Love at its Best (Book2 Part2)
by: Migs
Maraming maraming salamat po ulit sa lahat ng sumuporta sa book1 at sa lahat din ng nagcomment sa pagbubukas ng book2. eto na ang part 2 ng book2. Maraming Salamat sa magagandang feedback. Sana po eh magustuhan niyo rin ito. Enjoy!
Sa lahat po ng nakakamiss sa mga characters dun sa book 1, wag kayong magalala susulpot sulpot sila dito sa Book2, saka lahat ng naiwang tanong sa naunang libro ay masasagot dito. Promise.
Comments, Suggestions and Violent reactions are still welcome.
__________________________________________________________________________________
“damn it!” nasabi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang kamay ko, sumasakit ito tuwing malamig, o di kaya namay kapag nastre-stress ako, hinaplos haplos ko ang kaliwang kamay ko kung saan may maliit na pilat. Ang pilat na nagpapaalala sakin halos araw araw ng aksidente na kinasangkutan ko noon. Ang aksidenteng kumuwa sa buhay ng bestfriend ko. Pero ang sakit na naramdaman ko noong fresh pa yung sugat at ang sakit na panakanaka kong nararamdaman ngayon, ay walang wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Sam. Sa bawat araw na gumigising ako, nararamdaman kong may kulang, may kirot sa puso.
Ilang buwan pagkatapos ng aksidente makikita mo parin akong tumatakbo palabas ng bahay sa tuwing may bubusina sa harap ng gate namin, sa pagaakalang si Sam yun dala ang kaniyang kotse at sinusundo na ako para pumasok ng school. Ilang buwan na hindi makausap ng maayos, hindi makakain. Ni hindi ko rin magawanag puntahan ang puntod ni Sam, pilit iniluluwa ng utak ko na wala na siya, na wala na ang bestfriend ko, na wala na ang buhay ko. At hanggang ngayon di ko parin matanggap na wala nang magpapasaya sakin sa tuwing nalulungkot ako. Wala nang magpapagaang ng loob ko sa tuwing pinabibigat ito ng pamilya ko. Wala na... wala na ang buhay ko.
“BEEEP!”
“WTH?!” naibulalas ko. Sabay tingin sa rear view mirror. Malakas ang ulan sa labas ng sasakyan ko.
“anong gusto mong gawin ko, paliparin ang kotse ko?! hayup ka! Kita mong traffic eh!” sigaw ko, kahit alam kong hindi ako maririnig ng nagmamaneho ng kotse na sumusunod sakin.
May mga batang kalye nagtatakbuhan sa harap ng isang bantayog ng bayani na hindi ko kilala. Pinitas ng isang batang babae ang isang bungkos ng bulaklak, kung hindi ako nagkakamali Santan iyon. May isang batang lalaki na biglang sumulpot sa gilid ng sasakyan ko at pinunasan ng twalyang may sabon ang wind shield ko. Ikinumpas ko ang kamay ko at pinaaalis siya, pero hindi siya natinag, sabon parin siya ng sabon ng windshieldko. “the hell?! umuulan utoy, di na kailangan linisin yan.” sabi ko sa sarili ko.
“BEEEP!” binusinahan ko na ang batang lalaki, para umalis na ito. Tinignan niya ako ng masama, at umalis na siya kasama yung batang babae na pumitas ng mga bulaklak ng Santan. Maya maya biglang bumalik ang batang babae at ibinato ang bulaklak ng Santan sa windshield ko sabay dila sakin ng batang babae.
“aba't lokong bata to ah.” at napatingin ako sa bulaklak ng Santan na napadikit na sa windshield ko.
“Santan... santan...” sabi o sa srili ko, bigla ko nanamang naalala si Sam
Nasa clinic kami ng Dad noon, sa ibaba lang ng bahay namin. May mga pasyenteng nakapila sa labas, matanda at bata meron duon. Nagbabasa ako ng libro sa may swing malapit kung saan nakapila ang mga pasyente ni Dad, wala akong kasama noon sa loob ng bahay, si Mom nagtatarbaho sa states as a nurse, mahirap lang kami, kaya't walang yaya, ang nagiisa kong kapatid busy naman sa academics, kaya't madalang din kaming magusap.
“bata!” istorbo sakin ng isang batang lalaki. Di ko ito pinansin, masyado akong nahuhumaling sa binabasa kong “odyssey.”
“hoy bata!” at dahil siguro nainis si mokong, pumitas ito ng isang bungkos na bulaklak ng santan at ibinato sakin. Sapul ako sa may pisngi.
“arekup.” naibulalas ko sabay tingin ng pailalim.
“sorry ah, ayaw mo kasi akong pansinin eh.” sabi ng bata sabay ngiting nakakaloko.
“Sam nga pala ang pangalan ko, sa St. Ambrose ka din nagaaral diba?” pagpapakilala ni Sam. Di ko parin siya pinansin, at tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko.
“Suplado ka pala, Tatay mo si Dr. Santillan diba?! Idol ko siya. Swerte mo naman naging tatay mo siya. Paglaki ko gusto ko maging katulad niya.” tuloy tuloy na daldal ni Sam. Andami na niyang naikwento sakin. Madaldal talaga ang mokong. Hindi narin ako nakapagconcentrate sa binabasa ko dahil sa kadaldalan niya, di naman nakakainis ang pagkabibo niya, sa totoo lang natatawa ako sa kaniya.
“ay sige tawag na kami ni inay. Ano nga pala ang pangalan mo?” huling tanong niya sakin.
“Lorenso.” matipid kong sagot.
“ayun nagsasalita ka naman pala eh!” sabay tapik sa likod ko. Nginitian ko lang siya.
“kita na lang tayo sa school ah?!” sabi niya habang nglalakad palayo at nung di na ako sumagot pa...
“arekup...!” nasabi ko nanaman sa sarili ko. Tinignan ko si Sam at nakangiting gago ito. Binato nanaman ako ni kumag ng isang bungkos na bulaklak ng santan. At nagmakeface ito na talaga namang ikinatuwa ko.
“magkaibigan na tayo ah?!” sigaw nito pabalik sakin. At dumila at nangiinis.
Simula noong araw na yun, hindi na kami mapaghiwalay ni mokong, lagi na siyang napunta sa bahay, maski walang check up ang nanay niya kay Daddy, lagi na rin kaming magkadikit sa school, hindi kami basta basta mapaghihiwalay.
“BEEEEEEEEEPPPP!” isang busina nanaman ang pagmumunimuni ko, nagalaw na pala ang mga sasakyan sa harapan ko, nainis na marahil ang driver sa likod ko kaya't binusinahan na ako. Pinaandar ko ang wiper at tuluyan nang naalis ang bulaklak ng santan na dumikit sa windshield ko. “Damn!” naibulalas ko nanaman, sumasakit na naman ang pilat sa aking kaliwang kamay. Malamig nanaman kasi.
Sa wakas nakarating na rin ako sa Ospital na pinagtatarbahuhan ko, malaking ospital ito, maraming nagtatarbaho. Sa dami ng nagtatarbaho dito wala ni isa ang malapit sakin. Doctor terror ang bansag nila sakin dito, para sakin... “I don't give a damn! As long as I do my job and help patients, I'm fine with it. Kahit ano pang itawag nila sakin. Kahit doctor monster pa ang itawag nila sakin, I DON”T GIVE A DAMN!” Yan madalas an sabihin ko sa sarili ko, pampalubagloob. Sa loob ng anim na buwan na pagtatarbaho ko dito, yan ang tangi kong sinasabi sa sarili. Sa totoo lang hindi ko kailangan ng kaibigan dito sa Ospital, maski nuon nasa skwelahan pa ako wala naman din akong kaibigan, so hindi na bago ang pagiging loner ko.
“doc, are you okay?” tanong ng isang nurse sakin, napansin siguro niya na hinihimas himas ko ang kaliwang kamay ko na patuloy parin sa pagsakit habang nagra-rounds.
“sa pagkakaalala ko marami kang pasyenteng dapat problemahin, hindi ba?” pasinghal kong tanong sa nurse na intrimitida.
“opo doc.” sagot ng nanginginig pang nurse sakin.
“then pasyente ang problemahin mo and not my arm.” Sabi ko, sabay bagsak ng metal chart sa harap niya.
“paging Dr. Santillan, you are needed at the Emergency Services Section ASAP” sabi ng babae sa paging systemng Ospital na bumasag sa pangteterror ko sa nurse sa harapan ko.
Agad akong pumunta sa ER at tinignan kung anong nangyayari at kung sino sino ang nandun. “Kaya naman pala toxic, si Migs nanaman ang duty” isip isip ko. Marami akong naririnig na papuri ng ibang doctor kay Migs kesyo listo daw, may initiative at kung ano ano pa.
“Vital signs?” tanong ko kay Migs, nang makitang restless ang pasyente at habang inaasses din ito.
“150/100” sagot nito.
“possible status asthmaticus, prepare for intubation now!” sigaw ko rito, pilit kong tinataranta si Migs, ewan ko pero ang bigat ng loob ko sa taong ito.
“give me a line! PNSS 1Liter now! And prepare a double dose of aminophylline 500:500! And hydrocortisone 250 mg” sigaw ko ulit dito, habang ang junior nurse niya ay pinagsusuction ko ng secretions bago ako mag intubate, di ko mapigilang mainis ng mapansin kong nanginginig ang junior nurse ni Migs.
Tulad ng dati, may gusto akong patunayan sa sarili ko, tulad noong nagaaral pa ako, gusto ko 101% ang ibibigay sa mga pasyente ko. Kaya't ang mga simpleng panginginig at pagaalinlangan ng mga nurse sa paligid ko ay siya namang sobra kong ikinagagalit. “they're putting all my efforts into waste.” isip isip ko. 'Tinignan ko si Migs wala pa atang tatlong minuto ay naka prepare na lahat ng hinihingi ko sa kaniya, ang kulang na lang ay ang ugat na pagsisimulan ng IV line, hinahanap parin niya ito. Di na ako magtataka kung mahirapan siyang mainsertan ng swero ang pasyente, kulang na sa oxygen ang katawan ng pasyente kaya naman lahat ng good vein na tinatawag ay nag collapse na lahat.
“ano ba't di pa nalalagyan ng swero ang pasyente?!” sigaw ko kay Migs, na pinagsisisihan ko naman. Tinignan ako nito ng masama at sumigaw din ng...
“do what you have to do and let me do my job!” singhal nito sakin. At pagkasabi niya nito ay naka-hit ng magandang ugat si Migs at nakapagsimula na ng swero. Sa sobrang inis ko dahil sa pagkakapahiya sakin na yun ay pinaginitan ko na lang ang junior niya na nanginginig parin.
Na stabilize naman ang pasyente at naipasok na sa ICU. Pero hindi ko parin pinalagpas ang pagpapahiya na yun sakin ni Migs.
“Nurses here are so incompetent! Maglalagay ka lang ng line Migs? It took you what?! 5Minutes?! And you!” sigaw ko sa junior niya. “nurse ka ba talaga?! Suction lang di mo pa alam gawin?! Well Migs ikaw ang senior dito, dapat tinuturuan mo ang mga juniors mo about sa mga procedures!” marahil naginit ang ulo ni Migs sa mga sinabi kong yun kaya't di narin ito nakapagpigil.
“With all due respect Dr. Santillan, wala akong nakitang mali sa ginawa ng junior ko.” sagot nito sakin, halatang pinipigil ang namumuong galit sa dibdib niya.
“pano mo nalaman?! Eh busy ka sa paghahanap ng ugat!” singhal ko naman.
“I have my ways to observe my staff Dr. Santillan.” singhal narin ni Migs sakin.
“kaya pala natagalan kang maglagay ng swero, because you were busy observing!” sigaw ko.
“Doctor ka diba?! Bakit di mo ba napansin na all the good veins are collapsed already?! And besides if you are minding your own Job, all the good veins will still be intact if you have inserted the endotracheal tube immediately! Eh hindi, your're busy looking for mistakes ng mga staff mo!” sigaw na nito sakin at nilapit na ang mukha niya sa mukha ko. Tanda ng hindi niya pagpapatalo sakin.
“If you don't like the way I work, why don't you just resign and get out of my area?!” sabi ko bilang pambara naman sa kaniya.
“this is MY area! And an asshole like you is not going to keep me out of here! Now if you don't like how we handle things here, you can go to the management and complain there! A jackass of a Doctor like you doesn't scare me!” sigaw nito, at palakpakan naman ang ibang staff na na andon sa lugar na iyon.
Tama sila, ang isang to ay hindi basta basta, dumaan ang ilang oras at bulong bulungan sa buong ospital ang pagtatalo namin ni Migs na iyon, at hindi ako nagkamali di matatapos ang araw na ito na hindi nila ako pinapatawag sa Directors office.
“Yes I know Dr. Santillan but that doesn't give you the right to shout at them like that, we need nurses like them and based on what the testimonies of the staff who are there, you shouted at them and called them incompetent, gayong wala naman silang maling ginawa. Based on the Incedent reports that was submitted to me, the nurses did a very good job.” mahinahong sagot sakin ng direktor pagkatapos kong ipagtanggol ang aking sarili.
“so am I fired?' matapang na tanong ko.
“not YET” ngiti nito sakin.
“so why the hell am I still here? I have patients to look at.” mapresko kong sabi, bilang pagpapakita na they don't threaten me.
“dahil sa insidenteng ito, kailangan mong mag under go ng anger management, but don't worry, hindi ka aalis sa ospital na ito, taga rito rin ang mag tuturo sayo to control your anger. Hindi rin kalingan malaman ng ibang staff na nag uundergo ka nito.” sabi ng director.
“what if I refuse?” tanong ko.
“then I'm afraid I have to let you go.”
Nagisipisip ako at napagtantong marahil nga ay kailangan ko ito. Nag butong hininga ako at pumayag na sa gusto ng direktor.
“you're not that tough after all” pagbibiro ng direktor.
“taunt me one more time and I will reconsider” ngiti ko dito.
Sumilip siya saglit sa labas ng opisina niya at may tinawag. Laking gulat ko naman ng makita kung sino ang gagabay sakin. Si Jon Frederick Dy, ang mortal kong kalaban sa honor roll noon sa college of Physical Therapy. The guy that made my life in PT a living hell. The competition. There he is, standing with all smiles, flaunting his Perfect Filipino-Chinese heritage. One of the so called “crush ng campus” way back in college and just behind him is Charity Sandoval. The “dream team” kung tawagin dati nung college, kasama nila ang wala ng iba kung hindi si Miguel Salvador, ang taong nakasagutan ko kanina sa ER.
“meet Charity Sandoval, our nurse psychologist and Jon frederick Dy our Disciplinary Officer, while Cha is busy on her nursing duties, Jon here will make sure that you will follow the programme while Cha is out.”
“no need to introduce us sir.” sabi ni Cha sa direktor.
“Oo nga po sir. Me, Cha and doki here, go waaaaaaaaayy back in college.” sabi naman ni Jon.
“its sad that Migs called you an asshole a while ago, edi sana isang major major na reunion ito.” nakakalokong sabi sakin ni Cha.
“Combo ito.” sa isip isip ko, pero naisip ko rin na titiisin ko na lang ang dalawang ito kesa masisante ako at hindi na maipagpatuloy ang pangarap ko, ang pangarap ng buhay ko, ang pangarap ni Sam. Nasa ganito akong pagmumunimuni habang pasakay ako sa elevator, pasara na sana ang pinto nito nang may pumigil dito. Si Jon pala.
“hey doki! Madalas na ulit tayong magkakasama! Parang nung college lang remember?” sabi nito sakin sabay akbay.
“yey!” pasarkasitko kong sabi.
“nga pala, daan ka mamya sa PT Dept. bibigay ko sayo ang program natin kada session.” ngiti parin nitong sabi sakin.
“cut the crap Jon! We both know we hate each other!” singhal ko sa kaniya. Lumapit ito sakin hanggang may tatlong pulgada na lang ata ang layo ng mukha niya sa mukha ko at napasandal ako sa pader ng elevator.
“I don't hate you Enso, maybe you hate me, but that doesn't matter now, right? Were going to do this wether you like it or not.” sinasabi niya ito habang palapit ng palapit ang mukha niya at patuloy ang pag pin niya sakin sa pader ng elevator. Di ko napansin na nadaganan ko pala ang hold button, ang resulta, naiwanang bukas ang pinto ng elevator. Biglang sumulpot si Cha, sasakay din pala ito sa elevator. Halatang nagulat ang bruha sa nakitang tagpo na iyon, pero sumakay parin siya, at umayos naman si Jon nung mapansing may iba na kaming kasama.
“magandang hapon Cha! Kumusta ka na? still in love with Migs?” sabi ni Jon at ngumisi ito ng nakakaloko.
“oh, Jon andyan ka pala, akala ko may dumi lang. Ako ba talaga ang kinukumusta mo o si Migs? Mabuti lang naman si Migs, he still prefers kuya Ed's dick and not your two timing one.” singhal ni Cha sabay ngiti na pang demonya.
“good afternoon doc. Magiingat ako sa mga sinasamahan ko, if I were you. A two timing jerk will always be a two timing jerk.” pahabol ni Cha nang mapansin niyang andun din ako.
“I will make a mental note of that Cha.” singhal ko sa babaeng bakla.
“you should, and oh along with that, you should also make a mental note ng schedule natin. The first session will be tomorrow at 5pm.” malditang sabi nito.
Bago pa man lumabas ng elevator si Cha ay tumawa ito na pang kontrabida. At tinignan ko ng isang masama pero makahulugan na tingin si Jon.
“I never liked that tramp!” sabi ni Jon sa tabi ko.
“so you and Migs...?” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang inipit nanaman ako ni Jon sa pader ng elevator.
“yes, Migs and I were lovers before, binabalaan na kita, baka kasi ma inlove ka sakin, you see lahat ng napapadikit sakin ay naiinlove sakin.” preskong sabi ni Jon habang nilalapit nanaman ang mukha sa mukha ko.
“that will never happen.” singhal ko.
“we'll see.” maikling sabi nito sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, alam kong hahalikan na niya ako, di ako makapalag he is way too strong and he is pinning the right muscles para hindi ako agad makaalis. Wala na akong nagawa kung di mapapikit at hintayin ang paglapat ng labi niya sa labi ko. At narinig ko siyang humagikgik at pinakawalan na niya ako. Tapos lumabas na siya ng elevator.
Di ko naman mapigilang ngumiwi sa sakit na naramdaman ko sa kaliwang kamay ko. Hinawakan ko na lang ang pilat sa kaliwang braso ko. At mapangiwi ulit sa ideyang dapat kong pakisamahan ang dalawang yun.
“this is going to be one heck of a rollercoaster ride.” bulong ko sa sarili ko sabay buntong hininga.
Itutuloy...