Followers

Tuesday, September 13, 2011

Kahit Makailang Buhay [6]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

I-advertise ko pala ang bagong group ng msob followers, ang "TORRID MSOBIANS-

http://www.facebook.com/#!/groups/260236804006511/

Secret group po ito kaya add me first sa fb ko at ako na ang mag-add sa kung sino man ang gustong sumali. Dito ko po ilalagay ang mga torrid parts.

Salamat sa mga followers ng MSOB, commenters, writers, silent readers, supporters. Sana hindi kayo magsawang magbasa sa mga kwento dito upang mas lalo pang maengganyong magsulat ang ating mga writers na libreng nagbahagi ng kanilang mga pinagpawisang akda.

Ang sunod po na GEB ng MSOB ay Mayo 26, 2012. Sana mas marami pang mga followers ang makasali. At sana may mga donors pa po na willing mag-sponsor sa nasabing GEB. Sa ngayon ay may tatlong willing donors na po tayo kaya hopefully, libre uli ang venue, pagkain, drinks, at giveaways.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

------------------------------------

videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics


Ako si Xander. At Heto ang kwento ko...

“I-I’m sorry???” ang pagpaulit ng binata sa aking itinanong, halatang nagulat at gustong makasigurado kung tama nga ang kanyang narinig..

“Rovi… you are Rovi Presley, right?” ang paggiit ko, excited na ma-confirm niya ang aking hinala.

“S-sorry, you’ve got the wrong person, mister. I’m not Rovi…” ang sagot niya sabay talikod ng walang pasabi, nagmadaling naglakad palayo.

“Hey!!!” Ang sigaw ko, nabitin sa maiksi naming usapan.

Ngunit hindi na niya ako pinansin. Bagkus, sinagot niya ako sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kanang kamay at iminuwestra sa akin ang dirty finger sign.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang makalayo. Sa nakitang inasta niya, hindi na rin ako sigurado kung siya nga si Rovi. Atsaka, nanibago din ako sa ipinakita niyang dirty sign. “Ganyan ba talaga ang mga estudyante dito? O may attitude problem lang ang batang iyon?” tanong ko na lang sa sarili bagamat may naramdaman din akong pagkainsulto sa kanyang ginawa. Kung nagkataong estudyante ko siya at ganoon pa rin ang gagawin niya sa akin, may kahahantungan siya.

Dali-dali akong nagpunta ng registrar at inalam sa database nila ng mga enrolees kung may nag-enrol ngang Rovi Presley sa unibersidad na iyon. Ngunit wala nga daw silang ganoong pangalan sa listahan. “I saw that kid holding some classcards, Miss…” ang giit ko pa.

“I can’t also answer your question Sir… Baka po pinahawak lang sa kanya iyong classcards or he was a different person” ang sagot sa akin ng secretary.

“Ah… Ok, ok… thank you, thank you.” Ang nasambit ko na lang sabay talikod.

Pagkagaling ko sa Registrar’s office, tinangka ko pang ikutin ang buong campus upang hanapin ang binata. Subalit wala ni kahit anino niya.

“Totoo ba iyong nakita ko, o guni-guni lang ni Rovi… o sadyang ibang tao lang talaga iyon?” ang mga tanong sa aking isip.

Sa gabing iyon, hindi na naman ako nakatulog. Bumabalik-balik sa isip ko ang mga nangyari sa buhay ko, simula noong namatay si Jasmine sa aksidente, hanggang sa handa na sana akong umibig muli at balak nang ligawan ang isa kong kasamahan sa trabaho ngunit naudlot ito noong dumating ang batang si Rovi sa buhay ko. At simula noong nabasa ko ang tungkol sa reincarnation at napagtanto na maaaring si Jasmine nga si Rovi, hindi na muling tumibok pa ang puso ko para sa iba. Si Rovi na lang palagi ang nasa isip ko, walang pakialam kung malayo ang agwat namin o kung pareho kaming lalaki. Mahirap mang aminin ngunit, napamahal na rin sa akin ang bata… At kung kaya hanggang sa kasalukuyan kong edad na 31, hindi ko na ibinaling ang pa puso ko sa iba.

Dumating ang araw ng pasukan. Halos lahat ng mga estudyante ko sa first year English Class ay nandoon na. Magulo, maingay ang klase. Palibhasa, karamihan ng mga nandoon ay batchmates mula sa unibersidad ding iyon. Kuwentuhan sa mga experiences sa bakasyon, tanungan kung ano ang mga nangyayari sa iba pang mga barkada, kantyawan, harutan, sabik na sabik sa isa’t-isa dahil sa summer break at paggraduate nila sa high school kung saan nagka-layo sila.

“Can I have your attention please!” ang sigaw ko noong maisipang kailangan ko nang magsimula. “Since everyone I guess is here, we may now begin with some getting-to-knows. Let us start with…” Humugot ako ng isa sa mga class cards na nasa aking kamay. “Mr. Rico Carreon? Where are you Mr. Carreon?”

“Here Sir!” Tumayo ang isang matangkad at morenong estudyante at nagpakilala. “I am Rico Carreon, 16 yrs old…”

Pagkatapos niyang mag self-introduce ay may tinanong ako at noong makaupo na siya, bumunot uli ako ng isang class card. Tumayo uli ang sunod na tinawag ko at nag self-introduce. At sunod-sunod na ang pag self-introduce ng mga estudyante base sa pagtawag ko sa kanilang pangalan.

Katatapos lang ng huling estudyante sa kanyang self-introduction noong biglang may isa pang estudyanteng pumasok sa klase at pa-simpleng umupo sa pinakahuling silya ng silid-aralan. Noong nakita ko ang mukha niya, nabigla ako at napahinto sa aking pagsasalita. Napuna ng mga estudyante ang aking pagkabigla at lahat sila ay napalingon sa dereksyon ng bagong pasok na estudyante. Ang ibang kababaehang mga estudyante ay nagbubulungan, mistulang tuwang-tuwa at kinilig na sa klaseng iyon nila makakasama ang bagong saltang mestiso at guwapong pumasok.

Namangha ako dahil ang aking nakita ay ang estudyanteng pumulot sa mga nagkalaglagan kong papel sa pasilyo ng eskuwelahan kung saan ko siya tinanong kung siya si Rovi at pinakitaan ako ng dirty-finger sign.

Lumulundag-lundag ang puso ko sa nakita. Under ko pala siya sa klase na iyon. Di ko maideny ang kagalakan ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman daw siya si Rovi ngunit may kakaibang kiliti na dulot ito, lalo na noong makita ang pamatay niyang porma na naka-semi fit blue na may yellow stripes na t-shirt at maong na pantalon na bagamat ordinaryong kasuotan lamang ay litaw na litaw pa rin ang kanyang angking kapogian. At ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili. Hindi naman ako naatract sa lalaki ngunit sa pagkakataong iyon, parang may kilig akong naramdaman sa pagkakita sa kanya. Marahil ay dahil ito sa iniisip kong baka siya nga si Rovi.

“Excuse me… May I have your class card please?” ang sambit ko.

Nagsilingunan muli ang lahat sa direksyon ng bagong pasok. Nagbubulungan.

“I forgot it…” ang malabnaw ngunit malakas niyang sagot, nanatiling nakaupo. Pansin kong wala siyang kakilala sa klase na iyon at parang wala siyang interes makipagkaibigan.

“Ok… well then, you can bring the class card next meeting. In the meantime, would you please introduce yourself to the class?”

“I am…” ang pauna na niyang sabi, nanatiling nakaupo.

“Stand up please… your other classmates can’t see you if you are not going to stand up.” ang pagbara ko.

Tumayo siya na halatang nairita. Hawak-hawak ang sandalan ng upuang nasa harap niya, tiningnan niya ako at ang buong klase at pagkatapos, iminuestra ang dalawang kamay na tila nagtatanong sa akin kung pwede na siyang magsalita.

“Go ahead.” Sambit ko.

“I’m Patrick Cassidy, 16 years old. I’m a transferee…”

Sa pagkarinig ko sa kanyang ibinigay na pangalan, pakiramdam ko ay bumagsak sa aking ulo ang bubong ng aming silid-aralan. Sumagi kaagad sa aking isip ang katanungang, “Hindi ba talaga siya si Rovi?” Ngunit hinayaan ko na lang muna sa isip ko ang mga tanong na iyon. Halos hindi ko na maalala pa ang iba pa niyang sinabi. Nakafocus lang ang isip ko sa kanyang pangalan.

“Please explain how come you are late? I don’t want my students to be late in my class…” pahabol ko. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay ang mga estudyanteng para-late at pala-absent sa aking klase. At naalala ko rin ang pagbigay niya sa akin ng dirty finger sign. Parang instinct na ipakita sa kanyang dapat magpakabait siya sa akin, magbigay respeto at klaro ang rules ko.

Ngunit marahil ay napikon siya sa sinabi ko. “You want me to give the reasons in enumeration? Or by narration?” Na siya namang dahilan upang pumutok ang isang malakas ng tawanan ng mga estudyante.

Med’yo napikon din ako ngunit pinigilan ko ang sarili at nakangiti pang sinagot siya ng, “Whatever makes you happy Mr. Cassidy, go ahead…”

“Which one gives a better score – SIR?” ang giit pa rin niya na ini-emphasize pa ang salitang “Sir”.

Kaya hindi na ako nakapagpigil at ang nasambit ko ay, “Just give me that damn reason, Mr. Cassidy! I am not in the mood to laugh at some stupid jokes!”

Na bigla ding ikinatahimik ng klase. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganoon ang takbo ng pagsasagot niya sa akin. Nagbibiro ba siya, o nananadya?

“O… well, I guess that means narration. So narration it is, SIR!” ang sarcastic niyang sagot.

Pansin ko pa rin ang mga estudyanteng pigil ang pagtawa.

Nagpatuloy siya, “Actually SIR… the reason why I’m late has something to do with a family matter. Actually, I don’t want to talk about family issues. But if it makes you happy, I can do that. But… of course, even if I unveil the whole stupid story, it won’t change anything anyway. I’m still gonna be late…”

Hindi ko alam ang isasagot ko sa pagkarinig sa kanyang explanation. Gusto kong mainis o gusto ko ring maawa. Base kasi sa kanyang sinabing family matter na dahilan sa pagka-late niya ay posibleng may pinagdaanan siya na hindi ko mawari bagamat maaari ding gumawa lang siya ng kuwento.

“Ok… I’ll leave you with that.” Ang naisagot ko. “Any questions from the class?” dugtong kong halatang uminit ang ulo.

Tahimik ang klase bagamat batid kong maraming gustong magtanong kay Patrick ngunit nahiya lamang o nagdadalawang-isip dahil ang dating sa kanila ng binata ay may pagka anti-social o may pagka-indifferent.

“Ok… if there are no questions, let me give you first the overview of this class and my expectations. I would also like to hear your expectations of me as your professor.” At ipinagpatuloy ko na ang aming activities. Isinulat ko pa sa blackboard ang mga references at textbooks na gagamitin sa klase. Sinabi ko rin ang mga basic rules na dapat na gawin nila at hindi dapat, grading system, mga types of tests, at iba pang mga related items sa klase. Pinaalala ko rin ang mga expectations at targets ko sa kanila. At bago magtapos ang klase, nag-brainstorming pa kami para sa mga expectations nila sa klase at sa akin bilang kanilang professor.

Tapos na ang klase at nagsitayuan na ang mga estudyante upang lumabas sa silid aralan. “Mr. Cassidy, please stay behind…” ang sigaw ko kay Patrick.

Walang imik na tumalima naman siya. Imbes na tutungo na sana sa pintuan, nakayukong bumalik na lang siya sa kinauupuan, nakayukyok habang nagsidaanan sa harap niya ang iba pang mga estudyante, ang iba ay tinitingnan siya na parang inaaninag ang kanyang hitsura, naintriga ba sa kanyang pagka-presko, sa kanyang pagka misteryoso, o sa kanyang angking pagka-tisoy.

Ngunit parang wala siyang kainteres-interes sa kanila. Nakayuko lang, pansin ang kawalang ganang mag-interact sa kanila o makipagkaibigan.

“H-hindi ba talaga ikaw si Rovi? Rovi Presley?” ang tanong ko noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa silid.

“No…” ang maiksi niyang tugon, mistulang blangko ang isip.

Natahimik ako. Disappointed.

“Who’s he?” follow up niyang tanong pagbasag sa kathimikan.

“S-siya iyong batang… Siya iyong batang hinahanap ko.” Hindi magawang sabihin ang totoo.

“Ok…” ang tugon din niya.

“W-wala ka ba talagang natandaan?”

“A-about what?”

“T-tungkol sa akin?”

“What do you mean?”

“We’ve met before…”

“Well…” para siyang nag-isip. “I don’t remember…” dugtong niya.

“I used to be your… your…”

“What…”

“Your… er, part of your life.”

“P-part of my life? Like what?” pansin sa kanyang mukha ang ibayong pagkalito

“L-lover.” Ang tuluyan ko nang pagbunyag.

At doon na biglang lumaki ang kanyang mga mata at natawa ng malakas. “Hahahaha! You are kidding, right?”

“No…”

Napahinto din siya, naging seryoso ang mukha. “Sir… are you.. g-gay? Are you courting me?” ang deretsahan niyang tanong.

Pakiramdam ko ay may isang matigas na bagay ang humataw sa aking ulo. At naturete ako sa aking pagsagot. “A… er… N-o! No! I mean, o-of course not. I’m not! I’m not g-gay!”

“So, if your intention of keeping me here is to ask me some stupid questions, please excuse me. I have another class to catch up. I don’t want to be L-A-T-E.” Pag-emphasize uli niya sa katagang “late” sabay tayo sa kanyang kinauupuan at deretsong tinumbok ang pintuan na hindi lumilingon.

“Patrickkk!” sigaw ko.

Ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag ko.

Para akong sinampal ng maraming beses habang hinahabol siya ng tingin hanggang sa pagbukas niya ng pinto at pwersado niyang pagsara nito. Na-guilty ako. Imaginge, sa buong buhay ko, noon lamang ako nakikipag-usap sa kapwa lalaki ng ganoon? Para akong nanligaw o nagpaparinig na gusto ko siyang makarelasyon. Para tuloy gusto kong masuka sa aking ginawa. Hindi ako nakapaniwala na nasabi ko ang mga ganoong bagay sa isang lalaki.

May kaba din akong naramdaman na baka lalong iiwas siya sa akin o ba kaya ay ipagsasabi niya sa iba na sinabi kong lover niya ako noong nagdaang panahon. Feeling ko tuloy bumaba ang tingin ko sa aking sarili…

Ngunit may isang parte din ng utak ko na nanindigan; na nagmamatigas na kunin ko ang loob niya at bawiin siya upang maging akin siyang muli – kung siya nga si Rovi.

Lalo ding tumindi ang katanungan ko tungkol sa hiwaga ng pagkatao niya. Parang hindi ko matanggap na hindi talaga siya si Rovi. At hindi ko rin maintindihan kung bakit parang mainit ang dugo niya sa akin.

Ngunit hindi pa rin ako gumive up. Kinagabihan, sinearch ko sa google ang “Patrick Cassidy” kasi nga hindi lumalabas ang “Rovi Presley” na pangalan. At may mga nakita nga ako! At may pitong kaparehang pangalan at apilyedo.

Inisa-isa kong binuksan ang mga profiles nila sa mga site kung saan sila may account.

At hindi ako nabigo. May isang account sa facebook na ng mga litratong nakalagay ay ang estudyante kong si Patrick!

Inisa-isa kong tiningnan ang mga litrato niya. “Si Patrick nga ito!” sigaw ng utak ko. May halos 10 litrato lang ang laman ng profile niya at puro nag-iisa lang siya. sa iba’t-ibang mga lugar at ang iba ay sa kwarto. At kung pagbabasehan ang kuwarto kung kanya nga ito, masasabi kong anak-mayaman si Patrick. Ngunit ang hinahanap kong litrato ay ang nandoon sana ang batang si Rovi o kahit ang mama niyang si Mrs. Presley.

Ngunit wala.

Tiningnan ko ang information na nakalagay sa kanyang account at blangko din ito. Walang school, walang address, walang family, bagamat may halos mahigit apat na libo siyang mga kaibigan. Ang tanging laman lang ng kanyang info ay ang isang shoutout na “I hate this stupid life! I wanna die!!!”

Napabuntong-hininga na lang ako sa isinulat niyang iyon. Makahulugan, nakakatakot. Marahil ay may pinagdaanan nga siya, o isa lamang iyong normal na hinaing o expression sa isang katulad niyang nasa adolescent stage.

Binalikan kong isa-isahin ang mga litrato niya sa pag-asang may makukuha akong clue sa kanyang nakaraan. Wala talaga akong nakita. Ngunit lumakas ang kutob ko noong mapansin ang isang folder na naka-lock. Maaaring iyon ay may kinalaman sa kanyang nakaraan. Ang problema, hindi ko puwedeng masilip ang laman noon.

In-add ko siya, umaasang tanggapin niya ang friend request ko. “Sana…” sa isip ko lang.

Talagang sobrang nahiwagaan ako sa pagkatao ni Patrick.

Simula noong kinausap ko siya sa unang araw ng aming klase, pinilit kong huwag na siyang gambalain muna bagamat patago akong nagmamatyag sa kanya, nagreresearch tungkol sa buhay-buhay niya. Sa loob-loob ko kasi, siya nga si Rovi; malakas ang kutob kong siya. At ginawa kong isang challenge ito para sa sarili; ang tuklasin ang kanyang tunay na pagkatao at mapatunayan siya nga ang batang hinahanap ko.

Kaya sumisigaw man ang isip na lapitan siya, kausapin, tulungang maaalala niya ang nakaraan, hinayaan ko na lang ang sariling pagmasdan siya. “Makakahanap din ako ng tyempo” sa isip ko lang.

Sa aking pagmamasid sa kanya, napagtanto kong isa siyang aloof na bata. Palaging nag-iisa, ayaw makipagkaibigan bagamat halos lahat na yata ng mga babae sa campus ay crush siya. Isang beses habang pinagmasdan ko siya sa di kalayuan at nakaupo sa lilim ng punong mabolo, nilapitan siya ng may limang babaeng classmates. “Hi Patrick! Puwede ba kaming maki-join sa iyo dito?” ang narinig kong sinabi ng isang babae sa grupo.

Tiningnan sila ni Patrick at tumango ito. Paminsan-minsang nagtatanong ang mga babae sa kanya, gaya ng “Saan ka nakatira?” “Saang school ka galing?” “Bakit dito mo gustong mag-aral?”

Ngunit malabnaw ang mga sagot ni Patrick, pansin ang kawalang ganang makipagkuwentuhan. Kaya marahil ay napansin ito ng mga babae kung kaya’t di rin sila nagtagal, iniwan si Patrick sa ilalim ng punong mabolo.

Ganoon din sa mga lalaki. “Bro… naglalaro ka ba ng basketball? We need one more player!” ang pag-imbita sa kanya ng isang ka-klase din niya. Ngunit “I’m not interested. Maybe some other time” lang ang sagot niya. Kaya kagaya noong mga babae, iniwan na naman siyang nag-iisa sa ilalim ng punong mabolo.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-worry.

Isang beses, kinausap ko ang isang estudyante na classmate ni Patrick. Si Roger. Nakita ko kasing mabait ang estudyanteng iyon, masayahin, at palakaibigan. Baka sakaling makipagkaibigan sa kanya. “Roger, si Patrick kaibiganin mo kaya? Parang wala man lang pumapansin sa kanya. Lagi tuloy nagmumukmok…” mungkahi ko.

“Sir, kinaibigan ko na po siya. Kaso ayaw po niya talaga eh. Biniro ko nga isang beses, sabi ko, ‘Tol… smile ka naman d’yan. Sayang ang kapogian mo kung lagi kang nakasimangot. Andaming chicks na nagka-crush sa iyo e!’ Aba… binitiwan ba naman sa akin ang isang matalim na titig. Para akong nalulusaw. Kaya, nagsorry na lang ako at umalis.”

“Kawawa naman…”

“Kawawa nga po ako Sir...”

“Hindi ikaw. Si Patrick!”

“Ay… sorry po! Bakit kaya galit ang mga tao sa akin?” Makaalis na nga po Sir…” sabay tawa.

May pinagdadaanan nga siguro si Patrick. At sa tingin ko, kung ano man iyon, malalim. Si Rovi kasi noong bata pa ay makulit at masayahin. Parang imposible kasing magbago ang ugali ng bata kapag lumaki na ito... unless hindi nga siya si Rovi. Iyon lang…

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko kasi matanggap na hindi siya si Rovi.

At may pumasok na plano sa isip ko upang mapalapit ang loob niya sa mga classmates niya at sa akin.

Magaling si Patrick sa klase. In fact, sya palagi ang nangunguna sa mga tests. Bagamat may katigasan ang ulo minsan, walang imik, matataas ang kanyang scores. Minsan din ay bigla na lang niya akong babarahin at paulanan ng mga malalalim na tanong sa klase na lalo namang nagpapa-excite at nagpapachallenge sa akin.

Isang beses, ito ang eksena sa klase namin.

“Sir… if both gerund and some verbal participles end in ‘ing’, how would we know which one is a gerund and which one is a participle if these are used in a sentence?” tanong ni Patrick noong matapos na akong mag explain tungkol sa gamit ng verbals. Alam kong tinest lang niya ako.

“Nice question Mr. Cassidy!” sagot ko. “Can you give me a sentence with verbals in ‘-ing’ form?”

“Seeing is believing.” Sagot niya.

“Nice sentence! Can you write it on the board please?”

Tumayo si Patrick at isinulat ang sentence sa blackboard.

Tiningnan ko ang sinulat niya sa blackboard, ina-analyze ito at pagkatapos, tiningnan uli siya. “What are the verbals in your sentence, Patrick?”

“’Seeing’ and ‘believing’.”

“Good. Can you explain what types of verbal are they? And how are these two verbals used in your sentence?”

Ngunit pumalag na siya. “It’s your job to teach us, not mine. And if I know the answer, I wouldn’t bother to ask about it” ang pilosopo niyang sabi at babalik na sana sa upuan.

“Wait!” Ang pagpigil ko sa kanya. “Stay there. I know that you know the answer, Patrick. You wouldn’t be able to ask me that kind of question if you don’t know what it is. You are just testing me, right?”

“I’m not testing you! This is not about you. It’s about us learning your lesson. It’s not my job to explain or to teach. It’s yours. You are paid to do it.”

“Ok, ok… it’s my job to teach. But it’s also my job to order my students to do what I want them to do inside my class. Am I correct?”

Di nakakibo si Patrick.

“Now, I order you to explain it…” at baling sa mga estudyante, “Class, you want Patrick to explain it to us, right?”

At syempre, hindi lang takot ang mga estudyante, gusto din nilang nagsasalita si Patrick, lalo na ang mga babae. Ikaw ba naman ang makakita ng gwapo, matalino, magaling magsalita ng English sa harap ng klase, e di para ka na ring nanonood ng isang napakaguwapo na rockstar na nagperform sa entablado. Syempre, alam nilang aloof Patrick at gusto rin nilang mag-open up ito at makabonding nila. Kaya, “Yes Sir! Patrick! Patrick! Patrick…!” ang sigaw ng mga estudyante, pati ang mga lalaki ay nakisigaw na rin.

Hinarap ko si Patrick, feeling panalo sa ipinakitang suporta ng mga estudyante sa aking mungkahe “So…?”

Walang nagawa si Patrick na ang pakiramdam ay napagkaisahan. “Actually, the two ‘-ing’ words in the sentence are both gerund” ang sabi niya.

Na sinagot ko naman agad ng malakas na pagsisigaw, parang isang batang tuwang-tuwa na tumama ang hula, “I knew it! I kneww itttttttttttt!!!”

Tawanan ang mga estudyante. Napangiti na rin si Patrick. At masaya ako na napangiti ko siya.

Nagpatuloy siya, “’Seeing’ is a gerund used as the subject of the sentence. Remember that subjects can either be only a noun if not a pronoun though they may also be phrases or clauses functioning as nouns. And gerunds are nouns in functions but verbs in form. ‘Believing’ is also a gerund because it is used as a noun complement in the sentence with S-LV-C pattern. Remember too that complements can only be, if not nouns, pronouns, or adjectives or again, phrases or clauses functioning as nouns. ‘Believing’ is not a noun. It’s not also a pronoun, nor is it an adjective. Hence, it is also a gerund.”

“See??? I told you! You know it better than me!!!” ang sambit ko.

Tawanan uli ang mga estudyante. Palakpakan.

Ngumiti uli si Patrick. At masaya ako dahil iyon naman talaga ang plano ko para sa kanya. Ang mapangiti siya. Ang maramdaman niya ang saya, na na-belong siya, na may mga taong napapasaya din niya. At upang sa ganoong paraan ay unti-unti ko ring makuha ang loob niya at magtiwala, maging malapit na kaibigan. Kaya ang bawat ngiti na naipipinta ko sa kanyang mukha ay para na ring mga perfect scores ko sa challenge na ibinigay ko sa sarili para sa kanya.

“Ok… since you have not given an example of a sentence with a verbal participle in ‘–ing’ form, give us another sentence.” Ang utos ko kay Patrick na nasa harap pa rin ng klase.

Napakamot uli siya ng ulo at mistulang aangal.

“You will give a sentence, or I will ask the class again?” ang pabiro kong pananakot noong nakatitig lang siya sa akin at hindi kumilos.

Tawanan ang klase at nagsisigawan uli ng, “Patrick! Patrick! Patrick!”

Kaya wala na siyang nagawa kundi ang mag-isip at pagkatapos, humarap uli ng blackboard, isinulat ang sentence, “The invading troops were missing in action.”

“Nice sentence, Patrick!” pagpuri ko.

At bago ko pa siya pina-explain, nagtanong muna ako sa klase kung sinu-sino sa kanila ang naniwalang – (1) parehong gerund ang mga ‘-ing’ na salita, (2) parehong verbal participle ang mga ito, at (3) isang gerund at isang participle.

Inutusan ko ang mga estudyanteng itaas ang kamay nila sa bawat banggit ko sa tatlong options, at pumili din ako ng isang estudyanteng naglista sa blackboard ng groupings base sa tatlong grupo.

Halos hati ang klase sa kanilang mga sagot, bagamat mas marami ang nainiwala sa number (2).

Pumili ako ng mga estudyanteng nagsilbeng “spokespersons” upang mag-explain sa kanilang mga pinaniniwalaang sagot. Di naman magkamayaw sa pagchi-cheer ang mga myembro at ka-grupo. Masaya ang klase. Bibo. Kumbaga, alive na alive.

At lalo pang naghiyawan ang klase noong nagbigay ako ng challenge, “The group that gets the correct answer, will be given a treat at the canteen during breaktime; together of course, with Mr. Cassidy!” sabay kindat kay Patrick.

Napangiti uli siya. Syempre, masayang masaya na naman ako.

“Oppsss! This is only a special treat! This does not happen every time.” ang pagpaalala ko rin. Baka kasi isipin nilang palagi ko silang i-treat kapag may nanalo sa group contest, mamulubi pa ako. “So… is everyone ready? Or some of you need to change your minds? I’ll give you one minute to do that.”

May kaunting nagsilipatan.

At maya-maya lang ay, “Ok… go ahead Mr. Cassidy! Tell us which group we will invite for our little treat!”

Tahimik.

Nag-explain si Patrick. “Actually, both verbals are participle…”

Nagsilundagan ang mga nakatamang grupo, ang group (2) at isinigaw pa ang aking ginamit na expression kay Patrick na, “We knew ittt! We knew ittttttttttttttttt!!!”

At sa pagkakataong iyon, hindi ko lang napangiti si Patrick. Napatawa ko pa ng malakas. Iyon ang pinakaunang tawa na nakita ko sa mukha niya...


(Itutuloy)

17 comments:

  1. isang palaisipan nga c patrick... dami iniwang tanong ng chapter na to..
    natawa lng aq nung cnbi nia na lover xa ni pat xD buti d ngsumbong sa admin ung bata haha
    salamat sa update kua mike^^

    ReplyDelete
  2. wow kuya ang galing, nag enjoy din ako sa klase..hehehe d lng un na refresh pa ung pinag aralan ko nung college ang walang kamatayan na verbs,..etc. ang ganda talaga ng flow ng story.. and naniniwala ako si patrick ay si rovi at nagpalit lng ng name..hehehe tnx kuya excited nko sa nxt chapter..Jhay L

    ReplyDelete
  3. nakakatuwa naman pero sana hindi mag-backfire plano nya :)) hahaha!!

    ReplyDelete
  4. Ahaha tagal kong hinihintay upadate nito hehe....nc chapter kuya mike....kahit aq tuloy nagtatanong kung si rovu at patrick ay iisa...TWO THUMBS UP poh!!!...(*_-)

    ReplyDelete
  5. na excite naman ako sa takbo. galing kuya. worth it ang paghihintay ko. hehehe. now, wala pa problema, makakahinga ako habang naghihintay. hahaha! salamat kuya. sana lahat nang tao marunong makiramdam nang hindi na dapat pang ipamukha kung anong dinadala o dinaramdam nang iba at makatulong sa kapwa.

    ReplyDelete
  6. hahaha...grabe...super excite at mysterious sa katauhan ni patrick at super natuwa ako sa part na to..hahaha
    can't wait for the next chapter..
    kudos kuya mike!..

    ReplyDelete
  7. ahahahahahaha...galing ng chapter nto... very nice....

    sobrang busog ako...
    salamat dto...

    -mars

    ReplyDelete
  8. i knew it!!! i knew it!!!!


    kakatuwa tong chapter na to hehehe :)


    sya nga kaya si rovi? sana sya nga... tas sasabihin nya ulit na i knew it!! i knew it!!

    ReplyDelete
  9. hay ang ganda kuya, una about sa reincarnation ngayon naman about sa sentence mantakin nyo in my 25 years of my existence major major meron pa lang gerund o ing ing.hahahha tnx kuya

    ReplyDelete
  10. i knew it!!!! i knew it!!!! hahaha i really like this line..napatawa ako ng sobra xD
    ou nga, cnu nga po kaya talaga c patrick....hmmmmm.
    i guess i'll just wait for the next chapters to find it out hahaha
    great story kuya mike! :D

    ReplyDelete
  11. yeepeee..
    hmm hindi kaya totoo ung sinbi ni justin na habang tumatagal mawawla na ky rovi ung mga memories nya. wait napakamysterious din ni patrick palagay ko din iisa sila ni rovi ang daming katanungan at kasagutan sa chapter n ito... nkakaexcite talaga kuya mike....

    ReplyDelete
  12. i love it. i thought di na masusundan! thanks, sir mike!

    ReplyDelete
  13. nakakatuwa at exciting ang story.. next chapter na kuya..

    >>gian

    ReplyDelete
  14. kuya mike san na po yong kasunod ....
    wxcited na po kasi ako....kami.hehe

    ReplyDelete
  15. sana ma-update na ito

    ReplyDelete
  16. san na kaya yung kasunod?

    -Jay

    ReplyDelete
  17. Super LOVE this story. <3 Sana mahabang mahaba tong story na toh. hihihi :))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails