Followers

Saturday, June 18, 2011

"Itay"

Note:
Adapted lang po ang kuwentong ito at ginawan ko na lang ng iba pang twists. HIndi ko alam kung sino ang original na author.

Dedicated to all fathers...

------------------------------------------------

Alas 9 yun ng umaga, stopover ng biyahe ko papuntang probinsya. May 3 oras pa ang sunod na biyahe ng bus. Dala-dala ang isang maliit na knapsack na naglalaman ng konting mga personal na gamit, pumasok ako sa isang restaurant upang kumain at maghintay sa sunod na biyahe ng bus.

Hindi ko masyadong maisalarawan ang naramdaman ko. Ang pakay ko lang naman talaga sa pagbiyaheng iyon ay ang pagtupad sa isang kahilingan – ang ihatid sa kanyang huling hantungan ang taong dapat sana ay malapit sa puso ko; ang itay. Ngunit, wala akong ni kahit konting sakit na naramdaman. Pakiwari ko ay isang natural lang itong pagkawala ng isang taong hindi ko kakilala. Wala akong ng ni kaunting bakas na pighati na naramdman sa puso ko. Walang pag-aalala, walang kung anong emosyong naramdaman maliban sa pagkabagot sa tila napakabagal na takbo ng oras.

Paano naman kasi, wala akong kahit na kaunting ala-alang matandaan sa kanya.

Namatay ang nanay ko noong akoy kanyang isinilang. Isang taon ang nakaraan, tinalikuran naman ako ng itay. Ipinaampon niya ako sa aking tita kung saan ako lumaki at nagkamalay.

Lumaki akong hindi nasilayan ang mukha ng itay ko. Masakit iyon. Wala na nga akong inay, ang itay na buhay pa sana at na siyang magtaguyod sa akin at magturo sa mga bagay-bagay sa buhay… tinalikuran pa ako.

Ngayon, 20 years old na ako at nakatapos na rin sa kolehiyo. Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ama. Wala akong itay na sya sanang bahagihan ko sa bawat tagumapay o kaligayahan na nalalasap; walang itay na sya sanang magsilbing inspirasyon ko o magsabi sa akin ng “Nandito lang ako” o “Kaya mo yan, anak”. Sa bawat dagok ng buhay at pagsubok ng panahon, tanging ang tita ko lang ang nandoon o minsan, tanging sarili o na lamang. Buong buhay ko, sya ang hinahanap-hanap. Buong buhay ko, nagtatanong ako kung magkikita pa ba kami, kung kailan, kung ano ang hitsura nya, kung ano ang ugali nya, o kung ano ang trabaho nya. Mga maliliit na bagay lang sana na kung tutuusin ay di ko na dapat pang itanong kung nand’yan sya sa piling ko.

Ngunit naging mailap sya. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa at ganang makita sya at makapiling. Sinisi ko sya; kinamuhian. Naging matigas ang aking puso at pilit kong binura siya sa aking isip. Pakiwari ko ay isang bagay lang ang pagtrato niya sa akin; isan gbagay na maaaring pagsawaan, maaaring ipamigay.

Natanggap ko naman ang lahat. Ngunit hindi ko maipagkala na masama ang loob ko, masamang-masama sa kanya. Kaya, hindi rin siguro ako masisisi kung sa kanyang pagkamatay ay wala akong maramdaman.

At ngayong pumanaw na sya, saka ko pa nalaman kung saan sya matatagpuan. “Wala nang silbi ang lahat” ang nasabi ko sa sarili.

Natapos ko nang inumin ang kapeng inorder ko. Dahil wal apa ang bus na siya kong sasakyan, nanatili akong nakaupo sa isang sulok, binuklat-buklat ang hawak na dyaryo. Sobrang napakabagal ng pag-usad ng oras.

Maya-maya, lumapit ang isang lalake at pumuwesto sa isang bakanting upuan sa mesa ko nakaharap sa akin. Noong una, hindi ko siya pinansin. Ngunit noong nakita ko ang matinding lungkot na bumabalot sa kanyang mukha mukha at tila gustong makipag-usap, napatingin na ako sa kanya.

“M-magbibiyahe ka ba?” ang tanong nya kaagad. Kung gaano kalungkot ang mukha nya ay sya ding lungkot ng kanyang boses.

Tuluyan kong itiniklop ang binabasang dyaryo. “Opo.” Ang maiksi kong tugon, bakas sa boses ko ang pagkawalang ganang makipagkwentuhan. Sa tantiya ko, nasa mga 40 ang edad nya, may malaking nunal sa noo, may bigote, kulutin ang buhok.

Natahimik siya ng sandali. Hindi rin ako nakatiis at ako naman ang nagtanong “Tila po malungkot kayo?”

Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha nya noong marinig nya ang tanong ko. “May anak kasi ako at kung hindi ako nagkamali, kasing edad mo na rin siya ngayon. Hindi na kami nagkita pa...”

“P-po? Bakit po…?” tanong ko uli, biglang naging interesado sa susunod niyang sasabihin. Marahil ay dahil naka-relate lang ako sa kuwento nya.

“Habang-buhay na pagkabilanggo. Tiniis kong itago ang sarili sa kanya upang huwag madungisan ang kanyang pangalan. Natakot akong hindi niya matanggap na isang kriminal pala ang ama nya.” Huminto siya sandali, ibinaling ang mukha sa malayo. “Ngunit pinagsisihan ko rin ang di pagpapakilala sa kanya. Ilang taon din akong nangarap na makapiling sya, mayakap, mahagkan, maisama sa pamamasyal, maging inspirasyon nya sa lahat ng kanyang mga mithiin sa buhay…”

Tila may sibat na tumusuk sa puso ko sa mga sinasabi nya. Marahil ay dahil ganon din ang gusto kong mangyari sana sa amin ng ama ko. “Sana katulad niya ang aking ama…” ang sumagi sa aking isip. “Ngunit kabaligtaran…”

Balak ko pa sanang i-kwento din sa kanya ang paghahanap ko ng pagmamahal ng isang ama. Ngunit hindi ko na ito itinuloy pa ito. Nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya na ayaw kong isingit siya sa aking isip. “G-ganun po ba?” ang tugon ko na lang.

“Sana mapapatawad ako ng anak ko sa nagawa ko…” ang sabi nya. At nakita ko na lang na tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa pisngi nya.

Ewan ko ba pero sa narinig, gumapang sa katawan ko ang pagkaawa. Pakiwari koy gusto kong umiyak at humagulgol. At namalayan ko na lang ang mga luhang dumaloy na rin sa pisngi ko. Iyon ang kauna-unahang pag-iyak ko. Hindi man lubos naintindihan kung bakit, palihim ko na lang pinahid ang mga ito, hindi nagpahalatang naapektuhan ako sa mga sinabi nya. Tiningnan ko na lang siya, hindi ko man alam kung paano pagaanin ang kanyang kalooban, ang nasabi ko na lang ay, “K-kung alam lang po ng anak ninyo ang tunay na nangyari, tiyak pong patawarin niya kayo.”

Ngumiti siya, napansin ang tila pagkapawi ng lungkot na unang nasilayan ko sa mukha nya.

“Aalis na ako.” Ang pagmamadali nyang sabi sabay tayo at talikod.

“Hintay po!” ang sigaw ko. Itatanong ko pa sana kung ano ang pangalan nya at tagasaan siya.

Ngunit sa gitna ng maraming tao, bigla siyang naglaho.

Mag-aalas 3 na ng hapon noong makarating ako sa lugar kung saan ibuburol ang labi ng itay ko. Ayoko na sanang tingnan pa ang mukha niya ngunit mistulang hinahatak ako ng mga paa ko patungo sa kinaroroonan ng kanyang kabaong.

Sinilip ko ang salamin.

Laking gulat ko noong makita ang mukha nya. May malaking nunal sa noo, may bigote, kulutin ang buhok…

Namalayan ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko, napahagulgol ako, niyayakap ang kabaong. Ang mukha ng lalaking nakikipag-usap sa akin sa loob restaurant ay kamukhang-kamukha ng lalaking nasa loob ng kabaong!

Biglang nanumbalik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan niya bago niya ako iniwan sa restaurant, “Sana ay mapapatawad ako ng anak ko…”

Wala na akong pakialam pa sa mga taong nakapaligid. Sumigaw ako at naglupasay. “Itaaaaayyyyyyy! Napatawad ko na po kayo!!! Patawarin niyo rin po ako!!! Hindi ko po alam itayyyyyyyyyyyyyyyy!!!

Wakas.

7 comments:

  1. Si itay...

    sa totoo lang, hindi ko alam ang pakiramdam kung papaano ang may isang ama habang ako ay lumalaki at nagka-isip.

    ngayon, isa na rin akong ama...ngunit sapat na bang maramdaman na may anak ka? nangangapa ako at patuloy na nag-iisip kung papaano maging mabuting ama sa kabila nang pagiging "kakaiba" ko sa nakararaming ama.

    sa kasalukuyan, hati ang aking pananaw, may takot at kung anu-ano pa. oo may mga anak ako, ngunit ang nasa puso ko at gustong makasama ay isang lalaki. puno palagi ng katanungan ang aking utak, matatanggap kaya ako ng mga anak ko sa kanilang paglaki? ikakahiya kaya nila ako dahil sa aking "pagkaka-iba"? dapat ko bang kalimutan at isakripisyo ang lalaking mahal ko?

    mahirap

    kung nariyan lang sana si itay...baka lumaki akong maayos, at may maayos ring pananaw sa buhay. si itay, kung hanggang ngayon sana lumaki akong may katahimikan sa aking puso at saya sa aking buhay.

    ngunit wala na si itay, maaga siyang lumisan... habang ako'y isang musmos.

    nangungulila ako sa kanya, nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya.

    si itay+ (19th March 1951 - 16th June 1987)

    ReplyDelete
  2. Almondz... I share the same feeling. Ang sa akin lang, hindi ako masyadong close sa itay ko dahil tahimik siyang tao at hindi nakikisalamuha sa kanyang mga anak. But I love him very much at ramdam ko din ang pagmamahal niya sa akin.

    I know na bagamat hindi niya lantarang sinasabi, tanggap niya ako...

    Sa anak kong lalaki naman, if you were able to read my story kung paano ko ipinaalam sa aking binatang anak (20 yo siya ngayong Aug) ang pagkatao ko, I can say i am so happy with him. Tanggap niya ako.

    Read this: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2008/04/when-josh-learned-of-my-secret.html

    -Mikejuha-

    ReplyDelete
  3. sobrang nakakaantig naman ng puso 'to oh.....grabeeeee

    ReplyDelete
  4. siguro lahat ng tatay ay hindi showy pero lahat sila ay mapagmahal. Gaano man kabait at kasutil ang mga anak nila sigurado ako na handang ipagtanggol ng hanggan patayan ng isang ama!

    ReplyDelete
  5. to almondz.....you should have to make up your mind now kung asawa mo o lalaki ang gusto mo kasi mahirap bumawi kung nahuli ka.....pero kung pipiliin mo ang pamilya mo then you have to abstain in getting involve with men at all. kahit na siguro sabihin nating matanggap ka ng asawa mo, hindi pa rin maialis sa isipan nya na may karibal syang lalaki. This is a very painful realization sa part ng babae because what she knew all about was that she got married to a straight guy. Masakit yon. Sasang-ayon ang lahat na nasa ina lagi ang simpatya ng anak, di ba? Isipin mo ikaw dapat ang magprotekta sa ina nila, pero binigo mo ang ina nila. Ang ina nila ang dapat mong alalahanin. But if you want to get separated you owe an explanation to her and that should be soon. At dapat maayos ang inyong paghihiwalay...at kung pipiliin mong makapiling ang isang lalaki.....sigurado akong maintindihan ka ng mga anak mo sa tamang panahon...sa tamang lugar....hangad ko ang kaligayahan mo at ng iyong pamilya....its my prayer that God would guide you always...... :)

    ReplyDelete
  6. tatay.... namimiss n kita...

    ReplyDelete
  7. hayst!...
    to almondz...lahat ng pagsisisi nasa huli...better na magdecide ka na ngayon pa lang kung ano tagala gusto mo,,hehehe
    sir mike...naalala ko lang, i wanted to be a father someday pero gusto ko lalaki..hehehe
    pwede naman yun diba?..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails