Tinatamad pa akong bumangon kaya naman ninais ko munang mag-stay pa sa higaan. Alam ko rin na sa mga oras na ito ay gising na si Arnel at malamang ay may ginagawa na ito. Hindi ako nagkamali dahil narinig kong may parang nagsisibak ng kahoy sa likuran.
Gusto ko mang mag-isip-isip pero hindi ko naman magawa kasi maingay nga sa labas kaya naman sapilitan akong bumangon. Dumiretso ako sa banyo at nag-ayos ng sarili bago tumungo sa hapag para kumain. Ginutom ako bigla eh. Buti na lang at may nakahanda nang pagkain.
Matapos kong mag-almusal ay agad ko nang pinuntaha si Arnel. Kasalukuyan pa rin itong nagsisibak at waring hindi ako napansin. Nagulat na lang ito nang malamang pinapanuod ko siya. Aba, nagpasikat pa lalo itong si mokong.
“Sige, igihan mo pa. May ilang kahoy pa na sisibakin duon oh.” Sabay turo sa may imbakan nila.
“Sige basta para sa’yo.”
“Uto!”
Tumawa lang ito.
“Kumain ka na ba?” Tanong nito sa akin.
“Oo. Ikaw ba nagluto?”
“Hindi, si mama.”
“Sabi ko na eh. Masyado kasing masarap kung ikaw may gawa nun.”
“Ang sweet mo huh!” Sarkastiko nitong tugon.
“Pikon ka talaga!”
“Humanda ka sa akin mamaya at sisibakin kita.”
“Ang bastos mo! Isusumbong kita kay tita. Tita!” Sabay tawag sa mama niya.
Narinig naman ako nito at sumagot.
“Si Arnel po kasi ang aga-aga eh kung anu-ano pinagsasasabi.”
Narinig kong pinagsabihan nito yung anak niya.
“Buti nga sa’yo. Sa susunod na gumanyan ka, ako mismo sisibak sa’yo.” Nang may pangiti-ngiti kong banta.
Natahimik naman ito pero kitang-kita mo sa kanya na may binabalak siya. Hinayaan ko na lang siya atleast early in the morning eh naka-one point na ako. It’s a good start. Medyo matagal pa ang araw kaya naman kailangan kong maghanda para makabawi ako sa mga atake niya.
Habang naghihintay sa kanya ay naisipan ko na lang na manuod muna nang TV. As usual, anime pinapanuod ko. Basta morning lagi kong inaabangan paglabas ng mga cute na fairies (kung familiar kayo sa Mirmo De Pon). Sa totoo lang memorize ko yung kanta nila with matching dance pa.
Nakarinig na lang ako nang mga impit na tawa sa likuran ko. Napalingon ako rito at bigla naman ang pag-akyat ng hiya sa akin.
“Ang galing mo pala sumayaw Dhen. Paano ulit yun?” Pang-aasar niya kasabay ng paggaya niya sa sayaw.
Napahiya man ako ay nakabawi agad ako.
“Ulol! Huwag ka nang sumayaw diyan. Kawawa naman yung tugtog sa’yo, maawa ka.”
Pero wala itong narinig at itinuloy pa rin ang pagsasayaw. Nakakatawa siyang pagmasdan habang sumasayaw. Kasi ba naman parehong kaliwa paa niya. Iba ang galaw ng katawan sa paa niya. Nakakatawa talaga. Napansin niya naman ako na tumatawa kaya naman tumigil na siya.
“Ang yabang mo naman.”
“Bakit inaano ba kita?”
“Sige ikaw na ang magaling sumayaw.” May pagkapikon na nitong sabi.
Mas lalo lang akong naengganyong asarin pa siya. Asar-talo pa rin siya sa akin ever since.
“Halika dali ituro ko sa iyo kung paano yung sayaw.” Pang-aasar ko pa rin sa kanya.
“Ewan ko sa’yo.”
“Ay nagtatampo ka na sa lagay na yan?” Di pa rin ako tumitigil.
Aba’t nag-walkout ang mama. Pinabayaan ko na lang ito dahil sigurado ako maya-maya eh okay na naman kami. Habang naghihintay sa kanya ay naisipan kong ipagpatuloy yung pinapanuod ko. Kaso isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.
“Tita, si Len po?” Tanong ko nang dumaan si tita.
“Hindi ba nagpaalam sa iyo? Alam mo ba saan siya pumunta?” Sunod-sunod na tanong ni tita.
“Hindi po tita.”
“Umalis eh dala yung motor niya.”
“Huh? Ano ba naman yan. Iniwan ako.”
“Babalik din iyon mamaya.”
“Sige antayin ko na lang po tita pagbalik niya.”
Medyo nabadtrip ako sa ginawa ni Arnel. Iniwan ako buti na lang kahit papaano ay andyan si tita. Kita ko naman na may ginagawa si tita sa kusina kaya naman nag-volunteer na akong tumulong para naman hindi ako ma-bored since nawala yung mood kong manuod.
“Sige maigi yan para naman may katulong ako.”
“Teka tita, ano po palang meron? Kasi ang aga gumising ni Len tapos kanina nagsibak pa ng kahoy eh.”
“Ah, birthday ng tito mo ngayon kaya naman maghahanda kami.”
“Talaga po? Naku sige tutulong po ako para mapadali itong pagluluto.”
“Buti na lang at andito ka. Hindi ko kasi maasahan yang si Arnel sa pagluluto eh.”
“May taga-sibak naman po kayo nang kahoy kaya naman bawi kayo dun.”
“Tama ka dyan. O siya alam mo naman paano magluto nang igado di ba?”
“Opo naman tita. Ako na bahala diyan.”
At sinimulan ko na nga maghiwa nang mga karne at laman-loob na kasama sa putaheng iluluto ko. Enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko kaya naman hindi ko na halos napansin yung oras. Kahit papaano rin ay nawaglit sa isip ko ang inis na nararamdaman ko. Hindi ko rin maiwasang mapakanta pampatanggal boredom.
“Naku Dhen, hindi ka makakapag-asawa niyan.” Pagpuna sa akin ni kuya Arn.
“Loko ka kuya. Makakapag-asawa ako siyempre.”
“Sabagay, para na nga kayong mag-asawa eh.”
Pinamulahan ako nang pisngi dahil sa sinabi niya.
“Ano ba yang sinasabi mo kuya? Hindi ko pa nakikita mapapangasawa ko.” Defensive kong sagot.
“Hindi pa ba? Akala ko kasi nasa tabi-tabi lang siya.”
“Tumigil ka dyan Arn. Iniistorbo mo kami rito sa kusina.” Saway ni tita kay kuya.
‘Buti na lang at sinalo ako ni tita.’ Nginitian ko na lang si tita.
Sige pa rin ako sa pagtulong sa pagluluto sa kusina nang dumating si Arnel at ang hindi inaasahang bisita.
“Hi po tita!” Malugod nitong bati. Bahagya pa itong nagulat pagkakita sa akin. “Hi Dhen!” At bumeso pa.
Hindi ko maramdaman na sincere siya sa ginawa niya.
“Hello hija, buti nakarating ka.”
“Opo, sinundo po kasi ako ni Arnel eh.” Sinadya niyang ilakas yung sinabi niya para inisin ako..
‘Eto pala way mo nang paghihiganti Len huh? Sige tingnan lang natin kung sino ang susuko.’ Usal ko sa sarili ko.
“Ah ganun ba? Maigi na rin iyon para may representative ang mga kabataan sa birthday nitong tatay nitong si Arnel.”
Nangiti na lang si Jessa at kumapit pa sa braso nito. Ako naman na kasalukuyang naghihiwa ay hindi ko naiwasang hindi mapalakas yung tunog ng kutsilyo sa chopping board. Napatingin naman sila sa akin.
“Sorry tita. Hirap kasi hiwain nito eh.” Palusot ko rito.
Alam kong hindi iyon bumenta kay Jessa. Sa ngayon hahayaan ko na muna siya sa moment nila ni Arnel pasasaan ba at makakaganti rin ako. Matapos naming magluto ay agad na akong nag-ayos para naman maging presentable ako sa mga bisita nang tatay ni Arnel.
Minadali ko ang paliligo dahil malapit ng dumating ang mga bisita ni tito at walang katuwang si tita na eestima nang mga bisita. Matapos kong magbihis ay dumiretso na ako ulit sa kusina para tumulong.
“Happy birthday tito!” Bati ko rito nang dumating ito.
“Naku salamat balong (hijo). Buti naman dumating ka.”
“Naku tito, kagabi pa po ako rito hindi lang po tayo nagpang-abot.”
“Ah ganun ba? Naku, ikaw talaga bakit mo naman hinayaang magpagod yung bisita natin?” Sumbat nito sa asawa nito.
“Wala kasi akong aasahan sa bunso mo tsaka marunong din pala magluto itong si Dhen eh kaya naman pinatulong ko na.”
“Naku salamat ulet Dhen huh.”
“Wala po iyon tito. Actually, hindi ko po alam na birthday niyo po ngayon. Hindi po kasi nabanggit ni bunso sa akin eh.”
“Hayaan mo na yon. Baka nakalimutan niya lang sabihin.”
“Tama po kayo tito. Andun nga po pala sila ni Jessa sa may sala.”
At umalis na nga si tito sa kusina at dumiretso na sa may labas para asikasuhin ang mga bisita nito. Kami naman ni tita ay salitang nagse-serve nang pagkain ng sa gayon ay hindi nakakahiya sa mga bisita. Dahil na rin sa nakatoka ako sa kusina ay hindi ko na halos magawa pang kumain gawa nang nabusog ako kakatikim.
“Dhen, palagay naman ako nang igado sa may lamesa. May dumating pa kasing mga bisita.”
“Ah sige po tita ako na po bahala rito.” Busy na kasi si tita sa pag-aasikaso sa labas.
Habang dala-dala iyong putahe ay hindi ko naiwasang hindi masilayan iyong mga bagong dating. Literal akong napahinto nang makilala kung sino iyong bisita. Kung hindi pa ako tinawag ni tita ay hindi ako gagalaw. Lumapit na ako sa lamesa para ma-refill yung ulam. Napansin naman ako agad nung bisita.
“Uy Dhen, andito ka rin pala?”
“Ah, eh, o-opo tita.” Pagsagot ko rito.
“Buti naman at hindi mabo-bored yung kasama ko.”
‘Patay na, mukhang kasama pa siya ni tita.’ Sa loob-loob ko.
“S-sino po?” Kabado kong tanong.
“Si Francis. Andun siya sa kotse ayaw bumaba kasi mabo-bore nga raw siya rito. Teka tawagin ko lang.”
Kung mamalasin ka nga naman. When it rains, it pours nga talaga. Sunud-sunod na malas. Ano ba ito! Ang tagal bumalik ni tita. Pagbalik nito ay kasama na nga nito si Francis ngunit pansin mo rito ang galit. Galit? Bakit?
Dahil sa napansin ko ay hindi ko magawang makipag-usap sa kanya. Parang umurong dila ko.
“Son, sama ka muna kay Dhen huh makiki-umpok muna ako.” Tango lang sagot nito.
Tahimik itong kumukuha nang pagkain niya. Hindi ko talaga magawang magsalita.
“Magkakilala pala mama mo at tatay ni Arnel nuh?”
“Oo.” Maikling sagot nito.
“Dahil ba ito sa kampanya?”
“Oo.”
Mukhang galit nga ata talaga ito sa mundo. Nang…
“Baaaakkkklllllaaaaaa!!!” Nagulantang ako sa familiar na boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Buti na lang busy ang mga tao kaya hindi gaano pansin ang pagtawag sakin nito.
Humarap ako at humangos naman ito papunta sa akin sabay pose. Natuwa naman ako sa ayos ni Xyza. Kahit papaano kasi eh nawala pansamantala yung tension na nararamdaman ko. Histrionic kasi ang dating ng loka, yung tipong gusto laging siya ang center of attraction. Naka-casual dress ito tapos may headband na may malaking butterfly, may dalang malaking bag at lahat ng iyon ay puro kulay pink.
“Ayos ang porma natin huh? Saan ba ang fashion show?”
“Kinnam (fuck you)!”
Natawa lang ako rito.
“Ang lakas talaga nang pang-amoy mo ah. Akalain mo hanggang dito kila Arnel naamoy mo yung pagkain!” Pang-aasar ko rito.
“Siyempre naman girl! Ako pa. Basta lafang, game ako riyan kahit saan pa iyan. Laman-tiyan din iyan.”
“Gagatil (malandi)!”
“Uy, andyan ka pala Francis! Hi!” Bati nito sa katabi ko.
“Hello ate!” At nagbigay ito nang tipid na ngiti.
Awkward ng feeling para sa akin dahil eto ang unang pagkakataon na nagkaharap-harap kami nila Jessa, Arnel, at Francis. Buti na lang at andyan si Xyza para maging mediator naming lahat. Siya ang bumabangka.
Tumayo ako saglit at dumiretso sa kusina. Hindi ko namalayan ang pagsunod ni Francis. Nagulat na lang ako na nasa likuran ko pala ito.
“Let’s talk.” Maikli nitong sabi ngunit ramdam mo ang authority.
Ayokong makita kami ni Arnel na nag-uusap kaya naman lumabas kami sa may kusina. Dumiretso kami kung saan naka-park yung sasakyan niya.
“Dito na tayo sa labas mag-usap.”
Nagbuntong-hininga siya bago muling nagsalita.
“Bakit mo ginawa sa akin iyon?”
Natameme ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin.
“Minahal mo ba talaga ako o pampalipas oras lang?”
“Anong sinasabi mo?”
“Nasabi na sa akin ni Jie ang lahat. Sinabi niya sa akin na hindi mo naman daw ako totoong minahal at pinapaasa mo lang ako. Pinaglalaruan mo lang daw ako dahil ang totoo si kuya Arnel talaga ang mahal mo at dahil sa may gf siya kaya naman ginamit mo ako. Totoo ba iyon kuya?”
Nasaktan ako sa tanong nito. Akala ko ramdam nito na totoo ako sa pinakita ko sa kanya pero mukhang hindi pa pala at ang masakit pa run ay ang katotohanang napaikot na ni Jie si Francis sa mga kasinungalingan nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Daw??? Meaning hindi siya sigurado? Pero sa tono mo parang naniwala ka na sa kanya.”
Tahimik ito ngunit kita mo sa mata nito ang galit.
“Gusto mong malaman yung totoo?” Galit na rin ako dahil natapakan yung ego ko.
Tahimik pa rin siya.
“Oo Francis pinaglaruan lang kita!!! Ayan gusto mo marinig di ba?” Hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng luha ko.
Kita ko naman ang pagrehistro nang galit sa maamo niyang mukha at agad niya akong sinuntok.
“How could you do this to me? Minahal kita pero bakit mo ako pinaglaruan! Tama si Jie, nagkamali talaga ako na ikaw pa ang minahal ko. Maraming tao ang mas deserving kong mahalin. Sinayang mo lahat ng effort ko! Napaka-walang kwenta mong tao! All this time nag-eeffort ako sa wala. Shit!” Nanggagalaiti nitong sumbat sa akin.
Sobrang sakit ng mga binitawan nitong salita sa akin. First time kong nakarinig ng mga ganitong bagay mula sa kanya kaya naman parang dinurog ako nang pinung-pino.
Tumayo ako at pinunasan yung labi kong pumutok dahil sa suntok niya. Kahit basang basa na nang luha yung mga pisngi ko ay nagawa ko pang lumapit sa kanya.
“Sige suntukin mo pa ako. Galit ka sa akin di ba dahil ginamit kita? Sige sa kabila naman para pantay.” Sabay abot ng kabilang parte nang mukha ko sa kanya. Pinilit kong ipinakita sa kanya na balewala lahat ng sinabi niya.
Kinuyom nito ulit yung palad niya at handa akong suntukin ulit. Handa na rin akong tanggapin yung kasunod na suntok pero laking gulat ko na hindi niya itinuloy.
“I shouldn’t have wasted my time in you. Kung itinuon ko na lang sa iba yung nararamdaman ko eh di sana masaya ako ngayon. I never imagined na ganyan ka pa lang tao. I don’t want to see your face ever again.” At umalis na ito sa harap ko.
Dahil sa panlulumo at sakit na nararamdaman ay napasandal ako sa may kotse nito. Itinuloy ko ang pagtangis. Bahagya pa akong nagulat ng may kamay na humaplos sa likod ko.
“Xyza!” At hindi ko na napigilang itodo yung iyak ko.
“Ilabas mo lahat ng sama nang loob mo girl. Andito lang ako hindi kita iiwan.”
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkahabag.
“Xyza, iuwi mo na ako sa bahay. Ayoko na rito.” Nagmamakaawa kong pakiusap sa kanya.
“Gaga ka! Hindi ako marunong mag-drive.”
“Sige na please!”
“ Anong gusto mo magtricycle tayo? Look at my dress naman, sayang kung idi-display mo lang sa trike!” Maarte nitong sabi.
“Shuta ka! Emote na ako rito o nakuha mo pang alalahanin yang damit mo. Mas mahal mo ba yan kesa sa akin?” Seryoso kong sumbat ditto.
“Shutanginames! Hampasin kaya kita nang headband kong may butterfly!”
“Bahala ka na nga! Uuwi na lang ako mag-isa. Sana walang mangyaring masama sa akin.” Pagpaparinig ko sa kanya.
“Tanamew! Hayop ka talaga! Papakamatay ka? Sige idaan mo sa ganyan at pag natuluyan ka mas lalong hindi ka tatanggapin sa langit. Imagine, bakla na nga tapos nagpakamatay pa! Ay imberna sobrang pasaway mo girl!” Litanya nito.
Tiningnan ko lang ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa mga litanya niya kaya naman maingat akong bumalik sa loob at dumiretso sa kuwarto. Agad kong inayos yung mga gamit ko at isinilid sa backpack ko. naabutan naman ako ni Arnel na nag-aayos.
“Saan ka pupunta?”
“Uwi na ako. May emergency daw sa bahay.” Pilit kong pinakalma yung boses ko.
“Ihatid na kita.”
“Hindi na. Asikasuhin mo na lang yung mga bisita niyo.”
“Hintayin mo ako saglit lang ako kunin ko yung susi.”
“Sinabing huwag na eh!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses.
Aksidente naman na nahagip nito ang mukha ko.
“Anong nangyari sa mukha mo?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Wala ito. Nasugatan lang kanina sa kusina nung nagluluto.” Pagsisinungaling ko.
“Nagsisinungaling ka Dhen. Ano nga nangyari sa’yo?” Pagpupumilit niya.
Ayoko na talagang sumagot. Gusto ko nang umeskapo.
“Pakisabi na lang kila tito at tita na umalis na ako. Salamat nga pala sa pagpapatuloy.”
Pipigilan niya sana ako nang magsalita mula sa labas si Jessa. Agad na akong lumabas ng pinto at dumiretso sa kalsada para mag-abang ng masasakyan. Walang lingon-likod kong tinungo ang daan.
“Bakla!”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Xyza, nakasakay na sa van nila at inaaya ako na sumabay sa kanila. Naisip ko, mas magandang umiyak sa van kesa sa tricycle kaya naman sumakay na ako roon.
Sinabi naman ni Xyza sa mama niya na idiretso kami sa bahay namin. Hindi ko naman magawang umiyak dahil nakakahiya kay tita. Nang makarating na kami ay bumaba na ako matapos magpasalamat. Akala ko ay hindi na bababa si Xyza pero nagsabi ito sa mama niya na sasamahan lang daw ako. Touched naman ako sa ginawa nito.
Buti na lang busy si mama kaya hindi na ako nito napansin na maga ang mata at may putok pa sa labi. Kaawa-awa naman talaga ako. Sa dinami-dami nang taong pwedeng makaranas nito eh sa akin pa talaga ibinigay.
“Girl, bakit ka nagsinungaling?”
“Kung nakita mo lang sana yung galit sa mga mata niya maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa iyon.” Seryoso kong tugon.
“Sana nag-explain ka man lang.”
“Para saan pa? Talo na ako Xyza. Nahusgahan na ako bago pa man mag-umpisa ang trial.”
“Eh ano na balak mo?”
“Wal…”
“Ay shuta! Hala, sige labas! Kakain tayo. Ano bang meron sa kusina?” Sunod-sunod nitong litanya. Nagreklamo kasi sikmura ko gawa nang kadramahan ko plus hindi ako nakakain ng mabuti kanina.
Nakakatuwa lang na msimong siya pa nag-asikaso sa akin.
“Girl, touched ako sa gestures mo! Best friend talaga kita.”
“Gaga, may suhol to. Um-order na ako sa McDo at ikaw ang magbabayad.”
“Nakaalis na ba si tita?” Bigla kong tanong sa kanya.
“Oo bakit? May naiwan ka ba sa van?”
“Wala akong naiwan, may ipapauwi lang sana akong taong buwisit!” Sabi ko rito.
Kahit papaano eh andyan pa rin si Xyza para damayan ako. Nakakabawas ng bigat sa dibdib. Natawa lang siya. Akala ko talaga eh sa McDo siya um-order, yun pala sa coffee shop na pinagbibilhan ko nang paborito kong blueberry muffin.
“Hala girl!” Bigla nitong nasambit matapos makuha yung order niya.
“Oh anong banat mo?”
“Yung headband ko nawawala!!!” Halos nagwawala nitong sabi sa akin.
“Eh ano ba kasing meron sa headband na iyon at ganyan ka kung makareact?”
“Gaga! Yung butterfly ko!! May sentimental value yun eh.” Ngayo’y mangiyak-ngiyak na nitong sabi sakin.
“Heto.” Sabay abot ng cellphone ko.
“Aanhin ko ito? Ilalagay ko sa ulo ko kapalit ng headband ko?”
“Para kang tanga, siguro kasabay ng pagkahulog ng headband mo yung pagkahulog ng utak mo. Siyempre tawagan mo nanay mo baka naiwan mo sa van.”
Nagliwanag mukha nito at agad na tumawag kay tita. Tuwang tuwa nitong ibinalita sa akin na nahulog daw sa sasakyan yung pinakamamahal niyang headband. Di ko maiwasang mag-roll eyes.
“Masaya ka na?”
“Naman!”
“Dali na, baka lumamig na yung muffins ko leche ka!”
At idinaan na nga naming dalawa sa pagkain ng muffins.
(itutuloy...)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment