Followers

Friday, August 24, 2012

Kiss The Rain Chapter 13


Pauna: Salamat sa mga patuloy na nagaabang. Thank you talaga!
I missed writing kaya patakas na ako mag sulat sa office with matching drama pa sabi ni Ate ROVI. hehehehe!

As i have said sa Wide Awake ay ipagpapatuloy ko na ito. heto na po sila Argel, Donnie, Erwin, Jhepeth, at Kenji.

Vincy: Hamishu din! may utang ka sa akin!

Kenji: Friend ayan ha napagpag ko na ang amag.

Pero bago lahat SALAMAT sa mga sumusunod na mga tao:

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.




Kiss The Rain
Chapter 13
True Love.....


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________


Tanghaling tapat at di na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagdadalawang isip pa din kung pupuntahan ko si Argel o hindi.

"Nak, ok ka lang ba? Halos hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." pag basag ni mama sa pag iisip ko.

"AH! Opo ok lang. Masarap kaya!" sabi ko sabay subo ng nakatusok na isang malaking hiwa ng karne sa tinidor na hawak ko.

"Si Donnie pala nasaan iyon??" Tanong ni Mama bago humigop ng kape.

"Maaga po umalis. Sinamahan Daddy niya. May lakad sila." Sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig ko.

"Ahhhh..... OK. Bonding ng mag ama." sabi ni Mama habang sinesenyasan akong lunukin ang nginunguya ko.

pagkalunok ay tumango na lang ako na parang paslit kay Mama.

"Oh ikaw ba may lakad din? Kung meron. Bili ka naman ng Eggpie". sabi ni Mama

"Opo." Simpleng sagot ko.

Pagkatapos ko naman kumain ay naligo na ako.

Habang nagaayos naman at naalala ko ang cellphone chain na kasama ang isang liham na binigay ni Argel.

kunuha ko ito at ikinabit sa cellphone ko. pagkakabit ay tinitigan ko ito at nagpakawala ng isang malalim buntong hininga saka nilapag ang cellphone ko sa harapan ng salamin.

ng makapag ayos na ako ay agad naman akong bumamaba papunta kay Mama na nasa sala ng panahon na iyon at nanunuod ng showbiz talk show. Pagkakita naman ni Mama sa akin ay tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. 

"Saan punta natin? Ang cute ng anak ko ah! sabi ni Mama habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko.

"Diyan lang po sa SM Manila kikitain ko ibang friends ko po."

"Huwag kakalimutan ang bilin ko. Eggpie. Bili mo ako at magiingat ka."

"Opo. Sige Ma. alis na po ako." sabi ko at halik sa pisngi ng Mama ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad ako ng kaunti papunta sa kalsada para sumakay ng taxi.

Ng makasakay naman ako ng taxi ay di na ako mapakali.

"Manong sa Lawton po tayo." Sabi ko sa taxi driver na tango lang ang isinagot sa akin.

Excited na kabado ako sa kung ano man ang mangyayari mamaya.....




_____________________
Argel Joseph Francisco
_____________________



Isang oras bago ang takdang oras ng pagkikita namin ni EJ ay nasa tagpuan na namin na ako.

Naglilibot at humihinga ng malalim. Nalalahanghap ko ang hangin na amoy bagong tabas na damo.

Walang katao tao sa lugar. dahil sa walang pasok ang kalapit na paaralan doon.

Di rin maaraw ang panahon. Di rin naman mukhang uulan. tamang tama lang kung balak mo talaga mag relax.

Ng mapansin ko naman na napapalayo na ako sa aking paglalakad ay mabilisang bumalik na ako sa pwesto ko kanina at tinignan ang mga dala ko kung andoon pa.

Magustuhan kaya niya ito?

Tinignan ko naman ag relo ko at halos 30 mins na lang ay mag 4pm na.

Habang palapit naman ang oras ay kumakabog ang dib dib ko sa kaba at pananabik na makita ang taong nilalaman ng puso ko.

Di pa rin ako mapakali. lakad dito lakad doon. Titig sa batong haligi. Tingala sa mga ulap. At ng mapagod na ako sa kakalakad paroon at parito ay napupo muna ako at pinagmasdan ang Manila Hotel sa di kalayuan.

"Anong meron sa Manila Hotel at titig na titig ka? May binobosohan ka nuh?!" Sabi ng sobrang pamilyar na boses sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan ko itong nilingon. Di ako nabigo at siya nga ang nasa likod ko.

Si EJ.

Humahagikgik na nakatakip pa ang kamay sa bibig. Naging guhit na lang ang mata nito sa ginagawa niya.

"Sana lagi ka na lang ganito. Masaya." sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ko ito.

"Tititigan mo lang ba ako kaya pinapunta mo ako dito?" pagbasag nito sa ginagawa kong pag eenjoy sa pagtingin sa kanya.

"Lika upo ka." sabi ko sabay abot ko sa kamay niya at pinaupo ko sa tabi ko.

"Ay! Hi pala Argel!" Sabi niya sa akin  sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.

"Para saan naman iyon?" kamot ulo kong tanong.

"Para pag bati ko. Di naman kita nabati kasi busy ka sa pamboboso sa nandun sa hotel." sabi niya habang humahagikgik.

"Oh sya. Hi din! at di ako namboboso. doon lang ako napatingin."

"Sige sabi mo. Niwala na ako." Nakangising sabi nito sa akin.

Naalala ko naman ang dala ko kaya agad kong kinuha ang basket na nasa kanan ko.

"EJ, Lika kain tayo. may mga dala akong pagkain." sabi ko habang hawak sa harap niya habang hawak ko ang basket sa harapan niya.

"Picnic tayo?" parang batang tuwang tuwa tanong nito sa akin.

isang simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanya habang naka ngiti.

"Hay naku sana ganito ko lagi nakikita ka. Nagniningning ang mata at masaya na sa mga simpleng bagay lang." isip isip ko.

Pagkababa ko ng basket ay binuksan niya agad ito at napangiti sa mga laman nito. ng tumingin naman sa akin ito ay nag bitiw siya sa akin ng isang matamis na ngiti.

At ng matapos namin mag ayos ng pagkakainan ay umayos ako ng pagkakaupo. Tumabi ako sa kanya ulit.

"Ang sarap naman ng melon bread na ito. Gawa mo?"

"Di. si Mommy may gawa niyan saka may alam akong mas masarap diyan."

"Ano?" Inosenteng tanong nito sa akin.

pagkatanong niya ay agad ko itong hinalikan sa kanyang labi.

di siya nanlaban sa halip ay tinanggap niya ang halik ko at gumanti ito sa akin. His lips tasted like honey and his lips are soft like cotton. Cloud 9 ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

Pagkatapos ng halikan namin ay binigyan ako ng isang matamis na ngiti nito.

"Masarap nga. Pero parang may vetsin.” Hirit sa akin nito.

“I love you EJ.” Wala sa sarili kong sabi sa kanya.

Sa halip na sumagot siya sa akin ay nabura ang ngiti nito at tumingin pababa sa kinauupuan niya.

“Bakit?” Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Pero isang iling lang ang isinagot nito sa akin.

“Look EJ. I don’t expect any answer from you. Alam ko na mahirap para sa iyo na sagutin ang bagay na iyon.”

“Yes Argel. Sobra. Ayoko naman magpaka plastic at sabihin na di kita mahal. Pero sa ngayon alam mo na hati ang nararamdaman ko.” Humihikbing sabi ni EJ.

“Sabi nga sa akin ni Jhepeth ay ayusin ko na itong gulo na ito. Itong namamagitan sa atin. Tama siya habang tumatagal ay nagugulo lang lalo nito isipan ko. Unfair din kay Donnie na walang alam sa nangyayari sa atin.” Pagpapatuoy niya habang lumuluha na.

Isang sunod sunod na palakpak ang sumunod na narinig namin. Si Angelica at papalapit ito sa amin.

“Wow this is so dramatic! Asan na yung mga camera? Yung Director? Shooting ba ito ng teleserye?” sabi nito habang mabagal na naglalakad.

“EJ dito ka muna sa tabi ko.”
Agad naman sumunod si EJ sa akin at hinawakan ko ang kaliwang kamay nito. Pumunta ito sa likod ko habang nagpupunas ng luha niya.

“Papaano mo nalaman na andito ako?” gulat na gulat na tanong ko sa babaeng gulo lang ang hanap.

“Babe ang cute mo talaga pag ganyan ang reaksyon. Ang cute din ng low IQ logic mo. Malamang sinundan kita. Nakita kitang paalis sa inyo kasi.” Nakangiting na nangiinis na sagot nito sa akin.

“At bakit sinundan mo ako?”

“Simple lang. Gusto ko malaman gagawin mo. Saka nagbabakasakali akong masolo kita Babe. Pero makikipag kita ka pala sa BAKLA na iyan.”

“Ayusin mo pananalita mo Angelica at kung manggugulo ka lang ay maari ka ng umalis. Nakakaistorbo ka sa amin.”

“Did i cause a bubu at that fragile gay hiding at your back?” nanunuyang patanong sa akin nito.

“Argel alis na tayo. Ayoko ng gulo.” Sabi ni Ewin sa akin habang hinihila ang kaliwang braso ko.

“No EJ. Di tayo aalis. Angelica will leave now.” Matigas na sagot ko.

“What if kung ayaw ko umalis? Anong gagawin mo Babe?”

Nagsimula na akong magngit ngit sa galit sa aninaasta ni Angelica. Habang si EJ naman di malaman na kung ano ang gagawin sa likod ko.

“Stop calling me babe. Siguro baka masuntok kita ulit?” pagbabanta ko.

“Oh come on! I know you can’t do that to me.” Mayabang na sagot ni Angelica.

Ngunit hindi ako natinag sa sinabi niya bagkus ay lalong nag init na ulo ko at inambahan ako na ng suntok ito. Pero laking pagtataka ko na walang bakas ng takot sa mukha nito.

“Sige ituloy mo ng makita ng bisita ko ang ginagawa mo.” Sabi ni angelica sa akin sabay bitiw ng isang nakakatakot na ngiti.

“Si-si-sinong bisita? Tanong ni EJ mula sa likod ko na sa tinig pa lang ay alam ko ng takot na siya.

“Why don’t you try looking at your’e back honey?” malambing pero mapang inis na sabi ni Angelica.

Lumingon naman kaming dalawa ni EJ at gulat namin na nandoon si Donnie na naka tingin sa amin. Blangko lang ang mukha nito. Wala ka mababakas na kahit ano man emosyon mula rito.

Pagtingin ko naman kay Angelica pabalik ay pasipol sipol pa ito tila masayang masaya sa ginagawa niyang pambwibwisit sa buhay namin.

Nagulat na lang ako ng bumitiw si EJ sa akin at ng lingunin ko ulit ito ay tumakbo na ito papunta kay Donnie.


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________

Nagulat ako ng makita ko si Donnie sa di kalayuan. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga nangyayari ngayon. Kung bangungot man ito sana magising na ako.

Ng magtama naman ang mata naman namin ni Donnie tila nagtatanong. Kasalungat nito ang ibang parte ng mukha niya na walang emosyon.

Nagtitigan kaming dalawa tila ba naguusap gamit aming mga isip. Di siya umimik o gumalaw mula sa kinatatayuan niya.

Nasa ganoon kaming pagtititigan ng may tumulo sa kaliwang mata niya na luha at tinalikuran ako nito at umakmang aalis na.

Tila Dinurog ang puso ko sa nakita ko. Mabilisan kong tinimbang kung ano ang dapat kong gawin.

 At ng di na nakita ng mata ko si Donnie ay doon ko na binitawan ang kamay ni Argel at patakbo kong sinundan si Donnie.

Di ko na nilingon si Argel sa pagtakbo ko dahil sa alam kong maaring masira nito ang resolba na pinili ko.

“Dhie!” Sigaw ko habang hinahabol siya.

Bagsak balikat ako nitong nilingon habang nagpupunas ng luha. Binilisan ko naman ang pagtakbo ko papunta sa kanya.

Ng makalapit na ako sa kanya ay niyakap ko ito at doon ko na ibinuhos ang aking mga luha.

“Dhie I’m sorry. Sorry. Please.” Sabi ko sa pagitan ng pagiyak ko.

Wala akong salitang narinig dito. Sinagot lang niya ng yakap at haplos sa buhok ko ang paghingi ko ng tawad.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nakita ko itong naka tingin sa akin na amy simpleng ngiti sa mukha niya na labis ko ipinagtaka naman.

“Mhie, tara uwi na tayo.” Sabi niya sa akin na ngayon ay may mas malaking ngiti na.

“Dhie...” pagaalinlangan kong sagot sa kanya.

“Tara na.” Malambing nito paguulit sa pag aya niya sa akin.

“Dhie, Please don’t act like everything is ok.” Sabi ko sa mahinang tono sapat lang para marinig niya.

“Everything is not allright. Alam ko. Pero maayos din ito.” Sabi niya sabay hila niya sa kamay ko akmang aalis.

“Dhie, Hindi ka man lang ba magagalit sa akin?” sabi ko sa kanya sabay hila pabawi ng kamay ko na siya naman ikinalingon niya ulit pabalik sa akin.

“Hindi.” Simple niyang sagot.

“Bakit?”

“Sa una pa lang tanggap ko na maaring mangyari lahat ng ito. One day or another Argel will comeback and will reclaim your heart. Naihanda ko na ang sarili ko. Masakit man pero kailangan ko tangapin. Sumugal ako sa iyo sa pag asa na mamahalin mo din ako.”

“Kung magmamahal ka nga naman ay kailangan mo tangapin kung ano man ang mangyari sa inyo. Masakit man ay kailangan mo itong tiisin. Yan ang sabi niya. Pero para sa iyo di ko lang tatangapin o titiisin. Di ko lang mahanap kung anong salita yun pero mahigit pa doon ang kaya ko gawin para sa iyo.” Pagpapatuloy niya.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya dahil sa may katotothanan ang mga sinasabi niya. Lahat iyon tumama sa akin. Nag talo ang guilt at saya sa sinabi niya sa akin. Tanging pag iyak na lang ang nasagot ko sa kanya.

“Shhhhhh.... Tahan na iuuwi na kita.” Sabi niya sa pagitan ng paghalik sa noo ko at pag punas ng luha ko.

“Dhie, Thank you.”

Sa isang iglap na iyon ay nakalimutan ko na kung ano nangyari man kanina. Marami pa man tanong sa isip ko ay di ko na ito inintindi na ito.

Habang pauwi naman kami sakay ng motor ni Donnie ay mahigpit ang yakap ko sa kanya. Sobrang pasalamat ko sa outcome ng mga nangyayari.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay at pasalamat ko naman wala si Mama sa bahay. Agad naman akong umakyat patungo sa kwarto ko. Kasunod ko lang si Donnie sa likod ko. Ibinato ko naman ang sarili ko sa kama ko at tinignan si Donnie na papalapit sa akin.

Nahiga ito sa tabi ko at niyakap ako at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko.

“Mhie...” sabi niya sa malungkot na tono.

“Po?”

“Sorry din.”

“You don’t need to.” Sabi ko habang inaangat ko ang mukha niya katapat ng mukha ko.

“Bakit?”

“Kasi love din kita.” Naka ngiti kong sagot.

Doon na niya unti unting nilapit ang labi niya sa labi ko. Nasa kalagitnaan na kami ng paghahalikan ng may malakas na sunod sunod na katok ang umalingawngaw sa loob ng tahimik naming bahay.

“Istorbo.” Reklamo ko. Sa tingin ko ay lukot na lukot ang mukha ko sa panahon na iyon.

Siguro ay natagalan ang kumakatok kaya parang woodpecker na ata ang kamy nito na sunod sunod na katok ang ginawa.

“Sandali lang!” Sigaw ko habang bumababa kasama si Donnie na humahagikgik sa likod ko.

Pagkatapat ko naman sa pinto ay binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Jhepeth na busangot ang mukha at kasama nito si Kenji na ganun din ang pagmumukha.

Tinignan ako at si Donnie nito ng masama na animo’y kakain kami ng buo. Diredirecho itong pumasok sa bahay namin papunta sa kusina na sinundan namin.

“Gutom ako. Pahingi ng pagkain.” Mala siga nitong utos sa amin ni Donnie.

Nagkatinginan naman kami ni Donnie at ibinaling naman ang tingin kay Kenji. Binigyan lang kaminito ng isang tango.

Wala naman kami nagawa kundi pagsilbihan ang dalawa  ng makakain....

Parang ginutom naman ng isang buwan kung paano kumain ang dalawa.

“So pwede ko na ba malaman ang dahilan ng mala king kong attitude mo kanina.” Tanong ko kay jhepeth habang nginangasab nito ang fried chicken na hawak.
“Walang pagkain kila Baby Kenji.” Sabi nito habang namumuhalan at masama ang tingin kay Kenji.

Natampal ko naman ang sarili ko sa pagitan ng pagtawa ko sa itsura ng dalawa. Ito pa ang isang ipinagpapasalamat ko. Ang mga kaibigan ko na nagpapalimot din ng mga problema plus nakakatulong din sa pagresolba nito.

Nasa pagtawa ako sa dalawa ng  malingon ako kay Donnie. Nakatingin ito sa akin. Ramdam ko sa tingin nito ang lubos na pagmamahal.

“So titignan mo na lang ako?” Sabi niya.

Walang ano ano parang kung anong spring ang umigkas sa paa ko at lumambitin ako sa leeg ni Donnie para abutin ang labi nito. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin sa harap ng mga kaibigan ko.

“Baby Kenji, Nag kiss sila! Tayo din dali!” Sabik na sabik na sabi ni Jhepeth.

Pagkatapos niyon ay kalansing na lang ng kubyertos ang narinig ko malamang tumakbo na si Kenji palayo kay Jhepeth.



Itutuloy.





Guys pasensya na kung matagal ang updates. Sobrang busy lang kasi ako sa bagong work ko. Kung di kayo naniniwala kay Kenji aka dark_ken kayo mag tanong. Ilalaglag ako niyon about sa tunay na dahilan hahahaha!

Susundan ko agad ito promise. (^_^)

1 comment:

  1. hahaha....!!! I can't keep on laughing while reading this update( thanks author ha hehe), because while reading the story i kept on thinking ano na nga ung flow ng story na to gang nung maalala ko tapos ko ng mabasa ung story... So i reread it again...

    wow, grabe kung lahat sana ng mga tao kagaya ni donnie wenx galing niya... love na love nga nya si EJ.. at dun sa malditang si angelica... pwede bang magrequest author kahit isang paragraph lang sa mga susunod na chapter mo kahit next year okay lang hehe... kawawain mo naman sya oh... makaganti lang hehe. panira sa moment nila ni arjel eh haha.... epek na epek...


    thanks..

    -jj-



    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails