Followers

Thursday, June 2, 2011

EXCHANGE OF HEART pt16



Ang mga sumusunod po na pangalan ay mga taong walang sawang sumusubaybay sa EXCHANGE OF HEART. Ipagbigay umanhin nyo po if hindi ko po ma bangit ang mga pangalan ng iba dito.

Mars,

Half,

Jojo Pabon

Russ,

Eortiz,

Carl_lb2001,

E.O.G,

Luhter,

Ako_si_3rd,

Margee,

Dark Boy,

Roan, Oel,

Royvan24,

Reuel, Flush bomb,

Xander,

Edrich,

Lester,

Chack,

Nat Breean,

Bryan,

Eloisa,

Jhe em,

Mike,

Jasper Paulito,

Mico,

aR,

Wastedup,

HeartGoddest,

JD,

JAJA,

Aang,

Edgar,

Karljay,

Lean Noverro,

Zenki,

306,

Emray08,

Andrei yu,

Fayeng,

Han yu,

Lond Kimi

Kearse

At syempre kay ANONYMOUS na walang sawang pag comment! Ahahahahaha!

Taos puso po akong nag papasalamat sa inyong lahat at sinusuportahan nyo po ang aking OBRA! At syempre kay KUYA MIKE JUHA na aking naging inspirasyon sa pag susualt MARAMING MARAMING SALAMAT!


----------------------------------------------------------

By: Gelo

Umuwi ako ng bahay na tuliro, sobrang balisa ang isip ko nung oras na iyon parang lumulutang sa ere.. pabalik balik sa isip ko kung hangang kelan sya sa probinsya nila parang gusto kong sabihin na wag nalang syang pumunta at sabihin sa kanya na hindi na ako galit na bati na kame pero hindi talaga eh ang hirap!! PUNYETA NA PRIDE to eh!!

Ng makarating ako ng bahay, laking gulat ko ng may makita akong madaming bagahe ng mga damit. Andun ang lola,pinsan ko at isang babaeng hindi ko kilala may mga edad na 30 na ata.

“anong meron dito nay?” taong ko sa lola ko.

“halika muna dito, dito natin pag-usapan.” At dinala ako ng lola ko sa taas at dun kame nag usap. Medyo kinakabahan ako sa sasabihin nya, bakit kailangan pa nya akong dalhin sa taas upang hindi marinig ng iba ang sasabihin nya.

“ganto yan.. wag ka masyadong magugulat ha??” maingat nyang sabi.

“oh ano ba yun nay?? Kinakabahan naman ako sa tono ng boses mo.”

“ahmm.. yan ang bagong babae ng papa mo..” parang nag babaan ang lahat ng dugo ko sa katawan at parang namutla sa narinig.

“ha? Ano nay?”

“oo, babae yan ng papa mo at balak ng papa mo dito daw titira satin.”

“hindi pwede nay! Papayag nalang ba kayo na ganun ganun nalang?” galit kong sabi, medyo tumataas na ang boses ko.

“shhh.. wag kang maingay baka mrinig tayo sa baba.. eh wala tayong magagawa, pare parehas tayong pinapakalamon lang dito sa bahay ng papa mo.”

“kung kayo nay wala! ako meron!” sabay deretso ko sa kwarto ko at binaksak ko ang pinto ng sobrang lakas para marinig sa baba!

Nawala sa isip ko ang huling tagpo namin ni louie sa sobrang galit ko! Sobra na talaga ang papa ko, sinabihan ko na sya if maulit na may babae sya ulit ako na ang mawawala sa kanya! Ng biglang pumasok sa isip ko. “tama! Bibigyan ko ng leksyon ang papa ko! Lalayas ako ng bahay tignan natin kung hindi sya matinag kung mawala ang pinakamamahal nyang anak!” kaya agad agad akong nag impake ng mga damit ko. Ng matapos ako mag impake napatigil ako saglit at naupo sa kama ko.

“eh?san naman ako pupunta? Kung kila ninang naman napakalapit madali akong matagpuan, naglayas pa ako diba?tapos wala pa akong pera! San ako pupunta nito?” habang nasa ganung pag-iisip ako ng pumasok sa isip ko.

“kung sumama kaya ako kay louie?”sabi ko sa isip ko lang.

“hindi!hindi! hindi pwede! Pero? Wala na talagang ibang paraan eh? Kung hindi ako sasama sa kanya?san naman ako pupunta?haaaays.. sige na nga! Bahala na!” matapos non inayos kona ang iba ko pang gamit at natulog ng maaga dahil balak ko gumising ng 4am ng madaling araw para pag alis ko walang nakakaalam.

Tulad ng napagplanuhan, maaga akong nagising at alas kwatro ako umalis ng bahay. Tulog pa ang lahat! Bitbit bitbit ang mga bagahe ko habang nag lalakad papuntang bahay nila louie nakalimutan ko ang phone ko sa kwarto binalak ko sanang bumalik pero mas maganda na ata na iiwan ko para hindi nila ako macontact, kaya deretso na ko bahay nila louie. Ng makarating ako ng bahay nila laking gulat ko ng bukas na lahat ng ilaw nila.

“hala gising na mga to?” sabi ko.

Bago ako kumatok nag buga muna ako ng isang malalim na buntong hininga.

TOK!TOK!TOK!

Nag hintay pa ako ng mga 30 seconds bago bumukas ang pinto, ng bumukas na si ninang ang nag bukas nito at gulat na gulat.

“oh!!!! Anong ginagawa mo dito sa gantong oras?”

“ah eh.. ninang..”

“oh ano? At may dala ka pang bagahe ha!”

“sasama sana ako kay louie?” alanganin kong sabi.

“ha?? Nakoo!! Nakaalis na!!”

“ha??” sabay pasok ko ng bahay tapos umupo sa couch.

“pano to??” sabi ko na parang maluha luha.

“3am sya umalis ng bahay, malamang nasa barko na iyon ngayon at paalis na dahil 4am daw ali ng barko.”

“kasi ninang eh!” na parang maluluha na ako.

“oh bakit ba?”

“si papa kasi nag dala na naman ng babae sa bahay.. hindi ko na maatim yung ganong sitwasyon kaya napag isipan kong turaan sya ng leksyon. Hindi naman pwede dito ako kasi malapit lang sa bahay madaling malalaman at alam nilang dito lang ako tatakbo.” Malungkot kong sabi yung para bang wala nang pag-asa pa.

“tsk tsk tsk!! Tarantado talaga yang tatay mo noh! Alam kong mali yang gagawin mo pero dapat lang din na turuan yan ng leksyon!”

“pano po?” sabay baling ko ng tingin ko kay ninang ng may bahid na matinding lungkot sa muka. Ng nagulat ako ng may lumabas sa pinto ng c.r. si BAYAGRA!! Hindi pa pa pala nakaalis ang kumag!

“oh!! Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman!” sabay baling ng mata nya sa bagahe ko.

“ah eh! Ninang naman eh!! Kakainis ka! Sabi mo umalis na!” sabi ko kay ninang na parang hindi narinig si louie.

“ahahaha! Jinojoke lang kita.. ayan kausapin mo kung pwede.” Sabay akyat ni louie sa kwarto niya.

“ikaw nalang ninang, nahihiya ako mag sabi eh.”

“aba! Sya ang kasama mo sa byahe hindi ako, sa kanya ka mag paalam.” Sabay punta ni ninang sa kusina upang mag luto.

“ninang naman eh.. hays.. sige na nga.” Nung tipong paakyat na ako bigla kong naisip bakit sa baba nag naligo si louie eh may c.r naman sya sa kwarto nya.

“ninang!”

“ikaw na nga kasi mag sabi!” padabog na sabi ni ninang.

“hindi iba to! Bakit dito sa baba nag c.r si bayag? Eh may c.r naman sya dun eh!”

“sira gripo nya dun kaya dito naligo.”

“ah.. sige po aakyat na ako.” habang paakyat ako sa hagdanan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi ito yung unang beses ulit na kakausapin ko sya na ako yung unang mag aaproach. Hindi ko alam pano sya iaaproach. Bago ako pumasok kumatok muna ko pero dati hindi ko ginagawa yun pasok agad.

TOK!TOK!TOK!

“pasok!” sigaw nya mula sa loob. Ng makapasok ako tumayo lang ako sa nakasarang pinto hindi alam kung san mag sisimula as in TURETE! Nag susuot sya ng medyas nya non.

“ahmm louie?” sabi ko ng may alinlangan.

“oh?” kampante nyang sagot.

“ahmmm.. ano toh!” hindi alam anong sasabihin, tahimik naman syang nag aantay ng sagot ko habang nag aayos.

“ahmm kasi ano..pwede ba makisingit sa lakad mo?”

“anong ibig mong sabihin?” nag-aayos parin sya.

“ahmm sasama ako sa probinsya nyo, kung ok lang?” hindi naman sya sumagot yung tipong walang narinig kaya akala ko ayaw nya ata.

“ahh.. sige ayaw mo ata salamat nalang..” nung tipong lilisanin ko na ang kwarto nya bigla kong naramadam na niyakap nya ako mula sa likod ko sa aking tiyan.

“joke lang! Ito naman! Pwede ba kitang tangihan? Syempre pwedeng pwede!” masaya nyang sabi. Natuwa naman ako sa sinabi nyan iyon, humarap ako sa kanya na nakayakap parin sya sakin.

“talaga?”

“talagang talaga!!” nagkatitigan kame ng saglit mata sa mata, ang bango bango nya! Naadik na naman ako! namiss ko ang amoy na iyon! Para akong namemesmerize ng napansin kong sobra ng lapit ng mga katawan namin at pumiglas sa pagkakayap nya sakin.

“ahmm salamat.” Sabi ko ng medyo nahiya.

“ah wala yun, bakit ba gusto mong sumama?”

“sa byahe ko nalang ikwekwento.”

“hmm sige..”

“baba muna ako dun nalang kita antayin ha?”

“oh sige sige.. matatapos na din ako dito.”

Bumaba akon g may ngiti sa labi, ang saya ko at the same time kinakabahan dahil mali nga ang gagawin ko pero bahala na! dapat maturan ng leksyon si papa para matuto. Ng maka baba ako tinanong ako ni ninang kung pumayag ba si louie,tumungo lang ako at ngumiti.

Mga after 10 minutes bumaba na sya dala dala ang bagahe nya.

“oh tara na!” sabayan pa ng NGITING WAGAS!

“oh ito! Nag luto ako ng baon nyo 12 hours din kayo sa byahe. Tanghalian at hapunan yan.”

“salamat ma..” sabay lagay naman nito sa bagahe nya.

“oh aweng! Mag-ingat kayo don ha? Itong si andeng wag mong iiwan pag may nangyaring masama jan malalagot ka sakin.”

“oo naman ma iingatan ko to! Baka nga dapat ako mag-ingat dito eh! Mabangis to eh!” sabay akbay sakin. Tinignan ko ang kamay nya na nakaakbay sa balikat ko.

“ah oo ninang mag-iingat po kame.”

“oh sya! Gumayak na kayo anong oras na 6am ang larga ng barko baka mahuli pa kayo sa byahe.”

“oh sige po ma muna na kame mag-inagt kayo dito ha?.”

“wag ka mag-alala dito samin ok lang kame dito, mag pakasaya kayo dun ipasyal mo yang si andeng sa hardin natin don at palaisadaan.”

“opo ma! Ako na bahala dito.”

“oh sya ninang, alis na po kame.. ingat kayo dito ha??” sabay yakap ko kay ninang ganun din si louie.

Habang nasa taxi kame papuntang pantalan pumasok sa isip ko si joner. “hala oo nga pala!pano yung banda wala na ako! shit kailangan kong ipalalam kay joner na aalis ako at hindi makakarating sa practice, alam kong maiintindiahan ako ni joner.” Ng hinahanap ko ang cellphone ko sa bulsa ko bigla kong naalala na naiwan ko pala phone ko kaya nanghinge ako ng text kay louie.

“louie, patext naman. Naiwan ko kasi phone ko sa kwarto eh.” Sabay abot naman ng phone nya sakin.

“sino ba itetext?” habang sumisilip silip pa sa phone nya kung anong ginagawa ko.

“ah si joner.” Ng biglang kinuwa nya phone nya at nilagay sa bulsa nya.

“ay! Bakit mo kinuwa!” laking pag tataka ko.

“wala akong number nya.”

“memorize ko!”

“wow!” sabi nya na nanlaki ang mata, inaabot ko ang kamay ko para kunin sa kanya.

“wala ako load!”

“edi bumaba muna tayo para paload!”

“wag na nasa kalagitnaan na tayo ng byahe oh!” reklamo nya!

“alam mo ang damot ng ugali mo!!!” sigaw ko sa loob ng taxi napa lingon naman ang driver samin.

“isaksak mo yang cellphone mo sa BAYAG mo ha!!” sabay baling ko ng tingin sa bintana ng taxi.

Tahimik.. walang nag sasalita! At nag-iinit parin ulo ko. “sabi ko na nga ba! Dapat hindi na ako sumama dito! Papunta palang kame naiirita na ako pano a kaya kung andun na kame at magtatagal kame dun siguro mamatay ako sa kunsimisyon!”

“oh!” pag abot nya sakin ng phone nya.

“diba sabi ko sayo isaksak mo sa bayag mo yan?”

“tapos na!” natawa naman ako sa sinabi nyang iyon dahil seryoso muka nya parang sinaksak nya talaga sa bayag nya pero pinilit kong itago.

“wag na!! sayong sayo na yan!!” galit ko paring sabi.

“pag di mo ito inabot hindi mo na to mahahawakan! Dahil pag dating natin don wala ng signal.” Napatingin naman ako sa sinabi nyang iyon at napa isip ako kung aabutin ko ba, pero syempre nag mamaganda lang inirapan ko lang sya.

Ng marating namin ang pantalan, may nadama akong kaba nung nakita ko na ang mga barko.

“sigurado na ba ako sa gagawin ko?bahala na si batman!” dun ko lang napag alaman na hindi pa nakakabili si louie ng ticket dahil bumili muna sya ng ticket namin bago kame umakyat ng barko. Matapos, umakyat na kame dala dala ang mga bagahe namin. Dahil sabay na binili ang ticket magkatabi lang ang aming higaan sa baba ng isang double deck na kama. Hindi kalakihan ang barko hangang second floor lamang ito siguro may 200-300 capacity of passengers lamang ang kaya ikarga. At pansin ko parang mag kakakilala mga to dito lahat nag-uusap-usap pag may makasalubong kinakamusta. At ganun nga si louie pag may nakaka salubong kinakamusta nya o sya.

“pwet! Jan ka na muna ha? Andun kasi mga tropa ko eh uuwi din ng probinsya.” Hindi ko naman sya sinagot at inirapan lang ulit. “pwet!pwet! ka jan! Bati ba tayo ha?” sabi ko lang sa isip ko. Ng makaalis sya,tinungo ko agad ang bag nya at hinanap ang phone nya. Ng makita ko nag text ako agad habang may signal pa.

“joh! andy to.. hindi ako makakapunta ng practice pati ng gig natin nitong lingo andito na ako barko byaheng probinsya nila louie saka ko na sayo ipapaliwanag pag-uwi ko, sorry talaga ha?? Yaan mo babawi ako may pasalubong ako sayo pag uwi ko.. sana maintindihan mo.. salamat..” iyon ang text ko sa kanya. Hindi na ako nakatangap ng reply dahil maaga pa noon 6am palang malamang tulog pa sya at kung mabasa man nya wala na siguro akong signal. Nung tinignan ko sa sent items “nyeta! May number pala sya ni joner! Ayaw lang talaga mag bigay ng text!” binalik ko din agad ang phone nya sa bag nya.

Maya maya nakadama ako ng antok.. ng sinubukan kong mahimbing hindi ako makatulog dahil sa ingay ugong mula sa barko kaya kinuwa ko ulit ang phone ni louie at nag sound trip.

“pwet!pwet!” pag uyog sakin ni louie para magising.

“gising na! tanghalian na kain na tayo.” Bumgangon naman ako, nakita ko naka handa na ang kakainin namin.

“yan oh! Pinag handa na kita.” Masaya nyang sabi, pangiti ngit pa ang loko. Hindi naman ako nag salita at sumubo na din ng kain.

“anjan pala sayo yung phone hinanap ko kanina.” Inabot ko naman agad sa kanya.

“oh!” pag abot ko ng phone nya.

“hindi jan na muna sayo kung gagamitin mo pa.”

“ikaw! Hindi ka lang madamot! Sinungaling ka pa!”

“ha? Bakit?” laking gulat nya.

“sabi mo wala kang load? Tapos wala ka ding number ni joner! Eh meron nga eh!”

“ah ganun ba? Nakalimutan ko may load pala ako. hehehe”

“hehehe? Utot mo!” nginitian lang nya ako, balik kame ulit sa pag kain namin. Matapos kame kumain niyaya nya akong lumabas at tumanaw ng tanawin, madaming dolphins daw ang nag papansin sa dagat. Gusto ko sanang sumama kaso ang init tanghaling tapat eh.

“mamaya nalang sigurong hapon ang init eh!”

“hindi naman eh malakas ang ihip ng hangin hindi mo mararamdam ang init.”

“kahit na nakaka-itim parin.”

“arte naman nito! Bahala ka nga jan!” padabog nyang pag alis, habang paalis alis naman sya inaasar ko sya habang nakatalikod, dumidila dila ako sa kanya. Ng bigla syang bumalik at nag kunwari akong na parang walang ginagawa.

“akin na phone ko!” naka simangot nyang sabi.

“bakit? Wala namang signal ah!”

“phone mo yan?”

“ oh! Saksak mo sa BAYAG mo ha?!!!” sabay abot ko ng phone sa nakaabang nyang kamay!

“talaga lang!!” sabay alis nya, bwiset talaga tong kumag na to ayaw patalo! Kahit hirap maka tulog dahil sa ingay ng barko pinilit kong matulog. Mga 4pm ng hapon nagising ko at napansin ko medyo pababa na ang sikat ng araw at hindi na mainit sa labas. Kaya tumayo ako at tumanaw ng tanawin. Napahanga naman ako sa nakita ko dahil puro kabundukan ang aking nakikita at malawak na karagatan, first time ko kasing makasakay ng barko dahil laging airplane ang sinsakyan ko pag nag babakasyon ako ng manila mula probinsya namin. Kaya manghang mangha ako sa mga nakikita ko.

“ganda noh?” nasa likod ko pala si louie. Tumango lang ako.

“malapit na tayo, pag ganyang marami ka ng nakikitang kabundukan.”

“ah ganun ba? Sayang dapat dinala ko yung digi cam.”

“oh gamitin mo muna phone ko malinaw naman capture nyan eh.”

“yoko!”pag tangi ko.

“oh! Bakit na naman?”

“eh sinaksak mo yan sa bayag mo eh!” tawanan kameng dalawa.

“baliw!oh jan ka lang kukunan kita!” itinaas ko naman ang dalawa kong kamay habang kinukunan nya ako. matapos nya akong kunan lumapit sya sakin at pinakita ang capture.

“wow ang ganda naman!”

“oh tayo naman!” sabay layo nya ng phone nya at inilapit ang muka sakin. At DIKIT NA DIKIT! Tinignan ko ang pictue namin matapos nyang kunan. Parang nag kakahawig na ang muka naming dalawa. Marami ding nag sasabi na halos nagkakahawig na daw muka naming dalawa ganun daw talaga iyon pag lagi kayong nag sasama. Para kameng mag jowa sa picture dikit na dikit ang mga muka namin.

“panget!” sabay alis ko at tungo sa higaan namin.

“hindi naman ah!” sigaw nya habang papalayo ako.

Narating na namin ang probinsya ni louie, pag baba namin sumakay na kame ng jeep.. halatang halata na mag kakakila talaga mga tao dito dahil sa loob ng jeep lahat sila nag kakamustahan. Pansin ko lahat ng mata nakatingin sakin marahil nag tatannong kung sino ako dahil bago ako sa paningin nila.

“ay aweng sino ga iyang kasama mo?” medyo may tono ang pag sasalita nila sa dulo ng sentence. Parang batangeño ang tono pero not exactly.

“ah! Pinsan ko iyan tya lita. Babakasyon lang dito.” Medyo nagulat naman ako sa sinabi nyang pinsan at sa tono ng boses nya ngayon ko lang kasi sya narinig sa ganung pananalita.

“ah ganun ga? Ay sana lumigaya sya dito sa bakasyon nya.” Medyo makata ata mga tao dito ahahaha.

Narating na namin ang bahay nila louie, may kataasan. Hangang second floor din ito, Sementado. Pumasok na kame sa loob. Walang tao sa sala. Naupo naman ako sa sala.

“tiya elsie??” pag tawag ni louie habang nag lalakad paloob ng bahay nila.

“tiyo albert??”

Sunod ko nalang narinig ay boses ng isang babae mula ata sa kusina nila.

“oh! Batang ito! Hindi ka man lang napapa-abiso na darating ka!”

“hehehe, gusto ko sana kayong supresahin tiya eh! Asan nga pala si tiyo?”

“ay andun sa pala isdaan pauwi na din iyon.”

“ay sya nga pala tiya may dala akong bisita nasa sala po magandang dilag.” Nanlaki naman ang mata ko sa narinig! Baliw talaga itong kumag na to.

“ay ganun ga?”

“dito po oh!” parating na sila mula sa kusina kaya nag ayos ako ng pag ka-upo ko.

“ay sya! Hindi naman magandang dilag ire! Magandang binatilyo!” sabay ngiti sakin.

“maganda gabi po sa inyo, ako po si andeng.” Pag bati ko.

“magandang gabi din sayo iho, pasyensya na kana dito sa bahay namin ha? Hindi kagandahan at kalakihan.”

“ay wala po iyon sakin ok nga po eh.”

“sya po yung inaanak ni mama.” Pag pasok ni louie sa usapan.

“ah ganun ga? Oh sya! Tara at sakto nag luto na ako ng hapunan alam kong pagod at gutom kayo sa byahe.

Tinungo ko na namin ang kusina kung asan andun ang dinning area, pinaupo ako mismo sa gitna kung san madalas pinapaupo ang isang padre de pamilya, medyo nahiya naman ako.

“iho pasyensya kana at ito lang ang naluto ko, ito naman kasing si aweng hindi nag pasabi na darating kayo eh di sana nag katay kame ng manok.” Isda ang ulam nila na prinirito pero nag lalakihan at mukang sariwa kung titignan kung ikukompara mo sa isda ng manila.

“ah! Wala po iyon tiya, kumakain naman po ako ng kahit ano basta walang lason.” Tawanan naman kameng lahat.

“oh tara kumain na tayo, at namiss ko din gantong set up pag kakain.” sabi ni louie.

Nag simula na kameng kumain, syempre mas pinili kong mag kamay dahil nag kakamay din naman talaga ko pag prito ang ulam ganun din naman sila, ginawan ako ng sawsawan ni louie bagoong na hinaluan ng konting suka. Unang pagkakataon kong maka tikim ng ganong sawsawan at namangha ako dahil ANG SARAP!

“wow! Ang sarap naman nito!”

“talagang masarap iyan, sila tiya lang ang gumagawa nyan.” Sabi ni louie.

“wow ang galing naman, first time ko makatikim ng gantong sawsawan ang sarap!”

At habang kumakain kame, ikinuwento ko na rin kung bakit ako sumama kay louie. Hindi na ako nahiya kay tiya elsie mas mabuting alam nya ang rason ko ayoko kasing may itinatago lalo na’t sa isaing bubong lang kame mag sasama. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin dumating na ang sinasabi na tiyo albert ni louie.

“oh tiyo! Sabay ka na samin!”

“oh! Andito ka pala! Hindi ka man lang nagsabi, may bisita ka pa nakakahiya dapat nag katay tayo..”

“ay pasyensya na po, gusto ko po kasi kayong supresahin eh.”

“ay! Ikaw talagang bata ka!ay sya, kumain na kame sa pala isdaan..”

“ay sino ga itong bisita mo? Nakakahiya naman ay parang anak mayaman ang kutis oh!” napa ngiti lang naman ako.

“ay si andeng po iyan, inaanak ni mama.”

“ah ganun ga? Ay.. pasyensya kana dito samin ha? Pero matutuwa ka dito samin marami kang mapapasyalan.” Sabi ni tiyo albert.

“ay wala po iyon, tulad ng sabi ko kay tiya elsie ok na ok po ako dito wala po kayong maririnig na reklamo sakin sanay din po ako sa hirap.” Sabi ko.

“ay buti naman kung ganun, oh sya teka lang at maliligo lang ako at amoy isda ako gawa ng nangisda kame.” Sabay tungo nito sa c.r.

“oh aweng samahan mo na itong si andeng sa kwarto nyo mukang pagod na itong si andeng.” Sabi ni tiya elsie.

“oh tara, akyat na tayo.” OH MAH GOSH! Sa isang kwarto kame? Paktay!! Ahahaha

Ng marating namin ang kwarto nya, amoy luma ang loob halatang hindi nagagamit ng mahabang panahon. Medyo madaming alikabok.

“pasyensya kana pwet! Meyo madumi eh, wala kasing gumagamit dito!” sabay binuksan nya lahat ng bintana para mag labasan ang alikabok at umalingasaw ang amoy lumang kwarto.

Nag linis muna kame bago mag-ayos ng mga gamit namin, nagwalis, nag palit ng punda ng mga unan at sapin ng kama, ganun din ang mga kurtina pinalitan. Siguro mga 9pm natapos na kameng mag linis. Syempre pagod pa ako sa byahe kaya inaantok na ako.

“ligo ako, gusto ko ng matulog eh.” Sabi ko.

“oh sige teka ihanda ko lang ang c.r.” bumaba sya, mga 5 minutes bumalik din agad.

“tara! Ok na ligo kana.”

Pag pasok ko, isang lampara lamang na de gas ang gamit ang nag sisilbing ilaw sa loob ng c.r. maayos naman ang loob malinis at maayos. Buti nalang nag dala ako ng sarili kong sabon at shampoo nakakahiya naman kung pati iyon hihingiin ko pa sa kanila. Ng matapos ako kita ko agad si louie sa labas ng pinto naka abang.

“oh tapos kana? Ako na ha?”

“ah oo sige!” matapos umakyat na din ako agad sa taas para mag-ayos at mag bihis. Matapos, sinimulan ko ng humiga dahil sa sobrang pagod kaya lagpak agad ako sa kama. Maya maya dumating na itong si louie naka tapis lang hindi ko naman pinansin na kunwari tulog na ako. ng matapos sya mag bihis umupo sa tabi ko.

“pwet!”

“hmmm?” kunwari tulog na ako.

“mga tropo ko kasi nag yaya ng inom? Jan lang naman kame sa baba.”

“oh?”

“iwan muna kita dito?ok lang ba?” medyo nainis naman ako sa sinabi nya, syempre! Alam kong pagod din sya tapos inom agad! Hindi ba makapag hintay yang inom nyo! Sa isip ko lang.

“hindi ba maka hintay yang inom nyo? May bukas pa naman ah!”

“ayaw mo ba? Ok lang sabihin ko sa kanila bukas nalang.”

“bahala ka buhay mo yan! Sige bumaba kana don at matutulog na ako!” reklamo ko.

“oh sige, saglit lang naman yun eh.” Hindi naman na ako sumagot sa halip umidlip na.

Maya maya, nagisinig ako sa isang kalabog sa pag bukas ng pinto. Si bayag! Lasing na ata ng gagu! Kunwari tulog na ako at hindi umiimik pero nakamasid lang ako sa ginagawa nya. Nag hubad sya ng t-shirt at short, boxer’s short nalang ang naiwan. Ganun kasi kung matulog sya talagang boxer’s short lang ang suot. Matapos, bigla humiga sa tabi ko, yung tipong higa na pabagsak! As in na windang ang buong kama sa pag higa nyang iyon. Lasing nga ito! Hindi ko alam anong oras na iyon basta madilim pa. Maya maya yumakap sakin sa tiyan at lapit na lapit ang muka sa leeg ko, gusto ko sana sampalin kaso hinayaan ko nalang kasi may kiliti din akong nararamdaman. Pahigpit ng pahigpit ang yakap nya! Sabayan pa ng pag tanday nya ng paa nya sa hita ko! Ito ang ayaw ko dito eh pag katabi mo gagawin kang tandayan! BWISET! Pero ok lang naman sakin syempre! MAHAL KO! Ahahaha. Pag ibang tao hindi ako nag papatanday ng ganun sa kanya lang. Maya maya nag salita ang mokong!

“hmm! Pwet!”

“huy pwet!!” sinusubukan nyang magising ako, lokong to! Alam ko na mga tipong ganto eh! Nag-iinit na naman ito, ang init ng katawan grabeh! Pero syempre hindi naman na ganun ganun nalang bibigay ako agad. NOT NOW! At pagod ako! ahahaha.

“pwet! Sorry na ha? Wag mo na kasing ako awayin.. kung alam mo lang natuturete ako pag hindi mo ako pinapansin.. bati na tayo ha?” malungkot nyang sabi, naawa naman ako sa narinig kong iyon, apektado din pala sya sa sitwasyon namin. Hindi naman ako sumagot sa halip ay humarap nalang sa kanya.

“sige na nga! Tulog na nalang ikaw!” sabay halik sa labi ko! Nagulat naman ako sa ginawa nyang iyon. Ganun parin nakayakap sya sakin.. hinayaan ko lang hangang sa makatulog kame.. ang sarap ng ganto.. sana ganto nalang lagi kahit sa gantong paraan ramdam ko mahal nya din ako.

ITUTULOY..

22 comments:

  1. Im so flattered...

    Nangunguna ung name ko sa list...
    Kaya nung nakita ko, post na kaagad ng comment...

    Salamat Po!
    (BASA MODE MUNA)

    -mars

    ReplyDelete
  2. wow nice chapter. sana madevelop ung samahan pa nila. ung mga issues nila mapag-usapan.
    sana happy ending for everyone

    keep writing. i hope to read more.

    ReplyDelete
  3. weeewww.. nkakakilig,, grabe ,, :))

    niCE onE.. hehe :))

    _lester_

    ReplyDelete
  4. ang saya ko ngaun na nagkakamabutihan silang dalawa, ganda ng flow ng story, nakakakilig . . . can't wait sa susunod na chapter . . .



    <07>

    ReplyDelete
  5. ang gwapo nman ni andy . . . hehe

    ReplyDelete
  6. NAKS,,,GALINGGGGGGGGGGGGG...SANA MAY MAGANDANG MAGANDANG MANGYAYARI,,,NEXT CHAP NA PLS,,,

    ReplyDelete
  7. Oi gelo accept mo ako sa fb.

    Katukayo ko si Aweng. Ahahahaha

    Ang ganda ng last part. Naalala ko nuong kwento sakin ng mga barkada ko, may isa daw sa kanila tsinansingan ako habang natutulog.

    Sana gising ako nun para na-feel ko.

    Ahahaha harot!

    Pero sa situation ni Andy, ay naku. Ewan ko, hindi ko alam ang sasabihin.

    - Half

    ReplyDelete
  8. “sige na nga! Tulog na nalang ikaw!” sabay halik sa labi ko!.galing ng line hehe nakaw halik..next chap agad..sino ung nasa pic?

    ReplyDelete
  9. ay.... sweet talaga ni LOUIE... nakakatuwa talagang subaybayan ang kwento nila ni ANDY na mataray... hehehe. pero gusto silang dalawa... kinikilig ako sa mga feelings nila sa isa't isa. haaay... sana meron din akong LOUIE na sweet, caring, at loving... pare-pareho din ba yata ang mga ito? hehehe. sana author sunod kaagad ang next chapter kasi gusto kong may mangayari na naman sa kanila... hahaha. excited. CONGRATS po author. ang ganda ganda ng story.

    nahihirapan akong magcomment. laging lalabas doon sa blogger log in page.... tapos pagbalik ko wala na amg mga comment ko kaya laging anonymous ako... tulong sana... hehehe.

    -Jasper Paulito-

    ReplyDelete
  10. ang ganda niya talaga gelo... keep up the good work... just take your time no need to rush sa pag update... :D

    annonymous 53... basahin mo sa BOL mag comment uli ako doon sayo... :)

    ReplyDelete
  11. haha..pang 5 and pang 7 ako hehe...

    nyc chapter toh!!,,, sarap sa pakiramdam,,, hehe,,
    tawa pa dhin ako ng tawa dito,,haha xD...

    next na poH!!! :D!!!

    mukhang love na ni louie si andy!!! ayiee!!! xD!

    e.o.g./eortiz

    ReplyDelete
  12. "royvan24"

    nakarelate naman ako ganyan talaga pag pumunta ka sa baryo at new faces laging kang pinapansin... and ang sweet naman nina pwet at bayag love na talaga nila isat-isa di lang masabi.


    lways take good care at salamat sa story maganda talagang basahin. kamukha ng PNP

    ReplyDelete
  13. mamamatay nga si louie dahil ibibigay nya puso nya kay andy na lalala ang rheumatic heart disease, kaya nga exchange of heart e...happy ending kayo diyan..

    ReplyDelete
  14. waaaaaaaaaaa!! grabeh!! dami agad comments! ang saya ko!! ahahaha! dahil jan sisimulan ko na agad ngayon next chapter!! weeeeeeee! eh kung ganyan ba naman kayo ng ganyan eh di araw araw ang post ng next chapter! ahahahaha!! salamat2x! mwaaaaaaaaaah!! labshu ol!

    ReplyDelete
  15. Ayooooonnn.Bitin nanaman.Hahaha.
    Nagiinit pa naman si Louie,tsk tsk.
    Nice job again Gelo.Two thumbs up! :)

    ReplyDelete
  16. Bitin!!!!! Sana may kasunod na po agad!!!
    Isa to sa mga inaabangan ko dito sa MSOB..
    Ang galing ng twist!!! Nice work!!!

    ReplyDelete
  17. hello mga authors, 10x a day ako mag open ng MSOB pra magcheck ng mga updates at isa ang exchange of heart sa mga inaabangan ko, nakakarelate kc ako d2 maganda ang story nya at nakakakilig tlga, pero may nabasa akong comment na mamamatay c louie? totoo ba un? wag nman sanang sad ending to, ang tagal tagal kong sinusubaybayan tas paiiyakin lng din pla ako sa huli, wag naman po sanang may mawala sa kanilang dalawa, sa author po sana happy ending to . . .

    more power gelo . . . galing mo!

    ReplyDelete
  18. Though bitin me sa chapter na 2, I was still amazed sa takbo ng kwento! 2 d' writer, Kudos again and more power!

    ReplyDelete
  19. as usual this story is great..

    this is truly one of the best..

    kiligness..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  20. huhuhu:( sana may kasunod na po..
    Please!!!!!

    ReplyDelete
  21. hmm napakaganda tlga ng exchange of heart,super kilig ako to the bone..grabe..galing ang sumulat nito..napasaya mo ako ng husto..

    ReplyDelete
  22. sana makilala ko kung sinu gumawa nito...ang ganda basahin..nakaka inlove,kahit di ko matapos gawain ko mabasa ko lang to,wla na pagod ko..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails