Followers

Friday, April 1, 2016

TROMBONISTA NG BUHAY KO FINALE - GOODBYE ETHAN


             

               Trombonista ng buhay ko
                           Chapter 23



The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved. 



SI MARK


Magpanggap na masaya? Minsan masarap magpanggap na okay ka, magpanggap na hindi nasasaktan, magpanggap na totoo yung bawat ngiting pinapakita mo, masarap magpanggap kasi tuwing iniisip at nakikita nilang masaya ka.. kahit paano, kahit sandali lang..kahit pagpapanggap lang..nagiging masaya ka.

May kanya kanya tayong kwento at kahit pagbalik – Baliktarin man ang mundo o kahit ilang beses ka madapa at magkamali, kahit ilang maling desisyon man ang magawa mo, ilang tao man ang masaktan at umiyak dahil sayo..ikaw parin... ikaw parin ang bida.. sa sarili mong kwento.

Ikaw parin ang mamimili at magdedesisyon ng papel na gusto mo gampanan at hindi ang ibang tao.

Sa’yo ang buhay mo at responsibilidad mo ang sarili mo.

Halos makipagsiksikan ako nun makalapit lang sa gilid ng stage kung nasaan yung banda nila Kent na tumutugtog para sa bunutan para sa susunod na kapitana at tenyenta na magiging mukha ng simbahan sa para sa susunod na semana santa, linggo ng pagkabuhay nun at panahon na para sa pagkilala ng bagong magrerepresanta ng simbahan.

Nahagip lang ng mata ko si Kent habang kasama yung buong banda niya.

" Ui?" Saad ni Kent ng makita ako. " Manunuod ka pa ng bunutan?" Tanong niya ngumiti lang ako saka marahang tumango. " Kala ko uuwi ka, tangina sinungaling ka talaga eh noh?"

" Eh kasi hindi kumpleto yung mahal na araw ko kung hindi ako manunuod nito."

" Ewan ko sayo."

" Di ba sabi mo tutugtog ngayon si Ethan?" Lingon ko sa likod niya.

" Closing daw sya ngayon eh, pero sabi niya hahabol daw sya." Saad ni Kent, marahan naman akong tumango. Kasalukyan ng nagtatrabaho si Ethan ngayon sa isang fast food chain kaya halos di kami nagkikita. Pagkatapos ng araw na yun ni isang salita wala na kong narinig sa kanya, kahitt tingnan o bigyan ako ng konting sulyap ay di niya na ginawa. " Antayin mo ba ko?"

" Okay lang ba?"

" Okay lang basta pakantot mamaya." Pilyong bulong niya.

" Kent naman eh." Simangot ko pero halos bumagsak ako ng may kung sinong bumangga sakin, ilang sandali naman kaming nagkatinginan ng taong yun hanggang nauna syang umiwas saka binungo din si kent.

" Sorry kala ko kabanda din natin." Natatawang saad ni Ethan.

" Gago okay ka lang Mark?"

" Okay lang." Hawak ko sa braso ko.

" Tangina mo Kent tara simula na oh." Hila ni Ethan kay Kent, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang pinagmamasdan silang dalawa habang hawak yung trombone nila.

Habang pinagmamasdan ko nun si Ethan habang nakikipagtawanan sa mga kabanda niya hindi ko mapigilang malungkot, ganun ba talaga sya? Ipaparamdam na sobrang mahal ka niya pero kinabukasan bigla ka nalang iiwan na parang walang nanyare at tila di ka dumaan sa buhay niya.

Dalawang buwan ko ng pilit kinakalimutan yung  nararamdaman ko sa kanya, dalawang buwan na hinahanap ko yung pagmamahal ko kay Kent na ngayon ay di ko na makita, ayoko na rin syang mahalin pero bakit yung puso ko ayaw ng tumigil sa pagtibok para sa kanya.

Hanggang duon na nga lang ba talaga?

Nung araw nga bang yun natapos na ba talaga yung sinabi niyang....mahal niya ko?

Eh pano yung sinabi kong mahal ko sya? Matatapos din ba yun? Kelan? Sana malapit na.

Kasi ang sakit sakit na.

Ang sakit na pinaparamdam niya sakin, na kahit konti wala ng natira sa pagmamahal na pinakita niya sakin ng gabing yun...wala na.

Tumingala lang ako saka pinagmasdan yung mga bituin ng gabing yun, mga butuin na sabay tumanaw samin ni Ethan nung gabing walang pagsidlan yung sayang makikita sa mata ng bawat isa, gabi na napuno ng pagpapanggap ngunit dala naman ay ligayang di kayang pantayan ninuman.

Pagpapanggap lang yun, gusto ko lang syang pagbigyan pero bakit ganun kabilis niya tinapos, pagpapanggap na sana di nalang natapos, pagpapangap na tinutoo na ng puso ko.

Nang muli akong tumingin kala Ethan ay nakapuwesto na sila ni Kent kasama ng musiko.

“ Mahal parin kita.” Bulong ko habang nakatingin sa kanya, napalunok lang ako ng magtama yung mata naming dalawa. Walang kahit anong reaksyon ang makikita sa mukha niya hanggang umiwas sya ng tingin. “ Pero, sabi mo hindi mo na ko mahal.” Kagat labing saad ko saka tumungo.

Hanggang di ko na napansin yung pagtulo ng luha ko.









CHOS!!
Happy april fools day!



22 comments:

  1. Ba yan akala ko ko pa nman ang haba ng story tpos un hayyyy tagal ko pa nman hinitay to.....

    ReplyDelete
  2. Last update na po ba ito? Or may kasunod pa kung eto ung last nkka dissapoint nmn ung ending :(

    ReplyDelete
  3. Ang ikli ng update tapos finale pa..

    ReplyDelete
  4. April fools ba 2 ?

    ReplyDelete
  5. Address not found

    ReplyDelete
  6. Was this supposed to be an April fools day joke?

    ReplyDelete
  7. Nag load ako para mabasa na tapos putol lang pala T^T Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi eh XD Haha. Basta sana wag muna mag ending ang ganda na ng story eh <3

    ReplyDelete
  8. Na april fools ako.

    ReplyDelete
  9. Waaaah! Nakakainis ka author na cute XD Hahha. Kala ko talaga tapos na. Pero okay lang na naloko ako atleast di pa naman tapos :v

    ReplyDelete
  10. weeeeeeee.... di nga????????
    -Marlon

    ReplyDelete
  11. kahit wala akong nabasa dahil wala namang nailathala, isaliwalat ko pa rin ang aking saloobin ukol sa mga kaganapan sa kwento nila Mark, Ethan, at Kent. Ang "love triangle" nila ay hindi ganap dahil wala namang aktwal na namagitan nina Mark at Kent o di kaya Ethan at Kent. Mas akma na na magkaroon sana nang "consummation" sa pagitan ni Kent at Ethan and Kent and Mark. at basi doon sa "consummation of love or lust" between the three of them could give actual credence to the title being used "Trombonista nang buhay ko". Para kasing "triple treat" na sa kanilang tatlo talaga mangyayari. Para kasing kay Mark lang ang salitang iyon, (ngunit, kahit datapwat) ay parang nakasaad sa titulo; ang daloy ng kwento naman ay: talks so much about Marks' desire (lust) towards Kent yet he harbors this elicit feeling for Ethan (love) after the physical and sexual consummation of their emotions; then Kent's relentless proclamation of his (lust and love) for Ethan and Ethans' self repulsion of his love and desire for Mark so painful to see and agonisingly proclaimed from
    afar. Ethan could probably just give in to Kents' sexual inuendos towards him as he has professed his love for Kent also and that he will never hurt or leave Kent behind. Mark could finally give his lust for Kent a go then see what happens after everything is felt and released. Since Ethan doesn't want to hurt Kent and he loves Mark; and Mark lust for Kent but loves Ethan ang feeling ko mas maganda "triumvirate" dapat sila.

    ReplyDelete
  12. Bakit goodbye ethan ayaw ko nang mag basa nito......mark ethan nga kami dto.....ang sakit sakit pag di sila ni ethan nag katuluyan.....

    ReplyDelete
  13. Totoo finale nba tlga itey?? Hndi nga??

    ReplyDelete
  14. boom! bitin... hehe!

    pero maganda ang kwento.lawak ng imahinasyon mo. tagos sa puso ang mga eksena. thumbs up

    ReplyDelete
  15. Sabi na #aprilfools 😫😫😫

    ReplyDelete
  16. yung pagkabasa ko pa lang na finale...a ay ang bilis pero keri lang.
    PERO YUNG GOOD BYE ETHAN. huwhaaat lang nasad ako bigla but then april fools nga pala. ede haahah

    ReplyDelete
  17. happy aprilfools hahahaha!!!

    ReplyDelete
  18. Ang Gusto ko talaga magkatuluyan sa TNBK ay si Mark at Ethan. Mas bagay talaga sila at Nakakakilig.Mas maganda tinakbo ng Love Story nila kaya dapat lang na sila talaga hanggang sa End ng Story. At kay Kent naman.mas Ok kung Bigyan nalang sya ng Bagong Kwento at Bagong Love Story.Well pwede sakanya si Harvey..Mas ok kung Bigyan ng Kwento yung Pagiging Hate nila sa isat isa. Pero Pwedeng si Jasper yung dating may gusto kay Nicko.pwedengvGawan sila ng Kwento.ituloy pa sana yung kwento pero ibang title na.At sana pag tinuloy syempre maganda kung nasa Kwento pa din si Ethan at Mark. Pwede rin ipasok sa Eksena sila Joseph, Sila Nicko at Jonas .Miss ko na Joseph hehehehe

    ReplyDelete
  19. Nakakainis!!!!! Hahahahaha gulat na gulat ako finale na agad tas sobrang iksi!!! I hate u. Hahahhahaha

    Update na pls 😂😂

    -44

    ReplyDelete
  20. Tahahaha natawa ako sa choss lang... ahahah

    ReplyDelete
  21. This author should be banned here. Hindi nakakatuwa. It's a novel and I think author should be responsible enough.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapal naman netong nagcomment nato! Nakikibasa na nga ganyan pa comment mo.. fyi.. ur not paying anything here...! Kung ayaw mo madisappoint edi gumawa ka ng sarili mong kwento... hello author... we will wait for ur update patiently... 😃

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails