“Here.”
Sabay abot sa kanya nang towel.
“Sige kuya una na ako mag-shower huh.”
Habang naghihintay sa pagbabalik ni Francis ay nahiga muna ako at nagmuni-muni. Hindi ko maintindihan bakit lahat na lang mga taong nagmamahal sa akin eh palaging hindi ganap na pwedeng maging akin. Masyado ba akong hopeless romantic at lahat na lang ng nagpapakita nang pagkagusto sa akin ay nagugustuhan ko na rin? Hindi kaya nagiging unfair na ang tadhana sa akin.
Si Arnel na naging best friend ko simula pa lang nung high school. Siya na nakapalitan ko nang ilang malalambing na mga sandali ngunit hindi maging ganap dahil siya ay takot sa ama niyang sundalo kaya mas pinili ang ‘tuwid’ na daan. Ngayon, heto si Francis. Very vocal naman siya sa pagsasabing gusto niya ako at dahil dun nagustuhan ko rin siya. Kagaya nang kay Arnel, may hadlang din sa aming dalawa, si Jie. Hays, hindi ko na alam gagawin ko.
Nagulat na lang ako sa mga bisig na pumulupot sa akin.
“You look scared kuya.” Sabay tawa.
“Loko ka kasi eh. Bakit ka naman nanggugulat?”
“I’m not masyado ka lang preoccupied.”
“Preoccupied? Siguro nga.”
“Ano ba kasi gumugulo sa’yo? Care to tell me?”
“Hindi pa ako sigurado kung magsasalita ako ngayon sa’yo but I just want you to be here with me. Don’t leave me.”
“What are you saying kuya?”
“Masakit ang maiwanan Francis, I tell you.”
“Hindi kita maintindihan.”
“You don’t have to.”
“Ang labo mo.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin.
“Uto! Hala, magsa-shower muna ako.”
Bago ako lumabas ng kuwarto ay tiningnan ko muna siya. Mukhang malalim din ang iniisip.
Sa ngayon, napagpasyahan kong hayaang ipaanod sa tubig ang lahat ng mga bumabagabag sa akin. Naisip kong walang saysay na ipagtabuyan si Francis gaya nang ginawa ko kay Arnel. Tama na ang minsang nagkamali ako.
Pagbalik ko ay nakahiga pa rin ito at mukhang sarap na sarap sa pagtulog. Matapos magbihis ay nilapitan ko ito.
“Francis, I’m so happy that you came into my life. You brought me happiness that only you can give. I know na in the near future, magkakaroon tayo nang mga pagtatalunang bagay habang lumalalim ang pinagsamahan natin but let me assure you this mahal na kita.” ‘But I can’t promise you na magiging tayo.’ Sigaw ng isip ko. “Let’s cherish everything we had. Huwag tayong magmadali. Ayokong isang araw maging stranger na tayo sa isa’t isa.” And I gave him a kiss.
Tumabi na ako nang higa sa kanya sa kama. Maya-maya pa ay yumakap na ulit ito sa akin. Nang sipatin ko ang mukha nito ay naaninag ko ang ngiti sa mga labi nito.
--
“Dhen!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngayon ay papalapit na ang taong sanhi nang paglayo ko kay Arnel.
“Oh Jessa!”
“Hi! Are you busy?”
“Uhm, not really. Why?”
“Let’s have snack together.”
“Sure. I’ll just fix this.”
“Take your time.”
Bakit ganun, it’s so sudden na lumapit ito sa akin. Ayokong mag-isip na may kailangan ito sa akin but I can’t help myself na this has something to do with him.
“Okay let’s go.”
Dumiretso na kami sa cafeteria. Usually, hindi ako kumakain dun dahil kapitbahay lang naman namin ang school aside sa mahal ang billihin dun. Matapos maka-order ay agad nang nagsimula si Jessa.
“How are you?”
“Doing just fine. Ikaw?”
“Great! Uhm. . .” Medyo napansin kong may gusto siyang sabihin but hindi niya magawa-gawa.
“Is there something you want to ask me?”
Tumango lang ito.
“Okay ka lang ba?”
“Yeah.”
“Ano nga pala itatanong mo?”
“Ano mo si Arnel?”
I’m dumbfounded.
“Ano? What do you mean?”
“Huwag na tayong maglokohan dito. I know there’s something about you two.”
I kept my silence.
“Pansin ko kasi na iba ang closeness niyo. You care a lot sa isa’t isa and most of the time lagi kang bukambibig nun na kesyo ganito, ganun. Sometimes nga pinagseselosan na kita pero iniisip ko na lang na magbest friends kayo and normal lang iyon. Pero lately pansin ko ang pagiging tahimik niya. Yes we go out on dates pero parang ang layo nang iniisip niya. Naba-bother ako lalo pa nang minsang nasabi niya na huwag ko raw mababanggit pangalan mo. Then one time, nagsasalita siya habang tulog at ang sabi Dhen don’t do this to me. Ngayon sabihin mo sa akin, ano mo siya?”
Bigla akong pinanlamigan. Nakakaramdam na kaya ito?
“Best friend.”
Simpleng sagot ko. Walang anu-ano ay bigla niya akong sinampal. Nagulat ako.
“What the?! Bakit mo ako sinampal??”
“Pinagkatiwalaan kita. I never thought na papatol si Arnel sa mga kagaya mo. I’m expecting this ,that you’ll deny having an affair with my boyfriend.”
“Dahil yun ang totoo.”
“No it’s not. You can’t fool me. You can’t FOOL ME! Akala mo hindi ko pansin? Nung una pa lang kitang makita, I knew already na bakla ka. Kahit ipangalandakan mo sa buong mundo na hindi ka bakla, nararamdaman ko. What’s so special about you eh wala ka namang dapat ipagmalaki dahil kahit kailan hindi mo siya mabibigyan ng anak. You’re dreaming if maagaw mo siya sa akin?” Nag-iba bigla ang tahimik at mabait na si Jessa.
She’s starting to get on my nerves. Ayoko makipagtalo dahil una nasa public kami pero her words are enough to make me to do so.
“You know what? Insecurity kills.” Sabay tayo ko at alis ng cafeteria.
Bago ako makalabas ay narinig ko pang tinawag niya akong BAKLA. Gusto kong umiyak pero ayoko naman ipangalandakan sa lahat na talunan ako. Ayoko naman masyadong i-down sarili ko. Tama na yung mga sinabi ni Jessa sa akin.
Siguro nagawa niya yun dahil sa nasasaktan siya pero tama ba namang saktan ako? Umiwas na ako. Lumayo pero bakit kailangan pa akong habulin? Dumiretso ako nang banyo at nagkulong sa isa sa mga cubicles. Doon, inilabas ko lahat ng hinanakit ko. Hindi ko na napansin ang takbo nang oras. Pag-check ko nang phone ko, tadtad ako nang text messages galing sa mga kaibigan ko. Tinatanong kung bakit absent daw ako. Hindi ako nagreply.
Paglabas ko nang cubicle ay laking pagsisisi ko dahil sa nasa loob din si Arnel. Pagkakataon nga naman.
“Dhen, umiyak ka?”
Umiling lang ako. Niyakap niya ako bigla. I pushed him away, alam ko napahiya siya.
“Anong problema?”
I composed myself.
“Leave me alone.”
Nakita ko sa mga mata niya ang pagkahabag sa akin.
“Huwag mo akong kaawaan! I don’t need those. I told you to stay away from me.” Pangtataboy ko sa kanya.
“But Dhen kailangan mo ako.”
“HINDI KITA KAILANGAN!!!”
Gulat siya sa naging reaction ko. Bago pa man siya muling magsalita ay tuluyan na akong lumabas ng CR.
Just imagine the heavy day with matching rains. Grabe, it sucks! I’ve seen this in movies and I can’t believe na mangyayari ito sa akin. I stayed in the rain long enough to feel its comfort. Napaupo ako sa isang bato dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
“Huy girl, anong emote mo dito at nagpapakabasa ka?”
“Febbie!” At napayakap ako sa kaibigan ko. Wala itong pakialam kahit mabasa man ito. She hugged me back.
“Anong nangyari?”
“Marami.”
“Umpisahan mo na.”
Mag-uumpisa na sana akong magkuwento nang mag-alburoto yung tiyan ko. Napatawa kami bigla.
“Hala, tara uwi muna tayo at ng makameryenda ka saka ka magkuwento. Dami mong pinagdadaanan ngayon eh.”
“Sinabi mo pa. Teka si Xyza?”
“Sinundo ni Ruben?”
“Oohh, may session pala sila ngayon.”
“Yeah.”
“Oh ikaw, bakit ka nandito? Paano mo ako nakita?”
“Kasi nagpunta ako sa CR kanina tapos nakita ko na may taong nagpapaulan sa may baba. I just knew na ikaw iyon kaya naman agad kong kinuha payong ko then hayun Coco Crunch!”
“Talagang naisingit ang Coco Crunch eh.”
“Naman. Gutom na rin kasi ako girl eh.”
“Hindi halata.”
At sabay pa kaming tumawang dalawa.
“Mamaya, punta raw si Xyza sa bahay niyo. Jamming tayong tatlo. Nagpabili ako nang iced tea tsaka pulutan.”
“Ambilis naman ng mga kamay mo at naitext mo agad si Xyza.”
“Ako pa.”
“Teka nga, iinom kayo sa bahay namin? Respeto naman. Walang umiinom dun.” Sagot ko.
“Gaga, anong inom? Food trip tayo mamaya habang ume-emote ka.”
“Ah ganun, so ako pala ang main course? Eh bakit hindi na lang kayo ang magchikahang dalawa at matutulog na lang ako.”
“Sorry ka hindi pwede yun. On the way na raw siya eh.”
“Walastik. Baka gusto niyo na ring magdala nang bihisan niyo at dun na rin kayo matulog mga nyeta kayo.”
“Ay oo nga. Teka, hatid kita sa inyo then uwi ako saglit kukuha lang ako nang bihisan ko.”
Nagsisi pa ako dahil sa sinabi kong iyon. Dapat hindi na lang ako nagsalita pero salamat pa rin sa mga ito dahil ready sila laging makinig sa mga kadramahan ko.
Gaya nang sabi niya, matapos akong maihatid ay umuwi agad ito para kumuha nang mga damit niya. Wala pang isang oras ay halos sabay na dumating yung dalawa. Agad ko naman silang pinapasok.
“Idiretso niyo na mga gamit niyo sa kuwarto.” Sabi ni mama.
“Okay po tita.” Sabay na sagot nung dalawa.
“Oy girl, bakit nasaan yung kama mo?” Gulat na tanong ni Febbie dahil carpet tsaka comforter lang ang nasa kuwarto.
“Inilabas ko muna. Ayoko namang sa kama ko kayo tapos ako sa lapag? Aba, wala nang gentleman ngayon lalo pa sa inyo.” Seryoso kong sagot.
“Nyeta ka talaga kahit kalian. Ah basta sa akin yung kulay pink.”
“Alam ko, kay Feb naman yung may pagong na print.”
“Ambait mo talaga girl kahit kalian.” Sarcastic na sabi nito.
“Thank you.”
At ibinaba na nga nila mga gamit nila.
“Teka, ano yang dala niyo?”
“Pagkain tsaka iced tea.”
“Hindi yun, ayan oh.” Sabay turo sa isang boteng nakatago sa may likod ni Xyza.
“Ah eto ba? Mag-spin the bottle kasi tayo later.”
“Patingin nga?”
Nanlaki mata ko nang makitang Red Horse pala yun at ang matindi grande pa.
“Mga gago talaga kayo. Sabi ko di ba hindi tayo iinom? Alam niyo naman na hindi ako umiinom ng ganyan.”
“Eh di wag kang makiinom. Sa amin na lang ito ni Febbie, di ba girl?”
“Hay naku, basagin ko pa sa mga ulo niyo yan eh.”
Tumawa na lang yung dalawa.
“Mag-uumpisa na ba tayo?”
“Teka saglit, magluluto lang muna ako.”
“Girl, wag seafoods huh.” Pareho kasing may allergy yung dalawa run.
“Sure!”
“Ano bang iluluto mo?”
“Pusit.”
Kita kong napangiwi si Xyza samantalang nanlaki ang dati nang may kalakihang mata ni Febbie.
“Girl, okay na kami rito wag ka nang mag-abala.” Biglang bawi ni Xyza.
Natawa na lang ako sa reaction nila. Tuluyan na nga akong lumabas para magluto.
“Tagal ka pa ba diyan?”
“Pwede naman siguro maghintay Xyza di ba?”
“Nagtatanong lang garampang (malandi)!”
“Gutom ka na? Umpisahan niyo na nang makatulog na kayo.”
“Partakam kitdi (Bilisan mo)!”
“Okay.”
Kakapasok ko lang sa kuwarto nun dala yung niluto ko nang tawagin ako ni mama dahil may bisita raw. Agad ko naman nilatag yung niluto ko bago ko hinarap yung bisita.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Can we talk?”
“Para saan?”
“Sa nangyayari sa’yo.”
“Bakit? Hindi ba sabi ko sa’yo layu---“
“Pagtatabuyan mo na naman ako?”
“Bakit hindi mo papasukin yang bisita mo?” Walastik talaga timing ni mama.
“Opo ma.” Wala sa ilong na sagot ko kay mama. “Pumasok ka raw.”
Pumasok naman siya. Umupo muna ito sa sofa. Pumasok naman ako saglit sa kuwarto para tingnan yung dalawa.
“Hoy mga durbab (matakaw), hindi ulam yan! Mga buwisit kayo at talagang kumuha pa kayo nang kanin huh!”
“Nagutom kami girl eh tsaka ang sarap kasi nito.”
“Sige marami pa sa kusina. Tinadtad ko nga nang hipon yan eh.”
“Keber!” Sabi pa nung dalawa.
“Sino pala bisita mo?”
“Si Arnel.”
“Talaga?” Sabay tayo ni Xyza at lumabas ng kuwarto.
Natawa ako sa hitsura nito na puno ang bibig tapos may kanin kanin pa. Ano kayang reaction ni Arnel pagkakita dito? Can’t wait.
Paglabas ko, nag-uusap yung dalawa. Dumiretso muna ako sa kusina para lagyan ulit yung bowl. Pagdaan ko sa sofa wala na yung dalawa yun pala nasa kuwarto na.
“So it seems may bago tayong ka-jamming. Welcome pare.” Sabi ni Febbie.
Ngumiti lang ito. Waring nahihiya pa.
At umupo na ako paharap sa kanya. Katabi ko sa kanan si Xyza, si Febbie sa kaliwa. Inumpisahan na naming magkuwentuhan, bangkaan. Nakakamiss pala yung ganito. Wala pa naman akong napapansing paparating na confrontation. All’s flowing smoothly. Nang medyo nalalasing na yung tatlo, dun na nag-umpisa ang lahat.
“So girl, anong emote mo kanina sa ulan?”
Nanlaki yung mata ni Xyza samantalang may pag-aalala sa mukha ni Arnel. Hindi ako lasing at hindi ako nakiinom kaya kaya ko itong lusutan.
“Ah yun ba? Wala naman. Gusto ko lang maligo sa ulan.”
“Boo! Maligo sa ulan mo your face.” Si Xyza.
Tahimik pa rin si Arnel.
Bumuntong hininga muna ako. Sinimulan ko nang magkuwento. Maingat ako sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig ko. Ayoko namang palabasing masama si Jessa sa harap ng bf nito. Takot ko lang na maresbakan. Para akong nasa talk show dahil nasa hot seat ako. Puro sila pilit na sabihin ko raw kung sino iyong babaeng iyon pero ang sagot ko na lang eh hindi ko kilala. Hanggang sa dumating sa point na iniiwasan kong mangyari.
“So hindi mo talaga sasabihin yung name?”
“Hindi ko kilala eh.”
“Okay.”
“Mababaw na reason yun kung bakit ka nagpaulan kanina.”
Tahimik ako. Nakikiramdam. Hindi ko alam kung sasagot o hindi.
“Dahil sa akin.” Walang pakundangang sabi ni Arnel.
Sabay na tumingin yung dalawa kay Arnel.
“What do you mean dahil sa’yo?” Tanong ni Febbie.
“Nasa CR ako kanina nang lumabas siya sa cubicle. Kagagaling niya lang nun sa iyak. Nung sinubukan kong mag-offer ng tulong, pinagtabuyan niya ako then nagkaroon kami nang pagtatalo at ayun na.”
“Nag-away na naman kayo?”
Tumango lang ito pero ako tahimik lang. Mas ninais ko na lang na uminom ng iced tea.
“Anong pinagtalunan niyo?”
“Tinanong ko kung bakit siya umiyak pero hindi siya sumagot. I insisted pero pinagtabuyan niya ako.”
“Dahil ayoko nang dumagdag ka pa. Masyado nang maraming nangyayari sa akin at nakakapagod na.” Hindi ko na napigilang hindi magsalita.
“Then why ask me to leave? You know I can help.”
“That’s the least you could do to help me.” Malungkot kong sabi.
“NO! Kung dati hindi kita nagawang panindigan, this time I’ll do everything to win you back.”
“Everything you said? Kaya mo bang ipagtapat sa tatay mo na you’re into guys? Kaya mo bang ipangalandakan sa lahat na ako ang pinili mo? At lalong lalo nang kaya mo bang saktan si Jessa just to please me?” Sunod sunod kong tanong.
Tumahimik siya.
“I expected this from you Arnel, you’re as coward as before.”
“I’ve changed.”
“Really? Since when?”
“Since the day you told me not to hinder your way.”
“Why? I didn’t ask you to change for me!”
“Because I have to.”
“Because you have to?”
“Oo dahil I’m so lost without you. I’m not the same person as to when I’m with you.”
“Stop it! I don’t want to listen.”
Pero hindi tumigil ang mokong.
“I want to bring back the times when you’re still mine.”
“I was never yours damn!” I was starting to turn red at mukhang nag-eenjoy ang dalawa sa nakikita nila sa akin. Pangiti-ngiti sila.
“Bakit kayo ngumingiti ngiti dyan. Is there something funny?”
“Meron.”
“Ano??”
“Ikaw!!!” Sabay tawa nang dalawa.
“Fuck you both!” Lalo lang tumawa yung dalawa napansin ko rin naman ang mga ngiti ni Arnel.
“And you, why are you smiling?”
“You’ve never changed Dhen.”
“You want me to change? You should be ready for that.” May banta sa boses ko.
“But Dhen, I’m just joking.”
“This isn’t the perfect time for you to throw a joke on me. You knew how much I HATE you!”
Then suddenly, he bursted. Umiyak siyang bigla. That’s the first time I saw him cried na wala nang bukas. He tried to hide his face away pero hindi niya magawa. Natahimik naman yung dalawa sa kakatawa dahil doon.
Nakonsyensya ako sa nangyari pero I have my grounds. Pag inalo ko siya, lalaki na naman ulo nito at iisiping okay na kami ulit and I won’t let it happen… for now.
Nang medyo nagpacify siya nang konti, nagulat na lang kami nang kinuha niya yung bote nung Red Horse at tinungga yung natira. Medyo may karamihan pa iyon kaya naman lahat kami napa-woah sa ginawa niya.
Pinigilan namin siya pero ayaw patigil. Nag-aalala rin ako sa kanya dahil baka mapaano siya.
Napahinto si Febbie and Xyza sa sumunod kong ginawa. Inagaw ko yung bote sa kanya at agad siyang hinalikan sa labi. Natapon yung laman nun sa amin gawa nang marahas kong pag-agaw dito. Kumapit siya sa batok ko at idiniin pa ang mga labi ko sa kanya. Hindi ako lasing or ano pero this is something what my heart’s been longing for. Agad din akong bumitaw at agad bumalik sa upuan. Tulala siya sa ginawa ko pero nagawa niyang ngumiti.
Napapalakpak naman yung dalawa naming kasama sabay sabi nang live show.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Arnel at tumabi na sa akin. Papakipot pa ako na kunwari ayaw ko siyang makatabi pero nung inakbayan niya ako hindi ko naman magawa itong tanggalin. Kinikilig naman yung dalawa sa postura namin.
“Dhen, I have to tell you something.” Si Arnel.
(itutuloy…)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
this is the moment of Truth go na arnel! IPAGLABAN na yang nararamdaman.
ReplyDeleteGo rin writer ganda ah.