Followers

Thursday, June 9, 2011

EXCHANGE OF HEART pt17

Author's note:

and again.. still!! ahahaha i would like to recognized these people below who are so supportive in giving their comments to this story..

Mars,

Half,

Jojo Pabon

Russ,

Eortiz,

Carl_lb2001,

E.O.G,

Luhter,

Ako_si_3rd,

Margee,

Dark Boy,

Roan,

Oel,

Royvan24,

Reuel,

Flush bomb,

Xander,

Edrich,

Lester,

Chack,

Nat Breean,

Bryan,

Eloisa,

Jhe em,

Mike,

Jasper Paulito,

Mico,

aR,

Wastedup,

HeartGoddest,

JD,

JAJA,

Aang,

Edgar,

Karljay,

Lean Noverro,

Zenki,

306,

Emray08,

Andrei yu,

Fayeng,

Han yu,

Lond Kimi

Kearse,

Don Buenavente,

<07>

At syempre kay ANONYMOUS na walang sawang pag comment! Ahahahahaha!

Maraming maraming salamat, i love you all!! Mahaba ang chapter na ito pinakamahaba sa lahat sana magustuhan nayo..

May isang concern pa po ako.. isa po sa mga readers na si MARQEE ay nag suggest na kung pwede daw palitan ko yung pictue ni andy ng PICTURE KO? Ahahaha! What can you say about this guys? Hindi naman sasama ang loob ko if ayaw nyo wala sakin yun ahahaha! Hindi ko naman kasi abot standards ni pwet! GANDA NYA LANG! Anyway.. kayo bahala.. i need your comments about this thing. SA MGA HINDI PA AKO NAKIKITA ADD NYO PO AKO SA FB ACCOUNT KO. Gelo Robin Jacosalem.. yan.. kilala nyo na tuloy buong name ko ahahahaha..

----------------------------------------------------------------------

By: Gelo

Pagmulat na pagmulat ko ng mata ko, nagulat ako sa nakita ko! Isang MALAKING MUKA!! Sa gulat ko nasampal ko!

“ay! Bastos!” inilayo ko muka ko, nung naaninag ko, si bayag pala! Tulog na tulog! Hindi man lang nakaramadam sa sampal ko sa halip ay pag sara lang ng bibig nya na naka buka ang naging reaksyon ng pag sampla ko sa kanya.

Nakalimutan ko, nasa probinsya pala nila ako kala ko kasi nasa bahay lang ako kaya nagulat ako sa nakita ko, pinag masdan ko ng mabuti si louie, talagang ang sarap ng tulog nya. Siguro lasing na lasing to kagabe. Naka FETUS na posisyon ang porma nya nung oras na iyon. Siguro lamig na lamig ako lang kasi may gamit ng kumot nung oras na iyon, hindi man lang nya sinubukan makishare sakin sa halip ay hinayaan akong gamitin ng buo ang kumot. Kinuwa ko ang phone nya at tinignan ang oras. 6am palang pala kaya! Kaya pala sobrang lamig kahit walang electric fan.

“kawawa naman tong bayagrang to! Lamig na lamig na..” matapos tinakluban ko sya ng kumot na gamit ko kanina.

“tanga tanga ka rin noh? Dapat kasi nakishare ka sakin.” Kinakausap ko sya noon kahit alam kong tulog sya. Hehehe

Humiga ulit ako, magkaharap kameng dalawa. Ganun parin nakanganga parin sya ang baho nga ng hininga eh tuba siguro tinira nila kagabe kaya sinara ko bibig nya. Tinignan ko lang sya ng mabuti. Gutso ko tumawa na ewan! Ang gara kasi ng itsura nya non ang HAGARD! Malamang! Galing byahe eh tapos deretso inom agad. Kaya pinagtripan ko sya non. Gamit ang phone nya kumuwa ako ng mga captures na tulog sya minsan sinasabay ko sarili ko sa picture tapos tipong ituturo sya na kunwari pinag tatawanan sa picture.

Hindi pa ako nakuntento, sinuklayan ko buhok nya at hinati sa gitna yung parang kimpi style! Tawa ako ng tawa! Ang panget ng itsura nya parang kumag lang! Ayun picture ulit ako! talagang hindi matinag kahit anong gawin ko! Ganto talaga kasi to lalo na’t lasing? Sinamahan pa ng pagod? Nakoo!! Asa ka pang magigising mo ito! Pero syempre pag ako gumising nito aba! Takot lang nya! Bangon agad!

Syempre! Hindi pa ako na kuntento sa trip ko! Ahahahaha! kumuwa ako ng ballpen at sinulatan muka nya! Ahahahaha! Sobrang lakas trip! Gumuhit ako ng malaking bilog sa magkabilang mata nya yung tipong black eye ang dating, matapos sinulat ko tawagan namin sa magkabilang pisngi nya sa kaliwa BAYAG at sa kanan PWET! Ahahahaha sobrang dami kong tawa ng papigil para hindi marinig nila tiya elsie sa kabilang kwarto. Picture picture ulit! Ang saya! Ang sama ko! Ahahaha..

Maya maya, napagod na ako sa trip ko. Humiga ako ulit. Mag kaharap kame ulit. Ngayon iba naman trip ko.

“reypin ko kaya to?” tapos tawa na naman ako ng papigil.

“wag na! sobrang sama ko na non!” tapos, tinignan ko lang sya sa muka.. ayun! Naakit ako ng labi nya. Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nya hangang sa magkadikit na ito. Hindi ko ginalaw ang labi ko nasa ganung posisyon kame ng biglang yumakap sya sakin sa leeg! Nagulat naman ako pero hindi ako natinag at lalo pang idiniin ang labi ko sa labi nya. Ng bigla kong maramdaman na unti unting gumagalaw ang labi nya, hinayaan ko lang.. ng mapansin ko bumuka na naman! Ahahaha! Kala ko papatol na! Yun pala eh ibubuka lang ang bibig nya! Ganun talaga sya pag natutulog eh! Kaya tinangal ko na din ang labi ko sa pagkakadikit nito sa labi nya kasi ang baho na naman eh! Ahahaha. Tumalikod nalang ako ng higa at inilagay ang kamay nya sa bandang tiyan ko.

Nagising nalang ako nung maramdaman kong may gumagalaw sa kama. Pag mulat ko ng mata ko at tumaligod. Si bayag gising na! naka upo at nakatingin lang sakin kaya tumalikod ako ulit.

“good morning pwet..” pag bati nya. Humarap ako sa kanya at ngumiti lang.

“tara baba na tayo, gising na iyon sila tiya at tiyo para makapag almusal na tayo. At marami din tayong gagawin sa araw na ito.” Napa isip naman ako sa sinabi nyang marami kameng gagawin sa araw na iyon.

“tara..” nung tumayo na kame para lumabas. Haharap na sana sa salamin si louie ng bigla kong hinala sya pabalik sa kama.

“oh? Bakit?” laking pag tataka nya.

“ahehehe, wag ka muna tumingin sa salamin may dumi ka pa sa muka.”

“abe! Tignan ko sa salamin!” sabay hawi sakin para umalis sa pag kakatayo sa salamin. Pero nag matigas ako at tumayo ng tuwid sa harap ng salamin.

“hala sya! Alis nga sabi! Titignan ko!” medyo inis na nyang sabi.

“wag na kasi lilinisan ko muna bago mo tignan para gwapo ka!”

“isa!” pag saway nya sakin! Kaya umalis na din ako. nung tinignan na nya muka nya sa salamin hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot kasi baka magalit sya. Ng dahan dahan nyang binaling ang tingin sakin ng may matalas na tingin!

“ANDEEEEENG!!” mahaba at matigas nyang sabi.

“sorry! Tatangalin ko nalang..” pero parang matatawa pa ako nung oras na iyon.

“tangalin mo talaga! Pag di mo tinangal to rereypin kita dito!!” pag banta nya na parang seryoso.

“ah sige ok nalang yan!” tawanan kameng dalawa! Kumuwa ako ng tisyo sa bag at alcohol. At sinimualn ko ng punasan ang muka nya.

“aw! Sakit naman sa mata nyan!”

“saglit nalang to! Tiisin mo nalang.” Nakapikit sya nung oras na iyon habang ako naman papigil ang tawa.

“badtrip ka ha! Pinag tritripan mo ako habang tulog.”

“wala kasing magawa eh!” habang tinatangal ko parin ang sulat ng ballpen sa muka nya.

“eh kung ikaw kaya pag tripan ko ngayon?” sabay mulat nya ng mata nya at tinignan ako ng isang demonyong tingin, napaatras naman ako.

“louie wag! Bata pa ako!” pinilit kong sabihin iyon sa seryosong paraan pero natatawa talaga ako kasi may naiwan pang ibang sulat ng ballpen sa muka nya at parang kumalat pa ang iba na nagpaitim sa ibang parte ng muka nya at tipong gumagapang na palapit sakin na kinatawa ko ng sobra! Para syang kriminal na palapit sakin na may balak na kung ano! Ng biglang.

“ha!” sabay hila nya sakin!

“waaaaaaaaaaah!! Hahahaha!!!!” tawa naman ako ng tawa.

“louie! Tama na!! yoko na!! ahahaha” hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at ang dalawa kong paa ay naka lock ng dalawa nyang paa at kinukuskos nya ang baba nya sa sentro ng dibdib ko na nagbibigay ng SOOOOOOOOOOBRANG kiliti na parang hindi na ako makahinga!

“waaah!! Ahahahaha!! Ayaw na!! please!! Ahahaha!”

“uulitin mo pa ha??!!” sabay tangal nya ng baba nya sa dibdib ko.

“hindi na..” hingal na hingal ako noon. At inulit nya ulit!

“isigaw mo! Uulitin mo pa?!!!”

“ahahahaha!! Ahahaha!! Hindi na nga!! Bayag pwede na!!!” ngayon ko nalang sya ulit natawag na bayag. Parang naalimasmasan naman sya sa sinabi ko at tinignan lang ako ng seryoso habang ako hingal na hingal.

“tara na baba na tayo..” ngiting wagas ang gagu! Tayo naman sya agad at iniwan akong nakahiga sa kama. Nauna syang bumaba at ako naiwan. Bagu bumaba inayos ko muna nag pinag higaan namin. Matapos ay bumaba na din ako.

“oh! Musta ang tulog mo?” tanong ni tiya elsie.

“mabuting mabuti po ang lamig po pala dito kahit walang electri fan.”

“ay! Sobrang lamig talaga kaya hindi na namin kailangan ng aircon dito, oh sumabay kana dito ng almusal.” Umupo naman ako agad samantalang si bayag kumakain na hindi man lang ako hinintay.

Matapos mag almusal, nag volunteer akong mag hugas, ayaw pa nga sana ako payagaan ni tiya elsie mag hugas eh pero nag pumilit ako kaya wala din silang magawa. Habang nag huhugas ako nasa likod ko lamang si louie may sinusulat sa mesa. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil naka earphone ako non habang nag huhugas.

Maya maya nakaramdam nalang ako ng batok mula sa likod ko.

“aray!!punye!” mapapamura sana ako.

“kanina pa kita tinatawag!” bulyaw ni louie.

“oh? Kailangan batukan ako? basagin ko kaya tong plato sa ulo mo?” ayaw na ayaw ko kasing binabatukan ako! feeling ko nakakabastos talaga eh alam nya iyon kaya pag naiinis sakin iyan talagang babatukan nya ako para mainis ako.

“sorry lang! Oh! Ito gagawin natin nagyong araw!” pinakita nya sakin ang sinulat nya.

Ito ang nakalagay sa sulat.

9am-11am:pag bilad ng palay sa arawan.

11am-12pm: pag papakain sa baboy.

12pm-1pm: lunch

1pm-2pm:pag linis ng bahay ng baboy.

2pm-4pm: pag tulong kay tiyo sa pala isdaan.

5pm onwards: pag kuwa ng binilad na palay.

Parang binusalsalan naman ako ng kung anong malaking bagay sa bibig na parang gusto kong maduwal sa dami ng gagawin? Parang lunch lang ang pahinga namin! At gusto matawa at sinulat pa talaga nya.

“grabeh!!!! Ang dami naman nyan!!” reklamo ko!

“may reklamo ka?”

“hmmm ano!” sigaw ko.

“oh? Bakit? Kung may reklamo ka! Bumalik ka na ng manila!” bulyaw nya sabay talikod sakin.

Matapos ko mag hugas naligo na ako para mag handa sa matinding araw na haharapin ko. Matapos nag bihis ako ng mga damit na mahahaba yung takip na takip ang buong katawan. Nakalong sleeve shirt ako at jogging pants at syempre nag lotion ako sa muka MAHIRAP NG PUMANGIT! Ahahaha!

“balot na balot ka ha!” sabi ni louie.

“syempre! Mahal magpaputi noh!”

“oh tara na! para amaaga tayong matapos!”

Dumeretso kame sa parang bodega ng bahay nila.

“oh!buhatin mo na yang isang sako!” sabi sakin ni louie.

“baliw ka ba?hindi ko kaya yan!” reklamo ko.

“ganto lang yan oh! Ilagay mo sa likod mo!” pinakita nya sakin pano buhatin.

“wait!! Grabeh ka naman bayag! Sige.. ikaw mag lagay sa likod ko.” Matapos binuhat nya ang sako ng palay at nilagay sa likod ko. Parang luluwa ang BUWA ko noon nung nailagay na ang sako sa likod ko! Feeling ko mag kakalasan ang mga buto ko! Pero syempre! Kinaya ko! Feeling ko tuloy lalake na ako! ahahaha. Naka tatlong sako din ako habang si louie naka lima.

Matapos, nilatag namin ito sa kalsada at duon ito binilad.

“sigurado ka bang dito talag ito binibilad? May dumadaan na mga jeep at motor!” sigaw ko sa kanya sa di kalayuan.

“oo! Ok lang yan!” sigaw din nya sakin. Kaya pinag patuloy ko naman ang pag kalat ng palay sa kalsada ngunit sa isang kabila lamang nito upang may dadaan pa ang mga tao at behikulo.

Grabeh!! Taas ng tirik ng araw!!! Parang kahit balot na balot ako ay tumatagos sa damit ako ang sinag ng araw! Sobrang init!!

“tapos ka na ba jan??” sigaw ni louie sakin mula sa malayo.

“konti nalang!!” sigaw ko na parang pagalit! Bwiset na ito!! Kung alam ko lang ganto gagawin mo sakin dito hindi na ako sumama sayo!! Huhuhu..

Naunang natapos si louie sa pag bilad kaya naunang syang nag pahinga sa may silong ng puno limang sako ang binilad nya samantalang sakin at tatlo lamang pero nauna pa sya sakin.

“hoy bayagra!! Tulungan mo naman ako dito!!” sigaw ko sa kanya! Parang wala naman syang narinig at nahiga lang.

“bwiset talaga to!” bulong ko habang nag bibilad.

Ng matapos ako at lumapit na ako sa kanya at umupo ng pabagsak!

“grabeh!! Ang init!! Magiging lalake ako dito!” reklamo ko habang nakaupo at nagpapahinga.

“oh tara na! magpakain na tayo ng baboy..” sabay tayo nya at tinutungo at bahay ng baboy.

“hoy!! Hindi pa nga ako nag papahinga! Pwede saglit lang?!!”sigaw ko.

“hindi!! Ang bagal mo kasi kumilos!!”

“hinayupak ka!!!!” sigaw ko!

“syempre ngayon ko lang to ginawa what do you expect me mas mauna ako sayo ha?!!”

“tumayo kana jan! Tinigilan mo ako sa mga english mo!” sigaw nya mula sa malayo. Wala na akong nagawa kundi lumapit ng padabog.

Nung makalapit na ako, tinangal nya ang isang malaking lata(lata ata ng mantika?) sa apoy. Matapos ay inilagay ito sa balde. Halo halo ang makikita mong pagkain sa balde pero dominant ang kanin. Matapos ay hinaluan nya ito ng dalawang tabong tubig at hogmas. Sanay na sanay sya sa gawain na iyon na-amazed naman ako sa ginawa nya. Maya maya ay hinalo nya ito gamit lamang ang kamay nya na kinagulat ko ng sobra! Hinahalo nya ito habnag parang dindudurog durog ang ibang parte na mamalaki. Maya maya..

“oh ikaw naman!”

“ha?? Ako?!anong gagawin ko?”

“haluin mo ng kamay mo!”

“ha?sigurado ka?”

“oo nga!bilisan mo nag-iingay na yung mga baboy oh!” kaya wala na akong nagawa kundi isalang ang kamay ko sa balde ng kanin baboy at haluin ito gamit ang kamay ko. Pikit mata ko itong hinahalo.. habang tumatagal parang nasasanay na ako kaya nagagawa ko ng idilat ang mata ko at ginagawa ang ginawa ni louie kanina na dinudurog durog ang ibang parteng mamalaki. Matapos nag hugas kame ng kamay at dinala na sa babuyan ang pagkain nila. Habang palapit palang kame nag-iingay na ang mga baboy parang alam nilang papakainin na sila. Pag lapit namin hindi ko naman nagustuhan ang amoy nito amoy pupu ang buong bahay ng babuyan. May tatlong malalaking baboy meron sila at dalawang biik. Habang nilalagay namin ang pagkain nila parang nagwawala naman ang mga baboy at nag-uunahan sa pagkain.

“yan si fatima! Pinaka nanay nila, maliit pa iyan nung huli kong nakita eh.”

“ah ganun ba? Eh yung mga biik? Mga anak nya?”

“oo, yung dalawang baboy mga pa-iyut ang tawag jan.” Parang matatawa naman ako sa sinabi nyang iyon.

“ha?pa-iyut?ano yun?”

“mga amahin ba! Minsan dinadayo pa yan sa bayan tapos igagala ni tiyo iyan tapos sisigaw ng “pa-iyot!pa-iyot kayo jan!!”.”

“hahahahaha!” tawa naman ako ng tawa!

“syempre! Pa-iyot iyon sa mga baboy lang hindi sa tao!”

“ahahaha! Nakakatuwa kasing pakingan noh? Pano kaya kung tao talaga yung hinahandog diba?siguro daming tatangkilik duon.” Tawa naman kame ng tawa.

Matapos naming magpakain ng baboy, ng hapunan na din kame. Kameng dalawa lang ang nag hapunan dahil si tiya at tiyo daw ay nasa pala isadaan na. nag luto na din si tiya ng kakainin namin bago umalis. Matapos naming maghapunan nag pahinga naman ako saglit. Nakaramdam na agad ako ng pagod.. marahil sa pag bubuhat ito ng sako ng palay nabanat ata ang katawan ko sa pag bubuhat.

Saktong 1pm nag simula na kame muling mag trabaho. Tinungo namin ang bahay ng babuyan. May host ng tubig malapit sa bahay ng babuyan kung san pwede mo gamitin pang linis. Nung una si louie ang nag linis pinakita nya sakin pano mag linis. Habang ako may hawak ng host at binubuhusan ang tubig ang winawalisan nyang dumi ng baboy. Matapos binigay nya sakin ang walis tinting at ako ang nag patuloy ng pag wawalis. Habang nag wawalis ako ang mga baboy naman ay nangunglit sakin. Medyo hindi na ako nandidiri at nasasanay na sa ganung sitwasyon kailangan kong panindigan ito dahil sumama ako sa kanya kaya dapat sumunod ako sa lahat ng gusto nya. Anyways.. masaya din naman dahil kakaibang experience ito.

Ramdam ko pa rin ang matinding init, takatak ang pawis ko sa buong muka at katawan samahan pa ng tubig na galing sa host na talagang nag papabasa sakin.

“pwet lapit ka muna dito.” Lumapit naman ako agad. Nagulat naman ako ng bigla nyang pinunasan ang muka ko gamit ang face towel na gamit nya, pinunasan nya buong muka ko gamit iyon habang ako napapapikit nalang sa ginagawa nya. Tapos pinatalikod nya ako at nilagay ang face towel sa likuran ko. Ang sweet ng mokong may nalalaman palang ganto ito? Ahahaha.. feeling ko mag asawa kame sa gantong sitwasyon.

“sige na ituloy mo na yan..” kalmado nyang sabi, yung parang normal na sa kanyang gawin yun sakin na ikinatuwa ko naman ng sobra.

“salamat po bayag..” nginitian lang nya ako.

Matapos naming mag linis ng bahay ng baboy, nag hukay sya sa medyo maputik na lupa malapit sa babuyan..na ikinagulat ko naman.

“huy!anong ginagawa mo jan?”

“humuhuli ng pain.”

“pain san?”

“pain sa isda! Tuturuan kitang mamingwit!”

“wooooooow!! Sige gusto ko yan!!” excited ko sagot.

Tinungo na namin ang palaisdaan di kalayuan sa bahay nila louie. Nakita namain sila tiyo at tiya duon. May kalakihan ang palaisadaan nila ang daming bahay isdaan na tinatawag nila, kung saan nahahati ang mga isda sa iba’t ibang klase kada kwadradong bahay tubig ng mga isda.

Hindi na kame nag patumpik tumpik pa at nag umpisa nang mamingwit dahil nga excited na akong mamingwit first ko kasi eh. Si louie ang nag lalagay ng pain na uod sa kawil habang ako naman ang humahawak sa pamingwit. Hinagis ko na ang kawil na may lamang uod sa may tubig lumutang ang parteng may goma ng pamingwit.

“pag gumalaw yang gomang nakalutang na iyan hilain mo agad may napain kana.”

“ah ganun ba?” inosente kong sagot. Hindi maalis ang mata ko sa goma na nakalutang. Tutok na tutok ang mga mata ko. Habang si louie nahiga sa may damuhan at ako naman naka tayo nag-aantay ng mapapain. 5 minutes!10minutes!15 minutes! Wala!! Wala paring napapain at hangin lang ang nag papagalaw sa goma na nakalutang. Kaya ginising ko si louie.

“bayag!!bayag!! wala naman eh!!” reklamo ko.

“edi hugutin mo! Tapos itapon mo ulit sa tubig.”

“dapat kanina mo pa sinabi! Para hindi ako mukang tanga dito!”

“eh hindi mo naman tinanong ha!” matapos hinugot ko na ang pamingwit. Pag hugot ko wala na ang uod na apin namin.

“huy, wala na yung uod! Lagyan mo ulit!” nilagyan naman nya agad ito. Tinapon ko naman agad sa tubig. Nag-antay ko.. napa-upo nalang ako kasi nangangalay na ako sa kakatayo. Ng mapansin kong gumagalaw na yung gomang nakalutang kaya nabigla ako at napasigaw!

“bayag!! Bayag!!!! Gumagalaw na!!!” sigaw ko.

“hilain mo na!!” sigaw din nya. Na parang nalimpungatan sa pag sigaw ko. Nung hinugot ko na, meron nga akong napain! Sobrang tuwa ko! Parang nanalo ako ng isang milyon!! Pero napansin ko parang makakawala na yung isda sa kawil nito habang nilalapit ko ang pamingwit.

“bayag!! Hawakan mo dali!!!” hinawakan naman nya agad ang pamingwit. Ewan ko ba! May demonyo atang bumulong sakin na tumalon sa tubig kasi makakawala na yung isda sa kawil nito. At iyon nga!! TUMALON AKO !! at hinawakan ang isda ng dalawa kong kamay.. buti nalang hindi malalim ang tubig at hangang baywang ko lang pero ramdam ko lumubog ang mga paa sa putik. Nabasa din ng konti ang muka ko gawa ng tumalsik sa muka ko ang konting tubig gawa ng pag talon ko.

“yehey!!! Nakuwa ko sya!!!” pag sigaw ko! Tinignan ko naman si louie, hindi ko maintindihan ang reaksyon nya na gulat na gulat na nanlaki ang mata na para bang sasabog na at gusto humalakhak!

“ahahahahahahahaha!!!” at iyon nga bumigay na sya sa pag tawa, gumulong gulong pa sa damuhan sa sobrang pag halakhak!!

“ahahaha!! Baliw ka pwet!! BALIW!!” tawa pa rin sya ng tawa hindi matigil. Ako naman sinubukan ko ng umahon sa tubig. Medyo nahirapan akong umahon dahil lumubog nga ang mga paa ko sa putik. Isa isa kong inangat ang paa ko habang hawak pa rin ng dalawa kong kamay ang isda.

Ng maka-ahon na ako nag hanap agad ako ng plastik at nilagyan agad ng tubig, doon ko nilagay ang isda na anhuli ko. Tilapya sya! At sinuri ko ng mabuti hindi pala bumaon ang kawil sa bunganga nya sumabit lamang siguro ito kaya kaya nitong makawala sa pagkakabitag.

“oh! Ano naman gagawin mo jan?” patawa tawa pa rin sya at nag papahid ng luha sa mata sa sobrang kakatawa.

“aalagaan ko.” Seryoso kong sabi, na nag bigay na naman ng hudyat sa kanya upang tumawa ulit! Sa inis ko hinampas ko ng hinampas pero hindi sya natinag sa halip ay naghahalakhak pa rin ang mokong!

“ano bang problema mo? Syempre unang huli ko ito noh!alalagaan ko ito!” sabi ko ng may inis!

“eh! Kahit alagaan mo iyan hindi naman mabubuhay yan sayo noh!”

“eh pano mo nasabi yan?”

“eh sa tubig lawa lang yan mabubuhay! Isang araw lang ayn sayo lulutang na yan sa tubig na nakatihaya!” nalungkot naman ako sa sinabi niyang iyon.

“ay ganun ba? Edi tubig lawa naman gagamitin ko eh!”

“kahit na.. di porket hayop iyan wala ng pakiramdam iyan, syempre tulad ng tao kailangn din ng ibang kasama iyan at environment kung san sila komportable, iba pa rin ang tunay na tahanan.” Seryoso nyang sabi. Parang natauhan naman ako sa sinabi nyang iyon. Tama nga naman.

“ganun ba?eh anong gagawin ko dito? Eh maliit pa sya hindi naman natin pwede kainin ito kawawa naman sya.” Malungkot kong sabi.

“edi pakawalan mo nalang!” sabi nya.

“edi para naman akong tanga non! Pinag hirapan kong makuwa ito tapos papakwalan ko lang din?”

“may mga bagay talaga na pinag hirapan mong abutin o makuwa pero at the end you’ll realized kailangan mo silang pakawalan kasi mas makakabuti sa kanila iyon para mabuhay sila ng mapayapa.” Seryoso nyang sabi. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Napatingin ako ng malungkot sa isda sa loob ng plastic. “oo nga! Muka syang hindi komportable at nagpupumilit makawala.” Tama nga sinabi ni louie. May mga bagay na kailangan nating pakawalan para mapunta sila sa lugar na kung san mabubuhay at sasaya sila kahit kapalit nito ang sakit na at dusa ng pagpapalaya sa kanila. Parang pag-ibig pag mahal mo talaga ang isang tao you have to sacrifice letting them go if alam mong mas makakabuti iyon sa kanila kahit kamatayan ng puso mo gagawin mo iyon kasi mahal mo eh. I guess the true sense of loving someone is by SACRIFICING .

“ang drama mo naman! Kung san san ka na napunta eh isda lang naman tong pinag uusapan natin!” pag divert ko ng usapan kunwari hindi ako apektado sa sinabi nya.

“mamili ka kainin natin yan o pakawaln mo?”

“sige pakawalan nalang natin kawawa naman sya eh.”Malungkot kong sabi. Binuksan ko ang plastik at binuhos ang tubig sa tubig lawa.

“babye fish! Huhulihin kita ulit ha pag malaki ka na!” para akong bata noong oras na iyon.

“baliw ka talaga halika na nga! Punta tayo kila tiya tumulong tayo duon.” Inakbayan nya ako at sabay naming tinungo sila tiya elsie.

Habang nangingisda sila tiyo albert kasama mga kasamahan nito at naki-osyoso na din si bayagra sa pag tulong ako naman nahiga sa bandang lilim ng puno at nag pahinga. Hindi ko namalayan ay naka idlip na pala ako. ng bigla akong magising..

“huy pwet! Gising!” pag gising sakin ni louie.

“oh?” pakuskos kuskos pa ako ng mata ko.

“may surprise ako sayo.” Nagulat naman ako sa sinabi nyang iyon. Tinignan ko mga kamay nya wala naman syang dala.

“oh?ano yun?” tumalikod sya at ayun nga, may mga bulaklak sa likod nya na nakaipit sa short nya. Napangiti naman ako! unang bese ko kasing makatangap ng bulaklak sa buong buhay ko. Hindi ko alam anong klaseng bulaklak iyon.

“oh! Kunin mo na!” kaya kinuwa ko na iyon at bigla syang kumaripas ng takbo.

“para san ba ito?” sigaw ko sa kanya.

“edi para sayo! Basta!” sigaw nya at sumakay sa bangka patungo kila tiyo albert. Natuwa namana ko sa ginawa nyang iyon! Ang sweet talaga ng gagong to! May paganto ganto pa! Maganda ang mga bulaklak na binigay nya, violet na may halong spoted white ang petals nakakabighaning tignan nakakaakit amuyin. At ayon nga inilapit ko sa ilong ko sa bulaklak!

At SHEEEEET!! NA MALAGKEEET!! Halos tangalin ko ilong ko sa SOBRANG SANG SANG NG AMOY NG BULAKLAK!! Nahilo ako sa amoy talagang nag penetrate sa ilong ko patungong utak ko!! Sa inis ko tinapon ko agad yung bulaklak!! Hinayupak talaga tong bayagrang to!! Kaya pala kumaripas agad ng takbo dahil may maitim na balak!! Kaya lumalpit ako agad sa tubig lawa.

“HOOOOOOOOOOOOOY!! BAYAGRAAAAAAAAAAA!! HAYUUUUUUUUP KA TALAGA!!!!!!!!!! HUMANDA KA SAKIN PAG AHON MO SA TUBIG!!! PAPAKAININ KO SAYO YUNG BULAKLAK!!!!” sigaw ko ng todo na may galit! Tawanan lahat sila dahil alam pala nila ang balak ni louie pati si tiya tawa ng tawa! Feeling ko tuloy pinagkaisahan ako. huhuhu

“ay ganun ga? Ay! Hindi na ako baba dito na ako titira! Marami naman akong pwedeng makain na isda dito at may maiinom na akong tubig!!!” sigaw nya din sakin na lalong nag patawa sa lahat! Hindi ko na pinansin sa halip bumalik sa lilim ng puno at natulog ulit.

“andeng.. andeng.. halika na.. balik na tayo ng bahay.” Pag gising sakin ni tiya elsie. Pag tingin ko wala na sila tiyo albert sa laot nauna na siguro at hinanap ko si louie wala na din. Sigurado ako nag tatago na iyon kaya si tiya elsie nalang ng gumising sakin.

Pag dating namin ng bahay.. wala din sila tiyo at louie duon. Sabi ni tiya nasa bilaran daw sinako na ang mga binilad naming palay. Nahiya naman ako kasi kame nag bilad noon kaya tinungo ko kung san kame nag bilad ng palay. Kakaumpisa palang ata nila dahil konti palang ang nailalagay nila sa sako kaya tumulong ako agad. Wala naman akong kibo kibo.. inis parin kasi ako sa ginawa ni louie. Ng mapuno ko na ang sako ng palay sinubukan kong ilagay iyon sa likod ko at buhatin pero hindi ko kaya. Ng biglang lumapit sakin si louie at kinuwa ang sako at tipong ilalagay sa likod nya.

“wag na! ako na! kaya ko yan..” sabi ko ng malumanay.

“hindi ako na.. mag lagay ka nalang sa sako.” Sabay buhat sa sako ng palay. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko, ganun pa rin walang kibo. Hangang matapos namin. Bigla akong nakaramdam ng sobrang pangangati sa buong katawan ko gawa nung alikabok galing sa palay.

“pwet! Dun tayo sa dalampasigan maligo para matangal yang pangangati mo.” Hindi naman ako kumibo.

“tara?” pangunglit nya. Pero hindi ako kumibo. Ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinala para mag lakad kame.

“sorry na..” sabi nya habang naglalakd kame, ganun parin hawak nya kamay ko pero nakatalikod sya habang naglalakad. Hindi naman ko nag sasalita. Ng bigla syang huminto at humarap sakin.

“sige kunin mo yung bulaklak kakainin ko para hindi ka na magalit.”

“tinapon ko na.”

“tara kumuwa ulit tayo para kainin ko sa harap mo wag lang magalit sakin.” Pagpapaamo nya sakin.

“tara kuwa tayo.” Nanlaki naman mata nya sa sinabi ko at nagulat.

“sigurado ka?” parang nag mamakaawa ang muka nya na wag na kameng kumuwa.

“diba sabi mo?” pag susungit ko.

“oh sige.” Tutungo na sana kame para kumuwa pero pinigilan ko sya.

“saka na nga yan! Tara deretso na tayo dagat sobra na akong nangangati!”

“tara!” masigla nyang sabi.

Malapit lang din ang dagat sa kanila halos katabi lang ng palaisdaan nila. Ng marating namin ang dagat, tumalon agad ako sa tubig at nagtampisaw! Ang saya.. ngayon nalang ulit ako naka ligo sa tubig dagat. Kumuwa ako ng buhangin galing sa dagat at iyon ang pinanghilod sa nangangati kong katawan. At mabisa nga natangal ang kati sa katawan ko. Ng mapagod umahon na ako at umupo sa tabing dagat. Sumunod naman sakin si louie at umupo sa tabi ko, inaabot ng tubig dagat ang mga paa namin.

“pwet.. masaya ba?”

“hmmm.. oo! Pero nakakapagod. Pero nakakatuwa kasi simple lang ang buhay dito malayong malayo sa buhay manila. Dun magulo pero andun lahat ng kasiyahan, dito tahimik,simple ang buhay, kahit walang pera mabubuhay ka, di tulad sa manila pag wala kang pera BASURA KA..”

“balak ko nga, pagkatapos ko mag-aral at pag may trabaho na ako at nakaipon dito nalang kame mamamalagi nila mama eh, dito ko na rin sana gustong mag tayo ng pamilya ko.” Seryoso nya sabi. Medyo nalungkot naman ako sa sinabi nyang PAMILYA thing! Alam ko naman hindi ako pwede dun pag sinabi kasing mo pamilya yung may anak, tatay at nanay, eh hindi ko naman kayang ibigay sa kanya iyon kaya nalungkot ako. nahiga sya sa hita ko, hindi ko naman sya matigan gawa ng ayaw ko makita nya ang lungkot sa muka ko sa sinabi nyang iyon.

“ikaw pwet?anong balak mo pagkatapos ng pag-aaral mo?” nakatingin lang sya sakin.

“ahmm.. siguro uuwi na ako probinsya, eh yun lang naman dahilan ko bakit ako nasa manila eh. Pag –aaral ko.”

“ahmm pwet.. sana kahit tapos na tayo sa pag-aaral, magkikita pa rin tayo ha?” malungkot nyang sabi.

“hmm oo naman! Kung gusto mo bumisita ka samin, ako naman bibisita sa manila o dito paminsan minsan.”

“pwede rin.. pero basta! Kahit anong mangyari walang kalimutan!”

“ang drama mo bayag!” sabay batok ko sa nuo nya.

“ahmm pwet may tanong lang ako?”

“oh ano yun?”

“gusto mo ba si joner?” nagulat naman ako sa tanong nyang iyon.

“ha? Bakit mo natanong yan?”

“ahmmm wala lang! Curious lang ako? gusto mo nga?” pag-usisa nya.

“hmmm.. oo?”

“ah bakit?”

“ah bakit? Eh kasi unang una, MABAIT SYA!, MALAAAAAAAWAK ANG PANGUNGUNAWA!,TALENTADO!!, ANG GALING KUMANTA!! GWAPO!MATALINO PA!!! MAY KAYA SA BUHAY!!! Perpekto kung baga?” parang nabilaukan naman sya sa sinabi ko.

“eh ako?”

“ikaw?? MASAMA UGALI!ANG TIKID NG UTAK MAHIRAP UMUNAWA! PANGASAR! TAMAD GUMISING! WALANG TALENT!!”

“hala grabeh naman!! May talent naman ako! magaling akong mag basketball!” reklamo nya!

“ay oo nga pala! Yun lang ata magandang katangian mo?”

“ganun ba?” malungkot nyang sabi, parang naawa naman ako kasi todo alipusta ako sa pagkatao nya kaya bumawi ako.

“pero kaw naman yung love ko.” Pero hindi ako tumingin sa kanya at nakabaling ang mata ko sa malayo para kunwari hindi ako sersyoso. Hinintay ko reaksyon nya kaso wala! Bigal syang umupo.

“pwet ano yun?” may tinuro sya sa bandang kaliwa na napalingon naman ako agad para tinigan. Ng bigla kong naramdaman hinalikan nya ako sa labi! Hindi ko na nagawang magulat sa bilis ng pangyayari at kumaripas ng takbo ang mokong! Punyeta! Naisahan na naman ako!! pero syempre may dalang kiliti sakin iyon pero hindi ako papatlo noh! Pwede naman syang mag paalam eh hindi yung nanakaw sya ng halik pag bibigyan ko naman sya if hihingiin nya! Ahahaha! Kaya tumayo agad ako para habulin sya.

“kahit kelan ka talaga!!!”

“ahahahaha!” tawa sya ng tawa! Talagang binilisan ko ang takbo ko, kaya nahabol ko sya at naabot ko ang buhok nya at sinambutan ko sya ng todo.

“gagu ka talaga ha!!” habang sinasambutan ko parin sya.

“aray! Aray! Tama na! ahahaha sorry na!” habang patawa tawa pa rin sya.

“sorry sorry ka jan sobra ka na eh!”

“oh bawi ka nalang kiss mo din ako!”

“edi lugi naman ako non kasi alam mo!!” tawa parin sya ng tawa! Ng makakalas sya sa pagkasambunot ko sa kanya at natumba ako sa tubig dagat.. syempre hindi ako papatalo kunwari napilayan ako sa pagkatumba ko.

“aray! Shit talaga! Shit! Shit!” kunwari humahawak ako sa paa ko na napilay.

“hala! Pwet? Ok ka lang? Anong nangyari sayo?” lumapit sya agad sakin at hinawakan ang paa ko.

“ano masakit ba?” tingin sya sakin, pero tinignan ko lang sya ng demonyong tingin at ngiti. Napick up naman agad nya na nag kunwari lang ako at tipong tatayo na pero naunahan ko sya ng pag sakal gamit ang braso ko sa leeg nya at tinumba sya sa tubig at pumatong sa likod nya.

“kala mo ha!! Ahahahaha!!!” tawa ako ng tawa dahil na bitag ko sya sa balak ko.

“ano uulitin mo pa yon ha?” naka sambunot ang kamay ko sa likod ng ulo nya at nilulublob ang muka nya sa tubig dagat.

“ahahahaha! Hindi!” niloblob ko ulit muka nya sa tubig tapos iaahon ko pagkatapos ng 3 seconds.

“anong hindi??!!”

“hindi na!!” niloblob ko ulit.

“anong hindi na nga!?” niloblob ko ng mas matagal.. na eenjoy ko ang ginagawa ko hindi ko na pansin kung gano ko katagal naluloblob ang muka nya sa tubig. Ng mapansin ko hindi na sya pumipiglas at wala hindi na nag sasalita.

“hoy bayag?” wala pa rin syang reaksyon! Nalintikan na nalunod na ata! Kaya hinila ko agad sya sa tabing dagat.

“hoy bayag? Wag mo nga akong biruin ng ganyan?!!” inuuyog ko sya noong oras na iyon kaso walang reaksyon galing sa kanya.

“hoy bayag kasi??!!” naiiyak na ako ng mga oras na iyon! Hindi alam ang gagawin! Natataranta! Natatakot!! Hindi ko mawari! Kaya sinubukan ko syang iresuscitate gamit dalawa kong kamay at ipinatoong sa dibdib nya at sinimulang ipump. Pero wala talagang syang reaksyon!! Gusto ko sanang humingi ng tulong kaso walang ibang taong andun at medyo may kalayuan pa ang bahay bahay duon. Sinubukan ko ulit ipump ang dibdib nya matapos ibinuka ko labi nya at idinampi ang labi ko duon at bumuga ng hangin at humigop, inulit ko ulit iyon ng maramdaman kong may pumatong na kamay sa likod ng ulo ko at idiniin ang muka ko sa muka ni louie at naramdaman kong gumalaw ang labi ni louie at ipinasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Nagulat ako at bigla akong kumalas. Ng makita ko nakangisi ang hayup!!

“PUNYETA KA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!” sabay tayo nya at karipas ulit ng takbo.

ITUTULOY...

22 comments:

  1. una ako... hahaha.
    haaaayyyy. talaga naman. kung maibabalik ko lang ang aking kabataan. di na kasi ako dies y blehbleh eh.... hahaha. gusto ko talaga tong si BAYAG. sweet niya.

    -Jasper Paulito-

    ReplyDelete
  2. wow finally may final na..excited mode..ehheheh basa muna ko..tnx kuya

    ReplyDelete
  3. Sobrang ganda ng chapter na ito... Simple pero mararamdaman mo ang ibig pakahuluhan..

    Sana mapadalas ang pag-update. Sana matapos kong basahin ang lahat ng chapter, at maabutan ko pa ang ending nito.. Salamat Gelo..

    ReplyDelete
  4. waw ang sweet naman ni bayag, pa simpleng nakaw na kiss, pero sweet talaga... XD
    pero kainis parang hindi sila magkakatuluyan...



    *hmm. may isang error akong nakita,ung "host", you should change that to "hose".

    -erick

    ReplyDelete
  5. nice.. keep it coming gelo...

    ang cute ng chapter na ito puno ng kilig moments... pati ang mga kalokohan nila andiot din gantihan lang.. hahahaha ibang klaseng trip din ito...

    no need to rush gelo take your time pag dating sa update.. basta keep up the good work

    -anon53-

    ReplyDelete
  6. Ang ganda talaga ng kwentong ito..
    Magaan ang kwento pero alam mong mapapangiti ka kapag binabasa mo ang kwento nila andeng..
    Kikiligin ka sa kwento nila ang galing talaga...

    Sana nga po araw.araw ang updates.. Gusto ko ang story na ito! Good Job Gelo!!

    ReplyDelete
  7. haha. ang sweet nung dalawa.. ayiii..

    ReplyDelete
  8. ganda tlaga prang true to life . . .


    keep it up . . .

    :))

    <07>

    ReplyDelete
  9. wow. grabe kilig to the max ako ,,

    heheheheheh,. ":))

    niCE one ,,, :) galing mo tlga ,, :))

    _lester_

    ReplyDelete
  10. wow! how sweet!..
    Sana me ganun din akong friend lover, kautuan mo at kaharutan.. :(
    Napapangiti na lang ako habang binabasa ko ang istorya.
    Namiss ko tuloy yung province namin, halos lahat ng ginagawa nila eh ginagawa ko nuon. Haaissst!...

    Good job Gelo!.. Namiss ko yung mga ganung gawain..
    Sarap bumalik sa nakaraan..

    next part. hehe Kilig to the max ang story..

    ReplyDelete
  11. uhmm how sweet naman ng part na ito..
    kakakilig! Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagbabasa ako.. Ganda ng sory..
    Namiss ko din tuloy yung province namin,,
    lahat ng ginawa nila sa story nagawa ko ng trabaho sa province..
    iba talaga ang buhay duon simple lang..

    Good job Gelo.. next part na..

    ReplyDelete
  12. NICEEEE!Sweet naman nila.Hahaha.
    Ramdam ko at obvious din na talagang gusto din ni bayag si pwet!
    Hahaha.More kilig scenes pa gelo ah?Hahaha.
    More power to you Gelo! Go go go.

    ReplyDelete
  13. heheh galing..excited na ang story..kilig naman ako..parang mga bata lang na virgin.. update..

    ReplyDelete
  14. ganda!! sobrang cheezy!! at sweet!! haha... sobrang nakakatawa dhin!! haha nextna !!excited na ko hehe ^^

    (eog)

    ReplyDelete
  15. gelo ikaw na..ikaw na...napaka ganda ng chapter na ito..

    i like ung part na pinaamoy sha ng bulaklak..alam m this story is so nice specially pag gnawa tong movie..kung may pera lang ako mag poproduce para gawin tong movie..ang ganda...parang pang telesrye sha...bawat yugto talagang ka abang abang..bawat tagpo siguradong may kurot sa puso at nakakaantig sa damadamin pero bawat eksena ay kapaupulutan ng aral gaya ng nabingwit ni pwet ang maliit pa na isda...may aral..sana pag patuloy m lang ang bawat pahina ng kwento na ito...bawat comment namin patunay lang ang pag tangkilik namin sa story mo...malamang tulad ni pwet ganito rin personal life o gelo.....


    marqee

    ReplyDelete
  16. It's been a gorgeous story Mike! It made my day upon reading this last part! Expecting and hoping for another series... Keep up and Kudos!

    ReplyDelete
  17. sweetness + kiligness = happiness.. hahaha

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  18. Wahahahhaha...

    nakakakilig hehehhe...
    hahahaha... nanamantala to the max c bayag ehhehehe...
    wala kcng choice c pwet ngayong nasa teritoryo xa ni bayag hahahhaha..

    GANDA! ehheheh
    Una nanaman ako sa list hehehehe... I do really appreciate it GELO...

    Salamat sa magandang kwentong to... iinaabangan ko talaga...

    Galing mo! Muah!
    GOD BLESS!

    -mars

    ReplyDelete
  19. One word: NAKAKAKILIG!!!!

    Every moment was just magical for Pwet and Bayag, especially for Pwet na may feelings kay Bayag.

    At mukhang nag-eenjoy si Bayag sa pananantsing kay Pwet.

    SUPER KILIG!!!!

    Hindi ko talaga mapigiling kiligin at matawa at matuwa sa mga eksenang naghaharutan sila.

    Keep up the good storyline. :D

    Next please! ;)

    -Andrew Johnson

    ReplyDelete
  20. kakilig talaga tong si Bayag at Pwet.
    sarap magkaroon ng Bayagra sa buhay!!!
    nakakabitin na.

    next chapter na po....

    ReplyDelete
  21. ......ayiee,,,,,,,ka klig tlga......next chapter p0,,author gelo,,tnx,m0re p0wer =))

    -reggie-

    ReplyDelete
  22. nakakakilg tlga grabe sana ako nlang si andy hehehhe..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails