XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 18
Warning!
Authors note: Pasensya na sa chapter na to huh, Dito na ko naglagay sa unahan para magbigay ng warning haha, iba to sa mga past chapters so sorry in advance. Thanks kay Young sa paghelp sakin sa story na to, love lots.
Please baka naman pwede pavote! Haha like, share and pacomment na din. Share your thoughts. We do have a private group in facebook, just search bluerose. Yun lang, love lotse mwuah!
SI KIBO
" Happy birthday to you." nakangiting kanta ko pagpasok sa kwarto ni Kuya Neko habang may hawak na cake. Alas syete palang nun ng umaga kaya alam ko na tulog na tulog pa din sya." Happy birthday, happy birthday." tuloy ko sa kanta.
Kita ko na nagtanggal na ng talukbong na kumot si Kuya Neko saka napapakamot na umupo habang nakatingin sakin at may ngiti sa labi. Mga ngiting gustong gusto kong muling makita sa kasalukuyan.
Ngiti na tanging sa alaala nakabaon at di lilipas.
" Birthday ko na ba?" ngiti niya sakin.
" Happy birthday Kuya." saad ko saka nilapit sa kanya yung hawak kong cake na may sinding kandila sa ibabaw. Kinuha niya lang to saka pinagmasdan.
" It looks delicious."
" Kami ni Mommy ng bake."
" Totoo?"
" Yes, Wish ka kuya." Ilang sandali lang syang pumikit saka hinipan yung kandila.
" Thank you bunso." ngiting saad niya pero hinawakan ko lang yung ulo niya saka sinubsob sa cake. Aktong tatakbo ako ng mahawakan niya yung damit ko.
" Kuya Let me gooo!!!" tarantang saad ko
" Ikaw huh!" saad niya, hindi ko lang mapigilang matawa ng makita yung mukha niya na puno ng icing, dumakot lang sya sa cake saka nilamutak sa mukha ko.
" Kuya enoughhhhh!" sigaw ko saka tumakbo, naghabulan lang kami sa loob ng kwarto niya kasabay ng malulutong na tawanan ng sandaling yun. This is the happiest birthday of kuya Neko and also the last.
Huling kaarawan niya na hindi na muling mauulit pa.
Kung alam ko lang na ito na yung huli, siguro sinubukan ko patigilan yung oras, sinubukan ko sulutin yung bawat sandali, nakipagkwentuhan sa kanya na parang wala ng bukas, hinawakan yung kamay niya at niyakap sya ng sobrang higpit.
He is Kuya Neko, the best Kuya in the world!
I really miss him.
SI NEKO
" Neko, this is just a minor subject yet you failed?" kunot ang noong saad ni Daddy habang hawak yung report card ko, napakamot lang ako sa ulo saka nagbigay ng pilit na ngiti. " Wag mo ko ngitian?"
" Serious face dapat dad?"
" Yeah!" sarkastikong saad niya, nagbuga lang ako ng hangin.
" I hate theatre dad, that subject required me to act and I don't like that." iling ko, isang buntong hininga lang ginawa ni Daddy habang nakatingin sakin kaya ngumiti lang lang uli ako. " Ipasolve na nila sakin lahat ng equation na gusto nila, but not acting Dad. I hate it, I hateeee it."
" So anong gagawin natin ngayon?"
" Don't tell mom?" ngiti ko pero ngumuso lang si Daddy sa likod ko, dahan dahan naman akong lumingon. Nakita ko lang si Mommy na nakataas ang kilay habang nakatingin sakin. " Mom hi! Ganda niyo po ngayon."
" Is that your report card?"
" Uhm no hon, uhm this is mine. Time card." ngiti ni Daddy.
" Yeah, time card mom." ngiti ko.
" Time card?" saad ni Mommy, nanlaki lang yung mata ko ng humkabang si Mommy palapit kay Daddy.
" Dad." bulong ko.
" Hon, No.. hindi to report card ni Neko." saad ni Daddy pero inagaw lang ni Mommy yung hawak ni Daddy saka to mariing tiningnan.
" Nekooooo!" gigil na saad ni Mommy saka lumingon sakin, natawa lang ako saka tumakbo palabas ng office ni Daddy.
" What happen kuya?" tanong ni Kibo ng makasalubong ko sya na palabas ng kwarto niya, hinawakan ko lang yung kamay niya saka hinila hanggang makababa kami ng hagdan at patakbong lumabas ng bahay. " Why? why ? what is happening kuya?"
" Nakita na ni Mommy report card ko." natatawang saad ko saka kinuha yung bike, kita ko naman na natawa lang di si Kibo saka kinuha yung bike niya.
" Lagot ka."
" Nekoooo!!" sigaw ni Mommy. Agad lang kaming sumakay sa bike saka nagsimula magpedal. " neko, humanda ka talagang bata kaaaaa!"
" Let's goooo!" sigaw ko saka mabilis na tinungo yung palabas ng bahay kasabay si Kibo hanggang makalabas kami ng gate.
Nang makalayo ay nagkatinginan lang kami ni Kibo saka natawa.
" You're bad kuya." ngiti ni Kibo sakin, sabay kami nagtatawanan habang nililibot yung subdivision, dinama ko lang yung hangin ng dumadampi sa balat ko ng hapon na yun, nang lingunin ko si Kibo nakangiti lang sya habang nagpepedal.
Kibo is my brother, a high school student. Ako naman I am on my 1st year on college. Engineering student but I am actually not that smart, sakto lang pero pumapalag lalo na sa math! Well I hate subjects na kailangan ng acting skills or singing kasi sigurado ako na wala akong ibubuga sa mga bagay na yun! Mas gusto ko pa sumali sa quiz bee kesa mag act sa stage, or sumagot ng equation kesa magmemorize ng script.
I am just a typical guy.
Typical? What does that mean?
Maybe an ordinary guy?
Or a Simple guy?
I am not as cute as my brother so maybe a handsome guy?
Whatever I am just simply ME! Spell as M E!
I am neko and this is my story, my story on this lifetime.
Do I have sad life?
Wait, Let me think about it?
Just kidding!
Fortunately nabuhay ako sa lifetime na to na may mababait na magulang, Mejo may kaya, yeah fine! We are rich but not filthy! Haha sakto lang. May cute di ako na kapatid na makikita mo yung pangil kapag ngumingiti.
Kapag nakikita ko yung ngiti ng kapatid kong yun, deym! Buo na agad araw ko. That is how cute he is and kahit magkamatayan pa wala akong papayagan na kahit sino ang magpaiyak sa kanya! I'm going to protect him kahit forever pa.
Forever?
Well that is a the sad part of my life, hindi ko na ata magagawa yun sa kapatid ko or I don't know.
I was diagnosed of wilson disease during our annual check up, how? Well our grandfather died because of that disease. It's in our gene so we need to do check up yearly para malaman kung nagkakaroon ng copper build up sa katawan namin.
What is Wilson disease anyway, it's genetic disease. Its about having a copper build up sa liver na pwede magresult ng cancer or brain damage.
May possibility na lumala kapag napabayaan, we never know, well yun naman ata ang mystery ng buhay. Hindi natin alam kung ano yung susunod na mangyayare.
Luckily si Kibo ay wala nun, And I am so happy because of that. mas okay ako na ako nalang kesa sya.
Treatable naman yung sakit ko, it's a lifetime treatment. I am taking meds regularly until forever haha, Im actually done with the three stages ng treatment ng sakit ko at kapag pumupunta kami ng hospital I was so happy.
Why?
Coz I met Cherry there.
Who is she? The love of my life!
I met her 2 years ago.
It was a love at first sight.
I fell in love the the first time I saw her, she was crying that time in her hospital room and I can't help myself but to look at her. I don't know how but that time, she was like glowing and shining. A crying princess that needs a prince to protect her.
Well.
The glowing and shining thing is just from imagination, baka maniwala kayo.haha pero..
She is so beautiful, really beautiful.
Pagbaba ko ng taxi ay nagmamadali lang akong tumakbo papunta sa entrance ng ospital na yun saka nakipag apir sa gwardiya. Alas otso ng umaga nun at nagpasya muna akong dumaan sa ospital bago pumasok sa school.
" Ang aga mo ah."
" Ganun talaga." ngiti ko saka tumuloy sa paglalakad hanggang makasakay ako ng elevator, kinuha ko naman sa bag ko yung ilang stem ng lavender na binili ko saka to masuyong inamoy.
" Ang bango." ngiti ko.
Pagtigil sa floor na yun ay nagmamadali ko lang tinungo yung kwarto kung saan sya nakaconfine, pagsilip ko sa dito nakita ko na may mga nurse sa loob. Isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko. Ilang sandali pa ng lumabas din ang mga ito at maiwan syang mag isa.
Nilagyan ko lang ng ngiti yung mga labi ko saka pumasok sa loob.
" Goodmorning." Masiglang bati ko, sa tingin ko nagsuka sya. Typical na side affects ng chemo niya.
" You're early." ngiti nito habang nagpupunas ng tissue sa bibig, hinila ko lang yung upuan saka umupo sa gilid niya.
" For you my princess." abot ko sa kanya nung bulaklak, kinuha niya lang to saka inamoy.
" Hindi ka magtatanong about my chemo yesterday?" tanong niya pero marahan lang akong umiling saka hinawakan yung kamay niya habang pinagmamasdan yung mukha niya, nawala na yung sigla sa mata niya, yung malalambot na pisngi na napalitan na ng humpak na mukha.
Yung maganda at mahaba niyang buhok na kinuha na din ng sakit niya.
" Ang panget ko na neko." nakatungong saad niya pero ngumiti lang ako saka umiling.
" You are stil the most beautiful girl for me." ngiti ko. Parehas nasa ibang bansa ang parents ni Cherry, kung may contest na palungkutan ng buhay? Papalag yung story niya! Mapapahiya ang mmk kung sakali Haha. Parehas ng may sariling pamilya yung magulang niya. Lumaki sya na palipat lipat, like sa Mommy niya ngayon taon, then sa daddy niya sa sunod na taon. Simula nung bata sya ganun na yung naging buhay niya.
NPA
Until ma diagnosed sya ng leukemia, from then tita na niya nag asikaso sa kanya. Sa tita na niya sya tumira, well parang hospital na nga yung bahay niya ngayon, mga nurse at doctor ang laging kasama.
Dahil nga nainlove ako sa kanya, ginawa ko lahat makalapit lang sa kanya. She is so masungit nung una,Nakakatakot sya grabe, pinagtatabuyan niya ko, Sinasabihan na wag na ko babalik pero itong gwapong to! Di sumuko aba haha, mahal ko eh!
Madalas dinadalaw ko sya bago pumasok sa school. Kapag wala yung tita niya ako sumasama sa kanya sa mga chemo session niya, pero minsan hindi ko kinakaya.
Ang sakit na makita na nahihirapan sya.
Unti unti nakapasok ako puso niya, sinasalubong na ko ng ngiti tuwing dadalaw.
How? Paano nangyare?
Mejo inalog ko lang yung utak niya, haha joke.
" Nandito ka nanaman?" simangot niya nun pagpasok ko sa kwarto niya, nilapag ko lang yung lavender na bulaklak sa tabi ng kama niya, natuon lang yung tingin niya sa mga yun. " Bakit lagi yan ang dala mong bulaklak."
"Lavender means healing." ngiti ko sa kanya.
" Paano yan hindi na ko gagaling eh, mamamatay na ko." sarkastikong saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti.
" Edi baguhin natin yung meaning."
" Baguhin?"
" Lavender now means, I love you and see you in another lifetime." ngiti ko sa kanya, kita ko lang yung titig niya sakin. " I am also sick, wala din kasiguraduhan. So what kung mamatay ka na, Kasalanan ko bang na love at first sight ako sayo? I love you and ayoko sayangin yung mga natitira mong oras, natitira nating oras."
" Baliw ka na."
" Baliw sayo?" ngiti ko, lumingon naman sya bintana ng kwarto niya kung saan tumatagos yung sinag ng araw.
"Magiging masaya na kaya ako susunod kong buhay?" bulong niya.
" Yeah." saad ko kaya napalingon sya sakin. " Kasi hahanapin kita agad, kasi sa susunod mong buhay nanduon ako para pasayahin ka, nanduon ako para mahalin ka at hinding hindi ko hahayaan na maranasan mo uli lahat ng sakit at hirap na dinanas mo sa buhay mo na to, pangako." tumitig naman sya sakin hanggang makita ko yung pagtulo ng luha niya. " I will find and love you again in another lifetime."
" Promise?"
" Promise." ngiti ko kasabay ng luha sa mata ko.
She loves me and I really love her. Sa paglipas ng araw ay nakita ko yung ngiti sa mga labi niya na nuon ko lang nakita, yung bawat tawa at halakhak niya kapag nagkukwentuhan kami ay sobrang saya ang dulot sa puso ko, yung pagdala ko sa kanya sa garden habang tinutugtogan ko sya gamit yung ukalele na regalo sakin ng Tita niya nung kaarawan ko.
It was one of the happiest moment of life.
" Nasagot ko na yung equation na binigay mo sakin." ngiti niya saka may kinuha sa cabinet sa gilid ng kama niya.
Napangiti lang ako ng iabot niya sakin yung notebook saka to binuklat.
" Tama ba? " nag angat lang ako ng tingin saka marahang tumango.
" 9x-7i > 3(3x -7u)." basa ko dito.
" The answer is I <3 u?"
" I love you too." ngiti ko sa kanya, natawa lang sya saka inamoy yung bulaklak na binigay ko.
" Give me your hand." saad niya.
" Why?"
" Dali." ngiti niya, nilahad ko lang yung kamay ko. Kumunot lang yung noo ko ng may maramdaman na kung ano na nilagay niya sa palad ko. Nang tingnan ko, may nakita lang akong kwintas na may pendant na letter T na may teardrop sa taas or pwede ring cross na bilog ang nasa taas.
" Necklace? Ano tong pendant na to? Is this a cross?" kunot ang noong tanong ko pero umiling lang sya.
" Ankh." Saad niya.
" Ankh?"
" Or the key of life." ngiti niya. " It means life, wear it. Hahanapin din kita sa susunod nating buhay." Napangiti lang ako saka sinuot yung kwintas at hinawakan yung pendant.
Our love story for me is one of the happiest thing that happened to me, although it is so short. Pero para sakin si Cherry ang pinakamagandang regalo sakin ng panginoon na kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan.
Ilang buwan din kami nagmahalan, pinuno ng saya yung bawat sandali, hindi nagsayang ng oras. Para samin ng panahon na yun ay bawat segundo ay mahalaga. We really tried to cherish and make memories sa nalalabi niyang oras.
We laugh
We smiles
We love
That is how our story ends, but my story starts after she left me.
" Tita, please tell them to save her." umiiyak na saad ko habang pinapanuod yung pagpump ng doctor sa dibdib niya. " Tita please, wag muna." nanginginig lang yung kamay ko ng mga oras na yun.
" Neko." umiiyak na saad ni Tita niya. Hanggang makita ko yung pagtigil nung doctor saka tumingin sa orasan sa bisig niya.
" No, please...pleaseee no.." lumapit lang ako sa mga doctor at nurse na nakapalibot sa kanya. " Please po, subukan niyo pa po." hikbi ko. " Please po."
Hinawakan lang ako nung doctor sa balikat saka marahang umiling.
" Subukan niyo pa po, parang awa niyo na po please." pagmamakaawa ko hanggang mapadako yung tingin ko kay cherry na mariin ng nakapikit ang mga mata. Lumapit lang ako sa kanya saka hinawakan yung kamay niya.
" Hintayin mo ko huh." bulong ko kasabay ng mga hikbi.
I am a happy person, I tried to pero nung nawala sya, I don't know. It's like a part of me died with her.
Sobrang sakit! na pakiramdam ko mamamatay na din ako.
Weeks before I picked myself up again. Sabi nga even the best fall down sometimes, You know even if you are strong, it doesn't mean you don't cry, sometimes you need to but you have to stand up again and continue your story.
Tinuloy ko yung buhay ko, sinubukan maging masaya.
I have to.
Kahit may sakit ako, I tried to live a normal life. Sabi ng doctor ko, pwede.. pwede ako mabuhay na parang normal as long as di mapabayaan yung pag inom ko ng gamot, kasi kapag nabayaan ko. Worst case scenario mag failed your liver ko, maapektuhan yung utak or mamatay.
Nung una nahirapan ako tangapin na ganito na yung sitwasyon ko pero eventually natanggap ko din, like do I have a choice? Haha
I can still remember when mom and dad cried so hard sa harap ko nung sinabi samin ng doctor that I am sick, Well nung nalaman ko yung about sa sakit ni Lolo. Nagresearch na ko about sa sakit niya and I really expected na isa samin ni Kibo ang meron nun, then viola! It's me.
The chooooosen one! haha
But it is okay, sobrang okay sakin! haha
Ang plastic!
Pumapasok ako sa school just like other normal people.
Hate saying normal people, it's like im abnormal! Haha anyway yes I go to school taking up civil engineering. A 5 year solid bachelor course! Sobrang solid at ang lakas ng loob ko di ba!I want to be an accountant sana pero Allen want to be an engineer.
Who is allen?
Oh damn it ipapakilala ko ba? whatever! Ako ang pinakamatalik niyang kaibigan! Walang friends yun! I have a lot of friends, I mean I have friends everywhere! Di ko na nga alam kung gaano kadami yung bestfriends ko Haha I like talking to people specially the smart ones or kung di man smart atleast may sense of humor or vendors basta kahit sino!I love to laugh, sabi kasi nung doctor ko it's the best medicine daw!
Nauto ako kaya kahit ang babaw, itatawa ko nalang.
Let's go back to Allen.
He is smarter than me that is why I really like him, he really wants to be an engineer. Sabi niya! Pero syempre alam ko naman na sinungaling tong mokong na to. It's his dad who wants him to be an engineering.
Para sumunod daw sa yapak niya, like what the hell! Nasa 20th century na pero ganun pa din mindset ng Daddy niya. Ewan pero yun nga, since engineering kinuha ni Allen at sinabi niya na mas exciting daw ang math dun kaya pumayag na ko! Mathematics is life! It's makes my life so exciting.
" Are you done with our assignment?" tanong ni Allen sakin habang nasa cafeteria kami ng school.
" Yeah, bakit kokopya ka?" ngiti ko.
" Tapos na din ako, baka lang hindi mo nagawa."
" Ako pa ba!" natatawang saad ko, hanggang may maglagay ng sandwich sa harapan ko, nang mag angat ako ng tingin nakita ko lang yung matangkad na lalake na may ngiti sa labi. " What's this?" nagtatakang tanong ko.
" Thank you sa pagtulong mo sakin sa math yesterday, nasagutan ko yung quiz."
" Ah yeah, wala yun." saad ko saka kinuha yung sandwich at kinagatan. " Thanks dito." ngiti ko, tumango naman sya saka kami iniwan.
" Sino yun?"
" Forgot his name, nakita ko lang sa library kahapon eh mukhang nahihirapan kaya tinulungan ko na." saad ko habang kinakain yung sandwich.
" Balak mo ba tumakbong student president, parang halos lahat na kilala ka." ngiwi niya na ikinatawa ko. " Araw araw nalang may nagbibigay sayo ng pagkain, baka yumaman ka niyan." nilibot ko naman yung tingin ko.
" hello kuya Neko." saad nung sa kabilang table, ngumiti lang saka tumango. Yeah, minsan ko nga pakiramdam ko artista ako sa dami ng bumabati sakin sa buong school na to.
" See."
" Wag ka nalang makialam."
" Bahala ka."
" Laro tayong basketball later, gusto mo?"
" Papapagalitan ako ni Dad."
" Boring mo talaga." natatawang saad ko.
" You know naman dad."
" Anyway, balak mo ba iperfect yung exam natin next week?"
" Uhm yeah, last week ko sinimulan pagrereview."
" Perfect mo na lahat ng subject pero ibigay mo na sakin yung math pwede?"
" No." iling niya.
" Allen, sige na please?"
" Pwede mo naman iperfect yun, para parehas tayo."
" Eh ayoko kita agawan sa pagiging number one, fine sayo na din ang math. Ibibigay ko sayo tong unang taon natin sa college pero tandaan mo huh, papalag na ko next year." natatawang saad ko saka tumayo.
" Where are you going?"
" Uhm san ba ko pupunta? Kahit saan." ngiti ko saka naglakad.
Actually madali ako makaladkad kung saan saan, basta may mag aya, sumasama ako lalo na kung tingin ko interesting yung pupuntahan or kasama.
Kaya minsan napapagalitan kapag umuuwi ng late, Bakit ako nalelate umuwi? Bukod sa math may kabit ako! Haha
It is basketball!
I love playing basketball, watching live sa pba etc, basta I love it, I would die for it! Joke! basta it's like di magiging kumpleto yung naging buhay ko dito sa mundo kapag di ako nakapaglaro or nakanuod ng basketball.
Hindi ako varsity, mas mahal ko pa din ang math kesa sa kabit ko haha
" Gusto mo sumali?" saad sa likod ko paglingon ko nakita ko lang yung nagpaturo sakin ng math at nagbigay ng sandwich sakin, nanunuod ako nun ng mga naglalaro ng basketball sa court sa loob ng school.
" Pwede?"
" Sure!?" ngiti niya. " After ng game nila."
" Okay, nice!"
" What is your name?" tanong niya, nilahad ko naman yung kamay ko.
" Neko." ngiti ko.
" Trey." tanggap niya sa kamay ko.
" Ang sarap nung sandwich na binigay mo."
Madalas makikita mo ko sa library, pag nabobored nasa basketball court, masasabi kong nerd ako.
Pero may friendly ba na nerd?
Okay let's say I am not a 'super nerd nerd' like Allen haha. Walang social life ang tao na yun and that is what I hate about him.
Laging libro ang hawak, minsan pumupunta sa bahay para lang magbasa ng libro. Gusto ko nalang syang batukan minsan kasi hindi man lang niya ineenjoy ang buhay.
Napadaming pwedeng gawin bukod sa pag aaral! Ewan sa kanya.
Pero meron din naman syang sobrang hate sa ugali ko.
At madalas nababatukan niya ko dahil sa ugali ko na yun.
Ano yun?
Pakialamero ako! Haha.
" Neko, don't." bulong ni Allen sakin habang nakatingin ako sa tatlong lalake na binubully yung isang estudyante. Nagpunta kaming dalawa ni Allen nun sa lungsod para mamasyal, maglakad kung saan saan hanggang mapadaan kami sa kalye na yun sa likod ng isang building. " Neko, wag na."
" Why not?"
" Tatlo sila." ngiwi ni Allen. " Uwi na tayo."
" Kaya ko yan." ngiti ko saka humakbang.
" Shit!" rinig kong saad ni Allen kaya natawa ako at lumingon.
" Watch me." saad ko pa. " Hey dickheads!" sigaw ko sa mga to, automatiko naman silang napalingon sakin.
" Sino ka naman?"
" My name? I am neko." ngiti ko.
" At anong kailangan mo?" tanong nung isa, napadako naman tingin ko dun sa lalakeng pinagtutulungan nila.
" Hey ikaw come here." ngiti ko sa kanya.
" At anong tingin mong ginagawa mo huh!" asik nung isa.
" Shut up ang panget mo." saad ko saka lumapit. " Tumayo ka." lahad ko ng kamay dun sa lalake na nakasandal sa pader habang nakaupo sa lupa.
" Tangina mo huh!" gigil na saad nung isa saka ako tinulak dahilan para mabungo ako sa pader.
" Ouch." iling ko saka to binigyan ng matalim na tingin.
" Ano papalag ka?!"
" Yeah." ngiti ko saka to agad na binigyan na malakas na suntok sa mukha, pero isang malakas na suntok din yung tumama sa mukha ko, natawa lang ako saka gigil na tumingin sa gumawa nun saka to binigyan ng malakas na sipa na ikinatumba nito, nang sumugod yung isa ay kamao ko lang yung sumalubong dito.
" Tangina yung ilong ko." hawak nito sa mukha niya, napangiti lang ako ng makita yung pag agos ng dugo sa ilong niya.
"Blood, I love it." ngiti ko saka iniwasan yung suntok nung isa saka to sinipa sa mukha.
Ilang beses pa sila nagbalak gumanti pero wala ng tumama sakin kahit isa hanggang magsitakbuhan ang mga ito.
" Di ka pa ba tatayo or nakakanejoy dyan sa inuupuan mo?" lingon ko dun sa lalake na nakatulala sakin. " Hey! Wake up tulog ka ba?" nilapit ko lang yung mukha ko saka ngumiti. " Wala na sila, okay ka na."
" Ah eh."
" Ah eh what, tayo na." saad ko saka nilahad yung kamay ko, tiningnan niya lang to saka nag angat ng tingin sakin. " Nangangalay ako, tatayo ka ba o hindi?"
" Ah yeah." pilit na ngiti niya saka tinanggap yung kamay ko at tumayo.
" Nasuntok ka ng isa." natatawang saad ni Allen, napailing lang ako saka hinawakan yung gilid ng labi ko, nang tingnan ko yung daliri ko nakita ko lang yung dugo.
" Oh shit dugo!" tawa ko. " hanga ka nanaman sakin, okay lang sakin allen kung tatawagin mo na kong idol."
" Idol." tango ni Allen.
" Yuck! Wag na..Ganun dapat, ginagamit yung mga napag aralan mo. To serve and protect!" ngiti ko, nang tingnan ko yung lalake nakatingin parin to sakin. " Hoy bakit ka ba tulala? totoo ako huh, Hindi ka nanaginip."
" Thank you." nakatungong saad nito.
" Ayoko ng thank you, ang gusto ko lumaban ka kapag inulit nila yun." saad ko, kinuha ko lang yung panyo sa bulsa ko saka binigay sa kanya. " Ang dumi ng mukha mo, punasan mo."
" Ah yeah, thank you." kuha niya sa panyo. " Hindi mo ba ko naalala?" tanong niya, tiningnan ko naman mabuti yung mukha niya.
" Wait! I know you. Wait forgot your name." iling ko habang nakatingin parin sa kanya.
" Sa dami ng kakilala niya, imposibleng makilala ka niya." saad ni Allen dito na ikinangiti ko.
" Victor." pilit na ngiti niya. " Ilang beses mo na din ako tinulungan before."
" Hindi ko pa din maalala." iling ko.
" 2 years ago, high school days, Hospital."
" Ah sige sige, whatever." natatawang saad ko saka sya tinapik sa balikat. " Laban next time huh, wag papaapi."
" Let's go baka bumalik pa yung mga yun at magtawag ng-" naputol lang yung sasabihin ni Allen ng may matanaw sya, tiningnan ko naman yung dereksyon na tinitingnan niya, nakita ko lang yung ilang lalake na tumatakbo sa dereksyon namin.
" Oh shit!" natatawang saad ko. " Mabilis ka ba tumakbo?" lingon ko dun sa lalake.
" Ah no." iling niya.
" Ako mabilis." ngiti ko saka sya hinila at nagsimulang tumakbo. " Takbooooo!"
" We are dead kapag naabutan tayo." saad ni Allen habang tumatakbo, madalas ganito ang nangyayare, it's like normal na nangyayare para sakin. Sinasabihan ako lagi ni Allen na umiwas nalang kapag may nakikitang ganun pero it is a NO NO for me! Para sakin ayoko nakakakita ng injustice.
Kapag tingin ko may magagawa ako, Makikialam ako.
Minsan nabubugbog pero durog naman sila sakin! Palag palag tayo kapag may kailangan ng tulong!
Pano kung si Kibo ang ganunin. Ayyt! Makakapatay ako.
Ilang beses na din ako umuwi na may pasa sa mukha, well si Daddy natutuwa pero si Mommy binabato ako lagi ng tsinelas or hinahampas ng sinturon! Haha Tingin ko hindi naman ako pasaway na anak, Maipagmamalaki naman yung mga grades ko, bukod sa rizal na subject na sinabihan ako gumanap bilang crisostomo ibarra na neknek nila kung sisipot ako sa praktis!
Never! haha
I am good child at gwapo! Naman! Palag palag haha hindi biro lang, kay Mommy siguro medyo pasaway ako.
Sabi niya kasi, yung luto lang niya ang dapat kong kainin. Sa dami ng bawal sakin na pagkain tingin ko mas mababaliw ako! Haha. May mga pagkakataon na di ko mapigilan kumain ng bawal sakin kaya madalas napapagalitan ako ni Mommy.
Syempre si Mommy, hila hila agad ako sa doctor but I do understand her. Ayaw niya lang ako mawala, tuwing iinjectionan ako nakikita ko syang pumipikit hindi dahil takot sya injection kundi dahil napakahaba ng bwiset na karayom na tinutusok sakin at ang sakit talaga!
Minsan gusto ko nalang suntukin yung doctor kapag tinutusok na yung karayom!
Well alaga ako ni Mommy, lagi niyang tinatanong kung may nararamdaman ako or what. Nadiagnosed yung sakit ko na wala akong nararamdaman na kahit anong symtoms. Sabi ng doctor mabuti daw kasi early detection kaya naagapan agad.
Napakadaming gamot lang ang binigay, napakahirap pa naman lunukin!
Tinanggap ng maayos ng katawan ko yung mga binigay na gamot na sobrang ipinagpasalamat ko. May mga pagkakataon na nanghihina ako pero bumabalik din naman agad yung lakas ko.
Minsan, nasa mindset na rin. Just always be positive and everything is going to be alright.
Alright alright!
Let's talk about my brother, my super cute brother.
Well, chapter 18 na kaya malamang kilala niyo na sya, but anyway ipapakilala ko sya in my own way at wala kayong paki! Haha just kidding.
" Lagot ka kay Mommy kuya." saad ni Kibo, nasa harap kami ng isang maliit na tindahan nun, inabot ko naman sa kanya yung softdrinks na nasa plastic na binili ko.
" Tingin mo bakit tinawag na soft drinks to?" taas ko ng hawak ko, kumunot naman yung noo niya.
" Why?"
" tinawag tong soft kasi there is no alcohol in them." ngiti ko.
" Owsss." saad niya saka sumipsip pero hinawakan ko lang yung kamay niya at kinuha yung hawak niyang softdrinks. Kita ko lang yung pamimilog ng mata niya. " Kuya, give it to me?" nguso niya.
" Ang softdrinks po ay isa sa mga dahilan kaya dumadami yung bacteria sa bibig natin na nagiging sanhi ng tooth decay." ngiti ko saka uminom sa softdrinks niya. " Gusto mo maging dentist di ba, So akin na to."
" Kuya naman eh!"
" Just kidding." natatawang saad ko saka muling binigay sa kanya.
" Ewan ko sayo, kapag nalaman ni Mommy na pinainom mo ko neto, lagot ka!"
" Akin na nga yan!" aktong kukunin ko uli ng ilayo niya..
" Joke lang kuya." ngiti niya. " ang talino mo tapos bumabagsak ka."
" Hindi ako matalino, marunong lang."
" Eh bakit mo binagsak yung isang subject na yun?"
" Kasi I hate it." ngiti ko. " Dapat pala nakinig nalang ako kay Allen na idrop ko nalang yung subject na yun."
" Si Kuya Allen, naipasa niya yun?"
" No." natatawang saad ko pero " but that dickhead drop that subject, so hindi madudumihan report card niya."
" Uwi na tayo Kuya, nagugutom na ko." nguso niya.
" hahahaaha." sarkastikong tawa ko sa kanya.
" Kuya naman eh, tara na uwi na tayo."
He is my favorite brother, well sya lang naman kapatid ko pero ang dami kasing tumatawag sakin kuya kaya basta sya pinakafavorite ko.He is bit different, nung inamin niya sakin na bakla sya, deym di ko talaga alam kung ano sasabihin ko. Eh ano naman kasi alam ko sa ganun pero ang alam ko. I have to protect him, being gay is one hell of a ride sa bansang to.
Daming judgemental, akala mo bang lilinis. Oxygen din naman ang nilalanghap!
Nung una, gusto ko sabihin sa kanya kung pwede wag nalang syang maging ganun? Or magpakalalake nalang sya pero sabi ni google, being gay daw is never a choice at posibleng masaktan sya kapag hiniling ko na baguhin niya yung sarili. I don't want to hurt my brother! Ayoko nga syang masaktan physically, emotionally pa kaya.
He is my weakness, pakiramdam ko mababaliw ako kapag nakikita ko syang umiiyak. Mental breakdown dude!
" Dad, Mom I need to tell you something." seryosong saad ko, nasa office kami nun ni Daddy. Inaya ko lang si Mommy dun ng masiguradong tulog na si Kibo.
" What is it? May ginawa ka ba uli?" tanong ni Mommy.
" Don't tell me may binugbog ka nanaman?" tanong di ni Daddy. " Nanalo ka ba, wala kang tama sa mukha eh?"
" Hon, kaya namimihasa eh. Tuwang tuwa ka pa kapag nakikipagsuntukan yung anak mo."
" Alam ko naman kasi na kaya niya."
" Dapat talaga hindi ako pumayag sa mga training training na yan eh, yan nagagamit sa pakikipag away yung mga natutunan."
" Mom, dad this is not about me."
" Tungkol ba saan? Okay ka ba? May nararamdam ka ba na iba? Gusto mo pumunta ng doctor?" tanong ni Mommy saka hinipo yung noo ko.
" Mom, I am fine."
" Then ano yung sasabihin mo na importante?"
" Kibo is gay." saad ko, kita ko naman na natigilan sila parehas. " Well napapansin ko naman na sa kanya yun, I'm sure kayong dalawa din. Hindi po kayo siguro totally walang idea na ganun sya."
" Are you serious?" saad ni Daddy, marahan naman akong tumango. " Oh God no!" iling ni Daddy.
" What do you mean No?" lingon ni Mommy.
" Hindi pwede, pano ko makikita yung mga cute na anak ni Kibo kung...kung.. kung di sya mag aasawa ng babae? Di ako papayag!"
" Dad."
" Nag out na ba sya sayo?" tanong ni Mommy sakin.
" Yes mom, nasabi na niya sakin."
" At okay lang sayo?" tanong ni Daddy.
" Dad, wala naman akong magagawa kung ganun sya. Let just accept it, kinausap ko kayo para kapag kinausap namin kayo ni Kibo na magkasama hindi na kayo mabibigla."
" No!"
" Ben."
" Bakit ikaw hon, okay lang sayo?" lingon ni Daddy kay Mommy, tumingin naman sakin si Mommy.
" I don't know."
" I know Dad, hindi magiging madali pero masyado ng malupit ang mundo sa mga katulad ni Kibo. I saw it, minsan napapatrouble ako kasi nakikita ko kung paano sila tratuhin and I really hate it. Naiimagine ko pano kung si kibo yung binabastos? Pano kung sya yung pinagtitripan, Tapos wala ako? Kung hindi natin sya matatanggap sino magtatanggol sa kanya? I know Dad mahirap pero let's not hurt Kibo? Kung may mananakit sa kanya, hindi tayo yun. Kasi tayo yung poprotekta sa kanya, tayo yung magtatangol kapag hinuhusgahan sya ng mundo, tayo yung magtatayo sa kanya kapag pilit syang dinadapa ng mga tao. Pamilya niya tayo at tayo lang ang magiging kakampi niya." seryosong saad ko, kita ko naman na humugot ng malalim na hininga si Daddy.
" Ben, tama si Neko."
" At the end of the day day, pamilya niya lang yung kasama niya."
" Oh God."
" Dad, please don't hurt his feelings. Ayoko masaktan yung kapatid ko, magagalit ako sa inyo kapag kayo mismo gumawa sa kanya nun,kapag kayo mismo humusga sa kanya. I'm gonna hate you dad."
" Magagalit ka sakin?"
" For the rest of my life!"
" Hindi ba talaga nadadaan sa gamot yun?" ngiwi ni Daddy.
" No, Dad." iling ko.
" Fine."
" Okay, I'll send you an email. both of you para maintindihan niyo si Kibo, you have to read it. It's all about being gay and everything. In order to accept him you have to know and understand him." ngiti ko. " You understand?"
" Teka sino ba magulang dito?" iling ni Mommy, ngumiti lang ako.
" Syempre kayo po."
" Goodness." kibit ng balikat ni Daddy.
" Thanks Dad."
" Ikaw gay ka ba?"
" Nope, I have a girlfriend dad."
" Good! Dalhin mo sya dito, ipakilala mo samin."
" Sure Dad." ngiti ko.
The next day, magkasama namin kinausap ni Kibo si Mommy and Daddy. Kibo was so happy that time kasi wala na syang tinatago samin, Nung una madalas ako sumugod sa school nila, kami ni Allen actually.
Tuwing may nangbubully sa kanya, tinatawagan niya kami ni Allen.
Hanggang tinigilan din sya ng mga bully.
Dahil dun naging tahimik ang high school life ni Kibo. Tumaas yung confidence niya at lalong gumanda yung mga ngiti niya.
I want him to feel loved kahit ano man yung kasarian niya, I want him to be happy being himself. Ayoko maramdaman niya na iba sya pero what I hate about him is he is naughty buti nalang Allen is there.
Sobrang gwapo niya sa mata ni Kibo which I really don't understand. Hindi ko sinasabi na hindi gwapo si Allen pero he is weak, emotionally. At tingin ko allen need someone who is stronger than him, Allen and Kibo both need a protection.
Ginawa kong pagkain ni Kibo si Allen, I mean sinasadya kong masilipan ni Kibo si Allen from time to time para di na sya maghanap ng iba, that is so bad pero pagbigyan niyo na ko, for my brother naman haha
Pakiramdam ko nga kasalanan ko kung bakit nainlove si Allen kay Kibo, He was shocked nung sinabi ko na gay si Kibo, nailang sya nung una pero naging okay din sila. masyado kong pinupuri si Kibo kapag kausap si Allen to the point na sinasabi ko na bagay sila. haha
Yun nahulog yung mokong, well since gusto sya ni Kibo nawalan na ko ng choice para ipush silang dalawa.
" I like your brother." nakatungong saad ni Allen nun habang ginagamot ko yung mga bangas niya sa mukha na gawa ng Daddy niya.
" Sabi mo?"
" Si Kibo, I think I like him."
" What?" natatawang saad ko.
" Gusto ko yung kapatid mo?"
" anoo???"
" I like your brother!" mejo malakas na saad niya, hanggang manlaki yung mata niya. Napalingon lang ako sa likod ko, nakita ko lang si Kibo na nakatayo. " Oh shit." bulong niya.
" Mayaman naman kayo eh, siguraduhin mong papakasalan mo yung kapatid ko huh." ngiti ko sa kanya.
At dito nagsimula ang pagiging kontrabida ko sa pagmamahalan nilang dalawa, hindi pwedeng may mangyare sa kanila. Like no way! Not so fast! I know Kibo at kilala ko din si Allen kaya alam ko na magkaroon lang ng maliit na apoy ay sigurado na maglalagablab yung kwarto kapag naiwan na silang dalawa lang.
I even google kung paano sila magsesex and I was shock!
I'm gonna kill allen kapag nasaktan si Kibo, like seriously I'm gonna cut his throat.
" Watch this." bato ko ng phone ko kay allen pagpasok namin sa kwarto.
" What is this?"
"Panuorin mo?" seryosong saad ko, ilang sandali lang niyang pinanuod saka nag angat ng tingin sakin, kita ko lang yung pamumula niya. Nasa video na yun yung pag iyak nung isang lalake habang pinafuck nung isa. " My brother is still a virgin, so don't you dare try to do what is in that video." gigil na saad ko sa kanya.
" Uhm."
" I'm gonna kill you." banta ko sa kanya.
" Yeah yeah, I know. Kibo tried to kiss me yesterday pero hindi natuloy alam ko kasi na magagalit ka."
" Gusto mo bang bangkay ka na umuwi sa inyo?"
" I'm sorry." saad niya.
" Pwede hintayin mo muna mag 18 yung kapatid ko, not now allen kasi kakalimutan kong tao ka at ililibing kita ng buhay." seryosong saad ko, sunod sunod naman na pag tango yung ginawa niya. " Good."
Madalas kaming tatlo ang magkakasama, laro ng basketball sa court, gala sa mall, video games, nuod ng tv series.
Sa madaling salita, naging bodyguard ako bigla, hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko kahit sandali lang. Lalo na si Allen kasi wala akong tiwala sa mokong na to.
" Thanks sa pag convince mo kay Daddy na sumama ako sa inyo huh." saad ni Allen, habang nakaharap kami sa bonfire. Nagcamping kaming tatlo nun sa isang bundok, naiwan lang kami ni Allen dahil nakatulog agad si Kibo sa loob ng tent.
" Wala yun." ngiti ko. " Enjoy mo naman kasi yung buhay mo."
" Maybe one day." tango niya.
" Mahal mo ba talaga yung kapatid ko?" lingon ko sa loob ng tent.
" Yeah, I really like him."
" I am not sure kung anong future meron sya, sabi niya he wants to be a dentist daw just like our mom."
" Really?"
" Yeah, tingin mo tatangapin sya dun? Eh galit na galit yung dalawang pangil niya." natatawang saad ko, napangiti naman sya. " Natatakot ako para sa kanya, di naman habang buhay kasama niya ko, Hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya. I know one day mag aasawa ako, magkakapamilya tapos magkakaroon ng sariling buhay. Pano si Kibo?"
"Kahit gustuhin ko man na protektahan sya habang buhay, hindi pwede, hindi ko kaya." mapait na ngiti ko. " For me Kibo is so fragile, so innocent at natatakot ako na may ilang taong gusto syang basagin, sirain at ang sakit kapag naiisip ko na may mananakit sa kanya dahil lang sa gusto niya magmahal."
"Papatayin kita kapag sinaktan mo yung kapatid ko." inis na tingin ko sa kanya.
" Never, hindi ko sya sasaktan at hahayaang masaktan." ngiti niya.
" Siguraduhin mo!"
" Pangako."
" Please protect him, promise me na poprotektahan mo sya kahit na anong mangyare." seryosong saad ko.
" Yes, I will." tango niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti.
Now let's talk about my parents, you know Mom is a dentist before pero dahil sa aksidente kaya naapektuhan yung kamay niya so nagstop na sya, My Dad own a restaurant and we do have some branches all over the country. Not so many, sakto lang.
Kibo and I are so lucky to have the best parents in a world, Mom and Dad raised us with full of love and affection. Kahit busy si Dad nagagawan niya ng paraan na magkakasama sama kami lagi. Birthdays, holidays and all the occations lagi kaming buo.
Well Allen is part of the family na kasi lagi din syang present.
Masasabi ko na we are so lucky because we have the happiest family na hinihiling ng lahat.
Lumaki kami ni Kibo na buo at may masayang pamilya and I'm so grateful for that.
Until one tragic night.
That change everything.
" Mom don't worry about us." ngiti ko kay Mommy. " Kibo and I are fine." lingon ko kay Kibo na nakaharap sa computer, lumapit lang ako sa kanya saka tinanggal yung headset sa ulo niya. " Aalis na sila Mommy." ngiti ko sa kanya.
" Love you mom, ingat kayo ni Daddy huh." ngiti ni kibo kay Mommy saka muling sinuot yung headset.
" Are you sure neko, kaya mo mag-isa dito? Wala yung mga maid natin at yung gwardia lang sa labas ang magbabantay sa inyo kaya wag na wag kayong lalabas okay?"
" Sure mom, ako pong bahala."
" Sure?"
" Yes mom." ngiti ko, ginulo naman nito yung buhok ko.
" Okay yung food nasa ref, initin niyo nalang sa microwave at wag na wag kang magluluto. Naka prepare na yung food mo."
" Yes mom." tango ko.
" Yung gate and doors, windows ilolock okay?"
" hon let's go?" silip ni Daddy sa pinto.
" Dad pasalubong po huh." sigaw ni Kibo.
" Ano ba gusto niyo?"
" baby girl." lingon ni Kibo na ikinatawa ko.
" Yes mom, We want a baby girl."
" Ewan ko sa inyong dalawa, alis na kami."
" Sige po." ngiti ko, hinawakan ko naman sa tenga si Kibo.
" Ouccchh."
" Tayo na hatid natin sa labas sila Mommy."
" Masakit naman kuya eh." nguso niya. Ginulo ko lang yung buhok niya saka sya hinila palabas ng kwarto.
" Pupunta si Kuya Allen kuya?"
" Hindi." iling ko na ikinasimangot niya.
" Papuntahin mo sya kuya, tawagan mo please?"
" Ayako." iling ko.
" Bye kids." wave ni Mommy ng kamay niya hanggang makalabas ng gate yung kotse ni Daddy, humarap lang ako kay Kibo saka nakapameywang na ngumiti sa kanya.
" What Kuya?"
" I am the boss now."
" Whatever." ngiti niya saka tumalikod.
" Oopps." hawak ko sa damit niya ng aktong maglalakad sya.
" What Kuya?"
" timpla mo ko ng juice." ngiti ko.
" Ayawww."
" Ah ganun." saad ko
" Titimpla kita pero papupuntahin mo si Kuya Allen."
" Ayako." iling ko, ngumuso naman sya.
" I miss him." nguso niya pero sabay lang kaming napalingon ng biglang bumagsak yung malakas na ulan.
" Kuya it's raining!" excited na saad niya, tiningnan ko naman yung langit, madilim nga yung kalangitan ng mga oras na yun. " Okay lang kaya sila Mommy?" tanong ni Kibo.
"Tawagan natin?"
" Wag na, kaalis lang nila eh." saad niya saka humakbang.
" Ano balak mo?"
" maliligoooooo!" sigaw niya saka tumakbo at sinalo yung malakas na buhos ng ulan. " Kuya tara na, ligo tayo."
" Kibo bumalik ka ditooo."
" Ayawww."
" Oh shit!" inis na tingin ko sa kanya pero dinilaan niya lang ako saka nag paikot ikot sa ulan, nang sandaling yun di ko mapigilan pagmasdan sya habang nakangiting sinasalo yung patak ng ulan.
" So cute." ngiti ko.
" Tara na kuyaaa!" sigaw niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumugod din sa malakas na ulan, agad ko lang naramdaman yung lamig ng patak nito sa balat ko. " Kuya habulin mo kooo!" saad niya saka tumakbo.
Nang sandaling yun, pakiramdam ko napakasaya ko. Yung tawa at ngiti ni kibo na parang bumabaon sa puso ko.
Napuno kami ng tawanan ng oras na yun, ito na siguro yung isa sa pinakamasayang tagpo na pwede kong baunin sa kabilang buhay.
Kinagabihan pumasok lang ako sa kwarto ni Kibo, naabutan ko lang syang nakaharap sa computer niya habang balot balot ng kumot.
" Ano yan? What's with the kumot?"
" Ang lamig kuya." lingon niya sakin, kinuha ko naman yung remote ng aircon niya saka to hininaan. Lumapit lang ako sa kanya saka hinawakan yung noo niya.
"Shit, You're burning." saad ko.
" Mainit?" saad niya saka hinipo din niya yung leeg niya. " Mejo nga."
" Yan ligo pa sa ulan." simangot ko sa kanya.
" Sorry na." nguso niya.
" Turn off the computer, dito na tayo sa room mo mag dinner. Tapos inom ka ng gamot." utos ko sa kanya.
" Okay po." ngiti niya saka pinatay yung computer niya at humiga sa kama.
" Wait kunin ko yung pagkain." ngiti ko sa kanya. Pagbaba ko ay hinanda ko lang yung dinner naming dalawa ni Kibo. Bago umakyat ay dinial ko muna yung number ni Mommy.
" Yes Neko, may problema?"
" Mom, may lagnat si Kibo."
" What?"
" Naligo kami kanina sa ulan." napapakamot na saad ko.
" kayong dalawa talaga mga pasaway, kumain muna kayo tapos painumin mo agad sya ng gamot. Yung gamot mo din huh wag mo kakalimutan, Don't forget to lock the door. Bukas pa kami ng Daddy mo makakauwi so for now bantayan mo maigi yung kapatid mo huh."
" Yes mom." saad ko saka nilapag sa mesa yung phone ko at kinuha yung tray at tinungo yung ikalawang palapag kung nasaan yung kwarto ni Kibo. Pagpasok ko balot na balot lang sya ng kumot.
" Kibo, let's eat muna." nilapag ko lang yung tray sa maliit na mesa saka pinatong sa kama ni Kibo. " Kibo let's eat, para makainom ka ng gamot." dahan dahan naman syang umupo saka pilit na ngumiti sakin.
" Ang sakit ng ulo ko kuya."
" Kain ka muna para makainom ka ng gamot." saad ko, nagsimula naman syang kumain pero ilang sandali lang ay nagmamadali syang tumayo at pumunta sa cr ng kwarto niya para sumuka. Agad naman akong lumapit sa kanya saka hinimas yung likod niya.
" Masakit tyan mo?"
" I don't know." iling niya. " Yuck." ngiwi niya na makita yung suka niya saka nagflash.
" Okay ka lang ba?"
" Masakit yung ulo ko kuya, higa na muna ako."
" Timpla kita ng milk para makainom ka ng gamot?"
" Sige kuya." bumaba lang ako saka nagmamadali nagtimpla ng gatas at kinuha yung gamot.
" Here inumin mo muna." saad ko saka binigay sa kanya yung biogesic, dahan dahan niya lang ininom yung gatas saka sinunod yung gamot. " Higa ka muna." tinabihan ko lang sya saka niyakap. " Ang init mo grabe, gusto mo dalhin kita sa ospital?"
" Ayaw." iling niya.
" Pero."
" Kuya mamaya wala na to, wag ka masyadong magworry."
" Sobrang init mo eh."
" I'm okay kuya." saad pa niya saka muling nagtalukbong ng kumot. Tumayo lang ako saka kumuha ng malamig na tubig at panyo. " What's that?" turo niya sa hawak ko.
" Pupunasan kita ng malamig para bumaba yung lagnat mo."
" Thanks kuya." ngiti niya, umupo lang ako sa gilid ng kama niya saka sya sinimulan dampian ng bimpo sa noo at leeg. " Pano nalang ako kuya kapag wala ka."
" Kaya dapat, aalagaan mo yung sarili mo para kahit wala ako ay kaya mo." ngiti ko sa kanya.
" I love you kuya." ngiti niya.
" I love you bunso, tulog ka na." saad ko hanggang makita ko yung isang kamay niya na inabot yung mukha ko. " Tulog ka na."
" Yes kuya." saad niya saka pinikit yung mata. Pagkaayos ng maliit na palangana ay humiga lang ako sa tabi niya saka sya niyakap at binigyan ng halik sa noo. Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko habang pinagmamasdan ko yung mukha niya.
" Mahal na mahal kita bunso." bulong ko saka hinilig yung ulo ko at pumikit.
Di ko alam kung anong oras na nun pero isang malakas na putok yung gumising sakin, agad naman akong tumayo saka sumilip sa bintana. Nanlaki lang yung mata ko ng matanaw yung napakadaming anino na papasok sa gate nang makalapit yung mga yun nakita ko lang na mga nakamaskara tong itim habang may mga hawak na baril
" Oh shit!" bulong ko saka lumingon kay kibo, taranta lang akong lumapit sa kanya. Nang hipuin ko yung leeg niya halos mapaso ako sa init nito. " Oh shit damn it! Sino sila?" binuksan ko lang yung cabinet saka agad syang binuhat saka sya pinasok at agad sinara.
" Stay here kibo." bulong ko. " Oh God sobrang init mo."
" Shit shit." tarantang saad ko saka hinanap yung phone ni Kibo. Hanggang marinig ko yung malakas na pagkalabog sa baba, tumulo naman yung luha ko habang nanginginig yung kamay sa kaba.
Ilang beses nag ring yung phone ni Mommy pero hindi niya sinagot, kahit si Daddy ganun din. Malayo sila, pano kami mapupuntahan?
Damn it!
Dinial ko lang yung number ni Allen.
" Kibo?" sagot niya pumunta lang ako sa pinto saka nilock to.
" Allen, may mga nakapasok sa bahay namin."
" What?"
" Please help, Tumawag ka sa police, marami sila at may mga baril." saad ko hanggang may kumalampag sa pinto, napapikit lang ako. " Please allen."
" Yeah sige."
" Si Kibo, please.." bulong ko kasabay ng luha hanggang maputol yung linya.
" Bubuksan mo to o wawasakin ko tong pinto!" sigaw sa labas kasunod ng pagkalabog nito, napatingin lang ako sa cabinet kung saan ko nilagay si Kibo. "Please don't wake up, please please."
" ANO! WAWASAKIN KO-" binuksan ko lang yung pinto, nakita ko lang yung taong nakamaskara na yun habang may hawak na baril, narinig ko lang na natawa sya.
Napaatras lang ako ng makita yung baril nitong hawak
" Ikaw ang anak ni Ben rodriguez, tama ba ko?" tanong nito, marahan lang akong tumango. " Dalhin yan!" saad nito, may humila naman sakin na isa saka ako kinaladkad hanggang makarating sa baba.
" Anong kailangan niyo!?"
" Pera." natatawang saad nito.
" Nandun sa kwarto nila Mommy, sa taas. Unang pinto sa may vault sa ilalim ng kama."
" Yung password."
" 081902." mahinang saad ko habang deretsong nakatingin sa kanya, rinig ko naman yung tawanan ng mga kasama niya.
" Akyatin niyo." utos nito.
" Di ba dalawa kayong magkapatid?" duro nito sa noo ko pero hinawi ko lang to. " Sasagot ka hindi?!" sigaw nito.
" kasama sya ni Mommy, ako lang ang nandito." saad ko.
" Ah okay." tango nito, shit nilalagnat si Kibo. Damn it!
" Umalis na kayo kapag nakuha niyo na yung pera." saad ko pero isang suntok sa mukha lang yung dumapo sa mukha dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Nagtawanan naman sila.
" Wag na wag mo ko inuutusan, naiintindihan mo huh!" sigaw nito, nahawakan ko lang yung labi ko hanggang makita ko yung dugo na tumutulo sa sahig.
Hanggang mamilipit ako ng maramdaman ko yung pagsipa sa tagiliran ko, isa, dalawa, tatlo hanggang hindi ko na mabilang kung ilang beses pero tinanggap ko lahat, kinagat ko lang yung labi ko para hindi makagawa ng ingay.
" Boss, andito na lahat."
" Yung alahas nung babae nakuha niyo?"
" Lahat, jackpot boss. Madaming laman yung vault!" saad nito, rinig ko naman yung pagtatawanan nila.
"Ano plano dito sa anak boss."
" Patayin niyo." natatawang saad nito saka lumapit sakin at hinila ako patayo. " gusto mo na ba mamatay bata?" tanong niya pero marahan lang akong umiling. " SAGOT!!"
" Wag niyo po ako patayin please?" pagmamakaawa ko pero tinutok lang sakin nito yung baril sa dibdib ko. " Wag po." mahinang saad ko, tumango lang to saka ako sinalya sa gilid.
" Kayo na tumapos dito sa batang to." saad nito saka may kinuha sa bulsa na papel. " Ilagay ito sa bangkay niya huh."
" Please maawa po kayo, hindi ako magsasalita. Pangako po, parang awa niyo na po." nakaluhod na saad ko hanggang iharap nito sakin yung papel, natigilan lang ako ng mabasa yung nakasulat dito.
" Naiindihan mo na kung bakit di ka pwede mabuhay?" ngiti nito, napalunok lang ako.
Sabay sabay lang kaming napalingon sa taas ng may marinig na bumagsak duon, Nanlaki lang yung mata ko. Shit!
" May kasama ka dito?" agad naman akong umiling.
" Wala, wala po akong kasama."
" Akyatin niyo."
" No, wala po akong kasama!" tarantang saad ko, pero natawa lang yung pinakaboss nila kaya agad akong tumakbo papunta sa hagdan saka humarang dito. " No." iling ko hanggang marinig ko yung sirena ng pulis sa labas.
" Parak boss!"
" Tangina." gigil na saad nito habang nakatingin sakin. " Akyatin niyo! Wala akong pakialam kung mahuli tayo basta patayin yung dalawang anak!" sigaw nito, nagmamadali lang akong umakyat sa taas ,
" No, Hindi pwede." bulong ko kasabay ng luha sa mata ko.
Nagtago lang ako hanggang makakita ng tyempo ay agad ko lang binigyan ng malakas na suntok yung unang umakyat.
" Dalian niyo akyatin niyo!!" rinig kong sigaw nito. " kayo itakas niyo na yang pera na yan, kami na bahala dito."
" Shit!" bulong ko ng makita yung tatlong paakyat sa hagdan, pagtapak nila sa ikalawang palapag ay agad ko silang sinugod.
" Lalaban ka?!" hawak nung isa sakin saka ako binigyan ng malakas na suntok sa sikmura pero siniko ko lang yung nasa likod ko saka binigyan malakas na sipa yung sumuntok sakin. Aktong susuntukin ko pa yung isa ng makita kong nakaakyat na yung pinakaboss nila habang nakatutok yung baril sakin.
" Nakatawag ka ng pulis huh." ngiti nito, tumulo lang yung luha ko saka binigyan sya ng matalim na tingin. " Dun sa kwarto na yun." turo nito sa kwarto ni Kibo, nanlaki lang yung mata ko saka umiling.
Nagsimula lang humakbang yung isa papunta sa kwarto ni Kibo na bukas na bukas ang pinto.
" Neko!" rinig kong sigaw ni Allen sa baba dahilan para mapalingon silang lahat. Patakbo naman ako tinungo yung kwarto ni kibo pero nahawakan lang ako ng isa pero agad ko tong sinuntok sa mukha na dahilan para mabitawan ako.
Aktong papasok ako ng kwarto ng marinig ko yung malakas na putok ng baril kasabay ng pagtama ng kung ano sa likod ko, pagharap ko ay isang putok pa yung narinig ko na tumama naman sa dibdib ko.
Nang sandaling yun parang tumigil ang oras.
Parang huminto sa pag galaw ang mundo.
Kailangan pa ko ni Kibo..Kailangan pa niya ko.
"Taas ang kamay!" rinig kong sigaw ng mga pulis, nang lumingon ako nakita ko lang yung ngiti nung pinakaleader sakin habang nakataas ang kamay. Hanggang maramdaman ko yung pagtulo ng dugo sa labi ko at unti unti akong mawalan ng balanse at matumba.
Nang lumapat yung ulo ko sa sahig ay nakita ko lang si Kibo na nakahiga din sa sahig ng kwarto at walang malay.
" Neko." saad ni Allen paglapit sakin, tumulo lang yung luha ko habang nakatingin kay kibo.
I'm sorry.
" Neko, wag kang susuko huh, parating na yung ambulansya." umiiyak na saad ni Allen.
" Si Kibo." bulong ko kasabay ng luha. " Please protect him."
SI ALLEN
Hindi ko lang mapigilan yung mga hikbi ko habang nasa bisig ko yung katawan ni neko na duguan, " Neko, no." iling ko saka pilit nilalagyan ng pressure yung dibdib niya kung saan may tama ng bala. " Neko wag kang bibitaw please." hikbi ko pero para akong nanghina ng oras na yun ng makita yung dahan dahang pagpikit ng mga mata niya kasabay ng isang ngiti sa mga labi.
No..please hindi pwede..
" Si kibo." bulong ko saka inayos si neko at pumasok sa kwarto, nakita ko lang si Kibo na nasa sahig habang walang malay, nang hawakan ko sya naramdaman ko lang yung init ng balat niya. " tulong po ditoo!!" sigaw ko.
Nahuli lahat ng pumasok sa bahay nila Neko, si Kibo at neko ay dinala sa ospital ngunit dineklarang dead on arrival na si Neko.
Nang gabing yun, dumating din yung parents nila pero tanging malamig na bangkay na neko ang naabutan. Hindi ko lang mapigilang umiyak habang yakap yakap ni tita samantha si Neko na wala ng buhay. Si Tito Ben naman ay nakasandal lang sa pader habang umiiyak.
" Anaak ko..Ben si nekoo." hagulgol ni tita samantha.
Wala sa sarili naman akong humakbang palabas, hinayaan yung luha kong tumulo habang pinagmamasdan yung mga taong labas masok sa ospital na yun. "Wala na si Neko, wala na sya." bulong ko kasabay ng hikbi.
Kinabukasan agad ko lang tinawag sila tita samantha ng makita kong nagising si Kibo, wala na tong lagnat pero sabi ng doctor nadengue daw si kibo kaya kailangan iconfine.
" Kibo?" saad ni Tita samantha, kita ko naman na ngumiti si Kibo saka niyakap yung Mommy niya.
" Mom, nakauwi na kayo?" saad nito hanggang ilibot niya yung tingin sa paligid at makita yung dextrose sa kamay niya. " What is this?" natatawang saad niya. " Dinala talaga ako ni Kuya Neko sa ospital?"
Nakita ko lang na tumingin sakin si Tita Samantha.
" Wheres kuya?" tanong niya, nakita ko lang na nagsimula umiyak si tita samantha. " Why? What happened." hanggang magtama yung mata namin ni Kibo. " What?" saad niya, tumulo lang yung luha ko saka marahang umiling.
" Wala na yung kuya mo Kibo." hikbi ni tita Samantha, kita ko lang yung pamimilog ng mata ni Kibo saka umiling.
" What?"
" He's dead, naabutan namin syang walang buhay sa kwarto niya. He died in his sleep." Saad ni Tito Ben, Natigilan lang ako saka napatingin kay Tito Ben.
" Ano pong sinasabi niyo?" tanong ni Kibo.
" Wala na sya Kibo." saad pa ni tito ben, kita ko lang yung pagtulo ng luha ni Kibo, niyakap naman sya ng Mommy niya.
Lumabas lang ako ng kwarto saka nagmamadaling humakbang palabas ng hospital.
Hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko saka pumikit.
Neko.
PRESENT
SI KIBO
" Thank you sa padala sakin sa yacht nila Jessica huh, I really enjoyed it." lingon ko kay Allen habang nagdadrive sya pauwi sa bahay. " Kahit muntik mo na ko magahasa."
" Pwede naman kita gahasain kapag tulog ka, pero dahil mabait ako. Fine, aantayin ko na muna na makipaghiwalay ka kay keith kahit wala naman talaga kayo." saad niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " kaya mo ba?"
" Yeah." tango ko pero nanlaki lang yung mata ko ng may makitang kotse sa harap ng gate namin, kahit malayo alam ko si Keith yung nakasandal sa kotse habang nakatingin sa bahay namin. " Stop!" sigaw ko, tinigil naman ni Allen yung sasakyan.
" Si Keith."
" Wow may kotse na sya huh."
Napalingon lang ako kay Allen ng makita na nakatingin na samin si Keith saka to humakbang papalapit.
" So, ano gagawin natin?" ngiti ni Allen, Nakagat ko lang yung labi ko ng tumapat si Keith sa kotse saka kumatok sa bintana. " kausapin mo na sya."
Dahan dahan lang bumaba yung bintana.
" Keith." saad ni Allen hanggang magtama yung mata naming dalawa ni Keith.
" Bakit kayo tumigil? Wala man lang Hi kibo?" saad niyang nakatingin sakin, Nagbigay lang ako ng pilit na ngiti saka umiwas ng tingin. Nang tingnan ko si Allen, tinanguhan niya lang ako kaya bumaba na ko ng kotse. " Ano ibig sabihin nito Kibo? Iniiwasan mo ko?"
" No, bakit kita iiwasan?" saad ko. " Busy ka di ba?"
" Then bakit di mo sinasagot mga tawag ko?"
" Kami na ni Allen." mahinang saad ko, kita ko naman yung ngiti ni Allen pagbaba ng kotse niya.
" What?!"
" Sinagot ko na sya, wala naman tayo relasyon di ba so I don't think kailangan ko pa sabihin sayo."
" Ano sinasabi mo?!"
" Kibo let's go." yaya sakin ni Allen.
" You shut up!" Inis na saad ni Keith. " Pano naging kayo?"
" I like him."
" Nababaliw ka na ba?"
" Uhm We need to go." saad niya kong tumalikod aktong bubuksan ko yung pinto ng kotse ng hawakan niya yung kamay ko pero agad ko piniksi yung braso ko para mabitawan niya ko.
" Ano ba problema huh!"
" Wala, keith I just like him?"
" Pero ako mahal mo di ba?"
" Before." saad kong sa ibang dereksyon nakatingin, nakita ko naman na binuksan ni Allen yung pinto ng kotse.
" get in Kibo."
" No!" aktong hahawakan niya yung kamay ko ng humarang sakin si Allen.
" Akin na si Kibo." Saad ni Allen. " I told you, aagawin ko sya sayo."
" Sayo si Kibo?" lumingon sakin si Allen saka ngumiti. Umiwas lang ako ng tingin ng tingnan ako ni Keith.
" Yeah, he is mine now." saad niya. " Ako na yung pinili niya."
" Kibo." saad ni Keith.
" Keith, I'm sorry."
" I love you, at akin ka lang!" gigil na saad niya saka tumitig kay Allen. " If you really love him Why don't you tell him first what really happened that night, what really happened to Neko!?" Rinig kong saad ni Keith na nagpakunot ng noo ko. Pano napasok si Kuya Neko?
" What about kuya Neko, Keith?" nagtatakang tanong ko.
" What are you talking about?" saad ni Allen.
" Neko did not died in his sleep, he was shot!" Gigil na saad ni Keith habang nakatingin sakin.
" What?" maang ko. " Ano sinasabi mo?"
" Nagsinungaling sila sayo, lahat sila." sarkastiko niyang saad. " Pinatay si Neko, pinatay sya. Your dad, your Mom and this shit! Lahat nagsinungaling sayo!" gigil na saad niya, nagsimula lang dumaloy yung luha sa mata ko kasabay ng pag iling.
" You're lying." mahinang saad ko.
" No, I am not. Yun ang totoo! Pinatay si Neko!"
" Kibo, let me explain." saad ni Allen saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. " Sasabihin ko sayo kung ano yung nangyare."
" Is it true? Yung sinasabi niya, totoo ba?" mahinang saad ko hanggang makita ko yung pag tango niya kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya. " Is it true?" ulit ko.
" Yeah."
" WHY!" gigil na sigaw ko.
" So mahal pa din tong sinungaling na to?" saad ni Keith pero hinarap lang ni Allen si Keith saka to binigyan ng malakas na suntok. Hinayaan ko lang sila habang nakatanaw sa bahay namin.
wala sa sarili akong humakbang papunta sa sa bahay namin.
Nung nawala si Kuya neko napakadami kong tanong, mga tanong na alam kong pilit nilang iniiwasan. Dahil kailangan ako iconfine ng ilang araw ay nilibing nila si Kuya Neko na wala ako, never got a chance to see him for the last time.
Sabi ni Mommy na mas okay na maalala ko si Kuya Neko na masaya, na nakangiti at hindi nakalagay sa kabaong.
the last thing I remember was him hugging me, holding my hands.
Napapikit ako ng maalala yung pakiramdam nung pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Tumulo lang yung luha ko ng maalala yung mga huling salita na binigkas niya.
" Mahal na mahal kita bunso."
Pagpasok ko ng gate natanaw ko lang si Mommy at Daddy na nasa pinakaharap ng bahay.
" Kibo you're back." ngiti ni Mommy ng paglapit ko.
" Anak." saad din ni Daddy na may ngiti sa labi.
" Si kuya Neko." mahinang saad ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko. " Why did you that? Why did you lie to me?"
SI VANESSA
Nakapupo lang ako sa puntod nun ni Cherry nang mapansin ko yung bulaklak na nasa ibabaw ng katabing puntod.
It's lavender.
Tuwing pupunta yata ako dito laging punong puno ng bulaklak yung puntod na to, sobrang dami sigurong nagmamahal sa taong to, samantalang sayo Cherry ako lang nagdadala ng bulaklak, asan na ba kasi si Neko?
" Matutuwa kaya sya kapag nakita niya yung chekko?" natatawang saad ko. " Kung may syota sya ngayon, malamang magalit yun kapag nalaman niyang sa ex ni Neko galing yung pangalan na yun."
Tumayo lang ako saka kinuha yung bulaklak na yun at inamoy, hanggang mabasa ko yung pangalan na nasa puntod na yun.
" Neko Rodriguez?"
SI TREY
Nakaharap ako nun sa malaking salamin na nasa kwarto ko habang pinagmamasdan yung sariling reflection.
"Ang gwapo po talaga Trey." saad ko.
Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng maalala yung ngiti ng taong yun, mga ngiting nagpabago sa buhay ko, taong kahit kailan ay di ko makakalimutan.
Kinapa ko lang yung kwintas na suot ko saka to nilabas mula sa suot kong polo. May pendant to na T shape na may teardrop sa taas.
" The key of life." bulong ko.
ITUTULOY