Followers

Wednesday, September 14, 2011

Torn Between Two Lovers? v

Nagulat ako sa nasilayan ko pagbukas ng pintuan. May babaeng nakatalikod at nasa aktong naghuhubad. Bigla akong pinagpawisan ng malamig kaya’t dali-dali ko din itong isinara. Bumalik na lang ako sa may sala dala-dala ang backpack ko.

“Kuya bakit di ka pa pumasok dun sa kuwarto para maibaba mo na yang bag mo.” Pambungad ni Francis ng makita niya akong nakaupo sa sofa.

“Ah, eh naka-lock kasi kaya hindi ko nabuksan. Nahiya naman akong kumatok baka kasi kung ano pa ang isipin nung tao sa loob.” Tugon ko.

“Naku kuya ikaw talaga. Tara samahan kita.” Sabay hila sa kamay ko.

Parang may kakaiba sa hawak niyang iyon. May parang kuryenteng dumaloy sa pagkakasugpong na iyon ng mga kamay namin. Napatitig ako sa mukha niya at nasilayan ko ang isang ngiti mula sa kanya. Dumoble tuloy ang pagpapawis ko nang malamig dahil doon. Sumunod na lang ako sa kanya.

Kumatok agad siya nang makarating kami sa harap ng pintuan. Sa una’y walang sumagot pero nang muli siyang kumatok ay tumunog na ang door knob.

“Ano ba Fran---“ Parang nahiya naman yung tao sa loob dahil sa ayos nitong nakatapis at sinara ang pintuan. “Bakit di mo man lang sinabi na kasama mo siya?”

“Ano ka ba ate nakita mo naman di ba na may dala siyang bag so ibig sabihin ilalagay niya muna yun sa kuwarto para hindi maging sagabal sa party? Nakakaasiwa kayang makisama sa party na may dalang bag.”

“Tse! Di mo man lang ako sinabihan.”

“Asus, dalian mo na dyan nang makapag-umpisa na kami.”

Maya-maya pa ay muling bumukas ang pinto at iniluwal nito si ate Maya. Ang ganda niya sa ayos na iyon.

“Hoy yang laway mo natulo na. Jusko itong batang ito. Ngayon ka lang ba nakakita nang dyosa na gaya ko?” Sabay tawa niya.

“Dyosa pala huh!” At tumawa na din kami.

“O siya, enjoy bro! The night is all yours!” Wika pa nito na may kalakip na mahinang tawa.

May bahid malisya ang dating sa akin nung tawa na iyon ni ate Maya. Pero hindi ko na lang masyadong binigyan ng pansin.

Iginiya na ako ni Francis papasok sa loob.

“Lagay mo muna sa may bed yung gamit mo kuya.” Utos niya sa akin at agad ko namang ginawa. “Ah kuya, salamat ulit huh.”

“Puro ka naman salamat eh. Baka mamaya niyan maumay na ako!” At natawa siya sa sinabi ko.

Narinig ko ang mga mahinang yabag palapit sa akin. Para naman akong dalaga na kinabahan. Nakakahiya na reaction pero excited ako. Naramdaman ko na lang ang presensiya niya sa likuran ko.

“Kuya salamat ulit.” At niyakap na niya ako nang tuluyan.

Ine-expect ko ang ganitong eksena pero iba talaga ang pakiramdam pag nangyari na ito nang totohanan. Di ko maiwasang hindi hawakan ang mga kamay niyang nakabalot sa akin na waring gumaganti nang yakap sa kanya.

Nagmo-moment kami nang makarinig kami nang isang tili galling sa aming likuran. Napaharap kaming nakayakap pa din siya sa likod ko at tiningnan kung sino iyon sumigaw.

“Little brother, di ka man lang ba nakapagpigil. Di pa nag-uumpisa ang party samantalang kayo nag-uumpisa na.” Sabay turo sa mga katawan naming nakayakap.

Dali-dali kaming naghiwalay.

“Ate Maya, mali yang iniisip mo. A-ano yun…” Pag-umpisa ko.

“Tsk, tsk, tsk. You don’t have to explain Dhenxo. Ayos lang sa akin yun and besides approve ka sa akin. Gusto kita for him.”

“Ate naman. Huwag ganun! We’re friends.” Depensa ni Francis. Kahit papaano ay nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Nag-expect kasi ako eh.

“Oo nga ate Maya, magkaibigan lang kami.” May bahid lungkot kong sabi kahit na nagawa kong ngumiti. Tumalikod na ako para muling ayusin ang mga gamit mo.

“Ang sama mo Francis. Bakit mo nagawang sabihin yan. “ At lumapit sa akin si ate para ako’y aluin.

“Di mo na kailangang gawin to ate. Okay lang ako. Walang kaso sa akin yung sinabi niya tsaka yun naman iyong totoo eh.”

“Yun ang totoo? Eh sa pagkakaalam ko, nagtapat siya sa iyo na may gusto siya sa’yo ah. Ano yun joke niya lang?”

“Ate tumigil ka na! Hayaan mo na kami dito. Ako nang bahala please lang.” Si Francis.

Tumayo na nga ito at tuluyan nang lumabas. Pero bago tuluyang makaalis ay may ibinulong ito kay Francis.

“Ah, kuya…”

“Wala iyon Francis. Naiintindihan kita. Wala kang dapat ipag-alala sa akin okay lang ako.”

“Sorry dun sa nasabi ko kanina. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon kay ate eh. Nabigla lang ako.” Hinayaan ko lang siyang magsalita. “Ano bang gusto mong gawin ko kuya para makabawi ako sa’yo. Gagawin ko ang lahat.”

“Wala kang magagawa dahil wala ka namang ginawang masama sa akin.”

“Kuya sorry na talaga.” At muli niya akong niyakap. Naramdaman kong namasa ang damit ko at sigurado ako na mga luha iyon. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at humarap sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha niya at inalo. “Tahan na, ang guwapo mo pa mandin tapos masisira lang iyan dahil sa pag-iyak mo? Haharap kang ganyan sa daddy mo?”

“Hindi ko naman sinasadya kuya eh. Patawad.”

“Cheer up Francis. Malapit ng mag-umpisa iyon party nang daddy mo.” Hinawakan ko ang mga pisngi niya. “Please smile.” Request ko sa kanya. Ginawa naman niya.

“Aaaaaaaaayyyyyyyy!!!” Sabay kaming napalingon sa may pintuan. Tama kami, si ate Maya ulit.

“Mga letse kayo! Nalingat lang ako saglit ganyan na agad eksena niyo?” May pangiti-ngiti pa nitong sabi.

This time hawak niya ang kamay kong binagtas ang daan papunta sa venue.

Grabe ang daming tao sa may garden nila. Parang bigla akong nahiya sa suot ko. Nakaporma silang lahat samantalang ako ay isang simpleng casual attire lang. ako na ang kusang bumitaw sa pagkakahawak niya dahil mahirap ng ma-issue kami sa mismong kaarawan nang daddy niya.

Nagpaiwan muna ako saglit sa isang tabi dahil nagpaalam si Francis na pupuntahan muna ang mga pinsan at mga kaibigan niya. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo.

“Hindi ka ba makiki-jam sa kanila hijo?”

“Ah ma’am kaw pala yan.”

“Tita na lang okay?” Tumango na lang ako.

“Hindi na po tita ayos lang naman po ako ditto eh tsaka nahihiya po ako.”

“Are you sure? Halika samahan mo ako.” Sumunod naman ako sa kanya.

Tumungo kami sa isang kubo sa may bandang dulo nang garden. Medyo natatabingan iyon ng mga halaman kaya hindi ko agad napansin. Pumasok si tita at binuksan ang ilaw.

“Tita, ang ganda naman dito sa loob. Parang hindi mo aakalain na isang kubo pala ‘to.” Napapantastikuhan kong kumento.

“Buti naman at nagustuhan mo. Paboritong lugar ‘to ni Francis.” Saad niya.

“Talaga po? Eh ano naman pong ginagawa niya dito?” Tanong ko.

“Kung ano-ano lang na magustuhan niya. Pero alam mo ba? Sa pagkakaalala ko, ang huli niyang punta dito ay noong naghiwalay sila ni Sienna.” Tumingin siya sa akin saglit. “Ex-girlfriend niya.”

“Ah, so kumbaga eh comfort zone niya ito tita?”

“Oo. Funny thing about this place eh nagagawa nang ambience dito na ma-lift up ang mood ng kahit na sino. Like today, masaya ako that finally nagagawa na naman ni Francis ang mga bagay-bagay na pilit niyang iniwasan. Lagi siyang nakangiti at lagi siyang nakaupo diyan.” Sabay turo sa isang couch sa likuran ko.

“Palagi nga siyang may tinitingnan na kung ano sa cellphone niya eh tapos biglang ngingiti.” Si ate Maya.

“Hala, hindi kaya nababaliw na si Francis o kaya’y nahanginan ng masamang hangin?” Pagbibiro ko. Natawa naman sila.

“Sa palagay ko nga’y may kinababaliwan na naman iyong batang iyon. Ganyan na ganyan ang mga gawain niya pag may isang tao siyang pinag-uukulan ng panahon.”

“Ganon po ba? Ang swerte naman nung taong iyon.” Kumento ko.

“Maiwan ko muna kayo ni Maya dito huh hijo. Asikasuhin ko lang mga bisita sa labas.”

“Sige po tita.”

“Tama ka dun Dhenxo. Napakasuwerte nung taong iyon dahil pag na-inlove ang kapatid ko ay all-out siya na tipong hindi na siya nagtitira pa nang para sa sarili niya.”

“Parang ako lang din pala siya.”

“Really? Kuwento ka nga tungkol sa lovelife mo pagbalik ko.” Lumabas si ate para kumuha nang makakain naming dalawa para may pagkaabalahan kami habang nagkukwentuhan.

Bumalik siya na may dalang isang tray ng mga pagkain.

“Hindi mo man lang ako tinawag ate para hindi ka na sana nahirapan na magbuhat niyan.”

“Naku, okay lang ako noh and I believe mahaba-habang kuwentuhan ito.”

At inumpisahan ko na ang kuwento ko. Para kaming nasa isang talkshow na may question and answer. Maya’t maya ang interruptions ni ate dahil talagang interested siya.

“So nagkaroon ka nap ala ng boyfriend?”

“Mobile bf ate. Kasi di naman kami personal na magkakilala. Kumbaga sa text lang tapos ayon sweet sa isa’t isa then eventually napagkasunduang gawing formal na ang status naming dalawa.”

“Ah sabagay uso na yang ganyan ngayon noh. Anyway, may picture ka ba niya? Pakita nga!”

Inilabas ko naman ang cp ko at pinakita sa kanya yung picture niya. Natulala siya.

“Eto ba si Brian?” Tanong niya.

“Oo ate siya iyan.”

“Paano ka naman nakakasiggurong siya nga iyan?” Tanong niya ulit.

“Nagkausap na kami sa webcam minsan ate at napatunyan kong siya nga iyan.”

“Ah ganon ba? Naku, ang swerte mo naman at nakahanap ka nang poging bf.”

“Ay inggit ba iyan ate Maya?” Pang-aasar ko sa kanya. Close na kasi kami.

“Hayaan mo na Brian. Oh teka, bakit naman kayo naghiwalay?”

“Biglang hindi na siya nagtetext or tumatawag tsaka lagging out of coverage yung number niya. Siguro nakahanap ng mas bagay sa kanya. Nung tiningnan ko nga account na sa Friendster eh dun ko nalaman na may boyfriend na pala siyang iba.”

“Ay may ganun? Ni hindi ka man lang inabisuhan na ayaw na niya sa ‘yo para di ka na umasa?” Iling lang sagot ko.

“Ayos pala yang Brian na yan huh. Ni hindi man lang inisip na may taong nag-aalala sa kanya.”

“Hayaan mo na yun ‘te kaya nga may word na past eh.” At tumawa ako.

“Speaking of past, sino naman ang present mo?”

“Present? Honestly po wala.”

“Bakit wala? Naku, dapat hindi ka pumapayag na wala kang karelasyon noh.” Natawa na naman ako sa sinabi ni ate.

Biglang nag-ring yung phone niya at nagpaalam na kakausapin lang. Tumango naman ako. Maya-maya pa ay nagpaalam siya na susunduin sa labas bf niya at nahihiya daw pumasok. Pinaiwan niya muna ako sa kubo dahil babalik din naman daw siya agad.

Since mag-isa lang ako, nilibot ko nang tingin ang kubo. May personal ref sa may corner, may tv at dvd player, may couch at lamesita. Kumpleto na para sa isang taong mahilig mapag-isa. May mga pictures din sa babaw ng tv. Family picture yung mga nakalagay pero may isang picture dun na siya lang. Napaka-gwapo niya talaga. Ang ganda nang pagkakangiti niya, napaka-natural walang halong pilit.

Naputol lang ang paglilibot ko nang tingin ng may pumasok sa loob ng kubo.

“France, you’re mockingly handsome!” Sabi nung lalaki.

“Thanks Jie ikaw din napaka-guwapo mo ngayon.”

“I love you dude!” Sabi nito sa kanya at bakas dito ang sinseridad sa sinabi.

“Loving you more dude!”

Walang ano-ano ay niyakap niya yung lalaki. Napaka-sweet nilang tingnan. Parang ‘sila’, nakakainggit. Di ko napansin na nakatingin na pala yung lalaki sa akin. Kumalas siya sa pagkakayap niya kay Francis at iniharap ito sa gawi ko.

Natilihan naman ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin. Paano ba ito?

Maging siya ay natahimik ng malamang andun din ako. Parang nagkaroon bigla nang isang wall sa pagitan naming dalawa na nag-create ng moment of silence.

“Ah, eh. Sorry! Hindi ko sinasadyang makita yun.” Yumuko ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako.

“Don’t go please, I can explain everything.” Agad niyang sabi. Napailing lang ako.

“Uulitin ko, wala kang dapat ipaliwanag sa akin because you don’t owe me one.’ Sabay flash ng isang pilit na ngiti.

Di na niya ako napigilan pa nang tuluyan na akong lumakad palayo sa kubo. Naka-two points agad siya sa akin. Ayaw kong lumuha dahil gaya nga nang ayaw kong mangyari, ayaw kong mag-create ng scene. Bumalik ako sa lugar kung saan ako nagpaiwan kanina.

Nakatanaw lang ako sa lahat ng ginagawa nang mga bisita. Busy silang nagkukwentuhan at kumakain. Nakita ako ni ate Maya at inaya niya akog sumabay na sa kanila nang bf niyang kumain.

Kumuha kami nang pagkain sa buffet table at agad na nagtungo sa may kusina at doon pumwesto. Busy din naman ang lahat ng tao doon gawa nang kailangan nilang asikauhin ang mga bisita.

Sa buong oras namin sa kusina ay ramdam nila ate Maya ang pananahimik ko. Hindi nila ako nagawang tanungin pa dahil nirerespeto nila ang pananahimik ko. Maya-maya pa ay tumayo na sila at inaya akong sumama muna sa kanila.

Tumungo kami sa kuwarto ni ate at doon balak na patayin ang oras. Para kaming mga bata na naglalaro nang spin the bottle. Masaya naman ang nangyayari.

Pinaikot ni ate ang bote at huminto sa akin.

“Truth or dare?” Tanong niya.

Nag-isip akong maigi. Nahihirapan akong magdecide. Sige bahala na.

“Truth!” Sagot ko.

“Okay, ako na ang magtatanong sa iyo.” Sabi ng bf ni ate. “Buena manong tanong. May gusto ka ba kay Francis?”

Lagot sabi ko na nga ba eh! Tumingin ako kay ate. Nakangiti ito. Isang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago sumagot.

“Oo.” Sabi ko na nakayuko.

Kinilig si ate daihl sa narinig. “Aaaaayyyyyy, sabi ko na eh. Ang galing talaga nang radar ko.” Sabay apir sa bf. “Gusto mo siya, gusto ka din niya bakit hind maging kayo?”

“Ahm sa tingin ko …” At inangat ko na ang mukha ko. “spin na yung bote. One question and answer lang to di ba?” Napakamot sa ulo si ate.

Wala siyang nagawa kundi paikutin na muli ang bote. Pag kinantot ka nga naman ng malas (pahiram Rovi huh), ako na naman ang tinuro nang bote.

“See? Pati yung bote nakikiayon. Kung sinagot mo na lang kanina eh di naligtas ka pa sana.” Sabay tawa.

“May choice pa ba ako kahit na dehado ako? Hindi pwedeng maging kami dahil hindi pa ako handa at sa tingin ko hindi pa din siya handa sa isang panibagong relasyon.” Na ang pasimpleng tinutukoy ko ay iyong Jie na kasama niya kanina.

Napatango na lang sila pero mukhang hindi kumbinsido. Ipinagpatuloy na naming tatlo ang laro hanggang sa mapagod na din kami. Napagpasyahan namin na ipagpatuloy na lang ang kuwentuhan. Gaya nang nangyari kanina, lumabas si ate Maya at pagbalik ay may dala na naman itong tray na puno nang pagkain ang pagkakaiba nga lamang ay may kasama nang alak. Lagot! Hindi ako umiinom nun. Bahala na.

Sa gitna nang tawanan naming tatlo ay may narinig kaming katok. Tumayo si ate at binuksan ang pinto. Iniluwa nito si Francis. Natahimik kami sa loob at tila nakikiramdam. Lalo pang nadagdagan ang naghaharing tension sa akin ng kasama niyang pumasok si Jie. Nakangit pa ito.

“Hi guys!” Bati niya sa amin.

“We’re good. Come and join us.” Aya ng bf ni ate.

At naghanap na din sila nang mapupwestuhan. Tumabi siya nang upo sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang magkatinginan kami and that’s it. May tension sa pagitan namin pero pinipilit kong iwaksi.

Naging tahimik ako pero sinusubukan ko pa ding pakalmahin ang sarili ko. Ayoko din naman na masira ang gabi ko dahil doon.

“Ah ate Maya, saan ang cr? Naiihi na kasi ako eh.” Pabulong kong sabi sa kanya. Tinuro naman niya sa akin. Tumayo ako at nagpaalam. “Excuse me guys, bladder break lang.”

Agad kong ni-lock ang pintuan pagkapasok ko. Humarap ako sa salamin at matamag tiningnan ang sariling repleksiyon.

Okay pa naman ako. Siguro kakayanin ko pa ang ilang minutong kaharap silang dalawa. Naghilamos na ako at lumabas.

“Okay ka lang ba?”

“Susmaryosep!” Natawa siya sa reaction ko.

“Okay ka lang ba?” Ulit niyang tanong.

“Uh-uhm. No worries. Nag-eenjoy naman ako kung yun ang inaalala mo.”

“Hindi iyon. Ahm, yung kanina …”

“Naku, sabi ko nga wala iyon. Walang kaso iyon sakin.” Naging seryoso siya kaya minabuti kong lagpasan siya.

Hinila niya kamay ko.

“Huwag mo naman sana akong ginaganito kuya, nasasaktan ako.”

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya hinarap.

“Ako pala ang nakakasakit dito di ko man lang alam. Sorry Francis huh kung nasasaktan kita.” Walang emosyon kong sabi.

“Kuya naman. Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?” Mangiyak-ngiyak na niyang tanong.

“Hala, okay lang naman ako ah. Wala naman akong problema.”

“Isss. Bestfriend ko si Jie kahit tanungin mo pa kay ate.”

Defensive? Ano bang alam nito sa nararamdaman ko?

“Bakit ka nag-eexplain sa akin?”

“Dahil nararamdaman kong iyon ang dahilan ng pagiging cold mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko nararamdaman iyon.”

“Whoa Francis! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Ang labas ngayon ay guilty ka sa isang bagay na ikaw lang ang nakakaalam.”

“Stop it kuya Dhenxo! Stop acting na hindi mo alam ang sinasabi ko!” Medyo napalakas na niyang sabi.

“Admitting na alam ko nga ang sinasabi mo, would it make any sense?”

“Oo dahil mahal kita!” Walang kagatol-gatol na sabi niya.

Natameme ako sa sinabi niya. Agad ko din naman binawi ang sarili ko.

“Mahal? Well, salamat kung gayon.” At tumalikod na ulit.

“Kailan ka kaya magkakaroon ng lakas ng loob para sabihing mahal mo din ako kuya.” Huminto ako saglit dahil sa narinig pero agad ko ding itinuloy ang paglalakad.

“Sinasayang mo lang ang oras mo sa kagaya ko. Hindi mo ba nakikitang hindi tayo bagay?”

“Makasarili ka kuya. Makasarili ka!” SIgaw niya sa akin.

Marahil narinig nila ate ang sigaw niyang iyon dahil lumabas silang tatlo para tingnan kung anong nangyayari sa pagitan naming dalawa.

Lahat sila ay may tinging nagtatanong nang ‘anong nangyari’ pero wala silang nakuhang sagot mula sa akin. Dumiretso na ako sa kuwarto niya at agad na inayos pabalik ang mga gamit sa bag.

“Dhenxo, anong nangyari?” Si ate Maya.

“SInabi ko lang yung totoo ate.”

“Anong totoo?”

“Na hindi kami bagay, na nagsasayang lang siya nang oras niya sa akin.”

Hinarap niya ako at binigyan ng isang sampal. Nagitla ako sa ginawa niya pero I deserve it.

“Akala ko ba gusto mo ang kapatid ko pero bakit mo nagawang sabihin iyon?”

“Hindi mo ba napapansin ate kung sino ang mas nagmamahal sa kapatid mo?”

“Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan.”

“Lumingon ka lang sa paligid mo ate at malalaman mo din sinasabi ko.”

“Si Jie ba iyong tinutukoy mo?” Tahimik lang ako. “My God Dhenxo, maag-bestfriend yung dalawa at walang kaso doon.”

“Sana nga ate tama ka.” Natapos ko na ding ayusin ang mga gamit ko. “Ate salamat sa lahat huh. Naging masaya ako sa party ni tito and sorry kung nasira ko ang moment niyo. Patawad.” Isinukbit ko na ang bag ko at tuluyan ng nagpaalam. “Sige ate, uwi na ako. Nagkaroon kasi nang emergency sa bahay. Pakisabi na lang kay tito happy birthday and kay tita salamat din.” Sabay ngiti.

Tuluyan na akong lumabas. Walang tao sa may sala papuntang front door kaya malaya akong nakalabas.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Buti naman naisipan mo akong tawagan.”

“Salamat Arnel. Pwede bang iuwi mo na ako? Kakapagod pala ang party nila.” Sabay tawa.

“Ganon ba? O siya sige, sakay na dali.” Sabay abot ng helmet sa akin.

“Ah Dhen, pwedeng magtanong?”

Banayad lang ang takbo nang motor kaya nadinig ko iyon. “Ano iyon?”

“May gusto ka ba kay Francis?”

“Bakit mo naman natanong iyan?”

“Sagutin mo na lang kasi ako.”

“Hindi ko alam.” Pagsisinungaling ko.

“Hindi ka talaga marunong magsinungaling.”

“Ah, eh, Len, pwede ba akong makitulog sa inyo?”

“Iyon lang ba? Oo naman pwedeng pwede.”

At tuluyan na naming tinahak ang daan papunta sa bahay nila.

(itutuloy...)

1 comment:

  1. gurl!!!!!!!!!!!! lol ano ba yang ang gulo naman ni denxo parang siya yung gurl sa story. haiz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails