF... ARF..."

"OINK... OINK... OINK..."

"UNGA... UNGA... UNGA..."

"MEOW... MEOW... MEOW..."

"BA BYE!!!" Halos hindi matapos tapos na pag gu goodbye ng mga farm animals kay Joey Boy.

"Haiiisst..." Ang bugtong hininga na lamang ni Lawfer habang kinakawayan niya ang nag ba ba bye pa din sa kanilang si Joey Boy sakay ng papaalis na Revo.

"Balik na kayo..." Ang sambit naman ni Lawfer sa mga Farm Animals nang hindi na nila matanaw ang revo nina Joey Boy.

"Arf... Arf... Arf..."

"Oink... Oink... Oink..."

"Unga... Unga... Unga..."

"Meow... Meow... Meow..." Ang reply naman ng mga Farm Animals kay Lawfer.

"Hindi pa pala kayo kumakain... Sige Tara na..." Ang reply naman ni Lawfer at pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kanilang Kamalig upang kumuha na ng pagkain ng mga Farm Animals.

Kaagad namang mabait na sumunod sa kaniya ang mga Farm Animals na ikinalaki naman ng dalawang mga mat ng Mommy ni Lawfer...

"Nagkakaintindihan kayo..." Ang manghang tanong ng Mommy ni Lawfer.

"HA???!!!" Ang gulat na usal na lamang ni Lawfer ng maRealized niyang nakikipag usap siya sa mga Farm Animals.

"ARF... ARF... ARF..." Ang malakas na pagtawag ng Hungry Puppy na si Emo kay Lawfer nang mapansin niyang napahinto ito.

"Andyan na..." Ang ani naman ni Lawfer.

Biglang napakunot ang noo ni Lawfer kasabay ng pagsasalubong ng dalawa niyang Kilay dahil para bang naiintindihan niya na gutom na gutom na ang kanilang Puppy...

"ANYARE???!!!" Ang muling outburst ni Lawfer at talaga namang nagtataka siya habang iniisip niya na baka nahawa na siya kay Joey Boy.

Fin

2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails