"Bez, nakabuntis ako." kala ko kung ano na. whew!
"So? Eh di panagutan mo!"
"Ayaw ko sa kanya dahil di ko naman siya mahal. Napikot lang ako nang minsang magkainuman kami. Sa ngayon ginugulo niya ako dahil nalaman niyang wala na kami ng gf ko."
"Teka, parang nararamdaman ko na may MALAKING FAVOR ka na hihingin sakin. Spill it out!"
"Bez i will owe you this one."
"Ano nga? Sabihin mo na." at nagsisimula na akong maging uncomfy. (parang napkin lang, lol)
"Bez, can we pretend as lovers just to get rid of her?"
"Ano???? Gusto mong palabasin na tayo just to escape your situation? And why me? Madami kang kakilalang girl friends dyan ah."
"Please wala na akong ibang maisip. Nasabi ko sa kanya na i can't be with her kasi I'm dating somebody else. And besides ... " nakita ko siyang nag-grin. aba, may iniisip ang gago.
"Besides ano? Umayos ka huh kung hindi humanap ka na nang mukha sa arinola na ihaharap sakin!"
"Besides, alam ko na mahal mo ako and hindi mo ako mahihindian!" wapak! Tagos gang buto un ah.
"Ah mahal pala huh. Oo nga naman MAHAL kasi kita!" may pagka-sarcastic kong sagot.
"Yes pumayag na siya!!" pag ganyan na siya kasaya hindi na yan tatanggap nang kahit anong 'no' answer.
"Gago ka, you owe me a lot this time and magbabayad ka nang mahal, sobrang mahal."
"Thank you bez. You're really a great person" at bigla niya akong hinalikan sa lips. Pucha, first kiss ko yun. Sinuntok ko siyang bigla pero tumawa lang siya. Di ko gusto yung idea na kami na dahil sa ganung sitwasyon.
"Since pumayag ka na sa setup natin, can you be my date this heart's day?"
"Ayoko, may kadate na ako. And masyado mo naman atang dinidibdib yung sitwasyon nating dalawa? Don't tell me ... "
"Assumero ang bestfriend kong minamahal!"
"Assumero pala huh, sige maghanap ka nang ibang ihaharap mo dyan sa punyeta mong problema." Sabay talikod and walk out.
"Woy bez joke ko lang yun hindi ka na mabiro." niyakap niya ako sa likod at siyempre pa hindi ako makakilos. Pilit akong kumawala pero hindi ko kayang makaalis sa mga bisig niya at sa isang iglap magkaharap na kami. Magkatapat ang mga mukha at muli niya akong ginawaran nang halik, isang marahan na halik.
Dumating na yung heart's day. Kanya-kanyang attire ang mga students. Since simpleng program lang naman ang ginaganap pag college, naka-jeans and shirt lang ako pero langya nung dumating si arnel sa bahay eh nagmukha akong alalay. Nakaporma ang mama. Bumalik ako ng kwarto at nagpalit and i make sure na nakaget up din ako. Simple pa din ang dating. Tees pa din at jeans kaya nga lang nagsuot ako ng necklace na may miniature ng isang kalansay (bagay di ba, heart's day + skeleton necklace = happy celebration... wahahah). Paglabas ko, nakatingin siya sakin at nakangiti. Paglapit ko bigla niya akong niyakap at hinalikan sa lips. "Ang gwapo naman ng bestfriend ko." Nasapak ko ulit siya nakakarami na siya nang halik ah. Mapagsamantala at paano kung may nakakita samin sa ginawa niyang yun eh di naiskandalo ako. At ang gago hindi man lang nag-sorry.
Nasa loob na kami ng gym ng magsidatingan ung mga officers ng council. Noon ka lang ulit nakita si Francis. Naka-coat and tie siya just like the other male officers. Required kasi silang ganun ang isuot. He looks so gorgeous that time promise. Napansin ng bestfriend ko pala yun dahil maya-maya kinalabit niya ako.
"Bez, siya ba ipinalit mo sakin?" sabay nguso kay Francis.
"Sino?" pagmamaang-maangan ko.
"Wag mo na akong lokohin, alam naman nating pareho na hindi ka magaling magsinungaling pagdating sa akin."
"Bez naman, ganun na ba ako sa tingin mo? Nakakainis ka na."
"Eh kasi naman the way you look at him parang na-struck ka eh."
"Anong gusto mong palabasin ngayon?"
"Wala naman."
"Teka nga, nagseselos ka ano? Sabi ko na nga ba bez eh gusto mo ko maging dyowa eh. Hahah!"
"Ewan ko sayo. Pag di ka tumigil hahalikan kita dyan." pero hindi ako tumigil kasi alam ko naman na hindi niya kayang gawin un eh. So, hinawakan niya ang kamay ko at ininterlock sa kamay niya.
Maya-maya nakaramdam ako na gusto kong mag-wee wee. Pumunta ako sa cr juminggle. Palabas na ako nang cubicle nang biglang pumasok si Francis. Nagulat siya dahil di niya inaakala na magkikita kami sa ganung lugar. Dali-dali akong naghilamos at nagpunas. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Kuya nagmamadali ka?"
"Ako? Ahm, di naman masyado. Bakit?" Pinipilit kong i-compose ang poise ko that time kasi nawawala na. Baka hindi ko mapigilan at makaupak ako nang officer.
"Ganun po ba. Ahm, sorry pala sa nangyari satin nun hindi ko po sinasadya." Pagpapakumbaba niya. Naisip ko ung incident sa team building.
"Ah wala yun, naiintindihan kita. Tsaka alam kong sumobra na ako that time kaya sorry din." mahinahon kong sabi.
"At alam kong ako ang dahilan kung bakit ka umalis that time. Kuya, sobra akong nalungkot nang nagpaalam ka kay ma'am nun. Gusto ko nang sumama sayo pauwi pero di ko alam kung paano ako lalapit sayo. Nahihiya ako sa inasal ko." yumuko siya nang ulo.
"Wala kang dapat ihingi nang pasensya. Kalimutan na lang natin yun - gaya nang paglimot ko sayo - tapos na un eh."
"Salamat kuya. Nga pala, tinetext kita before and humihingi ako ng sorry sau to find it out na nagpalit ka pala ng number."
"Na-block kasi sim ko eh." pagsisinungaling ko.
"Ganun po ba eh pwede ko ba ulit makuha number mo? Friends pa din naman tayo di ba?"
"Oo naman." sabay shake hands and binigay ko na number ko. nagkukwentuhan pa kami ng biglang dumating si arnel.
"Hon, lika na. Mag-uumpisa na yung program. Oh, you're the emcee di ba?" entrada nang bwisit kong bestfriend.
"Opo."
"I'm Arnel, Dhenxo's fiancee and you are?" huwaaatt?? Nagulantang ako at mag-fiancee na pala kami. Tiningnan ko siya pero seryoso mukha niya.
"Francis po. Kaibigan ni kuya." nakita ko na pinilit niyang ngumiti mula sa pagkabigla.
"So, hon tara na you're taking so long. Naiinip na ako eh." Sabay hawak sa kamay ko.
Pinandilatan ko siya ng mata and obvious na nag-blush ako dahil sa sinabi niyang yun.
"Ah Francis una na kami sayo huh. Happy heart's day!" sabi ko na pinipilit ulit i-compose ang sarili.
"Happy heart's day din po sa inyo." at tumalikod na kami.
-----
"And did you know what the hell have you done sa cr kanina?" galit ako dahil sa ginawa niya.
"What? Eh di ba tayo na. So what's the point na nagkakaganyan ka?"
"What's my point? Damn it. This is just a setup and di mo dapat ako tinawag na ganun sa harap ng ibang tao. Ano na lang ang..."
"Ano na lang ang sasabihin ng iba? Yun ba ang inaalala mo? Tsaka bat ka ba nagkakaganyan? Ah i know inlove ka sa lalaking un right? I should have known." nanggagalaiti niyang sagot. Di na lang ako umimik.
"Ano ba kasi gusto mong gawin ko? This is our moment, our date tapos makikita ko na lang na may kausap kang iba and sa cr pa?" this is getting really interesting.
"Eh ano naman sayo kung ganun nga. Bakit mo ba kasi ako pinapakelaman. Hindi na lang sana ako pumayag sa setup na ito kung alam ko lang. This was a total mess!!!"
"Total mess pala huh. Kung makapag-salita ka kala mo ikaw lang nasasaktan!"
"What and how in the world naman na nasasaktan ka?"
"Kahit kailan napakamanhid mo! Dakila kang manhid!" noon lang ako sinigawan ni Arnel nang ganun.
"Ako manhid? Umayos ka! Hindi ako manhid dahil wala akong ideya kung ano ang nararamdaman mo dahil kahit kailan hindi ka nagsabi nang kung ano man ang nandyan" sabay duro sa dibdib niya "at kung inaakala mong manhid ako puwes may manhid bang nasasaktan nang ganito? Tingnan mo ako! Punyeta!" di ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.
"Sorry na bez hindi ko sinasadya! Oo inaamin ko na, hindi lang bestfriend ang turing ko sayo dahil mahal kita simula nung high school pa. Hindi ko masabi sayo ang totoo dahil ayokong magalit ka sa akin at lumayo. Noong una akala ko dahil sa magbestfriend lang tayo kaya ako ganito pero nung grumaduate tayo and hindi na kita madalas makasama, nalungkot ako nang sobra. Gusto kitang puntahan pero naguguluhan ako. At ngayong nagkita tayo ulit at pumayag ka sa set-up natin, tuwang tuwa ako dahil maipadadama ko na sayo yung pagmamahal na dapat noon ko pa binigay. Bez wag ka na umiyak oh, nasasaktan na ako. Please!" sabay pahid sa mga luha ko.
"Gago ka pala bez eh, pinaiyak mo pa ako aamin ka rin palang hinayupak ka." nakangiti na ako.
Nagulat siya, "aba, at umaarte ka lang pala huh." nakangiti din siya.
"Pang-FAMAS na ba ako?" pero infairness biglang nag-shift yung emotion ko.
"Oo na lang. Pero bez huh wag kang lalayo tsaka pagkatapos nang set-up natin sisimulan ko na."
"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."
"And may the best man win dyan sa puso mo." nagbibiro niyang sabi pero alam kong totoo. At naputol ang kagaguhan namin nang may nagtext sa kanya. "This is it!"
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papunta nang parking space na kung saan dun naghihintay yung babae. malayo pa lang kita ko na kung sino yung sinasabi niya. Maputi yung nabuntis niya at mukhang may kaya. Habang papalapit nang papalapit, lalong humihigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko. PLAK!
"At isang lalaki pala ang ipinalit mo sakin! Nakakadiri ka!"
"Pwede ba Mayumi, wala kang karapatang magdamdam sakin dahil kahit kailan hindi ko ginustong maging gf ka dahil ex ka nang barkada ko. And I am in no position para kataluhin siya. Siguro nga kadiri ang relasyon naming dalawa sa mga mata mo pero one thing is for sure, mahal ko siya and mahal niya ako. Yung ang meron samin na wala sa sinasabi mong 'atin'."
"Mga bakla kayo! Mamatay na sana kayong lahat!"
"Ah excuse me," entrada ko, "medyo nakakasakit ka na kasi eh. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin yung totoo na walang pagtingin sayo tong taong to. Tsaka marami pa namang lalaki na pwedeng magmahal sayo eh."
"At sino nagsabi sayong pwede kang sumagot ha bakla?" sabay sampal sa pisngi ko. Uupakan ko na sana nang pigilan ako ni Arnel.
"Mayumi umalis ka na, wag mo na sanang hintayin pa na hilain kita palabas. Ayokong makasakit ng buntis. Sa una pa lang alam na nating dalawa na hindi kita mahal kaya wag mo nang ipagpilitan ang gusto mo." umiiyak na siya nang sobra. Hindi ko napigilan ang sarili kong damayan siya.
"Oo nga naman Mayumi, lalo ka lang masasaktan kapag ipinilit mo ang sarili mo sa isang taong walang espesyal na nararamdaman sayo. You can be happy for now pero hanggang kailan? Matitiis mo ba na habang lumalaki yang baby sa tyan mo eh may nararamdaman kang lungkot sa puso mo?" tiningnan niya ako.
"Eh kasi... Eh kasi..." at ikinuwento niya lahat.
Nagkaayos naman ang dalawa bago siya tuluyang umalis. Hindi pala si Arnel ang totoong ama kungdi iyong barkada niya na hindi niya mahal at siya ang napili niya kasi malapit siya dito. Hindi ko masisi si Arnel kasi likas talaga itong lapitin.
Simula nung heart's day madalas na kaming mapagkitang magkasama ni Arnel. Nariyan iyong susunduin niya ako sa room, ihahatid, dadalhan nang gatorade, babantayan pag p.e. classes at kung anu-ano pa. Tinototoo kaya niya yung sinabi niya o palabas niya lang. Pero kung anuman iyon, masaya ako at nag-eenjoy sa munting palabas. Pero sa kabila nang lahat, namimiss ko si Francis. Hindi pa siya nagtetext simula nung encounter namin sa cr. Mukhang TO ata sa nalaman niya.
Isang araw, patapos na ang klase ko nun nang mapadaan ako sa council. Hinahanap siya nang mga mata ko pero wala akong mahagilap ng biglang may nagtakip sa mga mata ko.
"Hulaan mo kung sino ako." natawa ako sa gawi niya dahil di naman siya nagbago nang boses.
"Francis ambaho kaya nang kamay mo tanggalin mo nga." sabay tawa.
"Napasyal ka kuya?"
"Di ka kasi nagtetext eh. Kaya dumaan na ako dito."
"Eh kuya kasi baka may magalit pag nagtext ako sayo eh."
"At sino naman yung magagalit? At bakit daw siya magagalit?"
"Yung fiance mo kuya."
"Ah, eh ano naman sa kanya kung magkatext tayo tsaka hindi ko fiance yun. May issue ang mokong kaya ginawa akong fiance."
"Ah ganun ba kuya, sige tetext na kita." nakita kong sumilay ang ibang ngiti sa kanya.
"Aasahan ko yan huh."
"Kuya pasok muna tayo sa office, meryenda tayo." at pumasok kami sa loob.
---
"Ahm kuya sino nga si kuya Arnel sayo?"
"Bestfriends kami nung high school kaya super close kami."
"Eh bakit ang sweet niyo?"
"Aba, bakit mo tinatanong? Kaw huh, magsabi ka nang totoo."
"Eh kasi kuya..."
"Sinabi ko na nga ba at type mo si Arnel eh."
"Naku hindi po kuya."
"Oh eh bat mo tinatanong yung mga yun?" Nagseryoso siya.
"Wala naman kuya."
"Wala daw, ewan ko sa inyo. Bakit ganyan kayo, open-minded naman akong tao and mapagkakatiwalaan bakit hindi niyo masabi sa akin?"
"Nakakahiya kasi kuya eh."
"Ano ang nakakahiya?"
Ang tagal niyang sumagot. "I like you kuya!" whoooo, gulantang na naman ang mundo ko.
"You're kidding right?" sabay bitaw nang ngiti. Pero yumuko siya.
"Sana nga I'm kidding pero hindi kuya eh." sumeryoso na ako.
"Hindi ko alam sasabihin ko sayo Francis. It's so sudden and you caught me unguarded."
"Alam ko kuya, nagulat nga din ako sa nangyayari sa akin. Kuya, wag kang magbabago huh. Gusto ko ganun pa din tayo. Hayaan mong ipakilala ko sayo ang sarili ko at hayaan mo din akong kilalanin ka pang mabuti."
"Ah eh sige kaw bahala." at nagkuwentuhan pa kami. Kumbaga getting to know each other stage (baduy!).
Hindi ko mapigilan ang sariling magtaka. Sa tuwing kasama ko ang isa sa kanila hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang inferiority complex. Paano ba naman kasi hindi ako naniniwala na si Arnel and Francis na parehong good looking eh nag-confess nang kanilang iniingatang feelings sa isang kagaya ko. No one would ever believe na pwede pala ang ganito. (eh kasi naman baguhan ako sa ganito nung college). Tsaka sino ba namang tao ang hindi maninibago pag ang crush at ang bestfriend mo super sweet sayo and they're doing their best just to please you. Nakakapanibago.
(itutuloy...)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
aba. nagbago naman bigla attitude ni denxo ang manhid nya talaga. hahaha. sabagay. mga lalake pa yan. aabangan ko po to. hehehe
ReplyDeletehaha natatawa ako dito! light drama nga ito pero napakameaningful. keep up the gud work po! -nixon john
ReplyDeletehmmmnnn...ayos naman poh yung kwento infairness kaso wala akong maramdaman na excitement, kilig factor or what..hehehe pero ayos naman poh..siguro ako lang ang may problema..hahaha
ReplyDeletenext chapter pls...hehe
hehehe enjoy reading it ang di kagwapuhan sa story gusto ng mga goodlooking. kaw na!
ReplyDelete