[9] Ang Singsing
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
“Paano mo naman nalaman na may anak na si Andrei?”
ang tanong ng aking inay kay itay.
“Nakausap ko sa telepono si kumpareng Eloy, ang tatay niya. Nakiusap kasi ako
kay Andrei noong huling nagbakasyon ito dito na tawagan namin ang tatay niya
dahil gusto kong makausap ang kumpare kong iyon. Antagal nang hindi kami
nagkausap eh.”
“Paano kayo naka-connect, wala namang signal dito
sa lugar natin?”
“Dumayo kami sa kabilang baranggay. Naaabot kasi ng
signal ang kabilang baranggay lalo na kapag gabi. Kaya dinala ko si Andrei doon
upang makontak namin ang tatay niya..”
“E, nasaan daw ang anak niya? At ilang taon na ba?”
“Magpipitong taon na raw. At lalaki! Di ba labing-limang
taong gulang lamang si Andrei noong umalis dito, agad-agad daw na nabuntis ang
babae. Matinik talaga ang dyaskeng batang iyon!”
“E di, may apo ka na...” ang sambit ng inay.
Bigla naman akong napatingin sa kanilang dalawa sa narinig
kong iyon na sabi ng inay.
Tiningnan ako ng itay. “Syempre, may apo na tayo.
Hindi naman iba sa atin ang batang iyon.”
At sa narinig, bigla akong tumayo. “Tapos na akong
kumain tay... nay. Sa kuwarto na lang ako.” Ang nasambit ko sa sama ng loob. Sobrang
sakit na nalaman kong may iniwan palang lihim si kuya Andrei at hindi man lang
sinabi sa akin ito. At dagdagan pang parang may laman din ang pahiwating ng
aking mga magulang na may apo na raw sila. “Alam kaya nilang nalilito pa ako sa
aking pagkatao? Nagpaparinig ba silang kailangan ko silang bigyan din ng apo?”
ang tanong ng isip ko.
Hindi ko alam kung bakit sobra akong naapektuhan sa
aking narinig. Iyon bang feeling na sobrang saya dahil nakamit mo ang isang
bagay, ngunit upang malaman mo lang pala sa huli na ang bagay na iyon ay hindi
pala para sa iyo. Parang patikim lang. Pakiramdam ko ay nasa langit na sana ako
ngunit bigla ring bumulusok sa lupa, nauntog ang ulo, nagising sa katotohanan
at napatanong ng, “Oo nga naman... hindi ko naman kasintahan iyong tao, hindi
naman kami puwedeng maging kami, at kung puwede man, hindi naman niya ako
niligawan o sinabihan na mahal nga niya ako bilang isang kasintahan.”
At sa pagkakataong iyon, ibang klaseng sakit na ang
aking naramdaman. Hindi na iyong sakit nang paglayo kundi sakit bunga nang pagtatraydor.
At iyon ang pinakaunang klaseng sakit na iyon ang naranasan ko.
Maraming katanungan din ang bumagabag sa aking
isip. “Bakit niya ito itinago sa akin? Bakit ko naramdaman ang ganoon katinding
sakit? Bakit parang hindi ko matanggap na may iba at may anak pa siya? May
kinalaman kaya ang singsing na nakita ko sa kanyang daliri?”
Ngunit kahit wala man kaming relasyon, alam kong may
karapatan pa rin akong masaktan. Kasi nga, kung tunay na kapatid ang trato niya
sa akin, bakit hindi niya sinabi? Kung talagang “kapatid” ang turing niya sa
akin, dapat sana ay ako ang unang nakaalam.
Nabuo tuloy sa isip ko na maaaring ang tunay na
dahilan kung bakit hindi siya nakasulat sa akin sa walong taong paglayo naming ay
dahil sa nasabing babae...
“Sabagay, sino ba ako upang magalit? Hindi naman naging
kami; hindi naman siya nagsabi na ako ang kasintahan niya. Iba ang priority
niya; iba ang mundo niya. At kahit masakit mang isipin, ngunit hindi ako kasali
sa mundo niyang iyon... Iyan ang katotohanan.” sa isip ko lang. Ang mali ko
lang pala ay ang hindi ko pag-alam sa tunay na niyang status. Kung may asawa na
ba siya, o kasintahan. Paano rin naman kasi, nag-assume ako na ako talaga ang
mahal niya. Parang gusto ko tuloy sisihin ang aking sarili. “Gago ka kasi!”
sigaw ng isip ko sabay batok ng kamay ko sa sariling ulo.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi siya sa akin
habang nasa San Pedro City pa kami, “Tol... iyang girlfriend mo, alagaan mo ha?
Dapat maayos ang relasyon ninyo upang palagi kang inspired. Isang araw,
magkakaroon ka rin ng pamilya, anak...”
Tinawanan ko lang ang sinabi niyang iyon. Ngunit
marahil ay may kinalaman na pala iyon sa kanyang sarili, projection ba ang
tawag doon, na ang sinabi niya sa akin ay ang patugnkol din pala sa kanya; na
may girlfriend o asawa siya, at may anak. Maaaring kinundisyon lamang niya ang
aking utak. Noong bata pa kasi ako at hindi pa kami nagkalayo, nabanggit niya
sa akin, ilang beses, na marami siyang babae.
“Niligawan mo?” ang inosente kong tanong.
“Mga nagkagusto lang sa akin. Pati teacher ko nga
type ako eh!”
“Weee! Yabang!”
“Totoo.”
“Bakit hindi mo niligawan?”
“Bakit ko pa liligawan? Gusto nga ako eh.”
“Girlfriend mo na ang teacher mo?”
“Hindi iyong teacher. Iyong kaklase ko ang
girlfriend ko. Labo naman nito oh.”
At ewan... kahit bata pa ako noon, bigla akong
nalungkot sa sinabi niya. Para bang nagseselos na may iba na siyang mahal. Dahil
nakaupo kaming dalawa sa aplaya noon, iginuro-guro ko na lang ang mga daliri ko
sa buhangin. Iyon bang isang batang walang kamuwang-muwang na nasaktan, pilit
na itinayo ang maliit na pride at pinabulaanan ang kanyang sinabi, “Hindi ka
naman mahal noon eh.”
“Bakit mo nasabi?”
“Kasi, ako lang ang nagmamahal sa iyo!” at nagtatakbo
na ako pauwi ng bahay, halos iiyak na dahil sa pagtatampo.
Hinabol niya ako at noong naabutan, kinarga at
sinuyo. “Nagseselos ka ano?”
At nagdeny pa ako. “Hindi ah! Kasi... kapag hindi
mo na ako mahal, maghahanap naman ako ng ibang kuya.” Sambit ko, pilit
nilabanan ang mga luhang huwag pumatak.
“Sino naman ang ipapalit mo sa akin bilang kuya?”
At doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha.
Kasi naman, sa loob-loob ko, alam kong walang ibang taong puwedeng pumalit sa
kanya sa puso ko bilang kuya. Sa murang edad ko, alam kong siya lang ang kuyang
nagmamahal sa akin; ang marunong umunawa sa akin; siya lang ang kuyang mahal na
mahal ko.
Ibinaling ko ang mukha ko palayo sa kanya. Ayaw
kong makita niyang umiiyak ako.
“Sino nga ang ipapalit mo sa akin?” ang paggigiit
pa niya.
“S-si kuya... Tonyo!” ang pag-iimbento ko na lang ng
pangalan kahit alam ko, malayong-malayo iyong tao kumpara sa kanya.
Tumawa siya. “Si Tonyo? Iyong barumbado at lasenggero?
Iyong palagi kang tinutuksong supot?”
“M-mabait naman siya, eh. Pinasakay nga niya ako ng
bisekleta niya, eh.” Ang sambit ko kahit hindi ko nakitang nagbibisekleta iyong
tao.
“Owww? Pinasakay ka? Wala namang bisekleta iyon. Di
nga marunong magbisekleta iyon eh!”
“Marunong iyon!” ang paggiit ko pa.
“Gusto mo pala ang lasenggero...”
Bahagya akong natahimik. “Eh, s-si kuya Lando na
lang...” ang sambit ko, lihim na pinahid na ang aking mga luha.
Na lalo namang nagpalakas sa kanyang tawa. “Si Lando?
Iyong nagnakaw ng manok ni Aling Edna? Iyong adik? Gusto mo iyon?”
At noong hindi na ako sumagot, hinawakan niya ang
aking panga at pinaharap sa kanya ang aking mukha. At doon niya nakitang
dumadaloy na pala ang luha sa aking mga mata.
Dali-dali niya akong ibinaba. Habang nakatayo akong
paharap sa kanya, nakaluhod naman siya at niyayakap ako, hinahalik-halikan ang
aking buhok, ang aking pisngi. “Di ba sabi ko sa iyo, bakla lang ang umiiyak?
Bakit ka umiiyak? Ayaw mo bang magka girlfriend ang kuya mo?”
“Ayaw ko po...”
“Bakit?”
“Kasi... gusto ko, ako lang ang mahal ng kuya ko.”
At doon niya hinigpitan ang pagyakap sa akin. “Ikaw
lang naman talaga ang mahal ng kuya mo eh...”
“Bakit may girlfriend ka pa?”
Natahimik siya. Maya-maya, “O siya... para sa iyo,
hindi na ako maggi-girlfriend. Iyong ka-klase kong girlfriend ko ay hiwalayan
ko na. Sasabihin ko sa kanya na may iba na akong mahal na sobrang napaka-seloso...
at makulit.” Sambit niya.
“T-talaga kuya?” ang masaya kong sabi.
“Opo... at bukas na bukas din po... hihiwalayan ko
na siya.” At may po-po pa ang pagkasabi niya.
At sa sobrang saya ko ay nagtatalon pa ako habang
hinahalik-halikan ko ang pisngi niya. At ewan ko rin ba kung bakit ganoon ako
ka-demanding sa kanya. Siguro dahil sinanay niya akong palaging sinusuyo, nilalambing,
isinasama kahit saan-saang lakad niya, sinasabihang nag-iisa lang akong mahal
niya. Siguro, siya rin ang may kasalanan ng lahat. Ginawa niya akong isang
spoiled na bata sa pagmamahal niya.
Hiniwalayang nga ni kuya Andrei ang kanyang
girlfriend. At simula noon wala na akong narinig na may girlfriend siya. At syempre,
palaging ako ang kasama niya. Kahit ang mga kapitbahay naming babae na may
crush sa kanya ay hindi niya niligawan ang kahit sino man sa kanila.
Hindi ko alam kung ang insidenteng iyon ay ang
siyang dahilan kung bakit hindi na niya sinabi sa akin na may babae pala siya
at may anak pa sa Manila.
Naalala ko rin ang isa pang insidente, sa panahon
pa ring iyon na hindi pa kami nagkalayo, nabanggit niya na isang araw daw ay
magkaroon siya ng pamilya at mga anak. At kapag ako naman daw ang magkaroon ng
sarili kong pamilya at mga anak, manatili kaming close sa isa’t-isa at hindi namin
paghiwalayin ang aming mga pamilya. Nakita kasi niya kung gaano ka sobrang
pagka-close ng mga magulang namin na parang iisang pamilya lang talaga kami.
Hindi ko na matandaan kung paano ko siya sinagot sa
sinabi niyang iyon. Ngunit parang may nabanggit akong, “Matagal pa iyon eh.” Sa
panahong iyon kasi, wala pa sa isip ko ang pamilya.
Ngunit dinugtungan niya ito ng, “Kapag nagkaanak ka
ng lalaki at babae ang sa akin, o kaya ay lalaki ang sa akin at babae ang sa
iyo, ipagkasundo natin na kapag lumaki na sila, ipapakasal natin. Kasi... sabi
ng itay at inay sa akin, na kung nagkataon daw sanang naging babae ka, ipakakasal
daw nila tayo. Kaso, pareho tayong lalaki kung kaya ay hindi puwede. Kaya, sa
mga anak na lang natin tutuparin ang pangarap nilang magdugtong ang ating mga
pamilya.”
Na inosente ko namang sinagot ng, “Bakit hindi tayo
puwedeng ikasal?”
Hindi ko rin alam kung bakit naitanong ko iyon. Sa
ganoong edad ko, alam ko na ang mag-asawa ay dapat lalaki ang tatay at babae
ang nanay, at hindi sila naghihiwalay. Nagtutulungan sila, nagdadamanayan, may
kaunting awayan ngunit sa bandang huli ay nagkakabati rin. At kapag gabi, sabay
silang na natutulog, nagtatabi, nagyayakapan, nagmamahalan... Ganoon lang naman
ang nasa isip ko na ginagawa ng mag-asawa. Kagaya lang din ng ginagawa namin ni
kuya Andrei, parang ganoon na rin. Sa panahong iyon kasi, hindi ko pa alam na nagsisiping
ang mga magulang.
Para siyang nabigla sa aking sagot. “Bakit gusto mo
bang maging asawa kita?”
“Basta ako lang ang mahal mo, payag naman ako...”
Nahinto siya, biglang napatitig sa akin. Parang
nag-isip ng malalim, hindi nakasagot. Ewan ko rin kung bakit. Kapag naiisip ko ang
sagot ko na iyon, parang natatawa ako. Ngunit hindi siya natawa. Seryoso siya
at hindi nakasagot.
Kaya sinundan ko pa ng tanong, “Bakit ikaw? Ayaw mo
akong maging asawa?”
At agad niya akong niyakap, tinampal-tampal ang
pisngi na tila nanggigigil. Doon na siya natawa. “Oo naman. Payag akong magiging
asawa mo! Kung puwede nga lang e...” ang sagot naman niya.
At tuwang-tuwa ako sa sinabi niyang iyon. Kasi kahit
alam kung hindi kami babae at lalaki, pumayag pa rin siya. Pero alam ko, nasabi
lang niya rin iyon dahil siguro, sa isip niya, isa lamang akong paslit na hindi
maaaring seryosohin ang mga sinasabi. Ang hindi niya alam, naka-ukit sa aking isip
ang mga sinabi niyang iyon...
Naputol ang aking pagmumuni-muni noong biglang
nasalat ko sa aking bulsa ang aking cp na bigay niya. At bigla ring nabuo sa
isip ko na tawagan siya upang malaman ko galing sa kanya mismo ang buong
katotohanan.
Dahil walang signal sa aming baranggay, pumunta ako
ng downtown at doon ay nag-misscall sa kanya.
Maya-maya nga lang ay tumawag na siya. “Musta ang bunso
ko??? Mwah! Miss ko na ang utol kooooo.” sambit niya sa kabilang linya.
Ngunit hindi ko sinagot ang kanyang pag-mwah!
Bagkus, “Totoo bang nagkaroon ka ng anak sa Maynila?” ang diretsahan kong
tanong.
“Eh... sino ba ang nagsabi?”
“Sagutin mo na lang ang tanong ko kung totoo ba o
hindi!” giit ko.
“H-hindi ko alam... May babaeng nakasama ako noong
bago pa lamang ako sa Maynila tol. Siya naman kasi ang palaging humahabol sa
akin. Mas matanda iyon kaysa sa akin, nagbibigay ng pera at kung anu-ano pa. Alam
mo naman, sobrang hirap ng kalagayan namin sa Maynila kung kaya napilitan akong
tanggapin ang mga inaalok niya. Nalaman kong Japayuki pala iyong babae at may
ka-relasyon na Hapon. Noong nalaman ko ito, hindi na ako pumayag sa gusto niya.
May nakapagsabi kasi sa akin na myembro raw ang Hapon na iyon sa notrious na Yaskuza
gang. At tungkol naman sa bata, hindi ko alam iyan. At kung nabuntis man siya, hindi
ako sigurado kung ako nga ang ama noon. May karelasyon siyang Hapon eh. Sa
Hapon iyon, hindi sa akin.”
“Bakit nasabi mong maaaring hindi sa iyo iyon?
Hindi ba kayo nag-sex?”
“N-nag sex din pero... may Hapon siyang kabit, di
ba? Hindi ko nga alam kung ilan kaming lalaki sa buhay niya eh. Japayuki iyon
tol... nagbebenta ng aliw.”
Mistulang tinadtad naman ang aking puso sa pag-amin
niyang nagsi-sex nga sila. Ansakit-sakit. Parang biglang nagdilim ang aking
mundo. Hindi agad ako nakasagot. Parang sinakal ako at hindi makahinga. Dahil
sa bigat ng aking kalooban hindi ko na nagawang magsalita pa. Nanatili na lang
ang selpon ko sa aking tainga.
“Tol... nand’yan ka pa ba? S-sino ba ang nagsabi sa
iyo niyan?”
“Ang itay mo ang nagsabi sa itay ko!” sagot ko rin.
“Tama... naalala ko na. Nag-usap sila sa cp ko. Nitong
bago lang nila dinala ang bata sa bahay gawa nang iniwan na ito ng babae dahil nalaman
ng hapon ang lahat at tangka pang ipapatay ang bata. Hindi kasi siya naniwalang
sa kanya ang bata dahil hindi niya raw kahawig ang mukha. Syempre, napilitan
ang aking mga magulang na tanggapin ang bata. Pero hindi ko pa nakita ang bata
tol... at hindi ko rin masabing anak ko nga iyon.”
“Bakit? Kanino ba raw kahawig ang bata?”
“Eh... s-sabi ng itay ay s-sa akin daw eh.”
At doon mas lalo pang sumikip ang aking dibdib.
Para bang hayun, nasaksak na ang aking puso, sinaksak pa uli ito. “Bakit hindi
mo sinabi sa akin ito???”
“E...” napahinto siya nang sandali. “Hindi ko nga
alam kung anak ko iyon at hindi ko alam na nanganak pala ang babaeng iyon. Malay
ko bang dadalhin nila iyon sa amin? Hindi ko inangkin na anak ko iyon, tol. No
big deal para sa akin.”
“Bakit sinabi ng itay mo na anak mo nga iyon?”
“Dahil iyon nga ang sinabi ng babae sa mga magulang
ko upang tanggapin nila ang bata.”
Hindi na naman ako nakasagot agad. Nagtalo ang
aking isip kung tatanggapin na lang ba ang lahat o igiit ko ang galit sa kanya.
Guwapo naman talaga siya kung kaya maraming mga babaeng naloloko sa kanya. “Ito
ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakasulat sa akin noon?”
“Di ba sinabi ko na sa iyo sa San Pedro City ang dahilan? Lumipat kami ng tirahan at
akala ko ay hindi mo na ako sinulatan?”
Natahimik ako. Parang hindi na kasi ako naniniwala
pa sa kanyang sinabi.
“Tol... nandyan ka pa ba? Galit ka ba?”
Hindi ko siya sinagot sa kanyang tanong. Bigla
kasing sumingit sa isip ko ang singsing. “Ang singsing na nakita ko sa daliri
mo, kanino iyon? Sabi mo sa akin noon, dapat malinis ang kamay mo kasi ang
nag-iisa mong singsing ay ibinigay mo sa akin. Kanino iyon???”
“Ah, iyon ba??? Eh... hehehe. Ahmm” sambit niya.
Hindi nakasagot agad na para bang nahirapang mag explain. “M-may sasabihin ako
sa iyo tol pero saka na, sa pagbalik ko na d’yan. Basta... sasabihin ko na lang
kapag nagpunta uli ako d’yan. At matutuwa ka kapag nalaman mo kung sino siya...”
Natahimik na lang ako. Pumasok sa aking isip na kapag
dumating ang araw na iyon, sasabihin niya sa akin ang girlfriend niya, na
engaged na sila at matutuwa ako kasi nga... mag-aasawa na siya, magkaroon ng
pamilya; matupad na ang sinabi niya noon na magkaroon siya ng pamilya, ng anak,
at kapag may anak na rin ako, ipapakasal namin sila...
Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang dumaloy sa
aking mga mata. Humagulgol ako, inilayo ang cp sa aking mukha upang huwag niyang
marinig ang aking pag-iyak.
“Tol...? Tol...? Nariyan ka pa?” ang tanong niya uli.
“Sagutin mo naman si kuya o. Please???” ang narinig ko sa aking cp.
Bagamat nasaktan ako, may isang bahagi rin ng aking
utak ang nag-udyok na huwag iparamdam sa kanyang nasaktan ako; na piliing itago
na lang ang lahat nang sakit sa aking puso; na ipakitang game lang akong
tanggapin ang lahat dahil wala rin naman akong karapatan sa kanya.
“N-nandito
pa kuya...” ang mahina kong sagot, pinilit ang boses na huwag mahalatang umiyak.
“Sorry
bunso. Huwag kang magalit kay kuya ha?”
Hindi
ko sinagot ang sinabi niyang iyon. Bagkus, “P-papasok pa ako sa klase kuya...”
ang sinabi ko na lang upang maisip niyang putulin na ang aming pag-uusap.
“Ok.
Bye. I love you! Mwah!”
Pinatay
ko ang cp na wala man lang “I love you too at mwah” na nakagawian kong isasagot
sa kanya kapag patapos na kami sa aming pag-uusap sa telepono at ganoong mag i
love you siya sa akin. Nasaktan kasi ako, matindi ang sama ng loob ko sa kanya.
Noong
nakasakay ako sa tricycle patungo na sa bahay namin, tumugtog naman ang kantang
–
Hindi
ko tuloy malaman kung tatawa o magsisigaw sa inis. Para bang nananadya pa
talaga ang pagkakataon. Kahit maingay ang tunog ng motor habang umaandar ito, nakakarating
pa rin ang kahulugan ng mga liriko ng kanta sa sentro ng aking utak. Para bang ibinabarena
ang mga ito sa kaloob-looban ng aking bungo. Sapol ang aking dibdib sa mensahe
niyon. Oo. Adik nga ako. Adik na adik sa kanya.
Ang sakit. Sobra... Hindi ko alam kung tatalon habang umaandar ang tricycle o bubulyawan ang driver ng “Ibangga mo na lang ang tricycle mo upang matapos na ang lahatttt!!!”
Ang sakit. Sobra... Hindi ko alam kung tatalon habang umaandar ang tricycle o bubulyawan ang driver ng “Ibangga mo na lang ang tricycle mo upang matapos na ang lahatttt!!!”
Simula
noon, palagi na lang akong nakatunganga, nagmumukmok. Unang pagkakataon kasi
iyon na nasaktan ako dahil sa selos, dahil sa insecurity, dahil sa pakiramdam
na pinagtaksilan. Parang nawalan na ako ng pag-asa. Imagine, umiibig ako sa
kuya-kuyahan ko at nangarap na baka... baka mahal din niya ako kagaya nang
naramdaman ko sa kanya. Ngunit pantasya lang pala ang lahat. Para bang
doble-dagok iyon sa aking buhay. Nahirapan na nga akong tanggapin ang sariling
pagkatao at heto, ang taong mahal ko, na siya pang nagturo sa akin ng ng kung
anu-ano; ang dahilan upang maging tuluyang ganoong klase ang aking pagkatao bagamat
siya rin ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang mangarap, matanggap ng buong
puso ang ganitong klaseng buhay... siya rin pala ang dahilan upang gumuho ang
lahat ng aking pangarap dahil hindi pala maaaring maging akin siya. Kasi...
lalaki siya, at babae ang kanyang hinahanap. At may anak na rin siya kung saan
ibubuhos niya ang kanyang pagmamahal.
Sobra
akong natuliro sa aking kalagayan at hindi alam ang gagawin. Dagdagan pa na
wala akong outlet o kaibigan na mapagkuwentuhan, mahingan ng payo. Kung kaya
lalo pa itong nagpapatuliro sa aking isip. Minsan nga, pumapasok sa aking isip
ang kumitil ng sariling buhay.
Sa
sumunod na mga araw ay pinilit ko nang kalimutan si kuya Andrei. Pilit kong
isiniksik sa isip na hindi na aasa; na klimutan na siya at kung maaari, i-focus
na ang atensyon ko sa ibang bagay o tao.
Kaya
ang ginawa ko, hindi na ako nagtitext pa kay kuya Andrei. At kapag nagtitext
siya, either hindi ko siya sinasagot o kung sagutin man ay maigsi lang ito at
dry. Wala nang biritan, wala nang harutan, wala nang take-care take-care. Wala
nang mga mwah-mwah pa.
Naisip
kong ibaling ang aking oras sa aking girlfriend. Sinubukan kong lagi siyang sasamahan,
laging ihahatid. Laging makiipag-usap sa kanya. Ngunit iba pa rin... Parang may
kulang.
Sinubukan
kong palaging sumama sa grupo nina Darwin, ang grupo ng mga magkaibigang lalaki
na kapag nagka-umpukan ay walang ibang pinag-uusapan kundi mga babae, mga
girlfriends nila, mga ginagawang kahalayan sa girlfriends nila, mga sexcapades,
at kapag nagkasundo, ay sabay-sabay na magpaparaos sa harap ng magasin na may
mga litrato ng babaeng nakahubad o sa mga palabas na pelikulang bold.
Hindi
rin ako tumagal. Hindi naman kasi ako kumportable sa mga hilig nila, lalo na
kapag nag-uusap sila tungkol sa mga karanasan nila sa babae. Hindi ko alam kung
ano ba talaga ang hinahanap ko. Hindi ko maramdaman sa kanila ang saya na naibibigay
sa akin ni kuya Andrei.
Kaya,
balik na naman ako sa pag-iisa.
“Tol... nandito ka pa? Gabi na ah!”
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses.
Si Brix, nakatayo sa may bandang likuran ko.
Hindi ko siya sinagot. Nainis din kasi ako sa kanya
sa kanyang ginawa at hayun, na-istorbo na naman ang aking pagmumuni-muni.
Umupo siya sa tabi ko. Parang naulit lang ang nauna
naming tagpo. Sa ganoong lugar, sa ganoong oras. “S-soryy sa nangyari tol...
P-pasensya ka na sa akin ha?” Sambit niya.
Binitiwna ko ang malalim na buntong-hininga. “O-ok
lang iyon.”
“Friend uli tayo?” sabay abot sa akin ng kanyang
kamay.
“O-ok.” Sagot ko at tinanggap ko ang kanyang
pakikipagkamay.
“M-malungkot ka yata tol...”
“Wala... ok lang ako.” Ang mataray na boses kong
sagot.
“Ilang araw na kitang napansin na malungkot ah.
Kahit sa klase hindi ka na sumasagot sa mga tanong ng guro.”
“Yaan mo na sila.”
Tahimik. Siguro napansin niyang ayaw kong makipag-usap
sa kanya.
“Alam mo, matagal ko nang hinahangad na sana ay
maging kaibigan kita.”
“At bakit naman?” ang may pagkairita kong sagot.
Para kasing nananadya. Siya nga itong feeling walang problema, palaging
nakangisi sa klase na akala mo ay iyon na talaga ang hugis ng bibig niya,
tapos, ang yaman-yaman pa nila, nakasakay palagi sa kotse, nakakakain ng
masasarap na pagkain, kahit anong gadgets mayroon siya. Ako nga ang dapat na mainggit
sa kanya tapos sasabihin niyang nainggit siya sa akin.
“Wala lang. Naisip ko kasi, parang ang ganda ng
buhay mo, perpekto ang lahat. Matalino, guwapo, may pamilya, mabait, hinahangan
at tinitingala ng lahat. Naiinggit ako sa iyo.”
“Inggitero!” Ang sambit ko, tiningnan siya. Hindi
ko kasi alam kung ano ang balak niya bagamat napangiti niya ako sa sinabi
niyang iyon.
Tiningnan din niya ako at nginitian. Tinitigan.
“Ang cute mo pala talaga. Ngayon lang kita napagmasdan ng maigi.”
“Manyak!”
At doon na siya napahalakhak. “Ang cute mo talaga
no?”
“Mas cute iyong baklang nadale mo sa talahiban.”
Hindi naman siya nagalit. Natawa pa. “A ganoon.
Laglagan talaga ha... Gusto mo tirahin na rin kita sa talahiban?”
“Gusto mo mag walk-out ako ngayon at hindi na kita
papansinin kailan man?”
“Ay huwag naman ganyan... dinadaan mo sa pananakot
eh.”
“Ganyan talaga ang kalakaran sa mundo di ba? Kung
hindi makukuha sa maayos na pakikiusap, kukunin sa takutan.”
“E bakit ka nalungkot? May tumakot ba sa iyo? May
kinatatakutan ka bang mawala? O nawala na?”
“Tado...”
Tahimik.
“In love ka ano?” ang pagbasag niya sa katahimikan.
“Baliw!”
“Weeehh. Kitang-kita sa mga mata mong in love ka eh.”
“At kanino naman, aber?”
“Malay ko ba kung kanino...”
“Ikaw siguro...”
“Oo...” sagot niya. “In love nga ako.”
Tahimik uli. Ayaw ko kasing pag-usapan ang
pag-ibig.
Maya-maya, napansin ko na lang na dahan-dahan
niyang iginapang ang isa niyang kamay sa ibabaw ng isa ko ring kamay na itinukod
ko sa gilid ko. Marahan niyang hinawakan iyon, pinisil-pisil.
Hinyaan ko lang siya sa kanyang ginawa. Tiningnan
ko siya. Tiningnan din niya ako. “Sa iyo ako in love...” ang mahinang sambit
niya.
Hindi ko alam kung kikiligin sa inastang iyon ni
Brix o mainis. Nagdurugo pa nga ang aking puso, atsaka naman parang nananadya rin
siya.
Bigla kong tinanggal ang aking kamay. “Di ba sabi
mo in love na ako? Oo, in love nga ako. Pero hindi sa iyo...”
“Ang sakit naman...” sagot niya.
“Masakit talaga. Lalo na kung babatukan pa kita.
Atsaka pwede ba... huwag mo akong idagdag sa listahan ng mga estudyanteng nadale
mo na, natira, ipinagkalat mo pa!” sabay tayo at iniwanan siya.
“Hoy Alvin! Tol! Hintay!” sigaw niya.
Hindi ko na siya nilingon pa. Tuloy-tuloy lang ako
sa paglalakad.
Ngunit sumunod pa rin siya hanggang naabutan niya
ako. “Tol.. hindi ako ang nagkalat ng mga iyon... Sila-silang mga bakla lang.
Nakakahiya nga eh!”
“Nahiya ka, ginawa mo naman.”
“Sila naman itong lumalapit sa akin eh.”
“Lumalapit sila dahil tinutukso mo. Sinongbakla ba
ang hindi natutukso kapag ganyang tinitingnan mo sila na parang lulunukin mo na
sila nang buo, kakagat-kagatin pa ang labi na parang nalilibugan?”
“Oo na. sorry...”
“Magpakabait ka kasi.”
“Ibig bang sabihin nito kung magpakabait ako, payag
kang ligawan na kita?”
“Ewan ko sa iyo!” Sambit ko sabay para sa dumaang
tricycle at sumakay na ako.
Iyon ang drama ni Brix. Ewan, mistulang tinablan
din ako ng kaunti sa pangungulit niya, nalimutan ko sandali ang sakit na
naramdaman ko sa ginawa ni kuya Andrei.
Ngunit kahit na parang may kakaiba sa ginawa ni
Brix, alam ko rin naman na maloko iyong tao. May reservatiosn ako kumbaga.
Ganoong klaseng parang wala na ngang kaseryosohan, naririnig mo na lang na
sinu-sino ang pinapatulan. Kaya may takot din ako sa kanya. Kaya hindi ko siya
sineryoso...
“Tol... alam kong galit ka sa akin. Kapag
nakatyempo ako, dadaan ako sa bayan mo, mag-usap tayo ha? Baka bukas na!” ang
text ni kuya Andrei noong nasa tricycle na ako.
Ngunit hindi ko sinagot ang text niyang iyon.
Bagamat may nadarama akong excitement, pinigilan ko ang sariling huwag magpadala.
“Ayoko nang masaktan pa kapag umaasa pa ako...” sa isip ko lang.
“Tol, sagot ka naman please...”
Ngunit hindi pa rin ako sumagot.
Nagring ang phone ko. Ni-reject ko ang tawag.
Alam kong alam niyang galit ako sa kanya. At walang
patid din ang kanyang pangungulit.
Hanggang sa nagtext siya na, “Tol... confirmed.
Bukas na ang lakad ko at madadaanan ko ang bayan natin. Pumunta ka sa central
plaza ha? Sa may slide, paharap ng kalsada. Kapag nakita kita doon, bababa ako
ng bus. Ibig sabihin, pinatawad mo na ako. Siputin mo si kuya please... Alas
4:00 ng hapon ang expected na pagdaan ng bus. Huwag ka nang magalit please...”
“Ayan na naman...” sagot ko. Syempre, kahit ganoon
ang galit ko sa kanya, may kung anong saya pa rin ako nadarama. Ngunit pinilit
ko ang sariling huwag sagutin ang text niya. Pilit kong iwaksi sa isip na
nasiyahan ako.
Binitiwan ko na lang ang isang malalim na
buntong-hininga. Nagdadalwang-isip kung sisiputin ba siya o hindi; kung
patatawarin ko ba siya o piliing magkimkim ng galit.
Alas tres ng hapon, hindi pa rin ako nakapg
desisyon. Wala namang pasok sa araw na iyon ngunit ewan, parang ayaw ko
talagang siputin siya.
Ngunit noong nag aalas 3:20 na, hindi ko rin
napigilan ang sarili. Naisip ko kasi na nagpakumbaba na nga iyong tao,
nag-effort pa at nag-explain naman sa akin, at higit sa lahat, wala naman akong
karapatan para magalit sa nangyari kasi nga, hindi ko naman siya asawa o boyfriend.
Kung kaya napagdesisyonan ko rin na sumipot sa lugar. “Tutal, pupunta lang
naman ako roon at kung kausapin niya ako, di makinig. Iyon lang. At pagkatapos
noon, uuwi na ako. Wala nang kung anu-ano pang pag-uusapan. Ayoko na.” sa isip
ko lang.
Dumating ako mga 4:10 na. Medyo may kalayuan kasi
ang central plaza sa amin dagdagan pa na hindi agad ako nakasakay ng tricycle.
Tinumbok ko ang nasabing lugar at naupo sa
sementong upuan paharap sa kalsada. Naghintay ako.
Ngunit alas 4:20 na lang ay wala pang dumating.
Wala ring text kung darating ba siya. At ayaw ko namang magtext. Baka isipin
niya atat na atat ako sa kanya. Naisip ko tuloy na baka dumaan na ang bus at na
late ako. Ngunt naghintay pa rin ako. “Hanggang alas 4:30 na lang ako maghintay.”
Sa isip ko lang.
Alas 4:30. Tumayo na ako at lisanin na sana ang
lugar noong biglang may dumating na pampasaherong bus at huminto sa kalsada
mismo sa harap ko. Aircon ito at tinted kung kaya hinid ko nasisilip ang mga
nasa loob.
At laking gulat ko noong ibinaling ko ang paningin
ko sa katawan ng bus. May billboard ito at ang malaking nakasulat ay, “Alvin...
mahal na mahal ka ng kuya Andrei mo. Sorry na pleaseeeeee!”
Sa pagkabigla ko sa aking nabasa, napaupo uli ako
sa sementong upuan. Nagtaka at hindi alam ang gagawin at halos hindi ko
maisalarawan ang aking nadarama. Iyon bang namangha, hindi makapaniwalang may
gagawa ng ganoon sa akin bagamat napa-wow din na naroon talaga ang pangalan ko
at ang laki-laki pa. Napangiti ako nang hindi sigurado kung para saan ang ngiti
na iyon. Wala naman kasi akong nakikitang tao na ngingitian. Itinakip ko na
lang ang aking kamay sa aking bibig, pilit na inaninag kung tama nga ba ang
nabasa ko. Ngunit sa laki ba naman ng mga letra noon, sigurado talaga akong
pangalan ko iyon at pangalan ni kuya Andrei.
Nanatiling nakaparada lang ang bus. Walang taong
lumabas, walang ingay, wala. Parang nasa suspended animation ang lahat.
Nasa ganoon
akong pagkalito noong biglang bumukas ang pinto ng bus at lumabas galing sa
loob ang may sampung katao, puro naka-fatigue na uniporme ng militar ang
pantalon at plain t-shirt ang pang-itaas. At nagsitakbuhan sila patungo sa harap
ko mismo at noong naroon na ay bumuo ng linya, nagformation baga.
Bigla tuloy akong kinabahan, napatayo at pakiwari
ko ay tatakbo na sana. Akala ko kasi ay dadaganan na nila ako. Ang laki-laki ba
naman ng mga katawan at animoy may tinutugis silang rebelde.
Ngunit noong nabuo na nila ang squad nakaharap sa
akin, nagulat naman ako noong biglang sumigaw ang nasa unahan ng, “First squad,
Alpha company, third infantry batallion of San Pedro City, requests permisison
to hand over to you a token from Captain Andrei Gomez Sir!” at sabay-sabay
silang sumaludo, puro pa mga sanppy, tikas na tikas, chest out, ang mga buhok
ay parehong mga naka army-cut.
Parang gusto kong humalakhak sa ginawa nila. Kasi, nanatili
silang naka-freeze sa kanilang mga posturang nakasaludo, nakatignin sa akin, at
hinintay ang aking sagot.
At dahil hindi nga sila gumalaw hanggang hinid ako
nagacknowledge sa kanilang pagsaludo, wala na akong nagawa kundi ang sumaludo
na rin.
Noong nakita nila ang pagsaludo ko, ibinaba nila
ang kanilang mga kamay at lumapit sa akin ang kanilang squad leader, matikas pa
ring iniabot sa akin ang isang maliit na box at isang supot ng parang pagkain
an glaman.
Noong tinanggap ko na ito, bumalik sa kanyang
puwesto ang leader atsaka sabay na sumaludo uli sila, “Requesting permisison to
leave sir!”
Sumaludo uli ako. “Carry on!” sagot ko.
“Klap! Klap! Klap! Galing! Puwede!” ang narinig
kong palakpak sa aking likuran habang nagtatakbuhan na ang mga sunadalo pabalik
sa loob ng bus.
Nilingon ko kung sino iyon. Si kuya Andre na
nakaparehong uniorme rin nila. “Andaya!!!” sigaw ko, hindi na napigilan ang
hindi siya yakapin. At noong nagyakapan na kami, malakas na palakpakan, sigawan,
at hiyawan naman ang aking narinig. Binuksan na pala ang mga bintana ng bus at
nag-iingay ang mga kasama niyang sundalo.
“Mauna na kayo!!!” sambit ni kuya Andrei sa kanila.
May nakita akong dalawang sundalong lumabas,
tinanggal ang banner na nakadikit sa gilid ng bus ng may sulat na sorry ni kuya
Andrei, tinupi ito na parang bandila at tumakbo silang dalawa patungo kay kuya
Andrei, sumaludo atsaka ibinigay iyon sa kanya.
Noong nakaalis na ang bus, kaming dalawa na lang
ang naupo sa central plaza. “Buksan mo kung ano ang laman ng box”
“Ito muna, nagugutom ako eh.” Sabay bukas sa supot
at dinukot ang paborito kong puto, kumain. “Ano naman ang laman nito?” tnaong
ko habang kumakain at inangat ang maliit na box ipinakita sa kanya.
“Ah, iyan... iyan ang nalimutan kong ibigay sa iyo
noong nagbakasyon ako sa bahay ninyo. Buksan mo.”
Dali-dali kong binuksan ang box. At nanlaki ang
aking mga mata noong... “Singsing!!!” Iyon iyong white gold na singsing na
suot-suot niya noong nagbakasyon siya sa amin.
“Di ba tinanong mo kung sino ang may ari ng
singsing na suot ko?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. “Ikaw...” Dinukot niya
ang singsing sa box at isinuot ito sa aking daliri.
“Iyan ang nalimutan kong ibigay sa iyo.” At may
dinukot uli ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang singsing din na
kaparehong-kapareho nang nasa aking daliri na. “At ito... ikaw ang magsusuot nito
sa aking daliri.”
Na agad ko namang kinuha sa kamay niya at isinukbit
ko sa kanyang daliri. Agad ko rin siyang niyakap. Mahigpit. “Salamat kuya...”
ang sambit ko.
“Ayoko ng salamat. May bayad iyan.” Sagot niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “Weeeh! Ano?”
“Sa bahay ninyo ako matulog mamaya. Doon na sa
kuwarto mo ang bayad.” Sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
Kinurot ko ang kanyang gilid.
Sabay kaming nagtawanan.
mlaki pgkakahawig sa ang kuya ko at ang chatmate ko, kea d aq kumbinsido ky andrei -_-
ReplyDeleteanak nia ung bata!
brix be good,ms gs2 na kta kesa ky andeng :o
Kainis ang sweet naman, at swerte si Alvin ha, pero hanggang kelan kaya? Kaabang-abang na mga tagpo ^_^
ReplyDeletehehe..so,,ke alvin nga ung kapares ng singsing ni andrei..
ReplyDeletehhmmm,,ang pilyo-pilyo naman ni andrei!^^
-monty
wew ganda ng storya heheheh aabangan ko talaga kto,.
ReplyDeleteAng sweet ni Kuya Andrei, pero hindi pa rin mawala ang mga pangamba ko. Ewan ko ba parang may nasesense akong may mangyayari e. Ah basta!
ReplyDeleteUpdate rin po sana Sir Mike nung Ang Lalaki sa Burol hehe...
Ganda ng story sir mike kaw na talaga...for sure iiyak nanaman ako nito...
ReplyDeletewala bang drama? huhuhuhuhu.
ReplyDeleteayaw ko kc kiligin eh! naiinis lng ako/??
wala kcng nag mamahal skin...
next na agad?
ang sweet kuya ng sundalo...kawawa naman si alvin gyera ang aabutin sa bahay..hehe
ReplyDeleteSir Mike Gazebo po ulet... naku naku baka later on magiging anak nila ang baby ni Capt. Andrei. Hanapin mo na si Capt Andrei para makainuman na natin sa Gazebo. Bilisan mong magkwento ang bagal bagal mong magsulat nagagalit na kami dito ha!!!
ReplyDeleteTake care and God Blessings
Ayiiiiiiiie kilig.... Un lng...
ReplyDeletecute naman ng props ng military...parang totooo eh..
ReplyDeletethanks po.