Followers

Tuesday, August 28, 2012

Munting Lihim [11]


By: Mikejuha

Author’s Note:


PARA PO SA MGA READERS NA GUSTONG MAKIBAHAGI SA BOOK ANTHOLOGY PROJECT NG MSOB, HETO NA PO ANG INYONG PAGKAKATAON NA SUMALI AT MAGBIGAY INSPIRASYON SA ATING MGA WRITERS THRU DONATION PO.

Kauna-unahang book anthology poject po ito ng MSOB at para po sa mga mga supporters, fans and followers na nagnanais makibahagi sa sa proyektong ito at makatulong sa ating minamahal na mga amateur writers upang magkaroon sila ng book at mas maengganyo pa silang magsulat, nais ko pong manawagan para sa inyong donation or sponsorship para po sa pagpublish namin sa aming nasabing Book Anthology. Kahit magkaanong halaga po ay taos-puso po naming tatanggapin. 

Ang aming minimum target na bubuuin ay ang halagang Php 30,000 po para sa publication and printing. Ang aming treasurer po ay sina Rovi at Dalisay.

I-acknowledge po namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng paglagay ng inyong pangalan (or pseudonyms) sa libro at bibigyan din po namin kayo ng libreng book/s na may signature ng lahat ng mga authors.

Mga authors na kasali:
1) Mikejuha,
2) Dalisay
3) Rovi
4) Patrice
5) Lui
6) Dhenxo
7) Kenji
8) Benedict
9) Guest Writer (akosiaris)
1o) Guest Writer (jon Dmur)

Illustrators:
1) Justyn Shawn
2) Patrice
3) Marlon
4) Erwin
5) Jake

Targets:

Aug 23: Editing/proofreading, illustrators’ drawings
Sep 20: Final editing proofreading of manuscripts by individual writers
Oct 18: Submission of final manuscript to publisher
Oct 25: Proofreading of blueprint by writers
Oct 30: Return to publisher to proceed final printing
Nov 7-14: Release of book

Para po sa mga nais magdonate, please contact Mikejuha through this email: getmybox@hotmail.com


Heto po ang update of Donors. Sa ngayon po ay may 11 na donors na po ang MSOB and still counting. Kaya hanggang sa end of September tumatanggap pa po kami ng mga donasyon.

Donors Country Amount Foreign Status
1. Mr. Mister Phil

Pledge
2. Mr. Gazeebo Phil

W/ appointment
3. Mr. Dadi J Phil

W/ appointment
4. Mr. Arvin S. Antolin Taiwan

Received
5. Mr. Blue Canada

W/ appointment
6. Mr. Oliver Alloreat Burma

W/ appointment
7. Mr. Ric KSA

W/ appointment
8. Mr. Patryck Phil

W/ appointment
9. Mr. N Cristian Oleriana Phil

Pledge
10. Mr. Ian KSA

Pledge
11. Mr. Joser Phil

Pledge
12. Mr. Anonymous "B" Phil
Pledge
13. Mr. Wow café Phil

Pledge
14. Mr. Gilamr Phil

Pledge
15. Mr. Churva Phil

Pledge

Sana po ay may dumagdag pa. Huwag po kayong mag-alala, we will strictly account po sa inyo ang mga expenses. Ang matitira ay gagawin naming seed money para naman sa  susunod na grand EB.

Maraming salamat po!

-Mikejuha and MSOB Anthology Writers-

--------------------------------------------------------

BOOK FAIR AT MOA SEP 12 - 16, 2012:

Gusto ko rin pon i announce na magkaroon po ng Manila International Book Fair sa MOA sa Sep 12 - 16, 2012 at ang publisher ko po (Central Books) ay magdidisplay rin ng mga books doon. Iyon pong hindi pa nakabili ng libro kong "IDOL KO SI SIR" unang book ko po ito ay maaaring dumalaw sa book fair at maghanap po. Iyong mga naghahanap at hindi makabili-bili, ito na po ang pagkakataon ninyo.

Sana ay suportahan po ninyo ako.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-
--------------------------------------------------------------


“N-Nasa ospital ako tol...” ang sagot ni kuya sa kabilang linya.

“Di ba sabi mo ay nasa hotel ka? Bakit nasa ospital? At sino iyong babaeng sumingit sa usapan natin?”

“N-nurse ko siya tol...”

“N-nurse???” Para akong biglang natauhan sa narinig. Kinabahan. “B-bakit? Nasaan ka ba talaga?”

“Nasa ospital.”

“Ha? Saang ospital?”

“Dito sa Military Medical City ng Mindanao.”

“Bakit ano ba ang angyari talaga?”

“Mahabang kuwento tol... saka ko na ikuwento sa iyo ha? Ang mahalaga ay buhay ako, ligtas... at nakakausap mo pa.”

“Kuya naman eh. Ano ba ang nangyari talaga? Bakit ayaw mong sabihin?”

“A-ayaw kong mag-alala ka... ayaw kong mag-alala kayo d’yan ng itay at inay. Dapat nga ay hindi na lang ako tatawag eh. Ngunit hindi kita matiis.”

“Kung ayaw mong sabihin, sige. Pero pupuntahan kita d’yan.”

“Nonono! Huwag!” ang mabilis din niyang sagot.

“Bakit?”

“Syempre naman tol... malayo rito. Pangalawa, alam mo ba kung paano pumunta rito? Malayo at mahirap ang pagpunta rito. Saka ka na lang pumunta dito kapag nagbakasyon ako d’yan, isasama kita rito kagaya ng dati... magbabonding tayo.”

Natahimik naman ako. Tama naman siya. Malayo ang Mindanao, hindi ko alam ang pagpunta roon, ni hindi ko nga alam kung ano ba ang sasakyan patungo roon. At may pangatlo pang mas malaking problema: pamasahe. Wala akong pera.

“Basta, okay lang ako rito at huwag kang mag-alala ha?”

“S-sige po...” ang naisagot ko bagamat sa kaloob-looban ko ay may maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isip. “A-ano ang sasabihin ko kina itay?” dugtong ko.

“Sabihin mo lang na okay lang ako rito? At huwag mong sabihing nasa ospital ako ha?”

“S-sige po...”

Iyon ang takbo ng aming pag-uusap. Noong nakauwi na ako ng bahay atsaka ko naman naalala ang tungkol sa singsing na nakita ko sa daliri ng isang babae. “Di bale, itatanong ko na lang iyon sa sunod naming pag-uusap sa telepono.” sa isip ko lang.

Noong nakauwi na ako ng bahay, hindi naman maalis-alis sa isip ko ang kalagayan ni kuya Andrei. Syempre, nag-alala ako. At ang isa pang bagay na bumabagabag sa aking isip ay ang babaeng iyon na sumingit sa aming usapan. “Sino kaya siya?” “Kung totoong nurse lang siya ni kuya Andrei, bakit palagi raw akong ikinikuwento sa kanya ni kuya?” “Ganyan ba talaga ang mga nurse sa mga pasyente?” Ganyan na ba sila ka close?” “Puwede bang ang isang nurse ay kukuwentuhan mo sa mga bagay-bagay na intimate, kagaya nang mahal sa buhay, pamilya, etc?” “At abkit bigla siyang sumingit sa usapan namin ni kuya? Naka speaker phone ba ang cp niya?” “Hindi ba siya nahiya na sumingit sa usapan sa magkuya?” “Bakit din ini-speaker phone iyon ni kuya Andrei?” “Bakit kailangang marinig iyon ng babae?” “At kung hindi man naka speaker phone iyong cp niya, bakit ang dali-dali naman yata niyang nakasingit na parang nasa tabi lang siya ni kuya?” “O hinablot na lang ba niya ang cp ni kuya habang nagsasalita siya?” “Ganyan ba sila ka close talaga?”. Maraming tanong ang aking isip. Iyon siguro iyong sinasabi nilang instinct na kapag nagmahal ka raw, sa tono pa lang ng pananalita ng iyong mahal ay malalaman mo na kung may kahina-hinala; kung may mga bagay itong hindi sinasabi. Maaamoy mo, maramdaman mo, bigla kang kukutuban, mag-isip, di mapakali... Parang iyon siguro ang nangyari sa akin. 

Kaya may nabuong plano sa aking isip: pipilitin kong makapunta sa Mindanao at dadalawin ko siya sa Military Medical City, upang mapanatag na ang aking kalooban. At sorpresang dalaw ang gagawin ko. sosorpresahin ko siya.

Ngunit may malaking problema sa plano kong iyon: kung paano ako makapunta roon. Hindi ko alam kung saan ang daan, kung ano ang sasakyan. Malayo kaya ang Mindanao. Kung sa San Pedro City lang sana iyon, sa una niyang assignment, kaya kong pumuntang mag-isa. At ang pinakamalaking problema pa ay pera; pamasahe. Wala ako noon.

Ngunit malakas ang udyok ng aking isip na makapunta ng Mindanao. At kapag ganyang pursigido kang gawin ang isang bagay, maghanap ka talaga ng paraan. Iyon ang ginawa ko.

Isang linggo na lang at magsemestral break na noon. May naisip akong paraan. Si Brix.

“Brix... ngayon lang ako lalapit sa iyo. K-kasi...” hindi ko naituloy kaagad ang sasabihin. Nahiya kasi ako. Bagamat alam kong hindi ako pababayaan ni Brix kung ano man ang aking hihilingin, alam kong mahirap dahil nangparamdam siya sa akin at baka sisingilin niya ako balang araw. Ngunit siya lang ang naisip kong nag-iisang taong makatulong sa akin. Kaya may pag-alinlangan man, itinuloy ko na rin ang paglapit sa kanya.

“Ano yan, tol? Alam mo namang kapag ikaw ang humiling sa akin ng kahit anogn bagay ay hindi maaring hindi kita pagbigyan. Ikaw pa; ikaw ang dahilan kung bakit dito sa unibersida na ito ako nag-aaral at kung bakit nagbago na ako.”

Napangiti naman ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Nakikita kong may pagbabago na sa kanyang pag-uugali, at kahit na ang gusto ng mga magulang niya na ay sa Amerika siya mag-college kung hindi man sa UP o Ateneo, ipinaglaban pa rin niyang sa unibersidad na iyon mag-enrol, dahil sa akin.

Naalala ko pa noong sinasamahan niya ako sa aking pag-enrol. “Brix... dito na lang talaga ako sa unibersidad na ito.” wika ko kay Brix. Iyon na kasi ang napili ko. Mataas din naman ang standard; state university siya bagamat hindi ganoon ka-sinop ang pagmentina at pag-aalaga rito, at hindi ganoon ka estrikto sa desiplina sa mg estudyante, hindi kagaya sa mga sikat at mamahaling private at state university sa Maynila. At kahit gugustuhin kong mag-aral sa ibang mas sikat na unibersidad, wala akong choice. Sa dalawang scholarship na nakuha ko, iyon ang pinaka okay. Malayo-layo nga lang sa lungsod namin.

“Sure ka na?” 

“Sure na...”

“Kung sure ka na, e dito na rin ako mag-aaral.” ang sagot naman niya.

“Weee! Ang sabi mo kaya sa akin na sa Amerika ka o di kaya ay sa Ateneo o di kaya ay sa UP dahil iyan ang gusto ng mga magulang mo, di ba?”

“E, kung igiit nila ang gusto nila, sila na lang ang mag-enrol doon. Basta ako... dito na.”

Natawa naman ako. “Sila talaga ang mag-enrol?”

“E sila ang may gusto eh.”

 “Paano kung hindi sila papayag? At igiit nila ang gusto nila?”

“Kukumbinsihin ko sila.”

“Paano mo sila kukumbinsihin? Syempre, mayaman kayo at karangalan ng pamilya at mga magulang mo na sa magandang unibersidad mag-aaral ang anak nila upang mabigyan ng magandang kinabukasan, magandang pondasyon sa buhay na maipagmamalaki mo rin balang araw. Sa aming mga mahihirap, tama na ang makapagtapos ng college, kahit saang college okay lang.”

“Basta... dito ako.”

“Bakit gusto mo rito?”

“Dahil nandito ka; babantayan kita, tutulungan, aalagaan.”

Napa-“Weeeh!” naman ako. “Bolero! Kahit hindi ganyan ka-sikat itong unibersidad ko? Kahit hindi ganyan kaganda ang maipagmmalaki mong unibersidad na isusulat mo sa iyong bio-data o educational background kapag nagtapos ka dito?”

“Ang unibersidad hindi masyado. Paro ikaw, maipagmamalaki ko. Balang araw kapag successful ka na, sikat tinitingala, masasabi kong ‘ey... ako ang nag-aalaga niyan. Ako ang numero unong fan at supporter niyan! ako ang nagpo-protekta niyan!’”

“Grabe ka naman, OA!” sagot ko. “Bakit, isusulat mo rin ba ang pangalan ko sa bio-data mo?”

“Oo naman. Lalagyan ko iyan ng dagdag na linya na: “Name of inspiration: Alvin Palizo, the one I love.”

Humalakhak ako ng malakas. “Adikkk!”

“Totoo iyan tol! At gusto ko, lahat ng mga gagawin kong desisyon sa buhay ay dahil sa iyo. Gusto kong isang araw na nasa isang bahagi na ako ng buhay ko, lilingon ako at masasabing, ‘kung ano man mayroon ako ngayon, ito ay dahil may isang Alvin na minahal ko...’”

“Waaaahhh! Bolero ka talaga! Kaya marami kang nabibiktimang mga bakla kasi ganyan ka magsalita. Totoo ngang killer ka ng mga bakla at babae!” ang nasambit ko na lang bagamat pakiramdam ko ay humaba na aking puso at nalubog na sa taba ang aking puso. Parang gusot kong mahanap ng CR at doon ipalabas sa urinal ang maraming kilig.

Iyon ang kwentuhan namin noong araw na nagdesisyon ako na mag-enrol sa unibersidad na iyon. At hindi ko na rin sineryoso ang sinabi ni Brix. Ganyan naman talaga siya. Simula noong insidente na sinabi niya sa akin na liligawan niya ako, palagi nang ganoong nagpaparinig, nagpapa-sweet, nagpapakilig. May record naman kasi siyang pagka-pilyo. Bagamat may nakita akong pagbabago sa kanya, hindi agad mabubura ang record niyang iyon. At iyong sinabi niyang doon rin mag-aaral sa unibersidad ko, hindi na ako umasa roon kasi, sino ba ako na maging dahilan niya upang i-decline ang magandang unibersidad.

Ngunit doon ko nalaman na seryoso siya sa kanyang sinabi noong sa araw ring iyon isinama niya ako sa kanilang bahay at habang nasa sala nila ako, nakaupo sa isang sofa sinabi niya sa kanyang mommy na, “Mommy, sa Central University na ako mag-enrol”

Nagulat ako. Syempre, ang buong akala ko ay char lang iyong kanyang sinabi.

Subalit bigla ring na-busted ang plano niyang iyon noong katakot-takot na mura ang natanggap niya galing sa mommy niya, “Punyeta! Sa unibersidad na iyan ka mag-aaral? Bakit ano ba ang mayroon d’yan at iyan ang napili mo? Dahil nakakalakwatsa ka d’yan? Ganoon ba? Dahil sa mga barkada mong lasenggero at adik? Tantanan mo na nga iyang ugali mo, Brix! Kahit saang unibersidad sa Amerika, kahit sa Europe pa... huwag lang sa unibersidad na iyan!”

Pakiramdam ko tuloy ay ako ang napagalitan. Grabeng magsalita ang kanyang mommy. Wala itong pakialam kahit na naroon ako sa kanilang sala at narinig ang kanilang pag-aargumento. Siguro ay hindi ko rin naman siya masisisi. Napaka-bad boy kasi ni Brix. Lahat na yata ng bisyo ay nasa kanya, dagdagan pa sa kanyang pagkapilyo at pambibiktima ng mga babae at bakla, maniac nga siya kung tawagin nila.

Ngunit syempre, may lungkot akong nadarama. Kahit papaano, noong naging close na sa akin si Brix, alam kong iniiwasan na niya ang mga masasamang bisyo at pagka-pilyo. Palagi na nga siyang nag-aattend ng klase, sumasali na sa recitation. At hindi ko na nakitang naninigarilyo pa ito, hindi na sumasama sa mga barkada, hindi na late sa klase. At higit sa lahat, alagang-alaga na ang sarili; sa pananamit, sa kanyang mga gamit, sa kanyang mga responsibilities sa school. Hindi kagaya dati na walang paki kung ano ang hitsura niya. Pero sa pagbabago niya, palagi na siyang pogi tingnan. “Dapat kailangnang pogi tingnan para ma inlove ka na sa akin” ang palagi niyang isasagot kapag binibiro ko siyang “Mukhang isang buong bote ng gell ang naubos mo d’yan sa buhok mo ah!”

Hindi lang siguro naramdaman ng kanyang mga magulang ang pagbabago niya. O baka nga, dahil ito sa sinabi mismo ni Brix na palaging busy ang mga magulag niya sa kanilang negosyo upang mapansin siya. Paano nakatatak na rin siguro sa isip nila na talagang salbahe ang anak nila at hindi ito mababago sa ganoon-ganoon lang kadali. Kumbaga, nakundisyon na ang isip nila na ganyan na talaga siya.

May dala ring lungkot sa puso ko ang narinig na pagtutol ng kanyang mommy na sa parehng unibersidad kami mag-aral. Simula kasi noong naging close na sa akin si Brix, siya lang ang nag-iisa kong kaibigan, kakampi, driver, body guard, tagapagtanggol. Halos bayani nang maituturing. Kasi, lahat ng mga pangangailangan ko ay naibibigay niya. Kahit hindi pa ako nanghingi nagbibigay na siya. Noong nalaman ko nga na gusto ng mga magulang niya na sa Amerika siya mag-aaral, naitanong ko kaagad sa sarili na, “Paano na lang kaya ako kung wala si Brix?”

Inihatid ako ni Brix sa bahay ko na bakat ang lungkot sa kanyang mukha. Gusto ko man siyang pasayahin, wala rin akong magawa. “Ok lang iyan Brix...” ang nasabi ko lang sa kanya.

“Hindi ok iyan tol...” ang sagot din niya. “Gagawa ako ng paraan.”

Iyon lang. Tahimik na ako. At nakarating kami sa bahay ko na wala kaming imikan. Para kaming namatayan ng mahal sa buhay at ako ang nasisi kung bakit namatay ang kung sino man iyon.

Anyaway, nakaset na talaga ang kundisyon ng utak kong hind ko siya makakasama sa college. Noong araw ng pasukan, si Brix ang unang naalala ko. Ang huling text niya kasi sa akin ay paalis na raw siya patungong Amerika. Malungkot pero wala akong magawa.

Nag-bell na para a una kong klase na English 1. Hawak-hawak ko pa ang classcard ko sa aking kamay, dali-dali kong tinumbok ang hagdanan patungo sa second floor kung saan naroon ang silid-aralan ko noong mula sa aking likuran ay may sumigaw, “Pare! Saan ba ang room ng English 1?”

Bigla naman akong kinabahan sa pagtawag na iyon sa akin. Pamilyar kasi sa akin ang boses. At noong nilingon ko ang pinangmulan noon, hindi nga ako nagkamali, Si Brix.

“Waaaaah! Nandito ka rin?” sigaw ko. Mistulang naglulundag ang puso ko sa matinding tuwa. Parang noon ko lang naappreciate ang lahat-lahat sa kanya; ang mga ginawa niya sa akin, at higit sa lahat, ang taglay niyang kapogian. Parang feeling ko ay bigla akong nagkaroon ng crush sa kanya. Dagdagan pa sa kanyang suot na asul na body-fit na t-shirt na may dilaw na stripes at itim na pantalon, plus ang buhok na punong-puno ng gell.

“Bakit, bawal bang dito ako mag-aral?”

Napangti ako. At ang sunod kong nabanggit ay ang biro ko sa kanyang, “Naubos mo na naman ang isang bote ng gell ano?”

Na sinagot niya uli nang, “Syempre, nag-effort talaga ako d’yan para ma in love ka na sa akin...”

Nagtatawanan na lang kami habang naglakad patungo sa hagdanan at sa aming silid aralan. At sa loob-loob ko lang, hinid naman magkamayaw ang puso ko sa sobrang galak.

Pagkatapos ng klase doon na niya ikinuwento ang lahat; kung paano niya napapayag ang kanyang mga magulang na doon siya mag-aral..

“Nasa sala ako, nakatungtong sa isang upuan, nakatayo, at sa leeg ko ay nakalingkis ang lubid na ang dulo ay nakatali sa kisame. Itinaon ko talaga ito sa oras ng paglabas nina mommy at daddy sa kanilang kuwarto, oras na tutungo na sila sa kanilang mga trabaho. Nagulat sila sa nakita. Sinabi kong kapag hindi nila ako papayagang mag enrol dito sa unibersidad na ito, tatadyakan ko ang upuan upang mabitin ang katawan ko at masakal ang leeg ko sa lubid. Noong hindi nila ako pinansin at tuloy-tuloy lang sila sa pag-alis, tinadyakan ko na talaga ang upuan. Noong nakalambitin na ako, doon na sila nataranta. Binuhat ako ng daddy ko habang ang mommy ko naman ay tinawag ang aming mga kasambahay na lalaki. May bakat pa nga ako ng marka sa aking leeg o...” at ipinakita niya ang marka ng lubid sa kanyang leeg. “Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Hindi na ako nakahinga eh. Ilang segundo kaya iyon... Ang sakit pala kapag nagpapatiwakal ka! Pero kaya kong gawin iyon... para lang makasama ka.” dugtong niya.

“Gago ka talaga. E kung namatay ka, e di ako pa pal angayon ang may kasalanan?” sambit ko.

Napangiti sia ng hilaw. “Kaya nga itinaon kong nand’yan sila eh. Syempre, hindi ako hahayaan nila na mamatay.”

“Ewan. basta, delikado pa rin iyong ginawa mo...”

“Basta para sa iyo, kaya kong gagawin ang lahat. Walang silbi kung sa Amerika o sa UP o Ateneo ako mag-aaral kung wala ka sa piling ko. Kasi, sigurado, magiging barumbado na naman ako at hindi ko matatapos ang pag-aaral. Ikaw kasi ang inspirasyon ko eh.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Syempre, ang sweet naman ng mga sinabi ni Brix. Pero kasi... ang puso ko ay para kay kuya Andrei. Siya naman talaga ang mahal ko. “A-ano ang sabi ng mga magulang mo?” ang tanong ko.

“Wala... nakipagcompromise na lang sila. At nagpromise naman akong magiging good boy at ipinangakong tatpusin ko ang aking pag-aaral, at kung kaya ko, bibigyan ko sila ng honors. At susundin ko rin ang lahat ng gusto nila... Mistulang happy naman sila sa mga ipinangako ko. Ang dinagdag lang ng daddy ko ay kapag nakatapos na raw ako rito, mag-MA at mag-PhD ako sa Amerika. Ok lang...”

Iyon ang kuwento ni Brix sa akin. At natuwa naman ako.

At tinupad naman ni Brix ang kanyang pangako. Nag-aral siyang mabuti, nagtutulangn kami sa project, sabay kaming na nagla-library at nagreresearch. At dahil classmates kami sa lahat ng mga subjects, halos palagi siyang nasa top 2 ng mga tests. Syempre, ako ang kadalasang top 1.

Happy ako, touched na ako ang ginawa niyang inspirasyon, bagamat may bahagi rin sa aking utak na nakonsyensya. Kasi napatunayan kong sa kabila nang totohanan na talaga ang panliligaw niya sa akin, at pinanindigan niya ito, may mga pagkakataon na hindi ko nasusuklian nang mabuti ang kabaitan niya. Minsan, sinusungitan ko, sinisimangutan at nilalapitan lamang kapag may kailangan.

Paano naman kasi, palaging si kuya Andrei ang sumisingit sa isip ko. Siya lang ang mahal ko at bagamat may pagtingin din naman ako kay Brix, mas matimbang pa rin sa puso ko si kuya Andrei. At umaasa ako na isang araw, kami pa rin ng kuya ko ang magkatuluyan.

Naputol ang aking pagmumuni-muni noong, “O... ano pala iyong sinabi mong maitutulong ko sa iyo?” ang narinig kong sambit ni Brix.

“Ah eh... k-kasi si kuya Andre, iyong kuya kong militar? Di ba nakita mo na siya?”

“Oo.. bakit?”

“Kasi... na-ospital eh. Natamaan ata ng bala sa kanilang sagupaan ng mga rebelde?” ang pag-aalibi ko na lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung natamaan ba siya ng bala, wala namang sinabi

“Ganoon? Ngayon, ano ang gusto mong mangyari?”

“G-gusto ko sanang dalawin siya sa Mindanao sa darating na semestral break eh...” ang pag-aalangan ko pa. Syempre, kahit ganon na kabait si Brix sa akin, nahiya pa rin ako.

“Semestral break? Next week na iyon di ba?”

“Oo...”

“Gusto mong samahan kita?”

“Oo. Di ko kasi alam ang pagpunta roon.” Gusto ko sanang idugtong pa na wala akong pamasahe ngunit naunahan ako ng hiya.

Nag-isip siya. Pansin ko ang pagngiwi ng kanyang mukha. “K-kasi... alam mo, nasa bingit ng kamatayan ang lola ko kong nasa Amerika. Cancer. Bedridden na siya at naghintay na lang sa kanyang huling araw. Gusto ng mommy ko na kaming lahat ay pupunta roon dahil hinahanap na raw kami, parang death wish niya ba? At handa na ang mga papeles namin...”

“Ah...” ang malungkot kong sabi. “S-sige, huwag na lang” dugtong ko pa. Pakiramdam ko ay gumuho ang lahat ng aking mga plano. Ngunit hindi ko na ipinahalata ito.

Noong napansin niyang malungkot ang aking mukha, inakbayan niya ako, “Pero huwag kang mag-alala, may mungkahi ako...” sambit niya.

“A-ano?” ang tanong kong nabuhayan ng pag-asa.

“May pinsan akong schoolmate rin natin, si Noah... siya ang pasamahin ko sa iyo. At alam mo, may mga kamag-anak ang mother’s side niya sa Mindanao. Alam niya ang pasikot-sikot sa mga lugar doon kung kaya ay safe ka sa kanya.” 

“T-talaga?”

“Oo... At kung gusto mo, kukuha na tayo ng ticket ng eroplano para sa inyo ngayon?”

Syempre, natuwa ako. Una, matutuloy ang plano ko. Miss na miss ko na kaya ang kuya Andreiko. At pangalawa, eroplano pa talaga ang sasakyan namin. Nakasakay na ako ng helicopter, iyong kay kuya Andrei sa graduation ko. Ngunit ang sa eroplano, panibagong experience ito sa akin. “P-puwede?” ang sambit kong nahiya pa rin.

“Oo naman!”

Tinawagan niya ang kanyang sinabing pinsan, naka-speaker phone pa ito kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap nila. At lalo pa akong natuwa noong sumang-ayon ang nasabing pinsan niya. At tuwang-tuwa rin ito. Nagsisigaw ba.

“B-bakla ba ang pinsan mo?” tanong ko. Halata kasi sa boses.

“Oo... bakla iyon. Pero huwag kang mag-alala, hindi ka lapain noon. Mabait iyon. At alam noon na nakareserved ka na sa akin.” ang sagot naman niyang biro.

Tumawa lang ako sabag bitiw ng pabirong suntok sa kanyang pisngi.

Kaya noong breaktime na namin, agad-kaming nagpunta sa ticketing offce at nakabili agad siya ng ticket. “O may may ticekt na kayo ng pinsan ko. One week kayo roon.” sambit niya. At sabay sa pag abot niya sa ticket, iniabot din niya ang kanyang credit card.

“A-ano to???” ang sagot kong nabigla sa di inaasahang pagbigay sa akin noon.

“Credit card. Magagamit mo doon.”

“Ayoko niyan. T-tama na itong ticket namin. Bahala na akong maghanap ng mga gagastusin namin doon.”

“Tange. Syempre, maghohotel kayo roon, kakain, magbibiyahe-biyahe, maggagala kung may oras pa. Kailangan niyo ng pera. At malaki-laki, hindi puwedeng 100 pesos lang.”

“Basta, ayoko. Kung gusto mo cash na lang.” At sinabi ko talaga ang makapangyarihang salita. Cash. Nahiya man, kinapalan ko na lang ang mukha ko.

“May cash din naman dito ah. Pwede kang mag withdraw hanggang 100K”

“Basta... Ayoko niyan. Baka mawala pa iyan. Huwag na lang. Tama na ito...”

“O sige, sa last day ng pasok bago ang semestral break, bibigyan kita ng pera.”

At doon napangiti na ako. Syempre, happy ang lola ninyo.

Sa madaling salita, natuloy ang lakad amin ni Noah. Inihatid pa kami ni Brix gamit ang kanyang kotse sa airport. At kahit sa pagpalabas ng mga bagahe ko, siya pa ang naglagay ng mga ito trolley hanggang sa pagtutulak nito patungo ng gate ng check in area. Parang alila ko lang. Hindi ko lubos maisip na ang isang anak mayaman na sa bawat kilos ay may alalay, sa pagkakataong iyon ay siya ang alalay ko at kargador.

At bago pa kami tuluyang pumasok sa gate, kinuha ko na ang trolly.

Bigla rin niyang hinawakan ang aking braso, “Payakap naman d’yan...” sambit niya. At nagpaalam pa talaga na yumakap sa akin.

Niyakap ko naman siya.

“Mag-ingat kayo roon ha? Ma-miss kita...”

“Ikaw rin mag-ingat ka sa Amerika. Ma-miss din kita” sagot ko.

“Pa-kiss naman d’yan?”

Syempre nagulat ako sa narinig. Nalito ba. “D-dito? Andami kayang tao.” sagot ko. Ngunit noong naisip na wala namang masama sa halik sa pisngi kung kaya napa- “O siya siya...” na lang ako.

At hinalikan ako sa kaliwang pisngi at pagkatapos, sa kanan naman at bumulong ng “I love you...”

Napangiti na lang ako, hindi sinagot ang ibinulong niya. Palagi namang ganoon. Ayaw kong sagutin siya. Si kuya andrei lang kasi ang puwede kong sabihin ng “I love you...”

Akala ko tapos na ang halikan. Kakalas na sana ako sa pagkayakap sa kanya noong bigla at wala ba namang pasabing hinalikan niya ako sa bibig! Iyong smack.

Ah grabe. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko at napalunok ng laway. Hindi ko alam kung bakit ngunit kinurot ko na lang ang tagiliran niya.

Napa-“Aray!” siya ngunit ngumiti pa rin, “Salamat.” bulong uli niya, walang pakialam sa mga taong nakapanood sa ginawa niyang paghalik sa akin sa bibig.

Tiningnan ko si Noah na tinitimpi ang ngiti, halatang kinilig. “O sya... alis na kami. Bye na.”

“Bye...” ang sambit niya uli. “Love you...” pahabol pa niya.

At hayun, nakapasok din kami sa check in area. Ngunit noong napasilip ako sa labas, salamin lang kasi ang harang, naroon pa rin pala si Brix, nakatingin sa akin. Noong nakita niya ako, saka kumaway. Kumaway na lang din ako.

“Alam mo, bagay kayo ni kuya Brix...” ang sambit ni Noah habang nasa pilahan pa kami para magcheck-in.

“Woi... Tsismoso ka ha...”

“Ano ka ba. Alam ko kaya.”

 “Paano mo nalaman?”

“Kitang-kita naman, di ba? At alam kong mahal ka niya. Ay hindi pala mahal; mahal na mahal na mahal. Alam mo bang ang dahilan ng kanyang pagbabago ay ikaw?”

“Hmmm. Hindi naman siguro...” ang pagpa-humble ko pa bagamat ilang beses na rin itong nabanggit sa akin ni Brix.

“Ikaw talaga Alvin, pramis.”

“Mabait naman talaga iyang pinsan mo eh. Minsan lang sinusumpong ng pagka-pilyo.” sagot ko

Natawa si Noah. “Hindi... Ikaw talaga ang dahilan. May ikukuwento ako. Huwag mong sabihin na ako ang nagkuwento ha?”

“O sige...” sagot ko. At hindi talaga maaawat si Noah sa kaka-kwento, hanggang sa nasa pre-departure lounge na kami, nakaupo sa mga nakahilerang upuan at naghintay sa boarding, kuwento pa rin siya nang kuwento. ang utak koa naman ay naka-focus sa eroplano at nagtatanong kung kumusta na si kuya Andrei at ano na ang hitsura niya; mag kasabikan sa aking minamahal na kuya. At dahil first time ko ngang makasakay ng eroplano, isa rin ito sa nakadag-dag excitment.

“Di ba bully iyang si Brix? Na kahit sino sa school ay inaapi, pinapahirapan, pinapahiya, hinaharass, at kapag trip, tinutukso ang mga babae, lalo na ang mga bakla na madaling mauto?

“Oo...”

“At isa ka sa binu-bully niya dati di ba?”

“Hmmmm... oo. May mga pagkakataon na nang-aasar siya, o kaya ay iinsultuhin sa recitation. Iyong uupo na ako sa aking upuan at uunahan niya akong umupo doon at kapag sabihin kong upuan ko iyan, sasagutin niya akong, ‘Bakit ikaw ba ang may-ari ng upuang ito? May panaglang ka bang nakaukit sa upuang ito?’ At hindi na lang ako iimik. Maghanap na lang ako ng bakanteng upuan na usually ay sa pinakadulo na ng klase. At may ilang mga insedente pang panghaharass niya sa akin pero hindi ko na pinatulan.”

“Tama pero alam mo, ang sabi niya sa akin, may mga ginawa pa raw siya sa iyo na hindi mo alam.”

“K-kagaya ng ano?”

“May ilang beses raw na kapag nakita niya ang notebook o di kaya ay libro mo at wala ka, sadyang itatapon niya ito sa basurahan at lihim na pagmasdan ka habang magkandaugaga ka sa paghahanap. At hindi lang notebook. Kahit anu-ano na lang daw. May isang beses pa nga raw, daw project mo naman, pinagpupunit niya at itinapon sa basurahan.”

Nahinto naman ako. Napaisip. Naalala ko pa kasi ang mga pangyayaring iyon. Iyon iyong mga pagkakataong ilalagay ko ang mga gamit ko sa isang sulok habang maglalaro o kaya ay may pupuntahan sandali. At makikita ko na lang ang mga gamit kong nagkalat, at may kulang na. Tapos magtatanong na ako sa mga kaklase ko, kasama si Brix kung nakita ba nila ang aking notebook. Ngunit kadalasan ay sasagutin nila akong wala raw silang nakita. Kaya halughugin ko na ang mga basurahan o paligid. At may isa pang insedenteng may pagsusulit iyon kinabukasan, grabe pinawisan talaga ako sa paghahanap sa nawala kong aklat at notebook na doon ko lang nahanap sa aming compost pit sa likod ng building. At may isa pang insedenteng deadline na iyon ng project namin sa creative arts at may ginawa akong collage. Pinaghirapan ko iyon, hindi ako natulog sa buong gabi matapos ko lang iyoon. Ngunit noong nag CR ako at iniwan ko ito sa labas, hindi ko na nahanap pa ito sa pinaglagyan ko. Hindi ako magkandaugaga sa paghanap nito, tinanong ang mga kaklase. Ngunit wala silang nakita, wala silang alam. Maya-maya, napadaan ako sa basurahan ng hallway at sinilip ko ito. At naroon ang pinaghirapan kong collage, durog-durog na at punit-punit, nagkalasog-lasog. Pakiwari ko ay gusto kong umiyak at maglupasay sa inis. Ngunit pinigilan ko ang sarili. Ang ginawa o ay pinilit kong buuin uli ang project ko. Kinuha ko ito sa basurahan, dinala sa library at doon ko ginawa. At sa tulong ng mga mababait na ka-klase na nagpahiram sa akin ng mga pandikit, gunting, sobrang materials nila, at kung anu-ano pa, nabuo ko muli ito. At dahil halatang nagkadurog-durog na at halata pang pinulot sa basurahan, nilagyan ko na lang ng caption na “Basura na... ngunit napakinabangan pa!” At natuwa naman ako dahil nagustuhan ng aming guro ang aking konsepto. Kaya imbes na umiyak, magmura, hanapin ang may pakana at gumanti, sisihin ang mga tao, mas nakakatulong pala kapag manahimik na lang, huwag mawalan focus at ituloy lang ang kung ano man ang nasirang gawain.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. “A-alam ko iyon Noah. At alam ko ring ang pinsan mo ang gumawa noon kasi, wala namang super bully sa klase namin na kayang gawin ang ganoong bagay. Mayaman kasi sila; kaya niyang gawin ang ano mang bagay. Ako, mahirap lang... Pero nakakatulong din ang pambubully niya sa akin. Kahit paano, gaging matatag ako, naipamalas na kaya kong magpakumbaba...”

“Wow! ambait mo pala, Alvin. Ngunit alam mo ba kung ano ang nakapagbago sa kanya? Kung ano ang naging dahilan upang mabago ang ugali niya at natuto siyang humanga sa iyo, at hmmmm, ma in love?”

Napangiti naman ako sa salitang “in love”. “A-ano?” tanong ko.

“Di ba may kotse siyang itim na tinted?”

“O-oo...”

“Isang maulan na araw daw iyon, habang naglalakad ka sa putiking daan papasok na sa gate ng school, nadaanan ka niya. Nagmamadali ka noon kasi malapit na ang simula ng klase. Sinadya raw niyang ipaharurot ang takbo ng kanyang kotse at sinagasaan talaga ang isang maliit na pool ng putiking tubig sa gilid mo lang upang tumalsik sa iyo ang maruming tubig at putik at mabasa ka, marumihan. Naalala mo ba ang insidenteng iyan?”

Nahinto ako sandali. “Oo naalala ko na. Araw iyon ng final test.” sagot ko.

“Tawa raw siya nang tawa noong nakitang ang uniporme mo ay basang-basa sa putik pati na ang mga gamit mo.”

“Paanong iyon ang nakapagbago sa kanya?”

“Kasi kahit basang-basa at marumi na raw ang iyong uniporme at mga gamit, dumeretso ka pa rin sa school. At ang nagpaantig sa kanyang puso ay ang pagpasok mo sa silid ninyo kung saan tiningnan mo raw siya na parang nagtatanong sa isip ng ‘Bakit???’ At ang ang mas nakakakonsyensya pa sa kanya ay wala man lang siyang nakitang galit sa iyong mukha. At dagdagan pa noong sinabihan ka ng guro na umuwi muna upang magbihis at ang isinagot mo siya ng ‘Ma’am, malayo po ang amin at nag-iisa lang po itong uniporme ko... tapusin ko na lang po ang test at pagkatapos, lalabhan ko na lang po ang uniporme ko sa gripo sa canteen at doon na rinpatuyuin. Doon na siya nagsisi sa ginawa niya sa iyo. Lihim raw siyang napaluha dahil sa pagkaawa niya sa iyo. Bumilib siya sa katatagan at tindi ng determinasyon mong makapag-aral na kahit ano pa ang hadlang, itinuloy mo pa rin ang pagpasok. Kung iba pa raw iyon, uuwi na ng bahay dahil sa hiya, magbihis at maghanap ng  alibi upang hindi na lang pumasok. At ang isa pang ikinaawa niya sa iyo ay ang nag-iisa mo raw  na uniporme na dinumihan pa niya. Doon niya raw naitanong sa sarili kung bakit niya nagawa ang pagpapahirap sa iyo na wala namang kasalanang ginawa sa kanya; ni ang pagganti nga sa pambubully niya ay hindi niya ginawa. Iyon...”

Napangiti na lang ako ng hilaw. Parang gusto ko ring umiyak. Kasi, totoong iyon ang pinagdaanang hirap  ko sa high school, sa kamay ni Brix. “Sandali... paano mo pala nalaman ang mga ito?”

“Ako pa... Aksidente ko kasing nakita ang mga larawan mo sa kuwarto ni Brix...”

“H-ha? May larawan ako sa kuwarto niya?’’ ang gulat na gulat kong tanong. Para kasing napaka-unusual na magdikit ka ng litrato ng isang tao sa kwarto mo. Unless, tatay mo, nanay, asawa, mahal, o artista.

“Oo! ganyan ka niya kamahal. At mas malaki pa ang larawan mo sa kuwarto niya kaysa larawan ng mahal na birhen sa kanilang altar! Para na ngang imahe ng aparisyon ito eh. Kulang na lang na palagyan niya ng tirikan ng kandila.”

Natawa naman ako sa sinabi ni Noah. “Nagbibiro ka naman eh.” sambit ko. “Tara na at boarding na!” sambit ko sabay tayo at tumbok na sa gate kung saan kami papasok. Hindi ko na pinatulan ang kuwento niya. Para naman kasing hindi makatotohanan. Atsaka, mas excited ako na makapasok na sa loob ng eroplano at makasakay. Unang experience ko kaya iyon.

Noong nakaupo na kami sa loob, itinuloy ni Noah ang pagkukuwento. “Hindi ako nagbibiro doon sa larawan mo na nasa kuwarto niya ha?”

“Weh!”

“Totoo iyan! At may apat na larawan kang nakak-kuwadro sa kuwarto niya, nakadikit sa wall. Kaya doon na ako nagtanong sa kanya tungkol sa iyo. Syempre, hindi ka naman maglalagay ng larawan nino man sa kuwarto mo pa kung walang kahulugan di ba? Kasi kung walang kahulugan pala iyon, bakit hindi na lang ang larawan ng mga magulang niya? O mga larawan ng artista? Ng mga bold star? Bakit hindi ang larawan ko? Charing! Kaya iyon... kinulit ko. Kaya napilitang sabihin sa akin ang lahat. Noong una ay paayaw-ayaw pa. Ngunit bakla ang lola mo... alam ko kung ano ang naiiba sa naaayon” sabay tawa. “At syempre, alam din naman niyang isa akong bakla, malakas ang pang-amoy at pakiramdam kung kaya, napilitan ang lolo mong isiwalat ang lahat sa lola mo. Alam mo, hinid nagsasalita iyan si Brix ng mga personal na bagay. Kahit anong problema, hindi nagsasalita iyan. Ngunit ang sa iyo, talagang sinabi niya sa akin. Siguro, parang sasabog na rin ang dibdib noong tao kung kaya ay sinabi na niya talaga sa akin. Pero nagpromise naman akong amin-amin lang iyon. At kaya... huwag mong sabihin sa kanyang sinabihan kita ha? Gusto ko kasing kayo ang magkatuluyan eh...”

Natawa uli ako. “Kami talaga?” ang naisagot ko na lang. Paano, sa isip ko, si Kuya Andrei talaga ang tinitibok ng puso ko. Siya ang nagmulat sa aking isipan tungkol sa mga bagay-bagay. Siya ang nagturo sa akin kung paano gagawin iyon. “Oo... hindi ko sasabihin Noah.” dugtong ko na lang.

“Promise yan ha?”

“Oo promise.”

“Kaya noong sinabi sa akin ni kuya Brix na samahan kita, tuwang-tuwa ako. Grabe! Kasi, hindi lang ako makakabisita sa mga kamag-anak ko sa Mindanao, makakausap ko pa ang ultimate love ng kuya Brix ko. At... syempre, maumpisahan ko na ang mission ako.”

“Ano naman ang mission mo?”

“Ang bantayan ka kapag wala ang kuya Brix ko, at ipaglapit ang inyong dalawang puso ni kuya Brix...”

Natawa ako. ”Ikaw talaga, Noah grabeh ang pagka joker mo. Masarap ka palang kasama.”

“Mas masarap ang kuya Brix ko...”

Tawanan uli.

“Woi... May idagdag pala ako sa larawan mo sa kuwarto niya” sambit ni Noah.

“Alam mo bang isang beses na napasilip ang mommy ni kuya Brix sa kuwarto at napansin ang mga larawan mo, tinanong ng mommy niya kung sino iyong nasa larawan. Alam mo ba kung ano ang sagot niya?

“A-ano?”

“Sabi niya, ‘Ang taong iyan ang magpabago sa takbo ng buhay ko’.”

“Waaahh! Ambigat ng dialogue niya! biro ko. “Ano ang sagot ng mommy niya?”

“Kalokohan! Ano ba yan, artista? Banda? Rockstar? Nobel peace prize winner? Scientist? Nakadiskubre ng God particle?” usual na pang-ookray ng mommy niya sa kanya. Paano walang tiwala. 

Natawa na lang ako. Syempre, sa totoo lang, touched ako na hindi ko mawari. Paano, kahit saang anggulo ko titingnan, si kuya Andrei pa rin talaga ang mahal ko. Suguro kung sa deal or no deal iyan, kahit 100 million pa ang offer ni banker, no deal pa rin ako. Paano, ang puso ko ay nasa suitcase na hindi pa nabuksan na siguradong naglalaman ng isang giveaway item na ang pangalan ay Captain Andrei.

“Sandali, ano mo pala iyang dalawin natin sa Mindanao?” ang tanong ni Noah.

“K-kuya ko siya.”

“Ay! May kuya ka? Grabeh! Sigurado guwapo siya. Guwapo ka kasi...”

Napangiti na lang ako.

“May asawa na?”

“W-wala pa.”

“Yeeeeyyy! Pwede bang akin na lang siya?”

“Baliw. Baka barilin ka noon!”

“Huwag naman! Bakla na nga ako, babarilin pa niya. Ay... iyong baril na lang niya na hindi umiingay kapag pumutok!”

Tawa na lang ako nang tawa. Masayang kasama si Noah. At kumportable na kaagad ako sa kanya, at siya rin sa akin. May mga tinanong pa siyang bagay tungkol kay kuya Andrei at sinabi ko naman ang lahat. Well, halos lahat...

May isang oras ding nanglakbay ang eroplano. Masaya ako na nakasakay noon sa unang pagkakataon bagamat mas natakot ako sa helicopter ni kuya Andrei. Ewan kung may simbolismo rin iyon. Si kuya Andrei ang nagpasakay sa akin sa helicopter. Mas rugged ang helicopter, mas daring, mas rough-sailing, siguro mas challenging, mas manueverable. At sa kalagayan naman niya, nakakatakot ang trabaho. Samantalang ang eroplano kung saan si Brix naman ang nagpasakay sa akin ay mas organized, mas kumportable, mas secure, at steady lang siya bagamat hindi masyadong maneuverable. Kagaya rin sa kalagayan ni Brix na maginhawa ang buhay, lahat ng luho ay natatamasa, halos perpekto na ang lahat. Ewan ko lang din sa pagmamahal; kung mas masarap ba talaga ang helicopter kaysa sa eroplano. Iyan ang hindi ko pa masabi...

Sumakay pa kami ng isang bus at naglakbay nang may tatlong oras bago namin narating ang Military Medical City. Sumakay uli kami ng isa pang jeep patungo na sa nasabing ospital.

Tila nakakabingi ang kalampag ng aking dibdib noong naglakad na kami patungo sa mismong building ng ospital. Malaki ang ospital na iyon; may limang palapag at malawak ang kanilang lawn. May maganda at malaking fountain pa sa harap mismo ng building.

Pansin kong pang military nga ang ospital; may mga naka-oniporming mga sundalo pa akong nakikitang naglalabas-masok sa building.

Tinanong namin ni Noah kung saan naka-confine si Capt. Andrei Gomez. Itinuro kami sa third floor.

Kung gaano kalakas ang kalampag ng aking dibdib sa sa pagpasok namin sa building ay mas tumindi pa ito noong palapit na kami sa pinto ng kanyang kuwarto. Hindi kaya alam ni kuya Andrei na dadalawin ko siya. Isa itong malaking sorpresa. Sigurado ako, magugulat siya; matutuwa.

Dahil hinid naka-lock ang pinto, deretsong binuksan ito ni Noah.

Ngunit laking gulat ko noong tumambad sa aming mga mata ang eksena sa loob ng kuwartong iyon. Si kuya Andrei ay nakahiga at ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kanyang kama ay nakadapa, natakpan niya ang mukha ni kuya Andrei.

“Naghahalikan sila!” Sigaw ng isip ko.

Akmang aatras na si Noah noong bigla silang nahinto sa kanilang ginagawa at gulantang na lumingon sa amin.

Na lalo ko pang ikinagulat at halos ikawala ko ng malay: ang babaeng nakita ko sa mall na may singsing na katulad nang sa akin ay siya ring kahalikan ni kuya Andrei!

(Itutuloy)



20 comments:

  1. Grabe naman si kuya andrei... hmpft di ko na siya bate! Kay papa brix na lang ako... sir mike wala bang model face para kay brix? Ahehehe

    ReplyDelete
  2. w0w nakakat0uch naman c Brix. Sana sya nlang pra kay alvin . Pero d naman kc natuturuan ang puso. Hayss
    .
    An0ther heartbreak scene nanaman f0r alvin.s0brang sakit nun.sauce.

    ReplyDelete
  3. subrang touch nman ako... huhuhuhuhuhu

    sana sila nlang ang mag katuluyan??

    ayaw ko na kay andrei. isa siyang salawahan.. jejejejejeje

    sana my face din c brix para makita nmin. :-)

    kilan nman kaya ang next chapter? sana makapag update adad..


    subrang tagal kc ng upadte eh! pero happy nman ako kc SUBRANG SULIT TLGA..


    I CANT WAIT THE NEXT CHPATER MR. AUTHOR.. LOVE U SO MUCH..

    ReplyDelete
  4. BRIIIIIIIXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Kumpleto na araw ko. hahaha

    ReplyDelete
  5. I hate KUYA ANDREI! .. gusto ko na kay brix ! nakakainlove pa siya! .. ang sakit ng ginawa mo Kuya Andrei! .. >.< ! super ouch! as in! .. kainis naman ng chapter na to! ..malandi talaga ang Andrei na yan! .. xD.. lolz..
    next na agad! cant wait!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. TEAM BRIX! hahah
    update po sana everyday kasi sobrang namiss ko tong story na 'to eh. may mga ganitong klaseng books po ba na for sale sa MOA 12-16? I'll definitely come po if meron, SANA! crossfingers :">
    sige po, GODBLESS :)
    'selfish'

    ReplyDelete
  7. super ouch for alvin! :( let kuya andrei know that you saw them then gawin mong boyfriend si brix to let kuya andrei know what he's gonna miss for having a relationship with that other woman and lying to you! :D next chapter sir mike! another promising story :D

    -joeylim

    ReplyDelete
  8. Naiyak naman ako para ke Alvin....hehehe.... Sarap balatanng buhay ang kuya kuyahan niya........wehhhhhh

    ReplyDelete
  9. ano ba naman.. nakakainis nman tong chapter na to... ALVIN-BRIX nalang kuya mike.. ayaw ko na kay capt. andrei.. maharot maxado.. ayaw nalang aminin ung totoo.. mas gusto pa niang nsasaktan si alvin. :(

    anyway thanx sa update kuya mike...
    next plssss..... :)

    -elie diocado-

    ReplyDelete
  10. nkakatouch aman ung mga naikwento ng pinsan ni brix! . . sguro aman magigising kna ALVIN sa nakita mo, heal ur heart at treat him nlang as ur really older bro at give a chance c BRIX. nice mr. author , next chapter plz. tnx for this long update. sulit ang pag aantay. he he he

    ReplyDelete
  11. Go for brix!!!! I hate kuya andrie

    Queckenstedt

    ReplyDelete
  12. Brix na lang dapat xa... Mahal na mahal pala xa ni Brix.. bakit ba ganun kung sino ang tunay na nagmamahal xa talaga ang pinahihirapan.. hay... Sana may Brix din ako.. hehehe

    ReplyDelete
  13. Ang sakit tlgang magmahal...Sir Author ang sakit sa dibdib ng chapter na ito. Halos di me makahinga dahil ramdam ko ang pagkawasak ng pagtitiwala...naranasan ko na kasi iyan na halos ikasira ng aking isip dahil sa sobrang sakit sa damdamin na ikaw na umaasa at nagtitiwala ay parang pinunit ng ilang beses ang puso...hmmm...sana wala ng mga ganung klaseng tao na sasabihing nagmamahal pero higit ang sakit na dinadala sa puso mo na umaasa.

    ReplyDelete
  14. shakabol!nalintikan na!haha..huli sila ni alvin..haha...lagot ka andre.hmp!

    grabe nman c brix!!!!hahaha.what a revelation itong chapter na'to...aba e pasado na sakin c brix pra ke alvin!hihi...sana sila nlng sa huli..kc kung c andre at alvin parang malabo dn..kc maraming beses na ni andre sinasabi na gusto nya ng pamilya eh...e c brix palaban talaga!haha..

    bkit nga kaya wlang model ung bawat main character or lahat man sila??sana meron dn cla lht.hehe

    -monty

    ReplyDelete
  15. Boom!!! Sabog ang mundo ngayon ni Alvin dahil sa nakita nya... Walang isang salita si Andre, sundalo pa man din, iba ang sasabihin nya sa ipinapakita nito kay Alvin, mas karapat-dapat pa si Brix para sa kanya...

    - Toffer (charmedboy09) -

    ReplyDelete
  16. kawawa nman c alvin..nasaktan n nman sa nakita..kay brix ka na lng.

    -Arvin-

    ReplyDelete
  17. hala nman! pede kaya idol na c alvin nlng at brix.. :p

    ambad ni kapitan kahit hot xa.. :p

    ReplyDelete
  18. .hiax, grbe nmn yn c andrie,pnglalaruan lng si alvin....torteng - torte na si alvin kkaisip s knya....

    ReplyDelete
  19. kulit kc ni alvin eh sinabi ng wag pumunta ayan durg durog tuloy ang puso mo at baka madali pa ang future mo,sakit db!
    thanks po...

    ReplyDelete
  20. galante naman c Brix... kay Brix ka na lang...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails