Followers

Sunday, June 5, 2011

TULA SA ISIPAN NG ISANG MUSMOS



by : Aeki
========================================
share lang po ng mga Tula ko :)) un lang salamat poh ke sir mike
sa pagkakaroon ko ng prebilehiyo na ilathala ang mga sulat ko dito Thank you po..
========================================


Pag ikaw ay aking kasama

Araw koy anong saya

Problema ay saglit na lilimutin muna

Upang sa kwento mo ay makinig sana

Akoy pakunwaring umiiwas sayo

Ngunit ang totoo ay nahihiya ako

Hindi ko lam kung ano ba ang totoo

kung mahal ba kita o itoy panloloko

pag ikaw ay aking nakikita

sa iyo ako ay sumusulyap muna

mula sa malayo pinagmamasdan kita

upang umiwas sa mga taong mapanghusga

Marami man ang nag mamahal sayo

sanay me puwang pa ako sa puso mo

iba man ang tinitibok ng puso mo

gusto ko lang malaman mo ang damdamin ko

Ano kaya ang pakiramdam

ng sa iyong tabi ay sumandal man lang

habang sinasambit ang mga ilang katagang

binubuhay ko lamang sa pangarap kong kamunduhan


========================================


Hindi ko malaman ang dahilan ng aking pag -ngiti

sa tuwing nakikita ka sa mga bawat sandali

sa bawat pag daan moy sumusulyap akong pilit

nang araw ko'y mabuo naman kahit saglit

nais ko mang sa iyoy lumapit

pagkahiya ang syang laging nasasa iisip

nais ko sanay makausap kang pilit

kahit dila koy tila pilipilipit

hindi mo man kayang mabatid

puso koy tumitibok sa bawat saglit

kapag nawawala ka sa aking matang marikit

pagkalungkot ang syang nararamdamang pilit


========================================



Noong una palang kitang nakita

ako sa iyoy tinamaan talaga

ngiti mo pa lang ulam na

sa akin ganda mot porma nangunguna

minsan man akoy makulit

damdamin ko naman ay malupit

kahit magkadang ipit ipit

ang puso mo pa rin ang syang aking bitbit

khit minsan ikay aking inaaway

hindi naman ako pasaway

yun nga lang pag ikaw ay inaaway

pag umiyak ka ay palague tulo ang laway

pero kung sakaling ikaw ay kumaway

sa tulad kong mukang mamaw este pasaway

tiyak ako ngayon ay nangingisay

sa daan tiyak magiging bangkay

ang kulay ko man ay maitim

hindi naman ako sakim

hindi rin dahil sa makulimlim

sadya lamang talagang kulay koy madilim

dahil ngaun ko lang napag tanto

sadyang ganito lamang pala ako

hindi hayop, bagay kundi tao

isang taong lokoloko na pag dating sayo

kayat sana ay tanggapin and damdamin

tulad ng pagtanggap ng iba sa akin

kahit na akoy nakakatakot sa salamin

ikaw naman ay aking tunay na mamahalin


========================================

3 comments:

  1. Ang cute!! Isang tula ng isang tagahanga sa isang manunulat. Good luck Aeki! Ang sweet at may pinanghuhugutan yan. Galing!

    ReplyDelete
  2. Job well done siya Aeki... :D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails