Followers

Friday, March 7, 2014

You're Mine - Chapter 1 (What The Hell?)


You’re Mine- Chapter 1 (What the hell?)



Stefan “Jules” Salvatore

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko na nasa sidetable ko. Umaga na naman. Kaialngan ko na namang pumasok sa iskwela. Haist. Well, if you haven’t guessed, ayoko talagang pumapasok. Hindi naman sa hindi maganda ang grades ko, actually I’m a straight A 4th year high school student. It’s just that, wala ako masyadong friends. Iisa lang namn ang kasa-kasama ko araw araw dun ehh. Ang bestfriend kong si Mikailla “Shasha” Donnovan. Another rich kid, daughter of one of the biggest business tycoons.



Tinatanong niyo kung bakit wala akong masyadong kaibigan? Well, simula pa lang kasi nung pumasok ako sa school na yan binigyan ko na sila ng impression na hindi ako friendly, I would give them cold stares kung lalapit man sila. Why? Because I don’t trust anyone except sa bestfriend ko. My parents would always question me kugn bakit wala akong naiimbitahan man lang na friends sa bahay, well because I don’t really have friends. Panggulo lang sila. Well, hindi naman ako loner o emo, alam kong ngumiti at tumawa. Baliw nga kami ni Shasha ehhh. Well about my family, businessmen ang mga magulang ko. Hindi naman ganun kalaki ang business namin pero masasabi kong isa kami sa mga nasa upperhand. Pero maliit lang kami compared to the Donnovans.


Bumangon na ako, went straight to the bathroom at nagayos na ng sarili. I double checked my reflection in the mirror bago umalis. Mukhang ayos naman. Blue maong skinny jeans, black supra shoes with white lining, at aeropostale t-shirt. Ayos na.


Bumaba na ako para sana magbreakfast at igreet sina mommy ng good morning pero si Aling Lusing lang ang naabutan ko sa kusina. Wala na naman sia? Haist.

“Sina mama po nay?” tanong ko kay Aling Lusing na nag aayos na ng kakainin ko for breakfast.


“Hindi pa dumadating mula kahapon anak.” Sagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko. Palagi naman silang wala ehh. Palagi ko silang hindi nakakasabay sa pagkain. Palagi na lang yung kumpanya ang iniintindi nila. Haist. Ngumiti na aln si Aling lusing sa akin bago pumunta sa kusina. May kinuha ata. Alam kong naiintindihan niya ako. Kaya nga nanay an tawag ko sa kanya ehh, mula bata siya na ang nagalaga sa amin ni ate.

Haist. Kumusta na kaya si ate? Pagkatapos niya kasing makapaggraduate sa college ay agad na itong lumipad abroad. Nagtapos siya ng nursing. High school palang sinabi na niya sa mga maglang namin na wala siyang interest sa business. Wala naman silang nagawa. That leaves me to be the heir to the throne of my parents. Great. Just great.

Wala akong ganang kumain. Umalis na lang ako at lumabas na ng bahay. Nasa labas na yung driver namin naghihintay sa akin. Sinenyasan ko siya gamit ang kamay ko na pupunta na kami. Nakuha naman niya and in no time we’re already on our way to school.


The drive to school was quiet hanggang sa nagring ang phone ko at binulabog ang katahimikan. Hindi na ako nag taka nung nakita ko ang caller. Tsss. Ang aga aga ehh.


“Oh?” sagot ko nung nasagot ko na.

“CUTIE!!!! O MY GOSH. I MISS YOU SO MUCH! NANDITO NA AKO SA SCHOOL! DALI NA AHH! NASA HARAPAN AKO!” sigaw niya through the phone. God. Kinailangan ko pang ilayo ang phone mula sa tenga ko. Ang sakit kaya! Tsss. Kahit kailan talaga.
“Jeez. Woman. Relax. I’m on my way na. at anong namiss? Nagkita lang tayo kahapon remember? Baliw ka rin talaga no.”


“Just move yourlazy butt faster. Dali. Ang boring na dito ohh” sabi niya na halatang nabobore na. tsss. Parang ayokong magpakita rito. Siguradong papatayin na naman ako nito sa mahigpit na yakap. Ayyyy. Iniisip ko palang naginginig na ako. Uhm. Hindi ko ba nasabi? Gay ako.

Nakarating na ako sa school. Hinayaan ko na lang na pumunta si manong driver sa parking lot. Dun na lang ako bababa. Pagkababa ba na pagkababa ko palang, someone already jumped on my neck and hugged me to the point na hindi na ako makahinga. Jeez. Women these days.


“O my god. I really missed you cutie.” Sabi niya na nakayakap sa akin. Tsss. Oo.ganito lagi dinadatnan ko dito sa school everytime. She’ll hugged me and then we’ll start walking and she’ll talk non stop about stuffs and everything. Yeah. Ganyan siya. Pero wala namang kaso sa akin yun. Actually, lagi akong napaparelax ni Shasha with her non ending babbling. Basta meron siyang quiet and comfortable air around her that will make you relaxed kahit sobrang ingay niya. And maganda rin siya. Maraming nagkakandarapa sa kanya. With her tall figure, pouty lips, fair complexion, and sweet smile kahit sino namang straight ay mahuhumaling sa kanya.


Nagsimula na naman kaming pumunta papasok sa school. Salita pa rin siya ng salita. Pero nakikinig pa rin naman ako and would laugh with her every now and then. Pero bago pa man kami makapasok at makaalis sa parking lot parang may naramdaman akong mga matang nakatitig sa akin. Tumaas ang lahat ng balahibo ko at kakaiba ang naramdaman ko.

I immediately turned around and cscanned the surroundings. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at tiningnan kung merong ibang tao, pero wala. Kami lang ni Shasha at paalis na rin kami. Mas lalong tumaas ang mga balahibo ko.

Halos mapatalon ako sa takot nang biglang may humawak sa balikat ko. I almost shrieked with the intensity of the touch pero nugn tiningnan ko si Shasha lang pala. Isang malalim na buntong hininga abg awtomatikong lumabas sa bibig ko.

“Damn cutie. What’s wrong? Bakit parang takot na takot ka?” tanong niya na puno ng pagtatak. Nakahawak pa rin siya sa balikat ko.


“Wala. Wala.” Sagot ko sa kanya sabay pakita ng isang ngiti. Mukhang naniwala naman siya and didn’t press the matter anymore.

“Well, let’s go inside na.” sabi nya sabay lakad palayo.

Inilibot ko muli sa huling pagkakataon ang paningin ko sa buong prking lot pero wala pa rin akong nakita. I just shrugged my shoulders at tumakbo papunta kay Shasha. Dumiretso kami sa lockers namin at kinuha ang mga libro na kailangan namin. Straight A student at parehong year kami ni Shasha.


Aalis na sana ako nung makakita ako ng Greek God. Di jowk. Nakita ko si Dima. Standing there full of confidence. Si Dima ang star basketball player ng school. Girls and gays drool over him. Nasa kanya na lahat ng kailangan mo sa isang lalaki. Pero suplado nga lang, playboy, walang direksyon ang buhay at hindi alam ang ibig sabihin ng salitang seryoso. Hanggang titig lang ako sa kanya.


“Staring at your crush again?” nakangiting tanong ni Shasha habang nakatitig sa direksyon kung saan naroroon si Dima at mga kaibigan niya. I probably blushed like crazy sa sinabi niya. Buti na lang walang ibang nakarinig.

“Hindi ko siya crush.”sabi ko habang naglalagay ng mga gamit sa llocker ko. Tiningnan ko ulit si Dima at nakita kong dumating si Tyler. Another sex god. But not my tpe.
“Aww. You’re so cute when you blush. Let’s go na.”sabi niya sa akin sabay hatak sa kamay ko papunta sa direksyon ng first class namin. God this woman is hopeless.

Alexander “Dima” Lebedev
Naguusap lang kami ng mga kaibigan ko nang biglang dumating si Tyler. Akala ko nauna na siyang dumating dito kanina pa? saan naman kaya ito galing?

“O saan ka galing? Kala ko ba nauna kana sa amin kanina dito kanina?” tanong ko sa kanya.

“Jan lang.” sagot naman niya bago siya nakipag usap sa team mate namin probably talking about basketball.

The bell rang at wwe parted ways. Pumunta na kami sa mga kanya kanyang klase namin given the fact na hindi kami magkakayear at magkaklase. As usual we need to endure long hours of learning. Tsss. Aanhin ko ba yan? Gutom na ako gusto ko nang kumain. Bwisit lang ehh. Aanhin ba naman kasi namin yan? Kaya lang naman nagtututo ang mga to dahil sa pera ehh, hindi dahil gusto nila kaming matuto. Mga ulol.

After long hours of pretending na nakikinig ako lunch break finally came. My favorite part of the day alongside with break at uwian. Lumabas kaagad ako sa room. Pupunta na sana ako sa lunch all nanag may iba akong mapansin.

Nakatayo si Cece at halaatng hinihintay ako. She’s pne of the woman whore of the campus. Isa lang naman ang gusto niya ehh. Sex. That’s all she needs and I’d gladly give it to her. Next thing I know nasa loob na kami ng Janitor’s closet kissing hard and exploring each other’s tonsils. Shit. Alam na alam niya ang mga turn on points ko. Alam na alam niya ang mga kiliti ko and I love it.

We would have made it already to the next level kung hindi lang biglang bumukas ang pinto ng closet. Sisigawan ko na sana kung sino mang panggulo pero I silenced myself nung makita ko nung sino yung nakatayo sa pinto. Standing there is my cousin, Emily Bennett. Nakapameywang at halatang naiinis.

“having sex again ehh?” sabi niya na walang kagutal gutal. Napakamot na lang ako sa ulo ko habang si Cece naman parang binuhusan ng malamig na tubig dahil parang naubos lahat ng dugo niya. Well, good. You really should be afraid of my cousin.
“Out.” Sabi ni Emily and with just that Cece ran away. Leaving me with my terror cousin alone. Ohhhhh. Creepy.


“Ano ba naman yan cous, bakit ba?” sabi ko sa kanya habang palabas ako ng closet.

“The principal needs you so go.” Sabi niya sabay alis na. the principal needs me? Wala naman akong ginawa ulit ahh? Tsss. Ano na naman ba?. Agad akng nagtatakbo papunta sa office and with one knock pinapasok niya ako. Nadatnan ko dun ang principal at isang lalaki na I think ay kayear ko. Pero with his height parang 2nd year lang siya. He’s cute. What? Tsss. Erase that!

Pero hindi yun ang nakapukaw ng atensyon ko pero the moment I entered the room the kid sort of gasped at lumaki ang mga mata niya and he blushed like crazy. Ok. What was that?


Jules

Sa tingin ko luluwa na ang mga mata ko sa nakikita ko. Pumasok si Dima sa office at umupo mismo sa harap ko. Agad akong nagbaba ng tingin and immediately found the floor interesting. Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ko rito? Basta alam ko habang naglulunch ako bigla na lang akong pinatawag ng priincipal. Kaya pumunta ako rito. Pero what is he doing here too?

“Ok nandito na kayo. I’ll make this simple. Mr Donnovan I’m appointing Mr. Salvatore to be your private tutor becaude you grades are failing and I know matutulungan ka niya. Any questions?”- principal.



WHAT THE HELL?

7 comments:

  1. Sbrang igse sbra tlga aq nbitin s first chapter sna habaan s su2nod n chapter pls author.

    ReplyDelete
  2. #MedyoMahiligGumamitNgWell Well, just saying. #MedyoNakakairita

    ReplyDelete
  3. Cute start but really short.. It has a promise to be quite a fun read, hopefully di lagyan ng twists that will just ruin the story.. Hope you are listening author.. Thanks..

    ReplyDelete
  4. I like the effort pero parang sa simula p lang ng story ay may pagkaumay factor. Medyo nakakairita lang. At one more thing pa ang set up ba ng skul e sa pilipinas? Kasi napansin ko parang ang principal kaagad ang nagdemand ng magpatutor siya without any consent from the parents? Highly authoritative ang peg ng principal mo? At c princpal ba ang magbabayad ng tutoring? Basta may mali eh. Constructive critic lang po.

    ReplyDelete
  5. Naconfuse aku sa last part bakit yinawag na mr donnovan c dima eh lebedev xa...

    ReplyDelete
  6. Yeah hehehehe baka typo lang

    ReplyDelete
  7. Ohh. Si Tyler yung stalker ni Jules? O.o

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails