Authors Note: Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga taong patuloy na sumusubaybay sa buhay ni Sam Wilson a.k.a. Av Lopez. Maraming salamat din po sa mga comments nio! I really appreciate your bonggang bonggang major major unkabogable comments.lol BATIAN PORTION! lol..i would like to thank the following : russ , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :) Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya idol (coffee prince) , kuya kenji(congrats kuya!! hehe) and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Episode 4 - Kuya :)
"Ma, Pa..can I stay here with Sam?"
Nagulat ako sa sinabi ni kuya Ken.
Why does he wants to stay here?
Maybe he wants to know you more!
Wow! Hindi ka naman ba nag-nose bleed sa sinabi mo? English!
Gaga!!
Anyway,..
"Hmmm. If it's okay with Mr. and Mrs. Lopez, why not?" sabi naman ni Papa Jim.
"Mr. and Mrs. Lopez, can I stay here with Sam?" tanong ni kuya Ken kina mommy and daddy.
"You can call me tito." sabi ni daddy at nginitian niya si kuya Ken.."Sure! you can stay."
"Thank you po tito!" para siyang isang batang napagbigyan ang kahilingan.. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din naman ako sa kanya.
Shocks! Ang gwapo niya talaga! Grabe!
ehem ehem! Paalala lang po,.. KUYA MO PO YAN!
Ayy ou nga pala...Sayang!
Sayang ka jan! Ang landi mo talaga!
"Can I stay too???" tanong naman ni kuya Max.
"Sure!" sagot ni mommy. Natawa naman kami.
"What about you Sai? Hindi ka ba sasama sa mga kuya mo at kay Sam dito?" tanong ni mama Amy.
"Uhhmm..Maybe next time..I have a lot of things to do.." sabi ni Sai.
Naku! palusot lang yan!
Hayaan na lang natin siya..Sabi ko nga, baka naninibago pa rin siya.. Ako rin kaya naninibago,.
And so ayun nga, nag-stay sina kuya Ken at si kuya Max sa resthouse namin. Pinag-stay din naman hanggang hapunan si kuya Caloy..Naglalakad kami ni kuya Caloy sa dalampasigan,. Sina kuya Ken naman, nasa loob kausap sina daddy at mommy.
"Mukhang dapat Sam na ang itawag ko sa'yo ngayon." sabi ni kuya Caloy.
Tumigil ako at tumingin sa malawak na karagatan...Habang nasa harap ako ng isang magandang sun-set at nilalanghap ang sariwang hangin, napabuntong-hininga ako..
"Bakit? May problema ka ba tol?" tanong niya..
"Si Sam ang hinahanap nila..pero si Av ang natagpuan nila.." sabi ko.
"Av,..Sam..Parehong ikaw yun." sabi ni kuya Caloy.
Tama si Caloy!
Haaayy..
"Hindi ko alam kung paano maging si Sam, ni hindi ko nga alam kung gugustuhin ko pang maging si Sam eh." sagot ko naman.
Inakbayan niya ako.."Hindi mo naman kailangang gawin yun eh..sa simula pa lang, ikaw na si Sam..kaya ang ikaw ngayon ay si Sam..nagpalit ka man ng pangalan, ikaw pa rin si Sam Wilson.."
Tama siya..Sa simula pa lang, ako na talaga si Sam Wilson,..hindi ko lang alam..kaya kung ano man ako ngayon, ako pa rin si Sam Wilson..
Tama!!!
Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya..Niyakap niya ako..niyakap ko rin siya.,Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang dumating yung mga kapatid ko.
"Ehem ehem." sabi ni kuya Ken.. Natawa naman si kuya Max sa ginawa niya.
Bigla kaming nagkalas ni kuya Caloy at nag-ayos ng mga sarili..
"Caloy, tito needs to talk to you inside,." sabi ni kuya Max..
"Ah eh ganun ba? sige.."sabi ni kuya Caloy.."Sige, pasok muna ko tol,..Ken, Max." paalam niya, tumango siya kina kuya at pumasok na sa loob.
Pagkaalis ni kuya Caloy, nakatingin lang sakin sina kuya at nakangiti..
Anong problema ng mga tao? Ganyan makangiti?
Para kasing may meaning yung mga ngiti nila..
"B-bakit?" tanong ko..
"Nothing.." sabi ni kuya Ken,. nakangiti pa rin siya sa akin.
Lumapit sa akin si kuya Max at inakbayan ako.
"Sam..bunso.." sabi ni kuya Max.
Parang biglang tumalon yung puso ko ng narinig ko yung word na "bunso". Ewan ko kung bakit pero, ganun yung effect sakin kapag tinatawag akong "bunso". Lalo na ngayon na mga tunay na kapatid ko na talaga ang tumatawag sa akin ng ganun.
"So I'm the youngest one pala.." bulong ko.
"Oo..Ikaw ang bunso namin..eventhough you and Sai are twins, mas matanda pa rin siya sa'yo. Since he was born first.." sabi naman ni kuya Ken.
"Bunso..." sabi ni kuya Max.
"Yes po kuya??" sabi ko naman.
Aba! At career na talaga huh! Kuya na talaga?!
Siyempre! Kapatid ko nga diba? Ikaw ang shunga mo talaga!
Che!
"Tell me the truth..." sabi ni kuya Max.
"We're not going to be mad naman.." sabi naman ni kuya Ken.
Bigla naman akong kinabahan,. Ano naman kaya itatanong ng mga to sakin?
"Ano po yun kuya?" tanong ko..napalunok ako..
"Kayo na ba ni Caloy?" tanong ni kuya Max.
Hahahahaha! Buking ka!
Hala! anong sinasabi nito?!
"A-ano kuya???" sabi ko.
"Are you and Caloy,.together???" tanong ni kuya Ken..
"Hindi po!" depensa ko kaagad..
Which is totoo naman..Hindi naman talaga kami ni kuya Caloy.
"Bakit niyo naman po nasabi yan kuya??" sabi ko.
"Wala naman..We just notice na ang close close niyo sa isa't-isa..tapos naikwento na rin sa amin nila tito and tita, everything about you.." nakangiting sabi ni kuya Max.
"Everything?!" nabigla ako.
"Yes..EVERYTHING.." sabi naman ni kuya Ken.. Nakangiti pa rin sila sa akin..
Parang biglang gumuho ang mundo ko.
OA naman!
Che!
"Don't worry..Sabi nga namin, hindi kami magagalit." sabi ni kuya Ken.
"S-so ngayon alam niyo na..." sabi ko.
"Sam..It's okay..At least ngayon meron na kaming kapatid na...uhmm..girl????" sabi ni kuya Max sabay tawa..
Siniko ko siya sa tiyan.. "Uhmm!"
"Easy! Joke lang!." sabi niya.
"Okay lang yun Sam..Tama si Max..at least ngayon, meron na talaga kaming baby,.na proprotektahan namin..aalagaan.." sabi naman ni kuya Ken..
Natouch naman ako sa sinabi niya..Ganito pala feeling kapag may mga kuya ka talaga,.
Napag-pasyahan naming maupo sa buhangin habang pinapanood ang sun set. Ang cute ng pose namin. Sa kanan ko, nakaakbay sa akin si kuya Ken at nakapatong naman ang ulo ko sa balikat niya..Sa kaliwa ko naman, nakahiga sa buhangin si kuya Max at nakapatong ang ulo niya sa hita ko..
"Ang sarap pala ng ganito.." sabi ni kuya Ken..
"Huh? What do you mean kuya?" sabi ko..
"Kasi kapag kaming tatlo nila Sai ang magkakasama, hindi namin to nagagawa.." sabi niya..
"Ang alin??" tanong ko.
"Eto..yung ginagawa natin ngayon.."
"Bakit po? Hindi po ba kayu okay ni Sai?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun..Okay naman kaming magkakapatid..Mas close nga lang kami nitong si kuya Max mo..basta!."sabi niya.
Napa-okay na lang ako,.
So ano ibig sabihin niya? Kasi lalaki silang lahat kaya hindi nila nagagawa to??
Ayaw mo ba nun? tanggap nila kung ano ka! Yung iba nga jan eh, binubugbog..pero ikaw kita mo naman, talagang babae na ang tingin nila sa'yo.
Hayy nako..
Natahimik kaming tatlo..mga ilang minuto rin ang nakalipas ng magsalitang muli si kuya Max.
"Talaga bang hindi mo na kami natatandaan Sam?" seryosong tanong niya..
"Hindi po eh..." sagot ko naman..
"Ang swerte mo Sam. ang malas ko, kasi ikaw..hindi ka namin nakalimutan.." sabi niya..may lungkot sa boses niya nung sinabi niya sa akin yun.
"Bakit mo naman po nasabing malas yun kuya?" tanong ko.
"Eh kasi..nung nawala ka sa amin..nalungkot kaming lahat..nangulila sa'yo..kahit 6 years old pa lang ako noon..tandang-tanda ko pa kung paano umiiyak si mama dahil sa hindi ka nila makita...swerte ka kasi hindi mo natatandaan ang lahat...hindi mo kailangang pagdaanan ang lahat ng sakit..ng lungkot..na pinagdaanan naming lahat noon.." sagot niya..
Bigla akong natahimik sa sinabi niya..
Mahal ka talaga nila..
Oo nga eh..nararamdaman ko nga..
"Stop the drama Max!" sabi ni kuya Ken at tumawa siya.."What's important is nandito na si Sam ngayon..katabi natin..And I'm sure na hindi na siya mawawala.."
"You're right..hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ang bunso natin ulit!" sabi ni kuya Max.
Wow naman..katouch naman yang mga kuya mo..
Oo nga eh..muka lang mga mayayabang pero, malambot din pala puso..
Niyakap nila akong dalawa ng mahigpit..Halos mapipit na ko sa sobrang higpit ng yakap nila..
"Mga kuya...teka lang..hindi ako makahinga!!" sabi ko..
Tumawa silang dalawa at sabay na nag-sorry sa akin..Bumalik kami sa posisyon namin kanina..bigla namang pumasok sa utak ko na tanungin sila kung ano talaga ang nangyari sa akin nung bata pa ako..
oo alam kong napulot ako ni mommy sa tabi ng kalsada..Pero paano ako napunta dun? Di ba?
Oo nga noh?! pano ka nga ba napunta dun?
"Uhhm kuya Ken??" sabi ko..
"Hmmm??" sabi niya.
"I have a question..." sabi ko..
"Ano yun?" tanong niya.
"Paano po ba ako nawala?? Ano po bang nangyari noon?" sabi ko.
Natahimik si kuya Ken..Hinintay ko ng mga ilang segundo ang sagot niya.."Ako ang may kasalanan kung bakit ka nawala Sam.." sabi niya. Nakita kong tumulo ang luha niya.
"P-paano po??" sabi ko.
At sinimulan nang ikwento ni kuya Ken ang nangyari.."7 years old pa lang ako noon..you were 2 years old..we were at the beach..naglalaro tayo nila kuya Max mo ng buhangin nung time na yun..Tinawag ni mama ang kuya Max mo nuon..Kaya naiwan lang tayong dalawa..tapos, tinawag naman ako ni papa para tulungan siyang magdala ng mga gamit..iniwan kita malapit sa cottage natin..sabi ko pa nga sa'yo na 'wag kang aalis diyan Sam at babalik si kuya'..pinuntahan ko si papa..Pagbalik ko sa pinag-iwanan ko sa'yo..." tumigil siya para magpunas ng luha.. "wala ka na dun..sinubukan ka naming hanapin..pero..hindi ka namin nahanap..akala namin, nalunod ka, tinangay ng alon..o kaya naman kinid-nap..kaya lahat ng pwede naming lapitan at hingan ng tulong, pinuntahan namin..But we really can't find you.."
"Kuya...." sabi ko at niyakap ko siya..
"Mama and papa almost gave up finding you...Pero hindi kami tumigil ng kuya Max mo.." sabi niya.
"We did all we can, para lang mahanap ka...and buti na lang..nakita ka na namin.." sabi naman ni kuya Max. "Hindi nga namin alam ni kuya Ken kung bakit ganito kami sa'yo..Since the day you and Sai were born, mas parang naging malapit kami ni kuya Ken sa'yo..hindi naman kami ganito kay Sai..maybe because ikaw ang bunso namin.."
"Actually, when we found out that mama's pregnant, we were wishing for a baby sister..pero kamabal na lalaki ang lumabas..Pero yun nga, as your kuya Max have said, mas malapit ang loob namin sa'yo.." sabi ni kuya Ken. "Yun pala, kasi..our wish came true..to have a little sister.." sabi niya sabay tawa..
"Little sister pala huh." at siniko ko siya sa tiyan. "Umm!"
"Joke lang Sam!" sabi niya sabay tawa..tumawa rin si kuya Max.
"Sorry na.."sabi niya..
"Hay nako, kung hindi lang kita kuya!" sabi ko naman.
"That's why I love my little Sammy.." sabi niya at niyakap niya ako,.
Ayiiiee! Sweet naman!
Pagkatapos noo'y naghapunan na kami..Masaya ang naging kwentuhan namin..Napag-alaman kong, may girlfriend na pala sina kuya Ken at kuya Max..
Ouch! wala ka nang pag-asa!
Gaga! ano naman ngayon?! Eh diba nga kapatid ko sila! Abnormal ka talaga!
Ayy oo nga pala..sorry naman, hindi pa kasi ako nakaka-adjust sa Sam life mo.
Nagtapos ng architecture si kuya Ken..Si kuya Max naman, nakapagtapos ng civil engineering..Si Sai naman, kasalukuyang kumukuha ng course na business administration/management..Napag-alaman ko ring may-ari pala ang pamilya namin ng maraming hotels around the country, and also sa America..
Wow bongga!
Oo nga eh. Sosyal di ba?
Ang yaman niyo pala!
Sa kwentuhan din namin, nabanggit ni daddy na pag-aaralin raw niya si kuya Caloy at ipapagamot si nanay Solidad,. kapalit ng pagtulong nila sa akin noon..
"Naku! Nakakahiya naman po! Huwag na po!" sabi ni kuya Caloy.
"Tanggapin mo na Caloy! Kapalit ng pag-alaga mo sa anak namin noon. Sige na.." sabi ni Daddy,.
"Oo nga naman kuya Caloy..di ba gusto mo rin namang gumaling si nanay?" sabi ko.
Hindi pa rin sumasagot si kuya Caloy.
Hinawakan ko ang kamay niya at kinulit-kulit siya,. "Sige na kuya Caloy..tanggapin mo na..para rin naman sa'yo to kuya..at para rin sa ikagagaling ni nanay Solidad.." sabi ko.
"Sige na nga.." at nginitian niya ako..ngumiti rin ako sa kanya..
Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na si Kuya Caloy dahil babalikan na niya si nanay Solidad..Nakatulog rin naman ako kaagad. Katabi kong sa higaan yung dalawang kuya ko..nakapagitna ako sa kanila.. BTW, walang nangyari sa amin. hahaha
Kinabukasan, napagpasiyahan naming umuwi na sa bahay namin sa Cabanatuan..Kasama pa rin namin yung dalawa kong kuya dahil gusto raw nilang makita yung lugar kung saan ako lumaki,.Habang nasa sasakyan, nakatulog yung dalawang mokong. nakapatong yung mga ulo nila sa magkabila kong balikat.
Grabe naman tong dalawa na to! Tinotorture ako!
Naku!!! gusto mo naman!!
Gusto ka diyan! nangangawit na nga yung balikat ko eh!
Hahahah
Narating namin ang bahay namin..Ng pumasok kami sa bahay namin, laking gulat ko ng makita ko kung sino yung nasa loob..
OMG.....
------------------------
Until the next episode,
Sam.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
wehehehhe... way back home?...
ReplyDeletenice nice nice...
nadagdagan na ang mga knights ni av/sam kaya lng
baka mas lalo pang gumulo heheehe...
kawawa nmn c sai bat parang xa ang dark character d2?...hehehehe...
panu na ung mga tao dati sa buhay ni av ngaung d2 na c caloy? hhehehe...
next na po ehhehe...
-mars
Waaaaaahhhh cnu kaya nasa loob ng hauz hmmmm si vince or si marco?....wew eggciting toh hehe babalik n ang rivalry ahaha...nc chapter po author...(*_-)
ReplyDeleteHahaha!! Hula ko si Van yan :> hahaha!! Grabe!! Ang ganda talaga ng series na ito! Sobrang nakaka-excite!! Hindi nakakasawa :D sana po mabilis ang update :]
ReplyDeletena sad naman ako sa nickname kong caloy. lagi na lang bang ganun ang mga role nang mga may pangalang caloy? hahaha. biro lang. bitin kuya. sana hinabaan mo pa. galing!
ReplyDeleteIs it Marco or si Van? Hmmm. Sobrang kakabitin... Keep it up Av... Or should i say Sam na? Hehehe. Ingatz! :)
ReplyDeletewahaaaaa Sinooo si von ko este niya ba...
ReplyDeleteWahaaaa sinoooo si van ko este niya ba ha,...
ReplyDeleteat sino naman ang nasa loob haha grabe ka makapambitin..grrrrrrrrrrrrrrrrrr..
ReplyDeleteNahuhumaling na din ako kay Av... :)
ReplyDeletesi marco? Hahahaha.
Mayaman nakaampon sa iyo pero mas mayaman ang real parents mo! Kaw na maswerte. :)
nice author i'm hooked! ;)Nahuhumaling na din ako kay Av... :)
si marco? Hahahaha.
Mayaman nakaampon sa iyo pero mas mayaman ang real parents mo! Kaw na maswerte. :)
nice author i'm hooked! ;)
Nahuhumaling na din ako sayo Av... :)
ReplyDeletesi marco yan oh.. hahahaha
mayaman ang nakaampon sayo tapos mas mayaman pa yung tunay mong pamilya... kaw na maswerte..... hahahaha...
nice Author Next na po.... hohoho
I'm Hooked
Wala pa din kupas!
ReplyDeleteGaling galing talaga!
Worth waiting ang episodes talaga.
Thx sa pagbati po! Mwuah!Wala pa din kupas!
Galing galing talaga!
Worth waiting ang episodes talaga.
Thx sa pagbati po! Mwuah!
anu kea pakiramdam ng magng bunso? haha! sna nga gumaling c nay soledad, auq nakakbsa ng inang namamatai :(
ReplyDeleteIt's really amazing how this story reveals how to accept challenges and move along with it. It's worth the wait.
ReplyDelete-icy-
It's really amazing how this story reveals how to accept challenges and move along with it. It's worth the wait.
-icy-
bongga mga kapatid ni av.... as in sweet at tinawag pang little sanny...
ReplyDeletenapano naman ang third kapatid bakit ganon gurl din ba xa hehehehe....
Like!Like!
ReplyDeleteWAY BACK HOME LNG ANG PEG HAHAHAHA BUT NICE MAY BROMANCE VERSION NA YUNG MOVIE HAHAHAHA :)
ReplyDelete