Followers

Saturday, March 1, 2014

You're Mine (Teaser)


YOU’RE MINE
By Mark Lopez


Stefan “Jules” Salvatore

Simple lang ang buhay ko. Oo, maaaring kilala ang mga magulang ko at masasabi kong mayaman naman kami pero hindi ibig sabihin nun spoiled bratt na ako o ano man. Isa rin akong out of the closet gay. Oo, tama ang narinig niyo. Isa akong gay. Pero walang nambubully sa akin sa school sa kadahilanang kinatatakutan ang pangalang Salvatore ng nino man. Hindi rin naman ako sikat.

Ngunit hindi ko inaaasahang magbabago ang buhay ko sa pagdating ng tatlong tao rito. Dalawang gustong manggulo at isang gustong protektahan ako. Isang taong gagawin ang lahat maging ligtas lang ako.

Pero. . . . .

Kaya ko nga bang tanggapin ang proteksyon na ibibigay niya? Kaya ko nga bang ilagay siya sa panganib? Kaya ko bang ilagay sa panganib ang mga taong nasa paligid ko? Mga taong mahal ko?

Pero sino nga ba ang dalawang taong ito? Oo, maging ako hindi ko alamkung sino sila. Pero sigurado akong dalawang bagay lang gusto nila.

Una, ang manggulo. Pangalawa, ako. Oo ako.

Ang pagdating din nila ang maghuhudyat ng paglabas ng mga lihim. Madidilim na lihim.

Sila ang magsisimula ng gulo at unos sa buhay ko.

Alexander “Dima” Lebedev

Ako si Alexander o mas kilala sa tawag na Dima. Isa ako sa mga star player ng school namin. Tinatawag rin nila akong Ultimate Hearthrob. Hahhh. Wala din naman akong pakialam sa kanila ehh. As long as maraming babae ang nagkakandarapa sa akin. Syempre, girls are just toys for me. Sex lang ang kailangan ko sa kanila. Psssss. Sino ba kasi ang magseseryoso sa isang relasyon sa gulang na 17? Hindi ganun kaganda ang mga grades ko, pero pakialam ko ba? Konting sermon lang naman ang makukuha ko mula sa teachers at mga magulang ko ehhh.

Pero nagbago ang lahat nung nakilala ko siya. Siya ang bumago sa akin. Siya ang nagbigay ng direksyon at kahulugan sa buhay ko. Siya ang naglagay ng salitang seryoso sa diksyunaryo ng buhay ko.

Siya. . .

Siya ang gusto kong protektahan mula sa kanila? Sinong kanila? Hindi ko alam. Hindi naming alam. Isa lang ang alam ko. Gusto nilang kuhanin siya sa akin. Hindi ako papaya. Hinding hindi. Proprotektahan ko siya. Kahit anong mangyari proprotektahan ko siya.

Ang akala naming simpleng laro lang naging napakadelikadong sitwasyon na. nagumpisa na ang gulo. Ang unos. At alam kong wala na akong takas. Pero wala din naman akong balak tumakas. Gagawin ko ang lhat maging ligtas lang siya. Lahat lahat.

Kaya ng ba naming dalawA? Kakayanin ba naming? Hindi lang ito isang simpleng laro. Hindi lang simpleng pananakot. Maraming nakataya.

Mga kaibigan.

Pamilya.

Buhay.

Dapat naming kayanin. Dapat kaming maging matatag. Dahil alam naming. Kami lang ang maaring makapagpatapos nito. Kami lang.

Author POV

Umpisa na ng laro. Umpisa na ng gulo. Umpisa na ng unos.

Hindi isang simpleng laro. Hindi simpleng pananakot.

Hanggang kalian sila makikipaglaban hanggang sa masabi na nila sa isa’t- isa na...

 You’re Mine.

4 comments:

  1. Wow kpana2bik ang bgong storyng you're mine pkicmulan n pls......

    ReplyDelete
  2. lets start the game from youre vivid fan enzo montemayor salviejo

    ReplyDelete
  3. great .. interesting story
    I'll wait :')

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails