Kamusta po sa lahat? ^_^ Namis ko kayo!! ^_^
Una, gusto ko pong pasalamatan kayong lahat lahat sa patuloy nyong pagsuporta sa aking munting obra. Kahit madalas ay late ang pagpopost ko. Maraming maraming salamat po.
Pangalawa, ay gusto ko po pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Last, ay gusto ko lang po humingi ng kaunting pabor. Please...? ^_^
FB Add: http://www.facebook.com/kenji.bem.oya -PAKIUSAP lang po iwan kau ng message pag add nyo po.
FB fanpage like: http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
Twitter Follow: https://twitter.com/dark_ken_MNB
Blog follow: darkkenstories.blogspot.com
Ayan!! Pasensya na po ha. Andami kong request. Pero sana pagbigyan nyo ako ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
“Oo.”, biglang namutawi ng aking labi.
Tumango lang si Andre at ngumiti ng bahagya bago pumikit muli. Pinunasan ko lang ito. Napatingin ako sa bintana. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at rinig din ang hagupit ng malakas na hangin na sadya naman mas nakapagpalamig ng temperatura.
Matapos punasan si Andre ay nahiga ako sa tabi nito. Chineck ko ang orasan sa cellphone ko. Alas quarto ng madaling araw. Sinet ko ang alarm ng alas ocho upang mapainom ng gamot muli si Andre.
Nakahiga na ako ngunit hindi pa din makatulog. Lintik naman kasi ito si Andre! Bat kailangan pumunta pa dito ng gantong malakas ang ulan. At bat wala syang dalang paying o kapote?! Ano yun para dramatic entrance ang eksena nya?! Pero… hindi ko sya masisi.. Dahil kung ako ang nasa posisyon nya.. I would’ve done the same…
Muli, iniba ko ang posisyon ng higa ko at humarap kay Andre. Kitang kita na nilalamig ito at nahihirapan malamang dahil sa sakit ng ulo dahil sa sama ng pakiramdam. Wala naman akong magawa kundi panoorin sya. Naawa ako sakanya.
Pinunasan ko muli ang mukha nya. At pinalitan ang twalya sa noo nya. Wla ring naitulong. Nanginginig pa din sya sa lamig. Unti unti akong nataranta. Dahil mas lumalakas ang paghinga nya tanda na nahihirapan itong huminga. Kinuha ko ang unan ko at nilagay sa ulunan nya para mas makahinga ito mabuti. Mukhang nakatulong naman dahil mas mukhang nakakahinga na ito ng maayos. Ngunit nanginginig pa din ito dahil sa lamig.
Tumayo ako at kumuha ng pwede pang ipasuot kay Andre. Nang makahanap ay pinilit kong maisuot ito sakanya. Ngunit parang wala ding naitulong. Nilalamig talaga sya. Kasi kahit ako na walang sakit ay nilalamig ng dahil sa lagay ng panahon. Sya pa kaya ito na may sakit. Nataranta talaga ako. Hindi alam ang gagawin.
I was hesitant. Pero kailangan. Tiningnan ko sya habang nanginginig pa din. Alaam ko ang dapat gawin. Sana makatulong. Humiga ako sa tabi nya. Tiningnan sya ng maigi. Ramdam ko ang tibok ng puso ko. Kinakabahan.
Kumalma sya. Naramdaman ko ang pagbawas ng panginginig ng katawan nya. Ramdam ko ang init na nilalabas ng katawan nya dahil sa lagnat. Ramdam ng buong katawan ko. Sapagkat niyakap ko sya.
Halos magkadikit na an gaming mukha dahil sa pagkakayakap ko sakanya. Dahil nga gamit nya na ang unan ko din ay nakishare na kami sa dalawang unan na pinagpatong. Nilapat ko ang nook o sakanya at niyakap sya ng mahigpit. Pilit na iniibsan ang lamig na kanyang nadarama.
“Ssshh.. Pahinga ka na…”, pagpapakalma ko sakanya. Mukhang nabawasan naman ang hirap nito at maya maya ay nakatulog na din. Dahil sa maaga pa at naputol ang tulog ay nakatulog na rin ako. Nakatulog kami na nakayakap ako sakanya.
Ilang oras ng makatulog ako naalimpungatan ako.Hindi ko alam pero uneasy ang pakiramdam. Pagmulat ko naman ay halos mapaatras ako at mauntog sa pader ng kwarto ko. Magkadikit pa din ang mukha naming ni Andre. At nakayakap pa rin ako sakanya. Kaso ngayon, pati sya ay nakayakap na din sya. Kaya naman ang posisyon naming ay magkaharap na kami.
Gising na ito at nakatitig lamang sakin. Nang makita naman akong magising ay ngumiti ito ng bahagya.
“Gising ka na pala. Teka anong oras na ba?”, bigla kong pag upo dahil bigla akong nahiya. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko. Pasado ala sais na. Kailangan ko na rin gumising upang maghanda ng almusal para sa magulang.
“Good Morning.”, mahinang bati nito.
“Magpahinga ka muna. Magluluto lang ako.”, malamig kong tugon.
Lumabas ako ng kwarto at binati naman ako ng mga magulang na kanina pa gising. Naabutan ko naman na nakapagluto na ang Inay ng almusal.
“Nako Nay, pasensya na po at di ako nagising ng maaga. Nilagnat po kasi yung kaibigan ko, eh.”, batik o sa mga magulang.
“Paano hindi magkakasakit yun eh sumugod ba naman sya sa ulan.”, pagbibiro ng Itay.
“Ikaw talaga Tay. Oh sya, may gamot naman dyan. May pagkain na rin. Ikaw na bahala sa bisita mo, ha. Aalis na din kami ng Itay mo.”, malumanay na tugon ng Inay.
“Aalis pa rin kayo, Inay? Malakas pa din ang ulan, ha!”, pagtutol ko.
“Oo anak. Okay lang kami ng Inay mo. Sya nga pala, huwag ka munang pumasok bukas sa trabaho dahil may bagyo. Walang titingin dito sa bahay kung may mangyari man. At tsaka may sakit kamo yung kaibigan mo, diba? Ako na lang bahala makipagusap kay Pareng Ramon.”
“Ganun po ba. Eh pano po ang gastusin…”
“Wag mo na intindihin yun, anak! Eh pano na lang pag biglang tinangay tong bubong natin ng hangin?! Pano pag mawala ka?”, pagbibiro ng Itay. Sabay larga ng Itay at Inay papasok ng trabaho.
Naupo ako sandal sa sofa. Hindi pa din makapaniwala sa mga nangyari.
Pumasok akong muli at umupo sa nakahigang si Andre.
“May pagkain na. Kakain ka ba dito, o sa labas na?”, malamig kong tanong.
“S-sa labas na lang.. K-kaya ko na naman tumayo.”, pilit na pagtayo ni Andre. Inismidan ko naman ito.
“Humiga ka na lang dyan. Dito na lang tayo kumain.”, malamig kong tugon.
Pagdala ko ng pagkain ay nagsimula na akong kumain. Mukha namang hirap na hirap pa rin si Andre dahil sa taas ng lagnat. Halos hindi nito nagalaw ang pagkain.
“Kumain ka.. Para.. Para gumaling ka.”
“Ganun mo ba ako gustong kabilis umalis…?”, malungkot na tugon nito.
“Huh?!”
“Kung ako lang, sana din a lang ako gumaling. Para dito na lang ako… Sa tabi mo..”, malungkot nyang tugon. Natahimik naman ako.
“Kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot.”
Pinilit ni Andre na kumain muli. Kahit halatang hirap na ito. Nang maka ilang subo pa ay nagsabi itong hindi nya na talaga kaya. Agad ko naman itong pinainom ng gamot at pinasandal para hindi ito sumuka.
“Kuha lang ako ng pampunas.”
Pero bigla nanaman nyang hinugot ang kamay ko.
“Pwede ba! Tigilan mo ang kakahugot sa kamay ko! Napapadalas ka na, ha!”, malamig kong tugon. Pero natawa ko. Ngayon ko lang narealize na nakakailang hawak na sya sa kamay ko, ah! Aba! Abusado!! Napangiti naman ako ng bahagya.
“Kukuha lang ako ng pampunas. Babalik ako.”, pinakasiguro ko. Bumitaw naman ito sa kamay ko.
Nang makalabas ako ng kwarto ay halos gumulong naman ako sa kakatawa. Naisip ko kasi yung ichura ko. Nagpipilit na magtaray at magsungit, pero ang totoo ay halos manginig na sa kilig.
Pagkapalit ng tubig na pinampupunas ko kay Andre ay agad akong bumalik. Umupo ako sa bandang paanan nito at kumuha ng libro.
“Ha?”
“Sa alaga.”
“Sino ba naman kasi may sabi sayo na pumunta dito ng may bagyo?! At bat di ka man lang nagdala ng kapote o payong?!”, pagsusungit ko.
“Hindi ko na kasi naisip eh. Basta ang gusto ko, mahanap ka. Nawala ko nga yung address mo eh. Basta naalala ko lang yung pangalan ng barrio nyo. Kaya kumatok katok ako sa mga bahay at naituro sakin na dito ka nga daw.”, nahihiya nitong tugon.
Mula sa masungit na tuwa ay gusto biglang tumayo at lumabas ng kwarto dahil sa pagkakakilig sa narinig. Ayaw ko naman isipin nya na natutuwa ako sa mga narinig. Kailangan makita nya na desido pa rin ako sa desisyon ko.
“Sus!”, pagkukunwari kong masungit.
“Pasensya na ulit, ha..”
“Huwag mo na isipin yun! Basta magpahinga ka na ng makauwi ka na.”
Pinagpahinga ko lang si Andre buong maghapon at ginigising lang ito pag kakain o iinom ng gamot. Ako naman ay nagbasa lang maghapon at naglinis linis sa bahay. Pumupunta lang ako ulit sa kwarto para icheck sya.
Dalawang araw din naging ganto ang sistema naming. Pagtapos ng dalawang araw yun ay bumuti na ang lagay ni Andre.
Kinaumagahan ng pangatlong araw ay nagising ako dahil oras na ulit ng inom ng gamot ni Andre. Magaling na naman sya, kaso para lang hindi na bumalik ang lagnat nya, o huwag syang mabinat. Ngunit pag gising ko ay wala na si Andre sa tabi ko.
Bigla akong napaupo. Nakita ko lang an gang kapiraso ng papel sa tabi ko. Agad ko itong kinuha at binuksan…
“Salamat… Patawad…”- yan lamang ang nakasulat sa kapiraso ng papel. Dalawang salita, pero talaga namang nakapagpaluha sakin. Sa dalawang salita pero parang andun na lahat ng gusto nyang sabihin.
Bakit ako malungkot? Bakit ako umiiyak? At bakit ako nasasaktan? Di ba ito ginusto ko? Na pagkagaling nya ay umalis na sya ng tuluyan na akong makalimot? Pero bakit ako nagkakaganto ngayon? Unang una sa lahat, ako ang humiling nito, kaya dapat hindi ako nagkakaganito.
Hinaplos ko ang kama ko kung saan dapat naroon nakahiga si Andre. Hindi pa din makapaniwala na umalis na sya. Bakit hindi man lang sya nagsabi? Hindi man lang nagpaalam ng maayos? Bakit sulat lang?
Naramdaman ko na lang ang pag agos ng luha ko. Malungkot. Masakit.
“Bakit ka umiiyak?”, nagulat na lang ako ng biglang may pumasok ng kwarto. Si Andre. Shit!! Nahuli nya akong umiiyak habang hawak ang sulat na ginawa nya. Todo drama pa naman ako!!
“Andre?! Andito ka pa?!”, bigla kong punas ng mga luha at kunwari ay walang nangyari.
“O-oo..?”
“Akala ko kasi umalis ka na!”, galit kong sagot. Ngumiti ito.
“Eh bat ka nga umiiyak?”, natatawang tanong nya. Yung tipong nanghihinala.
“Hindi ako umiiyak! Napuwing ako!”
“Napuwing… Pero ok! Sabi mo, eh. Basta nakita ko umiiyak ka..”, pangaasar nito.
“Ewan ko sayo! Bat andito ka pa ba?! Diba magaling ka na?!”, galit kong tugon. Nagulat naman ako ng bigla itong umupo sa tabi ko. Tumahimik ito at nagbigay ng malungkot na ekspresyon sa mukha.
“Oo nga.. Hinintay lang naman kita magising ng makapag paalam ako ng maayos.”, malungkot na tugon nito.
Hindi ko alam pero parang mas masakit ang nangyayari sakin ngayon. Parang mas masakit pa ito kesa sa naabutan kong sulat kanina. Sana pala hindi ko na lang talaga sya naabutan pag gising ko. Sana pag gising ko eh wala na lang sya. Sana hindi na lang sya nagpaalam. Hindi ko alam na mas masakit pala pag itong magpapaalam pa sya sakin.
“G-ganun ba… Ingat ka.”, pagkukunwari kong manhid.
“Ryan… Maraming salamat ha. Maraming salamat sa magandang alaala. Salamat na kahit sa tatlong araw, naramdaman ko ang pagaalaga mo, ang pagmamahal mo. Kahit naging malamig ka sakin, ok lang. Deserve ko yun. Maswerte na nga ako at hindi mo ko pinabayaan. Kaya naman, maraming maraming salamat sayo. Mahal na mahal pa din kita. At dahil sa tatlong araw na ito, mas minamahal kita ngayon.”
Hindi na ako nakapag kunwari. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Napansin ko din sya na umiiyak dahil sa tono ng boses nya kanina. Hindi ko sya matingnan dahil alam ko, pag tumingin pa ako ay pipigilan ko sya na huwag na lang umalis. Pero parte ito ng plano ko sa paglimot. Mas masasaktan lang kami pag pinapatuloy pa naming ito. Kung wala sanang Rizza sa eksena, baka pwede pa. Peron g malaman kong nagalinlangan sya ng makita si Rizza, alam ko wala akong laban. Babae pa din yun.
Tumango ako at nagpaalam sakanya.
“Ingat ka.”, naluha kong sabi.
Naramdaman ko ang paghalik nya sa mga labi ko. Hindi ako tumutol. Hinayaan ko lang na magkadikit ang mga labi namin. Nangingig ang mga labi nya. Dahil na rin ito sa pagiyak nya. Ilang Segundo pa ay kumalas na ito at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap at tuluyang lumabas ng kwarto.
“Pinanood ko lang sya na lumabas ng kwarto. Gusto ko sya habulin, pero tila ay napako ako sa aking kinauupuan. Parang nanlambot ang mga tuhod ko kahit pa sinisigaw ng utak ko na habulin sya. Ngunit nagtagumpay ang kalungkutan ko. Hindi ko sya hinabol at nagiiyak lamang ako.
Buong maghapon ako nagiiyak habang nakahiga sa aking kwarto. Hindi na ako nagtanghalian dahil wala akong gana. Andun lamang ako sa kwarto, umiiyak. Tapos na ang bagyo at mataas na muli ang sikat ng araw ngunit parang bagyo pa rin ang pakiramdam ko. Malamig pa din ang pakiramdam. Malamig, malungkot, masakit.
Oo na! Tanga nanaman ako. Nung una, nagpapakamartyr ako kay Larc, ngayon naman nagpapakatanga ako na pinapakawalan ang mahal ko. Ewan ko ba, hindi naman ako bobong tao. Scholar nga ako eh! Pero bat ang tanga tanga ko pumili ng desisyon?! Hindi lang pala ako tanga ngayon. Duwag pa ako.
Hindi ko napansin ang mabilis na pagdaan ng oras. Nakatulog pala ako kakaiyak maghapon. At narinig ko na lang na kinakatok ako ng aking Inay sa kwarto.
“Anak..”, pagkatok ng Inay.
Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto at nilabas ang Inay.
“Oh, anak, tulog ka pa din? Kakain na tayo.”
“Nako, nay. Pasensya na, hindi ako nakapagluto! Hindi kop o kasi napansin ang oras dahil nakatulog ako.”, paghingi ko ng paumanhin.
“Huwag mo na intindihin yun, anak. Nakapagluto na rin naman ako. Tara, kain na tayo!”, paanyaya ng aking Inay.
Nahihiya at aandap andap pa akong nagmano sa aking Itay.
“Daig mo pa ang lasing, anak, ha!”, pagbibiro ng Itay. Sinundan naman ito ng malakas na tawa.
“Pasensya na po, Itay.”
“Bata ka talaga, oo.”, patawa tawa ni Itay habang umiiling iling.
Agad naupo sila Inay at Itay at ako naman ay hinain ang pagkaing niluto ng Inay. Wala naman ako sa sarili dahil nasa isip ko pa din ang pagalis ni Andre.
Bago pa man din kami kumain ay pinangunahan ng dasal ng aking Itay ang hapunan. Isiningit ko naman sa aking dasal n asana nakauwi ng ligtas at matiwasay si Andre.
Hindi ko napansin na tulala pala ako habang kumakain. Naririnig ko lang na may ikinikwento ang Itay at tumatawa tawa ito. Hindi ko man lubusang maintindihan ay nakikitawa ako. Basta ang intindi ko lang, tungkol ito sa kasama nya sa trabaho.
“Ang lalim ha.”, biglang sabi ng Itay sa akin.
“Po?”
“Nalunod kami ng Inay mo, eh.”, dagdag ng Itay.
“Po? Nalunod?! Nalunod saan?!”, alala kong tanong.
“Dyan sa iniisip mo!! Abay kanina pa ako kwento ng kwento at tanong ng tanong sayo, tawa ka lang ng tawa tapos bigla kang tulala. Adik ka ba?”, natatawang tugon ng Itay. Nakita ko naman ang Inay na nakikitawa.
“Oo nga, anak. Ayos ka lang ba?”, tawang tanong ng Inay. Ramdam ko naman ang pamumutla dahil sa pagkapahiya.
“Huh! Hindi po! Iniisip ko lang yung trabaho ko bukas! Nakakahiya po kasi Kay Mang Ramon!”, pagdedepensa ko.
“Aba, para namang sobrang bigat ng trabaho mo kaila Mang Ramon at ganyan ka na lang makapag isip.”, natatawa pa ring biro ng Itay. Nakitawa naman ako kunwari. Shet, ang plastic ko!
Nagtawanan kaming tatlo at nagpatuloy sa pagkain. Maya maya naman ay tumahimik sila bigla. Ako naman ay bumalik sa pagiisip habang kumakain.
“Si Andre ano..?”, seryosong bungad ng Itay.
“Po? Si Andre ang alin?”, gulantang na tanong ko.
“Nak, sabi naman naming sayo. Magulang mo kami kaya wala kang matatago o masisikreto samin. Kilalang kilala ka na namin nak.”, seryosong tugon ng Itay.
“Oo nga. At ang huling beses na nakita ka naming na ganyan… Ay tungkol kay Larc. Nung un among malaman na may girlfriend na sya noon. Masayang masaya syang nagkkwento habang ikaw ay parang di mawari kung nasaan ang iyong diwa.”, dagdag ng Inay.
“So, si Andre nga ang dahilan… Kung bakit bumalik ka dito…?”, seryosong tanong Itay.
Hindi naman ako sumagot. Hindi ko alam paano sasagutin. Hindi ko masabi ang lahat ng nangyari sakin sa Maynila. Lalo na ang ginawa sakin ni Larc.
“Okay lang, anak. Diba, sabi namin ng Itay mo na tanggap naman naming kung ano man yan…”, mahinahon na sabi ng Inay.
“Anak…?”, malumanay at pagaalalang tanong ng Itay.
Hindi ako sumagot.
“Hay… Binata ka na talaga. Hindi ka na bata. Hindi ko lubos maisip na malaki ka na ngayon. Dati ang inaalala lang naming ng Inay mo ay kapag nadadapa ka sa paglalaro, o di kaya ay pag nagkakasakit ka. Ngayon, malaki ka na, natututo ka ng magmahal.”, malungkot na sabi ng Itay.
“Anak… Kung desisyon mo na lumayo na talaga ay iinitindihin namin. Ikaw naman talaga ang nakakaalam sa nararamdaman mo, eh.”, sabi ng Inay.
“Pero nak, kalimutan mo nay un! Kung dib a naman sya may tuktok sa ulo! Akalain mo ba naman na pumunta sya dito ng di nya alam kung asan ka!! Hahahaha! Buang! Hahaha!”, pagtawang biro ng Itay. Halos mabilaukan naman ako sa sinabi ng Itay. Natawa din ako. May point naman kasi ang Itay.
“Oo nga tay! Buang yun! Pupunta punta dito, di naman alam kung taga saan ako! Hahahaha!”, pagtawa ko.
“Oo nga anak, tapos pumunta pa may bagyo! Ayun, nagkasakit! Wwwaahahahahaha!!”, malokong tawa ng Itay. Mas lalo naman akong natawa.
“Oo nga, akala nya siguro, hindi sya magkakasakit!”, pagtawa kong muli.
“At malala nyan, pumunta dito ng wala naman palang tutuluyan! Pano kung di mo sya kinausap at pinatuloy? Edi kawaa sya sa ulan!! Buang na bata talaga!! Wwwaaaaahahahaha!!”, mas malakas na tawa ng Itay. Halos malunod naman ako sa kakatawa. Nakakatawa pa man din tumawa ang Itay. Parang hihikain na ewan.
“Ahahaha! Ikaw talaga tay! Pero pasalamat nga sya at pinatuloy ko sya!! Kung dim as basang sisiw sya! Hahahaha!!”, pagtawa ko.
“Pero ang pinaka buang sakanya, nagpunta sya sa lugar na di alam saan pupunta, sumugod sa bagyo, hinanap ka, nagkasakit? At dahil saan? Kasi mahal ka!! Wwwaaahahahaha!!!!”, pagtawa ng Itay.
“Oo nga tay, akalain mo, pumunta punta sya dito ng di alam kung san ako hahanapin, tapos nagpakabasa sa ulan! Tapos ayun! Nagkasakit…. Kasi… kasi…”, mula sa pagkakatawa ay unti unting humina ang tawa ko.
“K-kasi mahal ako…..”, malungkot kong tugon. Nakita ko naman na naging seryoso na ang mukha ng Itay at Inay.
“Edi umamin ka din.”, seryosong tugon ng Itay sabay tuloy sa pagkain.
Hindi ko na halos matapos tapos ang kinakain ko dahil sa muling lungkot na nadarama.
“Nung una kong makita yang Andre nay an. Ayoko na talaga sakanya. Dahil unang kita ko pa lang sakanya, alam ko na sya na ang dahilan kung bakit ka bumalik dito. Dahil kung hindi sya, bakit sya maglalakas sumugod sa bagyo at hanapin ka? Wala pa akong nakilala na ganun kabaliw para lang mangumusta sa kaibigan.”, sabi ng Itay.
Natahimik lang ako.
“Peron g kausapin nya kami kaninang umaga ng Inay mo. Medyo nagbago ang tingin ko sakanya. Pero medyo lang, ha!”, dagdag pa ng Itay.
Agad ako napatingin sa Itay. Kinausap ni Andre sila Inay?!
“Oo. Kanina habang tulog ka pa. Sinadya nyang gumising ng maaga at kinausap kami. Sinabi ko na umalis na sya pagkagising mo. Ang tanging mga sinabi nya ay patawad daw. Tapos inamin nya ang lahat sa amin. Na andito sya para humingi man lang ng tawad. Kesho mahalaga ka daw masyado sakanya. Nakita ko naman ang sinceridad sa tono ng pananalita nya kaya nakinig kami ng Inay mo. Binanggit nya na alam nya dawn a nasaktan ka nya, at sinubukan nyang ayusin. Ngunit mukhang wala na talaga. Nagpasalamat pa nga sya samin!! Kundi ba naman talaga buang na bata!! Salamat daw kasi pinanganak ka namin. Nagkakilala daw kayo tuloy! Ang korny, ha!!”, matawa tawang kwento ng Itay.
Tumatak sa utak ko ang huling sinabi ng Itay. “Korny”, oo nga, ang korny nya nga. Yan din ang madalas kong sabihin sakanya. Gusto ko naman biglang maluha.
Mas lalo akong hindi nakapagsalita. Hindi ako magkandaugaga sa pagsisisi na hinayaan ko syang umalis. Dapat kasi pinigilan ko sya. Dapat hindi ko sya hinayaan umalis. Pero huli ng lahat. Kagagawan ko ito. Kagagawan ko ito….
Matapos makakain ay naghugas ako ng pinggan kahit pa wala sa sarili. Niyakap lang ako ng Itay at Inay at sinabi na kung gusto naming pag usapan ay wag ako magaatubiling katukin sila. Miski anong oras daw. Nagpasalamat naman ako. Dahil talaga namang damang dama ko ang pagmamahal nila sakin.
Matapos makapag hugas ay bumalik ako sa kwarto. Nagsisisi pa din sa desisyon na nagawa.
“Tanga!! Tanga ka Ryan!!”, sigaw ko sa isip ko.
Gusto ko malaman mismo sakanya. Gusto ko marinig muli. Kaya agad agad kong kinuha ang aking cellphone at nagdial.. Agad naman itong nagring…
“Sagutin mo…. Please… Sagutin mo…”, sabi ko sa sarili ko. Nang makailang ring naman ay may sumagot na sa kabilang linya. Agad na tumulo ang luha ko ng marinig ang boses sa kabilang linya.
“Hello…?”
Yun sana un nag hello eh ung gf ni andre....!!! Plsss!!!!! I really dont like andre...! Go larc team..
ReplyDeleteYan kasi dapat pinigilan mo eh,,ayan tuloy,,
ReplyDeletenakakatuwa lang si itay mag kwento hehe
patawarin mo n kasi si andre para masaya na lahat
luv it
-arvin of Taiwan-
Para akong baliw habang nagbabasa buti na nga lang at mag-isa lang ako ngayon. Umiiyak habang nakangiti. Galing ng banat ng tatay ni Andre.
ReplyDeleteSana lahat ng parents gaya ng mga magulang ni Ryan. Para hindi mahirap sa mga kagaya natin na umamin sa tunay nating mga pagkatao.
_alejojohn
hahaha hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko si andre ba o si ryan hahhahah.
ReplyDeleteI love Andre na tlga! lol.
ReplyDeleteand if im on his shoe, I would do the same.
Team andre..hahahaha
ReplyDeleteNakakaiyak naman to, pero gusto sya..
Love it..
nakakatuwa naman ang family ni Ryan.. so open and they so love each other... Bihira ang ganitong pamilya ang tumanggap ng ganitong klaseng relasyon ng anak nila... Hope I would have the same... hehehe
ReplyDeleteIba ka talaga idol Khen... =)
ReplyDeleteIan of K.S.A
c tatay umieksena ha?!haha..infairness i like ryan's parents especially tatay niya kc db sobrang bihira ung ganun??
ReplyDeletec andre nmn papatayin pa yata ako sa sakit sa puso nito eh..haha...ung mga efforts nya kc nakakadurog ng puso eh!^^
ang haba-haba ng hair ni ryan ha!nakalugay pa!haha...andre makes me think twice kung kanino ako boboto sa kanila ni larc..but anyways, i'd like to see kung ano nmn ang effort na gaagwin ni larc!^^
s
excited nko sa next chap...dahil sa "Hello?" na yan!!haha..i really love this story mr author!thanks..:)
-monty
I would be sad if si Rizza yun sumagot sa kabilang linya nun tumawag si Ryan sa number ni Andre, dahil nag-effort na yun tao eh panira pa sya pag nagkataon, hays....
ReplyDelete-toffer-
Avid fan ako ng mag-best friend stories mo author!!! Walang chapter na maitatapon ^_^
ReplyDeleteFirst time ko magcomment sa mga ganitong blogsite though matagal na 'kong silent reader. Di ko mapigilang hindi magcomment sa ganda ng stoya na 'to...
Basta ako, kay Larc pa rin boto ko ;)
Keep it up author... Sana after nito, gawa ka ulit ng discreet m2m story; yung parang book 1... Sa book 1 kasi sobrang nakakarelate ako hehehe.
Magkatokayo nga pla tayo.
-Ken from Makati-
nkktawa yung mglang ni ryan''
ReplyDeletesana si larc yung tinawagan ni ryan...excited na pra sa next chapter...
ReplyDeletekrisluv
anu be yen !! muli akong natats kay andre ! hmmmpf ! swerte mo ryan , napakasupportive at napakaopen ng parents mo ! hahaha baydawey , ang galing mo sir ken ! 2 thumbs UP! :))) nabitin ako ah ! next next next na ! :))
ReplyDeleteLarc...where are you na ba?? Wag kukupad-kupad...
ReplyDeletesiguro si rizza qng sumagot sa kabilang linya kayagnun ang naging reaksyon ni ryan.
ReplyDelete-arvin of Taiwan-