Followers

Wednesday, September 14, 2011

Bulag Na Pag-ibig [2]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Muli, salamat sa mga followers, readers, commenters, at mga contributors ng blog na ito.

Pasensya na kung hindi ako makapagreply sa comments ninyo but I read them all at naapreciate ko ang mga ito.

-Mikejuha-

--------------------------------

Dahil sa hindi inaasahang reaksyon ni Dante, para akong hinampas ng isang mastilyo sa ulo at biglang kumalas sa pagkakayakap at paghahalik ni Dencio.

Tiningnan ko siya. Naaninag ko ang punong-puno ng galit niyang mukha. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit, ano ang ikinagalit niya ngunit bago pa man ako nakapagsalita, bigla siyang tumayo at mabilis na tinumbok ang pintuan.

Sinundan ko siya. Ngunit mabilis siyang nagtatakbo palabas ng bahay hanggang sa eskinitang patungo sa labasan. “Danteeeeee!!!!” sigaw ko.

Ngunit animoy wala siyang narinig.

Bumalik ako sa loob ng kuwarto. Tumayo ako sa bungad ng pintuan ng kuwarto ni Dencio at pinagmasdan siya. Gusto ko siyang sisihin sa nangyari. Ngunit parang wala lang ang lahat sa kanya. Patuloy pa rin ang panonood niya sa pelikula at ang paghimas niya sa kanyang tirik na tirik pa ring sandata.

May kirot sa puso akong naramdaman. Iyon bang feeling na ginamit ka lang sa kanyang kalibugan; ang lahat ay laru-laro lamang, at iyon din ang tingin niya sa akin, naglalaro, parang wala lang. Aaminin ko, nasarapan din ako kasi, iyon ang una kong karanasan – sa halik, sa paghawak ng ari ng iba... At may kiliti akong nadarama. Ngunit ang masakit, ito ang siyang dahilan upang nagalit sa akin si Dante.

Noong mapansin niyang hindi ako pumasok at nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan siya sa kanyang ginagawa, napatingin siya sa akin. “Bakit???” sambit niya, bahagyang napahinto sa paghihimas sa kanyang ari.

Ngunit hindi ko siya sinagot.

“Halika! Balik ka na dito, tol… Sensya ka na, libog na libog na ako e.”

Ngunit imbes na bumalik sa dating puwesto ko sa tabi niya, tuluyan na akong tumalikod at lumabas ng bahay. Nagtatakbo ako, sinundan si Dante. Pinuntahan ko ang puwesto naming tindahan, nagbakasakali na nandoon siya at tumulong sa mga magulang ko sa pagtitinda.

Nakita ko nga siya doon, naka-upo sa isang tabi, nagrepak ng asukal. Nakaupo sa maliit na plastic na silya, kung saan sa harapan niya ay ang isang sako ng asukal, at sa gilid naman ay ang timbangan na ginagamit niya sa pagrerepak.

“O saan ka ba naggaling?” ang tanong ng inay.

Ngunit parang wala lang akong narinig. Dumeretso ako sa isang sulok, dali-daling dumampot ng plastic na upuan at panandok ng asukal, at dere-deretsong umupong paharap kay Dante. Naki-repak na rin ako.

Walang imikan. Pakiramdaman.

Gusto ko sanang biyaking ang katahimikan ngunit natakot ako na baka bulyawan niya ako. Kaya ang ginawa ko ay isagi ang kamay ko sa kamay niya sa bawat pagsasandok ko ng asukal sa pagrepak.

Hindi pa rin siya umimik. Kaya itinodo ko na ang pagsagi ng kamay ko sa kamay niya. Iyong bang ang galit mo sa loob-loob mo ay hindi makalabas at sa isang bagay mo na lang ibinaling ito.

Dedma pa rin siya. Hanggang sa tuluyang nagka-tapon tapon ang asukal.

“Ano baaaaaaa?!!!!!” bulyaw niya sa akin.

“O ano ang nangyari?” tanong naman ng inay.

“Wala po, natapon ko po kasi ang asukal inay kaya napasigaw di Dante.”

“Kasi naman! Kahit nagrerepack, naghaharutan! Hindi siniseryoso ang trabaho eh! Doon ka na lang sa asin o sa bawang! Iyon ang i-repak mo! Wala na tayong panindang bawang at asin.” sambit ng inay.

“T-tapusin na lang namin to ‘nay, at pagkatapos sa bawang at asin naman kami.”

Ngunit biglang tumayo si Dante, tinumbok ang isang palangganang puno ng bawang, kinarga iyon atsaka ipinuwesto sa isang sulok kung saan doon na siya nagrepak.

Syempre, lungkot na lungkot ako. Iniwan ba naman akong mag-isa. Parang nawala tuloy ang gana kong magrepak. Ngunit hindi ko magawang mag-walk out kasi sigurado, pagagalitan ako ng inay. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang ginawa, ngunit paminsan-minsang sinusulypan si Dante sa kanyang puwesto. Nakasimangot pa rin siya at hindi ako pinansin.

Natapos na lang kami sa aming mga ginawa ngunit si Dante ay nanatiling nakasimangot at hindi pa rin ako kinikibo. Hanggang sa nagsara ang tindahan at nakauwi kami ng bahay, hindi pa rin niya ako kinikibo.

Ewan… hindi naman siya ganoon dati. Nanibago talaga ako sa inasta niya. Dati kapag naiinis iyan sa akin, iiwanan nga ako niyan ngunit kapag nakita niyang sinusundan ko siya, parang wala nang nangyari, ngiting-aso kaagad ang isalubong sa akin. Pero sa pagkakataong iyon… Hanggang sa hapunan namin, hindi pa rin siya kumibo, ibang-iba sa dati na ang saya-saya niya palagi, nagbibiro, nagkukwento habang kumakain kami.

“May problema ka ba Dante?” ang tanong ni inay noong mapansing walang imik ang kanyang ampon.

“Wala po nay…” ang maiksing tugon niya.

“Baka naman gusto nang mag-asawa ni Dante kaya malalim ang iniisip…” ang biro ni itay.

Natawa bigla si inay at ako man ay napatawa na rin.

Ngunit matalim ang tingin na ibinato ni Dante sa akin kung kaya bigla rin akong tumahimik.

Pagkatapos ng kainan, dumeretso na ako ng kuwarto. Siya kasi ang naka-schedule na maglinis ng kainan at maghugas ng pinggan. Dahil iisa lang ang aming higaan, iniisip kong kausapin ko na siya habang nakahiga kaming magkatabi sa aking kama.

Ngunit nagulat na lang ako noong nilagyan niya ng mga karton ang sahig ng kuwarto at doon humiga. Syempre, parang biglang gumuho ang aking mundo. Nasira ang plano ko at hindi ko na tuloy maintindihan kung galit lang ba talaga siya sa akin o natakot na rin siya sa akin noong makitang nakikipaghalikan ako kay Dencio. Baka natakot siyang bigla ko siyang gahasain. Feeling ko tuloy bumaba ang pagtingin ko sa sarili…

Bumalikwas pa rin ako ng higaan. HInawakan ko ang kamay niya at hinila ito patayo, “Bat ba d’yan ka natulog? Dito ka nga sa kama?! Bulyaw ko.

“Ano baaaaa! Hayaan mo nga lang ako! Bakit ka ba nakikialam sa akin?!” bulyaw din niya.

“Bakit ka ba d’yan natutulog? Hindi naman iyan ang higaan natin!” sigaw ko pa rin.

Ngunit narinig pala ito ni Inay. “Tristan! Dante! Anong kaguluhan ba yan? Gabing-gabi na nagsisigawan pa kayo!” ang bulyaw din niya sa kabilang kuwarto.

Bigla kaming natahimik. Ang hindi naming alam, lumabas pala ang inay sa kanilang kuwarto at walang pasabing binuksan ang pinto ng kwarto namin, “Ano bang nangyari dito? Bakit para kayong magpapatayan na?!” Sigaw niya.

“S-si Dante po nay, ayaw matulog sa kama. D’yan natutulog sa sahig e.” Ang pag-aalangan kong sabi.

“At bakit ka naman d’yan natulog Dante?” tanong ni inay.

“Eh… Naiinitan lang po kasi ako sa kama ‘nay e. E… si Tristan, pilit niyang d’yan din ako matulog” sabay turo sa kama “. Ang init-init kasi, samantalang puwede naman ako dito.”

“O, e… iyan lang pala!” Sagot ng inay. At baling sa akin, “At bakit ka ba namimilit?”

“Eh… d’yan naman kasi ang palagi naming tinutu-- ”

Hindi ko na magawang tapusin pa ang sasabihin gawa ng pagsingit ni inay ng, “Hoy, ikaw Tristan, ha… napapansin kong basta-basta mo na lang kinukulit o binubuwesit itong si Dante. Tandaan mo, mas matanda iyan sa iyo ng siyam, na buwan kaya dapat marunong kang rumespeto d’yan. Dapat kuya ang itawag mo sa kanya. Magkuya ka sa kanya! At huwag mo siyang kinukulit. Simula ngayon, ayokong marinig na ang itatawag mo d’yan ay Dante or tol ha? Kuya! Kuya ang itawag mo sa kanya. Naintindihan mo?!”

Ewan. Para akong natulala sa sinabi ng inay. Kasi, lumabas pa tuloy na si Dante ang kinakampihan niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumagot na lang ng, “O-opo…” at bumalik na ako sa paghiga sa ibabaw ng kama, masamang-masama ang loob kay Dante.

Sa buong magdamag, hindi ako dinalaw ng antok. Pabaling-baling sa higaan. Napaiyak din ako. Kasi naman, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon katindi ang galit niya sa akin. At bakit ayaw na niya akong kausapin.

Maraming pumasok sa aking isip. Kung iniisip ba niyang bakla ako at natakot siyang galawin ko, kung nagbago na ba ang pagtingin niya sa akin at hindi niya ako matanggap...

Sumagi din sa isip ko ang ginawa sa akin ni Dencio. Hindi ko maintindihan ang naramdaman kasi, first kiss ko iyon at iyon din ang first time na makahipo ng ari ng iba. Aaminin ko, nasarapan ako. At nalibugan din ako kay Dencio dahil... ewan. Anlakas din kasi ng dating niya.

Ngunit ang nangingibabaw sa aking isip ay ang sama ng loob ng hindi pagkibo sa akin ni Dante. Kasi… may naramdaman ako sa kanya. Di ko lang alam kung iyon ay pagmamahal ngunit nasasaktan ako sa hindi niya pagpansin at hindi niya pagsasabi kung ano ang ikinagalit niya sa akin. Natakot din ako na baka iyon na ang simula upang lumayo siya sa akin, lalayas sa aming pamilya.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Dahil klase, naisip kong maligo na agad at dumeretso na ng eskuwelahan, kahit hindi na lang ako kakain ng agahan. Habang himbing na himbing pa si Dante, dahan-dsahan akong kumuha ng papel at ballpen at sinulatan iyon. Maiksi lang ito ngunit malalaki ang mga letra,

“Sorry na po… hindi ko na po uulitin. Sana ay patawarin mo ako... KUYA? –Tristan–” sinadya ko talagang lakihan mga letrang “kuya”.

At dali-dali akong naligo at pumasok na ng eskuwelahan habang tulog pa ang lahat. Sabi ko sa sarili, “At least nakapag-sorry na ako. Kung hindi pa rin niya ako papansinin, bahala na siya. Siguro naman, sapat na nag-try ako upang maibalik ang dati naming pagka-close. Siguro bigyan ko din naman ng kaunting pride at pagpapahalaga ang sarili ko. Bahala na siya kung taanggapin ang sorry ko o hindi...”

Bagamat pareho kaming level, magkaiba ang aming section kaya hindi kami nagkikita sa eskuwelahan. Sa lunch break naman, dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya at natakot nab aka masaktan lang ako kapag hindi pa rin niya ako kikibuin, lumipat ako ng puwesto ng kainan. Kaya hindi ko rin siya nakita. Masakit man sa kalooban ko, na-miss ko man siya ng matindi, tiniis ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong humagulgol. Gusto kong sumigaw. Ngunit tinimpi ko ang sarili. Nasanay man akong may kasamang Dante sa pagkain ng tanghalian sa school, pinilit ko na lang na isiksik sa utak na ganyan talaga kapag hindi mo pag-aari ang puso ng tao. Wala kang karapatan, hindi ka pwedeng magtanong. “Haisstttt!” ang sigaw ng isip ko.

Als sais na ng hapon, dumeretso na ako ng tindahan pagkatapos ng school. Pagkarating ko sinalubong agad ako ng utos ni inay, “O… punta ka ng SM, sa harap ng National Bookstore!”

“B-bakit po? Ano po ang gagawin ko doon?” ang tanong kong nalilito.

“Nandoon ang kuya Dante mo, hinihintay ka.”

Bigla naman akong na-excite sa aking narinig “Hah? B-bakit daw po?” ang tanong ko uli.

“Ay… ewan! Basta iyan lang ang sabi niya! Puntahn mo na. Naghintay iyon sa iyo!”

At dali-dali kong iniwan ang aking bag. At dahil nalalakad lang ang SM sa aming tinitindahan, tinakbo ko na lang ito.

Noong makarating na ako sa harap ng National Bookstore, hindi ko siya nakita. Inikot ko ang aking mga mata ngunit wala siya. Kinabahan tuloy ako.

Maya-maya, may biglang lumapit sa aking likuran at agad tinakpan ang aking mga mata.

Syempre, kinilig ako. Alam ko yatang siya na iyon. Ngunit kunyari pa ako, “Sino to?”

Halatang iniba niya ang boses niya, “Hulaan mo…”

“Carl?”

“Hindi”

“James?”

“Hindi rin”

“Enzo?”

“Hindi!”

“Erwin?”

Hindiiiii!”

“Ormhel? Zach? Jason? Romwel? Paul Jake? Rovi? Patrick? Xander? Jun? Aljun?”

“Hinddddddiiiiiiiiiiii!!!” ang sigaw na niya.

“O sige, Dante.”

Bumaba ang boses niya. “Hindi rin.”

“Ikaw si Dante eh!” sigaw ko na dahil hindi pa rin niya binitiwan ang pagtakip sa mga mata ko.

“Bahala kang mag-isip… hindi ko bibitiwan to kapag di mo nasabi ang tamang tawag sa akin.”

At doon na ako na napaisip… “K-kuya?????”

“Yesssssss!” sigaw niya at tinanggal na niya ang kamay na nakatakip sa aking mga mata. Noong makita ko ang mukha niya, bakas dito ang ibayong kasiyahan. Noon ko lang nakita ang ganoong saya sa mukha niya. “Tara, kain tayo sa Jollibee!” sambit niya.

“Waaahhhhh! May pera siya. Saan ka kumuha ng pera?”

“Sa paninda ko ng barbecue eh!” Kinuha ko sa ipon ko.

“Anong okasyon? Alam ko, di mo namn birthday ngayon eh.”

“Celebrate natin ang pagiging kuya ko sa iyo...”

“Waaahhh! Ganoon?”

“Ganoon na nga. Official na magkuya na kaya tayo. Kaya simula ngayon, kuya na ang tawag mo sa akin, ok?”

Ewan... hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman kong saya sa pagkarinig sa sinabi niya. Parang nasa ikapitong alapaap ako at nakapaligid sa akin ang mga anghel na nagsiawitan. Parang noon ko lang din napagmasdana ng maigi ang kanyang mukha... ang napakakinis na balat nito, ang mga makakapal na kilay na mistulang iginuhit ng isang magaling na pintor, ang mga nangungusap na mga mata, ang naggagandahang mga labi, ang pantay at mapuputing mga ngipin. At... higit sa lahat ay ang pamatay niyang ngiti.

Para akong nahipnotismo at naalipin sa kanyang kapangyarihan. Parang gusto ko siyang yakapin at halikan.

Hanggang sa “Hoyyyy! Nanad’yan ka na naman, nakatitig. Malulusaw ako niyan!”

“Ah, eh... ano nga pala iyon sinabi mo?”

“Simula ngayon kuya na ang itawag mo sa akin.”

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Bagkus, “Puwede ba akong yumakap sa kuya ko?”

Binitiwan niya ang isang nakakabaliw na ngiti, “Yakap lang pala, sure...”

At niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Noong nasa loob na kami ng Jollibee at kumakain, “Ang sarap pala kapag mayroon kang kuya...” ang sambit ko.

“Mas masarap kapag mayroon kang bunsong makulit...”

Tawanan.

(Itutuloy)

16 comments:

  1. as always, ang galing galing mo tlga kuya mike!!! :) hehehe..isang mabait na kuya si Dante..kay Tristan naman, swerte ka!! hahah.alam kong mahal ka ng kuya mo,.bakit ko alam? wala lang, feeling ko lng hahaha..
    i'll wait for the next chapters :)
    cheers :D

    ReplyDelete
  2. waahh! hiwaga! ano kaya ang espesyal sa KUYA kay kuya mike. lagi niya nagagamit ang kuya sa mga storya niya. kuya naman eh! yan tuloy, mas matanda sa akin ang hinahanap kong lover. hahaha...

    ReplyDelete
  3. Wew love it kuya mike hehe akala ko tuluyan n silang mag aaway wew....hehe cant wait for the nxt chapters...(*_-)

    ReplyDelete
  4. awwww...nakakatouch :') ang galing nyo po!! excited for the next chapter!!! :D

    ReplyDelete
  5. whaaaa!!!..nakakaexcite naman ng pangyayari..hahaha
    hmmmn...baka naman selos naramdaman nya nung makita nya si dencio at tristan??..kaya di nya pinapansin si tristan..
    galing mo poh talaga kuya mike..hehehe
    next chapter pls..haha

    ReplyDelete
  6. “Hulaan mo…” “Carl?” “Hindi” “James?” “Hindi rin” “Enzo?” “Hindi!” “Erwin?” Hindiiiii!” “Ormhel? Zach? Jason? Romwel? Paul
    Jake? Rovi? Patrick? Xander? Jun? Aljun?” “Hinddddddiiiiiiiiiiii!!!” ang sigaw na niya. “O sige, Dante.”
    ang kulit ng part n yan. Na miss ko tuloy yung ibang characters. Epic.

    -pusa“Hulaan mo…” “Carl?” “Hindi” “James?” “Hindi rin” “Enzo?” “Hindi!” “Erwin?” Hindiiiii!” “Ormhel? Zach? Jason? Romwel? Paul
    Jake? Rovi? Patrick? Xander? Jun? Aljun?” “Hinddddddiiiiiiiiiiii!!!” ang sigaw na niya. “O sige, Dante.”
    ang kulit ng part n yan. Na miss ko tuloy yung ibang characters. Epic.

    -pusa

    ReplyDelete
  7. ang ganda kuya mike... tas naibalik mo din sa isipan ko or namin ung mga characters sa mga episode na inabangan namin .na sobrang na mis ko lalo na sila erwin,enzo,zach... aabangan k ung next nito....KUYA......

    ReplyDelete
  8. salamat sa mga comments.

    @ eman... hindi ko alam kung bakit naeexcite ako sa "kuya" thing hehehe.

    Parang ang sarap ng may "kuya". Siguro there is something sa buhay ko na naghahanap ako ng kuya. Pati anak ko, kuya ang tawag ko eh. :-)

    past life issue kaya yan? lol!

    ReplyDelete
  9. kuya... gs2 ko naririnig yan :O
    2lad ng dti, isang pangarap ang binuhay m kua sa mga kwento m...na khit sa pagbabasa man lang ng kwento m eh nararamdaman ko ang katuparan ng isang pangarap... salamat kua :)

    ReplyDelete
  10. hihihi grabe kilig ko dito sa chapter na ito!!! nagselos si Dante kasi halik at yakap na ginawa ni Tristan hihihi lumabas pa pangalan nila Jason at Romwel hihi tapos mga peeps from MSOB hihi ang cute!!! :-)

    ReplyDelete
  11. putsa, lahat ng names ata sa storya ni mikee ginamit nyaa!! hahaha nice story again and again ^_^

    ReplyDelete
  12. bongga!!!! nasabi lahat ng pangalan ng mga contributors ng story lol! and ang galing ng story kinilig naman ako sa kanilang dalawa date ang labanan pero di pinahahalata ng bawat isa pakiramdaman muna kung tama nararamdaman nila sa isat-isa.

    thanks kuya mike basahin ko yung kasunod.

    ReplyDelete
  13. galing tlga ng mga writers and staff ng msob

    ReplyDelete
  14. galing talaga ng writers and staff ng msob sana mdmi p kaung magawa

    ReplyDelete
  15. ...wow i love that bonding....
    ...sayang nga lng diko naranasan mka bonding ang kuya ko, kc madalas away ang ngyayari pag nagsama kami
    ...till magdecide ako mabuhay sa malayong lugar un malayo s pamilya ko,till now malayo p din me s kanila,
    thanks po nakakarelate naman ako

    ReplyDelete
  16. Bakit always incest ang genre ng author?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails