Followers

Tuesday, February 22, 2011

Ang Atwang Sa Executive Village


Kahit na magtatakip silim na'y masayang masaya pa din sina Joey Boy and his playmates na naglalaro dahil hindi sila nakapag play kaninang umaga dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

"Dali Joey Boy!" Ang malakas na tili ng mga bata habang hila hila nila si Joey Boy.

"10, 9, 8, 7, 6..." Ang bilang ng kaPlaymate nilang si Robbie na taya sa taguan.

"EHEK!!!" Ang masayang outburst naman ni Joey Boy habang pilit siyang itinatago ng kaniyang mga batang kaPlaymate sa likod ng mga bushes.

"Huwag kang gagalaw dyan Joey Boy at magtatago lang kami!" Ang sambit ng batang si Rachel habang sinisiguro niyang hindi makikita ng taya itong si Joey Boy.

"EHEK!" Ang reply lang ni Joey Boy sa kalaro.

"Shhhhhh... Keep quiet at baka marinig ka ni Robbie." Ang saway naman ng batang si Reggie kay Joey Boy.

"Okay..." Ang mahinang sambit lang ni Joey Boy habang nagstay still siya sa likod ng mga bushes.

"5, 4, 3, 2..." Ang malakas na pagpapatuloy ni Robbie sa kaniyang pagbibilang.

"Magtago na tayo!" Ang nagmamadaling sambit ng mga bata at pagkatapos ay sila naman ang humanap ng puwestong pupuwede nilang pagtaguan.

Alagang alaga ng kaniyang mga kaPlaymate itong si Joey Boy and even alam ng mga ito na 28 years old na siya'y itinuturing siya ng mga ito na Baby ng buong tropa. Ages 5-8 ang mga batang kapitbahay na kalaro nitong si Joey Boy. Mga anak pa ito ng mga naging kalaro niya noong bata pa siya.

"1... GAME!" Ang sambit ni Robbie at pagkatapos ay nagStart na siyang hanapin ang kaniyang mga kaPlaymate.

"BOOM JOEY BOY!" Ang malakas na sigaw ni Robbie nang makita niya si Joey Boy.

Medyo may katangkaran din kasi itong si Joey Boy at kahit na nakaSquat na siya sa likod ng mga bushes ay kitang kita pa din siya ng kaniyang playmate.

"BRITNEY NAMAN EH!" Ang naiinis na sambit ni Joey Boy sa kaniyang pet na askal.

Ang nagbigay talaga ng clue kay Robbie kung saan nagtatago itong si Joey Boy ay itong si Britney dahil hindi nito hinihiwalayan si Joey Boy dahil talagang binabantayan niya ito kapag nasa sa labas sila ng bahay.

"EHEK!!!" Ang sambit ni Joey Boy nang tumakbo na siya upang maunahan niya ang tayang si Robbie na makaSave sa base.

"SAVE! EHEK! EHEK! EHEK!" Ang masayang sambit ni Joey Boy nang makapagSave siya sa base at hindi siya nataya nitong si Robbie.

Binagalan lang ni Robbie ang pagtakbo papuntang base para paunahin niya itong si Joey Boy. Ang hindi alam ni Joey Boy ay pinagbibigyan talaga siya ng kaniyang mga kalaro.

"BOOM RACHEL! BOOM KIMBERLY! BOOM REGGIE!" Ang sunod sunod na sambit ni Robbie nang makita na niya ang kaniyang mga kalarong nagtatago.

"HULI KA MARK! BOOM ROGER! BOOM SARAH!"

"EEEEEHHHHH!!!" Ang tilian ng mga bata habang nag uunahan silang makaSave sa base.

"SAVE! TAYA KA JERSEY!" Ang matagumpay na sambit ni Robbie nang maunahan niya ang isa bata.

"Gabi na! uuwi na ako!" Ang palusot ni Jersey.

"Huwag kang madaya Jersey!" Ang sumbat naman ng iba.

"Gabi na kasi eh."

"Last na lang Jersey Please... Ehek!" Ang sambit naman ni Joey Boy na gusto pa talagang maglaro.

"Sige na nga!" Ang sambit naman ni Jersey. Kahit sila'y hindi nila matanggihan itong si Joey Boy.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan..." Ang pagsisimulang magbilang ni Jersey at kaagad namang nagsiagkilusan ang iba pang mga bata.

"Let's go na Joey Boy!" Ang sambit naman ng mga bata habang hinihila nilang muli itong si Joey Boy upang itago.

"I'll just hide by myself..." Ang ani naman ni Joey Boy at pagkatapos ay nagtatakbo na din siya kasama ang mga bata para magtago.

"DON'T GO THERE JOEY BOY!" Ang malakas na tili ng mga bata nang makita nilang tumakbo si Joey Boy sa halaman na nasa sa tapat ng isang lumang bahay sa kanilang Executive Village.

"LET'S GO NA JOEY BOY!" Ang nagpaPanic na sambit ng mga bata at takot n atakot silang hinila na si Joey Boy papunta sa Playground.

"Anyare?" Ang nagtatakang tanong ni Jersey nang makita niyang nagsibalikan na itong sina Joey Boy and ang iba pa niyang mga kalaro.

"Nagpunta kasi si Joey Boy doon sa bahay ng Aswang!" Ang takot na takot na sambit nina Robbie.

"What's Atwang?" Ang curious na tanong ni Joey Boy.

"Aswang Joey Boy. It's a monster!" Ang explain naman ni Rachel.

"EHEK!" Ang gulat na gulat na saambit naman ni Joey Boy.

"Buti Joey Boy hindi ka kinain ng Aswang!" Ang sabi naman ni Jersey na lalo pang ikinaShock ni Joey Boy.

"Don't go near taht house Joey Boy at baka makita ka ng Aswang at kagatin ka!" Ang warning naman ni Reggie.

"I haven't seen pa an Atwang." Ang ani ni Joey Boy.

"May Aswang na nakatira doon." Ang sambit naman ni Mark sabay turo niya sa lumang bahay.

"Kakalipat lang nung Aswang kahapon." Ang ani naman ni Roger.

"What does it look like?" Ang tanong ni Joey Boy habang nagsisiksikan na sila sa kanilang pag uumpukan.

"The Aswang is an Old Lady with long wite hair. She looks like a Lola but kapag evening na eh nagiging monster siya!" Ang explain ni Rachel.

"I'm scared... I want to go home..." Ang mahinang usal na lamang ni Joey Boy.

"Sige uwian na tayo!" Ang sambit naman ni Jersey.

"Can you walk me home..." Ang ani naman ni Joey sa kaniyang mga playmates.

"Kasama mo naman si Britney eh..." ang sabi naman ng mga kalaro ni Joey Boy.

"I'm really scared..." Ang pakiusap ni Joey Boy and as usual ay hindi na naman siya natanggihan kaya nama'y inihatid na siya ng kaniyang mga playmates pauwi sa kanilang Mansion.

*******At The Room Of Joey Boy*******

Gising na gising pa din itong si Joey Boy kahit pasado 8:00pm na at past his bedtime dahil naiimagine niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang mga playmates kanina. Takot na takot ngayon itong si Joey Boy at iniisip niyang baka kainin siya ng Atwang.

"Britney..." Ang pagtawag ni Joey Boy mula sa loob ng comforter.

"ARF!" Ang malakas and attentive namang sambit ni Britney. Sinasamahan din kasi nitong Askal na si Britney sa room itong si Joey Boy.

"Do you believe in Atwang?"

"ARF ARF ARF!" Ang usal naman ni Britney para sagutin itong si Joey Boy.

"Really! You believe in Atwang!"

"ARF!" Ang pagConfirm muli ni Britney dahil naniniwala din siya sa Aswang since laking Probinsiya siya.

"Can you tell me more about the Atwang." Ang hindi mapigilang request ni Joey Boy. Kahit na natatakot itong si Joey Boy ay mahilig siyang makinig ng mga horror stories.

"ARF! ARF! ARF!" Ang pagsisimula na nitong si Britney.

"THEY HAVE BIG WINGS LIKE A BAT!" Ang hindi makapaniwalang usal ni Joey Boy habang nagkukuwento itong si Britney.

"ARF! ARF! ARF!"

"THEY ALSO HAVE A SHARP AND LONG NAILS!" Ang pag ulit ng namamnghang si Joey Boy sa mga sinasabi ni Britney.

"ARF! ARF! ARF!"

"THEY ALSO HAVE LONG TONGUE!" Ani muli ni Joey Boy.

"WAIT!" Ang outburst ni Joey Boy sabay tayo niya sa kaniyang bed at pagkatapos ay kaniyang kinuha mula sa kaniyang Green niyng School BackPack ang kaniyang Ben Ten na Scissor.

"I'll cut it if the Atwang tries to sticks it tongue!" Ang matapang na sambit ni Joey Boy.

"ARF! ARF! ARF!" Ang next na kahol ni Britney.

"Okay! Just hurry up." Ang pagpayag naman ni Joey Boy nang nagpaalam sa kaniya itong si Britney para bumaba't pumunta sa kitchen. Kaagad namang pumunta sa Kitchen itong si Britney at kaagad na umakyat muli siya sa room nitong si Joey Boy bitbit ang mga kinuha niya sa kusina at pagkatapos ay ipinakita niya ang mga iyon kay Joey Boy.

"ARF! ARF! ARF!" Ang explain ni Britney habang inilalapag niya sa bed ni Joey Boy ang isang bowl na may lamang Asin at Bawang.

"Scared dito ang Atwang?" Ang tanong kaagad ni Joey Boy.

"ARF! ARF! ARF!"

"Ehek... I can sleep now!" Ang masyang sambit ni Joey Boy habang pinapanood niya itong si Britney na ipinupuwesto sa kaniyang bedside table ang bowl ng Asin and bawang.

*******The Following Day*******

Kaagad namang pinuntahan ni Joey Boy ang kaniyang Mommy nang tinawag siya nito mula sa Kitchen.

"WOW MOMMY! THAT's A BEAUTIFUL AND DELICIOUS CAKE!" Ang masayang bungad ni Joey Boy nang makita niya ang isang box ng Red Ribbon Cake na nasa ibabaw ng mesa.

"Samahan mo ang Ate Katie mo Baby... Dalhin nyo ito sa new neigbor natin." Ang utos ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"Can I have some?" Ani ni Joey Boy at talaga namang hindi niya pinapalagpas ang mga cakes and sweets.

"This is a welcome gift to our new neighbor... There's one in the fridge baby... Bigay nyo muna ito then pagkauwi mo you can eat na the cake in the fridge..." Ani muli ni Ma'am Silvs sa anak.

"Katie... Bumili ka nga din pala ng Toyo bago kayo umuwi at nakalimutan ko kahapong bumili." Ang next na sambit ni Ma'am Silvs sabay abot niya ng pera sa kanilang maid.

"Sure Ate... Ikaw na ang magdala ng Cake Joey Boy... Let's go!" Ang ani naman ni Katie.

**************

Halos mabingi na itong Maid na si Katie sa kakakulit ni Joey Boy sa kaniya dahil talaga namang nagpipilit na itong umuwi nang makarating na sila sa bahay ng kanilang pagbibigyan ng Cake...

"ATE KATIE!!! EHEK! EHEK! EHEK!"

"Ba't ka ba nagkakaganyan Joey Boy!" Ang naiinis na sambit ni Katie habang nagdo Doorbell sa gate ng bahay.

"This is the house of the Atwang!"

"Hindi totoo ang Aswang Joey Boy!"

"I'M SCARED!!!"

"Stop it Joey Boy!" Ang saway muli ni Katie habang nagDoorbell muli siya.

"Wala atang tao..."

"LET's GO HOME NA ATE KATIE!!! EHEK!!!"

"Dyan ka lang Joey Boy at kapag may lumabas sabihin mo Welcome to the neighborhood tas ibigay mo yang cake tas umuwi na kayo... Bibili lang ako ng pinabibili ng Mommy mo."

"EHEK! DON'T LEAVE ME HERE!" Ang nangangatog sa takot na pakiusap ni Joey Boy.

"Kasama mo naman si Britney! Sige na Joey Boy huwag matigas ang ulo..."

"ARF!" Ang maliksing sambit naman ng Askal na si Britney.

"ATE KATIE!!!" Ang pagtawag ni Joey Boy sa kanilang Maid ngunit hindi na siya pinasin pa nitong si Katie at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad para bumili ng Toyo..."

"EHEK!" Ang sambit na lamang ni Joey Boy.

"ARF!" Ang pagpapakalma na lamang ni Britney at siya na mismo ang nagpatuloy na pumindot ng doorbell sa gate.

"There's no one home... Let's go na Britney..." Ang sambit na lamang ni Joey Boy nang walang nagbubukas ng gate.

"ARF!" Ang kahol muli ni Britney nang makita niyang binubuksan na ni Joey Boy ang Box ng Red Ribbon.

"I'll just taste the icing... Don't tell Mommy..." Ang makulit na sambit naman ni Joey Boy habang kumukuha siya ng icing sa cake gamit ang kaniyang daliri.

Imbes na umuwi na'y nagstay pa itong si Joey Boy sa harap ng gate ng lumang bahay...

"Mmmmm... Delicious!" Ang masayang sambit ni Joey Boy nang matikman na niya ang icing ng Cake at nang isasara na niya ang box ay walang pasabing biglang nagbukas ang gate ng lumang bahay.

"BAKIT NYO PINAG LALARUAN ANG DOORBELL???!!!" Ang malakas na boses ng isang matandang babae sa bukas na gate.

"ATWAAAANG!!! RUUUUN BRITNEY!!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy at dahil sa pagkatakot and pagkagulat ay naihagis niya ang kaniyang hawak na bukas na kahon ng Red Ribbon.

"ARF!" Ang nagpaPanic na kahol naman ni Britney habang humabol na din siya sa nagtatakbo sa takot na si Joey Boy.

"EHEK! EHEK! EHEK! ATWANG! ATWANG! ATWANG!" Ang parang ambulansyang iyak ni Joey Boy habang kumakaripas siya ng takbo papauwi sa kanilang Mansion.

Hindi na sila lumingon pa ni Britney kaya nama'y hindi nila nakitang punong puno ng icing ang mukha ng matandang babae. Nang naihagis kasi ni Joey Boy ang bukas na kahon ng cake ay straight na straight itong tumama at bulls eye na bull eyes sa mukha ng matandang babae.

*******At The Mansion*******

Hingi ng hingi ng paumanhin itong si Ma'am Silvs sa matandang babae at halos mahiya na siya dahil sa ginawa ng nagtatagong si Joey Boy.

"Sorry ho Misis... Hindi po talaga sinasadya ng anak ko yun..." Ang paulit ulit na paghingi ni Ma'am Silvs ng paumanhin.

"Okay lang yun... Ako nga pala si Lilia Cuntapay. ... pumunta lang ako dito para matiyak kung okay ang anak nyo... Natakot ko ata..." Ang sambit naman ng matandang babae.

"Di ba kayo po yung Aswang sa Shake Rattle and Roll..." Ang hindi mapigilang curious na tanong ni Carl na masayang tinunguhan na lamang ni Aling Lilia.

"Pasensya na kayo Misis at batang isip kasi si Joey Boy..." Ang sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Nakakatuwa nga siya eh... Huwag nyo na hong pagalitan si Joey Boy." Ang pakiusap naman ni Aling Lilia.

"Ibigay nyo na lang ho sa maid namin ang damit nyong nalagyan ng icing para malabhan..." ANg next na usal ni Ma'am Silvs.

"Huwag na po kayong mag alala pa at may maid din ako."

"Napakasuwerte nyo't may anak kayong katulad ni Joey Boy..." Ang sunod na masayang sambit ni Aling Lilia.

"Marami nga hong nakakapagsabi nyan... Nagpapasalamat talaga ho ako at naging anak ko si Joey Boy..." Ang masayang reply naman ni Ma'am Silvs.

Umabot din ng isang oras ang masayang pakikipagkuwentuhan nina Ma'am Silvs and Aling Lilia sa mansion over coffee at doo'y naikuwento ng bago nilang kapitbahay ang buhay artista niya...

"Ganoon palagi ang reaction ng mga bata sa akin sa tuwing makikita nila ako... Nasanay na din ako..." Nag masayang pagkukuwento ni Aling Lilia.

"Pasensya na ho talaga kayo kay Joey Boy ha..."

"Wala yun... Nakakatuwa nga siya eh... Papuntahin nyo naman ulit sa bahay at may ibibigay ako..."

"Sige ho..."

"Paano at lalakad na ako..." Ang pagpapaalam ni Aling Lilia kina Ma'am Silvs.

After makaalis ni Aling Lilia sa Mansion ay agad hinanap nila Ma'am Silvs itong si Joey Boy...

"Hu hu hu..." Ang sunod sunod na hikbi ni Joey Boy nang makita nila itong nagtatago sa shower area ng bathroom sa isa sa mga Guestroom ng Mansion.

Napailing na lamang itong si Ma'am Silvs at hindi din naman niya talaga masisi ang kaniyang isip batang anak na natakot kay kay Aling Lilia...

Kahit itong sina Carl and Katie ay pinipigilan ang matawa dahil habang umiiyak ay may hawak hawak pa itong si Joey Boy na isang bowl na may lamang asin at bawang...

"Ikaw ba nagturo kay Joey Boy tungkol sa asin at bawang..." Ang tanong ni Ma'am Silvs sa umiiling na si Katie.

"Carl?" Ani muli ni Ma'am Silvs.

"Not me po..." Ang sagot naman ni Carl.

"Baka sa mga kalaro niya..." Ang sambit naman ni Katie.

"Sige na Joey Boy... You can go outside na... Hindi ka namin pagagalitan..." Ang malumanay na sambit ni Ma'am Silvs sa kaniyang anak.

"THE ATWANG MIGHT EAT ME... Hu hu hu..." Ang iyak muli ni Joey Boy habang niyayakap siya ni Ma'am Silvs.

"Hindi siya aswang Baby... Mabait si Aling Lilia..."

"Hu... hu... hu..."

"Come on Joey Boy... Di ba Kuya ka na... Brave ang mga Kuya..." Ang mang aalo ni Ma'am Silvs habang kinukuha niya ang bowl ng asin and bawang na hawak ng kaniyang humihikbing anak.

"Ehek..." Ang mahinang sambit naman ni Joey Boy dahil gusto talaga niyang maririnig na tinatawag siyang Kuya.

"Dalhin mo ulit yung cake kina Aling Lilia ha... May ibibigay daw siya sayo..."

"Ehek... I'm scared..." Ang hikbi ni Joey Boy.

"Kuya ka na di ba? Brave ka na dapat..." Ang nakaSmile na sambit ni Ma'am SIlvs habang pinupunasan niya ang mga luha ni Joey Boy sa pisngi nito.

"Ehek..."

"Bait yan... SIge na Kuya Joey Boy..."

"Sige na nga po Mommy... EHEK!" Ang pagpayag din ni Joey Boy sa wakas kaya nama'y proud na proud itong si Ma'am Silvs sa kaniyang anak habang niyayakap niya ito.

*******At The Front Of The House Of Aling Lilia*******

Kahit nangangatog na ang dalawang tuhod ni Joey Boy ay nanatili siyang nagdoDoorbell sa gate ng bahay nina Aling Lilia...

Ang tanging laman lamang ng kaniyang isipan ay ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Mommy na Kuya na siya at hindi Atwang si Aling Lilia...

Ang isa pang nakakapagpalakas ng loob ni Joey Boy ay ang bowl ng asin at bawang na nasa sa loob ng kaniyang Red Back pack. Hindi umalis ng bahay kasi itong si Joey unless na nakasukbit sa kaniyang likuran ang kaniyang favorite na backpack.

"Don't leave me Britney..." Ang paulit ulit niyang sambit sa kasama niyang Askal.

"Hello Joey Boy!" Ang masayang bati ni Aling Lilia nang buksan na nito ang kanilang gate.

"Mo-mo-mommy wa-wa-wants to-to-to gi-gi-give yo-yo-you thi-thi-this ca-ca-cake p-p-po..." Ang nauutal sa takot na sambit ni Joey Boy habang ibinibigay niya ang pangalang cake na nasa sa kanilang fridge kanina kay Aling Lilia.

"Why thank you Joey Boy... Ang bait mo naman..." Ang natutuwang sambit ni Aling Lilia nang kinuha na niya ang iniaalok na cake ni Joey Boy.

"AAAAAAATWAAAAAAAANG!!!" Ang hindi na napigilang takot na takot na outburst muli ni Joey Boy sabay takbo.

"EHEEEEK!!!" Ang mas higit pang malakas na outburst ni Joey Boy nang magsalinsinan ang kaniyang dalawang paa sa pagtakbo dahil sa pagkatakot kay Aling Lilia.

"ARF!" Ang malakas na kahol

"JOEY BOY!!!" Ang mlakas ding putburst ni Aling Lilia habang nilalapitan niya ang nadapang si Joey Boy.

"UWAAAAAAAH!!! UWAAAAAAH!!! UWAAAAAAAH!!!" Ang malakas na pag atungal ni Joey Boy nang mga sandaling iyon.

"Halika Joey Boy at gagamutin kita..." Ang malambing na alok ni Aling Lilia habang hirap na hirap nilang itinatayo mula sa pagkakadapa sa kalsada ang umiiyak na si Joey Boy.

*******After 15 mins*******

Kung kanina'y nangangatog sa takot itong si Joey Boy ay ngayon nama'y nangangatog ang kaniyang mga jaws and teeth habang nillantakan niya ang mga ibinigay sa kaniyang Godiva Chocolates nitong si Aling Lilian.

Iba talaga ang effect ng chocolates and sweets kay Joey Boy at talagang nagiging good ang kaniyang mood kapag nakakakain ng mga sweets...

"Masakit pa ba yang sugat mo Joey Boy?" Ang sweet na sweet na sambit ni Aling Lilia sa nanginginaing si Joey Boy.

"Not anymore! EHEK!" Ang sambit naman ng nakasmile na si Joey Boy.

"Sabi ko sa iyo eh may magic ako at gagamutin ko yang sugat mo eh..." Ang aliw na aliw na reply naman ni Aling Lilia.

"You have the same magic like my Mommy!" Ang sambit muli ni Joey Boy habang nagbabalat na naman ito ng panibagong batches ng mga caramel and praline Godiva Chocolates.

Nilagyan kasi ni Aling Lilia ng Betadine ang sugat sa isang knee ni Joey Boy at iyon din kasi ang iginagamot ni Ma'am Silvs kapag nagkakaBruise siya sa paglalaro.

"ARF! ARF! ARF!" Ang kahol ni Britney upang pukawin ang attention ni Joey Boy.

"You want to go home na ba?" Ani ni Joey Boy sa askal.

"ARF!" Ang reply naman ni Britney.

"Ahm... Grandma... Britney wants to Pupu so we need to go home na po..." Ang mabait and magalang na usal ni Joey Boy kay Aling Lilia.

Nakadami din kasi ng Chocolates na nakain itong si Britney kaya natae kaagad...

"Sige Joey Boy at baka nag aalala na din ang Mommy mo at mag ga Gabi na eh..." Aung usal naman ni Aling Lilia habang pinababaunan niya si Joey Boy ng maraming Godiva Chocolates.

"Ba Bye Grandma! I'll visit you again to eat some chocolates!" Ang pagpapalam ni Joey Boy na ikinatawa ni Aling Lilia.

"MWAAAAAH!!!" Ang sweet na pagkiss ni Joey Boy sa isang cheek ni Aling Lilia na lalo pang ikinatuwa ng matanda.

"Anytime Joey Boy! Punta ka lang dito sa bahay." Ang sambit naman ng nakaSmile na si Aling Lilia habang inihahatid niya sa labas ng gate itong si Joey Boy at sinamahang maglakad pauwi sa Mansion nito.

"JOEY BOY! BAKA KA KAININ NG ASWANG!!!" Ang tilian ng mga bata nang makita nilang kasama ni Joey Boy si Aling Lilia.

"SHE'S NOT AN ATWANG! SHE'S GRANDMA! SHE GAVE ME LOT'S OF CHOCOLATES!" Ang malakas na pagtatanggol ni Joey Boy kay Aling Lilia na ikinataba naman ng puso ng matanda.

"She's not a monster. Have some chocolates! " Ang sambit ni Joey Boy habang binibigyan niya ng Godiva Chocolates ang mga bata.

"Aling Lilia... They're my playmates!" Ang sweet na sweet na pagpapakilala ni Joey Boy sa kaniyang mga kalaro.

"Can they come with me when I visit you at your house?" Ang tanong ni Joey Boy na masayang tinunguhan na lamang ni Aling Lilia.

Hindi maExplain ni Aling Lilia ang kaniyang warm feelings at kasiyahan dahil because of Joey Boy ay hindi na natakot sa kaniya ang mga bata at naging comfy na ito sa kaniyang presence.

Lalo pang natuwa itong si Aling Lilia nang magBless Thank you ulit si Joey Boy and ang kaniyang mga kaPlaymate sa kaniya bago na sila tuluyang umuwi sa kani kanilang bahay.

"Kaawan ka ng Diyos Joey Boy..." Ang masayang bulong na lamang ni Aling Lilia habang pinagmamasdan niya itong si Joey Boy na inihahatid na ng kaniyang mga batang kalaro pauwi.

*******That Evening*******

Halos magStay na itong si Britney sa loob ng banyo dahil at talaga namang hindi siya tinantanan ng pagtatae ng gabing iyon dahil sa sobrang dami ng Godiva Chocolates na nilantakan niya sa house ni Aling Lilia...

Masayang masayang naman itong si Joey Boy na nakahiga sa kaniyang bed dahil satisfied na satisfied siya sa mga nakain niyang sweets that day...

"TOK TOK TOK" Ang narinig na lamang ni Joey Boy na katok from his window ng mga sandaling iyon.

"Joey Boy..." Ang pagtawag mula sa labas ng bintana ng room ni Joey Boy.

"GRANDMAAAA!!!" Ang excited and malakas na outburst ni Joey Boy nang mabosesan niyang si Aling Lilia ang tumatawag sa kaniya.

"Hello Grandma!" Ang masayang bati ni Joey Boy kay Aling Lilia nang buksan na niya ang Window ng kaniyang room.

"Nakalimutan mo ito oh!" Ang nakaSmile na sambit naman ni Aling Lilia sabay bigay niya kay Joey Boy ng Red na backpack na naiwan nito sa kanilang bahay.

"EHEK!!!" Ang tuwang tuwang sambit ni Joey Boy sabay yakap niya sa kaniyang bag.

"It's heavy!" Ani ni Joey Boy nang mapansin niyang mabigat ang kaniyang bag.

"Tignan mo ang lamang ng bag mo Joey Boy..." Ang excited na usal naman ni Aling Lilia.

"HUWAW!" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Joey Boy nang makita niyang puro Godiva Chocolates ang laman ng kaniyang Red Backpack.

"Sleep ka na Joey Boy! Punta ka palagi sa bahay namin!" Ang next na sambit ni Aling Lilia sa tuwang tuwang si Joey Boy.

"I will Grandma! I love chocolates!" Ang masayang reply naman ni Joey Boy.

"Grandma..."

"Ano yun Joey Boy..."

"Why do you have bat wings?" Ang tanong ni Joey Boy nang makita niya ang mga pakpak ni Aling Lilia.

"May powers ako!" Ang nakatawang explain lamang ni Aling Lilia sa namanghang si Joey Boy.

"YOU CAN FLY!!!"

"Para lagi kitang madadalhan ng Chocolates!" Ani naman ni Aling Lilia sa lalo pang namanghang si Joey Boy.

Hindi napansin ni Joey Boy na kalahati lang ang katawan nitong si Aling Lilia that time...

"Secret lang natin Joey Boy ha?" Ang paniniguro ng aliw na aliw na si Aling Lilia sa isip batang si Joey Boy.

"Sure Grandma! EHEK!"

"Ba Bye na Joey Boy and huwag mong kalimutang isara ang binatana mo ulit." Ang pagpapalam ni Aling Lilia kay Joey Boy.

"Good night Grandma! Thank you for the chocolates!" Ang grateful and thankful na sambit ni Joey Boy.

"MWAAAAH!!!" Ang again ay hindi nakalimutan nitong si Joey Boy na bigyan ng Kiss sa isang cheeks ang si Aling Lilia.

"EHEK!" Ang masayang sambit ni Joey Boy nang umalis na itong si Aling Lilia.

Kaagad na isinasara niya ang window ng kaniyang room at pagkatapos ay kaagad na naupo siya sa kaniyang bed at hindi siya nakatiis na magbalat ng isang Godiva Chocolates.

"Want some Britney?" Ang alok niya sa askal nnag makita niyang lumabas na ito ng bathroom.

"ARF!" Ang kahol ni Britney nang makita niya ang hawak na chocolate ni Joey Boy na inaalok sa kaniya kasabay ng pagkulo ng kaniyang tiyan.

"ARF!" Ang sunod na kahol ni Britney habang mabilis itong pumasok muli sa bathroom upang umebak.

"EHEK!" Ang masayang nasambit na lamang ni Joey Boy habang kumakain siya ng Godiva chocolates na ibinigay sa kaniya ng Atwang na si Aling Lilia.

Fin

2 comments:

  1. Atwang atwang.... Hahahahaha dami ko tawa kuya ponse pa kiss nga mwahhhhh...

    ReplyDelete
  2. Lagyan mo na Lang Lagi ng episode si Joey boy kahit once a week hehehehe.... zenki of kuwait...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails