Chapter 11
"J-jhay-L?"
"Wala ng iba." nakangising-aso na sabi ng lalaki sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" mabilis na umangat ang depensa niya para dito. Naisip niyang wala na siyang pagpipilian kundi ang tapusin ang naipangako niyang pagtulong kina Cody kahit pa niloko siya nito. Ganoon kahalaga ang palabra de honor sa kanya.
"Malamang ay iinom ng kape. Ano bang klaseng tanong iyan?" mataray na singit ni Marisay Penta sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay ng hitad na lalong nagpatingkad sa katarayang taglay.
Tinapatan niya ng nang-aasar na ngisi ang babae.
"Hindi ko kasi alam na mahilig palang uminom ng kape ang mga alien."
"Sinong alien?" sumisingasing na sabi nito.
"Ewan ko. May nakita ka ba?"
"Ako lang ang kausap mo dito kaya alam kong ako ang pinatatamaan mong bakla ka."
"Uy, nakakahiya naman sa balat mo. Feeling mo ikaw ang kausap ko? Binanggit ko ba ang pangalan mo? Ano nga ulit iyon? Hindi ko kasi maalala eh. parang tunog laos na."
"Aba't..."
"Tama na yan." awat ni Jhay-L sa kanilang dalawa.
Sabay silang napatingin dito ni Marisay.
"Kinakampihan mo ba ang baklitang ito Jhay-L?" naiinis na tanong nito sa kasama.
"Haller. Never akong kakampihan niyan. Hindi kami close." pambabara niya sa mga ito.
"Shut up. Hindi ka kasali sa usapan." singhal sa kanya ni Marisay.
Naiimberna na si Kearse pero ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Sira ang diskarte niya kapag nagkataon. Kung bakit kasi naririto ang artistang si Marisay Penta. Wala tuloy siyang magawang segway para maging mabait kay Jhay-L. Sinisira ng babaeng ito ang balak niya.
"Ikaw ang naunang umepal sa usapan namin kaya quits na tayo." balik niya rito.
"Sinabi ng tama na eh." napipika ng sabi ni Jhay-L sa kanilang dalawa.
Nanahimik siya kunwari at ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa notebook niya. Si marisay naman ay bubusa-busa pa rin sa tabi nito pero di na niya pinatulan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ni Jhay-L.
"Marisay, mabuti pa siguro ay pumunta ka na sa shooting ng set ninyo. Hihintayin ko na lang yung ipapasabay mo sa aking package" sabi nito sa kasama.
Agad siyang napatingin sa dalawa kaya naman nakita niya ang biglang pag-ilap ng mata ni Marisay. Napatingin sa kanya ito kaya nagkunwari siyang dedma lang sa banga at nadaanan lang ito ng tingin.
"Ah... eh... kuwan... kunin mo na lang kasi sa set. Hindi kasi pwedeng ibalandra basta-basta iyon at baka may maki-alam at masira pa." kagat-labing sabi ng babae.
"No. Dito mo na lang dalhin. Ayoko dun sa set niyo dahil may mga press doon. Alam mo namang ayoko ng camera di ba?" nakasimangot namang paliwanag ni Jhay-L
Naintriga siya bigla. Gumana ang radar niya bilang natural na tsismosa. Mukhang may something sa package na iyon ni Marisay at ayaw ipakita sa madla ang bagay na iyon. Sana lang naririnig iyon ni Jerick sa kabilang linya.
"Naririnig mo ba?" sabi ni Kearse habang nakatingin kay Marisay.
Para kay Jerick yun pero sinadya niyang ipatama ang katanungan sa babaeng kinulang sa IQ ang kanyang tingin para hindi maghinala ito.
"Excuse me?" mataray na tanong ni Marisay.
"Ang sabi ko..." napahinto siya ng makarinig ng hagikgik ni Jerick sa bug na nakakabit sa kanya. "...kung naririnig mo ang sinasabi ni Jhay-L. Nakaka-abala na kasi kayong mag-jowa dito sa harap ko and it's starting to irritate me na." maarte naman niyang sabi.
"Ikaw naman, you're starting to annoy me. Get a life please! Sabad ka ng sabad sa usapan namin ni Jhay-L. Siguro nagpapapansin ka sa kanya no? Sorry ka na lang dear. Di ka niya type dahil hindi bading si Jhay-L ko." maangas na balik sa kanya ni Marisay.
Isang nang-uuyam na tingin at ngiti ang ibinalik niya sa babae bago nagsalita.
"Sa totoo lang. Kahit igapos mo iyan sa katawan mo maghapon, wapakels ako. As in, walang paki-alam. And please, hindi ko pinangarap kumuha ng sakit ng ulo. Por favor!" sabay-sabay pa niyang ginawa ang pagro-roll eyes at kumpas ng kamaya ala Bette Midler sa Gone in the Wind.
"That's it.." gigil na sabi ni Marisay at susugod na sana sa kanya ng pigilan ito ni Jhay-L.
"Hey, that's enough. Mabuti pa at pumunta ka na sa shooting niyo. I'll be there na lang later. Please." paki-usap nito sa babae.
Biglang nanghinayang ang pakiramdam ni Kearse. Kung naiba sana kasi ang sitwasyon, malamang naging magkaibigan sila nitong si Jhay-L. Mukha lang itong antipatiko pero may kabaitan na taglay. Malakas lang siguro talaga ang topak nito.
Kumalma naman ang babaeng palaban pero tiningnan pa siya ng masama. Bumaling ito kay Jhay-L saka nagsalita.
"I'll be waiting honey." saka nito kinintalan ng maalab na halik ang lalaki bago pinakawalan at iniwanan siyang muli ng masamang tingin.
"Bye..." nang-aasar pa niyang sabi.
"Stop it." Malamig na sabi ni Jhay-L.
Nagtaas lang siya ng kilay at tiningnan ito.
"Hu u?" sabi pa ni Kearse.
"Para kang bata. Ang lakas mong mang-asar."
Nagboses bata naman siya.
"I'm sorry. My mama said, don't talk to strangers."
"Really? Where's your mom cute girl?" pagsakay ng loko. Umangat pa ng bahagya ang sulok ng labi nito. Parang porma ng isang tipid na... ngiti?
Natigilan siya.
Statue?
Err-mali pala. Is that true? Ngumiti ba talaga itong kumag na ito? May mali! May mali!
Tiningnan niya ito ng maigi. Hinanap ang maling sinasabi niya.
"Baka matunaw naman ako niyan. You actually formed a habit watching me."
Nahiya siyang bigla sa narinig. Ganoon ba siya ka-obvious?
"Well, hindi rin malakas ang hangin mo eh no?" sabi niya.
Mabuti ng mang-asar kaysa umaming pinagmamasdan niya nga ito.
"Okay lang naman kung aamin ka eh. Ikaw lang naman ang pinapayagan kong titigan ako ng husto."
Napa-angat na naman ang kilay niya. Mga one-inch above eye-brow level. Mukhang madaldal ang isang ito ngayon ah?
Hindi ba iyon naman ang misyon mo? Ang mapalapit sa kumag na iyan? Do it so you can get this over and done with. At nang maharap mo na rin si Cody. Piping pagkausap niya sa sarili.
"Bakit? Chummy ba tayo?" pairap niya kunwaring tugon.
"Anong chummy?" clueless si Jhay-L na nakatingin sa kanya.
"Huh? Di mo alam?"
"Kaya nga kita tinatanong eh."
"Chummy. Close. Close ba tayo?"
Natawa lang ito sa sagot niya.
"Anong nakakatawa?"
"Wala naman." anitong nagpipigil pa rin ng tawa.
"Wala. Baliw ka, ganon?"
"Hindi naman. But I find you cute whenever you talk."
Natigilan na naman siya. Naka-unli yata ang pagkatigil-tigil factor niya ng mga moment na yun. Parang may naalala siyang tao sa mga salitang iyon.
Cody.
Oh no!
Cute daw siya according to Jhay-L.
Does that mean...?
Bisexual rin ito?
Lason! Lason! Lason!
Nakaawang ang labing tiningnan niya ang lalaki sa harapan niya.
Lord, huwag naman po sana. Wala pa namang shortage ng mga lalaki sa mundo. Bakit ba binibigyan mo ako ng mga tagilid ding kagaya ko? Maawa ka naman! Promise, magpapakabait na ako. Hindi na ako kakain ng hilaw na karne ng mga bata. Magpapahuli na rin ako ng mga baklang nananarget ng mga teenager. Ipapahuli ko sila sa Bantay-Bata 163. Sige na po Lord. Please.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Kearse. Baka di ko mapigilan ang sarili ko sa ka-cute-an mo." namumula pang sabi ni Jhay-L.
Patay!
Confirmed!
Mukhang kalahi nga ito ni Cody.
Anak naman ng kalungkutang-buhay ito oh!
Nanatili lang siyang nakamata rito na ipinagkamali yata nito na malalim na pag-iisip sa panig niya. Wari ba'y sa sobrang turn-of-events eh inaanalisa niya ang pangyayari. Wala itong kamalay-malay na may pagtatalo ng nagaganap sa kaloob-looban niya.
"Ba-bakit parang ang bait mo yata sa a-akin ngayon?" aniya sa pilit na pinatatatag na tinig sa kabila ng kagustuhan niyang singhalan ito na hindi sila talo.
"Wala eh. Noong una, nagagalit talaga ako sa'yo. Ikaw lang kasi ang sumagot-sagot sa akin kahit pa hindi maganda ang mood ko. Bihira ang hindi natitinag sa kasungitan ko. Pero ikaw, nilait-lait mo pa ako. Ang lakas mong mang-asar and I found out, kaya pala hindi ko makuhang magalit sa'yo ng tuluyan ay dahil gusto na kita." diretsang sabi nito na lalong nagpahindik sa nararamdaman niya.
Nanlaki ang mga mata niya.
Ipinagkamali naman nito na na-shock siguro siya sa revelations na ginawa nito.
"No don't get me wrong Kearse, I like you. Pero hanggang doon lang yun. Ayokong ligawan ka or maging tayo." frantic na sagot nito.
"Huh?" parang disappointed na sagot niya.
"I said, hindi ko gagawan ng paraan na maging tayo kahit gustong-gusto ko pa."
Nangunot ang noo niyang bigla. Parang may tumututol. Hindi niya alam kung ano ang dahilan pero ang gusto niya talagang malaman ay ang dahilan nito sa lahat ng sinasabi nitong ka-ekekan.
"Hindi sa gusto kong maligawan or something ha." defensive na sabi ni Kearse dito.
Jhay-L chuckled. "Or something. Sige, go on." nangingiting sabi pa nito.
"Pero bakit? Bakit ayaw mong gawan ng "paraan" na maging tayo." he quoted the word.
"Simple lang." anito.
"Ano?"
"I like you too much."
At literal siyang napanganga sa kinauupuan niya. Kung maydarating lang na lamok na bakal at dumiretso sa ngala-ngala niya ay malamang na tumagos na iyon sa batok niya. pero wala, kaya masuwaerte ka pa rin kasi kahit inaantok ang author habang itinitipa ito ay naalala niyang friends nga pala kayo. So safe ka.
"Ayos. Hindi na pala tayo mahihirapan sa kanya. Nagdadalaga ka na nga." tnig iyon ni Jerick na nagpagimbal lalo sa kanya.
"Dalawa na ang umaaligid sa'yo. Mukhang mabilis din ang isang iyan. Parang kawawa naman ang kumpare ko." pagpapatuloy pa nito.
"S-sobra ka naman..." ang tanging nasabi niya sabay higop sa kape niya.
"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ni Jhay-L.
Samantala si Jerick sa linya niya ay sumagot ng "Ikaw na nga. The best ka!"
"O siya. Pupuntahan ko pa si Marisay sa set nila." paalam sa kanya ni Jhay-L.
"Huh? Parang ang bilis naman?" kunwaring reklamo niya.
"Okay lang. Baka kasi naiilang ka na sa akin." nakangiting sabi nito.
"Hingin mo ang number." singit ni Jerick na nasa linya pa rin.
"Pahingi ako ng number mo. Okay lang ba?" sabi ni Kearse sa papaalis.
Para namang nanalo sa lotto ang hitsura nito sa sinabi niya. Dagling humugot ng wallet at ibinigay sa kanya ang nakuhang calling card doon.
Jhay-L Lagman
Painter
"So painter ka?"
"Yes. Impressionist ako." matter-of-factly nitong sagot.
"I'm a writer. Romance ang genre ko."
"I know."
"You do?"
"Oo."
"How come?"
"Interested ako sayo di ba? I did my research."
Napatanga na naman siya. Sayang talaga at pamintang buo ito. Hindi niya kayang lunukin kahit pa napaka-gwapo nito. Pero bakit parang kay Cody eh kino-consider pa rin niya ang possibilities nila? Ay ang gulo! Galit siya di ba? Ewan!
"I'll go now. Expect ko na lang text or tawag mo ha." pa-cute nitong pinisil pa ang pisngi niya kaya naiwan siya doong nakatanaw lang dito. Hindi na tuloy niya napansin ang biglang pag-agaw eksena ng malaking bulto ng katawan sa harapan niya.
Nang tingnan niya kung sino ang may-ari nuon ay inasulto siya ng pamilyar na bango ng katawan nito. Bumilis rin ang pagtibok ng puso niya. Bigla rina ng pag-angat ng temperatura niya sa pagkakalapit nilang iyon. Pilit man niyang labanan ang paningin na huwag itong tingalain ay ginawa pa rin niya ang there he was.
Lahat ng galit na naipon kanina ay parang tutuli lang na natanggal na sa tainga niya at dines-regard na ng tuluyan. All he know is that he really dig this man. Come hell or high water.
"Kamusta?" Kearse said when he finally found his voice.
Madilim ang mukha ni Cody. Hindi maipinta. Naalala niya si Jhay-L, painter nga pala iyon. Baka magawan nun ng paraan.
"I'm not fine. Halika na." sabi lang nito sabay hatak sa kanya palabas ng Coffee Haven.
Itutuloy...
Chapter 12
"Masakit na Cody. Bitiwan mo ang kamay ko!"
Naiiritang sigaw ni Kearse ng makalabas sila ng Coffee Haven. Nagtitinginan pa rin ang mga usisero at usiserang customer na nakasaksi sa eksena nila kaya napilitan siyang itulak ito sa van na kinaroroonan ni Jerick.
"Ano bang problema mo?" badtrip pa ring sabi niya.
Nanatili lang itong nakatingin sa kanya ng nakakunot-noo. Madilim na madilim ang mukha na parang gusto siyang sapakin. Gusto niyang manlamig sa tingin na iyon pero galit rin siya dahil naalala niya ang pangloloko na ginawa nito sa kanya.
Ang paglilihim ng tunay na sexual orientation nito sa kanya.
Big deal iyon. Promise. Maaaring di siya mage-gets ng iba, pero kabilang siya sa mga old school na bading sa henerasyon ngayon. Ayaw niya sa Kapwa Ko, Mahal Ko. Ayaw niya ng tansuan. Ayaw niya ng lasunan. Ganoon lang iyon.
"Tell me Cody, bakit ka ba nagkakaganyan?" nauubos na ang pasensiya niya sa pananahimik nito.
"Tinatanong mo pa?" balik-tanong lang na sagot nito.
"Ha? Eh okray ka pala eh. Anong tingin mo sa akin? Manghuhula?"
"Ang problema ko, hindi mo ginagawa ang trabahong ipinangako mo sa amin ng maayos!" mahinang bulyaw nito.
"Ay? Sorry Bossing ha? Hindi ko alam na incompetent pala ako. Wala kasi akong training sa mga ganito. Pasensiya na. Hindi ko naabot ang expectations mo." Kearse said sarcastically.
"Hindi iyon eh. You're actually flirting with our suspect!" tila napupunding sabi na rin nito.
"Ay? Hindi ba ang purpose ng paglapit ko sa kanya eh maging feeling-close? What do you expect me to do? Mag-yoga sa harap niya?"
"Huwag kang pilosopo Kearse. Naiinis na ako sa'yo."
"Mas naiinis ako sa'yo! I'm doing my best to keep my part of the bargain. Hayaan mo ako sa diskarte ko! And for your information, kung naiinis ka na, ako galit ako. Galit ako sa'yo!" humihingal na sabi niya.
Biglang lumamlam ang hitsura ni Cody na kanina lang ay napakadilim. Para bang may nasabi siyang ikinabahala agad nito. Ano? Naloka siya ng sinabi kong galit ako? Ganoon ba iyon Miss Author?
Dedma ang author. Busy siya.
Nagbugha ito ng malakas na paghinga.
"Anong ikinagagalit mo sa akin?"
Bigla siyang tinamaan sa sudden softness na ipinakita ni Cody. Kung kanina galit na galit siya, ngayon naman nalilito na siya. Napaka-unpredictable ng kumag na ito. Ang sarap kutusan at halikan ng sabay.
Humalukipkip siya. Kunwari ay hindi apektado sa biglaang pagbabago ng mood nito.
"Hindi mo alam?" tanong niya.
Nagtaas ito ng kamay. "Promise. Hindi ko alam." sabi pa ni Cody.
Siya naman ang nagbuntong-hininga. Nangmakita niya ito pagkaalis ni Jhay-L ay parang nawala na ang tampo niya rito. Pero ng mag-emote ito ng hindi maganda ay nanumbalik ang galit niya. Tapos, ngayong nagbago na naman ang mood nito, nalilito na naman siya. Ano ba talaga Kuya?
"Task Force Enigma : Cody Unabia ito. Hindi Pinoy Big Brother." epal ng magandang author sa train of thoughts niya.
Tse ka Mama D!
"You didn't tell me you're gay." nabigla siya sa pagiging malumanay ng boses niya.
Nakita niya ang pagkagitla nito. Confirmed!
"Why Cody? Why didn't you tell me you're one of us? Nanananso ka ba talaga?" puno ng panunumbat ang tinig niya.
Hindi kasi niya matanggap na ang lalaking gusto niya ay alanganin ding katulad niya.
Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita. Muli, naging madilim ang buong mukha nito.
"Is that why you're mad at me?" Mahina, pero may bigat ang mga salita nito.
"Yes." pag-amin niya.
"I didn't tell you because you didn't even bother to ask. Hindi ko alam na pre-requisite pala ng mga lalapit sa'yo na sabihin agad kung ano ang sexual orientation nila. How did you know anyway?"
"Jerick told me. Pero hindi iyon ang punto. At hindi ko kailan man naisip yang sinabi mong pre-requisite. The point is, you decieved me."
"I did not."
"You did."
"Okay. Siguro nga hindi ko nasabi sa'yo. Pero hindi ba obvious? Hahalikan ba kita kung straight ako?" naiirita na namang sabi nito.
Nagtaas si Kearse ng kilay sa narinig. "What do you mean? Hindi ako pwedeng halikan ng straight guy?"
"I didn't say that."
"Pero iyon ang ipinupunto ng sinabi mo!"
"That was entirely a different thing!"
"No it aint!"
"Bahala ka na nga sa sinasabi mo Kearse." resigned na sabi ni Cody.
"Talaga!"
Napalabi siya sa inis. Ang kapal ng mukha nitong sabihin na hindi siya pwedeng halikan ng straight na lalaki. The nerve. Sinungaling na, malakas pang mang-insulto. Kumukulo talaga ang dugo niya.
"Look Kearse." sabi ni Cody sabay hawak sa braso niya.
Napapitlag siya sa init na dulot ng pagkakadaiti ng kamay nito sa balat niya. Parang may mabilis na enerhiyang bumalot sa bahaging iyon. Hindi niya talaga ma-explain. He hates the idea of still yearning for Cody's touch inspite of beeing fooled by him.
He shivered from the thought. Napilitan siyang tumingin dito.
"Hindi kita niloko. Akala ko kasi, gets mo nang gay rin ako. Nakita mo naman kung paano kita landiin di ba? Naramdaman mo naman sigurong gusto kita sa mga halik ko? Hindi ako basta-basta nanghahalik lang Kearse, not unless I like the person so much." halos desperado nitong sabi.
Napatda siya sa winika nito.
He liked him? Cody liked him?
"And I didn't mean to insult or offend you kanina. I don't know the right words to say Kearse, so please, don't make it hard for me. Madaldal ako pero hindi ako magaling magpaliwanag."
Gustong-gusto ng mapangiti ni Kearse sa naririnig na sinasabi ni Cody pero ayaw ng isang bahagi ng isip niya. Hindi pa rin niya matanggap na naloko siya nito.
"I don't like boys who like boys." sa wakas ay sabi niya.
Mahina lang iyon pero sa reaksiyon ng mukha ni Cody ay parang binagsakan ito ng mortar sa mismong harapan nito.
"Ganoon ba?" bagsak ang balikat na sabi nito.
"Oo."
"Malas talaga ako pumili." mapait na sabi nito.
Pinagmasdan niya ang hitsura nito. Mukha talaga itong naluging bumbay sa ayos nito. Pero sa kabila noon napaka-gwapo pa rin nito.
"Mukha nga." mahina pang sabi niya.
"Please Kearse... don't rub it in." mahinang pakiusap nito.
Ang kanina pang pinipigilan na kilig, ngiti at gigil para sa lalaking ito ay hindi na niya napigil. Inuna niya ang tawa. Tumawa siya ng tumawa ng malakas. Iyong tipong tatalunin si Sisa. Maluha-luha pa siyang lumuhod sa lupa.
"Damn it Kearse! How cruel can you get? Nakuha mo pa akong pagtawanan?" pigil ang galit na sabi ni Cody.
"Eh nakakatawa eh." aniyang tawa pa rin ng tawa.
Naloka na lang siya ng biglang may kumalabog. Nakita niyang sinuntok ni Cody ang pinto ng van. Yupi iyon. Imbes na mag-alala ay lalo siyang natawa. Yumayo na siya.
"Anong ginagawa mo?"
Matalim ang tinging binalingan siya nito.
"I'm still amazed you have the nerve to ask matapos mo akong pagtawanan." gigil nitong sabi.
Tinitigan niya ito. Tinaasan ng isang kilay. His arms akimbo. Parang si Selina lang sa Mula sa Puso.
"Dahil ayokong sinasaktan mo ang sarili mo Cody."
Sarcastic itong ngumiti. "Salamat ha."
"I said I don't like boys who likes boys..."
"Paulit-ulit? Unli?"
Dinedma niya ang sarcastic remark nito.
"But you're the only boy who likes boys that I like."
"Salamat... anong sabi mo?" maang na sabi nito.
"Sorry, expired na unli ko."
"Narinig ko iyon. You like me too?" naninigurado nitong sabi. Nabigla pa siya ng makalapit agad ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Hep, hep, di ako makahinga!" angal niya kunwari.
"No. I won't let you go. That has been my promise since I fell in love with you." madamdamin nitong sabi sa gilid ng tainga niya.
Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Napuno ng galak ang puso niya. Ganoon pala iyon, kapag isinuko mo ang kagustuhan ng puso mo at dinedma mo ang dikta ng isip mo magiging ganap kang maligaya. Pero teka? Kanina, like lang ngayon love na? Ano ito, lokohan? Naiinis na itinulak niya ito.
"B-bakit?" nagtatakang tanong ni Cody.
"Umamin ka nga. Paanong love mo na ako samantalang kanina lang like pa lang ang sinasabi mo. Niloloko mo ba ako?"
Natatawang umiling-iling pa si Cody.
"Hay nako, suko na talaga ako sa'yo. Siyempre, may pride naman ako no? Ayoko na sa rejection eh. Dala na ako. Kaya like lang ang sinabi ko sa'yo. Magda-drama ba ako ng ganoon kung di kita mahal? Sasaktan ko ba ang sarili ko dahil lang gusto kita? Hindi ko gagawin iyon unless mahal kita."
"Alam ko nabibilisan ka Kearse, pero totoo. Sa Maynila pa lang tayo alam ko gusto na kita. Pero ng halikan mo ako, ayun naging full blown love na siya."
Napangiwi si Kearse sa terminong ginamit ni Cody. "Para namang malalang sakit yang sinasabi mo."
He chuckled. "Oo nga ano?"
"So love mo na ako?" tanong niya rito. Naniniyak ang tono.
"Oo naman. Sure ako diyan."
Napalabi siya.
"Paano yan? I'm still in the process of accepting the fact that I actually liked you. Promise. Hindi madaling sumuko sa dikta ng puso ko, pero anong magagawa ko? Alangan namang pigilan ko ito." tapat niyang sabi.
Nagpakawala ito ng makalaglag-panty na ngiti saka siya niyakap ulit. Somehow, this guy always managed to disarm him everytime. His embrace makes him melt like marshmallows on fire. His knees trembled and it felt like jell-o all over. Napilitan siyang kumuha ng suporta sa katawan nito.
"Okay lang. I promise to sweep you off your feet everytime we're together. Walang makakalapit na kahit na sinong herodes sa'yo para magpa-cute. Ako lang dapat ang cute sa mata mo."
Kinilig siya ng husto sa sinabi nito. Duda siyang hindi ito mahihirapan sa misyon nitong paibigin siya ng tuluyan. Malamang nga na doon siya agad mapunta. Dahil hindi pa man ito nagpapa-cute, kakaiba na ang pintig ng puso niya. Titig pa lang nito, gusto na niyang tumambling ng three-hundred sixty degrees. What more pa kung sasadyain nito ang lahat para makuha lang ang matamis niyang OO.
Ikaw na nga! singit ng mala-the wicked girl na bahagi ng isipan niya.
Hinigpitan niya rin ang iginanting yakap rito ng may makaagaw ng atensiyon niya. Bahagya niyang inilayo si Cody sa kanya at nalolokang tinanong ito.
"Ano iyon Cody?"
"Alin?" nagtatakang tanong nito.
Inginuso niya ang matigas na bagay na nakadikit sa tiyan niya. Matangkad kasi ito sa kanya kaya damang-dama niya ang bagay na iyon na tila balak butasin ang tiyan niya. Natawa ito.
"Ah iyan ba?"
Natawa na rin siya.
"Oo nga. Iyan nga." Bigla ang paglikot ng imahinasyon niya. He felt big. Nag-flashback sa kanya ang gabing nakita itong nakahubo't-hubad at duguan.
"Hayaan mo lang iyan."
"Bakit naman?"
"Ganyan talaga ang reaksiyon niyan kapag nakadikit ka sa akin. Laging handa." natatawang sambit nito.
Napailing siya sa sinabi nito at kinilig.
"Promise? Baka ini-stir mo lang ako ha?"
"Oo nga. Bakit ano bang plano mo diyan?"
Lumingon siya sa van. Napalingon din ito.
"Baliw. Nandiyan si Jerick." sabi nito.
As if on cue, bumukas ang pinto ng van at bumulaga ang gwapong sarhento.
"Tapos na ba ang drama niyo at balak niyo ng mga rated x dito sa van kahit nandirito ako? Mga imoral!" natatawang sabi nito.
"Tse! Panira ka ng moment." sagot ni Kearse dito.
Natawa lang ang dalawang alagad ng batas. Nagtinginan ang mga ito saka nag-apir ng hindi siya binibitawan ni Cody.
"Hanep pare, parang makakawala ang isang iyan ah." si Jerick.
"Mahirap na. Medyo may kalandian ito eh."
"Hoy! Nandito lang ako." natatawang singit ni Kearse.
"Sorry naman Love." amo sa kanya ni Cody.
"Yuck!" umarteng nasusuka si Jerick.
"Kakainin mo rin iyang sinabi mo pare." balik rito ni Cody.
"That'd be the day." sabi lang ng kaibigan nito.
"Teka lang mga pogi." sabi ni Kearse. "Paano si Jhay-L? Itutuloy ko pa rin ba ang pagsunod sa kanya?"
"Oo Kearse, lalo pa at may gusto pala sa'yo ang mokong na iyon." sagot ni Jerick sa tanong niya.
Napalingon siya kay Cody para tingnan ang reaksiyon nito.
"O bakit? Inaalala mo kung magseselos ako?" nakangiting tanong nito.
"Hindi nga ba?" panunubok niya.
"Never. Unless hindi na kailangang lumandi eh lumalandi ka pa."
"Kapal! Trabaho lang, walang personalan."
"Dapat lang my Love. Dahil kapag sineryoso mo ang pagiging seryoso niya, babalian ko iyon ng tadyang, at ikaw..."
"Anong ako? Anong gagawin mo sa akin." agaw ni Kearse sa sinasabi ni Cody.
He gave him a devilish grin. "I'll lock you up inside your room and fuck you till you're blue. Walang labasan. Wala ring kainan. Ako lang ang kakainin mo. Intiendes?"
Sa halip na matakot ay lalo pa siyang na-excite. Parang gusto niyang sumuway na agad. Napahalakhak siya sa galak.
"You're on." sabi niya.
"Neng, di ka halatang excited." si Jerick.
Natawa lang siya ulit.
"So here's the plan para sa Oplan: Hulihin si Jhay-L Lagman." at inilahad na ni Jerick ang plano na naisip nito para sa panghuhuli sa suspected drug dealer.
Itutuloy...
Hahaha...natatawa Ako sa flow ng story..I love it mt, author....complete spices....
ReplyDelete