Followers

Friday, September 2, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 9)

           Nagpapasalamat po ako sa lahat ng  tumatangkilik ng storyang ito. Ako po ay labis na natutuwa sa mga positive feedbacks and comments from all the readers of this story. At dahil sa sobrang tuwa ko ay sinubukan ko pong tapusin ito agad. Maraming salamat po.

           Nais ko pong magpasalamat ng lubos kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07,John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Mars, Jayfinpa, Zekie!! J, wastedpup, wisdom,  Ako si 3rd, pink 5ive, Brent Lex, ram,  alex tecala, J.C, Ace, russ, Jay, X at syempre kay “J.V” at lalo na po kay “JEH” at sa mga Anonymous at silent readers..

          COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!

          ENJOY!!!!!!!!!!!! :)))))))))))))))))))






            Kahit mejo late pa ito ganapin ay excited talaga kaming lahat. Palapit na ng palapit ang prom night. Ang bawat isa ay may kanya kanyang partner para sa prom. Wala akong partner that time pati si Art. Si Ben ay partner si Leah, At si Jenny naman ay may bago na ring boyfriend, si Erwin. Ang ex ko namang si Grace ay nabalitaan kong wala talagang tumatagal na relasyon. Dun ko narealize na wala pala sakin ang problema.

            Naging mabilis ang dumaang araw at malapit na ang prom, gayun din ang mga sunod sunod na tests na lalo ng mas mahirap dahil palapit na rin ang final exams. And soon, bakasyon na naman na. Kaya naging puspusan ang paghahanda ng bawat isa. Pero para sakin, mas prioridad ko ang pag aaral tlga. Kahit pa excited ako sa dadating na prom ay hindi ko pa rin pinabayaan ang aking pagaaral.




            Gabi na ng prom, lahat ay talagang excited para mamaya. Maski ako ay hindi na rin mapakali. First time ko din kasi ito. Dati sa tv o kaya sa mga kwento ko lang naririnig ang prom, pero ngaun, mararanasan ko na ito. Mamayang 7pm ang start ng program at matatapos nmn ng 12am. Pagkatapos ng prom ay napagkasunduan ng tropa na pupunta kami ng malate at dun itutuloy ang kasiyahan.

            Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa excitement na nadadama. Kahit pa walang partner ay ok lang. Andyan naman ang mga kaibigan ko. May mga babae din naman dyan na pwede isayaw. Marami man sakanila ang nagbibigay ng motibo ay di ko muna pinapatulan. Hindi sa dahil hindi sila pasado sa standards ko, pero as of now, di ko muna focus ang lovelife. Gusto ko lang ienjoy ang sandali ng buhay ko na pagiging single.

            Nagpasya muna ko pumunta ng mall dahil naiinip pa rin ako sa bahay. Pamatay oras ba. Mamaya pa naman ako dapat mag ayos at mahaba pa ang oras.

            Pagpasok ko ng mall ay nagpunta agad ako sa may bandang sinehan, naghahanap ng magandang palabas, pero wala, di ko gaano trip ang mga palabas kaya nagpasya nalang ako magikot ikot.

            Sa pagiikot ko ay napadaan ako sa arcade. Nagpasya bumili ng ilang tokens kahit hindi sure kung gusto ko maglaro. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa games. Pero dahil sobrang bored, at minsan lang naman, why not?

            Pagtapos maglaro ay nakaramdam ako ng gutom. Nagaalburuto na ang mga bulate ko sa tyan kaya nagpasya akong humanap ng makakainan. Nakakatawa dahil sa dinami dami ng pwedeng kainan, eto, bumagsak ako sa pinakapinagsasawaan ko, MCDO! Amff. Hindi ko alam kung bakit dun ako kumain pero parang may humihila sa akin na dun kumain.

            Pagka order ay agad agad akong kumain. Kasalukuyan kong ineenjoy ang aking french fries ng mapatigil ako sa nakita. Kitang kita ko na dumaan si Philip at umupo sa table sa harap ko. Alam kong nakita nya ko dahil sinadya nya talagang umupo sa opposite na upuan. Kaya ayan, magkaharap kami, magkaiba nga lang ang table. Nang mga oras nay un ay tumigil ang oras. Naalala ko yung mga panahong okay kami, yung hinihintay ko sya matapos sa training nya at sabay kami kakain sa mcdo. Yung magkaharap kami sa table at nagkukulitan. Pinaguusapan ang mga nakakatawang nangyari sa maghapon. Pero eto ngayon, kaharap ko rin sya, pero animo’y di kami magkakilala dahil sa agwat na nasa pagitan namin.

            Sinubukan kong kumalma, dahil ang totoo, kahit pa nararamdaman ko ang pananabik sakanya ay di ko makalimutan ang mga masakit na salitang binitawan nya sakin.

“Why should I care? Sino nga ba ko sa inaakala ko?! Sus, he said it himself.”, nasabi ko sa sarili ko.

Pero di ko pa rin maiwasan hindi tumingin sakanya, pero yung sulyap sulyap lang, ayaw ko naman kasing ipahalata na tinitingnan ko sya. Kunwari, dedma dedmahan. Pero sa twing susulyap ako saknya ay nakikita ko itong nakatingin sakin. Di ko makakalimutan ang mga tingin nay un. Yung tingin na tumatagos sa kaluluwa ko at parang nangungusap. Pabilis ng pabilis ang pintig at pagkabog ng dibdib ko. Di ako dapat paapekto, pero ayun, nanlalambot ako. Alam kong may gusto syang sabihin pero nagmatigas ako. Nanaig pa din kasi ang pride at galit na nararamdaman ko. Binilisan ko nalang ang kain at dali dali tumayo. Lumabas at naglakad.. Dire-direcho. Ayaw ko lumingon, kahit pa nararamdaman kong nakatingin sya sakin at feeling ko sinundan nya ko. “Ayaw ko. Tama na ang disappointment. Lakad lan, direcho ang tingin. Wag kang lilingon. Umuwi ka na.”, sinisigaw ko sa utak ko.

            Nang makarating na sa labas ay agad akong pumara ng taxi at dali daling sumakay. Hindi pa rin lumilingon. Kahit halos nararamdaman ko ng gusto kong bumaba at makipag usap sakanya at tanungin kung bakit ganun ang mga nasabi nya sakin. Ang daming tanong sa isip ko. Ayaw ko na rin umiyak, pagod na ko iyakan sila. Baka nga bakla na ko kasi iyak na ko ng iyak. Mali. Lalake ako.

            Pagkauwi ay pinilit ko na hindi ko na isipin ang pagkikita namin ni Philip sa mall. Nagpahinga muna ako sandali at umidlip. Tama na ang pagiisip, kailangan fresh ako mamayang prom. Buti na lang at agad din ako nakaidlip.

            Pagka gising ko ay ala singko na ng hapon, agad agad akong naligo at nag gayak. Ramdam ko na talaga ang excitement. Pagtapos masiguradong gwapo na ako ay lumarga na ko papunta sa hotel na pagdadausan ng aming prom. 

            Pagdating ko sa hotel, di ko maitago ang excitement ng nakita ko ang tropa ko na naka abang sa labas. Aba! Ang mga mokong, ang ggwapo at ang gaganda! Sari saring coat at polo ang nakita ko sa mga lalake. At pabonggahan nmn ng dress, makeup at hairstyle sa mga babae. Sunod kong nakita ay si Art, medyo bumalik na ang dati nyang postura at malinis na sya uli tingnan. Mas gwapo lalo ngayon at mas lumabas ang pagkagandang lalaki nya sa suot nito. Nginitian ko sya sabay binati ang pagkagwapo nya. Pero teka, syempre, ako pa, di ako papatalo noh! Ako pa ba! Hahaha!

            Pagkatapos makapag register ay dumirecho na kami sa hall. Dun nakita ko ang lahat ng mga 3rd year at 4th year na ang garbo ng mga ichura. Di rin pahuhuli ang mga teachers. Magsisimula na ang program kaya naisipan ko muna dumaan ng cr. Lumabas ako sa hall at tinungo ang cr.

            Pagpasok ng cr ay wala halos tao, agad ako nagpunta sa isang urinal at dun umihi. Pgatapos umihi ay naghugas na ko ng kamay at nanalamin. Sinisigurong gwapo pa rin ang ichura ko.

            Palabas na ko ng cr ng may pumasok sa loob. Halatang parehas kami nagulat. “Sa dami dami ba naman ng makakasalubong ko, eto pa.”, sa loob loob ko. Napansin kong nakatingin sakin ung nakatayong lalake.. si Philip. Nang makita ko sya sa posturang yun, kahit anong laki ng galit at sama ng loob ko sakanya ay nakuha ko pa rin mapansin na ang gwapo nya talaga. Lalo na ngayon sa suot nya na formal coat. Gusto ko syang kausapin pero umiral ang pride ko. Lalabas na ko ng cr ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Magsasalita sana sya ngunit buong lakas kong hinila ang kamay ko at bago pa tuluyang makalabas ay akmang susundan ako nito. ngunit pinigalan at sinabihan ko sya ng isang matigas na, “Don’t”.

            Bumalik na ko sa loob ng hall. Agad ako pumunta sa table namin at tumabi kay Art. Hindi ko alam kung nahalata nya ang biglang pagpalit ko ng mood. Ayaw ko ipahalata. Peron g mapatingin ako sa pintuan ay nakita ko sya na papasok, di ko mapigilan hindi mangalaiti. Pero I tried to stay calm.

            Nang magsimula ang program ay nagbigay muna ng konting mensahe ang principal naming at sinabihan kami na kakain daw muna kami. Katabi ko sa kanan ko  sila Jenny sa upuan at sa kaliwa ko naman ay si Art. Bago pa kami kumain ay naglabas si Jenny ng camera at picture picture daw muna kaming magbebestfriend. Nakita kong hinila nya papalapit si Philip. Napilitan na magpapicture samin ni Philip kahit di pa din kami kinakausap ni Art. After all, they’ve been friends for a long time. Sino ba naman ako para pagbawalan sila. Picture lang din naman so wala namang problema sakin. Tumabi sakin si Art at mas lalo kong gusto asarin si Philip kaya inakbayan ko pa ito at niyakap ng mahigpit. Alam ko kasing titingin sya. Mas gusto ko sya asarin.

            Sayawan na! tugs! tugs! tugs! tugs! Lahat ay napapaindak sa bawat music na tumutogtog! Lahat kami ay naaliw sa mga sayawan na nagaganap. Yung iba pa ay pasiklaban sa pagsasayaw. Napakasaya nung panahon na yun. Maya maya nung medyo bumaba na ang tension ay love songs na ang pinatugtog. Bigla kong naalala ang eksena nung victory party. Yun din yung araw na hiniwalayan ako ni Grace. Pero ngayon iba na ang eksena. Hindi na ako uuwi at maglalakad sa daan dahil sa kalungkutan sa pag iwan sakin. Ngayon, masaya ako. Napkasaya. Wala naman akong partner kaya napagpasyahan kong umupo muna. Pumwesto ako katabi si Art sa mga lamesa since wala kaming mga partners.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Art at nagkatinginan. Minsan, nag uusap ng onti. Pero parang may ilangan kaming dalawa. Parang kaming nagliligawan. Parehas kaming nakangiti sa isat isa.

Mistulang naging mas tahimik ang kapaligiran. Mas nakakakilig ang music. Parang sa bawat music love song na tumutugtog ay tumatama ito sa amin. Nakatingin lang ako kay Art. Nagtititigan kaming dalawa. Kahit sa simpleng tinginan naming habang nakaupo ay parang nagsasayaw ang aming mga damdamin. Hindi ko alam kung ano ito, pero masarap at magaan sa pakiramdam. Titingin tingin ako sakanya habang nakangiti. At minsan napapataas ang dalawang kilay at magbibigay ng malokong ngiti. Mas lumapit sa akin si Art. Inusog nya ang kanyang upuan sa tabi ko. Ang sarap ng feeling. Tinitingnan namin ang mga sumasayaw at karamihan sa kanila ay mga couples.

“Ang sarap nila tingnan noh?”, banggit ko kay Art.

“Oo nga ee.. Nakakainggit.”

 “Bat di ka kasi hindi pumili. Ang dami naman pwede.”

“Magsalita ka naman. E ikaw wala nga din.”

“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, mahina nyang sinabi. Pero narinig ko pa rin. Hindi lang ako nagpahalata.

“Ang ganda at nakakaaliw silang tingnan noh.”, ngiti kong sinabi kay Art. Bigla akong napatingin sakanya at nagulat ako na sa akin pala sya nakatingin.

Sa mga tingin nya sa akin ay bumilis ang tibok at kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako kinakabahan pero ang bilis talaga ng pintig nito. Ibang saya at sensasyon ang nararamdaman ko.

“Oo.. Lalo na ikaw..”, sinabi nya ng nakatingin sakin. Isang tingin na di ko makakalimutan. Isang nangungusap at nakakalusaw na tingin.

Nang biglang umeksena si Jenny.

            “Peram naman si Jerry”, sambit ni Jenny.

            “Sure”, sabi ni Art.

            At dun, nagsayaw na kami ni Jenny.

            “Ahem. Nakasira ata ako sa moment nyo kanina.”

            “Hah? Hindi ah..”

            “Wushu. Hindi daw. Oo n lang ha.”

            “Ok nga lang.”

            “Bes, ang gwapo gwapo mo naman ngayon.”

            “Oo, ngayon lang yan bes, pagsawaan mo na. Bukas wala na yan. Hahaha!”

            “Bes, thanks for being a good friend ha.”

            “Bes, prom ngayon, hindi retreat. Hahaha!”

            “Tse! Kala mo jan! Hahaha!”

            “Pero hindi, kahit ako, thankful dahil naging kaibigan kita. Masaya ako at nagkakilala tayo.”

            “Hindi ka ba nalulungkot? I mean, ok, cge, tayo tayo, okay tayo, pero kayo kayo? I mean, wala ka na bang planong makipag ayos kay Philip? Malapit na kaya magbakasyon.”

            Ngunit isang ngiti lang ang tinugon ko saknya.

            Kasalukuyan kong kasayaw si Jenny ng mapansin kong nakatingin sakin si Philip habang kasayaw nya ang isang babae. Nung una ay di ako sure kung sakin ba nakatingin. Pero nung tumagal ay di nya inaalis ang tingin sakin.  Habang kasayaw ko si Jenny ay di ko rin maiwasan na sulyap sulyapin sya.

            “Shit! Taenang buhay naman to! Bakit ba ganto nararamadaman ko! Kahit galit ang nararamdaman ko para sakanya, bat di ko maiwasan di tumingin sakanya? Bakit hinahanap hanap ko pa rin sya? Eh gago yan eh! Taena bat ba ganto nararamdaman ko? Bakit nangungulila ko sayo Philip? Hindi dapat ganto.. ”, ito ang sinisigaw ng aking utak. Hirap na hirap na ko.. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

            Nang matapos ang prom night ay napagkasunduan naming tropa na pupunta na sa malate tulad ng napag usapan. Pero yung iba ay nagyaya nalang na  pumunta sa bahay imbis na mag malate, mas malaki kasi ang matitipid at ang iba naming kasamahan ay wala ring budget. Pumayag naman din ako. Ang boring naman kasi at malungkot kung hindi kami kumpletong tropa. Nalaman ko rin na niyaya ni Jenny si Philip sumama ngunit tumanggi ito at sumama sa ibang grupo. Kinumbinsi man ito ni Jenny ng maigi, ngunit nagmatigas si Philip.

            Nakarating kami agad sa bahay at nagsimula na kaming uminom magbabarkada. Habang nagiinom kami ay tinawag ako ni Jenny habang may pilyang ngiti naman ito sa kanyang mukha. Tinawag nya ko palabas sa gate.

            “Oh, Jenny, bakit?”

            “Nako, basang basa na ng lahat dito, ikaw nlng ata ang di nakakagets”

            “Huh? Ng ano?”

            “Sa mga nagyayari sa paligid mo! Hanurpaber!”

            “Ano bang nangyari?!”

            “Nakita ko kayo kanina ni Philip na nagkakatinginan habang nagsasayawan. Ang arte nyo kasi, ayaw nu pa mag ayos dalawa!”

            “Wala sakin ang deperensya Jenny, alam mo kung anon..”

            “Ssshh.. I know what happened. Ilang beses mo na kaya kinwento. Nakakasawa na noh.. Hay nako! Ewan ko ba kasi sa inung mga “lalake”, ang dami nyong eksena sa buhay! Nakakawindang!”, pag emphasize nya sa LALAKE.

            “Eksena?”

            “Oo, nako bes, malakas ako maka amoy noh. Pero don’t worry, kung ano pa man ang pagkatao nyo ay tanggap ko. Pero geez! Pakatotoo naman kau pwede?”

            “Jenny, what are you talking about?”

            “Ang lakas mo maka tanga ha. Nakakaloka ka na. Ano ba toh?! Ewan ko sayo! I don’t know kung dedma ka ba or just playing plain stupid. Hhmmm.. Pero hukei, don’t worry bes, I’ll do what every beautiful bestfriend has to do”
.
At yun na nga, umalis ito at nag iwan lang ng isang pilyang ngiti. Hindi ko naman nagets kung ano ba tlgang ibig sabihin nito ni Jenny. Nakakawindang. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to?!

Pag pasok na pagpasok ko ay nabaling ang tingin ko kay Art at napansin kong medyo namumutla at matamlay ito. Nang pinuntahan ko ito ay labis ako nabigla.

“Shit! Taena Art, ang taas ng lagnat mo, bat ka pa ba naginom? Dun na nga tayo sa kwarto.”, napasigaw kong sinabi na ikina alarma naman ng lahat. Agad naming dinala si Art sa kwarto upang mapaghinga. Nagdala rin sila ng bimpo at tubig para mapunasan ko si Art ng bumaba naman kahit kaunti ang kanyang lagnat. Maya maya pa’y pumasok din si Jenny na may dalang gamot at tubig na agad nyang pinainom nya kay Art. Halata at bakas sa lahat ang pagaalala.

“Pahinga ka na Art. Ikaw talaga, nilalagnat ka pala, di mo man lang sinabi sakin. Tsk tsk tsk.. Ikaw talaga…”

“Okay lang ako Jerry. Kaya ko.”

“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”

“Sige na, bumalik ka na dun. Ok lang ako. Ayoko masayang ang oras mo ditto, magpapahinga ako dito.”

“Art, ano ka ba.”, sablay haplos sa buhok nya, “Hindi saying ang oras ko lalo na pag ikaw ang kasama ko. Kaya pahinga ka na dyan para maka gala na uli tayo.”

Nginitian lan ako ni Art at pumikit na ito at nagpahinga.

Nang nakatulog na si Art ay nagpatuloy na kami mag inuman.

Kahit pa nagiinom ay binabalik balikan ko si Art sa kwarto para icheck sya kung ok sya. Napansin ko din si Jenny na iiling iling sabay tatawa ng bahagya.

“Youre so predicatable.”, patawang sabi ni Jenny. Di ko nalang pinansin.

Maya maya ay may tumawag sa cellphone ni Ben. Nung una ay di namin pinansin pero ng magbago ang reaksyon sa mukha ni Ben ay napatutok kami dito. Mas nagulat nalang ako ng biglang inabot sakin ni Ben ang kanyang cellphone. May gusto daw kumausap sakin. Lalo naman ako nagtaka kaya agad agad kong kinuha ang kanyang cellphone at nakipagusap.

“H-hello? Si Jerry to. Sino to?”

Lalake ang sumagot.

“Jerry, si Philip…….”


(Itutuloy...)


           
            

30 comments:

  1. nice one... hehehe... sana mahaba pa tong kwento na to...

    ReplyDelete
  2. bitin hahahaha...

    -vin

    ReplyDelete
  3. naks nkaktense ang mga susunod n mngyyari!!!gling mu tlga sir ken MORE POWER GODBLESS,thank you po:)..-rich

    ReplyDelete
  4. naks kaabnb abng ang mga susunod n mngyyari.!!!gling mu tlga sir ken MORE POWER GODBLESS,thank you po:)..-rich

    ReplyDelete
  5. Sa sobrang excitement ko, paggcng n paggcng ko, right after I saw ur message, binasa ko na agad ito hahaha..narealize ko n lng n ndi p pala ako naghihilamos after ko basahin toh kuya.
    Ang bitter ni jerry!!! Pero okay lng, philip deserves it. Pero...ewan....lol.
    Natatawa ko kay jenny xD parang ung bestfriend ko lng din. Lol
    Get well soon papa Art! :P
    Nainggit nmn ako dun sa js prom..i've never been in one kc, ngaun p lng.kc ngaun p lng ako junior hahahah.anyway, great job kuya ken! :) imma wait for the next one! :D

    ReplyDelete
  6. "habang nagtitinginan kaming dalawa ay parang nagsasayaw din ang aming damdamin"...kinilig naman ako dito..hahaha

    yang si philip huh eksenadora talaga..hahaha
    anyways bati na kasi kayo...
    pero hanggang friends lang huh...kay Art pa rin ako..LOL

    ReplyDelete
  7. Hello everyone! Can anyone please answer my question? papaano po ba ako magiging contributor dito or paano ko po ba maipopost yung mga sarili kong works dito sa Michael's Shades of Blue? pa-help naman po at paturuan ako dahil gusto ko lang po i-share sa inyong lahat ang story na ginawa kong story. Sana po ay matulungan niyo ako. Maraming salamat po. :)

    ReplyDelete
  8. hay nku ken bitin n naman as always.
    parang wala masyadong nangyari sa prom?
    naintriga aq s pagtawag ni philip mukhang maganda ung next part parang tungkol n un ke philip. kaabang-abang.....
    i'll wait for that.

    thanks
    Arl

    ReplyDelete
  9. “Jerry, si Philip.. dedbol na kaya solo ka na ni Art! Best wishes!”
    wahahaha ambad q xD

    d aq mkarelate dhl d q naranasan ang prom.. field trip ang gnawa ng kj naming skul >_>
    anyway, excited aq sa mangyayari..thanx sa update^^

    ReplyDelete
  10. Nakakakilig naman yang titigan na yan!!! :D

    Eksena to si Jenny!! XP

    Naga-eye contact yung dalawa, inistorbo. AMP!

    At eto pa ang isa, si Philip. X|

    Good luck na lang talaga sa kanila ni Jerry kung magkakaayos pa sila after ng tawag na yan.

    Another great chapter;keep it up!! :D

    ReplyDelete
  11. @DM: medyo mahaba po ito dahil 3rd year pa lang po ang nakkwento ko.. sana abangan nyo po ang mga susunod.. :))

    @vin: pasensya na po :((

    @rich: naku salamat tlga sayo.. :)) dbale, ill message you pag may bago ulit akong update! pangako yan!! :))

    ReplyDelete
  12. @ace.vince.raven: BUNSO KOOOOOOOOOOO!! ahehehe.. wow namn! natouch naman ako at binasa mo muna tlga to bago ka nakapaghilamos.. ahehehhe.. anyways, tnx tlga bunso ha for reading my story! :)) nako, nakakatuwa tlga si Jenny simulat sapul.. aheheheh.. wow! mag js ka na.. xctng nmn! kwentuhan mo ko ah! :))

    @Jojie:ahahha.. kilig ba? aheheheh.. naku! tama ka jan! eksenadora tlga yan c Philip kahit kelan... hahahahah!! mis u pare koy!

    @Anonymous: try contacting Sir mike for details.. usually ang email add nya is on his posts.. try checking po there.. then email him and request po for access.. :)) pero anyways.. bgay ko n rin.. getmybox@hotmail.com
    im looking forward for your email ha.. ill tell sir mike na rin po :))

    ReplyDelete
  13. @Arl: pasensya ka na ha.. kasi gs2 ko ng realistic touch with the events that will happen sa prom.. dalawa kaming guy kaya alam mo nmn, na lalo na sa hyskul, di pa tlga ganun ka open ang mga tao.. and it will be an eye sore most especially dun sa mga straight ang makitang two guys dancing around sa prom.. dont you think? sating mga bi/gay, nakakakilig tlga kung iisipin. pero ayun nga, gs2 ko sana realistic tlga ang scene.. pasensya na po sa na disappoint sa prom scene :((

    @Rue: hahahaha! odba?! pinatay si Philip.. hahahaha.. sayang naman di mo nransanan ang prom pero tnx pa rin sa pagbasa ha.. mwah!

    ReplyDelete
  14. Wow nc chapter author...iba kah tlga...super kilig ang mga moments hehe...lagi ko toh inaabangan....kumakain aq ng brekfast while reading this kasabay ang sermon s akin ni mama ahahaha hnd ko kasi mabitawan ang pagbabasa nitong story m kaya kahit s harap ng hapag kainan nagbabasa ako ahaha...im still jerry/philip tandem ahaha...update n uyet (*_-)ents hehe...lagi ko toh inaabangan....kumakain aq ng brekfast while reading this kasabay ang sermon s akin ni mama ahahaha hnd ko kasi mabitawan ang pagbabasa nitong story m kaya kahit s harap ng hapag kainan nagbabasa ako ahaha...im still jerry/philip tandem ahaha...update n uyet (*_-)

    ReplyDelete
  15. nice one mr. author, ka abang abang talga.. nakakabitin..hehehe galing talaga ng kwento mo.. unpredictable..an kaya sasabihin ni philip.. hmmmhhh???? tnx sa update..

    ReplyDelete
  16. @kuya ken - ndi ko pa alam kung klan exactly hahah pasukan p lng kc dito next week so bka next year pa JS nmin. Pero sige kkwento ko sayo mga mangyayari hehehe.

    PS: parehas kami ni dada, hahah. halos kunin n nga ng tatay at nanay ko yung phone ko dhil kahit saan ako pumunta hawak-hawak ko nagbabasa ng mga stories lol.

    ReplyDelete
  17. @Jack: Ahahaha! Uu nga. eksena din si Jenny e! Moment na ee! Hahahahaha!! kaasar! ahehehehe.. ano nga kaya meron sa tawag na yun? will things finally be ok? hmmmmmmm. abangan!

    ReplyDelete
  18. @dada: alam mo po, sobrang nafflatter ako sa inyo.. na kahit halos pagalitan na kayo ee sinusubaybayan nyo pa rin ang story ko.. dibale, sa susunod na kumakain ka habang nagbabasa, susubuan kita para di ka pagalitan :))
    wow.. ur still going for Philip ha.. hmmm.. ano kaya ang next scenes.. abangan!

    ReplyDelete
  19. @ace.vince.raven.: hi bunso!! okay lang yan.. im looking forward sa mga scenes sa prom mo kahit pa next year yun.. ber month nmn na.. malapit na yan.. ahehehhehe
    ahahahaha.. ako naman pinapagalitan na ng mom ko kasi gabi na at naka net pa rin ako.. hahahaha

    ReplyDelete
  20. @Jhay L: ahehehe.. wow effective pla ang style ko.. gs2 ko kasi somehow, unpredictable ang mangyayari para mas nakakaexcite.. ahehehe.. tnx po uli.. mwah!!

    ReplyDelete
  21. nice again...
    hah kakatawa si jenny nkakaamoy...
    2 days din ako hindi nkanet kaya nung nagnet ako ito agad ang hinanap ko... galing m author.

    ReplyDelete
  22. ok I understand....
    Go Philip I think next chapter is for you hehehe.....

    Thanks,
    Arl

    ReplyDelete
  23. waahhh..!!

    keeps getting better..

    si Philip ang bet ko...

    hahahahaha

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  24. Ganda nmn ng story...

    ReplyDelete
  25. @nick.aclinen: wew.. salamat po uli sir sa pagbasa.. natouch naman ako na story ko agad ang hinanap mo.. i hope magawa ko agad ang next chapter din.. dont worry po.. ill try to do it asap.. :))

    ReplyDelete
  26. @arl: thanks for understanding bro.. aheheheh.. sana nga magkaayos na sila ni Philip.. :))

    @Roan:wow.. salamt po sa pagpili kay Philip.. ahehehehe.. sana magustuhan nyo ang next part.. :)) God Bless din po!

    ReplyDelete
  27. touch nmn ako special mention pa..lol wink** kilig ako sa story...parang gs2 ko tuloy mkausap c Mr. Author in person..=)

    ReplyDelete
  28. ....wagas talaga kung makalamon ang pride eh no....yan tuloy mamaya may anong masamang nangyari sa favorite character ko.....petiks kasi eh...torpe pa....

    :P

    ReplyDelete
  29. Sana mahaba pa ang kwento kasi it's really getting super interesting. :)) LOVE IT! :)
    Kudos to the Writer :D

    -SLUSHE_LOVE-

    ReplyDelete
  30. hindi na nakapagpigil si Philip... susme kakaloko yang lagay ni Jerry... si Jenny naman intrimitida talaga di ba? lol

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails