Hello po! Una sa lahat, gusto ko po munang pasalamatan si Sir Mike sa pagbibigay sakin ng pagkakataong maibahagi ang kwentong 'to. At higit sa lahat, una ko pong istorya 'to, at sana ho magustuhan niyo. Alam ko pong medyo maikli ang pambungad na kabanata ko, pero pangako po, sa mga susunod na chapter, mahahaba na siya. Feel free to drop off your comments and criticisms!
-*-*-*-*-
Multi [Chapter 1]
"¿Estás solo?" ang rinig kong tanong ng isang di-pamilyar na boses.
Pero tila isa lang itong kuliglig sa tenga ko, at hindi ko pinakinggan.
Nagsimula nanamang pumatak ang mga luha ko. Inalala ang mga nangyari bago ako napadpad sa lugar na 'to nang wala man lang kaplano-plano.
Masakit. Mahapdi. Sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring muntik nang magpaguho sa mundo ko, tila isa pa din itong sibat sa aking puso.
"Anak, we need to talk," ang pagsusumamo ng aking ina.
Nitong mga nakaraang araw, palagi ko nalang napapansin ang pagiging balisa nila. Hindi ako pinapansin minsan, minsan naman todo-todo ang atensyong binibigay nila.
"S'il vous plâit?" ang pagfollow-up naman ng papa ko.
Hindi ko na natiis ang ganitong set-up namin nitong mga nakaraang araw, kaya tinanong ko na si papa. "Pa, ano po bang problema?"
"Problema? Lahat! Lahat problema! Ikaw! Balisang-balisa na ako, anak! Balisang-balisa na!!" ang pag-sisigaw niya.
Ewan. Pero tila kabaligtaran yata ang nangyari ngayon, sa inaakala ko. Ang papa kasi, kalmado. Ni-hindi nga nagtataas ng boses yan eh. Ke-empleyado man, o normal na tao. Pero iba ngayon. Alam kong madaming bumabagabag sa mga magulang ko. Pero wala akong lakas ng loob para tanungin sila.
Pero hinayaan ko lang, hanggang ayan, sila na mismo ang gustong makipag-usap sakin.
"Spill it out," sabi ko ng kalmado. Kinakabahan ako. Kita mo sa mukha nila ang lungkot. Di ko alam.
"Anak, first, I wanna say sorry if I kept on yelling at you these past few days," panimula ni papa, "and I want you to know that I really, and I mean really, love you," sabi niya nang medyo maluha-luha.
"Pa, ano po ba talagang problema?" ang naguguluhan kong tanong. Nagtinginan silang dalawa ni mama, at nakita kong tumango si papa, palatandaan nang si mama na ang sumagot ng tanong ko.
"Anak, kahit anong mangyari, tandaan mong mahal na mahal ka namin," ang sabi niyang naluluha na. Naguguluhan ako! Pero may kutob na ako kung ano 'to. Pero wag naman sana. Wag.
"A-anak, a-ampon ka," at yun, di na napigilang maluha si mama. Humagulgol kasama ni papa. Ngayon ko lang sila nakitang ganito.
Tila naman binagsakan ng langit at lupa ang mundo ko. Umagos nang umagos ang luha ko. Naabutan ko nalang ang sarili kong hinablot ang aking bag, at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.
"Anak!!!! Anak!!! Saan ka pupunta?!" ang narinig ko pang sabi ni mama. Pero di ko na pinansin. Nasa kawalan na ang kaluluwa ko. Ganito pala kasakit yun, no? Haist.
Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at nag-drive, walang patutunguhan. Sinubukan kong tawagan si Jenny, ang girlfriend ko, na alam kong sa una pa lang ay ginagamit niya lang ako para sa isang laro niyang di ko maipanalo. Bakit ba ko pumasok sa relasyong ganito? Pero napag-isip-isip ko na sa araw na malampasan ko 'tong pagsubok na 'to, hihiwalayan ko na siya. Tang ina. Sinubukan ko ding tawagan ang mga tropa ko. Pero puro "Sorry, I can't," o kaya "Dude, may project ako. Bukas na yung deadline." Gusto ko lang naman ng makakausap eh, konting oras lang, di pa nila maibigay?!
Kaya nabuo ang isang desisyon sa isip ko. Dali-dali akong nagmaneho ng mabilis papunta sa bilihan ng international plane tickets. Pagkasampang-pagsampa ng paa ko sa building, dali-dali akong nagtungo sa counter number 5, ibinigay ang passport ko, at dali-daling nagsabi ng, "Mexico, now!"
Halata naman sa mukha ng babae ang pagkagulat. "S-sir, n-now?"
"YES! NOW!" ang bulyaw ko. Swerte ko naman at may flight papuntang Mexico City alas 10 ng gabi. 7:30 palang naman nun.
Di ko ba alam kung bakit Mexico ang napili kong puntahan. Di pa naman ako nakakapunta dito. May kaba akong nararamdaman na baka kung anong mangyari sa akin dun, pero mas nangibabaw pa din sakin ang kagustuhang makapagpalabas ng sama ng loob. Siguro dahil nagpunta kami dito sa isang Mexican Restaurant kanina kaya yun ang naging dahilan para Mexico ang puntahan ko.
At yun na nga, nakarating ako sa Mexico City, ni-hindi man lang alam ang oras, at ang nakakatawa pa, naka-school uniform pa ko na puting polo, may logo sa bulsahan sa harap, naka-dark green na pantalon, at black shoes. Siguro iniisip na ng mga tao dito sa Airport kung nababaliw na ba ko. Ang gulo-gulo kasi ng buhok ko, ang laki pa ng eye bags ko.
Paglabas ko ng airport, nawindang ako, gabi na pala dito sa Mexico! Hala, kinakabahan ako, baka wala pa akong makitang hotel na tutuluyan ko dito.
Sa pagod ko, naupo muna ako sa isang bench, di pa malayo-layo sa pinaglabasan ko na airport.
"¿Estás solo?" ang rining kong tanong ng isang di-pamilyar na boses.

"¿Estás solo?" ang tanong niya ulit. Nilingon ko siya. Mukha siyang Asian, na may halong Mexican, ganon nga yata. Di kapayatan, di din kalakihan ng katawan. Parang akin lang din, medium-built. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Gwapo naman, pero mas gwapo pa din ako syempre. Bigla siyang ngumiti. Woah, kumpleto ang ngipin ng mokong! Samahan pa ng pagkalalim-lalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
Pero dahil sa pagkagulu-gulong mundo ko, hindi ko nasagot ang tanong niya. Bagkus, ang naisagot ko nalang ay, "W-what time is it?"
"10:27 PM," ang sagot niya.
WWWHAAAT. Ang sigaw ng isip ko, at yun na din yata ang expression sa mukha ko, dahil nakita ko siyang napangiti. Ikaw ba naman, abutin ka ng alas-10 sa isang bansang wala kang ka-alam-alam, di ka ba magugulat?
"¿Estás solo?" ang tanong niya ulit. AY SI KOIA, mapilit. Tanong nang tanong.
"Si." ang maigsi kong sagot.
Nakita ko namang ngumiti ulit siya, naupo sa tabi ko, at hinila ang bagaheng nasa likuran niya. Hala! Kararating lang din pala ng mokong mula sa kung saan.
Napatingin ako sa kanya, nun ko lang napansin ang mukha niya. Gwapo din pala, makinis ang mukha, hindi maitim ang balat, hindi din naman masyadong maputi; kayumanggi kumbaga. Makapal ang kilay, may mga mapupungaw na mata, kumpleto ang mga ngipin, at may dimples siya sa kaliwang pisngi.
Ayun nga, nagkwentuhan kami, siya pala ang katabi ko sa plane, kanina niya pa daw akong gustong kausapin pero ayaw niya daw makaistorbo sa pagmumuni-muni ko. Pagkababa daw namin ng plane, hinabol niya daw ako, alam niya daw kasi na bago lang ako sa Mexico dahil sa suot ko at sa itsura ko. At dun, napangiti naman ako. Effort naman diba? Siya daw si Tavú, filipino-mexican, 18 years old din tulad ko.
"¿Cómo te llamas?" ang tanong niya. Nabigla ako, oo nga pala, di ko pa pala nasasabi ang pangalan ko.
"Tee," sambit ko sabay nagbigay ng isang napakatamis na ngiti.
Itutuloy..

No comments:
Post a Comment