“Dhen, salamat huh.” Pambungad niya pagkapasok namin sa bahay nila.
“Para saan?” Tanong ko.
“Kasi pinili mong makasama ako ngayong gabi.” Sinsero niyang sabi sakin.
“Adik ka Len alam mo ba?” Pagbibiro ko.
“Kaw talaga. Basag trip ka lagi. Magseryoso ka naman, seryoso kaya ako oh.”
“Oo na seseryoso na po.” Sabay ngiti.
“Ayan ka na naman eh. Niloloko mo na naman ako.”
“Batukan kita dyan eh, seryoso na ako oh. Ewan ko sa’yo bahala ka nga.” At tumalikod na ako sa kanya bitbit ang bag ko kunwari nagtatampo.
“Dhen, sorry na. Naglalambing lang naman ako eh di mo man lang nasakyan.” Hinarap niya ako sa kanya. Yumuko naman ako. “Huy, tumingin ka naman sakin. Di ko na yun uulitin promise.”
“Di bagay sa’yo magseryoso Len. Natatawa ako sa hitsura mo, umayos ka nga.” At napabunghalit na ako.
Dahil sa sinabi ko ay nakatikim ako sa kanya nang napakaraming kiliti. Hindi ko napigilan ang sarili na mapatumba. Hindi pa siya nakuntento at ang mokong di ako tinigilan.
Tawa kami nang tawa. Nang mapagod ay sinuntok ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon.
“Walastik ka! Napaniwala mo ako dun huh. Akala ko totoo na, sa susunod di na ako maniniwala sa’yo.” Sabi niyang nakangiti.
Naging pormal mukha ko sa sinabi niya. “Umalis ka na diyan sa ibabaw ko. Nahihirapan na akong huminga.”
“Ah eh sorry.” Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap.
“Nasaan ba ang banyo niyo dito? Magsa-shower lang ako.” At binuksan ang bag para maglabas ng maisusuot.
“Doon sa labas may makikita kang palikuran. Teka mag-iigib muna ako nang tubig mo.”
“Huwag na ako na lang tsaka hindi naman ako lumpo para hindi magawa yun.” Pormal kong tugon.
Hindi na siya sumagot at ramdam kong ramdam niya ang biglaang paglamig ko sa kanya. Kinuha ko ang timba at tumungo na sa poso.
Binatak ko ang manggas ng t-shirt ko. Natawa ako sa inasal ko dahil akala mo naman mabigat na trabaho ang gagawin ko.
Kasalukuyan akong nag-bobomba nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pansamantala ko muna itinigil ang ginagawa at asikasuhin muna iyong tumatawag.
‘Hello ate! Napatawag ka?’
‘Asan ka?’ Tanong ng ate ko.
‘Bakit?’ Balik tanong ko sa kanya.
‘May pumunta dito kani-kanina lang hinahanap ka. Mukhang pupunta sa party.’
“’Bakit daw niya ako hinahanap?’
‘Wala namang sinabi.’
‘Natanong mo ba pangalan niya?’
‘Francis daw eh.’
‘Ah okay.’
‘Teka sabi ni mama pupunta ka sa party? Andyan ka na ba?’
‘Oo andito na ako. Ako nang bahala dun sa nagpunta dyan pag nakita ko.’ Pagsisinungaling ko.
‘O sige na.’
At pinutol na namin ang linya. Hindi na nakakapagtaka ang iginawi niya. May kasalanan ako sa kanya pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko. Sa tingin ko pa nga tama ang ginawa ko eh. Kitang-kita ko na may pagtingin si Jie sa kanya. Tsaka marami na silang pinagsamahan. Tsaka…
“Ano ba yan, maka-shower na nga at ang init.”
Matapos maglinis ng katawan at makapagbihis ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Wala ni isang miscall or text. Nag-eexpect ba ako? Oo.
Nakadama ako nang disappointment kaya napagpasyahan kong matulog na lang. Nakita ko si Arnel na nakahiga na kaya tumabi na ako.
Kahit nakalapat na ang katawan ko sa kama ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit kong binabalik-balikan ang nangyari kanina sa party. Ngayon na lang ako inatake nang hiya sa nagawa ko.
Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi ako mapakali kakaisip.
“Namamahay ka ba?” Tanong niya.
“Hindi.” Simpleng tugon ko.
“Ganun ba?” Naramdaman kong bumangon siya.
“Saan ka pupunta?”
“Lilipat ng higa.”
“Bakit?”
“Baka kasi hindi ka sanay na may katabi pag matutulog eh.”
Nainsulto ako. Gusto kong mag-walk out ulit pero saan naman ako pupunta. Pinakalma ko ang sarili ko. Masyado nang madaming tension ang namamahay sa loob ko.
“Len, huwag ka nang umalis. Tabi na tayo.” Sabi ko pero ang tingin ay nasa kisame.
“Sigurado ka ba na okay lang?” Tumango lang ako.
“Galit ka ba sa akin?” Umiling lang ako.
“Bakit di mo ako kinakausap?”
“Pasensya na may iniisip kasi ako eh.”
Humarap siya nang higa sa akin.
“Hindi kaya matunaw ako?” Pagbibiro ko. Napangiti siya.
“Sarap mo kasing tingnan eh.”
“Tse! Tumigil ka.”
“Dhen.” Lumapit siya.
“Kung ano man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy.”
Pero hindi siya nagpapigil. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at idinantay ang kamay niya sa dibdib ko.
“Can I stay this way?” Hindi ako sumagot and he took it as a yes.
Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.
“Len?”
“Hmmm?”
“Bakit ako?”
“Dahil ikaw lang.”
“Ang alin?”
“Ang gusto ko.”
“Bakit nga?”
“Masaya akong kapiling ka. Hindi ka maalis sa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Sa’yo lang naman ako nagkaganito eh.” Sunud-sunod na paliwanag nito.
“Eh si Jessa?” Hindi siya nakaimik.
“Sulitin natin kung anong meron tayo ngayon Dhen.”
Alam ko umiwas siya sa tanong ko kaya di na ako nagpumilit pa sa halip napabuntung-hininga na lang ako.
Ilang minuto matapos ang pag-uusap namin, sinilip ko kung tulog na siya. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Parang nahipnotismo ako sa titig niya. Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. Hindi na ako nakaiwas pa.
For the first time ay naghalikan kami na para bang wala nang bukas. Isinantabi ko muna ang katotohanan tungkol kay Jessa. I want the moment to last. Mula sa simpleng paghahalikan, nagsimula nang maglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa.
Nang makaramdam ako nang boner mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na yelo. Tumigil ako sa ginagawa ko. Nagtataka siyang napadilat.
“Sorry, hindi pa ako handa sa ganito.” Sabay iwas ng tingin.
“Sorry Dhen, masyado akong naging mabilis. Hindi ko sinasadya, hindi ko na kasi napigilan eh.” Binatukan ko siya.
“Loko ka, pinagnanasaan mo pala ako.” Natawa siya. “Kelan pa?”
“Aba secret siyempre. Hindi ko pwedeng sabihin sa taong mukhang puwet.” Pang-aasar niya.
“Mukhang puwet pala huh.” At inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
Kunwari naman siyang umiiwas pero sa tingin ko nag-eenjoy siya. Hinayaan ko na lang na makaramdam siya nang ganun. Nang mapagod sa kakatawa, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Likas talagang hindi sanay ang bestfriend ko na tahimik ako kaya naman siya na ang nagkusang bumasag sa katahimikan.
“Dhen.”
“Hmmm?”
“Pwede isa pa?”
“Isa pa ang alin?”
At ngumuso siya sa akin.
“Ano ba yan ang hilig. Teka don’t tell me naaadik ka na sa mga halik ko. OMG!” Pinanlakihan ko pa siya kunwari nang mata.
“Ulol ka.” At tumawa siya. “Sige na Dhen.” Binigay ko na din ang hiling niya. Sobrang nag-eenjoy na akong kahalikan siya.
Naalala ko pa nuong high school kami na pilit kong itinatago sa kanya ang pagkatao ko. Na sa bawat tanong niya sa aking pagkalalaki ay laging ang isinasagot ko ay hindi.
Sa bawat pagtataas ng kilay ng mga kaklase at schoolmates namin dahil sa kakaibang closeness namin noon, siya ang laging nagtatanggol sa akin. Laging magkatabi sa upuan, sabay umuwi, magkatabi sa higaan pag may sleepover at minsan ay nagsusubuan pa.
Kami ang sentro lagi nang tuksuhan sa grupo namin. Ang tawag nga nila samin eh lovebirds. Kinikilig ako sa tuwing magkasama kami at sweet sa isa’t isa. Nakakatawa ngang isipin na minsan ako pa rin ang priority niya kahit na ba may girlfriend siya. Ako pa rin ang punu’t dulo nang alitan nila kaya naman ako na ang kusang umiwas sa kanya.
Naging malungkutin na siya simula noon. Naalala ko pa nga kung paano ako kinausap nung isa sa mga naging girlfriend niya. Halos mangiyak-ngiyak na yung babae dahil sa biglaang panlalamig sa kanya nang bestfriend ko. Hindi niya daw kakayanin na mawala ito sa kanya kaya siya nakikiusap sa akin.
“Arnel, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian sa kubo?” Seryoso kong sabi sa kanya.
“Bakit?” Malamig niyang tugon.
“May mga bagay tayong kailangang ayusin sa pagitan nating dalawa.”
“Okay.” At bumalik na ako sa nilipatan kong upuan.
Nang sumapit na ang oras, andudun na siya sa kubo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo. Umupo ako sa harap niya. Ilang minutong katahimikan. Nag-iipon muna ako nang lakas ng loob bago magsalita.
“May mga bagay na kailangang isakripisyo para maging matagumpay ang isang bagay at kasama na dun ang turingan natin.”
Tumingin siya sa akin at bakas ang lungkot. Hindi ko kaya na nakikita ang taong mahal ko na ganun pero kailangan kong maging firm at realistic.
“Arnel, ayoko mang gawin ang pag-iwas sa’yo pero kailangan.”
“Bakit kailangan mong umiwas?” Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha niya.
“Dahil may mga taong nasasaktan sa pagkakaibigan natin.”
“Si Nikki ba yang taong yan?”
“Hindi na mahalaga kung sino pa iyon pero gusto kong ipaintindi sa’yo na…”
“Na ano? Na nahihirapan ka? Na nasasaktan ka sa sitwasyong pinasok ko?” Nag-break down na siya nang tuluyan.
“Nasasaktan? Oo nasasaktan ako pag ang mga babae mo lumalapit sa akin at humihingi nang payo kung anong gagawin nila pag nararamdaman nilang nanlalamig ka sa kanila. Na sa tuwing umiiyak sila, ang laging bukambibig ay kung may iba ba na nagpapasaya sa’yo. Nakaramdam ako nang guilt alam mo ba yun?”
“Kung nasasaktan ka sa paglapit nila sa’yo bakit hindi ako ang kausapin nila?” Iritado niyang tanong.
“Dahil ayaw nilang marinig mula sa bibig mo mismo ang isang kasinungalingan na walang nagpapasaya sa’yong iba gayong iba ang pakikitungo mo sa kanila.” Hindi ko naiwasang medyo tumaas ang boses ko.
“Bakit nga hindi ako ang kausapin nila? Bakit ikaw?”
“Dahil ako ang BESTFRIEND mo!”
“Ang labo mo. Kung bestfriend nga talaga kita dapat nakikita ko ang pagsuporta galing sa’yo at hindi ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Alam mo bang ang sakit sa dibdib na hindi na tayo gaya nang dati?”
“Hindi na nga tayo gaya nang dati dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pilit mo mang itanggi sa sarili mo pero iyon ang dapat.”
“Hindi iyon ang nararapat Dhen. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos simula nung magka-girlfriend ako, nagbago ka na at nasasaktan ako sa pagbabago mong iyon. Alam mo, I missed my bestfriend! At alam mo kung ano ang mas masakit pa doon , I lost him!” At umalis na siya na lumuluha.
Hindi ko maiwasang mapaluha nang maalala ko ang malungkot na bahagi na iyon ng nakaraan namin. Nang muli ko siyang silipin ay mahimbing na siyang natutulog. Muli ko siyang hinagkan.
----------------------------------------------------------------------------------
“Good morning!” Bungad niya sakin ng imulat ko ang mga mata ko.
Tinakpan ko ang bunganga ko at bumati sa kanya. Natawa siya sa inasal ko. Napatakbo akong bigla sa banyo nang maramdaman kong sasabog na ang pantog ko. Nang mai-release ko na ang tension ay nakaramdam ako nang ginhawa.
“Halika na, kaen na tayo.”
Dumulog na ako sa hapag at dinaluhan siyang kumain. Parang bumalik ang mga masasayang araw naming dalawa. Nagsusubuan kami nang pagkain at ine-enjoy ang moment.
“Ano Dhen, sabay tayong maligo?” Aya niya sa akin.
“NO WAY!” Pagsalag ko sa alok niya. Tumawa naman siya.
“Andaya mo, hindi ko pa nakikita yang katawan mo samantalang ako ilang beses mo nang nakita. Unfair ito.”
“Unfair ka dyan. Tse! Hala sige, mauna ka nang maligo dali at ako ang susunod.”
Matapos maligo at makapagbihis ay naghanda na akong umuwi. Bitbit pa rin ang bag ko, umangkas na ako sa motor niya. Inutusan niya akong humawak ng mabuti at sumunod naman ako.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay namin. Agad kaming sinalubong ni mama. Bagama’t may kakaiba sa pagsalubong niya ay dineadma ko muna at inayang pumasok muna si Arnel. Naramdaman niya din ang ibang aura ni mama kaya hindi na siya tumuloy at nagpaalam ng umuwi. Hindi ko na siya pinigilan.
“Nasan ka kagabi?” Sumunod pala si mama sa kuwarto ko.
“Sa party.”
“Party? Bakit andito si Francis kagabi sabi ni ate mo at hinahanap ka eh magkasabay naman kayong umalis dito.” Hindi ako umimik.
“May ginagawa ka bang kalokohan?”
“Wala ma.” Depensa ko.
“Kung ganon, nasan ka kagabi?”
“Pumunta ako kila Arnel nagpasundo ako.”
“Nagpasundo? Bakit?”
“Eh nahihiya akong makitulog dun ma eh.”
“Bakit nung nagpunta dito si Francis malungkot siya? Anak, nag-away ba kayo?”
Umiling lang ako.
“O siya, grounded ka ngyong araw na ito.”
“Ma? Ang tanda ko na para ma-grounded.”
“Parusa mo yan sa pagsisinungaling mo.” At tuluyan na akong iniwan ni mama sa loob.
Ilang buntong-hininga din ang pinakawalan ko bago ko unti-unting pinilit na tanggapin ang kaparusahan ko. Sa totoo lang, wala din naman akong magagawa pag nagdesisyon na si mama. Siya kasi ang batas sa bahay.
Wala akong ibang ginawa sa maghapon kundi ang kumain, magluto, maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Napaka-domestic ng araw kong ito. Lalo pa akong nabagot ng wala man lang nagtext ni isa. Kaka-badtrip talaga.
Pinili ko na lang na mag-stay sa kuwarto ko. Isip-isip ng kung anu-ano.
“May bisita ka.” Si mama.
“Sino daw?” Pero walang tugon akong narinig kay mama kaya naman napilitan akng bumangon para harapin yung bisita ko. Nag-ayos muna ako nang gulo-gulo kong buhok bago tuluyang lumabas.
Ngiti ang sumalubong sa akin. Bagama’t may konting sakit pa rin akong nararamdaman sa puso ko, unti-unti naman itong tinatalo nang katotohanang nag-eeffort siya na puntahan ako rito sa bahay. Nagpaka-pormal ako.
“Hi!” Bati ko.
“Hello kuya. Kamusta ka na?”
“Hmmm, okay lang naman ako. Ikaw ba?” Pilit niyang itinago yung lungkot niya pero hindi niya napigilan.
“Kuya, sorry.”
“Ma, pwede ba kaming mag-usap sa kuwarto?” Sumagot naman agad ito. “Tara dun tayo mag-usap.”
“Sige po.” Tumayo siya at sumunod sa akin.
“Nga pala, juice or coke?” Tannong ko sa kanya.
Umiling siya.
“Water or coffee?”
Umiling ulit.
“Wala ka talagang gusto?”
“Meron.”
“Ano para maihanda ko muna bago tayo mag-usap.”
“Ikaw.”
Waaaaaaahhhhhh, natameme ako. Napatakbo ako bigla palabas. Tumungo ako sa kusina para magtimpla nang iced tea at makaiwas sa sinabi niya. Shet! Kinilig ako. (Hanglande lang!)
“Hala nakalimutan kong magdala nang pambara.” Pagpasok ko na pilit ibinabalik ang composure.
“Huwag na kuya gusto lang kitang makausap.”
“Ah okay, sabi mo eh.” Nate-tense ako. Ano ba yan. Para naman akong dalaga nito na nililigawan.
“Kuya…” hinawakan niya kamay ko. “…patawad sa nagawa ko kagabi.”
“Ikaw naman, lagi kang nagso-sorry kahit na hindi naman ikaw may kasalanan.”
“Mahal kita.”
“Alam ko.” Napatingin siya sa akin at namilog ang mga mata. “Ah, eh, nasabi mo kagabi.” Sabay bawi nang tingin.
“Wala ba akong pag-asa sa’yo kuya?”
“Hala, ibig sabihin ba nito…?”
“Oo kuya, nanliligaw na ako sa’yo.” Toinks, confirmed. Dalaga nga ako.
“Di ko alam paano magre-react Francis. First time ko.” Natawa siya sa huling sinabi ko.
“Huwag mong madaliin ang sarili mo kuya. Willing akong maghintay ng sagot mo.”
“Aaminin ko, gusto din kita. Gusto pa kitang makilala. Ilang beses na akong nasaktan sa mga nalaman at nakita ko sa’yo kaya naman siguro mas dapat na kilalanin muna nating maigi ang isa’t isa.” Sa wakas muli ko na namang nasilayan ang mga ngiting bumighani sa akin.
“Talaga kuya?” Napatayo siya at niyakap ako.
“Whoa Francis! Baka masanay ako at hanap-hanapin ko ito.” Sabay kalas sa yakap niya.
“Walastik ka kuya eh kung hahanap-hanapin mo yakap ko eh di text mo lang ako at yayakapin kita.”
“Palabiro ka talaga.”
“Ang saya ko, okay na tayo ulit.” Niyakap niya ako ulit. Hindi ko na siya sinaway pa. “Nga pala kuya, nagpaalam na ako kay tita na dito ako matutulog ngayon.”
“Wala na akong sinabi.”
At tumawa na siya ulit.
“Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa diyan ah.” Saway ni mama sa kabila nang pinto.
“Hindi naman ma. May nasabi lang kasi siyang nakakatawa kaya kami tumawa.”
Loko-loko talaga tong taong to. Sana makilala ko pa talaga siya. Napahiga siya sa pagod gayundin ako. Nang makalapat na ang mga katawan namin sa kama, hindi ko maiwasang hindi maghikab.
“Aga pa kuya inaantok ka na.”
“Hindi naman.” Nang tiningnan ko siya ay nakatingin lang siya sa kisame.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Napaka-gwapo niya sa kabila nang mga pimples na nag-trespass dito. Ang lips niya, hmmmm. Shet! Ang sarap halikan. Di ko napigilan ang sarili kong humanga sa parte na iyon ng mukha niya.
Namalayan ko na lang ang mga impit na ungol niya. Oo. Nilalapastangan ko ang mga mapang-akit na mga labi niyang iyon. Hindi naman siya gumawa nang anumang move para pigilan ako. Ang sarap ng feeling na hinahalikan siya.
“Francis.”
“Kuya.”
Tumingin ako sa mga mata niya at muling dinama ang ligayang dulot ng mga labi niyang iyon sa pagkatao ko. Gusto ko talaga si Francis, hindi naman siguro malayong mahalin ko na din siya. Mabait siya, guwapo, matalino, active sa school, may kaya sa buhay. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya? All-in-one na nga siya eh kumbaga kumpletos rekados.
Ngunit…
(itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment