Followers

Tuesday, June 7, 2011

Love Me Like I Am (Character Info's)

Pasensya na po kung medyo natagalan ang mga sumunod kong post.
Sa ngayon eto pa lang po ang kaya kong ipost gawa ng sobrang dami ko pong ginagawa.
By Sunday po (Manila Time) ipopost ko na po ang Part 1 (Book 2) ng "LMLIA"

Anyway, kung meron po kayong mai-susuggest na picture ng 6 main characters na sa palagay niyo po ay bbaagay sa kanila, well.. paki-email na lang po ako.. LOL XD!!!


Ay muntik ko ng makalimutan!! Since natutuwa ako sa mga kantang naka-line up sa book 2, bibigyan ko po kayo ng DALAWANG kanta bilang patikim! Wahahaha!!! Wala lang po, ang dami kasing magagandang kanta ehh at natutuwa lang talaga ako.. Kaya ayan!!

Muli, salamat po sa lahat-lahat ng bumasa at sumuporta ng unang libro, sana sa pagtawid natin sa ikalawang libro ay suportahan niyo pa rin ang Storya ko. Muli, maraming Salamat!!!

~ Gab / Bebe Ga / White_Pal


==========

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com


Character Description:

FULL NAME: Gabriel Alvarez Montenegro / Erick Uriel Alvarez

NICKNAME:

Book 1: Gab / Gabby / Bebe Gab

Book 2: Erick

AGE:

Book 1: 14-16 years old

Book 2: 19 years old

INFO:

Book 1: Mabait, Inosente, Conservative, positive thinker, Yan si Gab. Kahit sinasaktan na hindi pa rin lumalaban. In short martyr. Buong buhay siya nanlimos ng pagmamahal kaakibat ang pagtanggap sa kanya ng iba. Sa pagdating ng isang tao, hanggang saan niya kayang mahalin ito? Magsasakripisyo ba siya sa para sa kaibigan? O ipaglalaban ang pagmamahal na meron siya?

Book 2: Fierce, Walang inuurungan, yan ang pagkakakilala ng mga tao kay Erick. Sa kabila ng pagiging batong puso nito ay nakatago ang isang mabuti, at dating sarili na mahal ng pamilya, at mga kaibigan niya. Sa pagkrus ng landas niya at ng kanyang minamahal, mabago kaya ang kanyang pananaw at muling mabuhay ang namatay na sarili? O tuluyan na siyang kakainin ng sariling galit? Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang poot at ano ang magiging resulta nito? Makamit pa kaya ni Gab / Erick ang totoong kaligayahan?

PHYSICAL:

Book 1: Maputi, May itsura kaso hindi marunong mag-ayos, may pagka-chubby, hindi maayos ang pananamit.

Book 2: Maputi, Gwapo, Medium Built ang katawan, Astig ang dating at Pananamit.

HEIGHT:

Book 1: 5’4

Book 2: 5’8

QUOTE:

Book 1: “Ako'y nanlimos ng pagmamahal, pagmamahal mula sa ibang tao. Ngunit isa lang ang hiling ko. Isang taong magmamahal sa akin ng totoo, yung mamahalin ako ng buong-buo. Ngunit sa pagdating ng taong ito, Pwede ba kami? Matatanggap ba ng tao ang relasyon namin? At higit sa lahat, Kaya ko pa bang magmahal? Kung ako mismo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba?”

Book 2: "Lahat ng Sakit ay dinanas ko, Lahat ng pang-aalipusta ay naranasan ko, lahat ng pagpapa-hirap mula sa ibang tao, natikman ko. Kahit sa TAONG MINAHAL KO NG SOBRA, TINRAYDOR AKO. Ngayon, Oras na PARA PAGBAYARIN ANG DAPAT MAG-BAYAD. ORAS NA PARA MANINGIL. ORAS NA PARA ITUMBA ANG MGA TAONG PUMATAY SA DATING AKO."

==========

FULL NAME: Jared Earl Cruz

NICKNAME: Jared / Jar-jar

AGE: Book 1: 16-18 years old

Book 2: 21 years old

INFO: May paninindigan siyang sabihin ang mga nararamdaman niya. Pero kaakibat nito ang takot na pumapaloob na mawala ang mga bagay na nasa paligid nya. Lalo na ang mga pinahalagahan niya at binigyan niya ng pansin. Sa likod ng katangiang meron siya, kapalaran at pagkakataon ang naging pinakamalaking-balakid para ipaglaban at panindigan ang ninanais ng puso niya. Sa pagbabalik ng kanyang minamahal, magawa na kaya niyang ipaglaban ito hanggang sa huli? Maibalik kaya ng pagmamahal niya ang dating pagkatao ni Gab?

PHYSICAL LOOKS: Gwapo, Maputi, Matangkad, Well built ang katawan, Proportion ang katawan, Sakto lang kung manamit pero WOW! Kahit ano kasi suotin ay nagmumukha pa ring artista.

HEIGHT: 6 ft.

QUOTE:” Isang tao lang ang laman ng puso ko. Isang tao lang ang minahal ko ng ganito, at alam ko, kahit kami'y magkahiwalay, siya at siya lang din ang hahanapin nito. Kaya ko siyang ipaglaban kahit kanino, kahit sa pamilya niya, at kahit sa buong mundo.”

==========

FULL NAME: Angela Martinez / Angel Rose Martinez Cruz

NICKNAME: Ella

AGE: Book 1: 14-16 years old

Book 2: 19 years old

INFO: The Perfect Girl. Nasa kanya na ang lahat; Ganda, talino, at mabuting puso. Pero merong isang bagay na hindi niya makuha, ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Si Ella ang tipong handang magskaripisyo at magparaya para sa kanyang minamahal. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para lumigaya ang kanyang Mahal kahit alam niya sa huli na siya ang masasaktan.

PHYSICAL LOOKS: Maputi, Maamo ang mukha, Mala-anghel ang Ganda, Sexy, Simple ang pananamit.

HEIGHT:5’6

QUOTE: “Mahal na mahal ko siya, handa kong gawin ang lahat para sa ikaliligaya niya, handa akong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan, makita lang siyang masaya..”

==========

FULL NAME: Elyana Mae Ynares

NICKNAME: Ely

AGE: Book 1: 14-16 years old

Book 2: 19 years old

INFO: Mabuting kaibigan, maaasahan sa problema, at taga-pagtanggol. Pero pagdating sa pag-ibig, hindi niya hahayaang mapunta ang kanyang minamahal sa iba, kahti sariling kaibigan pa ito. Kaya niyang isakripisyo ang pagkakaibigan para lang mapasakanya ang kanyang minamanahal. Matuto na kaya siyang magparaya kapag nalaman niya ang isang lihim na gugulat sa lahat?

PHYSICAL LOOKS: More on Mestisa side than Morena side, Maganda, Sexy, Sexy din ang pananamit

HEIGHT:5’6

QUOTE: “Mabuti akong kaibigan, mapagbigay at kanilang tagapag-tanggol.. Ngunit kapag puso ang pag-uusapan, Ipaglalaban ko ang taong mahal ko, hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba, kahit sariling kaibigan at kadugo ko pa ito.”

==========

FULL NAME: Stephanie Aragon

NICKNAME: Steph

AGE: Book 1: 14-16 years old

Book 2: 19 years old

INFO:Ganda, talino, magandang imahe, at yaman. Yan si Steph. Sa panlabas na kaanyuan. Sa kabila ng positibong katangiang ito ay isang negatibong katangian naman ang kanyang taglay; Mayabang, Masama, Walang awa, at mapaghangad. Yan ang panloob na katangian ni Steph. Kaya niyang wasakin ang buhay ng iba para lang makuha ang gusto niya. Sa kabila ng lahat ng ito ay isang matinding kalungkutan ang kanyang dinadala na naging sanhi ng kanyang kasamaan. Hanggang saan aabot ang kanyang kalungkutan pati na rin ang kanyang kasamaan?

PHYSICAL LOOKS: Maputi, Matapang ang Mukha pero Maganda, Sexy, Elegante ang style ng pananamit.

HEIGHT: 5’10

QUOTE: “Nasa akin na ang lahat ng bagay; Ganda, talino, yaman. Ngunit hindi pa rin ito sapat, hindi ako kuntento. Gusto kong mapasa-akin ang isang tao. Ang perpektong tao na ito na bubuo sa akin. Gagawin ko ang lahat, kahit sumira ng buhay, mapasa-akin lang siya.”

==========

FULL NAME: Michael Ace Alvarez

NICKNAME: Ace

AGE: Book 1: 18 years old

Book 2: 21 years old

INFO: Gwapo, Mabait, Mayaman, Responsable, at tinitingala ng lahat, Yan si Ace. Pero sadyang totoo ang kasabihang "You Can't have it All". Dahil kahit kasama na niya ang taong mahal niya ay di pa rin siya magawang mahalin nito ng buo. Kaya niyang ibigay at isakripisyo ang lahat, mahalin lang siya ng taong ito, kaya lang bigo pa rin siya. Makakamit kaya niya ang pagmamahal na ninanais niya? O sa ibang tao niya ito matatagpuan? Hanggang saan ang kaya niyang ibigay kay Gab?

PHYSICAL LOOKS: More on Mestiso side than Moreno side, Gwapo, Well Built ang katawan, Maganda manamit.

HEIGHT: 5’11

QUOTE: “Binigay ko ang lahat sa taong aking minahal, ngunit kailan ako makakatanggap ng pagmamahal mula sa kanya?”

==========

Dalawang Kanta na kasama sa Book 2.. Patikim ba?? Wahehehe..

videokeman mp3
Thinking of You – Katy Perry Song Lyrics

Eto pa:


9 comments:

  1. Kung may time po kayo, gusto ko pong madinig ang feedback ng mga readers regarding sa 2 kanta na linagay ko dito. :)

    ReplyDelete
  2. Ganda ng songs! Puro masasakit sa puso!

    Now I have idea kung ano ang magiging takbo ng book 2. I think dapat maghanda na ako ng sandamukal na tissue para dito :)

    Lalo ako na-excite author! Post mo na po kasi!

    ReplyDelete
  3. Huhuhuhuhu!!!!!
    Author, naiyak naman po ako sa 2 kanta...
    Parnag ngayon pa lang naiimagine ko na ang PAIN ni Gab at Jared T_T

    Post na po pleeeeaasssee????

    ReplyDelete
  4. Infairness kay Bebe Gab ah... In 3 years time, TUMANGKAD SIYA!!!
    From 5'4 to 5'8!!! Bongga!!!

    Regarding sa song, tinamaan ako dun!!!

    White_Pal, please post niyo na po!!! atat na atat na ako!!!!!!

    ReplyDelete
  5. WOW! Gwapo't matangkad na si Bebe Gab!!!
    Idagdag pa na astig daw siya manamit! Shocksss!!!

    dumoble tuloy ang excitement ko!!!!

    Pwede ipost na mamaya? hehe.

    - Rein

    ReplyDelete
  6. Parate po akong sumusubaybay at hinihintay ang bawat chapter ng kwentong ito po... kaya sana wag na patagalin, hehe (Demanding ba?)... sana po ma post na, i'm too excited to wait, ahaha.... and i'm too aggressive to just wait and sit all day waiting for the exact day that the First Chapter of the Second Book would be posted... :D

    Please po... POst n'yo na po... nanggigigil na po me... hehe


    --->midnight_crasher (a.k.a KeOrDia)

    ReplyDelete
  7. uhhmm anu katapusan anak ba ni jared yun ?????

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails