By: Mikejuha
email: getmybox@hotamil.com
fb: getmybox@yahoo.com
(Thanks to JOJI for the image)
-----------------------------------------------------
Dali-daling lumabas
ng reataurant si Sophia, kitang-kita sa mukha ang matinding galit.
Pigil-hininga naman
kaming lahat sa labas.
At noong nakalabas
na ito at nasilip kaming lahat na parang mga panindang lanzones na nagkumpol-kumpol,
parang nagpapapicture lang, sumigaw ito ng, “Anong ginagawa ninyo d’yannnnnn!
Trabaho naaaaaaaaaaaaa!!!” nanlilisik ang mga mata.
Parang gusto
kong matawa sa inasta ni Sophia. Imagine, ang laki-laki ng aming mga banners at
streamers na nagsabing on stirke nga kami ngunit hindi niya ito pansin.
Tahimik pa rin
kaming lahat. Syempre, ayaw magslita ang aming mga kasama dahil sa takot.
“Ano pa ang
hinihintay ninyo! Punta na kayo sa mga puwesto ninyooooooooooo!!!”
Ramdam kong
nanginginig na sa takot ang aming mga kasmahan at lahat sila ay nakatingin kay
Ricky na para bang nagtatanong na, “Paano na to? Ikaw ang pasimuno nito? Ano
ang gagawin namin?”
Magsalita na
sana si Marlon ngunit tumayo si Ricky at nasapawan siya, “A, Miss Sophia...
strike po kami. Hindi ba ninyo nakikita ang mga karatula namin?” sambit ni
Ricky at itinaas pa sa mukha ni Sophia ang dala-dala niyang karatulang “Strike
kami!”
“Aha! Ikaw
pala ang pasimuno nito!” ang sabi niya kay Ricky. At baling sa ibang mga
kasamahan namin, “O sige... ngayong alam kong itong baklang pangit na ito pala ang
pasimuno ng lahat, tanggal na siya sa trabaho eefective ngayong araw na ito!
Kaya bumalik na kayo sa inyong puwesto at huwag kayong mag-alala, tataasan ko
ang mga suweldo niyo!” at baling uli kay Ricky at sa akin, “Sumunod nga kayo sa
akin!” at nagmadaling pumasok sa loob ng restaurant. At noong nasa may pintuan
na, huminto siya.
Pumasok rin
kami ni Ricky, hinarap siya.
“Hoy! Ikaw!”
turo sa akin. “Kung hindi ka dumating sa dito sa restaurant na to, hindi sana kami
nagkaletse-letse. Dahil sa iyo, pati itong si Ricky ay naimpluwensyahan mo na.
Matindi ang pagka-kontrabida mo talaga no! Panggulo ka eh! Hudas!”
“Miss Sophia,
hindi po siya ang nakaimpluwensya sa akin. Ako po ang naka-impluwensya sa
kanya. Matagal na po akong hudas. Tiniis ko lang, naghanap ng tyempo. At
ngayon, dahil sobra-sobra na ang ginawa mong pang-iinis, lalaban na ako...
kaming lahat na mga inapi mo!”
“Ricky... alam
kong nasa restaurant pa rin ang puso mo; ang simpatiya mo. May malasakit ka
dahil matagal ka na rito eh. At regular ka nang empleyado. Ang restaurant na
ito ang tumulong sa iyo upang makapag-aral ka ng ganyan...”
“Opppssss!
Opppp!” ang pagsingit ni Ricky. “Klaruhin natin Miss Sohia na pinaghirapan ko
po ang aking pag-aaral. HInid po restaurant ninyo ang nagpaparal sa akin kundi
ang aking pagsisikap. Hindi nga patas eh. Lugi ako. Mas kumita ka sa aking
paghihirap na sobra-sobra sa itinakda sa batas!”
“Ok.. ok... naintindihan
kita. Pero itong hampas-lupang oportunistang ito na gustong maka-jackpot kay
Marlon, hindi ko matatanggap.” At baling sa akin. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng
kamalasang ito! Alam mo ba iyon? May ibang motibo ka sa pagdidikit mo kay
Marlon, ano? O may ibangmotibo ka sa restaurant na ito? Ang kapal mo rin ano?
Kaya... layas na. Hindi ka kailangan dito. Alam mo, kung lalayas ka lang
agad-agad ngayon... lahat ng mga hihilingin ng mga empleyado ko ay ibibigay
ko!”
“Talaga lang
ha?” ang sarkastikong pagsingit naman ni Ricky. “Nakailang pangako ka na ba?
Sampo, dalawampo? Tatlumpo? May natupad ba? Hanggang ngayon, nagtitiis pa rin
kami sa pang-aapi mo!”
Sumingit na
rin ako. “Ok... kung ganoong ako lang pala ang gusot mong umalis. kahit ngayon
Miss Sophia ay aalis ako. Ngunit kaya mo bang mawala si Sir Marlon? Kasi...
sigurado akong sasama siya sa akin kapag umalis ako. At oo... tama ka, may
ibang motibo nga ako kung bakit ayaw kong umalis dito. Gusto mong malaman kung
ano? Aalamin ko ang tunay na pagkatao ni Sir Marlon! Kapatid ko siya! At hindi
ako titigil hanggang hindi ko siya mabawi!” ang galit na galit ko nang pagpatol
kay Sophia. Nainis na kasi ako.
Biglang
nanlaki ang mga mata ni Sophia. Natigilan. “Hindi nga ako nagkamali ng hinala! Hindi
nga ako nagkamaliiii!!! Gusto mong agawin si Marlon sa akin!!!”
“Oo...” ang
kalmante kong sagot. “Kaya magpakabait ka dahil kapag naiinis na talaga ako sa
iyo at hindi ko na kakayanin pa ang mga pang-aapi mo sa akin, sa amin ng
kaibigan ko” baling ko kay Ricky, “...lalayas ako. Ngunit siguraduhin kong
sasama sa akin si Sir Marlon!” At walang pasabing tinalikuran ko si Sophia.
Sumunod naman
sa pag walk out si Marlon, iniwan si Sophia sa loob. At noong nakalabas na ng
restaurant at sa harap ng mga kasama naming nag-strike, nagsalita siya. “Huwag
po kayong maniwala sa mga pangako ni Sophia mga kasama! Ilang beses na ba siyang
nangako sa atin? Ilang beses na niyang ipinangako na bayaran tayo ng overtime?
Ilang beses na niyang ipinangako na suswelduhan tayo ng tama at sa tamang oras?
Nasaan na ang pangakong ito. Hanggang ngayon ba ay magpauto pa rin tayo? Kaya
walang dahilan upang maniwala pa tayo sa kanya! Babalik lamang kayo sa trabaho
ninyo...” lingon kay Sophia na sumunod na rin sa amin sa labas, “kayo lang ang
babalik dahil sinesante na ako eh” baling uli sa mga kasama namin, “...ngunit kapag
pinirmahan lamang niya ang kasunduang ito.” Inilabas ni Ricky ang notarized na
kasunduan galing sa kanyang bag at ipinakita kay Sophia. “Kung hindi... wala
ring babalik sa inyo sa trabaho!” dugtong pa ni Ricky.
Akin na nga
iyan!!!” sigaw ni Sophia.
Akmang
sunggaban na sana ni Sophia ang papel ngunit mabilis din itong iniwas ni Ricky.
“Bakit? Pupunitin mo na naman???”
Hindi na
pinansin ni Sophia si Ricky. Baling niya uli sa mga kasama namin. “Sige na...
balik na sa trabaho Warren, Lito, Jun, Aljun, Kristoff, Romwel, Jason, Noel, Zach,
Enzo, Erwin, Alvin, Andrei... pasok na kayo sa loob. Magsimula na tayo sa
trabaho! May mahalagang event tayo... mapahiya ang restaurant natin kapag hindi
natin na-honor ang commitments natin sa kanila.” At inisa-isa pa talaga ni
Sophia ang mga pangalan sa kwento, este, ng mga trabahante niya. At ang
lambing-lambing pa ng boses ha? Hindi bagay.
Nagkatinginan
kami ni Ricky na para bang sa loob ng isip niya ay may isinisigaw na “Plastic!”
Ewan kung ano
ang mga nasa isip ng mga kasamahan namin. Ang iba kasi ay parang gusto na lang
uling pumasok sa loob. Na-engganyo ba sa mga pakiusap ni Sophia o natakot.
At dahil dito
ay napilitan akong tumayo, nabuo ang isip. “Miss Sophia... dahil pinaalis niyo
na si Ricky, aalis na rin po ako sa restaurant...” Ang nasambit kong may
pagbabanta ang mga mata.
Bigla akong
tiningnan ni Marlon, ang mga mata ay tila nagtatanong ng, “Sigurado ka?”
Tiningnan ko
rin siya. Iyong tingin na nagpahiwatig na sigurado ako sa aking sinabi.
Sumagot si
Sophia sa sinabi ko. “Oh well... very goo –“
Ngunit hindi
na niya naituloy pa ito gawa nang biglang pagsingit ni Marlon. “Aalis na rin
ako... Sasama ako kay Jassim.”
Mabilis ding
nagreact si Sophia. “Nononononono! Hindi ka aalis honey. Hindi ako papayag.”
“Kung
tanggalin mo si Ricky at aalis rin si Jassim, kaming tatlo ang aalis.”
Nagkatinginan
ang mga kasama namin. At maya-maya lang ay may nagsalita. “Aalis na rin po ako
Miss Sophia... sasama po ako kina Sir Marlon at Ricky.”
“Ako rin po
Miss... sasama ako sa kanila” sambit pa ng isa.
At sunod-sunod
na nagsalita silang lahat na aalis na rin, sasama sa amin.
“Oh my God!!!
Ano ba ang gusto mong gagawin ko honey?” tanong ni Sophia kay Marlon, ang mga
kamay ay itinakip sa kanyang mukha na halatang pressured na pressured ba.
“Itanong mo sa
kanila...” sagot naman ni Marlon. “Hindi ako ang issue dito. Sila at ang mga ipinaglaban
nila.”
Tiningnan ni
Sophia ang mga kasamahan namin. Pagkatapos, tiningnan niya si Ricky atsaka, “O
sya... akin na nga iyang papel! Pipirmahan ko na!”
“Huwag niyo
pong punitin iyan kung ayaw mong tuluyan kaming magwalk out.” Ang pananakot pa
ni Ricky.
At padabog na
kinuha ni Sophia ang papel, pati na ang ballpen na iniabot ni Ricky atsaka
walang basa-basang pinirmahan ito sa harap namin.
Pagkatapos
ninya itong pirmahan at maibigay kay Ricky, nagpalakpakan na ang mga kasama
namin.
“Pasok naaaaaaaa!”
ang sigaw ni Sophia mga empleyado.
Kaya dali-dali
kaming nagsipasukan tuwang-tuwa sa naging resulta ng aming pakikibaka. At hindi
lang namin ginalingan ang pagtatrabaho, inspired pa kaming lahat, abot-tainga ang
mga ngiti.
At sumunod
naman si Sophia sa kasunduan. Hindi na siya nambubulyaw, on time na ang
pasweldo, at may record na kami sa mga oras na sobra naming tinatrabaho upang
mabayaran kami ng overtime. Tapos, pumayag na rin siyang magkaroon ng
centralized na collection sa mga tip kung saan kami ang kumukontrol at ito ay hinahati
namin kada katapusan ng buwan. At tuwang-tuwa ang mga empleyado kasi, sabi nila
tatalunin daw nito ang sweldo namin kapag pinaghahati-hatian na ang tip. Dati
kasi, ang mga tip ay binubulsa ni Sophia kesyo para raw ang mga ito sa sports
activities, kesyo, para sa emergency, kesyo para matatanggap namin sa Disyembre
o sa pag-finish contract. Puro mga kasinungalingan.
At ang isang
magandang nangyari ay sa dining na ako na-assign, kasama si Ricky sampu ng mga
katrabaho namin. At syempre, laking pasalamat nilang lahat kay Ricky. Siya yata
ang hero naming lahat. At nagpasalamat din sila sa akin dahil ang alam nila,
base sa mga kumalat na tsismis, kapatid ko talaga si Marlon at naghintay na lang
ako sa tamang panahon na manumbalik ang alaala niya upang tuluyang ma-confirm
ito.
So... masaya ang
lahat sa naging kahinatnan ng aming ginawa. Tila napawi ang sama ng loob ko sa
pagka-rape sa akin. Napalitan ito ng saya sa nakitang tuwa ng mga kasama namin.
Iyon bang pakiramdam na may sakripisyo kang nagawa na siyang dahilan upang
sumaya at ma-inspire ang ang ibang tao.
“Ricky, hindi
ba natin hahanapin iyong mga nang-rape sa atin?” tanong ko kay Ricky noong
minsan ay pumasok sa isip kong pananagutin namin ang mga taong iyon.
“Iyan! Iyan...
gusto ko rin talaga silang mahanap igan, hinid ko lang masabi-sabi sa iyo...”
sagot ni Ricky.
“Ipakulong
natin sila?”
“Oo!” ang
sigaw niya. “Ipakulong natin ang mga walang-hiyang hayop na mga iyon!”
“Sigurado ka?”
“Oo igan! Sure
na sure ako!” at natahimik nang sandali, binitiwan ang isang tingin na may
bahid pagkapilyo. “Pero sasama tayo sa loob ng kulungan igan! Gustong-gusto
kong ma-rape nilang muli sa loob! I want orgy! Orgy! Orgy!”
Napahalakhak
naman ako sa narinig. “Woi! Eskandaloso ka ah! Grabe ka!” sambit ko.
Nahinto siya
at tiningnan ako nang matulis. “Bakit ba natin sila hahanapin, tange!? Bakit pa
kung ayaw nating maulit ang lahat?!”
“Para nga
ipakulong sila ano ka ba... papanagutin.”
“Bakit?
Nabuntis ba tayo? Nasira ba ang hymen natin? Ewan ko sa iyo. Pero ako... alam
ko may matris ako Charot! Pero iyong hymen, parang wala pa...”
“Idinadaan mo
naman sa biro eh...”
“Bakit nga ba sila
ang ipakulong natin? Inutusan lang ang mga iyon ni Sophia. Binayaran.
Naghahanapbuhay lang ang mga iyon, hindi natin masisisi. Si Sophia ang dapat na
makulong. Nagtake advantage siya sa kahirapan ng mga taong iyon at ginamit para
sa atin.”
“Eh...” ang
nasagot ko na lang. Tama rin naman siya. Si Sophia ang may kagagawan ng lahat.
“O, hindi mo
kayang ipakulong si Sophia?”
Hindi na ako
nakasagot.
“Igan...
kalimutan na natin sila. Huwag tayong maghiganti sa kanila. Kung maghiganti man
tayo, kay Sophia, hindi sa kanila. Dahil sila...” napahinto uli siya,
“Nasasarapan ako sa kanila igan! Grabeh! Best sex of my life silang lima!!!”
“Ikaw talaga
Ricky... para kang gago.” Ang nasambit ko na lang.
“Pero
seriously Igan, look at the brighter side na lang. Di ba kung hindi nangyari
iyon, e hindi lalakas ang loob ko upang pangunahan ang strike. Tingnan mo naman
ang resulta. Masaya ang mga ka-trabaho natin.”
“Sabagay...”
“Ako kasi
Igan, simula noong na-frustrated ako sa pag-ibig, nasabi ko sa aking sarili na
ayoko nang maging malungkot pa ang buhay ko kung maaari. Ayoko nang magdusa.
Bakla na nga ako, tapos, magiging bugnutin pa. Huwag na. Gusto ko na lang
i-enjoy ang buhay. Gawin ang kung ano man ang ikaliligaya ko, at kung may
maitulong man akong ikaliligaya rin ng iba, lalo na ng mga mahal sa buhay at
mga kaibigan, gagawin ko. Para happy rin sila, happy ang lahat. Di ba?”
“Sabagay, may
tama ka...”
“O divah? Kaya
kung hindi mo man ma-appreciate ang ginawa nilang pagpapasasa sa iyong
inosenteng katawan, isipin mo na lang na napaligaya mo sila – joke” sabay tawa.
“Hindi... charge to experince na lang. Ano ba ang purpose ng buhay? Para sa
akin? Upang maranasan mo ang lahat ng klaseng experience, lahat ng klaseng
emosyon, saya, lungkot, tagumpay, satisfaction, masakit na karanasan,
problema... ngunit at the end of the day, tatayo ka pa rin at masasabi sa
sariling, kaya ko pala. Matatag pala ako!”
Hindi ko na naman
naiwasan ang hindi mapahanga kay Ricky. Ang mga nangyari sa amin ay ginawang
biro ngunit may malalim pala siyang prinsipyo at paninidigan. “Oo na... bilib
na ako sa iyo” ang nasabi ko na lang. Totoo naman kasi.
“Alam mo igan...
matalino ka lang sa school. Pero talo pa rin kita sa ganda!”
At sabay na
lang kaming nagtawanan.
“Nasaan na
pala ang ibinigay kong bracelet sa iyo?” ang tanong ni Marlon noong nagkita muli
kami sa videoke bar na iyon at napansin niya na wala sa aking kamay ang
ibinigay niyang bracelet.
Nabigla man
ngunit nag-alibi na lang ako. “Eh... itinago ko yak. Baka kasi mawala eh.”
“Ah ok...”
sagot naman niya. Sa tingnin ko naman ay naniwala siya. Kapag sinabi ko kasing
nawala iyon, sigurado, marami siyang tanong. At madagdagan pa ang marami nang
kasinungalingang nasabi ko sa kanya. Kaya, inilihim ko ang nangyari.
Ganoon pa rin
siya sa akin, sobrang sweet at pinapanindigan talaga ang pagiging kuya niya sa
akin. “Next week yak... uuwi tayo ha? Gusto ko nang makita ang mga magulang
natin. Sabik na sabik na ako yak.” Ang pakisuyo niya.
At bagamat
hindi ko alam talaga kung ano ang gagawin o kung saan siya dadalhin, sinagot ko
na lang siya ng “Oo” para matahimik.
Ang buong
akala ko ay magtuloy-tuloy na kami sa ganoong set-up. Akala ko ay natanggap na nga
ni Sophia ang lahat. Ngunit isang araw, pinatawag ako ni Sophia sa kanyang
opisina. Syempre, kinabahan na naman ako. Hindi maiwasang magtanong ang utak
kung ano na naman ang kanyang ipapagawa.
“Jassim,
Dalhin mo nga itong sulat na ito sa ating chef, sa kusina. Urgent lang ito ha?”
Ang sabi niya noong nasa loob na ako ng kanyang opisina. Ni hindi man lang ako
pinaupo dahil iyon lang pala ang kanyang ipagawa.
Nakahinga
naman ako nga maluwag. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa kusina upang
ibigay kay chef ang sulat. Pagkatapos, bumalik na rin ako agad sa dining,
tumulong-tulong sa paglinis ng mga mesa, sa pag-floor mop. Hanggang sa
tanghali, nagsikainan na ang aming mga customers.
Punong-puno ng
mga customers ang aming restaurant sa oras na iyon. Hindi kami magkandaugaga sa
pagkuha sa mga orders. May mga customers pang nasa labas, nakaupo sa holding
room ng restaurant, naghintay na may maging bakante.
Kasagsagan ng sobrang
pagkaabala. Alas 12:30 ng tanghali iyon, masikip ang restaurant dahil sa dami
ng tao, halos hindi namin alam kung sinu-sino ang uunahing customers at
nagtatakbo pa kami upang mapabilis lang ang aming serbisyo noong nagulat kami sa
sunod-sunod na ingay.
“Urrrrkkkkk!
Urrrrrkkkk! Urrrrkkkkk!”
Nagsusuka ang
maraming customers, ang iba ay namimilipit sa sakit ng kanilang tiyan, ang iba
ay hinimatayin, namumutla at nahirapang huminga.
Nagkagulo ang
mga tao. Na-shock ang ibang mga kasamahan namin at ang iba ay hindi alam ang
gagawin. At may sumigaw ng, “Food poisoning! Food poisoning! Tulungan ninyo
kami!!!”
Syempre, biglang
nagsitayuan at nagsilabasan ang aming mga customers, hindi nabayaran ang
kanilang mga kinain. Natakot ba na baka nakalulon din sila ng pagkaing
nakakasira ng tiyan. Ang iba naman ay nag-uusyuso, ang iba ay nataranta sa
sobrang pagkanerbiyos.
Nagsilabasan
rin si Marlon at Sophia galing sa kanilang mga opisina habang abala kami sa pag-assist
sa mga nagsusuka at hinimatay. Tumawag ng ambulansya ang security guard, habang
ang iba naman na may mga sariling drivers at sasakyan ay binuhat namin patungo
sa kani-kanilang mga sasakyan upang sila na ang magdala sa ospital.
Wala pang 30
minutos, sunod-sunod nang nagdatingan ang mga ambulansya. Hindi naman
magkandaugaga sina Marlon at Sophia sa kanilang gagawin. Umalis din sila, sinundan
ang mga ambulansiya. Ngunit bago pa man sila umalis, binigyan kami ng
instruction na huwag magsalita sa mga media o kahit kanino na magtatanong.
Hintayin na lang daw sila.
Sa pagkabilang
ko, may mahigit 20 ka tao ang nagsuka, at may 20 rin ka taong hinimatay,
nahihilo at namumutla.
Noong kami na
lang ang naiwan, ang lahat ng aming mga mata ay nakatutok sa mga taga-kitchen.
Syempre, sa kanila nanggaling ang mga pagkain. Sila-sila lang ang naghanda, ang
gumagalaw sa loob ng kusina, maliban na lang kung may ibang pumasok doon.
Dahil
nag-umpukan na lang kaming lahat sa loob ng restaurant na parang mga basang
sisiw, tinanong ni Ricky ang mga taga-kusina na nasa isang sulok din, halos tulala
at namumutla sa takot. “Ano ba ang nangyari? Bakit nagkaganoon?” Tanong ni
Ricky.
“W-wala namang
kakaiba sa aming ginawa eh. Kagaya lang ng ibang mga araw.” Sagot naman ng
chef.
“Wala bang
ibang mga ingredients kayong nabili, o mga sahog na bago o galing sa bagong
suppliers?”
“Wala eh...”
“Wala bang
nakapasok na ibang tao sa kusina, taga-labas, hindi kakilala?”
Nag-isip
sandali ang chef. “S-sa pagkakalam ko ay wala naman.”
“Kung ganoon,
paano nangyari iyon?”
Maya-maya,
dumating na si Sophia. Hindi niya kasama si Marlon. Maaring nagpaiwan sa
ospital kung saan naroon ang mga nabiktima, baka inasikaso ang mga kalagayan, inaassure
na pananagutan ng kumpanya ang nangyari at hindi sila pababayaan.
Ngunit doon
kaming lahat nagulat sa pagdala niya ng mga pulis.
“Hayan!” turo
ni Sophia sa aking kinaroroonan, sumisigaw, nanlilisik ang mga mata, galit na
galit. “Iyan ang naglagay ng lason sa kusina! Ikulong niyo po siya!”
Sa pagkagulat,
nilingon ko ang taong nasa aking likuran.
Ngunit sumigaw
uli siya. “Ikaw! Ikawwwwwww! Ikaw na nasa harap!”
At napansin
kong nakatingin na sa akin ang lahat ng aming mga kasamahan. “A-ako???” turo ko
sa aking sarili, hindi makapaniwala sa pagturo ni Sophia sa akin. “B-bakit
ako???” ang tanong ko.
Ngunit nilapitan
na ako ng mga pulis, pinosasan at kinaladkad na patungo sa kanilang sasakyan.
“Bakit ako???
Bakit akooooo?” ang sigaw ko.
Takbo naman si
Ricky, hinabol ako. “Mamang pulis... wala po siyang kasalanan. Kilala ko po siya.
Mabait po iyan, wala siyang kinalaman dito.”
“Sa prisinto
na lang siya magpaliwanag.” Ang sambit
ng pulis.
“Please po...
pakawalan po ninyo siya. Wala po siyang kasalanan.”
“Kung gusto
mo, sumama ka na rin.” Sambit ng pulis.
Wala nang
nagawa pa si Ricky kundi ang sumama sa amin. “Igan... huwag kang magsalita ha
kung wala ka pang abugado. Dapat, lahat ng mga sasabihin mo ay may basbas ng
abugado.”
“Wala akong
kasalanan Ricky...” ang sambit ko habang nakaupo na ako sa likod likurang upuan
ng police patrol at katabi si Ricky.
“Alam ko. May
number ka ba kay Sir Marlon? Tatawagan ko siya.” Sambit ni Ricky
“N-nasa bulsa
ko ang cp ko. Hugutin mo na lang”
Hinugot ni
Ricky ang cp ko atsaka hinanap ang pangalan ni Marlon sa listahan ng mga
contact.
”Yak” ang
name... sambit ko uli
“Got it...”
Halos
magkasabay ang pagdating ng aming sinakyang police patrol sa pagdating din ni
Marlon sa prisinto. Sinabihan kasi siya ni Ricky kung saang prisinto kami
dadalhin at natumbok iyon kaagad ni Marlon.
“Ako po si
Marlon Ibanez, ang manager ng MCJ restaurant...” ang pagpapakilala ni Marlon sa
mga pulis. At baling sa akin, “Bakit ka ba inakusahan ni Sophia na ikaw ang
dahilan ng food poisoning?” ang tanong kaagad ni Marlon sa akin.
“E-ewan ko.”
“Ang sabi ni
Sophia sa amin, pumasok daw ito sa kusina na wala namang kinalaman sa trabaho
niya.” ang pagsingit naman ng pulis.
“Totoo ba
yak?” tanong ni Marlon, nilingon ako.
“Hindi totoo
iyan!” ang matigas kong sagot.
“Paano ka
napagbintangan ni Sophia?”
“Ang alam ko,
inutusan niya ako na dalhin ang sulat niya para sa chef. May sulat siya sa chef
eh. Ngunit hindi ako nakapasok sa kusina kasi noong bubuksan ko na sana ang
pinto nito, siya namang paglabas din ni Albert, iyong cook natin kung kaya nakisuyo
ako sa kanya na iabot na lang kay chef ang sulat. Hindi ako nakapasok doon. At
ayaw ko ring pumasok talaga doon dahil ayokong mangamoy ang aking uniporme.
Nasa dining kaya ako naassign.”
Tiningnan ni
Marlon ang mga pulis. “May matibay ba kayong ebidensya na siya nga ang may
kagagawan ng lahat? May testigo ba kayo na makapagpatunay na kahit pumasok man
lang sa kusina itong taong ikukulong ninyo?”
Hindi nakakibo
ang mga pulis.
“Puwede ko po
kayong i-reklamo ng arbitrary arrest and detention sa ginawa ninyo kung
itutuloy ninyo ang pagpapakulong sa kanya. Matinink ang abugado naming,
kayang-kaya kayong ipatanggal sa serbisyo.”
Nagkatinginan
ang mga pulis. “Eh... ang sabi kasi ni Ma’am Sophia ay may ebidensya siya kung
kaya naniwala naman kami.”
“Nasaan?”
Tahimik.
“Pakawalan ninyo
po siya Sir. Wala pa pong kasong naisampa sa kanya at lalong wala po kayong
hawak na matibay na ebidensyang magpapatunay na may kasalanan nga itong taong
gusto ninyong ikulong.”
Kaya wala nang
nagawa ang mga otoridad kundi ang pakawalan ako.
Tuwang-tuwa
naman kami ni Ricky. At biniro pa ni Ricky si Marlon na kahit pala walang
abugado, matinik pala siya.
Bumalik kami
sa restaurant. At dahil may klase pa, dumeretso na lang muna kami ni Ricky sa
eskuwelahan. Nanggalaiti si Ricky sa galit sa ginawa ni Sophia.
Kinabukasan,
napag-alaman namin na pansamantalang isinara ang restaurant dahil sa nangyari.
At may isinagawa ring imbestigasyon tungkol dito. At ang magandang balita, ligtas
na ang mga nabiktima ng food poisoning. Kung kaya nakahnga kami nang maluwag. Bagamat
may mga kaso pa raw na ina-anticipate ang restaurant ngunit ang sabi naman ni
Marlon ay mga damyos na lang hinihingi ng mga biktima kung kaya ay puwede na
raw na ang abugado na lang ang haharap doon. Ang hinihintay na lang nila ay ang
resulta sa imbistigasyon kung paano nagkaroon ng food poisoning; kung inside job
ba ito, may nagsabotaheng kakumpetensya ng restaurant, o may iba pang anggulo na
hindi pa masagot.
At ako,
tuluyan nang tinanggal bilang suspect dahil nakita naman sa camera na hindi
talaga ako pumasok; na naroon lagn ako sa labas ng pintuan. Pinatutuhanan pa
ito ni Albert, iyong cook na siyang nagbigay ng sulat ni Sophia kay chef.
Gusto mang
awayin ni Ricky si Sophia ngunit pinayuhan namin na huwag nang palakihin pa ang
issue dahil hindi naman ako natuloy sa pagiging suspect. Pinayuhan rin siya naming
na huwag nang mag-agitate ng strike dahil sa kabuuan, maganda na ang nangyari
sa restaurant. At isa pa, may kasalukuyang problema ito sa mga customers kung
kaya, ang sabi ng mga kasamahan namin ay “Ibalato na lang kay Sir Marlon iyon.”
At pumayag
naman si Ricky. Kung kaya, nakahinga rin ako nang maluwag.
Dahil walang
pasok, med’yo maluwag ang aking schedule. At nagkataon pang Sabado iyon kung
kaya ay bigla kong naisipang umuwi sa aming bayan. Dali-dali akong nagpaalam
kay Ricky; ngunit hindi kay Marlon. Ayokong maisipan niyang sumama at makita
ang tunay kong pamilya. Baka magalit siya kapag nalamang nagsinungaling ako sa
kanya. Sa balak kong pag-uwi kasi ay hahanapin ko ang mga larawan namin ni
James. Gusto kong ipakita iyon kay Marlon.
Nasa loob na
ako ng bus noon, nakapwesto na nang maayos sa isang upuang walang katabi at
inihanda na ang sarili sa malayong paglalakbay. Nakasandal ang aking ulo sa
backrest ng upuan at nakapikit pa ang aking mga mata noong biglang may narinig
akong tumawag sa aking pangalan. “Jassim!”
Bigla akong
napalingon sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses.
Si Marlon! At
tila hinahanap niya ako.
Dali-dali
akong sumandal sa backrest ng upuan, nagtakip ng mukha at nagkunyaring natulog.
Ngunit sa paghahanap niya, nakita pa rin niya ako. “Yak! Sabi ko na nga bang
nandito ka lang eh.” Sabay tanggal niya sa panyong nakatakip sa aking mukha.
“B-bakit ka
nandito?” ang sagot ko, nagkunyaring kagigising ko lang.
“Sabi ni Ricky
na uuwi ka raw at nandito ka na sa bus terminal. Sama ako yak please...” sambit
niya na parang isang batang nagmamakaawang isama.
“Eh... s-sa
mga pinsan ko ako pupunta eh!” ang pag-aalibi ko.
“Ok lang.
Puntahan natin ang mga pinsan natin, at mga tita at tito!”
“Nalintikan
na!” sigaw ko sa sarili. “P-paano ang restaurant. May mga imbestigasyon pa sa
kaso. Si Sophia baka hanapin ka?” ang palusot ko.
“Ok lang ang
restaurant. Ang kaso nandoon naman si Sophia eh. At si Sophia, nagpaalam na ako
na sa isang branch ako bibisita...”
Napakamot na
lang ako ng ulo. Alangan namang sabihin kong huwag na lang akong tumuloy. “Pahamak
pala itong si Ricky!” sa iisp ko lang. “Eh... s-sige. K-kung may ticket ka na,
umupo ka na d’yan.” Sagot ko na lang.
“Hindi dito...”
Nagulat naman
ako. Akala ko, lilipat kami ng upuan. “Ha? Saan?”
Itinuro niya ang
bintana. “D’yan.”
Sinilip ko ang
labas. “Sa k-kotse mo?”
“Oo. Bakit pa
tayo mag bus kung may kotse naman, di ba?”
“M-may ticket
na ako para dito eh.”
“Problema ba
yan!” sambit niya sabay dukot sa kanyang wallet. “Magkano ba iyan?”
“Bakit?”
“I-refund ko.”
Natawa na lang
ako. Kaya wala nang nagawa ang lola niyo kundi ang lumipat sa kanyang kotse. At
bago kami umalis, nagbaon pa kami ng maraming pagkain, mga kailangang personal
na gamit. Bumili rin siya ng mga pasalubong daw para sa mga pinsan namin, mga
sweets, mga de latang ulam, mga t-shirts at kung anu-ano pa. Syempre, may kaba
akong nadarama... kung paano ang gagawin kong pag-aalibi kapag narating na namin
ang bahay ko.
“Bahala na!”
Sigaw ng utak ko. “Sabi nga ni Ricky na i-enjoy raw ang buhay. O di i-enjoy!
Problema ba yan!”
Habang umaandar
ang kanyang kotse, isinandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Parang
wala lang akong problemang haharapin sa pagdating namin sa aming lugar. Basta,
ini-enjoy ko lang ang sandalingkasama ko siya...
nice kuya mike..!! thanx sa update..!! tLagang ksama ang mga characters s iba mo pang kwento huh..?? hehehe.... sana mLusutan ni jassim ang prbLema nia..!! :)
ReplyDeletenext chapter pLease..,!! :)
-wyatthalliwell-
=)) I so love the part nung namention mo ang mga characters ng past stories mo :)) that was so funny :P and yeah... I so agree with what RIcky said about enjoying life and stop worrying too much :P
ReplyDeleteaw namis q cna zach at enzo
ReplyDeleteanyway, bruha tlaga yang sophia na yn, kakainis!
mbubuking kea c jassim sa kasinungalingan nia? pkakaabangan q yan :3
da best kuya mike....pakakaabangan ko din po ang isang ito...hehehehe
ReplyDeletesyanga po pala kuya mike...ask ko po sana kung papano makapag pledge/contribute sa MSOB...nagi-guilty na po kasi ako....hehehehe...aaminin ko po na malaki ang naitutulong ng aking pagbabasa ng mga story na nakapost dito...nakakawala ng stress at pagod sa buong maghapong puro na lang work...hehehe...but at the same time...ayoko naman pong maging silent reader na lang....gusto ko po sanang makatulong sa abot ng aking makakaya lalo na sa iyo po at sampu ng inyong mga miyembro at mga authors.....let me know po kung papano...maraming salamat....
Anonymous, Maraming salamat sa iyong intention. Ngunit ang MSOB ay hindi nagpapa-pledge kapag walang activity na paglalaanan ng mga solicited funds. Sa ngayon, wala pang activity ngunit kung magkaroon ng grand EB, saka na ako mag-solicit... Ang next plan ng grand EB ay baka Jun, 2013. Sana sa panahong iyon ay handa ka pa ring mag pledge.
DeleteIf you want please email me at getmybox@hotmail.com upang makuha ko ang iyong email at ma-email kita kapag mag grand EB na kaming gaganapin. Maraming salamat.
-Mikejuha-
kasama talaga ang ibang mga bida! hahah.. :]! gurang talaga tong sophia na toh! .. hmm.. heto na talaga ang inaabangan ko! baka aminin na ni jassim ang totoo! at kung ganun nga, ano kaya ang magiging reaksyon ni marlon kapag nalaman nyang hindi sila tunay na magkapatid kundi sila ay tunay na magkasintahan? abangan! ... xD
ReplyDeleteGazebo po ulet Sir Mike... Sana bukas meron na ulet kasunod
ReplyDeletegood job ricky wahaha
ReplyDeletesophia talaga ayaw paawat , ,
nice chapter again kuya mike
-arvin-
lol sa sobrang nadala ako sa pagbabasa, narealized ko na lang na yung mga names na binanggit ni sophia ay yung mga bida sa ibang story ni kuya mike nung mabasa ko ang mga comments. Haha!
ReplyDeleteNice kuya mike!
hanep sa diskarte c ricky. he he he. matindi tlaga c sophia. imsure cya may kagagawan nanaman ng kaguluhang yan. dapat sya ang makulong. nababaliw na tlaga. baka magbalik ang alaala ni marlon pag nkita nya ung burol. he he he. nice frend mike.
ReplyDeletekakakaba...
ReplyDeletekakakaba...
ReplyDeleteHello po Kuya Mike..Im just new here and I really like your stories.. Keep up the good work...
ReplyDeletethanks kuya mike.. isa to sa mga kwento sinusubaybayan ko :)
ReplyDeleteGREAT STORY FROM A VERY TALENTED WRITER! THIS IS JUST ONE OF YOU'RE AMAZING OBRA'S SIR MIKE AND I CAN'T WAIT FOR THE NEXT CHAPTERS. I REALLY ENJOY READING AT ANG BAWAT EKSENA AY KAPANA-PANABIK... MASASABI KASING MAGANDA ANG PAGKAKAGAWA NG STORY AT MAGALING AT WRITER KAPAG NADALA ANG MAMBABASA SA KWENTO LALO NA SA PANGUNAHING TAUHAN. AND THIS ONE IS EXTRAORDINARY! WELL DONE IDOL MIKE, NAPAKAHUSAY MO. MORE GREAT STORIES TO COME AND MORE POWER TO MSOB!
DeleteEXTRAORDINARY! GALING MO TALAGA IDOL MIKE. YOU'RE ONE OF A KIND. GREAT STORIES.. FULL OF LIFE AND INSPIRATION. YOU SEE TO IT NA ANG BAWAT CHAPTER AY KAABANG-ABANG... HINDI BORING... I'M SURE, HINDI LANG AKO ANG NADADALA SA MGA EKSENA... IT'S REALLY WORK OF ART... AN AMAZING WRITER... NA SA BAWAT STORY NA GINAGAWA NIYA, DAMANG DAMA MO ANG BUHAY... I MEAN PARANG TOTOO ANG STORY... NA PARANG YOU ARE IN IT... NA PARANG IKAW YUNG PRIMARY CHARACTER... AT SA BAWAT SAYA AT LUNGKOT NG BIDA SA KWENTO... RAMDAM MO... NAPAPALUHA SA BAWAT PAGSUBOK AT SUMASAYA KA SA BAWAT TAGUMPAY NIYA... SALUDO AKO SAYO IDOL MIKE! CAN'T WAIT FOR THE NEXT CHAPTERS... MORE GREAT STORIES TO COME AND GOD BLESS! =)
ReplyDelete_IAN OF K.S.A_
EXTRAORDINARY STORIES FROM A VERY TALENTED WRITER. GALING MO TALAGA IDOL MIKE. THIS STORY IS JUST ONE OF YOUR OBRAS NA TALAGANG KAABANG-KAABANG. MASYADO MO KAMING NADADALA SA MGA BIDA... AS IF WE WERE THE MAIN CHARACTER OF THE STORY... RAMDAM MO TALAGA ANG BAWAT PAGSUBOK, LUNGKOT, TUWA AT SAYA NA PINAGDADAAN NG PANGUNAHING TAUHAN... NATUTUWA PAG MASAYA, AT AFFECTED KAPAG MALUNGKOT O UMIIYAK ANG BIDA SA KWENTO... CAN'T WAIT FOR THE NEXT CHAPTERS KUYA MIKE... MORE POWER TO MSOB! AND WE EXPECT MORE GREAT STORIES. GOD BLESS! =)
ReplyDelete_IAN OF K.S.A_
curious ako dun sa sulat na ibinigay ni jassim dun sa chef galing ke sophia..kung pakana niya ung food poisoning,,,sarap niya sabunutan ng pinung-pino!!hahaha...
ReplyDeletenaku,nalintikan na!haha..lagot ka jassim!:)
interesting kung ano mangyayari sa pag-uwi niya kasama si marlon..hehe
-monty
Love it...wala ka talagang katulad sir mike...no idol talaga kita..
ReplyDeletenext pls
ReplyDeletenice sir mike san ba nakatira si sophia? Hagisan ko lang ng granada. hehehe joke lang grabe naman ung lukaret na un parang walang kaluluwa. But what makes me wait more s a next chapter e ung pagdating nila jassim sa lugar nila baka magalit sa kanya si Marlon pagnalaman na nya ang totoo.
ReplyDeleteThanks for this chapter sir mike. keep safe and keep on writing....