(Ipinagdadasal ko rin po ang pagbuti ng kalagayan ng Pilipinas, sa mga nasalanta ng malakas na ulan..don't lose hope, we can get through this.)
This is episode 10 of Perfect Two, and I hope you'll like it. :) Yun ay kung may nagbabasa pa nitong series na ito heheh.. anyway, enjoy reading! Just leave comments :P
Episode 10 - Tears from the Sky
Biglang lumapit sa kanya yung bata kanina at yumakap sa
kanyang hita.
Napatitig lang ako dun sa bata..Siya yung bata sa
elevatoryung kasama nung babae…na nanay niya..at tinawag niyang papa si kuya
Vinvin..so ibig sabihin…ibig sabihin….may anak na siya!!
Napatingin ako kay kuya Vin. Habang unti-unti kong inaabsorb
ang mabilis na pangyayari, naguumpisa nang magtubig ang aking mga mata. Parang
gusto ko siyang sampalin..Parang gusto ko siyang suntukin…Niloko niya
ako..Akala ko totoo siya..hindi pala..
Hindi naman siya makaimik habang nakatingin lang din sa
akin. Parang gusto niya akong lapitan at parang may gusto siyang gawin ngunit
hindi niya ito magawa.
“Hi hon!” biglang lumapit sa kanya yung babaeng nakasabay ko
sa elevator. Bigla siyang hinalikan sa pisngi.
And that killed me..Pumatak ang unang luha sa aking mata..hindi
ako makagalaw, gusto kong tumakbo.. but it seems like my feet are glued to the
floor..
Lumapit sa akin yung bata. “Bakit ka iyak?” tanong niya.
Kaagad kong pinunasan ang luhang lumabas sa aking kanang
mata. “Oh no, I’m not crying..There was just something in my eye..” at
nginitian ko siya. Ayoko namang ibuhos sa bata ang galit ko sa tatay niya..
Hindi naman fair yun diba?
Umupo ako para magka-level kaming dalawa. “Ang cute cute mo
talaga!” at pinisil ko ng marahan ang pisngi niya. Tiningnan ko si Kuya Vinvin.
Kamukhang kamukha niya talaga yung bata…But I gave nothing away..I tried to
look as if nothing’s wrong with the situation.. as if I don’t feel any
regrets..nor anger..nor pain..
“You know each other?” tanong ng asawa niya.
“Ah..Oo..” Yun lang ang tanging naisagot niya.Hindi
natanggal ang tingin niya sa akin…His eyes are like penetrating through mine,
perhaps seeking for my heart, trying to explain..trying to apologize.. Pero
hindi niya kayang gawin.. Because I’m not letting him.
“How?” tanong ulit ng asawa niya.
Ako na ang sumagot sa tanong niya. “My parents know him.
He’s a family friend.” I tried to speak as casual as I can. I don’t want my
emotions to overcome me…
“Ahh..Hi, I’m Jessa, Marvin’s wife. And this is our son,
Vincent.” Nginitian niya ako habang ipinakikilala niya ang kanilang anak.
“I’m M—” I hesitated
to say my name.. “I’m Theopher.” Ewan ko kung bakit ndi ako nagpakilala bilang
Marvin..Maybe I felt na it’s just another way of connection sa asawa niya.. And
I’m trying to get him out of my system na nga,.
But I don’t think I can handle it much further…As every
second ticks on the clock, my feelings are starting build up, like boiling lava
ready to burst out. So naisipan kong umalis na..Kunyaring tinignan ko yung relo
ko, Although wala pa akong 10 mins dito, it felt like forever. “Uhhmm I have to
go,. it was nice seeing you kuya,” I looked at him, gave away a fake smile, and
moved on to the kid. “It was nice meeting you little kiddo!” Pinisil ko yung
pisngi niya..Natawa naman siya.
I gave one last look to the family, and then I left.. Right
at the moment when I turned my back to them, my tears rapidly burst out of my
eyes. They’re like water trying to get out of a dam, and succeeded. My cheeks
felt warm as tears continuously flow down. I reached the elevator, and luckily,
no one’s there. So no one’s going to witness all my drama.. The elevator’s
about to close, when someone manage to put his hand on the doors and stopped
it.
It was him. The guy who lied to me. The guy who made me look
like a fool. The guy who manage to manipulate me. The guy who crushed
everything in me.
I didn’t dare look at him. It will only make me disgust
myself. I fell inlove with a guy twice my age. I made myself believe that he
loves me back. But I just turned myself into a fool. I’m so gullible. I’m such
an idiot.
He went beside me, but kept a couple of feet away. Mga ilang
Segundo rin sigurong naging tahimik ang loob ng elevator, nagtaka nga ako kung
bakit ang tagal nmn naming dumating sa baba. I don’t know kung hanggang kailan
ko matitiis na nandito siya ngayon, kasama ko..And that’s when I realized that
we came from the 30th floor. So it’s a long way down.
“Little Vinvin— ” Hindi pa tapos ang sasabihin niya pero
pinigilan ko na siya.
“Don’t even call me that name.” My voice was as cold as ice.
Naramandaman kong papalapit na sa kamay ko ang kamay niya.
“Don’t even try to touch me.” Pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay
hinawakan niya ang kamay ko. Dahil doon ay sinampal ko siya.
Hindi siya umaray, hindi siya nagalit. Because he has no
right to. And I do. I have every reason to get mad. I have every reason to cry
out loud. But I’m still holding myself.
“I’m sorry..” Ang tangi niyang nabanggit.
“You’re sorry?!” At doon nag-init na dugo ko. “You lied to
me! You made me look like a fool!”
Natahimik lang siya. Napansin kong lumuluha na rin siya. But
I don’t feel any guilt nor pity on him. He’s the one who needs to feel guilty
for what he did.
“I didn’t mean to hurt you..” sambit niya.
At nakatikim siya muli ng isa pang sampal. “You didn’t mean
to hurt me?! Eh kung ganon ano?! Gusto mo kong mapasaya?! Mukha ba kong
masaya?!!”
“I’m sorry..” sabi niyang muli.
“I believed you when you told me you love me. I thought you
we’re telling the truth. Pero niloloko mo lang pala ako all this time..”
“That’s not true.. Minahal kita..” sabi niya.
“Minahal mo ko? Hindi mo ko minahal! Niloko mo lang ako!”
And the elevator bell rang. Nasa ground floor na kami.
Kaagad akong lumabas at hindi na siya hinintay pang makapagsalita.
“Marvin wait!” sinubukan niya akong pigilan ngunit
tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad palabas.
Biglang dumami ang mga tao. I took this as my advantage, the
more the people, the less chances na maabutan niya ako. I tried to squeeze
between the people rushing through the doors as I make my way out of the
building. I finally got out. That’s when I realized why people are streaming
into the building.. It’s raining.
Mukhang hindi na ako naabutan nung lalaking yun. Hindi ko na
rin kasi naririnig yung boses niya.. maybe dahil na rin sa lakas ng ulan, or sa
mga taong nagsisigawan dahil nababasa sila ng ulan. Hindi ko na inindang
mabasa, basta lumabas na lang ako, at hinanap kung saan kami nakapark kanina.
Nakita ko naman ito kaagad at tumakbo papunta doon. Mukhang nakita na nila ako
dahil binuksan kaagad nila ang pinto ng makalapit na ako sa kanila.
“Anak! Bakit ka sumugod sa ulan? Sana
tinawagan mo na lang kami..Ayan oh, nabasa ka pa tuloy.”
“Okay lang po ako mommy.” Pero hindi naman talaga. Buti na
lang nabasa ako, kung hindi, mapapansin ni mommy ang mga luha ko.
Kumuha ng towel si mommy sa bag namin at pinunasan ang ulo
ko. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang T-shirt. “Oh magpalit ka
muna,..Ikaw talaga Marvin Theopher Castillo. Mamaya maagkasakit ka pa niyan!
Paskong pasko magkakasakit ka!”
Oo nga pala.. Dec. 19 na ngayon.. Winter Vacation namin kaya
kami nakauwi. Gusto rin kasi namin magpasko dito. Sa makalawa naman ang dating
nila daddy at ng mga kapatid ko, may naiwan pa kasing trabaho si daddy kaya
nagpahuli na siya..At para may kasabay na rin umalis si daddy, nagpaiwan na rin
muna yung dalawa kong kapatid.
Kinuha ko yung T-shirt at nagpalit na ako. “Uwi na po tayo,
mejo pagod na rin po kasi ako eh.”
“Talagang uuwi na tayo..”
Sinubukan kong itulog na lang ang lahat. Siguro dahil na rin
sa pagod sa byahe kaya ako nakatulog. Pag-gising ko, malapit na kami sa bahay
namin. Ilang oras rin ang nagging byahe namin mula sa Manila .
At di katulad sa Maynila, dito’y maliwag na maliwanag ang araw.
“Anak malapit na tayo ha, wag na nang matutulog.” Sabi ni
mommy.
“Matutuwa po silang lahat pag nakita kayo Ma’am” sabi ng
driver namin.
“Wala ka namang pinagsabihan na darating kami diba?” tanong
ni mommy.
“Wala po.Sabi ko po sa kanila na hihiramin ko muna itong
kotse dahil may ihahatid akong kamag-anak na pupunta sa Maynila pra
magpagamot.” Sagot naman ng driver namin.
Mga lang minuto lang ay nakarating na rin kami.
Hindi naman kalakihan yung bahay namin. Tama lang para sa
amin. May 3 floors. Pagpasok mo ng bahay nasa gitnang floor ka kaagad, so may isang
floor sa taas, may isang floor sa baba. Nasa itaas yung mga kwarto, nasa ground
floor yung living and dining, tapos nasa ibaba yung playing area, study area,
kitchen then may extension na ginawa para sa kwarto ng mga kasambahay at
driver. Also, may garden sa harap, garage sa gilid ng bahay, and pool sa likod.
Pagbukas ng main door, nakita kaagad namin ang lola ko.
“O! Annie, anak!!!” sabay yakap sa nanay ko. “Apo !”
niyakap din ako ng lola ko. “Bakit hindi man lang kayo nagpasabing uuwi kayo?”
“Ma, gusto kasi namin ikaw supresahin.” Sagot ng mommy.
Ngumiti na lang ako.. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam, parang hindi ko
pa kaya.
“O halina kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain.”
Niyaya kami ng lola ko sa loob.
“Welcome back po Ma’am, Sir!” bati sa amin ng mga kasambahay
namin.
Nginitian ko naman sila.
“Salamat.” Sabi naman ni mommy.
“Mom, can I go to my room? I’m tired and sleepy.” Tanong ko
sa nanay ko.
“Ha? Hindi ka ba nagugutom?” tanong niya.
“Hindi po..” sagot ko naman.
“O sige, pero pag nagutom ka bumaba ka lang ha, nandito lang
kami ng lola mo.”
“Ok po.” At umakyat na ako. Pagdating ko sa kwarto ko
nandoon na ang mga gamit ko, marahil ay naiakyat na kaagad ni Kuya Joseph, yung
driver namin. Nilock ko yung pinto.
Kaagad akong humiga..hindi na ako nakapag-pay attention sa
mga bagay sa paligid ko, kung may nagbago ba or may nagalaw.Basta ang nasa isip
ko lang ngayon, I was a fool..I was stupid..
At habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko, muli
nanamang pumatak ang mga luha sa aking mga mata..Napakatanga ko..Naniwala ako
na mahal niya ako. Naniwala ako na totoo siya sa akin..sinabi ko sa sarili ko
na hindi niya ako lolokohin..Pati mga kaibigan ko hindi ko pinakinggan..
Nagpakatanga ako.. nagpakabobo..nagpakabulag.. At anong napala ko? Ayan, puro
luha..puro sakit…puro pagsisisi.. Sana
nakinig ako sa mga kaibigan ko..Sana
hindi ako nagpadala..sana hindi ko
na lang siya minahal…
At humagulgol na ako..Bakit kasi napakatanga ko?
Arrghhhh!!!!!
Niloko niya ako..tapos sasabihin niya sa akin na minahal
niya ako? Eh gago pala siya eh! And he expect me to believe him? After all that
happened? Argghhh!!!!!
Asar na asar ako sa sarili ko..Kaya naisipan kong
mag-shower,.
I stripped off my clothes and went in front of the rushing
cold water, hoping that the water washes off everything..all the anger..all the
memories..all the pain..I realized na mas lalo akong naiiyak sa ginagawa
ko..the more I try, the more it’s coming back, the more it hurts.. I quickly
finished off and rushed into my bed, without even wearing anything but my
boxers.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Pag-gising ko, umaga na ng sumunod na araw. Tumayo ako para
maghilamos. Pagkatapos ay lumabas sa balcony ng kwarto ko. The sun is starting
to leave the horizon. I sat down on the floor and watch the beautiful sunrise..I
watched the rays of sunlight slice through the sky of darkness. Kung gaano
kaganda ang view, ganoon naman kalungkot ang nararamdaman ko.. Tumulo nanaman
ang luha ko..nagtataka na nga ako eh, hindi napapagod ang mga mata ko..Naasar
na nga ako kasi hindi ko pa rin makalimutan..Palagi na lang bumabalik..Prang
hindi ko na talaga maiialis..
Hindi ko napansin ang pagdilim ng langit..Naramdaman ko na
lang ang mga patak ng ulan sa aking likod. Parang nakikiramay sa akin ang panahon..Inangat
ko ang aking ulo para tignan ang langit..Ipinikit ko ang aking mga mata at
hinayaang dumaloy ang tubig-ulan sa aking mukha. Tumayo ako at lumapit sa edge
ng balcony.
Gusto kong makalimutan ang lahat..gusto ko siyang
makalimutan..gusto kong matanggal lahat ng sakit..gusto kong matanggal na lahat
lahat….Pero bakit ayaw pa rin??
Parang gusto ko na lang tumalon mula sa balcony ko. Parang
gusto kong magpakamatay..Pero natatakot ako..takot na takot..
Napaluhod ako at napauko.Magkasabay na tumutulo ang aking
mga luha at ang ulan. Mga ilang minuto rin siguro akong nasa ganoong posisyon
ng bigla na lang may nagtapal sa aking ng twalya o kumot.. hindi ko alam..basta
medyo makapal na tela.
Ng iangat ko ang ulo ko’y bigla na lang itong sumakit at
ako’y nahilo. Marahil dahil sa tuloy tuloy kong pag-iyak, at pati na rin sa
pagbababad ko sa ulan. Sinubukan akong itayo ng taong nasa likod ko ngunit
bigla na lang akong hinimatay..At iyon na ang huli kong naaalala.
Pag-gising ko, nasa kama ko na ako at
nakasuot ng ibang damit. Sinubukan kong tumayo ngunit biglang kumirot ang ulo
ko.. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari..umiiyak ako, umuulan, may
dumating, itinayo ako, hinimatay ako.. Yun lang…Pero sino kaya yung tao na
yun?? Si mommy kaya?? Baka si mommy nga, siya lang naman ang makakapasok sa
kwarto ko..
Napansin kong may isa pang maleta sa tabi ng pinto ng closet
ko. Kanino kaya iyon? Baka kay mommy.. Ayoko nang mag-isip pa dahil baka mas
sumakit lang yung ulo ko.
Sinubukan kong tumayo. Medyo kumirot muli ang ulo ko, pero
tiniis ko muna, tumingin ako sa labas, palubog na ang araw. Mukhang mahaba rin
ang itinulog ko. Simula kahapon, halos isang buong araw na akong tulog.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba.
Habang pababa ako, narinig ko ang mga tawanan ng mga tao.
Parang narinig ko ang boses ng daddy ko. Kaya kaagad akong bumaba para tignan
kung siya nga ito..
“Oh anak! Gising ka na pala.” Lumapit ako para yakapin ang
tatay ko.
I wanted to hide everything that happened. Ayokong makita
nila akong may problema, dahil ayoko ng mag-alala ang mga magulang ko.. So I
acted casually. “Kailan pa kayo dumating?” tanong ko.
“Kaninang umaga lang kami dumating nila kuya mo.” Sabi niya.
“Nasaan sila kuya?” tanong ko dahil hindi ko sila napansin.
“Naku, pagdating na pagdating dumiretso na sa kwarto nila,
mukhang napagod sa biyahe.” Sabi ni daddy.
Biglang nagtinginan ang mga magulang ko at nag-ngitian.
Nagtaka naman ako sa ginawa nila. Pagkatapos ay tumingin sila sa akin ng
nakangiti. “Anak, may bisita ka nga pala.” Sabi ni mommy.
“Bisita?” Nagtaka ako. “Sino po?”
“Nasa baba siya sa study room. Hinihintay ka niya dun.” Sabi
ni mommy ng nakangiti.
Sino naman kaya yung bisita na sinasabi ni mommy? There’s
only one way to find out. I went downstairs to see who’s my mysterious guest
is. Sabi ni mommy nasa study room daw siya. So dun ako pumunta. Pagbukas ko ng
sliding door, inikot ko ang mga mta ko, ngunit walang tao doon. Pumasok ako at
pumunta sa couch baka kasi nakahiga siya ngunit wala pa rin.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagtakip ng mga mata ko..Pamilyar
ang mga kamay niya. Could it be? Pero pano?
“Paul?” tanong ko.
Tinanggal niya ang mga kamay niya at humarap ako sa kanya.
“Surprise!” sabi niya ng nakangiti.
I knew it..My bestfriend and I know each other too much para
magkamali sa mga ganyang bagay.Kahit nakapikit kami, alam namin na siya yun
kahit sa hawak lang ng kamay, dikit ng katawan, or minsan pa nga kahit sa
paghinga lang.. Alam naming dalawa kung may problema yung isa, kung natatakot
ba siya..kung umiyak ba siya.. or nagsisinungaling..Ewan ko ba kung panu namin
nalalaman yung mga ganun..basta ganun kami ka-close..
Napatitig lang ako sa kanya. At bigla na lang siyang niyakap
ng mahigpit.
“Oh mukang namiss mo ko ah.” Tumugon naman siya at niyakap
niya rin ako..Hindi na ako nagsalita..
This is what I needed…someone to hold on to.. Someone who I
really trust.. Someone who makes me feel secure.. Someone who makes me feel
safe..Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak sa aking mukha.
“O, bakit ka umiiyak..nandito na nga ako diba?” sabi niya.
Kumalas ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko..Hindi niya
dapat mahalata..kaya binago ko ang topic.
“Pano? Bakit ka?.”
At sinagot na niya kaagad ang tanong ko bago ko pa man
masabi ng maliwanag ang tanong ko. “Nabalitaan ko kasing umuwi ka,..Ikaw hindi
mo man lang sinabi sa akin..nagtatampo na ako sa’yo ha..Hindi na nga tayo
lagging nagkakasama, tapos hindi ka pa nagpaparamdam..” sabi niya.
“Sorry..” yun lang ang nasabi ko.
“Plano ko na rin
kasing umuwi ng Pinas para sa Pasko. Nakapagpa-book na kami noon , kaya lang biglang hindi pwede si mama at papa,
i-cacancel na dapat namin..tapos nalaman ko nga na uuwi din sina Tito, yung dad
mo, kaya naisipan kong sumabay na sa kanila,.pinayagan naman ako ni mama since
kilala na naman nila kayo.” Paliwanag niya.
So kung kasabay siya nila daddy, marahil sa kanya yung
maleta sa kwarto ko.. At baka siya rin yung taong tumulong sa akin…Nakita niya
kaya akong umiiyak? Sana hindi..
Kasi hindi titigil si Paul hangga’t hindi ko sinasabi sa kanya kung bakit ako
umiiyak, pipilitin niya ako ng pipilitin hanggang umamin ako.
“Teka, kumain ka na ba? Sabi ni tita hindi ka pa rin daw
bumababa ng kwarto mo since yesterday..”
“Medyo nagugutom na nga ako eh..” sabi ko.
“Saktong sakto! Nagugutom na rin ako! Tara
kain na tayo! Lalo na masarap palang magluto yung lola mo!” sabi niya habang
abot tenga ang kanyang ngiti…
At umakyat na kami para kumain. Nagluto ng kare-kare ang
lola ko. One of my favorites. Besides Calderetang Manok, Pork Steak, at marami
pang iba!
Naabutan naming nakaupo na silang lahat at kami na lang ang
hinihintay.
“O anak, halina kayo’t kakain na tayo. Nagluto ang mama ng
kare-kare.” Paanyaya sa amin ni mommy.
Umupo kaming magkatabi ni Paul. Pero hindi kami
nag-usap..Nagngingitian pero walang salita.. Nakikinig naman ako sa mga pinag-uusapan
nina daddy. Dahil nga sandali lang kami dito, pinagpaplanuhan nila ang mga
gagawin namin para masulit ang bakasyon. Merong suggestion na pumunta sa
Boracay, sa Baguio , Palawan ,
Mindoro , Cebu , Bohol ,.
Gusto ko na ngang sabihin na bakit hindi namin ikutin ang Pilipinas para mas
masaya.
At ayon, napagdesisyunan na nga na bukas, pupunta kami sa isang
beach resort sa Palawan , then babalik ulit kami dito sa
24, para dito magcecelebrate ng Christmas Eve. So 3 nights and 4 days kami
dun..
Mukha namang excited silang lahat. Pati si Paul abot tenga
ang ngiti,. Nakingiti na lang din ako sa kanila, para naman hindi ako panira sa
mood diba?
Pagkatapos kumain, umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at
dumiretso sa balcony. Sumunod naman sa akin si Paul.. Umupo kami sa sahig, at
sumandal sa nakasarang sliding glass door na nilabasan namin galling sa kwarto
ko. Magkatabi kaming nakaupo.. Hindi nagsasalita, hindi nagtitinginan.. Basta
nakatingin lang sa kawalan, habang umiihip ang hangin.
Bigla niyang ginalaw ang kanang kamay niya at inakbay sa
akin.Hindi ko naman siya pinigilan.. Pagkatapos ay isinandal niya ang ulo ko sa
balikat niya.
“Sige na, ilabas mo na yan,.” Sabi niya.
Pero wala pa rin akong ginawa..Nakatulala lang ako habang
nakahiga sa balikat niya.
“Wag nang mahiya..tayong dalawa na lang oh..Wala namang
makakakita..sige na..” sabi niya muli.
Pero wala pa ring epekto sa akin..siguro nagging manhid na
ako…
“I’m here for you..” bulong niya.
At dun na ako nag-umpisang umiyak.. Napayakap ako sa kanya
ng mahigpit.. “Ang sakit sakit…ang sakit sakit Paul..”
“Minahal ko siya…sabi niya mahal niya rin ako…pero hindi
pala…niloko lang niya ko…niloko lang niya ko…” at patuloy pa rin ang pagiyak
ko..
“Ang tanga tanga ko,.ang tanga tanga ko!” sinubukan kong wag
ilakas ang boses ko dahil baka may makarinig sa amin.
“Shhh…wag mong sabihin yan…hindi ka tanga…nagmahal ka lang…yung
gago nay un ang tanga..gago siya..gago siya..pag nakita ko pagmumuka no
papasabugin ko mukha nun!” galit na sambit niya..
Patuloy naman ang pag-iyak ko.. Mga ilang Segundo rin siguro
kaming nagging tahimik at nanatili sa ganoong posisyon. Ng bigla na naman
umulan..Lagi na lang…Pangatlong beses na to ha..Parang gusto talaga akong
basain ng langit..parang sinasabi sa akin na “Maligo ka na! ang baho baho mo!”
joke.
Napatingin kami sa isa’t isa. Nginitian niya ako.ngumiti
naman ako pabalik..
“Salamat nga pala sa pag-buhat sa akin kanina ha.” sabi ko.
Alam kong siya yung bumuhat sa akin kanina..nararamdaman ko..
Ngumiti lang siya. “Wag na iyak ha? He’s not worth it.”
Nginitian ko naman siya pabalik. Tama si Paul, he’s not
worth the tears. Bakit ko iiyakan ang isang lalaking manloloko? Isang lalaking
walang kwenta.. isang taong nananakit ng iba..Hindi..hindi ko siya iiyakan...maaring
umiyak ako kahapon..pero hinding hindi na ako iiyak..malulungkot ako..pero
hindi ako iiyak..alam kong hindi ko siya makakalimutan kaagad..pero kailangan
kong gawin..para sa sarili ko..ayoko ng umiyak..ayoko na..
Pinahid niya ang magkahalong tubig ulan at luha sa aking
mukha..And what happened next surprised me..and it will surprise you too..
He kissed me..
-------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.
Ay.... Nabitin si ako....
ReplyDeleteWelcome back Vincy!!!! IMY!
btin namn sana next chapter agad
ReplyDeletenice story po.. na touch ako? huhuhuhhuhuh
ReplyDeletekala ko napabayaan na to ehh , buti nmn hindi pa pla bumitaw ang author :) hahahah , i missed this
ReplyDelete-nikk