Followers

Monday, August 20, 2012

Munting Lihim [10]


[10]: Kaparehong Singsing

By: Mikejuha

Author’s Note:

PANAWAGAN SA MGA GUSTONG MAG-SPONSOR SA AMING PROJECT: MSOB BOOK ANTHOLOGY:

Kauna-unahang book anthology poject po ito ng MSOB at para po sa mga mga supporters, fans and followers na nagnanais makatulong sa ating minamahal na mga amateur writers upang magkaroon sila ng book upang mas maengganyo pa silang magsulat, nais ko pong manawagan para sa inyong donation or sposnsorship sa para sa pagpublish po namin sa aming nasabing Book Anthology. Kahit magkaanong halaga ay taos-puso naming tatanggapin. Ang aming target na bubuuin ay ang halagang Php 30,000 po para sa publication and printing.

Ang aming treasurer po ay sina Rovi at Dalisay.

I-acknowledge po namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng paglagay ng inyong pangalan (or pseudonyms) sa libro at bibigyan din po namin kayo ng libreng book/s na may signature ng lahat ng mga authors.

Mga authors na kasali:
1) Mikejuha,
2) Dalisay
3) Rovi
4) Patrice
5) Lui
6) Dhenxo
7) Kenji
8) Benedict
9) Gab
10) Guest Writer

Illustrators:
1) Justyn Shawn
2) Patrice
3) Marlon
4) Erwin
5) Jake

Targets:

Aug 23: Editing/proofreading, illustrators’ drawings
Sep 20: Final editing proofreading of manuscripts by individual writers
Oct 18: Submission of final manuscript to publisher
Oct 25: Proofreading of blueprint by writers
Oct 30:            Return to publisher to proceed final printing
Nov 7-14: Release of book

Para po sa mga nais magdonate, please contact Mikejuha through this email: getmybox@hotmail.com

Maraming salamat po!

-Mikejuha and MSOB Anthology Writers-

-------------------------------------------------------------

(Thanks to Joji for the image) 


At sa bahay nga namin natulog si kuya Andrei. Syempre, nangyari na naman sa kuwarto ko ang isang ritwal na tanging kaming dalawa lamang ni kuya Andrei ang nakakaalam.

Matinding saya ang aking nadarama sa pagkakataong iyon. Lalo na noong nalamang ang singsing daw na ibinigay niya sa akin ay handcrafted at nag-iisa lang daw ang design nito at siya mismo ang nagpagawa. Ang singsing namin ay wala raw kapareho. At nakikita ko naman. Ang design niya ay kakaiba. White gold siya na ang magkabilang gilid na parang marble ay may border na kulay itim na may naka-imbed na gold sa gitna. At ang mismong gitna naman ng singsing ay may mga pinong-pinong gold design at drawing ng puso. Unique talaga siya.

“Kuya... m-may babae ka ba, girlfriend, o nililigawan?”

“W-wala naman. Bakit?”

“Wala lang. Gusto ko lang malaman.”

“M-may mga umaaligid ngunit hindi ko pinapatulan.” Sambit niya.

“Bakit?”

“Eh... wala. Ayaw ko.”

Kaya lalo akong natuwa. Iyon ang sinabi niya eh. Syempre, naniwala ako. Walang ni kahit kaunting pag-aalangan sa aking isip na baka hindi totoo ang sinabi niya. Ke ganoon siya kaguwapo, ke ganoon kalakas ang appeal niya sa mga babae at bakla, ke ganoon ka hayop ang dating niya, wala ni kaunting pag-aatubili ang aking isip na hindi siya nagsabi ng totoo.

At nakita ko naman. Dahil kung may iba nga siyang babae, makakakita sana ako ng singsing sa kanyang kamay. O di kaya ay may mga tumatawag-tawag o magti-text text sa kanya sa kanyang cp. At higit sa lahat, hindi siya mag effort na puntahan talaga ako, suyuin, at bibigyan pa ng singsing na “walang kapareho”.

At tungkol naman sa bata, ipinaliwanag din niya na talagang hindi niya inangkin iyon; na hindi niya nga raw niya alam na nabuntis ang babae at lalo na hindi siya naniniwala na siya ang ama dahil sandali lang daw ang kanilang pagsasama dahil lumipat nga raw sila ng tirahan at pagkatapos pa ay nag-aral na siya sa PMA sa Baguio.

“Ok lang na ampunin ng mga magulang ko ang bata, anak ko man siya o hindi. Ngunit gusto kong ipa DNA test siya upang malaman ko kung tunay ko nga siyang anak. At kung mapatunayang anak ko nga siya, aampunin ko. Wala namang problema sa akin eh.” Ang sambit niya.

Syempre, ang sinabi niyang iyon ay may kurot sa aking puso. May namuong selos ba? Kasi, baka kapag napatunayang kanya nga ang bata, baka tuluyan na niya akong malimutan.

Hindi na ako sumagot. Sinarili ko na lang ang aking naramdaman.

Tiningnan niya ako. Maaring naisip niya na nasaktan ako. “I-ikaw... ayaw mo bang magkaroon ako ng anak at pamangkin mo?”

“G-gusto naman po.” Ang sagot ko na lang. Gusto ko rin naman talaga. Kaso nga lang, hindi ko siya tunay na pamangkin eh. Ngunit sa kabilang banda, naisip ko rin na kung anak niya talaga ang bata, siguro kasing guwapo rin niya ito. At dahil anak niya, dapat ay mahalin ko rin siya. At kung tito pa ang ipakilala sa akin, magiging proud ako na maging pamangkin nga ng bata.

Ngumiti siya sa sagot ko. “Good...” sambit niya. “At gusto kong balang araw rin, magkaroon ka rin ng sarili mong anak upang ako naman ang may pamangkin. At lalo na kapag lalaki at babae sila, ipakakasal natin.” Sambit niya.

Ngumiti na lang din ako. Hindi ko na pinatulan pa ang kanyang sinabi. Palagi naman kasi niyang sinasabing kailangnang mag-girlfriend ako, magkaroon ng relasyon sa babae upang balang araw ay magkaroon din ng pamilya; ng anak, At kapag may anak na kaming babae at lalaki, ipakasal namin sila upang sa amin matupad ang pangarap ng aming mga magulang na magdugtong ang aming mga pamilya.

Isang masakit din itong katotohan na pilit kong iwaglit sa aking isip. At dahil bata pa ako at nag-aaral, hindi ko pa naramdaman ang pressure sa ganoong mga bagay. At madali ko itong nasupil sa aking isip.

So settled na naman ang lahat ng issues sa amin ni kuya Andrei. Malinis, at masayang-masaya ako.

Kaya noong bumalik muli siya sa San Pedro City upang magreport na sa kanyang trabaho, hindi na ako nalungkot. Iyon bang feeling na kahit malayo siya, hindi na ako natakot na baka limutin niya ako, o na hindi na siya muling sumipot. Kampante na kasi ako na babalik siya para sa akin; na kahit walang namagitang relasyon sa amin at hindi kami kaanu-ano, hindi siya papayag na hindi niya ako madalaw. Iyon ang nakatanim sa aking isip.

At balik normal ang lahat. Wala akong ni kahit kaunting pag-alala na isang araw ay malilimutan niya ako. Ewan... false hope ba ang tawag doon? Iyon bang umaasa ka na sa bandang huli ay kayong dalawa ang magkatuluyan, magdamayan, magtulungan bagamat sa likod ng iyong isip ay alam mong hindi maaari dahil may hadlang; hadlang sa pagmamahalan na sa kaso namin ay ang aming pagiging kapwa lalaki. Dagdagan pang wala naman siyang ipinangako sa akin, at may hitsura pa siya na dahil dito, ay alam kong maraming babaeng gustong umangkin o makatikim.

Anyway, naging mas inspired pa ako sa panahong iyon at masayang-masaya lalo na kapag nakatanggap ako ng text o tawag galing kay kuya Andrei.

At tungkol naman sa aking girlfriend na si Elsie, hindi kami naghiwalay. Nagkikita pa rin kami, nagba-bonding bagamat parang isang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At OK lang naman din ito para kay Elsie. Conservative din kasi siya. Kahit nga ang singsing ko na bigay sa akin ni kuya Andrei, nagtanong lang siya kung sino ang nagbigay at noong sinabi kong galing sa kuya Andrei ko, “Ok” lang ang comment niya. Tiningnan niya, sinabing maganda. Iyon lang. Kung kaya, walang problema sa amin ni Elsie ang ganoong set-up.

Ngunit si Brix ay talagang hindi maawat. Makulit pa rin. Ewan kung talagang trip lang niyang kunyari ay ligawan ako, o pinanindigan na lang talaga niya ang sinabi sa akin. Pero kapag may pagkakataon, iniiwasan ko na lang siya. Simula kasi noong nasabi niyang liligawan niya ako, tila bumait na rin siya sa akin. Basta pinadama ko lang sa kanya na ayaw ko; na ang gusto ko lang ay kaibigan. Syempre, kay kuya Andrei lang tumibok ang puso ko.

Noong huling hinatid ko nga si kuya Andrei sa kanyang pag-alis. Hindi inaasahang magkita sila sa terminal ng bus. Nagkataon iyong nag-CR si kuya Andrei at ako ang naiwan sa pasengers’ waiting shed, nagbantay sa kanyang bag noong nakita ako ni Brix. May hinatid din daw siyang kamag-anak sa terminal.

Umupo siya sa tabi ko nang walang pasabi at inakbayan pa ako. Dahil hindi ko siya nakita, nagulat ako at biglang tinaggal ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

“Grabe ka naman. Pati ba pag-akbay ay ipagkait mo pa sa akin?” sambit niya. “Pa-akbay naman dy’an ohh. Please???”

“Tado! Ginulat mo naman ako eh!”

“Joke lang iyon. Paakbay na please...”

Kaya pinagbigyan ko na lang. Baka naman isipin niyang napaka-suplado ko. Nasa ganon kaming ayos noong nakabalik na si kuya Andrei, “Sino yan?” sambit niya sa akin.

Tumayo ako.

Tumayo rin si Brix. Hindi pa niya kasi kilala ang kuya Andrei ko kung kaya ang akala niya siguro ay siya ang niloloko sa tanong na iyon dahil sa sobrang higpit ng kanyang pag-akbay sa akin na halos halikan na lang ako sa pisngi. Parang feeling guilty ba.

At hindi pa man ako nakasagot ay si Brix na ang sumingit ng pabalang, may kayabangang sinagot ang tanong ni kuya Andrei ng, “Manliligaw niya” turo sa akin. “Bakit? May reklamo ka bro?” dugtong niya na para bang kayang-kaya niya talaga si kuya Andrei.

Hindi ko napigilan ang sariling hindi matawa. Ngunit sa loob-loob ko, hindi ko rin alam kung kiligin sa ginawng pag-amin talaga ni Brix sa harap ng ibang tao, o babatukan na lang ba siya dahil syempre, ayaw kong mag-isip naman ang kuya ko na may nagtangkang manligaw na lalaki sa akin.

Kaya ang nasambit ko ay, “Woi! Tado!” sabay tanggal ng kamay niya na nakaakbay sa balikat ko. At baling kay kuya Andrei, “Hindi po totoo iyan kuya!” ang pangangatwiran ko pa.

“Woi kuya daw o!” ang sagot ni Brix. “Wala ka namang sinabing may kuya ka ah! Baka boyfriend mo iyan!” dugtong niya.

Na kalmanteng sinagot din ni kuya Andrei ng, “Boyfriend nga ako niyan.”

“Woowww!” sa isip ko lang. Parang sobrang haba ng hair ko sa pagkakataong iyon. Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Nabilaukan ba, iyong tipong nakalulon ng sampong buto ng santol. Tiningnan ko na lang si kuya Andrei. Parang gusto ko tuloy magbeautiful eyes.

“Waaahhh! Boyfriend talaga?”

“Oo. Bakit may reklamo ka?” sagot ni kuya.

Nakangiti na lang akong pinagmasdan si Brix. Ayoko namang kontrahin ang sinabi ni kuya Andrei na boyfriend ko siya. Kasi... kuya ko iyon. At ang ansarap-sarap kayang pakinggan. Kinikilig ako nang bongga.

“Mas guwapo ka nga lang ng kaunti, mas matangkad at malaki ang katawan. Pero mas bagay kami nito” turo ni Brix sa akin. Hindi kaya magkalayo ang agwat ng edad namin. Ilang taon ka na ba bro? 30? 40?” ang pang-uukray pa niya kay kuya Andrei.

“Mag-24 pa lang naman ako. Ikaw, mukhang 30 ka na ah. Siguro ang tunay mong edad ay 28? Sigurado ka bang tuli ka na?” ang sagot din ni kuya Andrei. At pinatulan talaga niya si Brix.

At siguro ay nainis na si Brix, tiningnan ako, “Boyfriend mo ba talaga ito? Anlakas ng tama eh...”

Tinimpi ko ang aking ngiti na halos bibigay na sa harap ni Brix. Lumingon ako kay kuya Andrei. Nagsalubong ang aming mga tingin. At baling ko kay Brix, binitiwan ko ang isang tango.

“Waaahhhhh! Grabeh! Grabeh talaga! Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala iniiwasan ako. May boyfriend pala. Daya!” Sambit uli ni Brix na parang nagmamaktol.

“Oo... iiwas talaga iyan sa iyo dahil mahal na mahal ako nito. Kasi alam niyang kapag nalaman kong may nanligaw sa kanya, lalo na isang lalaki na ang pangalan pa ay...” napahinto siya, “Anong pangalan mo?” tanong niya kay Brix.

“B-brix”

“...Brix. Hmmmm, galit na galit pa naman ako sa mga Brix... Kapag nalaman kong may nanligaw na Brix ang pangalan sa boyfriend kong ito, pupulutin ang Brix na iyan sa kangkungan.”

“Wooh? May ganoon? At bakit? Ano ka ba?” tanong uli ni Brix kay kuya.

“Hired killer.” Ang pasimpleng sagot ni kuya Andrei at lumingon-lingon pa sa paligid na tila nagmanman, atsaka pasimple ring hinawi ang harapang dulo ng kanyang puting t-shirt, sinadya upang lumantad ang kanyang baril na nakasingit sa ilalim ng kanyang pantalon.

Kitang-kita ko naman sa mukha ni Brix ang biglang pamumutla, hindi na nakapagsalita.

“Brix ba kamo ang pangalan mo?” tanong uli ni kuya Andrei.

“H-hindi po.”

“Nanligaw ka pa ba dito sa boyfriend ko?”

“H-hindi po. Uuwi na po ako. Bye tol Alvin... M-mauna na ako tol ha?” ang biglang sambit ni Brix na parang asong nakatago ang buntot sa ilalim ng kanyang bayag. At baling niya kay kuya, “A-alis na po ako Sir!”

Tawa ako nang tawa noong kaming dalawa ni kuya andrei na lang ang naiwan. “Tinakot mo si Brix ah!” sambit ko.

“Ano mo ba iyon? Totoong manliligaw mo?”

“Hindi ah! Niloloko ka lang noon!” ang pag-alibi ko. “Makulit lang talaga iyon si Brix”

“Hmmm baka naman totoong manliligaw mo.”

“Bakit? Kung sakaling may manligaw ba sa akin na isang lalaki, ayaw mo?”

“Ayaw...”

Tahimik.

“Gusto ko, babae ang liligawan mo; babae ang karelasyon mo. Hindi isang lalaki.” Ang pagbasag niya sa katahimikan.

“Hayan na naman...” sa isip ko lang. Kaya silent na lang ako. Baka masaktan pa ako kapag nagsalita ako at may narinig akong sagot sa kanya na hindi ko magugustuhan.

Anyway, iyon ang eksenang tagpo nina Brix at kuya Andrei sa terminal. Kaya noong nagkita uli kami ni Brix school, tinanong niya ako kung totoong boyfriend ko nga iyon. “Oo.. boyfriend ko iyon. Kaya huwag kang loloko-loko sa akin. Kapag nagalit sa iyo iyon, babarilin ka noon...”

“Ok lang na barilin ako. Karangalan kong magiging martir at bayani sa ngalan ng pag-ibig mo.”

“May ganoon? Bakit bigla kang umalis? At namutla ka pa?” sambit ko.

“Natatae lang ako noon...” ang sagot na biro naman ni Brix.

Pero binawi ko rin naman ang sinabi kong boyfriend ko si kuya Andrei. Sinabi kong totoong kuya ko siya; na siya iyong tumutulong sa akin sa pag-aaral ko. At sinabi ko rin na isa siyang militar kung kaya hindi niya nakitang palagi ko itong kasama. Naniwala naman si Brix.

“Akala ko boyfriend mo talaga...”

Kaya sobrang inspired talaga ako. Iyon bang feeling na sa paggising mo sa umaga ay napakasarap ng pakiramdam at nagmamadali kang maligo upang pumasok sa eskuwelahan kasi, sa isip ko, ay dapat kong pag-igihan ang pag-aaral dahil sa kuya ko at syempre, may signal din sa school, mababasa ko ang mga texts niya sa akin na siya pang lalong nagpapasigla sa aking araw.

Ngunit sadyang mapaglaro lang siguro ang tadhana. O sadyang ganyan lang talaga ang buhay. Kung may saya, panandalian lamang ito. Kung natatamasa mo na ang akala mong perpektong buhay, darating din ang araw na magugulo ito. Walang kasiguraduhan ang panahon; lahat ay nagbabago. “Some good things never last”, ika nga sa kanta. At kadalasan pa, ang mga bagay na dumarating sa buhay natin ay hindi naaayon sa ating kagustuhan.

“Tol... bad news. Maa-assign ako sa Mindanao. Baka matagal-tagal pa bago tayo magkita. At baka hindi na rin ako makapag text palagi gawa nang walang signal sa area kung saan ako ma-assign. Sa front line ang assignment ng tropa ko at sa liblib na lugar ang aming kampo.” Ang text na natanggap ko.

Syempre, nagulat ako. Nalungkot. Hindi lang dahil magiging malayo na kami sa isa’t-isa at mawawalan na kami ng regular na contact sa isa’t-isa kundi dahil masyadong delikado rin sa Mindanao dahil sa mga rebeldeng NPA, Abu Sayyaf, at iba pang mga kaaway ng gobyerno. At kapag ganoong nasa front line pa, ang tropa niya ang talagang maituturing na pain.

“Kuya... hindi ba puwedeng umayaw ka?” sagot kong text.

“Trabaho ko ito tol... hindi ako puwedng umayaw.”

“M-magresign ka na kasi d’yan kuya. Humanap ka ng ibang trabaho.”

“Tol... alam mo namang ito ang pangarap ko. Ito na ang buhay ko. Mahal ko ang trabahong ito.”

“P-paano na tayo? Hindi na tayo magkikita?”

“Hayaan mo, kapag may bakasyon ako, dadalawin pa rin kita d’yan.”

“Nalalapit na ang graduation ko. P-paano ka makakarating? Baka Valedictorian ako, may speech ako, babanggitign kita sa speech ko kuya...“

“Pipilitin kong makadalo. maghanap ako ng paraan.”

Iyon ang takbo ng aming pag-uusap sa text. Gusto ko man siyang pigilan, wala akong magawa. Sadyang ang pagsusundalo kasi ang buhay niya. Simula pa kasi noong bata pa siya, pagsusundalo na talaga ang ambisyon niya. Gusto niya ang laruang mga baril. gusto niyang palagi kaming naglalaro ng nagbabaril-barilan. Kahit labing-limang taon na siya noon nakikipaglaro pa rin siya sa akin. E ako, hindi ko naman type ang baril kaya magha hide-and-seek na lang kami. Tapos kapag nakita niya ako, babarilin niya ako kunyari. Ngunit ayoko namang magpatay-patayan. Hindi ko naman kasi naaapprecite ang ganoon. Magpapatay-patayan ako kapag kunyaring nabaril niya at pagkatapos noon, wala na...

“Andaya nito ah! Nabaril na kita eh!” ang palagi niyang pagrereklamo kapag ganoong nahanap niya ako at babarilin at parang wala lang epekto sa akin.

“Habulin mo muna ako.” Ang palagi ko ring isasagot.

“Ganoon! Sige. Akala mo hindi kita mahahabol hah?”

At iyon... maghabulan na lang kami. At iyon ang ini-enjoy ko. Lalo na kapag naabutan niya ako at kakagat-kagatin na ang aking batok, leeg, o kikilitihin ang aking katawan. Kung may makakaita nga sa amin, parang mga pusa kamig nagkukulitan, naghaharutan. Kasi, may yakapan, may hablutan, may takbuhan, may kagatan. Nakakatawa. Ang saya-saya.

“Pangarap ko talagang magsundalo tol...” ang sambit niya sa akin noong panahon na hindi pa niya ako iniwan.

“Bakit gusto mong magsundalo?”

“Wala lang... parang ang sarap ng pakiramdam kapag may baril ka at ipinagtanggol mo ang bayan laban sa mga masasama at kaaway ng bayan.”

“Nakakatakot naman iyong may baril eh!”

“Syempre, may baril. Sundalo eh. Saan ka nakakakita ng sundalong walang baril?”

“Paano kung ikaw ang nabaril ng kaaway?”

“Kung kaya nilang tamaan ako. Syempre, magti-training ako kung paano umilag o magtago.”

“Bakit iyong iba, namamatay naman kahit may training pa?”

“Ah, kapag ganyan, paswertehan na lang iyan. Basta ginawa mo ang lahat na makakaya mo, iyon na iyon. Ang sobra noon ay swerte o malas na lang. Kahit naman hindi ka sundalo kapag oras mo na talaga, wala ka ring magagawa, di ba? Kagaya ng aksidente, ng mga sakuna, ng mga inaatake... Iyong iba nga, natutulog lang, hindi na nagising.”

Tahimik. Tama rin naman kasi siya.

“Bakit ikaw, ano ba ang pangarap mo?” tanong niya sa akin.

“W-wala. Gusto ko lang kasama kita palagi.”

“Iyan na ang pangarap mo?”

“Opo...”

Doon, niyakap niya ako. “Sige... promise ko rin sa iyo na hindi kita pababayaan. At kung maaari ay palagi kitang isasama kahit saan.” Ang sambit niya.

Ngunit hindi naman natupad iyon. Hindi pala ganoon ka-simple ang buhay. Akala ko nga noon ay talagang hindi na kami maaari pang magkalayo; hindi maghiwalay. Kasi nga, sobrang sweet ng kuya ko sa akin at ramdam kong siya rin ay ayaw niya akong mahiwalay sa kanya. Ngunit sadyang may mga pagkakataon pala sa buhay ng tao na talagang mapilitan kang magpaalam sa mga mahal. Siguro dahil ito ay kailangan lang... upang hanapin ang swerte; upang kamtin ang katuparan ng mga pangarap. O maaari ring dahil ito lang talaga ang simpleng tawag ng panahon at pagkakataon. Kumbaga, mag-adjust sa tinatawag nilang changing faces of time. At iyon ang nangyari. Napilitan ng pamilya nilang lumayo sa baranggay namin dahil kailangan nilang umahon sa kahirapan, hanapin ang suwerte sa Maynila. At siya... upang kamtin ang katuparan ng kanyang pangarap na magsundalo.

Kaya, panibagong dagok na naman iyon sa akin.

Dahil agad-agad ang pagka-assign niya sa Mindanao, wala na kaming pagkakataon na magkita pa. Noong tinawagan niya ako upang magpaalam, hindi ako maaawat sa pag-iiyak.

“Huwag kang umiyak tol... Hirap sa iyo eh. Aalis ako nito na nag-alala sa iyo. Huwag ka nang umiyak please. Dadalawin naman kita kapag may bakasyon na ako eh.”

“S-sige kuya. Hihintayin na lang kita...” ang sambit ko na lang. Wala naman talaga akong magawa eh.

Dahil sa tindi ng sakit na aking nadarama at sa takot na rin na baka may mangyaring masama sa kanya, pumasok ako sa simbahan. Nanalangin. Alam ko kasing delikado ang lugar kung saan siya maassign. Kaaannounce lang kasi ng all-out war ng gobyerno laban sa mga rebelde sa Mindanao. Kung kaya matindi ang pag-alala ko sa kalagayan nya. Iyon ang pinaka-kinatatakutan ko. Ang posibilidad na maaaring sa sunod naming tagpo ay kung hindi man sa loob ng hospital ko siya makikita, ay nasa loob ng isang kabaong.

Sa loob ng simbahan ay umiiyak ako. Para akong isang batang nagsumbong at nakiusap na sana ay ilayo ang kuya ko sa kapahamakan. At sa panalangin kong iyon ay nakapagbitiw ako ng pangako na gagawa ako ng isang sakripisyo: ang magnobena at linggo-linggong magsimba. At sa 9 na araw na pagnonobena ko, magpa-fasting din ako; hindi kakain ng solid na pagkain; puro gatas lang, o soup.

At iyon nga ang ginawa ko. Natuto akong mag-alay ng sakripisyo para lamang sa pinakamamahal kong kuya... Iyon lang kasi ang alam kong puwede kong gawin upang makatulong. Kumbaga, parang nasa isang hopeless na kaso ang kalagayan ni kuya, parang may stage 4 na cancer na tanging panalangin na lamang ang makakapagligtas.

Halos isang beses isang linggo kapag tumawag sa akin si kuya Andrei kapag may pagkakataon na makapunta siya ng downtown. Talagang sabik na sabik ako, nag-iiyak kapag nakausap ko siya sa telepono. Kung makaiyak nga ako ay parang higit pa ako sa tunay na asawa ng isang sundalo.

“Kumusta ka kuya. Natatakot ako sa iyo eh. Lagi kitang ipinagdasal na sana ilayo ka sa kapahamakan.”

“Huwag kang mag-alala tol. Lagi akong nag-iingat dito. Bagamat may mga pagkakataon na delikado ang aming misyon ngunit so far, ok naman ang lahat. Salamat sa mga dasal mo.”

“Basta kuya, mag-ingat ka palagi... Natatakot ako para sa iyo.”

Dumating ang takdang araw ng aking graduation. Naalala ko ang pangako niyang dadalo. Alam niya ang araw, oras at lugar na pagdadausan ng aming graduation.

“Kuya... graduation ko na. Dumalo ka please.” ang pakiusap ko sa kanya noong na-contact ko siya, isang linggo bago ang graduation.

“Tol... pasensya ka na. Hinid talaga puwede. Ilang beses na akong nagpaalam sa superior ko, hindi ako pinayagan. Med’yo delikado ang sunod naming mission.”

“Kuya naman eh. Nagpromise ka sa akin eh!” ang pagmamaktol ko na.

“Pasensya na talaga tol... Pero maghanap pa rin ako ng paraan.”

“Basta kuya, hihintayin kita. May speech ako, dapat nandoon ka, masisira ang speech ko.”

“Kumbinsihin ko muli ang superior ko. Ngunit kung talagang hindi ako papayagan tol... Babawi ako sa iyo”

“Ayoko... basta darating ka ah!”

Iyon ang usapan namin.

Araw ng graduation, naroon na lang lahat. Kumpleto ang mga estudyanteng magmamartsa sampu ng kanilang mga magulang. Naroon na rin ang aking mga magulang. Para sa akin, kumpleto na sana, maliban na lang sa isang tao, si kuya Andrei.

Siya ang hinahanap ko. At balisa ako na magsimula na ang program ngunit wala pa rin siya.

“Nay... wala pa bang kahit text man lang galing kay kuya Andrei kung makararating siya o on the way na ba? Hindi siya nagtitext sa akin eh.”

“Wala naman anak...”

“Mababago ang speech ko nito.” ang pagamaktol ko. Sa speech ko kasi ay kailangang nasa audience si kuya Andrei at sa kanya ako titingin habang sasabihin ko sa kanya ang aking mensahe.

At noong nagsalita na ang emcee upang simulan na ang graduation ceremony, nakasimangot na ako. Parang gusto kong umiyak na hindi siya makarating.

Hanggang sa tinawag na isa-isa ang mga graduates. Wala pa ring kuya Andrei ang sumipot. Halos mag-crack na ang buto sa leeg ko sa kaiikot na gaking ulo upang hanapin siya.

Noong tinawag na ang mga honors, lungkot na lungkot na ako. Hanggang sa, “Alvin Palizo! Valedictorian!”

Nagpalakpakan ang lahat. Ngunit ako, parang nawala ang saya ko sa pagtawag na iyon ng aking pangalan. Parang nadismaya ba. Noong nasa itaas na ako ng stage, inikot ko ang aking paningin sa buong paligid; tiningnan ang kabuuan ng lawak kung saan naroon nagkumpol-kumopl ang mga audience, umasa na makikita ko roon si kuya Andrei.

Ngunit ni anino niya ay hindi ko nahanap. Umakyat sa stage ang aking inay at itay at sila ang nagpin ng aking ribbon, corsage, at nagsukbit ng medalya sa aking leeg.

Noong nasa baba na uli ako, tinawag na ang mga may partial scholarships; ang salutatorian, mga honorable mention. Pagkatapos nila, ang pangalan ko uli ang tinawag para sa full scholarships sa college sa state university sa aming lungsod at sa is pang unibesrsidad sa karatig na siyudad. Umakyat uli ako sa entablado. At habang nakaharap uli ako sa audience at hinintay ang pagbigay sa akin ng scholarship, inikot ko na naman ang aking paningin sa mga audience. Umasa pa rin na kahit huli na ay makaratnig pa rin siya.

Ngunit wala pa rin akong nakitang kuya Andrei sa kumpol ng mga taong naroon.

Nakababa na ako ng entablado at naghintay na lang na tawagin muli para sa aking leadership medal noong biglang nabulabog ang lahat sa ingay na nanggaling sa itaas. Dahil outdoor ang lokasyon ng graduation, kitang-kita ng lahat ang pag-aaligid ng isang military helicopter na kulay itim. At kung hindi lang sa nakalambitin nitogn streamer ay malamang nagtatakbuhan na ang mga tao sa takot na baka biglang pagbabarilin kami. Medyo mababa lang kasi ang lipad niya at ang graduation venue talaga ang iniikutan. At ang nakasulat sa nakalambitin nitong streamer ay, “Congratulations Alvin Palizo – Valedictorian!”

Bigla rin akong napatayo at napaluha. Ag buong akala ko ay talagang hindi na siya sisipot. Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi maglulundag sa tuwa.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ang karamihan ay tiningnan ang aking reaksyon.

Nakadalawang ikot pa ang helicopter bago ito lumapag sa di kalayuang open track and field area ng eskwelahan. Noong nawala na ang ingay, nagpatuloy ang emcee at tinawag na ang pangalan ko upang i- receive ang leadership award ko. Bago ako umakyat ng stage nilingon ko ang dulo ng audince kung naroon na ba si kuya Andrei. Napag-usapan kasi namin ng inay at itay na si kuya Andrei ang magsabit ng leadership medal ko sa aking leeg.

At dahil nakita ko na sa malayo na nagtatakbo na si kuya Andrei at tinumbok ang lugar na pinagdausan ng graduation, umakyat na ako sa stage. At noong nakatayo na ako sa stage, kitang-kita ko ang dere-deretsong pagtakbo ni kuya Andrei na naka-military uniform pa patungo sa entablado.

Pagkatapos kong natanggap ang aking medalya, naghintay lang ako ng ilang segundo sa stage at maya-maya lang ay hingal-aso na siyang nakaakyat Natawa nga ako at ang mga tao dahil sinaluduhan rin niya ako sa stage pagkatapos niyang isabit sa aking leeg ang medalya. Ang cute kasi niyang tingnan sa kanyang uniporme at ganoon pa ang ginawa niya sa akin.

At noong nagspeech na ako, syempre, pinasalamatan ko ang lahat, ang nasa taas sa pagbigay niya sa akin ng aking mga magulang, sa aking mga magulang sa pagbigay nila sa akin ng mga magagandang aral at maayos na pag-aruga at pagpalaki sa akin kung kaya naging ganoon ako, at sa kuya Andrei ko na siyang tumulong sa aking financial na pangangailangan.

“My kuya Andrei is my inspiration. He taught me many things in life; some are good, some are not so good, and some others are a little... bad.” Tawanan ang mga tao sa bahaging ito ng aking speech, pagbigay pugay ko kay kuya Andrei. “But it was he who also told me that not everyhing in life is all that good. But the good thing about having ‘bad’ or ‘worse’ in life is that they not only enable us to appreciate what is good, but they also let us find our strength and wisdom, making us better and wiser persons in the process. According to him, we will experience many differnt things in life; the ‘bad’ or ‘worse’ are to be forgotten but to be learned lessons from while the good, to be cherished forever in our hearts. And for me, I keep them as my inspiration. Like a photograph that reminds me of the good old times, I keep it as my guiding star to reach my dream. When I was seven, kuya Andrei took pictures of us before he left for the big city. I still keep them. That time, I didn’t know why he chose to give me those. But in the days before this graduation, I came to realize that those pictures actually served as my guiding star. Because in that picture was my inspiration; my my kuya Andrei who taught me how to be strong, how to fight my little battles of life, how to be a winner. So allow me in my little way to thank you from the bottom of my heart – to my God, to my parents, to friends and everyone who in one way or another, had contributed to what I have become now. And to you, Capt. Andrei Gomez... this salute is for you.” At sumaludo akong nakaharap sa kinaroroonan ni kuya Andrei, ang mga mata ay nakatutok sa kanya.

Tumayo naman si kuya Andrei, sinuklian ang aking pagsaludo.

Palakpakan ang mga tao, binigyan kami ng standing ovation.

Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi lang dahil sumipot ang si kuya Andrei sa isang napaka-dramatic entrance pa sa espesyal na okasyong iyon kundi dahil ramdam kong proud na proud silang lahat sa akin.


Pagkatapos ng graduation, hinila kaagad ako ni kuya Andrei. “Halika, may regalo ako sa iyo.”

Naka-toga, nakalambitin ang mga medalya at bulaklak sa aking leeg, ang mga corsage at ribbons ay naka-pin pa sa aking dibdib, litong-lito akong sumunod sa kanya, hatak-hatak ang aking kamay habang nagtatakbo. “S-saan ba tayo kuya?”

Noong nakarating na kami sa kanyang dinalhan sa akin. Bigla akong kinabahan. “Di ba dati, sabi mo gusto mong sumakay ng helicopter? Heto sasakay tayo... At huwag matakot”

“Ahhhhhh!” ang sigaw ko. Parang hindi kasi ako handa at parang ayaw ko na gusto.

“Sige na... minsan lang itong may helicopter akong dala. Dali, pasok!” giit niya.

Kaya napilitan man, pumasok na rin ako. Magkatabi kami ni kuya na naupo sa likod ng piloto. Grabe. Di talaga ako makapaniwala na magkatotoong makasakay ako ng helicopter. Ni ferries wheel nga ay hindi pa ako nakasakay. Sobrang kabog ng aking dibdib sa pagkalula at para akong hihigupin patungo sa baba. Sobrang pagyakap ko talaga kay kuya Andrei, lalo na noong nakitang pumaitaas na ang helicopter. Pakiwari ko ay malalaglag ako. Parang hindi ako kampante sa makina niya. Parang nakakatakot na bumagsak ito! “Kuyaaaaaaaa!!!! Natatakot ako!!!”

Tawa lang nang tawa si kuya Andrei habang niyayakap ako. “Ok lang iyan...”

Umikot lang kami sa kalakhan ng aming probinsya at itinuro pa niya ang mga lugar na alam niya, kagaya ng San Pedro City kung saan kami nagpunta dati, ang highway patungo roon na kitang-kita ko sa himpapawid, ang mga bundok, ang aming bukid. Parang literal na nasa langit talaga ako. At mabuti naman dahil hindi ako nahilo.

May isang oras siguro kaming nasa ere bago kami ibinaba ng piloto. Noong nasa baba na kami, sobrang tuwa ko noong nakalabas na. 

Pagkagaling sa  venue ng graduation, dinala na lang kami ni kuya Andrei sa isang mamahaling restaurant kasama ang mga iilang kaibigan at iilang kasamang sundalo ni kuya andrei. Binigay niya sa akin ang kanyang regalo, ang isang set ng uniporme niya sa militar, na may kasama pang undershirt at underpants. Lahat ay may tatak na “Capt. Andrei”. Nagpasalamat din siya sa akin sa pag-acknowledge ko sa tulong niya; sa pagiging inspirasyon niya sa buhay ko. Biniro niya akong “touched” daw siya at kulang na lang na yakapin niya ako at halikan sa harap ng mga tao.

Syempre, sa loob-loob ko, may dala itong kakaibang kiliti. Nasasabik kaya ako sa kanya at inasam-asam kong magtagal pa sana siya upang kahit saglit ay mangyari na naman sa amin ang mga bagay na iyon. Ngunit hindi na nangyari pa ang lahat. Pagkatapos naming kumain sa restaurant, hayun, lumipad muli ang kanilang helicopter.

Bagamat iyon ang isa sa pinakamasayang alaala ko kay kuya Andrei, hindi ko maitatwa na may sakit ding dulot ang pag-alis niyang iyon. Hindi ko kasi alam kung masusundan pa ang pagkikita naming iyon o iyon na ba ang pinakahuli. Syempre, malayo siya, at kasagsagan pa ng gyera. At iyon ang pinakakatakutan ko ay ang maaaring masamang mangyari sa kanya sa gyera.

Summer break. Iyon iyong binisita ko ang isa sa dalawang unibersidad na nagbigay sa akin ng scholarship. Gusto ko kasing tingnan muna ang lugar bago ako magdesisyon. Sinamahan ako ni Brix. Kahit kasi hindi ko pinansin ang “panliligaw” kuno niya sa akin, hindi siya bumitaw sa pagiging kaibigan ko. Parang naging best friend ko na lang siya bagamat paminsan-minsan ding isinisingit niya ang pagparamdam sa akin. Ngunit hindi ko pinatulan. Hindi ko sineryoso. Si kuya Andrei lamang ang nagmamay-ari ng aking puso. At naipangako ko rin siya lang ang tanging nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Ngunit siguro ay blessing in disguise din ang pagdating ni Brix sa buhay ko. Kasi, malaki ang naitutulong niya sa akin lalao na may kotse siya at sinasamahan niya ako sa mga ganoong lakad. Lalo na, hiluhin ako at madaling magsuka sa biyahe. Lagi niya akong inaalalayan. At ang sabi pa niya, ay kung saan ako mag-eenroll, doon din daw siya mag-aaral, at parehong kurso sa kung ano man ang mapipili ko ang pipiliin din niya. “Gusto kong kahit saan ka, naroon din ako. Body guard.” ang sabi niya.

Naappreciate ko naman iyon. Pakiramdam ko tuloy ay kapani-paniwala na ang sinabi niyang may naramdaman siya para sa akin.

Dumaan muna kami sa isang department store bago puntahan ang nasabing unibersidad. Medyo nagsusuka kasi ako noon sa biyahe at gusto kong mag CR, at bibili na rin ng tissue. Noong nasa isang grocery na kami at tapos na akong magbayad sa counter, nabundol ko isang babae dahil sa pagmamadali.

“S-sorry po!” ang nabanggit ko.

“O-ok lang” sagotr ng babae t yumuko na siya upang pulutin ang mga nagkalat niyang gamit na pinamili rin. Noon ko napansin ang kanyang anyo. Napaganda niya! Marahil ay nasa edad na 23 o 25 lang. Mistulang isang artista ang kanyang mukha, maputi, makinis, mahaba ang buhok, magaganda ang mga mata, mahahaba ang pilik-mata, at napakasexy. Bakat ang kanyang kaseksihan sa suot na jeans at body-fit na kulay itim at puting stipes na t-shirt. Sobrang ganda.

Yumuko na rin ako gawa nang tulungan siya sa pagpulot sa mga nagkalat na pinamili niya.

Nungit doon ako nagulat noong nakita ko ang kanyang daliri. May singsing ito na kahawig na kahawig nang sa akin!”

Bigla akong nahinto sa ginagawang pagtulong sa kanya. Para akong natulalang nakatingin sa kanyang singsing.

Tangkang tanuning ko na sana siya noong bigla naman siyang tumayo at nagtatakbong umalis. nagmamadali.

Sinundan ko. Tatanungin ko pa sana kung paanong nagkaroon siya ng kaparehong singsing samantalang ang sabi sa akin ni kuya Andrei ay tanging kaming dalawa lamang ang may singsing na ganoon ang design.

Ngunit pagdating ko sa labas ng shopping mall, nakasakay na ng kotse ang babae.

Binalikan ko si Brix na naghintay sa akin sa loob ng mall. Sinabi ko sa kanya ang lahat. “Baka girlfriend ng kuya mo. ang ganda kaya noon. Bagay sila.” sambit niya. Nakita kasi niya ang babae. At hindi alam ni Brix na may naiibiang pagmamahal ako sa kuya Andrei ko.

“Tange! Sabi nga ni kuya, kami lang ang may parehong singsing na iyon. Handcrafted kaya iyon!”

“E baka nagpagawa uli ang kuya mo, para naman sa girlfriend niya.”

Med’yo may kakaibang kirot na dulot sa puso ko ang sinabing iyon ni Brix. “Hindi ah! Sasabihin sa akin ng kuya ko kapag may girlfriend siya. Hindi kaya iyon naggigirlfriend kapag hindi ko nagustuhan ang babae.”

“Ah, baka pareho lang ang gumagawa ng singsing at ginawan din ang babaeng iyon.”

Iyon ang mga kuru-kuro namin ni Brix. At pinilit ko na lang ang sariling palampasin iyon bagamat hindi ko maitatwa na may malaking katanungan talaga ang aking isip kung paano nagkaroon ng kapareha ang aking singsing

Lumipas ang ilan pang mga buwan. Halos hindi ko na palagiang nakakatext at nakakusap sa telepono ang kuya Andrei. Siguro may isang beses na lang sa tatlong linggo o kung hindi man, isang buwan. Masakit. Ngunit inintinde ko na lang dahil ganoon talaga ang trabaho niya eh. Ang mahalaga sa akin ay buhay siya.

Isang araw, tumawag siya. “Hello bunso! Nasa downtown ako. May binili kasi ako ngunit nagsara na ang mga shops dahil gabi na kung kaya nagcheck in muna kao sa hotel at bukas ko na itutuloy ang pagbili ng mga gamit...”

Iyon ang narinig kong sabi niya.

Ngunit hindi pa man ako nakasagot ay may sumingit na, “Hi Alvin... palagi kang ikinikuwento sa akin ng kuya mo...” Boses ng isang babae!

Mistulang may malakas na bombang sumabog sa aking harapan sa pagkarinig ko sa boses ng babaeng iyon. “Naka check in siya sa isang hotel ngunit may kasama siyang isang babae?” sa isip ko lang. Ramdam ko ang sobrang lakas nag pagkabog ng aking dibdib. Para akong na-shock, natulala.

Natahimik naman sila sa kabilang linya. Hinid ko alam kung bakit.

“S-sino iyon kuya? May kasama ka bang babae sa hotel???”

(Itutuloy)

19 comments:

  1. huhuhuhuhuh.. na paiyak nman ako d2? galing mo tlga mr.author?


    kilan nman po kaya ang next chapter.

    ReplyDelete
  2. Cant wait for the next chapter. Stay strong alvin :-) sabihin mo na kasi kay andre

    ReplyDelete
  3. hay,,aun...ok na sana ang lahat...iisang babae nga lang kaya ung nakbangga ni alvin at ung kasama ni andre sa hotel??hhhmmm...

    kahit ako mapapaisip dn..masakit kaya un!

    -monty

    ReplyDelete
  4. tama ang hinala ko!!!! malaking ouch para kay Alvin. MOral lesson, wag umasang mamahalin ka ng taong walang kasiguraduhsng may pagtingin sa iyo.


    queckenstedt

    ReplyDelete
  5. gandan na sana ng entrada ng helicopter no? Kaso narisa lang ang lahat sa isang boses ng babae.

    Sensya na ah! Biglang luabas sa isip ko ang babaeng iyon hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr mike where we can buy the book of this munting lihim

      Delete
    2. wala pa pong book version ito. under process pa, hehehe.

      salamat for the interest. i'll post kung mayroon na. TC

      Delete
  6. naiinis na ko! buset yang andrei na yan! babaero! ..:p..
    at ikaw naman alvin! huwag ka nang umasa! kay brix ka na lang at aminin mo na ang mga dapat mong aminin sa kuya mo!

    dapat ang kuya mo naman ang saktan mo ! ipagselosan mo siya kay brix!. hindi yung ikaw na lang lagi ang sinasaktan nya! hahaha.. biro lang! pero totoo! haha xD

    next na! cant wait eh! inis na ko eh! xD
    superr ganda talaga idol ! =D!

    ReplyDelete
  7. kuya mike ang galing. Ganda nung speech ni alvin.

    Ouch lng sa last part. Tsk! Sabi na nga ba.

    ReplyDelete
  8. gusto ni andrei na babae ang ligawan ni alvin, pero bakit ginagawa nya kay alvin ang hindi dapat gawin ng parehong lalaki? Parang ginagamit lng nya talaga si alvin. Kawawa naman.

    ReplyDelete
  9. Donating P1k..... for the book..... will be sending the donation at months end (next week).....


    Good luck for the book launching....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Pat! MSOB will be really glad to have your donation. If it's available pls email me at getmybox@hotmail.com. I wull tell you how to contact our treasurers Dalisay and Rovi.

      May mga nagpledge na rin. Your 1K will be a big boost and help to our project Pat.... Wala nang atrasan ito. :-)

      Delete
  10. grabe kinakabahan ako sa kwento.. bilis ng tibok ng puso koh. haha

    ReplyDelete
  11. Ang ganda na sa una eh
    Kaya lang biglang masasaktan sa huli

    Huhuhuhu

    -arvin-

    ReplyDelete
  12. wow...un na yung hinihintay ko eh....ung malaking problema....hayyyyyssst

    ReplyDelete
  13. walang duda na yun nabangga ni Alvin na babae sa grocery at yun kasama ni Andrei sa hotel ay iisa lang... Kawawa naman si Alvin, hinde pa kasi magpaligaw kay Brix para matauhan yan si Andrei.. hays next chapter na Kuya Mike ^_^

    - Toffer -

    ReplyDelete
  14. Hey mikeyboy,

    ITs been a while , :) yes count me in, in your project :), Nagagalak akong tulungan kita kasama na ang iyong mga magagaling na writer. :)
    just remind me na lang para diko makalimutan :)

    pero may utang ka sa akin hehehe na late ako ng 15 minutes, pero grabe penalty ko hehehe (joke)

    nasa fb inbox mo yung mapaglarong conclusion ko dito sa story mo hehehe


    tc
    austin blue
    ===
    Hey wag masyado magpapagod ... take sometime to rest alalahanin mo na may karamdaman ka . ingat always mikeyboy

    ReplyDelete
  15. nice dream ang scene ng graduation nya,...
    un nga lang sira nanaman ang araw ni alvin - dahil sa babae n un,.
    thanksd po.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails