Followers

Saturday, June 18, 2011

Ang Lihim Ni Rigor (Exclusive)


By: Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Kumusta mga MSOBians! In a few days ay magpost na po tayo sa final list ng EB participants. Puno na po at closed na. May iilang waitlisted lang but no assurance. 

Ngunit kahit na puno na po ang EB sa Aug 13, may another mini-EB pong gaganapin din para naman sa hinid makakasali sa Aug 13 EB. Ngunit ito ay hindi na po libre. Sa isang public resort na lang gaganapin most likely ay sa Laguna pa rin at kanya-kanyang baon at kanya-kanyang bayad sa resort. I guess ok na rin ito kasi, walang hassles, walang pressure. Just swimming, videoke, and some games.

Sa mga gusto pong sumali sa fb group ng MSOB followers (solid msobians) please email me at getmybox@hotmail.com secret po ang grupo na ito kaya hindi po ninyo ma search. Dito po kami nagpopost ng mga kaganapan sa aking mga activities, like the EB, mini-EB, at sa panibagong project na magbuo ng isang foundation or association.

Malapit na ang bakasyon ko so sana magkita-kits na lang po tayong mga followers. Ang mga lugar na mapupuntahan ko po sa bakasyon ko ay ang Davao at Gensan. Kung sino man po ang taga-roon, email me po. Malay ninyo, magka-meet din tayo d'yaan. :-)

Salamat uli sa mga followers na patuloy ang pagsuporta. Sa mga writers, mga commenters...

-Mikejuha-


----------------------------------------------------------------

Part 1: Esnabero

Labing dalawang taon lang ang edad namin at parehong nasa first year high school noong masimula ang kuwento namin ni Rigor. Ang totoo niyan, kahit nakatira kami sa iisang baranggay at halos magkadikit lang ang bahay, hindi kami nagkikibuan. Ang problema naman kasi ay nasa akin. Simula noong bata pa lang, sadyang mahiyain na ako. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa akin; ang tingin sa sarili ay mababa. Ewan… hindi ko rin maintindihan. Kaya dahil dito, hindi ako pala-kibo, hindi palakaibigan, at mahilig mag-isa.

            Kaya, bagmat maliit lang ang mundo naming dalawa, hindi kami talaga magkaibigan. Kapag nakasalubong ko siya o nakasabay sa pupuntahan, yumuyuko ako niyan o kaya’y lilihis sa gilid ng kalsada. Para akong isang pusang takot ako sa tao.

            Ewan kung ano ang nasa isip niya kapag nakikita niya akong ganoon ang inaasta. Marahil ay naiisip niyang isnabero ako, masungit o ba kaya ay mayabang. Pero wala akong pakialam. Kasi, ganyan talaga ako e...

            Kabaliktaran naman si Rigor. Palakaibigan siya, masayahin, at confident sa sarili. Ngunit higit sa lahat, guwapo siya. Bagamat sunog ang balat dahil sa mga trabahong bukid, may magandang mga mata at kilay, may dimples, at kapag ngumiti, makikita ang maganda, mapuputi at pantay na mga ngipin. At sa edad niyang 12, mas matangkad na siya kaysa sa mga batang kasing-edad din namin.

            Kaya kahit bata pa lang, hayop na ang taglay niyang porma. Alam ko, maraming mga kabataan at kahit mga dalaga na ang nagkaroon ng crush sa kanya.

            At hindi lang iyan ang kahanga-hangang bagay kay Rigor; masipag siya. Kadalasan kapag galing siya sa bukid nakikita kong may dala-dala siyang kung anu-ano gaya ng niyog, saging, kamote, o kaya mga patay na sanga ng kahoy na panggatong. At tumatanggap din siya ng part time na trabaho kapag walang pasok; pag-akyat ng niyog, o pag-aararo. Kaya malaki ang naitutulong niya sa kahirapan ng kanyang pamilya.

            Isang araw, habang nag-aaral ako sa ilalim ng lilim ng malaking kahoy sa likod ng school building, na-distract ako sa lakas ng boses ng isang grupo ng mga estudyanteng nagkatuwaan. Napatingin ako sa direksyon nila. At doon, nakita ko si Rigor na tuwang-tuwa sa bangkaan ng kanyang mga barkada at isa sa may pinakamalakas na halakhak.

            Para akong napako sa kinaroroonan ko, napatitig sa kanya. Iyon bang na-mesmerize, namangha sa nakitang sobrang pagtatawa niya, at sa porma niyang astig, lalaking-lalaki. “Ang lakas ng dating!” sa isip ko lang.

            Inaamin kong noon ko lang siya napagmasdan ng ganoon kaigi. At di ko maitatwa na nabighani ako sa kanyang angking postura at kakisigan.

            Hindi ko lubos maintindihan ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naramdaman kong paghanga sa kanya. Parang nasa suspended animation ako; hindi makagalaw, ang mga mata ay nakatutok lang sa kanya.

            Hanggang sa namalayan kong nakatitig na rin pala siya sa akin, seryoso ang mukha, at natigil sa kanyang pagtatawa bagamat patuloy pa rin sa pagtatawa ang kanyang mga kabangkaan.

            Noong napansin kong inaninag niya ang postura kong napako ang tingin sa kanya, dagdagan pa ng paglingon na rin sa direksyon ko ng kanyang mga kasamahan, dali-dali kong itinuon ang mga mata ko sa aking libro at nagkunyaring nagbasa at bino-vocalize pa ang pagbabasa kahit na sa kaloob-looban ko lang, halos puputok na ang aking dibdib sa magkahalong kaba at hindi maisalarawang excitement. Nawala tuloy ang concentration ko, hindi malaman kung magwalk-out o ano. Mistulang may nagtatalo sa loob ng isip ko; kung aalis o manatili. Ngunit sa hiya na baka lalong mapansin nanatili ako at ipinagpatuloy ang kunyaring pagbabasa, pinilit na huwag nang lumingon sa kinaroroonan nilang magbarkada.

            Ngunit hindi ko rin napigilan ang sariling hindi sumulyap. At lalo pang naturete ang utak ko noong nahuli kong palihim din pala siyang sumusulyap-sulyap sa akin.


            Ah grabe. Lalong tumindi ang pagkabog ng aking dibdib at ang pagkaturete ng aking utak. Ewan ko rin… baka nagiilusyon lang ako.

            Iyon ang tagpong hindi ko malimutan; ang pinaka-punto kung saan seryoso na akong nagtanong kung ano ba talaga ang pagkatao ko, at kung bakit ako nakaramdam ng ganoon para kay Rigor.

            Simula noon, naramdaman kong lalo pang tumindi ang pagnanasa ko sa kanya. Iyon bang kahit gaano ako ka-focus sa aking pag-aaral, o gaano ako ka-busy, siya palagi ang pumapasok sa isip ko. At ang nakakainis pa ay kapag nand’yan naman siya sa harap ko, natuturete ang utak ko. Umiiwas, lumalayo…

            May isang beses, nasa gate siya ng eskwelahan kasama ang kanyang mga barkada at eksakto namang galing ako sa loob ng campus at pauwi na. Noong nasa sa tabi na niya ako, tumingin siya sa akin at may itinanong na parang, “Uuwi ka na?” Hindi ko nakuha kung ano talaga ang tanong gawa ng nakayuko ako at napatingala lang noong narinig ko ang boses niya. Kaya hindi ko nakuha kung ano ba talaga ang tanong.

            Dahil hindi ko iniexpect na ako ang kanyang kinausap, inisip kong baka iyong nakasabay kong dumaan ang tinanong. Kaya yumuko na lang uli ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

            Ngunit doon ko napagtanto na marahil ay ako ang kanyang tinanong noong nakalampas na ako at nilingon ko siya. Siya namang pagtalikod niya at nakita kong napailing-iling siya at nagkamot ng kanyang ulo na para bang naguluhan at nagtatanong sa sarili ng “Ano kaya ang problema noon?” o kaya ay, “Ka-esnabero talaga ng taong iyon!”

            Nakaramdam naman ako ng guilt sa sarili. Pero isiniksik ko na lang sa utak na, “Ah… di naman talaga ako ang kinausap noon!”

            Isang araw na walang pasok naisipan kong pumunta sa ilog. Ang ilog na iyon ay wala pang isang kilometro mula sa bahay namin. Doon kami naglalaba o naliligo. Nagkataon ding ang ilog na iyon ay nasa ibaba lang ng gulod na may maraming pananim na niyog. Ang niyogan na iyon ay binabantayan ni Rigor at siya ang taga-akyat at tagabiyak ng niyog kapag nagko-kopra na ang may-ari.

            Sa totoo lang, wala akong balak dumayo doon. Ngunit dahil napag-alaman ko na magko-kopra daw sila at kaya ko naisipang pumunta; upang masilayan ko lang siya. Kaya, kunyari sa ilog ang pakay ko.

            Ngunit walang tao akong nakita sa niyogan. Medyo nadismaya ngunit dahil nandoon na ako, sumagi sa isip na tumuloy na lang sa direksyon ng ilog. May naramdaman din kasi akong hiya na baka may nakakita sa akin na nandoon na tapos wala palang gagawin. Baka isipin nilang si Rigor ang pakay ko doon. Guilty ba? O paranoid na ang utak ko sa kaiisip sa kanya.

            Kaya, napilitan akong hubarin ang saplot sa aking katawan at lumusong sa tubig bagamat ang totoo, wala akong kaalam-alam sa paglangoy.

            Ngunit huli na ang pagsisisi. Napakalalim pala ng parte ng ilog na napuntahan ko. At mabilis ang sunod na mga pangyayari. Naalimpungatan ko na lang na ikinampay-kampay ko ang aking mga kamay at pilit na sumigaw ng saklolo. Ngunit bumulusok na ang katawan ko sa ilalim ng tubig, hindi makahinga at ramdam ang sakit ng pilit na pagpasok ng tubig sa aking ilong, lalamunan, at baga. Sa pagkakataong iyon, ang tanging nasa isip ko na lang ay kamatayan.

            Between life and death. Nasa ganoon akong sitwasyon noong naramdaman kong may biglang humablot sa aking buhok. Iyon ang huli kong natandaan.


*****************************************

Part 2: Hero Ng Buhay
 
            “Uhu! Uhu! Uhu!” ang pag-uubo ko at pagsusuka noong nanumbalik muli ang malay ko. Nasa aplaya na ako, nakatihaya, habol-habol pa ang paghinga. At ang di ko inaasahang bumulaga sa aking mga mata ay si Rigor. Wala siyang ng damit pang-itaas at ang suot niyang shorts ay basang-basa.

            Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. Nasa harap ko ang taong hinahanap ko at siya pa itong naging tagapagligtas ng buhay ko. Pakiramdam ko tuloy ay lalong sumikip ang aking dibdib, hindi makatingin ng deretso sa kanya sa sobrang hiya.

            “O-ok ka na?” ang tanong niya, kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pag-alala.

            Tumango lang ako sabay balikwas at naupo sa batuhan, nakayuko dahil sa magkahalong sakit ng ilong, lalamunan, tyan, at pagkahilo.

            Hindi pa rin ako umimik, naalipin ng sobrang nerbiyos ang buo kong katawan sa nangyari, dagdagan pa na hayun, ang mismong taong dahilan pa ng pagkaturete ng utak ko ay siya pa palang nagligtas sa akin. Parang pinaglaruan ba ako ng pagkakataon. Nilunod muna ako at pagkatapos, ipinakita na sa akin ang taong hinahanap-hanap ko. Kakaasar!

            “Magbihis ka!” sambit niya habang inihagis sa akin ang aking shorts, t-shirt at brief na pinulot niya sa batuhang parte ng aplaya.

            Dali-dali akong tumayo at tumalikod, isinuot na ang aking damit. At noong maisuot ko na ito nakita kong naglakad na pala siya tinumbok ang bahay kubo na nasa di kalayuan lang. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad na parang wala lang seryosong nangyari. Inaayos niya ang mga niyog na nagkalat sa harap ng kubo.

            Sumunod ako at umupo sa isang bangko na gawa ng kawayan sa labas ng kubo, nakaharap sa kanya. “S-salamat ha?” ang pag-aalangan kong sabi. “Kung hindi dahil sa iyo, tuluyan na akong nalunod.”

            “Ok lang iyon. At least, ngayon alam kong marunong ka rin palang magsalita.” Ang may halong pang-aasar niyang sagot.

            Napangiti naman ako ng hilaw. “Marunong naman talaga akong magsalita e.” ang sagot kong may bahid napagkairita.

            “Oo naman. Narinig ko na e. Pero ngayon ko lang nalaman. Kung hindi ka pa nalunod, hindi ko malaman na nakakapagsalita ka pala.”

            Napa-“Amff!” naman ako sa narinig. Feeling ko kasi, may galit o tampo siya sa akin. “N-nahihiya ako sa iyo e...” pag-aalangan kong pag-amin.

            “Hah???” ang expression niya, nagulat. “Nahihiya ka sa akin? Sa hitsura at katayuan mong iyan? Nahihiya ka pa sa akin?” sabay tawa na parang nang-aasar.

            “T-totoo tol… nahihiya talaga ako sa iyo.”

            “Sa akin talaga? Sa katayuan kong ito? Ako pa nga itong dapat mahiya sa iyo eh. Kasi…” napahinto siya sandali na parang may bahid na lungkot sa kanyang mukha “…mas nakakaangat kayo sa buhay, gwapo ka naman, at higit sa lahat, palaging nangunguna ang pangalan sa honor’s list sa school. Samantalang ako, heto, tingnan mo naman, kumakayod, mahirap pa sa daga ang pamilya, at higit sa lahat, puro katarantaduhan ang laman ng bungo.” Dugtong niya at natawa rin sa huli niyang sinabi.

            Natawa na rin ako. “Woi, sobra ka naman. Pinababa mo masyado ang sarili mo.” Ang sagot ko. Idugtong ko pa sanang “Ang gwapo-gwapo mo nga e, maraming nagka-crush sa iyo d’yan…” Ngunit hindi ko na itinuloy ito. Baka maging obvious na.

            “Totoo naman e. Kung ikaw nga, nahihiya pa sa ganyan, paano na lang ako? Di ba? Dapat pala hindi na kita kikibuin, nakakahiya kasi.”

            “Sabagay, may punto siya” sa isip ko lang. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “S-sige na nga, hindi na ako mahihiya pa sa iyo.”

            Kitang-kita ko naman ang biglang pagsaya sa mukha nya. “Hayan… dapat ganyan! Para ako, mabuhayan din ng loob!”

            Napangiti na lang ako. Kinikilig ba. Inspired…

            “At sa susunod huwag kang maligo sa parteng iyan kapag wala kang kasama at lalo na’t hindi ka pala marunong lumangoy!”

            “Opo.” ang sagot ko. Parang unti-unting nawala na ang hiya ko sa kanya. “Ang sarap pala niyang kausap” sa isip ko lang.

            “At kung gusto mo, turuan pa kitang lumangoy e…”

            “T-talaga? Sige, gusto ko iyan, tol!”

            “Sige, i-schedule natin iyan at may trabaho pa ako e. Sige tol, at may aakyatin pa akong mga puno ha? Iwanan muna kita dito. Hintayin mo ako?” Tanong niya na para bang ayaw din niyang iwanan ko siya.

            “S-sandali. Gusto mong ikukuha kita ng shorts sa bahay, ibigay ko sa iyo upang tuyong shorts na ang maisusuot mo?”

            “Huwag na tol! Nakakahiya! Dito ka na lang, hintayin mo akong matapos sa pag-akyat.”

            “Anong nakakahiya? Kulang pa iyan sa ginawa mong pagsagip sa buhay ko. Ikaw ang hero ko tol…”

            “Hahahaha! Hero pa talaga. Sige na nga, bahala ka!”

            At iyon, umuwi akong naalipin ang utak sa sobrang kaligayahan. Kumuha ako ng short pants at nagdala na rin ng t-shirt, at sinamahan pa ng brief!

            Sobrang tuwa ni Rigor noong makita ng dala ko. Noong madukot na niya mula sa plastic ang mga ito, sinusuri pa niya ng maigi. “Salamat talaga ng marami tol… tamang-tama, dala-dalawa na lang ang natitirang shorts ko, pareho pang butas-butas. Atsaka sa t-shirt na rin, puro luma na kasi ang mga t-shirts ko. Thank you tol!” sambit niya na halos abot-tainga ang ngiti.

            “Mayroon pa d’yan sa loob ng plastic.” Sabi ko noong hindi niya napansin ang brief.

            Kaya sinilip niya muli at noong makita ang isang brief, tawa siya ng tawa. “Dalawa na ang brief ko! Yeheeyyy!” sigaw niya.

            “Huh! Isa lang ang brief mo?” ang gulat kong tanong.

            “Oo tol. May araw na wala, may araw na mayroon” sabay tawa ng malakas. “Ngayon nga, wala e. Bukas pa ako magbi-brief!”

            “Hahahahahaha!” sabay kaming nagtatawanan. Ewan. Malisyosong bagay tuloy ang naglaro sa utak ko sa sinabi niyang iyon. Nakiliti, nalibugan. Pero syempre, hindi ako nagpahalata.

            Sa buong araw na iyon, halos hindi na kami maawat sa pagkukwentuhan. At habang ginagawa niya ang pag-aakyat ng niyog, ako naman sa baba ang taga-kolekta ng mga nailaglag nang bunga. Sobrang saya ko sa tagpo naming iyon.

            Iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Rigor. Hindi lang magkaibigan, naging mag-best friends pa kami. Masasabi kong swak na swak kami sa isa’t-isa. Tama nga siguro ang sinabi nilang opposite poles attract. Mahiyain ako; siya ay madaldal ngunit kapag siya ang kasama ko, nawawala ang pagkamahiyain ko. Sa klase, maganda ang performance ko samantalang siya medyo mahina. Ngunit sa aking pagto-tutor sa kanya, umangat ang mga grades niya.

            Sobra kaming naging close sa isa’t-isa na walang araw na hindi kami magkasama; sa eskwelahan, sa paliligo, sa pag-aakyt niya ng niyog, kahit saan. At lahat ng bagay ay sini-share namin sa isa’t-isa; pagkain, baon, kahit ano. At ang isang bagay na hindi ko malimutan ay ang pagturo niya sa akin ng paglangoy.


*************************************************

Part 3: Wish Ko Lang

            At may itinuro din naman ako sa kanya: ang pagtugtog ng gitara.

            “Tol… ito ang unang ituturo ko sa iyong kanta. Paborito ko kasi ito at sana, magugutuhan mo. Basta i-memorize mo lang ang chords.” Sabi ko sa kanya sabay kaskas sa akig gitara at kumanta na. Ang buong akala niya, tinuruan ko lang siyang maggitara. Lingid sa kaalaman niya, buong-puso kong ipanaabot ang mensahe ng kanta na iyon para sa kanya. Wish ko lang…
            Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
            Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
            Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin

            Alam kong di mo makita, narito lang ako
            Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
            Hahanapin mo rin, hahanapin din

            Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
            Baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mo

            Sana nga’y mangyari ‘yon, kahit di pa lang ngayon
            Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon

            Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
            Maghihintay kahit kailan, nangangarap kahit di man ngayon
            Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin

            Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon
            Malay mo balang araw, dumating din iyon…

            “Waaaaahhhhh! Ang galing!!!” sigaw niy sa akin pagkatapos kong kantahin ito. “Sana ganyan din ako kumanta at gumitara tol! Gusto ko pati ang kanta, paborito ko yan tol!”

            Natuwa naman ako na nagustuhan niya, at paborito din pala niya iyon. “Alam mo, bago ko kinakanta iyan, binubulong ko ang wish ko.”

            Ewan kung bakit ko rin ba nasabi iyon sa kanya. Ang wish ko lang naman ay malaman niya na para sa kanya ang bawat mensaheng nakasaad sa kantang iyon.

            “Talaga?” ang sagot niyang excited sa narinig. “Ano naman ang wish mo?”
Natawa ako, feeling naipit baga, nagsisi kung bakit sinabi ko pa sa kanyang may wish akong binulog. Ngunit ang naisagot ko na lang ay, “Sa akin a lang iyon…”

            “Waahhh! Ang daya!” sagot niya. “Sige kapag ako naman ang kumakanta niyan sa harap mo, may wish din ako, sikret din!” dugtong niyang parang may tampo na hindi ko sinabi ang totoo.

            Ngunit pareho na lang naming tinawanan iyon.

            Halos wala na akong mahihiling pa sa sobrang close namin ni Rigor. Sobrang saya ko na sa wakas, naging close din kami sa isa’t-isa.

            Ngunit habang tumatagal, mas masakit pala ang ganoon. Kasi, nand’yn na sana siya sa tabi ko ngunit di ko magawa-gawang sabihin sa kanya ang totoong naramdaman ko. Nagsusumigaw ang aking damdaming yakapin siya at hagkan ang kanyang mga labi, ngunit mistula akong isang paslit na tulo-laway na nakaharap sa isang napakasarap na ice-cream at ang tanging nagagawa ay ang tingnan lang ito…

            At sa paglipas pa ng mga araw, patindi nang patindi ang nadaramang kalungkutan ng aking puso. Para bang tino-torture ang aking isip at kululuwa. Nand’yan lang ang taong mahal ko, abot-kamay ko na lang sana ngunit parang nasa isip lang ang lahat; napakalayo at hindi ko kayang abutin.

            Sobrang sakit, grabe. Nagmahal ako ng patago, nalilito kung bakit sa kapwa lalaki pa, at kung bakit ko naramdaman ang ganoong klaseng pagmamahal sa kanya. Ang masaklap, hindi ko masabi-sabi iyon kahit kanino. Kaya feeling ko sasabog na ang utak ko sa sobrang tindi ng naranasan at pagkalito. Napakahirap tanggapin. Kasi, alam ko, lalaki si Rigor at imposibleng maging akin siya.

            “Ano ba ang pangarap mo tol?” tanong ko sa kanya isang beses na nagkuwentuhan kami sa ilalim ng lilim ng puno ng talisay na nasa gilid lang ng ilog at malapit lang sa kubo niya.

            “Ang magkaroon magandang trabaho, iyon lang.”
“Bakit?” tanong ko.

            “Syempre, kapag maganda ang trabaho mo, mabibili mo ang lahat ng kailangan mo, di ba?”

            “Ayaw mo bang magkaroon ng pamilya?”

            “Syempre, gusto.” Sagot niya habang napansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. “Kaso… ayokong matulad sa akin ang magiging anak ko tol na maraming kahati sa pagmamahal at sa mga kapiranggot na mga bagay-bagay sa pamilya. Ayokong danasin din ng magiging anak ko ang hirap…” At nakita ko na lang ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

            May sundot din sa puso ko ang narinig. Kasi gusto rin pala niyan magkaroon ng pamilya, ibig sabihin, imposibleng mangyari pa ang wish ko na maging kami. “Pasensya ka na tol sa tanong ko ha?” Ang nasabi ko na lang.

            “Ok lang tol… Ikaw ba ano ang pangarap mo?”

            Nagulat naman ako sa pagbalik niya sa tanong ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko. “Eh… ewan! Hindi ko alam tol. Basta lang sana ay mahanap ko ang taong tunay na magmahal sa akin at tatanggapin niya ako ng buong-buo.”

            “Syeeettttt! An lalim naman!” ang sigaw na biro niya, biglang nawala din ang lungkot sa kanyang mukha.

            Tawanan na lang kami.

            Ang mga pangarap niyang iyon ang tumatak sa aking isip. At sa bawat sandaling maalaala ko iyon, may kirot akong nadarama sa aking puso.

            Isang araw, naabutan ko si Rigor sa may puno ng talisay at umuukit ng pangalan. “Ano iyang ginagawa mo, Tol!” Tanong ko.

            “Inuukit ko ang pangalan ko tol!”

            “Bakit may bakanting linya sa ibaba?”

            “Kapag nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko, d’yan ko ilagay ang pangalan niya!”

            “G-ganoon ba?” ang malungkot kong sabi bagamat hindi ko ipinahalata ito.

            “Mag-ukit ka na rin ng pangalan mo. At lagyan mo na rin ng bakanteng linya sa baba!”

            Tumalima naman ako bagamat para sa akin ay walang kahulugan ito.

            “At upang malaman nating orihinal na tayo ang umukit ng mga pangalan natin, ibaon natin ang pako sa pinakahuling letra ng ating pangalan.” At humugot nga siya ng pako sa bulsa niya at ibinaon ito gamit ang isang batong pamukpok sa gitna ng huling letrang “R” ng pangalan niya. Halatang pinaghandaan niyang pagdala ng pako.

            Sumunod naman ako. Ibinaon ko ang pako na iniabot niya sa gitna ng letrang “N” ng pangalan kong Ryan.

            Akala ko ay tuloy-tuloy na ang ganoong setup namin kung saan palagi kaming nagkakasama. Ngunit sadyang nababalot ng hiwaga ang buhay. Mapaglaro ang tadhana, sumusulong ang panahon, at dumarating ang samut-saring pagsubok na siyang magpabago sa takbo ng lahat…

**********************************************


Part 4: Mapaglarong Tadhana

            Isang linggo pagkatapos ng graduation namin sa high school, pinuntahan ko si Rigor sa ilog. Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng talisay. At kahit nakatalikod siya sa akin, ramdaman kong may iniinda siyang mabigat na saloobin.

            Umupo ako sa tabi niya.

            “Tol… hindi na ako makapagpatuloy ng pag-aaral sa college. Aalis na ako bukas tol, papuntang Maynila. Doon ako magtatrabaho sa tindahan ng gulay ng kaibigan ng tatay” ang malungkot niyang sabi.

            Pakiramdam ko ay may humataw ng malakas at matigas na bagay sa ulo ko sa pagkarinig sa sinabi niya. “Bakit naman tol… Iiwanan mo ako?” tanong kong ang boses ay tumaas.

            “W-wala akong magawa, tol. Iyan ang sabi sa akin ng itay e. Hindi na nila kayang papag-aralin kaming lahat. At dahil tapos na ako ng high school kaya ako ang napagdesisyonan niyang magtrabaho upang makatulong sa aming kahirapan.”

            Hindi na ko nakakibo pa. Yumuko na lang ako, pilit na nilabanang huwag pumatak ang mga namumuong luha sa aking mga mata. Ngunit sadyang tagos sa aking puso ang dalang mensahe niya kaya hindi ko rin napigilan ang kusang pagdaloy ng aking mga luha. Hinawi ko ang dulo ng aking t-shirt at pinahid ko ang aking pisngi.

            At nakita ko na lang na umiyak na rin si Rigor. Nakayuko, hinayaang pumatak ang kanyang mga luha sa buhangin.

            Para kaming mga basing sisiw na iniwanan ng kanilang inahin. Pakiramdam ko sa sandaling iyon ay wala kaming kakampi sa mundo. Kung kailan pa sobrang close na namin sa isa’t-isa atsaka pa nangyaring paghiwalayin kami. Sobrang sakit talagang maglaro ng tadhana; sobrang napaka unfair ng buhay. Parang gusto kong magmura, magrebelde sa nasa itaas...

            Maya-maya, inakbayang ako ni Rigor. “T-tol… huwag ka nang umiyak. Promise kapag nakabili na ako ng cp sa Maynila, palagi kitang ite-text, palagi rin kitang susulatan tol… Promise ko sa iyo, hindi kita pababayaan. Ako pa rin ang tagapagtanggol mo, ako pa rin ang hero ng buhay mo.” Ang sabi niya.

            Hindi ako kumibo. Patuloy pa rin ang paghikbi ko. Sa loob-loob ko, parang gusto ko nang ibunyag ang lahat ng naramdaman ko para sa kanya, bago man lang kami magkalayo.

            Ngunit takot pa rin ang namayani sa aking utak. Tiniis ko pa rin ang lahat.

            Alas 10 ng umaga noong dumaong sa pier ang barkong sasakyan ni Rigor papuntang Maynila. Als 9 pa lang, nandoon na kaming dalawa. Parang biglang bumaligtad ang mundo. Kung dati ay ang saya-sayw namin kapag ganoong magkasama kaming dalawa, sa nalalabing sandali na iyon na magkasama kami, parang hindi kami magkakilala. Pareho lkaming tahimik, nakatutok ang mga mata sa buong lawak ng dagat, malalim ang iniisip, pilit na nilabanan ang matinding sakit na naramdaman.

            “Aalis na lang ako, Rigor, lalo lang akong nalulungkot e...”

            “Ayaw mo na ba talagang papigil?” tanong niya, bakas sa mga mata ang ibayong lungkot.

            Umiling lang ako. Dama ko ang namumuong luha sa mga mata ko. “Bye Tol…” ang sambit ko sabay yakap na sa kanya.

            Yumakap din sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Bye tol, ingat ka palagi, at pakabait ka dito, ha?”

            “Kaw din... mag-ingat ka sa Maynila. Marami daw mga masasamang-loob doon. Alagaan mo palagi ang sarili mo tol. M-ma-miss kita. Sobra!” ang salitang lumabas sa aking bibig bagamat ang isinigaw nito ay ang salitang “I Love You!”

            “Ma-miss din kita...”  ang maiksing sagot niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata nya at ang mga namumuong luha sa gilid noon. At dali-dali na akong tumalikod, pilit na itinago ang mga luhang hindi ko na napigilang dumaloy sa pisngi ko.

            Binaybay ko ang kahabaan ng pier na tuliro ang utak sa di maipaliwanag na sakit na naramdaman habang walang humpay naman ang pag-agos ng aking luha.
Iyon ang huli naming pagkikita.

            Galing sa pier, dumeretso ako sa ilog at sa ilalim ng malaking puno ng talisay, doon ako nag-iiyak, ipinalabas ang lathat ng sama ng loob.

            Maya-maya, naisipan kong maligo sa ilog. At sa paglalangoy ko ipinagpatuloy ang pagpalabas ng lahat ng mga hinanakit sa buhay. Bumabalik-balik s aking ala-ala ang pagsagip ni Rigor sa buhay ko sa ilog na iyon. BUmalik din sa aking ala-ala ang masasayang sandali namin habang tinuturuan niya ako sa paglangoy.

            Pagkatapos kong maligo, naibaling ko ang paningin ko sa inukit niyang pangalan sa puno ng talisay. Parang may malakas na nag-udyok sa utak ko na iukit ang pangalan ko sa blangkong linya sa ibaba ng pangalan niya.

            Hawak-hawak ko na ang kutsilyo upang ukitin na ang pangalan ko doon ngunit sumagi rin ang isang tanong sa aking isip. “Paano kung makita ni Rigor ang pangalan ko sa ibaba ng pangalan niya at hindi niya magustuhan ito kasi nahanap na niya ang babaeng mahal niya?

            Kaya hindi ko na itinuloy pa ang pag-ukit.

            Pagkaraan ng isang linggo, sunod-sunod ang sulat ni Rigor sa akin. Kahit papaano, naibsan ang aking lungkot at pangungulila. Hindi pa kasi siya nakabili ng cellphone at hindi rin marunong mag-internet kaya sa sulat na lang namin ibinuhos ang lahat ng kasabikan namin sa isa’t-isa.

            Sa paglipas ng panahon, unti-unti ko nang natanggap na malayo na ang minahal kong kaibigan. Noong nasa second year college ako, sinubukan kong magkaroon ng girlfriend.

            Agad kong ibinalita kay Rigor ito. Excited ako sa sagot niya bagamat sa isang sulok ng aking utak, umaasa ako na sana ay magpahiwatig siya ng pagsiselos.

            Ngunit nadismaya ako dahil natuwa pa siya sa pagkakaroon ko ng kasintahan. “Good luck tol! May mai-ukit ka na ring pangalan sa ilalim ng pangalan mo sa puno ng talisay!” sabi niya sa sulat.

            Iyon na rin ang huli niyang sulat sa akin. Simula noon, wala na akong narinig pa sa kanya. Kahit ang pamilya niya ay hindi na rid aw sinusulatan bagamat tuloy ang pagpapadala niya ng pera sa kanila.

            Sobrang nalungkot ako. Ngunit inisip ko na lang na nagkaroon na rin siguro siya ng mahal sa buhay at tuluyan na niyan akong kinalimutan. “Marahil ay sadyang ganyan talaga ang tadhana… Minsan, darating bigla ang taong magpapatibok ng iyong puso. Hihinto siya sa buhay mo at iisipin mong siya na nga. Ngunit hindi pala dahil sa banda pa roon, may ibang taong siyang tunay na nakalaan para sa kanya…”

            Hindi rin nagtagal ang relasyon ng naging kasintahan kong babae. Maraming issues. At ang isang issue ay ang naramdaman kong “kulang” sa aming relasyon. May iba akong hinahanap. At alam ng puso ko iyon – si Rigor.

            Noong makagraduate ako ng college, napagdesisyonan kong sa Maynila magtrabaho. Dahil magna cum laude ang honors kong natamo sa kursong Accountancy at pumasa din naman agad sa board exams, may nag-offer ng trabaho sa akin doon.

            Sa dalawang taon kong paninilbihan sa trabaho, mabilis na umangat ang aking katungkulan. Doon, unti-unting naibsan ang pagkamahiyain ko at natuto akong makikisalamuha sa mga tao, sa mga kasamahan sa trabaho. At nagkaroon na rin ako ng mga piling kaibigan. Natuto rin akong mag-bar, manood ng shows at macho dancers, at… bumili ng aliw. Doon ko na rin na-realize na ako ay isang certified na bakla.

            Sinubukan ko ring magkaroon ng boyfriend. Ngunit kagaya ng naging pakikipagrelasyon ko sa babae, hindi rin tumagal ito.

            Isang gabi, maaga akong umuwi galing sa trabaho. Sobrang na-bored ako noon kaya nasumpungan kong maghanap ng aliw. Ang ginawa ko ay tinawagan ang isang call boy na ipinakilala sa akin ng isang kaibigan, Dindo ang pangalan. “Dindo… puwede ka ba ngayon?” tanong ko.

            “Sorry, Ryan, naunahan ka. May booking ko e!” ang sagot sa kabilang linya.

            Syempre, na-frustrate ako. Atat na atat pa naman akong may makasama, may makausap habang mag-iinum. “Ah… ganoon ba? Sayang naman.” ang malungkot kong sabi.

            “Pero kung gusto mo, may kaibigan akong bakante ngayon. Sigurado akong mag-eenjoy ka sa kanya. Mabait, matangkad, gwapo… mas guwapo pa sa akin to” ang dugtong naman ni Dindo sabay bitiw ng pilyong tawa.

            Bigla din akong nabuhayan ng loob, natawa sa kanyang ibinigay na description. “O sige ha. Sigurado kang mabait iyan!” Biro ko. “At mas guwapo kaysa iyo!” dugtong ko rin.

            Halos isang oras at may nag-door bell. Tamang-tama, katatapos ko lang maligo. Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito.

            Ngunit laking gulat ko noong tumambad sa aking mga mata ang taong nasa harap ng pintuan. Bigla akong natulala, hindi makapaniwalang ang taong hinahanap-hanap ko ay natagpuan ko rin sa wakas. Pakiramdam ko ay nanginig ang aking buong kalamnan.

************************************************


Part 5: Ang Lihim

            “Si Rigor!” sigaw ng utak ko.

            Lalong gumuwapo siya at ang dating gusgusing batang nakilala ko ay isang certified na metrosexual na. Cleancut ang buhok, kuminis ang balat lalo na ang mukha, ang pananamit ay maihahanay sa mga sikat na artista sa TV. At may isang silver na hikaw pa siya sa kanang tenga! At pansin ko ang lalong pagganda ng hubog ng kanyang katawan; bakat ang kanyang mga biceps at bakat ang sculpted na dibdib sa kanyang suot na semi-fit na puting t-shirt.

            “Rigor! Ikaw ba yan?” ang sambit ko sa natulala ding si Rigor.

            “R-ryan?!” ang sambit din niya.

            “Waaahhh! Akalain mo? Ang liit lang talaga ng mundo! Antagal na kitang hinahanap tol!” ang excited kong nasambit.

            “A-ako rin tol…” Ang med’yo may pag-aalangan niyang sagot.

            “Halika! Pasok!” ang pag anyaya ko.

            Sumunod din naman siya. “D-dito ka pala nakatira? Tanong niya. “Ang ganda ng tirahan mo…”

            “Mahigit dalawang taon na ako dito sa Maynila tol. At ok naman ang work ko. Supervisor ako sa isang multi-national company.” Sagot ko habang pinaupo siya sa sofa at ako naman ay dumeretso sa kusina, kumuha ng beer sa refrigerator at noong bumalik sa sala, inilatag ang apat na beer sa mesa, binuksan ang isa at iniabot iyon sa kanya.

            Tinanggap niya ang nabuksan nang beer sabay tungga nito. Nagbukas uli ako ng isa pa at inilatag sa harap ko.

            Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Pakiramdam ko ay bumalik uli ang pagkamahiyain ko, hindi magawa-gawang titigan siya, lapitan, o ni hawakan. Ni hindi ko nga siya nakamayan sa bukana pa lang ng pintuan. Basta ang naramdaman ko lang sa pagkakataong iyon ay ang malakas na kabog ng aking dibdib. At muling nanumbalik sa akin ang naramdaman kong matinding paghanga at pagnanasa sa kanya noong bata pa kami.

            Tahimik. Kahit pagtitig sa kanya ay para akong nasisilaw. At pakiwari ko ay ganoon din siya. Para kaming parehong nabusalan; hindi alam kung ano ang gagawin o kung paano simulan ang usapan.

            “I-inum ka lang tol…” ang nasabi ko na lang.

            Umimom naman siya. At madali niyang naubos ang isang bote ng beer. Binuksan ko pa ang isa at iniabot din iyon sa kanya. Dali-daling inubos ko na rin ang isang bote ko at binuksan uli ang isa pa. Tumayo ako, bumalik sa refrigerator at nagpalabas na ng anim na bote.

            Nakatig-aapat na bote na kami at nag-init na ang pakirramdam ko noong nilakasan ko na ang loob kong magtanong. “C-call boy ka tol?”

            Ngunit pakiramdam ko ay ako ang tinablan ng hiya sa tanong na iyon. Parang sa akin bumalik ang nakakahiya at nakakasuklam na tanong na iyon.

            Yumuko siya na tila humugot ng lakas at saka sinalubong ang tingin ko. “O-oo. Oo tol… Mahabang kuwento.” Ang sagot niya, bakas sa mukha ang ibayong kalungkutan. Ngunit para din akong nasabugan ng bomba noong siya naman ang magtanong. “I-ikaw ba ang b-baklang nirefer sa akin ng kaibigan kong si Dindo?”

            Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa tanong na iyon ni Rigor. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. At isang tango lang ang aking tugon, may pag-aalangan pa.

            “N-noong mga bata pa tayo… b-bakla ka na ba noon? M-may lalaking minahal ka na ba noon?”

            “H-hindi pa tol. Dito ko lang sa Maynila nalaman.”

            Tahimik.

            At naalimpungatan ko na lang ang sunod niyang sinabi, “S-sige, simulan na natin…” na para bang bigla siyang nawalan ng gana.

            Feeling nadismaya naman ako sa biglang pagsabi niya ng ganoon. Di ko maintindihan kung bakit parang ayaw niyang mag-usap pa kami. Pakiramdam ko ay ibang-iba na siya. Parang may hinahabol. Kaya hindi ko na iginigiit na mag-usap pa kami, baka makasagabal pa ako sa schedule niya.

            “S-sige…” ang naisagot ko na lang sabay tayo, tumbok sa kwarto. Sumunod siya.

            Dumeretso akong naghubad, humiga sa kama at tinakpan ko lang ang katawan ng kumot samatalang siya ay nag-CR at noong makalabas na, tumambad sa mga mata ko ang hubad niyang katawan na tinapisan lang ng tuwalya.

            Hindi ko napigilan ang sariling hindi mapa-Wow! “Ang ganda ng katawan natin!” sambit ko.

            Hindi niya sinagot ang aking sinabi. Binitiwan lang niya ang isang pilit na ngiti at tinanggal ang nakatapis na tuwala sa kanyang beywang, inihagis ito sa sandalan ng upuan at sumampa na sa kama sa tabi ko. “A-ano ba ang gusto mo?”

            Tumagilid akong paharap sa kanya. “A-anong ibig mong sabihin?” ang may halong pagkalitong sagot ko.

            “Kung gusto mong masahehin muna kita, o magsasayaw ako sa harap mo, o derestso na tayo sa… alam mo na.” Napahinto siya sandali. “At kung deretso na tayo, kung ano bang posisyon mo, top ba o bottom?”  dugtong din niya.

            “Top? Bottom?” Ano iyan? Ang gulat kong tanong sa bagong terminolohiyang narinig. Hindi ko naman kasi talaga alam ang ibig sabihin noon sa kalakaran ng trabaho niya.

            “Kapag top ka, ikaw ang titira sa akin sa puwet; kapag bottom ka, ikaw ang titirahin ko…”

            Napaisip ako sa sagot niya. “G-ganoon ba? P-payag kang tirahin kita sa puwet?”

            “Oo naman. Magbabayad ka, di ba? Dapat lang na sulit ang binabayaran ng customer. Ganyan ako kapag nagtrabaho” sagot niya. “So… deretso na tayo?” tanong niya uli.

            “A, eh… b-bahala ka.” Ang sagot ko na lang. Ngunit sa isip ko lang, ramdam kong ibang-iba na talaga siya. Ang dami na niyang alam na kamunduhan. Nawala na iyong pagka-inosente niya. Ang Rigor na kilala kong masaya

            at kuntento na sa mga maliliit at simpleng bagay, ang Rigor na walang kamuwang-muwang sa mundo… ay naglaho na. Ibang Rigor na ang kaharap ko, ang katabi ko sa kama. Isang Rigor na nabura na sa isip ang familiarity sa akin.

            At sa unang pagkakataon, nangyari sa amin ang matagal ko nang inaasam-asam na mangyari… ang mayakap siya, ang mahalikan ang mga labi niya, ang matikman ang katawan niya. At ang pinili ko pang posisyon ay ang maging “top” sa pagtatalik namin. Halos hindi ako makapaniwala. Sa tagal-tagal kong pagpapantasya na mangyari iyon, sa ganoong paraan lang pala magkaroon ito ng katuparan. Ang bilis. Ang dali. Pera lang ang katapat.

            Oo, masasabing isang katuparan iyon sa matagal ko nang tinimping pagnanasa sa kanya. Subalit ewan… may kung anong malaking kulang na hindi ko rin maintindihan. Parang wala akong kasayahang naramdaman.

            Pagkatapos naming makaraos, naligo uli siya at nagbihis. Ordinaryo lang sa kanya ang lahat. Alam na alam ang gagawin, wala akong nakitang bahid na kahihiyan o guilt sa kanyang mukha sa ginawa namin. Parang nakipagmeeting lang ako sa isang kliyente at pagkatapos noon, nag-shake hands kami at naghiwalay na. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagbagong-anyo bilang isang propesyonal na hustler at prostitute ang laking-bukid na batang nakilala ko noon.

            Binigyan ko siya ng apat na libo. Nagpasalamat siya atsaka umalis.

            Iyon lang. Habang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas ng gate, hinintay ko siyang lumingon, magbabay o mag-iwan sa akin ng isang ngiti. Ngunit nagtuloy-tuloy siya sa paglakad. Pakiramdam ko ay hindi na talaga siya ang best friend ko. Ni numero ng aking cp ay hindi niya kinuha.

****************************************************************


Part 6: Ang Muling Pagtagpo

            Ilang araw din akong nag-isip sa nangyari. At syempre, nangarap pa rin ako na tawagan niya o bisitahin muli.

            At isang gabi nga, nag-ring ang landline ko. Si Rigor! “Ryan… bakante ako ngayon, baka gusto mong d’yan ako sa iyo kung ok lang…”

            Syempre, natuwa ako. Inasam-asam ko kaya ang tawag niya bagamat naisip ko ring marahil ay dahil iyon sa wala siyang customer kaya napilitan siyang alukin ako ng aliw. “Ok ba!” Sagot ko.

            At dumating naman siya. Nag-inuman kami sa terrace ng aking apartment, nakaupong parehong nakaharap sa isa’t-isa pinagitnaan lang ng isang maliit na mesa kung saan nakalatag ang aming iniinum na beer at pulutan. May kadiliman ang paligid, may mahinang love songs na background samantalang ang mga dahon ng palmera ay paminsang pumapagaypay sa bawat hihip ng hangin.

            Noong malasing na kaming pareho, hindi ko napigilan pa ang sariling magpalabas ng saloobin. “Alam mo tol… hindi ko malimutan ang pagligtas mo sa buhay ko sa ilog na iyon. At hindi ko rin malimutan ang sabi mo pa sa akin noon na hindi tayo maghihiwalay, na hindi mo ako pabayaan, na ikaw ang magiging tagapagtanggol at bodyguard ko, manatili kang hero ng buhay ko…”


            Pinakiramdaman ko siya, inasahang magreact sa aking sinabi. Ngunit tahimik lang siya, yumuko noong naramdamang may panunumbat ang tono ng aking salita, paminsan-minsang tumutungga ng beer.

            Nagpatuloy ako. “…ngunit bigla kang nawala at ngayong nagkita na sana tayo, parang hindi na kita kilala. Ibang-iba ka na kaysa Rigor na nakilala ko, ang best friend kong palaging nad’yan lang para sa akin, ang taong naging inspirasyon ko upang magiging matatag; ang kaibigang nagturo sa akin kung paano tanggapin ang sarili upang mabura ang pagkamahiyain…”

            Tahimik pa rin siyang nakinig sa mga sinabi ko, nanatiling nakayuko, malalim ang iniisip at ang isang daliri ay marahang iginuri-guri na sa bibig ng bote ng kanyang beer.

            “Dati ang sabi mo pa, na hindi mahalaga sa iyo ang kahit ano mang bagay kundi ang kaibigan mo at pagkatao mo. Ngunit sa pagkakita ko sa iyo ngayon, ano ang ginawa mo sa kaibigan mo? Ano ang ginawa mo sa pagkatao mo…?”

            At hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy sa aking mga mata. Pinahid ko ang mga ito sa aking kamay.

            Hindi pa rin kumibo ni Rigor. Nanatili pa ring nakayuko. Noong itinutok ko ang paningin ko sa kanyang mukha, nakita kong may mga luha na pala ang kanyang pisngi. Tahimik siyang umiiyak, hinayaang dumaloy nang dumaloy ang mga luha niya at hindi tuminag sa kanyang pagkakayuko.

            Mistula namang piniga ang puso ko sa nakita. Umikot ako sa mesang nakapagitna sa amin at tumabi sa kanya, inakbayan ko siya.

            At doon na siya napahagulgol na parang isang paslit. Niyakap niya ako. “Tol… Hindi totoong nag-iba na ako. Ikaw pa rin ang best friend ko tol.” Ang sambit niya. “Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong makita kang muli dito. Kaso… nahiya ako sa iyo tol kasi…” napahinto siya, pilit na nilabanan ang pag-crack ng kanyang boses “…ang ganda ng trabaho mo, may sarili kang tirahan, may sasakyan. Hindi na kita maaabot. Samantalang ako, heto, nagbebenta ng aliw. Sobrang hiya ko sa sarili tol…”

            Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit, hinaplos-haplos ang kanyang likod.

            “H-hindi kita matiis tol… Kaya hiningi ko kay Dindo ang numero mo at tinawagn kita, upang makita ka, magku-wentuhan tayo ng ganito, magsimulang kilalanin nating muli ang bawat isa.”

            May tuwang dulot ang sinabi niyang iyon sa akin. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang kanyang pisngi. “Tol… hindi ako nakalimot. Ikaw pa rin ang idol ko. Ikaw pa rin ang hero ng buhay ko. Hindi mabubura iyan hanggang buhay pa ako.”
Nahinto rin ang kanyang pag-iyak. Pinahid ng kamay niya ang kanyang mga luha at binitiwan ang isang pilit na ngiti.

            At doon na ikinuwento ni Rigor kung paano siya nasadlak sa pagiging call boy. “Nagsimula iyon noong hindi na ako halos pinapasweldo ng tindahang pinapasukan ko dahil humihina na ang kanilang kita. Dagdagan pa noong dinapuan ng sakit ang itay. Dahil sa ako lang ang inaasahang makapagpadala ng pera pang-ospital niya, napilitan na akong mag-call boy. Marami kasing nag-alok sa akin. At simula noong maranasan ko nang humawak ng malaking pera, sunod-sunod na ang pagtanggap ko ng kustomer. Hanggang sa tuluyan na akong umalis sa pagtitindero at nagfull-time call boy na ako at macho-dancer...”

            Matinding pagkaawa ang naramdaman ko para sa kaibigan. “K-kung gusto mo, dito ka na tumira sa akin” ang mungkahi ko.

            Nag-isip siya. “H-huwag muna tol…” ang maiksing sagot niya.

            Hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi na maraming mga call boy ang may mga “sponsor” o sugar daddy/mommy o kung ano man ang tawag. Pwede ring may ka-live in na sya at ayaw niyang sabihin. Nirespeto ko na lang siya.

            Iyon ang simula ng muli naming pagiging close ni Rigor. At pakiramdam ko, bumalik-balik sa akin ang mga naramdamn ko noong mga bata pa lang kami. Naalala ko ang lihim na pagnanasa at pagmamahal ko sa kanya. Masaya, ngunit may dulot ding matinding sakit…

            “May kakantahin ako para sa iyo” Noong isang beses na naggitara kami”

            “Sige” Sagot ko.

            “Sandali, may wish muna ako” sabi niya sabay pikit sa kanyang mata.

            “Waaahhh! At ano naman ang wish mo?”

            “Sikrettt!”

            “Waahh! Andaya naman!”

            “Bakit ikaw noong bata pa tayo, may wish ka rin naman hindi mo sinabi sa akin. Sabihin mo ang sa iyo para sabihin ko rin ang sa akin.”

            Natulala naman ako sa kundisyon niyang iyon. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang wish ko ay sana mahalin niya ako? “Ah… sige na nga! Sa iyo na lang ang wish mo!” sabi ko na lang nag may dalang pagmamaktol.

            Napagniti siya, at kumanta na…

            Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
            Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
            Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin

            Alam kong di mo makita, narito lang ako
            Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
            Hahanapin mo rin, hahanapin din

            Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
            Baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mo
           
            Sana nga’y mangyari ‘yon, kahit di pa lang ngayon
            Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon

            Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
            Maghihintay kahit kailang, nangangarap kahit di man ngayon
            Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin

            Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon
            Malay mo balang araw, dumating din iyon

            Naantig naman ako sa pinili niyang kanta. Hindi pala niya nalimutan iyon. Pakiwari ko ay tuluyang nag flash back sa aking isipan ang kubo kung saan kami naglalagi, ang malaking puno ng talisay sa gilid ng ilog, at ang ilog mismo kung saan kami naliligo o kaya ay umuupo at magmumuni-muni sa gilid nito.

            Hindi ko naman mailihis ang aking paningin sa kanyang mukha habang siya ay kumakanta, ang kanyang mga mata ay paminsan-minsang tumutingin sa akin na para bang ipinahiwatig na ang bawat kataga ng kantang iyon ay may saysay, may mensahe para sa akin na galing sa kanyang puso.

            Halos kumpleto na naman sana ang buhay ko dahil nahanap ko na sa wakas ang best friend ko. Ngunit may isang issue; ang pansarili kong kaligayahan. Syempre, naghahanap din ako ng aliw.

**********************************************


Part 7: Ang Muling Paglayo

            At dahil hindi ko nga naman boyfriend iyong tao hindi puwedeng gawin namin iyon. At hindi ko rin pwedeng alukin siyang kunin ko ang kanyang serbisyo… Parang ang sagwa kasi. Simula kasi noong magbalik ang magandang samahan namin, pakiramdam ko, wholesome lang ang turing niya sa akin, wala nang iba. Platonic baga. Hindi kasi siya nagparamdam na hayan puwede kami… Di ba kapag ganyan ang trabaho, dapat alam niya kung paano mang-akit. Alam niya kung ano ang gagawin upang maengganyo niya ang taong malunod sa batis ng kanyang patibong.

            Ngunit wala… Iyon sana ang hinihintay ko; ang landiin niya ako, tsansingan. Wala talaga.

            At kaya parang hindi ko rin ma-imagine ang sarili na makikipagtalik sa isang “kaibigan” na ako lang ang nasasarapan… baka iyon pa ang magiging mitsa ng paglayo muli ng aming loob. Kaya para sa akin, mas maiging makipag sex ako sa isang bayaran kaysa isang taong ayaw kong mawala sa buhay ko…

            Isang araw, nag-inuman kami sa terrace ng apartment, dating gawi. At marahil dahil sa lasing na, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipalabas ang itinatagong sama ng loob. Sinumbatan niya ako. “Nandito pala si Dindo kagabi?” tanong niya, ang mga mata ay nakatutok sa mukha ako.

            “O-oo. Bakit?” ang gulat kong sagot.

            “Sana, kung aliw lang ang pag-uusapan, bakit siya pa? Nandito naman ako.”

            Mistula akong binatukan sa narinig, napatingin sa mukha niya. “M-magkaibigan tayo Rigor. Magbest friends. N-nagyayarian ba ang magbest friends?” ang naisagot ko.

            Na sinagot naman niya ng, “Bakit hindi? Kung ano ang pwedeng ibigay ng ibang lalaki sa iyo, kaya ko ring ibigay. Wala namang problema sa akin e. Bakit sya pa ang kinuha mo? Hindi ka ba nasarapan sa serbisyo ko?”

            Hindi ko alam kung mainsulto o maawa sa kanya. Syempre, pera kaagad ang nasa isip kong dahilan kung bakit nagagalit siya. “K-kung pera lang ang dahilan Rigor… hindi mo naman kailangang makipagsex sa akin e. Bibigyan kita hanggang sa makakaya ko dahil kaibigan kita.” Ang naisagot ko.

            Ngunit ang sagot ko palang iyon ang lalong magpasama ng kanyang loob. “Ang hirap sa iyo, hinuhusgahan mo kaagad ang hangarin ko eh. Kung ibang tao ang nagsasalita sa akin ng ganyan, hindi ako masasaktan kasi, hindi nila ako kilala at totoong pera lang naman ang habol ko sa kanila. Ngunit ikaw… lalo mong pinababa ang pagkatao ko. Ganyan ka na ba ngayon? Porket may pera ka, may magandang trabaho, nabibili ang luho… ang tingin mo na sa akin ay mukhang pera na? Tanginang buhay to o! Bakit hindi mo na lang sabihin na nandidiri ka sa akin?” Sabay tayo at nagmamadaling tinumbok ang pintuan.

            Mistula akong nabilaukan sa narinig, hindi kaagad nakasgot. “B-bakit ka ba nagagalit?” ang tanong ko.

            Napahinto siya sa mismong pintuan, hawak-hawak pa ang door knob at matulis ang mga matang lumingon sa akin. “Hindi mo alaaaaammmm!!!!! P***** inaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!” bulyaw niya sabay labas ng kuwarto, hinambalos pa ang pagsara pintuan.

            Dali-dali ko siyang hinabol hanggang sa labas ng bahay. Ngunit mabilis itong nakasakay ng taxi.

            Iyon ang huli naming pagkikita ni Rigor. Masama ang loob ko dahil nasaktan ko ang kanyang kalooban. Hindi ko naisip na masakit pala ang binitiwan kong salita. 

            Tinawagan ko siya sa kanyang cp, ngunit wala na itong contact. Tinanong ko siya kay Dindo ngunit ang tugon lang daw nito sa kanya ay huwag ibigay ang kanyang bagong numero at address kung saan na siya nakatira.

            Hindi na ako mapakali. Naitanong ko tuloy sa sarili kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin at kung ganoon na ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan upang hindi na siya magpakita pa sa akin.

            Tinawagan ko uli si Dindo at nakiusap na kahit gagawa na lang ako ng sulat para kay Rigor at iaabot na lang niya ito. Pumayag naman si Dindo. Kaya dali-dali kong isinulat sa isang papel ang mga paliwanag ko, at ang pagbunyag sa matagal ko nang itinatagong pgmamahal sa kanya.

            “Dear Rigor… gusto kong humingi ng paumanhin sa nasabi ko sa iyo. Maling-mali ako, hindi ko naisip na ginawa mo ang lahat ang bagay na iyan dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa iyong balikat. Napaka-selfish ko; wala akong iniisip kundi ang katayuan ko, nalimutan kong may isang best friend ako na may sariling buhay, na may sariling mga problemang pinapasan. Nalungkot ako dahil hindi ko nakita ang side ng buhay mo, na hinuhusgahan na kaagad kita. Ngayon ko lang narealize tol na napakabuti mong tao, napakabuti mong anak, napakabuti mong kapatid, na handa mong gawin ang lahat para sa kanila. Napakaswerte nila na nagkaroon ng mahal sa buhay na katulad mo. Napakaswerte ko na nagkaroon ng isang kaibigan na katulad mo. Kaya nga, idol talaga kita… Kaya nga ikaw ang nag-iisang hero ng buhay ko. Kaya nga… mahal kita. Totoo tol… mahal kita, simula noong bata pa lang tayo. Bago pa lang tayo nagkakilala, mahal na kita. Bago mo pa lang ako sinagip sa pagkalunod ko sa ilog, mahal na kita. Hindi ko lang masabi-sabi sa iyo ito tol… wala akong lakas na sabihin sa iyo ang lahat. Natatakot akong mawala ka kapag nalaman mong hindi lang pala pakikipagkaibigan ang turing ko sa iyo. Sana tol ay patawarin mo ako. Kahit hindi mo man ako mahalin, tanggap ko ito dahil sanay na ang puso ko eh… Sanay na masaktan, kuntento na akong pagmasdan ka, tanggap ko nang hindi ka magiging akin. Ngunit sana lang ay maibalik natin ang pagiging magbest friends natin. Iyan lang ang hiling ko tol. Sana ay mapatawad mo ako… Ryan.“

            Ibinigay ko ang sulat ko na iyon kay Dindo sa pag-asang makarating ito kay Rigor. Subalit lumipas na lag ang isang linggo, hindi pa rin daw naibigay ni Dindo ang sulat.

            “Bakit? Nasaan ba si Rigor?” tanong ko sa kanya.

            “Hindi ko nga alam e. Hindi na sumasagot sa text ko at wala na raw sa tinitirhan niya!”

            Nagulat naman ako sa narinig. At lalo akong nalungkot at kinabahan. Maraming naglalaro sa isip ko at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt sa mga nasabi ko sa kanya.

            Naghintay ako ng isang linggo, dalawang linggo, hanggang sa hindi ko na natiis, nanawagan na ako sa radio, sa newspaper. Wala pa rin. Hanggang sa naisipan kong magpagawa ng malaking streamer at inilagay iyon sa harap ng building mismo ng dating tinutuluyan niya, may nakasulat, “Rigor, patawarin mo na ako. Hihintayin kita sa dati nating tagpuan, malapit sa mga daungan ng barkong patungong Corregidor Island… Sabado, alas 6 ng gabi.” 

            Nghintay ako sa takdang oras. Ngunit alas 10 na ng gabi ay walang Rigor na sumipot.

            Lumipas pa ang dalawa linggo noong di inaasahang makatanggap ako ng tawag mula kay Dindo. “Ryan! May masamang nangyari kay Rigor...!”

            “A-ano?” Ang bulyaw ko.

            “Nagpatiwakal daw ito sa ilog ninyo sa probinsya. Sumakay siya ng bangka, tinalian ng malaking bato ang leeg at tumalon. Kumuha ka ng flight ngayon din, baka sakaling maabutan mo pa ang paghahanap nila!”

            Sumikip ang dibdib ko noong marinig ang sinabing iyon ni Dindo. Parang hindi ako makahinga. “Ha??!!!” Sigaw ko. “Ano ba daw ang dahilan Dindo? Bakit niya ginawa iyon?!”

            “Na depressed daw ito dahil sa resulta ng pa-check up niya!”

            “B-bakit ano ba ang resulta?”

            “HIV-positive siya!”

            Para akong binagsakan ng ilang toneladang bato sa aking narinig. Sobrang awa ang naramdaman ko para sa kanya at may pangamba din ako para sa sarili. Syempre, nakatalik ko rin siya.

            Wala na akong sinayang pang oras. Dali-dali akong nag-inquire online sa pinakamalapit na flight pauwi ng probinsya.

            Walang humpay ang pagdaloy ng aking luha habang nasa himpapawid ang ang sinasakyan kong eroplano. Noong makalapag na ito sa mismong airport, dali-dali akong sumakay ng taxi. Mistulang hindi lumapat ang aking mga paa sa lupa habang nagtatakbo na ako deretso sa ilog kung saan din kami naglalagi ni Rigor noong mga bata pa kami.

            Ngunit walang katao-tao ang lugar. Sumagi sa isip na baka tapos na ang paghahanap nila sa kanyang labi.

            Aalis na sana ako upang tumbukin ang bahay nila noong masumpungan ko ang malaking puno ng talisay kung saan namin inukit ang aming mga pangalan na may kanya-kanyang blankong linya sa ibaba.

*********************************************


Part 8: Ang Pangalan Sa Puno ng Talisay

            At laking gulat ko noong may nakita akong pangalan na nakaukit na sa blangkong linya sa ibaba ng kanyng pangalan. At nakapaloob pa ang dalawang pangalang ito sa hugis na puso. Inaninag kong mabuti kung hindi ba ako nagkamali sa aking nabasa. Inilapit ko pa ang aking mukha dito. “Rigor” at sa ibaba nito ay… “Ryan”

            “Pangalan ko ang nakaukit!” sigaw ko sa sarili. Lalo naman akong napahagulgol kasi, kung siya man ang umukit noon, anlaking panghinayang ko ngayong nawala na siya.

            Nasa ganoon akong pag-iiyak noong isang batang nasa 12 ang edad, may dalang pako at martilyo ang lumapit sa kinaroroonan ko. “Ako po si Nante. Kayo po ba si kuya Ryan?” tanong noong bata.

            “A-ako nga. Bakit?”

            “Ako po ang nagbabantay sa niyogan dito at may habilin po sa akin si kuya Rigor na kapag nakarating po kayo at nakita ang inukit niya, alam nyo na daw po ang ibig sabihin. At kapag nagustuhan daw po ninyo ang pagsulat sa pangalan nyo sa ibaba ng pangalan niya, ibaon daw po ninyo itong pako. Alam nyo na rin daw po kung saan” ang paliwanag noong bata sabay abot sa akin sa dala-dala ninyang martilyo at isang malaking pako.

            Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Rigor noong inukit niya ito. “…upang malaman nating orihinal na tayo ang umukit ng mga pangalan natin, ibaon natin ang pako sa pinakahuling letra ng ating pangalan. Tiningnan ko uli ang pangalan kong inukit niya. Wala nga itong pako.

            Agad kong tinanggap ang pako at martilyo na iniabot sa akin ni Nante atsaka tiningnan muli ang mga pangalan naming nakapaloob sa isang hugis na puso. Binasa ko ito. “Rigor… Ryan…” atsaka dahan-dahang itinutok ang dulo ng pako sa gitna ng letrang “N” sa pangalan ko atsaka pinukpok nang pinukpok ang ulo nito hanggang sa tuluyan nang mabaon.

            “May sulat po pala si kuya Rigor para sa iyo.” Sabay abot naman ni Nante sa sulat. Noong nasa kamay ko na ang sulat, kinuha ni Nante sa kamay ko ang martilyo at nagtatakbo nang umalis.
            Napako ako sa kinatatayuan sa bilis ng mga pangyayari. Sinundan ng aking mga mata ang lumalayong si Nante hanggang sa hindi na siya naaabot pa ng aking paningin.

            Noong mapag-isa na, ibinaling ko ang mga mata ko sa sulat na hawak-hawak. Dali-dali kong binuksan ito.

            “Tol… Pasensya na kung sa ganitong paraan hahantong ang buhay ko. Hindi ko na nakayanan ang hirap at pasakit na pasan-pasan ko kaya minabuting ganito na lang ang gagawin ko. Hindi ko na kaya tol; hirap na hirap na ako… Sa sulat na ito ay may isang importanteng bagay akong aaminin. Mahal kita. Kung naalala mo noong sinulatan mo ako na may girl friend ka na at hindi na ako sumulat pa sa iyo, ito ay dahil nasaktan ako. Naisip kong wala na akong halaga pa para sa iyo. Naawa ako sa sarili at pinilit kong kinalimutan ka. Ngunit hindi ka mabura-bura sa isip ko. Bata pa lang tayo, tol, naramdaman ko na ito para sa iyo. Ngunit natakot akong ibunyag ito sa kadahilanang baka itakwil mo ako, pagtawanan. Una kitang napansin noong tinitigan mo ako habang nag-aaral ka sa likod ng school building at nagkatuwaan kaming mga barkada. Halos matunaw ako sa mga titig mo. Simula noon, hindi na maalis-alis sa isip ko ang titig mong iyon. Ngunit mailap ka… hanggang sa nakita kitang naligo at nalunod sa ilog habang nasa itaas ako ng puno ng niyog. Naisalba kita… Noong magkalayo tayo at magkita muli sa Maynila, hiyang-hiya ako sa sarili noong nalaman mo ang lihim ko at lalo na noong maramdaman kong parang may pandidiri ka sa akin. Nasaktan ako. At lalo akong nasaktan noong si Dindo ang kinuha mong magbigay ng aliw sa iyo at inakusahan mo pa akong pera lang ang dahilan… Noong una tayong mag sex, alam mo bang hindi ako nagpapatira sa puwet? Sa iyo lang. Tiniis ko ang sakit dahil mahal kita… Iyon ang pinakauna ko, tol. Ikaw ang nakauna sa akin sa parteng iyon. Ngunit nagsisi din ako dahil napag-alaman kong HIV-positive ako at wala ka pang proteksyon. Sorry tol… Hindi ko na talaga makayanan ang bigat na dinadala ko. Hiyang-hiya na ako sa mga tao. Hiyang-hiya na ako sa iyo. At dahil wala rin namang patutunguhan ang buhay ko, kaya heto… umalis sa Maynila at piniling ditto ko wakasan ang buhay ko, sa lugar kung saan natin sinimulan ang ating pagiging magkaibigan. Oo nga pala, Alam mo ba kung ano ang hinihiling ko kapag kinakanta ko ang kantang itinuro mo sa akin? Ah… huwag na lang. Kasi, wala na ring silbi ito. Paalam tol. Sana hindi ka magagalit sa akin…”

            Nahinto ko ang aking pagbasa gawa nang pagdaloy na naman ng mga luha ko sa aking mg mata. Pinahid ko ang mga ito at pagkatapos, ipinagpatuloy ang pagbasa sa huling linya ng sulat niya. “May isa pa pala akong hiling, sana ay paunlakan mo. Puwede bang humarap ka sa kubo…?”

            Parang may biglang sumundot na kung anong bagay na nakakagulat ang huling parte ng sulat niyang iyon. Baka kasi may isang importanteng bagay pa siyang inihabilin. Humarap ako kaagad sa kubo. At laking pagkamangha ko noong ang tumambad sa mga mata ko ay si… “Rigor! Ikaw ba yan?!!!!” Ang sigaw ko.

            Hawak-hawak ang gitara niya, kinaskas niya ito at kumanta –


videokeman mp3
Pagdating Ng Panahon – Aiza Seguerra Song Lyrics

            Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
            Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
            Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin

            Alam kong di mo makita, narito lang ako
            Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
            Hahanapin mo rin, hahanapin din

            Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
            Baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mo

            Sana nga’y mangyari ‘yon, kahit di pa lang ngayon
            Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon

            Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
            Maghihintay kahit kailang, nangangarap kahit di man ngayon
            Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin

            Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon
            Malay mo balang araw, dumating din iyon

            Nagtatakbong nilapitan ko kaagad siya, nagyakapan kami habang walang humpay ang pagdaloy ng aking luha.

            “Huwag ka nang umiyak. Lintek na…” sabi niya.

            “Pinaiyak mo ako e! Hindi totoo ang sinabi ni Dindo at sa sulat mo na HIV-positive ka?”

            “Hindi ah… Malinis ito. Sa iyo lang ako pumayag ng walang condom.”

            “Tinakot mo pa ako! At pinagbiyahe pa papunta dito!” ang pagmamaktol ko.

            “Gusto ko lang umuwi tayo upang dito sa malaking puno ng talisay, magsimula tayo, magsumpaan na magmahalan, at hindi na maghiwalay pa. Ipangako natin iyan sa harap ng puno ng talisay na ito.”

            Syempre, sobrang saya ko sa narinig. “P-pangako Rigor…” ang naisagot ko.

            At muli kaming nagyakapan.

            “P-paano na pala ang ka live-in mo?”

            Na ikinagulat niya. “K-ka live-in? Sino nagsabi sa iyo?”

            “Di ba hindi ka pumayag na doon tumira sa akin?”

            “Nahiya lang ako sa iyo. Ngunit kung nagpumilit ka talaga, bibigay ako. Kaso ayaw mo yata e…” biro niya.

            Napangiti na lang ako sa narinig.

            Akmang hahalikan ko na sana siya sabibignoong, “D-doon tayo sa loob ng bahay kubo…” bulong niya.

            At sa loob ng bahay-kubo, naulit muli ang aming pagniniig. Tila mga batang paslit kaming gutom na gutom at uhaw na uhaw sa isa’t-isa. Nag-aalab ang aming pagnanasa, puno ng pananabik, puno ng pagmamahal.

            Ngayon, nagsama na kami ni Rigor sa nirentahan kong apartment sa Manila. Tuluyan na rin niyang iniwanan ang pagko-callbay. At dahil med’yo mataas naman ang katungkulan ko sa aming kumpanya, ipinapasok ko si Rigor bilang isang filing clerk sa aking opisina.

            Alam kong hindi perpekto ang buhay. Alam kong sa darating na mga panahon, marami pang pagsubok ang aming haharapin. Ngunit gaano man kamapaglaro ang tadhana, habang pinaghahawakan namin ang pangako sa isa’t-isa na hindi bibitiw at matatag naming panidigan ito, walang ano mang dagok o pagsubok ang hindi namin kayang malampasan.

Wakas.

40 comments:

  1. WOW!! What a wonderful short story! :D

    Nakakaantig ng puso.

    Akala ko namatay talaga siya.

    I wish these stories were reality in itself.

    Ika nga nila, ang pinakamagandang pakiramdam ay ang taong mahal mo, ay mahal ka rin pala, hindi niya lang sinasabi.

    As usual, wala nanaman akong masabi kundi NAPAKAGANDA!!! :D

    ReplyDelete
  2. prang nbasa ko n to dati pero iba ung ending.. hehe nice

    -kokey

    ReplyDelete
  3. Waaahhh!!! Nabasa ko na rin!! Yehey!!

    Ang ganda kuya mike!! haayy.. (eto nanaman ako naiingit sa may mga love, love.. LOL XD!)

    Hehehehehehehe!!!

    ReplyDelete
  4. Wala ako masabi!!! napatulala ako habang dina digest ang kabuuan ng story... Ang daming pumasok na kaisipan sakin...kasama na dun ang kantang ginamit.... Ah! nakakahiyang isipan pero pwede nga palang main love sa isang bestfriend....Sana me lakas ako ng loob na umamin at maranasang magmahal at mahalin!
    ...Maganda ng story... 101 stars!
    .......HoneyBun....

    ReplyDelete
  5. To Kuya Mike!!:)

    Ang ganda ng stories mo. I really salute you! Simula nung nabasa ko yung "Idol Ko Si Sir", di ko na nilubayan na basahin ulit dahil sa ganda ng mga aral na turo nito sa kabila ng lahat ng twists-in-reality theme nito. Di mo lang ako napataw at napaiyak, kundi napamangha mo ako dahil sa nakaka-relate na ako sa istorya, may aral pa akong baon at naibabahagi ko sa iba. Pinagmamalaki ko na isa ako sa mga sumusubaybay sa blog mo dahil alam kong maraming bloggers ang nagkakaisa dahil sa mga kwentong naibabahagi mo ioyng blog. Tulad na lang ng kwento ni kuya Rom at Jason.., sometimes, I also dreamed to have a brother, a companion like him kaya ganun na lang ang subaybay ko not only in that certain story but also the rest. Sana magkaroon ako ng pagkakataon para makakwentuhan ka at maibahagi ang kwento ng buhay ko...:)haha...pero seyoso, sana maikwento ko un sa'yo at magawan mo rin iyon ng kwento kahit na short story lang. I Love Your Blog kuya mike and I continue to be your follower till the end. Sensya na madamdamin, huh...Thanks again kuya... dito na ko nag-comment gusto ko lang talaga iparating sa'yo tong message ko, eh. God Bless Always!!!

    ReplyDelete
  6. Napakganda, ang galing talaga ni kuya mike.... in a rating of 1-10, 10 ang rating ko dito, keep it up at sana marami pang susunod....

    ReplyDelete
  7. wow...nice one kuya mike....grabe ang ganda kasi tapusan yung kwento....usually nakakabitin kasi eh,,,pero since andaming parts nya ...natuwa naman ako...for sure hndi lng aako nag natuwa...pero nevertheless...2thumbs up sayo

    ReplyDelete
  8. tagal kong hinintay 'to. di pa ako nakakbili ng bol untold stories eh. ganda, as always.

    ReplyDelete
  9. haaayst so nicely done...haha roller coaster of emotion...nice Kuya Mike

    ReplyDelete
  10. kuya mike...akala ko namatay xa..infairness sabay bawi ka namn...hehehe...love ko ung story mo! alam mo bang ng makita ko ikaw yung author sabi ko, ay may patay na namn to, buti at di totoo ung hinala ko. gusto ko na nga sanang itigil ung pagbabasa nung malamn kong patay na si rigor, buti na lng at tinuloy ko! hahaha...super like ko talaga!

    sana amy ganun din akong love story! choz lng!
    hahahahah


    p.s. Gab asan na ung story mo? nambibitin ka eh..aalis na ako...baka wala na akong time basahin ung story mo...baka di ko na matapos! hehehehe. unlike sa bahay katabi ko ung computer at internet. heheheh...cge na gab!



    more power kuya mike!

    ReplyDelete
  11. ♥ it..promise!

    ReplyDelete
  12. very classic..may twist sa dulo:D ayoko kasi talaga ng sad ending:D

    dito natin makikita na ang tunay na pagibig makapag aantay, sa tamang panahon at tamang oras darating yan sa buhay mo..ganyan din sa ibang bagay hindi man ngayon pedeng sa mga susunod na araw darating din iyan.

    ngayon lang ako nag comment dito pero lagi akong nag che-check for updates. God Bless :)

    ReplyDelete
  13. hayst kuya mike...muntik na naman ako maiyak sa story na to..buti na lang at hindi talaga namatay si Rigor...hehehe
    as usual ikaw ang nag-iisang "idol" ko...
    salamat sa mga likha mong napakaganda and very inspiring...

    -jojie

    ReplyDelete
  14. ur really a good writer... kayang kaya mong dalhin ang emotion ng reader/s mo.... kasi ganun ang nafeel ko....

    kilig.... saya.... lungkot.... mixed emotion n talaga... grabe k IDOl... u r SUPERB...

    kaya nga once nakita kong ung WRITTER e agad kong binasa kasi i know n may bago k n namang GOOD STORY...

    hay... sakit ng lalamunan ko s kakapigil umiyak... grabe... BOW talaga ako s u IDOL

    always keep safe para madami k pang magawa at maishare n stories s iyong followers...
    ur avid reader/follower

    alex pascual

    ReplyDelete
  15. galing mo talaga tol MIKE...ang sakit sa dibdib ung part na sinabi ni dindo na nagsuicide si rigor... kala ko talagang HIV positive na si rigor at tinuldukan n nya ang kanyang buhay... buti na lang nagkaroon ng twist.... galing mo talaga 2thumbs up ....

    cedric_mendoza2003

    ReplyDelete
  16. Sobrang ganda at nakaka antig na storyang ito kuya..nakakabigla at nakakaiyak..buti na lng may twist heheeh...ang galing mo talaga kuya d best ka talaga..tnx

    ReplyDelete
  17. dear kuya mike,

    lagi mo nalang akong pina-iiyak sa mga likha mo, grabe gabi-gabi ko talagang sinususubaybayan ang bawat chapter. naiinggit nga ako lagi sa iyong mga kwento, sana makhanap din ako ng kuya o bestfriend tulad ng palagi kong nababasa. ang sarap ng feeling basahin na umuukit sa puso ko...

    -xantabe

    ReplyDelete
  18. Super like ko toh.... i miss my betot tuloy...

    ReplyDelete
  19. sobrang ganda...grabe naiyak ako!

    ReplyDelete
  20. Grabe ah! Hi Kuya :">

    Teary eyes na ko pinipigilan ko lang dahil ayaw ko madepress hehe. :)

    Ramdam na Ramdam ko talaga eh mangiyak-iyak na ko nung patay na daw si Rigor.. Tas parang ako naman si Ryan naalala ko yung swimming sa ilog, kwentuhan, kulitan, tawanan, kantahan, lambingan at pag-pipigil ng pagmamahal nila sa isa't isa. Laht yun parang nag-flasback saakin, super emotional talaga ng mga scene na nag-rerewind sa isipan ko, tas biglang buhay pala si Rigor de ang saya ko na hahah :) Super cute talaga nung story it may be short one but it brings too many kilig moments, life's lesson and True Love.

    Hay, inspired na naman ako thanks to you. Bro!

    Commented by Fallen :)

    ReplyDelete
  21. its totally incarnate!!!,the way on how it will flows..the climax..and it is so limpid..i feel my self copacetic..in these story my life is become more aggressiveness in my status on who really my emotion is and what really i am..every single words i parsley since i started to red the prose...ever since am ascetic on my sexuality.but now i sanguine to my self....you give a torque the story and my body felt a goosebumps in these story..kuya Michael you are a great writer!! all over..wapak galing mo kuya!!!!!!!

    ReplyDelete
  22. now ko lang nabasa itong kwento kahit june pa xa nai-post... uber ako nagandahan sa kawento gaya sa iba pang likha sa blog na ito... aaminin ko na sumakit ang dibdib ko sa part simula nung pinaalam ni dindo kay ryan ang nangyari kay rigor... nalulungkot na ako sa ending kahit di q pa tapos basahain.. tapos biglang nagka-twist... kunwa-kunwarian lang pala un... haaays.. nakahinga tuloy ako ng maluwag... enways, share.com lang.. hehehe...

    great job, kuya mike. kuods.. ;*

    ReplyDelete
  23. shet.. simula nung part na sinabi ni dindo na nagsuicide si Rigor, bigla nalang dumaloy ang luha ko at napahagulgol.. wala sa isip ko na may 'twist' pala.

    patuloy lang ang hagulgol ko hanggang sa umabot na yung sa 'twist'.. at parang nag retreat lahat ng luha ko sa saya.. hahahaha

    i don't usually like tragic endings, pero parang tinaggap ko na yun na nga ang kahihinatnan nito. Akma kasi sa plot. Yung iba kasi parang biglaan at sa walang kadahilanang ginawan lang ng tragic na ending. Salamat naman at maganda yung ending

    Salamat po author!

    ReplyDelete
  24. hay...napaiyak m na naman aq kua :( akala q m22lad to sa pnkaunang kwn2ng nbsa q na akda m(tol,i love you orig ending)
    buti nlang hapi ending xa... mdalang lng aq maiyak sa mga kwnto peo ikaw wlang palya.. galing m tlaga! :)a pnkaunang kwn2ng nbsa q na akda m(tol,i love you orig ending)
    buti nlang hapi ending xa... mdalang lng aq maiyak sa mga kwnto peo ikaw wlang palya.. galing m tlaga! :)

    ReplyDelete
  25. .,.oh my!.,it made me cry...superb!

    ReplyDelete
  26. I realized in this story that communication is one of the KEY factors in a relationship. Buti na lang di pa huli ang lahat. Thanks Michael for bringing that out into the context of the story. Short , cohesive ang plot at magandang twist ang ending. Keep it up. You never know how many of us are inspired by your stories.

    Yters Bjorn
    Qatar

    ReplyDelete
  27. I love the story....how i wish I can find my own Rigor...(",)

    Kudos to the writer for a great piece of work

    ReplyDelete
  28. ang ganda idol! ... kala ko sad ending .. buti na lng happy ending.. sana ipagpatuloy mo lang na happy ending ang lahat ng storying iyong gagawin! . hehe., ^^


    (IAN)

    ReplyDelete
  29. :))
    still heartwarming.... :3
    your stories never fail to amuse me and make my heart beat fast :)

    ReplyDelete
  30. it's a roller coaster of emotions..galing mo sir mike....kayang kaya mo kaming dalhin sa bawat emosyon ng story mo..keep it up!

    ReplyDelete
  31. wow this is really a work of art. the best ka mike you gave me something to be inspired of. Amazing I simple can't say any word.

    Just always take care and keep on writing....

    ReplyDelete
  32. Sir Mike,
    You have been my great idol since i saw how you moved me with the kind of stories you write. This is one of the many great work you've done ans i salute you for that. I just love the feeling the you are indeed sensitive regarding the issue of not only about same sex relationship but the about finding lasting love. A lot of times you even make me cry by just simply reading your work. As if its really happening in my life. Thank you so much though until now im not allowed to go out, your work makes me believe that there will be someone out there waiting for me when my time is ripe. Goodluck to your career...i hope ill have the chance to meet you too someday. Tnx again

    /James Banning

    ReplyDelete
  33. Just got manage to come back here in MSOB at ito ung 1st story ulet na nabasa ko after 6months of being busy sa work, hahaha and as usual, naulet na nman ung hagulgol ko,, dhil akala ko patay na naman ang isa sa bida, tapos false alarm pla kc buhay sya, ayun nyemas basa na naman kumot ko sa dami ng iyak ko,, you don't do that to us kuya mike! ehehe well kidding aside, bravo! eksehelente! you never disappoint me kuya mike!

    ReplyDelete
  34. i love it.

    @michael, chat ulit tayo. hehehe

    ReplyDelete
  35. i love it...


    @michael, chat ulit tayo. heheh

    ReplyDelete
  36. ano pa ba masasabi ko kundi... WOW!!!!
    nice story Kuya Mike. the best ka talaga. :)
    sa daming story nabasa kong blog na ganito ang theme. Sa mga story mu dito sa blog mu lang ako naiiyak, natatawa, at syempre ng eenjoy nag sobra. paborito ko na yata tong tambayan.
    keep up the good work Kuya Mike. more power and GOD Bless you.


    ps. hnding-hindi ako mg sasawa sa blog mu. :)

    ReplyDelete
  37. mapaglaro talaga ang tadahana. paiikutin muna ang buhay, sila din pala ang magmamahalan sa huli. great story. pangatlong beses ko na itong binasa. now lang nagcomment hehe. thanks

    rhon

    ReplyDelete
  38. Nakakaiyak ung story sobrang na touch ako. Sinusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao mawalay man kayo sa isat isa but still nandun pa din ung umaasa ka na isang araw magkikita pa din kayo sa kabila ng nangyari sa buhay nya. hanga ako kay Ryan un lang masasabi.. sa ngayon bihira ka makakita ng taong ganyan kung mag mahal yung hindi nawalan ng pagasa na isang araw makakasama nya yung taong minamahal nya...

    Mike ang gaganda ng mga story mo... nalilibang ako lalo na ngayong nandito ako sa ibang bansa may partner man ako kaso medyo malayo kami sa isat isa nasa saudi kami pareho 5 hours travel vice versa...sana maibahagi ko din ung love story ko dito...

    just let me know eto email ko ohmeloetomit@yahoo.com

    Thank you and more power.. =)

    ReplyDelete
  39. subrang naiyak ako sa story na to,,,,, sana dumating ang taong mamamahalin ako bilang ako,,,,, i ms you bhe........

    ReplyDelete
  40. Ano b yan.. Tumutulo n yung luha ko nung binabasa ni Ryan yung sulat, tapos di pala totoo haha. Super nice story sir Mike. Ikaw na.

    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails