Followers

Saturday, June 25, 2011

Task Force Enigma: Cody Unabia 3 and 4

Task Force Enigma Cody Unabia

CHAPTER 3


Busyng-busy sa pagngatngat ng straw ng binili niyang mocha frappe si Kearse habang nakatitig sa monitor ng mac notebook niya. He was slumped lazily on the comfortable sofa at the slightly dimmed corner of the cafe. Madalas siyang doon maglagi kapag nababagot siya sa loob ng bahay o di kaya naman ay gusto niya ng ibang ambiance kapag nagsusulat. Isa pa, walang paki-alam ang management ng cafe kahit ilang oras ng nakasalampak ang customer doon at isang piraso lang ng kape ang i-n-order. Ganoon kaluwag ang establishment and that's just the way he liked the place. So comfy. For his own comfort.

Binalikan niya sa ala-ala ang ilang eksena ng nobelang kanyang isinusulat. Pero kahit anong gawin niya, every effort was futile. Paano ba naman, ang tagilid niyang utak ay nangungulit na sa halip na ang kanyang pagsusulat ang intindihin, ang lalaking hubo't-hubad na nagngangalang Cody ang inaatupag ng tinamaan ng magling na utak niya.

"Haay!!" frustrated na sabi niya.

Sinubukan niyang mag-type ng ilang salita pero talagang si Cody at ang nakakalokang paghalik nito sa kamay niya ang sumasalimbay sa isip niya. Nakukulta na siya sa kakaisip kung bakit nito ginawa iyon. Naalala niyang bigla ang eksena pagkatapos ng halik na iyon.

"Thank you Kearse." ani Cody saka hinalikan ang likod ng palad niya.

Napasinghap siya sa ginawa nito.

No, understatement iyon. Naloka siya. Bakit siya hinalikan nito sa kamay? Feeling tuloy niya ang tanda na niya at pang-medieval times ang paraan ng pasasalamat at pagpapakilala na ginawa nito.

Ano bey?! Malanding sigaw ng isip niya.

Snap out of it Kearse! sigaw naman ng kabilang bahagi.

Natigilan siya. Nang mapagtuunan niya ng pansin ang lokong si Cody ay nakita niya ang kakaibang kislap ng mata nito. Para bang tuwang-tuwa sa nakikitang kalituhan sa mukha niya. Binawi niya ang kamay at pilit nagseryoso kahit gustong-gusto niyang tumambling ng 360 degrees pabalik-balik sa kwarto.

"Niloloko mo ba ako?"

"Huh? Bakit naman kita lolokohin?" the weird spark still evident in his tantalizing and deep set eyes.

"O sige, iibahin ko ang tanong. Pinag-ti-trip-an mo ba ako?"

"Hindi."

"Eh bakit may pahalik-halik ka pa sa kamay ko?" mataray niyang sabi. Pilit itinatago ang kilig.

"Eh gusto ko eh. Saka nagpapasalamat lang ako sa'yo Kearse. That's just my way of saying it."

Oo nga naman. Bakit ba iba na agad ang ipinakahulugan niya sa ginawa nito? Napailing siya. Napansin na naman niya ang mata nito. Kakaiba ang kulay.

"Eh bakit ganyan yang mga matang iyan? Bakit kakaiba ang kislap?" tinuro pa niya ang mga mata nito to stress his point.

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. "Sabi nga ng ilang friends ko, kakaiba daw ang mata ko. Whenever I smile, kumikinang siya. I don't know. Siguro kasi, grayish ang kulay niyan."

"May lahi ka ba?"

"Oo. Half-German..."

"Half-Shepperd?" putol niya sa sinasabi nito.

"He-he, funny. Ang cute mo Kearse."

Napatigil siya sa sinabi nito. Cute? Daw? Siya? Oh my gas!

"Tumigil ka nga. Mukhang napasobra ang pukpok sa ulo mo ng mga nanggulpi sayo. Iba na ang tinatakbo ng isip mo."

Natawa ito. "I'm perfectly fine Kearse. Besides, alam kong pagaling na ako. Magaling na nurse ang mga kapatid mo."

"Dapat lang. Buhay at kaluluwa ang ibinuwis ko maitawid ko lang ang pag-aaral nila."

"And I think you did a great job."

Naka-ilang papuri naman na siyang narinig sa mga kakilala at kaibigan niya na nakasaksi ng mga paghihirap niya para sa mga kapatid at pamilya pero bakit parang nawalan lahat ng saysay ang mga iyon pagkarinig niya sa papuri ni Cody. And it bothered him so much when he came to realize that he was overwhelmed by his praises.

Naramdaman niyang pinisil nito ang kamay niya.

Huh? Kailan pa nito nahawakan iyon?

Nangingiwing ngumiti siya. Disimuladong binabawi ang kamay sa pasimpleng paraan.Pero hinigpitan ni Cody ang hawak dito.

"Ahm.. Can I have my hand back now?" binigyan niya ito ng palyadong ngiti.

"Okay lang iyan sa mga kamay ko Kearse. Besides, masarap sa pakiramdam ang hawak ko ang kamay mo."

"Ah anong tingin mo diyan? Eficasent Oil? Does it give you soothing relief?"

"Hindi. Pero higit pa doon ang ibinibigay. Ewan ko. Siguro kasi, aside from you're cute, ikaw ang nagligtas sa buhay ko."

Alam mo ba ang sinasabi mo? Bading kaya ako. At pwede kong ipagkamali ang sinasabi mo at isiping gusto mo ako."

"Bakit, ano bang hindi ko pwedeng magustuhan sa'yo? Imposible bang magkaguto ako sa savior ko?

Napalunok iya sa sinabi nito.

"Ayan ka na naman eh. Kumain ka na nga muna. Baka gutom lang iyan. Masama kasi sa utak ang epekto ng hindi kumakain." sabi niya saka siya tumayo para kunin ang pagkain sa tray na nakalapag sa kalapit na tokador.

Umaasa siyang bibitawan na nito ang kamay niya pero hindi nito ginawa. Muntik na tuloy siyang mapasubsob dito kung hindi niya naagapan ang kamay na itukod ka mismong kama. Ang siste. Napaibabaw siya dito na may ilang pulgada lang ang pagitan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa nakakalokang proximity nilang iyon.

Napatitig siya dito. Ganun din si Cody. Nag-alala siyang bigla na baka marinig nito ang malakas na tibok ng puso niya. Tatayo na sana siya whn he realized something. He liked Cody's eyes. Lalo na sa ganoong kalapit na sitwasyon. At hayun na naman ang nakakalunod na paraan ng pagtitig ni Cody. Parang tukso naman na napatitig siya sa labi nito. Parang nag-aanyaya na tawirin niya ang maliit na distansiya sa pagitan nila.

"I-i'm sorry." aniya ng maapuhap ang boses.

"Well' I'm not." anitong ngumiti na para bang nang-aakit.

Bigla siyang tumayo. Nanlaki ang amta niya ng maramdaman ang isang bagay sa pang-upo niya. Kinakabahang tiningnan niya kung ano iyon.

Kamay!

Ang talipandas na kamay ni Cody ay nasa puwitan niya. Slowly caressing it that gave him thousands of reason not to get away. Pero nagpaka-kalma siya.

"What are you doing?"

"What?" inosenteng tanong nito.

"Your hand is in my butt."

"Yeah. I know."

"And I don't like it."

Napahalakhak ito sa sagot niya pero gaya kanina, napangiwi na naman ito sa sakit na dulot ng mga sugat.

"Argh, kung hindi lang ako nag-aalalang bubuka ang mga tahi ng sugat mo. Ako na mismo ang tumuklap sa mga iyan." naiinis na tugon niya.

Inalis ni Cody ang kamay sa puwitan niya. Pero nanatili ang mapanuksong kislap ng mata nito na sa tanang-buhay niya ay hindi niya pa nakita sa totoong buhay. Nakapagsulat na siya ng mga description ng pinaka-gwapong nilalang sa mundo but all of it failed in comparison pagdating kay Cody.

"Nakakatawa ka kasi."

Ikiniling niya ang ulo para bigyang puwang ang pagdaan ng maayos na pag-iisip. Mukhang maling hakbang ang kausapina ng lalaking ito. Tinutukso siya nito. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon pero natutukso siya.

"I'm glad to have humored you Cody. Maiwan na kita." sabi niya saka binirahan ng martsa palabas ng silid ang hudyo. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa at ang mabilis na pagdaing ng sakit dahil doon.


"Kasalanan mo itong hudyo ka!" malakas na sabi ni Kearse sa sarili. Nakita niyang napatingin sa kanya ang ilang naka-upong customer saka napa-iling. Marahil ay iniisip na nababaliw na siya.

Madalas siyang makatanggap ng mga ganoong tingin at binabalewala na lang niya. Kapag ganoong frustrated siya at hindi makagawa ng nobela ay nangangain siya ng tao. Pero dahil kailangan niya ng pera kaysa laman ng tao, dedma na lang siya sa mga ito.

Nasa ganoong disposisyon pa rin siya ng may umupo sa tapat ng pang-isahang sofa na inuupuan niya. Usually, kapag ganoong may naka-upo na sa mga magkakaharap na sofa, ay wala ng maaaring maupo sa natitirang bahagi lalo na kung kagaya niyang parang may-ari ng cafe kung maka-upo doon.

Kahiyaan na lang naman din kasi. Pero ang lalaking naupo sa tapat niya ay hindi man lang hiningi ang permiso niya. Ni hindi man lang nag-abalang tanungin siya kahit pabalat-bunga lang. Sabagay, hindi naman kanya iyon.

Still...

"Ecuse me lang Mister?" aniya ng umakto itong matutulog. " Taken na po ang upuang iyan."

"There are two seats Mister." ginaya nito ang tono niya. "Bakit? May hinihintay ka ba?"

Naloka siya ng banatan siya ng english ng hudyo. "Wala, pero ayoko ng may ka-share sa table." mataray na sabi niya.

"Alam mo Miss-ter..." nang-iinsultong sabi nito ng mahalatang bading siya. "I don't see any names written on this table. Besides, there are no available seats. Wala ka namang hinihintay, kaya dito ako pumwesto. Saka wala pa akong nabalitaan na payag ang Coffee Haven sa reservations." nang-iinis na sabi nito.

Hindi siya makapalag sa sinabi nito. And they're starting to get attention already. His mind was saying to give it a rest at hayaan na lang ang kumag na ito sa ginagawa pero ayaw pumayag ng nagrerebolusyon niyang damdamin. Hah! Isa siyang makata. Kaya dapat lang masabi niya ang nasasaloob niya! Yeah!

Magsasalita na sana siya ng pikitan siya ng hudyo. Napagmasdan niya tuloy ng wala sa oras ang mukha nito. His stubbles are starting to grow na nagbigay ng impresyon na marumi ang lifestyle nito. Magulo rin ang buhok nitong nakatali sa may bandang balikat. May kung anu-ano ring tilamsik ng kung ano man ang t-shirt nitong itim at ang jeans, pudpod na sa bandang tuhod. Mukhang di pa nalalabhan. So as his sneakers. It wasn't any good either. Kung di lang niya ito narinig na nag-ingles ay malamang na mapagkamalan niya itong taong-grasa.

Napatingin siya sa mukha nito. Nakanganga na itong natutulog. Nakaisip siya ng malungkot at inilabas ang digicam niya. Ini-off niya ang flash para di ito magambala at pasiple niya itong kinuhanan ng ilang shots.

Nang matapos ay isinilid niya iyon sa bag. Naghahanda na sana siyang umalis ng magkagulo ang mga tao at pumasok ang isang napakagandang babae. Artista yata iyon. Naghahanap ang mga mata nito sa paligid ng partikular na tao ng tumambad iyon sa kanya. Nagulantang siya ng patungo na ito sa direksiyon niya.

Ha? Di ko knows ang mujer na itey.

Nagpatuloy ito sa paglapit ng nakalahad ang mga kamay. Akal niya yayakapin siya nito ng tumbukin nito ang direksiyon ng natutulog na lalaki at walang sabi-sabi na hinalikan ito sa bibig.

"Jhay-L, Honey!" sabi ng babae. "I thought I'd see you here."

Mga imoral! sigaw ng isip niya matapos nitong halikan ang kanina'y tulog na lalaki.

"Marisay?" nagulat na wika ng lalaki. Napatingin pa ito sa kanya kaya naman nag-make face siya na kunwai ay nasusuka.

"Jhay-L, bakit di mo sinabi na pupunta ka pala sa shoot namin. Sana nakaalis agad ako." maarteng wika ni Marisay Penta. Ang starlet na papasikat ngayon.

"No, I was just dropping by. Natutulog ako ng dumating ka di ba? Nagpapahinga lang ako dahil magda-drive pa ako mamaya." paliwanag nito pero sa kanya mas nakatingin. Napabaling tuloy ang babae sa kanya na nahuli siyang naka-make face pa rin.

"Who is he Darling?" taas-kilay na tanong nito.

"I don't kn..." sagot sana ng lalaki.

"I'm Kearse. It sound like 'curse' but spelled as K-E-A-R-S-E" Kearse!" nakangiti niyang sambit sabay lahad ng kamay dito.

Inignora lang ito ng babae at saka bumaling sa lalaking nagngangalan pa lang Jhay-L.

"Jhay-L, honey. Let's get out of here na. Marami ng nakikisawsaw sa kasikatan natin dito."

"Sino? Sino ang sira-ulong nakikisawsaw sa kasikatan natin?" tanong niya sa dalawa.

Nilingon pa niya ang paligid para maghanap ng kahinahinalang tao na sumasawsaw sa kasikatan daw nila. Nang walang makita ay saka niya ibinalik ang tingin sa mga ito. The girl was giving him an irritated look while the guy, a passive one.

"Ikaw yata ang tinutukoy ng girlfriend mo. Ano ba yan? Pumapayag kang ganun-ganunin ka ng babaeng isda na yan? Kung ako sayo hinagis ko na kanal yan." sabi niya sa lalaki ng mapagtantaong siya ang tinutukoy ni Marisay.

"OMG, I'll be waiting for you ouside honey. I can't stand it here anymore." maarteng sabi nito sabay halik ng mabilis sa labi ni Jhay L.

"OO nga, umalis na kayo dito. Hindi bagay ang kasosyalan niyo dito sa amin. Baka mahawa pa kami sa inyo. As a matter of fact, nangangati na nga ang balat ko. Ano ba iyan? Ewe, what is this? Some kind of galis. Shoo SHoo na! Go! Don't come here again ha!" naiirita rin niyang sabi sa mahaderang babaeng penguin na maumbok ang pang-upo. Hindi naman niya inaano ito pero kung makapanglait wagas!

Tumili ang babae sa kawalan ng magawa dahil maraming reporter sa paligid. Umalis ito ng cafe at iniwan si Jhay L.

Aalis na rin sana siya ng magsalita ang lalaki.

"Can you do me a favor?"

"What?" asar na sabi niya.

"Mind your own business." anito sabay bira ng alis.

Naiwan siyang nagngingitngit. Napaupo siya sa inis.

"Akala niyo kung sino kayong mga hinayupak kayo. Hah! Gaganti ako sa inyo! Lintek lang ang walang ganti. Ikaw lalaki ka, gagawin kitang lider ng kulto na may malaking pigsa sa puwet! At ikaw babae ka, ipapangalan kita sa kuto. Hindi. sa ipis na lang. Huh! Makikita niyo!" inis na sabi niya.

Hindi yata alam ng mga ito ang kakayahan ng mga kagaya niyang manunulat. The power of the pen! Yeboi!


Itutuloy...

CHAPTER 4


Nakatalungko si Kearse sa garden nila habang nakaharap sa kanyang Mac Notebook. Nag-iisip siya ng panibagong eksena para kanyang nakabiting trabaho. Salamat at wala sa paligid ang kanyang mga kapatid. Si Jaime ay inihatid ang kanyang kaibigang si Earl habang si Migs naman ay may ka-date daw. Hindi niya lang alam kung lalaki o babae.

Kinukutkot niya ang daliri na siyang hobby niya habang nag-iisip. Pero ang totoo, wala siya talagang maisip. Naglalakbay ang kanyang malikot at tagilid na kaisipan sa paligid niya. Partikular na sa lalaking nasa loob ng silid niya.

Si Cody.

"Ano kayang ginagawa ni Cody ngayon?" aniya sa kawalan.

Napatingin siya sa ulap. Maaliwalas ang panahon. Kaka-uwi niya lang galing sa Coffee Haven kung saan nakasagupa niya ang dalawang pinaka-walang kwentang nilalang ng Diyos sa mundo.

Kinuha niya ang digicam. Ipinasya niyang i-upload ang pictures ng lalaking kinuhanan niya ng palihim. Nakalimutan na niya ang pangalan nito.

"Jhay Em... Jhay Pee... ah... Jhay L. Tama iyon nga."

Nang maisalin niya sa Notebook ang picture nito ay medyo nagduda siya sa nakita. Napakunot siya ng noo at tiningnan pa kung tama ang pictures na na-upload niya.

At natigagal siya sa nakita.

Shet!!! Ang gwapo pala niya!

Ngayong natitigan niya ng malapitan ang mukha ni Jhay L sa kanyang Notebook ay talagang nagulat siya. Bigla ang pagtaas ng radar niya na tulad ng isang normal na bading na nakakakita ng gwapo ay namumula ang hasang niya.

Malalantik pala ang pilik-mata nitong si Jhay L. At ang lips! Uy! Oh lala. Ang panga, tama lang sa shape ng mukha. It gave him an impression that Jhay L, IS an authoritative man. Mukhang sanay itong magsungit.

SheT!!! Nakakahiya. Inaway ko pa naman siya.

Pero ng maalala kung gaano kagaspang ang ugaling ipinakita nito sa kanya ay medyo nag-alangan siya.

"Hmp! Eh ano ngayon kung gwapo siya? Masama naman ang ugali niya." sabi niya sa sarili.

Charing!

He can't keep from staring at his beautiful face. Parang ang sarap nitong humalik kasi nag-aanyaya ng napakaraming maruming kaisipan ang labi nito.

Maghunos-dili ka Maria Kearse!

Napabuntong-hininga siya. Nasa ganoon siyang estado ng may magsalita sa likuran niya.

"You're ogling him."

"Ay puwet ng baka!" napasigaw niyang sabi.

Natawa ang may-ari ng boses na nanggulat sa kanya. Ready na siyang rumatrat ng talak dito ng mapansin niya ang ayos nito. Cody was shirtless!

Uy! Yummy!

Nawala sa konsentrasyon ang dati ng hindi niya matinong pag-iisip. Naloloka siya sa tanawing nakabalandra sa harapan niya ngayon.

Look at those abs! Piping hiyaw ng kanyang tagilid na utak.

And those pecs!

Hay! Bigla siyang nag-hyperventilate sa nakikita. Kinailangan niyang tipunin ang lahat ng lakas para ilayo ang kanyang mata sa nakakatunaw na tanawin.

At nagawa niya nga. Iyon nga lang. Sa maamong mukha naman ni Jhay L siya nakapagbaling ng tingin. Isa pang masarap na nilalang.

Homaygawd! Ano bang pahirap ito?

Napapikit na lang siya sa frustration.

"O bakit?" tanong sa kanya ni Cody.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago sumagot.

"Wala. Wala." Paulit-ulit niyang sabi.

"Unli?"

"Hindi."

"Sabi ko nga." tumatawang sambit nito. "Eh bakit ka nakapikit?"

"Ah... kasi nasisilaw ako."

Nakakasilaw ang kamachohan mong damuho ka! Baka kapag dumilat ako ay malapa kita!

"Saan ka nasisilaw? Sa ka-machohan ko?" his voice was laced with amusement. Bigla siyang parang binasa ng malamig na tubig at natauhan. Bakit nga ba siya nagre-react ng ganun? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng hubad na katawan ng lalaki. Particularly Codys'.

Nagdilat siya ng mata and was welcomed by the most tantalizing eyes na nakita niya. Nakapameywang na ito. Waring tuwang-tuwa sa nakikitang pagkabalisa niya.

Naiinis na sumagot siya kahit pa ang pakiramdam niya ay ang pula-pula niya. "Eh bakit naman ako masisilaw sa'yo? Ano ka, aparisyon?"

Sukat humalakhak si Cody.

"Nakakatuwa ka talaga."

"Siyempre, cute ako eh."

"Oo naman. Cute na cute ka."

Ay? Me ganun?

Biglang nag-rambulan ang sistema niya. Ang puso niya, naka-red alert na. Grabe na ito! Sobrang kinikilig siya. Todo na ito Mare!

Tse! Inaanak ko ba ang anak mo? Sigaw ng magandang author.

Ay ganun? Sumasagot si author sa plyado kong utak? Kabog!

Oo naman! Di lang ikaw ang pinagpala! Tse! sagot ulit ng author na si Dalisay Diaz.

Ipinilig niya ang ulo bago pa magbangayan ang isip niya at ang author ng kwentong ito. Napatitig siya sa mukha ng naaaliw pa ring si Cody. Nakataas ang isang kilay nito. Parang pwedeng pagsabitan ng payong.

"Ahm... may kailangan ka?" aniya rito sa kawalan ng maitutugon.

"Actually, nakita lang kasi kitang tulala dito. Iyon pala, you're ogling at your boyfriend's picture." sabi nitong nakasimangot.

Napatigil siya. Boyfriend? Sino? Sino ang boyfriend ko? Tanong niya sa isip niya.

Ewan. Ma. At Pa. sigaw ng mahaderang parte ng isip niya.

"Sinong boyfriend ko?" nagtatakang tanong niya.

"That guy." turo nito sa nakakalat na Mac Notebook niya.

Saka niya naalala ang fez ni Jhay L na nakaabandera doon. Napagkamalan nitong bf niya ang lalaki. Hay! Sana nga.

"He's not my boyfriend. What made you think of that?" takang tanong niya rito.

"If he's not your boyfriend, why are you staring at him with matching dreamily sighs pa?" Cody asked.

"Kasi it's good for me po." pa-cute niyang sagot.

Natawa lang ito kahit pa nakakunot pa rin ang noo.

"Good for you? Bakit di ba good for your health kung sa kagwapuhan ko ikaw tititig?" sabi pa ni Cody.

Nanlaki ang mata niya sa narinig.

Tama ba ang nasasapantaha niya? May bahid ng pagseselos ang tinig nito.

Asa ka teh.

Tama nga naman. Asa pa siyang ganun nga. Baka pinagti-trip-an lang siya nitong kumag na ito.

Inirapan niya ang nagti-trip na mama.

"O bakti ka naka-irap diyan?" tanong ni Cody.

"Wala." mataray niyang sabi.

"Wala? Maniwala ako."

"E di huwag. Paki mo ba kung titigan ko siya, eh gwapo naman siya."

"Gwapo? Iyan ba ang guto mong lalaki?"

"Eh ano naman ngayon sayo." nakapameywang na sabi ni Kearse sa nang-aasar na si Cody. Confirmed na nanglalaro lang ito ng damdamin niya. Buti na lang wais siya.

"Eh mukhang kahina-hinala ang pagkatao niyan." wala pa ring tigil nitong pang-aasar.

"Kung kahina-hinala man iyan sa paningin mo, ano ka pa? Sino ba ang natagpuan kong hubo't-hubad na, marami pang tama ng kung anu-ano sa katawan? Malay ko ba kung kriminal ka?" ratsada sais-trenta ng bibig niyang may pagkakaparehas sa armalite.

Hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Cody. Tiningnan tuloy niya para lang ma-guilty sa nakita niyang sakit at pait na nasa mga mata nito.

Agad ang pagbalot ng masamang pakiramdam sa katawan niya. "I'm sorry." kagat-labing wika niya.

Napa-iling ito.

"Don't be Kearse. Tama ka naman. Kahina-hinala ang pagkatao ko." his voice was laced with sadness. Parang may malaking kamay na kinuha ang puso niya at kinurot ang singit nun, kung meron man.

"Eh... huwag ka naman ganyan. I didn't mean that." guilty pa rin niyang sabi.

"No. It's okay. Tanggap ko yun."

"No. huwag kang ganyan Cody. Nagi-guilty lang akong lalo. Say I'm mean."

"You're mean." He replied softly.

"Cody naman eh." desperado niyang sabi. Never pa siyang na-guilty ng ganoon. Kay Cody pa lang. At ewan niya kung bakit.

"What's the nearest terminal here? I need to get back to Manila. My friends are waiting."

Nanglaki ang mata niya sa sinabi nito.

No! He can't be!

Pero tinalikuran lang siya ni Cody. Parang timang lang siyang nakatigil sa kinatatayuan. Unable to make a move. Hindi pa nagsi-sink in ang sinabi nito ng husto. Parang ayaw tanggapin ng sistema niya na dahil sa kanya ay aalis na ito.

Cool Kearse. You did it again!


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails