“Pagka-ikot mo, lalayo ka sa akin, pero magkahawak pa
rin ang kamay natin...”
Madiin naming
hinawakan ang kamay ng bawat isa.
“Ihawak mo sa kanan kong balikat ‘yang kaliwa mong
kamay!”
Gusto ko na
siyang tuluyang yakapin, hagkan ang buo niyang katawan ng may pagmamahal at
pagnanasa.
“Ikot papunta sa akin...”
At sa huli,
nagdikit ang aming mga katawan, nagdikit ang aming mga kaluluwang nais
makapiling ang isa’t...
KABLAG!!!!
“ARAY!!!”
“Fonse...” Tinawag ako ni mama, pagtawag na may pigil
na panggagalaiti.
FUCK!!!! Kanina pa ako wala sa sarili!!!
“Kanina ka pa tinatanong ng tatay mo kung anong
nangyari sa practice mo kanina?”
“Ah....ah? Ahhhhh, ‘yung practice ko kanina, oh, ah.
Ah, perfect. Naituro naman sa akin ‘yung sayaw...” ang aligaga pero masaya kong
sagot. Dinampot ko ang kutsilyo’t tinidor na kanina ko pa binitawan at saka
hiniwa ang steak. Haaayyy, kung pwede ko lang talagang sabihin kung gaano
kaganda ang mga nangyari kanina.
“Perfect. What an adjective? Parang description ng
kasal...” ang sabi ni Papa sabay subo ng steak.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Habang si Fonse naman
ay nangingiting hinihiwa ang steak niya.
“Bakit sabi ni
manang kanina, tumatakbo daw na umalis ‘yung nagturo sa’yo? Ni hindi man lang
daw nagpaalam...” sabay subo ng caesar salad.
Bwisit.
“Ah, ‘yun ba?” Anong sasabihin ko!!! “...May naging
emergency kasi sa bahay nila, ah, lima kasi ‘yung kapatid nun eh, kaya ganoon,
aa...actually nakiusap lang talaga ako na turuan niya ako ng sayaw, kahit na
busy ‘yung sched niya, pumayag siya...”
“Oh, bakit hindi mo uli imbitahing pumunta dito minsan
at nang ako naman ang maturuan niya ng sayaw...” ang natatawang sabi ni Papa.
Napangisi na lang ako. Kung alam lang niya kung anong
klaseng sayaw ang ginawa namin kanina ni Chong.
“Why not, it’s been a decade since I last dance. Bakit
hindi tayo magpaturo doon sa kaibigan mo Fonse...” ang pagsang-ayon ni Mama.
Haaayyyy, buhay...
“Ma, hiphop po ang sinayaw namin kanina...” ang
dahilan ko. Teka, hindi ba nasabi ni Manang na lalaki si Chong?
Napahalakhak si Papa. “...Bakit hindi, Ga, eh noong
nanganak ka nga kay Carlito, eh nagbrebreakdance ka sa sahig...”
Umirap lang si Mama. “...Shut up, Carlos, palibhasa
kasi kasintigas ng narra ‘yang katawan mo...”
Wala akong nagawa kundi ngumiti. “Ahehehe...” Pilit na
ngumiti.
Nabilaukan si Fred. At napatingin ako sa kanya. Alam
kong alam niyang hindi breakdance ang sayaw namin. At mas lalong alam kong alam
niyang kung anong mangyayari kapag sinabi niya ang nalalaman niya.
Nagkatinginan kami.
“...Oh Fred, dahan-dahan! ‘Wag mong sabihing
nagbreakdance din kayo ng girlfriend mo kanina kaya pagod-pagod ka...”
Halakhak. Maski si Mama, pero may konting paninita kay Papa dahil tungkol sa
sex ‘yung sinabi ni Papa.
“Carlos, stop. Kapag naman nakabuntis ‘yang si Fred,
tingnan ko lang kung makapagbiro ka pa ng ganyan. Fred, study first, okay...”
sabay subo ng caesar salad, with matching bagoong at alamang, pero joke lang
‘yun.
“Ma, I know...” sabay tingin sa akin ni Fred. Anong
ibig sabihin ng tingin na ‘yun?
“...Tapos ng graduation, pwede ka na ring
magbreakdance kasama si Sandra...” Halakhak.
Palabiro talaga si Papa. Masayahin. Kaya laging masaya
kapag nandiyan siya, kaso nga lang, mga limang beses lang yata siyang
nakakasabay sa amin sa pagkain dahil sa trabaho niya. Pero kapag nandiyan siya,
sisiguraduhin niyang alam niya ang lahat ng bagay na nangyayari sa amin, mula
sa pag-aaral, sa buhay, at sa mga babae.
Pero mukhang hindi ngayon ang araw ng pagtatanong niya
tungkol doon.
“Oh, ikaw naman Fonse, kailan mo balak humanap ng
makakabreakdance mo?”
Napalunok ako.
“HA?” Napatanga na lang ako.
“Dad, please stop bugging them about that. Ang babata
pa nga mga iyan...”
“Nagbibiro lang naman ako. Ngayon na nga lang ulit ako
nakasabay sa inyo eh, kailangan masaya. Oh sige, girlfriend-girlfriend lang
muna ah, wala munang anak-anak...”
Bigla akong napalingon at nakita kong nakatingin sa
akin si Fred, walang talas sa tingin niya, walang insulto, pero parang
ipinapamukha niyang may alam siyang hindi niya dapat malaman.
Iniwasan ko na lang ang tingin niya.
“Maliwanag ba Fred, Fonse?”
“Yes...” ang sagot naming dalawa.
“Pero pwede naman kayong magbreakdance, basta...‘wag
niyo lang tatapusin ‘yung sayaw...” saka humalakhak si Papa.
Tinapik lamang siya ni Mama, at parang nadalang
huminto sa paghalakhak si Papa. “Oh, titigil na...”
Katahimikan.
Mga kutsilyo’t tinidor lang na tumatapik sa plato ang
maririnig na tunog sa dining room namin.
Katahimikan.
Tinitingnan ni Papa si Mama, tila nakikiramdam kung
pwede pa siyang humirit uli ng biro.
“Pero, pwede...”
“Shhhhh...”
“Okay...” sabay tingin ng patigilid kay Mama habang
sumusubo ng salad.
“Okay, tapos
na ‘yung sayaw...” ang biglang sumagi
sa isipan ko. Napangisi na lang ako. ‘Yung ngiting parang kinikilig, at bigla
ko na lang hinimas ang ulo kong nauntog kanina...
...Hanggang sa nakita ko na lang sina Mama at Papang
nakatingin sa akin na nagtataka...
“Kinikilig si Fonse...” At pagkatapos ay halakhakan ay
pumuno sa 60 square meters naming dining room...
...Pwera nga lang kay Fred, na seryosong kumakain,
patagilid tumingin, at may alam na hindi niya dapat malaman...
As usual, pagkatapos kumain, eh, deretso sa kwarto.
Bahala na sila Manang at ‘yung mga katulong sa dining room. Hindi talaga ako
nasanay maglinis, maski naman si Fred. Nasanay talaga kaming may yaya, kaya
ayun. Pagkatapos kumain, bahala ka na kung anong gagawin mo. Pwede kang lumabas
ng bahay at magmuni-muni, o ‘ di kaya pumunta sa recreational room, tumutugtog ng
instruments, manood sa home theater, magbilliard, foose ball, o ‘di kaya
magswimming, pero hindi ko ginagawa ‘yang mga ‘yan. Diretso ako kaagad sa
kwarto ko, at dun ko gagawin ang kung ano-ano. Hindi pala kung ano-ano,
nakaharap lang ako sa computer at naglalaro.
Kakabreak ko lang maglaro. Sunod-sunod din kasi ‘yung
talo ko. Kahit kasi halos sampung oras na ang nakalipas, hindi ko pa rin
makalimutan kung ano mang nangyari sa amin ni Chong. Kapag mapapatingin ako sa
kinauntugan ko, bigla na lang akong mapapangiti, at mapapangiti, at mapapa-upo
sa kama, at mapapangiti. Teka, nakalimutan ko, maglalaro pala ako. Kapag
titirahin ko na ‘yung kalaban ko...
“Kailangan ko
pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga
unggoy...”
...Ako tuloy ang natira. Kapag nakakalimutan ko na
‘yung nangyari at unti-unti na akong nakakabawi sa laro...
Sa kanyang
mga mata lang ako nakatingin. Unti-unti. Maski mga mata niya’y sa akin lang
nakatuon. Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y magsasalo na. May pag-iingat. Hindi
namin maipaliwanag ang aming nadarama...
...Mamamalayan ko na lang na pula na ‘yung metro ng
buhay ko. Atsaka ko mababasa ang, “Noob!!!” Anak ng putcha...
“Okay, tapos
na ‘yung sayaw...”
TAMA NA!!!!
Bumaba muna ako sandali para uminom ng gatas. Pero
hindi pa rin ako nilulubayan ng pagdikit ng balat namin, ng paghaplos namin sa
katawan ng bawat isa, at sa unti-unti pagdikit ng aming mga la...
TEKA, TAMA NA!!!
Pero hindi pa rin ako nilulubayan ng pagdikit ng balat
namin, ng paghaplos namin sa katawan ng bawat isa, at sa unti-unti pagdikit ng
aming mga lab...
SINABING TAMA NA EH!!!
“Huy, Fonse...” May boses-lalaking biglang tumawag sa
akin, isang lalaking kamukhang-kamukha ko.
Saka ako lumingon at nakita ko si Papa. Shet.
Katulad ng nasabi ko kamukhang-kamukha ko si Papa.
Actually kaming dalawa ni Fred. At actually ulit, dahil pati si kuya Carlitos,
kamukhang-kamukha niya. Ang lakas ng genes. At pasalamat kami dahil malakas ang
genes ni Papa at kamukhang-kamukha namin siya, dahil doon habulin kaming tatlo.
Oo, gwapo si Papa, at sa kanya ko namana ang kagwapuhan ko. Actually, habulin
rin si Papa, nakakatuwa ngang hanggang ngayon eh sila pa ni Mama. Actually,
fixed marriage ‘yung kanilang dalawa. Kaya mas nakaka-amaze na sila pa rin
hanggang ngayon. Pero minsan na ring nagloko si Papa, buti na nga lang hindi
sila sumuko.
“Anak, tumitira ka ba? Bakit nagsasalita ka mag-isa?”
ang nag-aalala niyang tanong. Teka, obvious namang dapat nag-aalala siya sa
tanong niya eh, bakit kailangan ko pang sabihin...
“Kailangan ko
pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga
unggoy...”
SINABI KO NA NGANG TAMA NA EH!!!
“Uy, Fonse...”
“Ah, ahhhh.
Yes, Pa...okay lang ako... Ah, sunod-sunoo..dd lang ‘yung loss sa DOTA, kaya
medyo depressed...” ang sabi kong ngumingiti, ng pilit.
“Ah ganon ba, batang ‘to, ang daming dapat alalahanin
sa mundo, inuuna mo ‘yang virtual world mo. Bakit hindi mo muna unahin ‘yung
paghahanap ng...” Bigla siyang natigilan.
“...Paghahanap ng ano, Dad?”
“Ahhhh, Ah, wala...” Saka ngumiti, na parang nalilito.
“Pa, tumitira rin ba kayo?”
“Batang ‘to, oo. Oo, tinitira ko ‘yung Mama niyo...”
saka tumawa ng may pagkapilyo. “Ah, Fonse, ikaw ba, ayaw mo pang...” Natigilan
na naman.
Uminom ako ng gatas. “Ano pong ayaw?”
Pero para na naman siyang nalito. “Ah, wala. Painom na
nga lang ng gatas...”
Tinungga ko ang laman ng baso. “Ah, Pa, una na ako sa
taas ah...”
“TEKA!!!” Bigla siyang sumigaw. Nanlaki na lang ang
mata ko. Ba, bihirang ganito si Papa, kunsabagay, bihira lang naman siya sa
bahay. Pero kakaiba pa rin eh. Dali-dali niyang tinungga ang gatas niya. “Ako
ng mauuna...”
Tatabi sana ako pakaliwa para makadaan siya. Pero
humakbang siya pakanan. Saka ako humakbang ng pakanan, pero humakbang siya
pakaliwa. Para kaming nagpapatintero.
“Pa...” hinawakan ko siya sa balikat. Natigilan siya.
At saka ako tumabi. Nagmadali na lang siyang umalis. Pero hindi ko sasabihin
dahil sa pagkapahiya, dahil obvious naman na dahil sa pagkapahiya iyon, pero
sige na nga, dahil ‘yun sa pagkapahiya...
“Kailangan ko
pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga
unggoy...”
HAY NAKU!!!
“Ah, anak...” bigla uling lumitaw si Papa. Naglakad
papunta sa akin na hinihimas ang batok.
May sasabihin ‘to sa kin eh. “May sasabihin kayo no,
Pa...” Inulit ko lang eh, putik, ang redundant. “Kailangan ko pa bang sabihin na mukha ka...” Hep, tama na.
“Ah anak, oo sana eh...” saka siya tumabi sa akin.
Nagrefill ako ng gatas. Mukhang seryoso ‘yung bagay na ‘to ah...
“Mukhang seryoso yata ‘yung sasabihin niyo sa akin
ah...” Tae. Practice conciseness. Okay. Try. Inom muna ng gatas.
“Ayaw mo na bang magkagirlfriend?”
Takshuta. Gulat. Nabulunan.
“DAD!!!”
“Bakit anong problema?”
Oo nga naman, over-reacting. “Wala naman...”
“Wala ka naman girlfriend ngayon diba?”
“Wala, Dad, diba nga si Andrea ‘yung last girlfriend
ko, ‘yung nahuli kong pinagsasabay pala kami ni Fred...” Inom ng gatas.
“Ayaw mo na ba uling magkgilrfriend?” ang seryoso
niyang tanong. Omit ‘ang’.
Tinitigan ko lang si Papa.
“... ganito kasi, alam niyo naman na may business
partner kasi ako na half-Filipino, half-Chinese blood. Actually, buong angkan
nila. Mas lalo silang natuwa sa akin noon ng malaman nilang may dugong Chinese
‘yung family natin...and...” Natigilan.
“...And...” Nabitin.
“Hindi ba nameet mo na rin naman si Mylene? Mylene
Chua. Nameet na rin natin sila noon, ng imbitahin nila tayo sa kasal ng isang
anak ni Mr. Chua. Naalala mo diba?”
“Pa? Ilang taon ba ako nun? 4 years? 4 months?”
“Fonse, 7 years na kayo ng imbitahan na nila tayo?”
“Ah, ganon ba, hindi ko na maalala eh?”
“Well, pwede tayong mag-arrange ng dinner with them,
pwede bukas.” Kumpas ng kamay. Nangangatog. Parang kinakabahan.
“Pwede rin Dad, bakit hindi...Pero anong connect ng
pagkakaroon ko ng girlfriend sa pamilya nila Chua?”
“Ah, kase...”
“Ano po?”
“Ah naisip ko lang na since si Fred, ‘yung kuya mo,
eh, naipagkasundo na rin sa Altamirano, kaya naisip kong...”
“Ano nga ‘yung naisip niyo?”
“... Naisip kong...”
“Ano nga Pa?”
“...Naisip kong pumayag sa proposal nilang ipagkasundo
kayo ni Mylene, para sa ties ng Chua at Santiago...”
...ANG NAG-AALANGAN NIYANG SAGOT...
Biglang umihip ang malakas ng hanging may dalang
kilabot na galing sa labas. Parang may kasabay na babaeng lulutang-lutang sa
hangin.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang
nag-aalala.
Biglang sumindi ang ilaw sa kusinang hindi naman namin
binuksan. Nagpatay sindi ito, kasabay ng pagtayo ng mga balahibong bumabalot sa
katawan ko.
Nanatili lang na nakakunot ang noo kong nakatingin sa
kanya.
Biglang sumara ang mga pinto sa kusina, kasabay ng
pagbabgong-anyo ng mga dingding at tila naging nag-aapoy na rehas. Saka
tumugtog ang nakapaghihilakbot na tutugtugin mula sa isang organ.
...Pero exaggeration lang ang mga iyan...
“PA, ANONG INIISIP NIYO? IPAGKASUNDO AKO SA TAONG
HINDI KO PA NAMEET, AT KUNG NAMEET KO MAN, HINDI KO MATANDAAN?!!!”
Shet!!! Wala dapat exaggeration eh!!! Dapat concise!!!
Naman!!!
“Kailangan ko
pa bang sabihin na mukha kang tao...”
FUCK!!!!!!!