Followers

Friday, September 2, 2016

Loving You... Again Chapter 49 - Poison Tree




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D

Guys, isang update po muna per month, at susubukan ko po na tatluhin, or apatin kapag hindi masyadong busy. By the way, iyung mga naka-italic na font, iyung una po ay isang poem na isinulat ni William Blake na ang pamagat ay, Poison Tree. Iyung pangalawa naman po ay kanta na pinamagatang Winter Song na kinanta po nina Sara Bareilles at Ingrid Michaelson.

Welp, so heto na. Malalaman ninyo kung sino ba talaga si sino at paano nangyari ito at ito. Heto na po ang Chapter 49. Enjoy! 











Chapter 49:
Poison Tree
















































Keifer’s POV



I was angry with my friend;
I told my wrath, my wrath did end.
I was angry with my foe:
I told it not, my wrath did grow.

And I waterd it in fears,
Night & morning with my tears:
And I sunned it with smiles,
And with soft deceitful wiles.

And it grew both day and night.
Till it bore an apple bright.
And my foe beheld it shine,
And he knew that it was mine.

And into my garden stole,
When the night had veild the pole;
In the morning glad I see;
My foe outstretched beneath the tree.



          “Very good, Keifer. Nabasa mo ang poet ng,” Napangiti si Prof. “mabuti. At ang pagkakabigkas mo sa bawat salita ay, may feeling.”



          “That’s because may I can relate to the poet,” sabi ko. Iginala ko ang aking tingin sa silid-aralan. “At sigurado naman ako na nakaka-relate ang ilan sa atin dito tungkol sa piece ni William Blake. Na kailangan ay malaman ng kagalit mo kung bakit ka nagagalit sa kaniya at nang matapos na ang galit na nararamdaman mo. Dahil kung tinatago mo ito, lalaki ito ng lalaki. At hindi mo na alam, nakakagawa ka na ng mga bagay na hindi mo alam.”



          “Well said Keifer. Pwede ka ng umupo.”



          Pero hindi sa mga katulad ko. Kailangan talagang itago ang nararamdaman ko para sa pamilya ko. Dahil kung nagsabi ako sa kanila, siguradong hindi sila magsasayang ng pagkakataon na tapusin ang galit na nararamdaman ko, ng permanente.



          Kumusta sa inyong lahat? Ako si Keifer Salvador. Kung matatandaan ninyo, binaril ako ni Harry sa dibdib, at may dugong lumabas. Authentic na dugo iyun, pero hindi sa akin. Compressed at pressurized na dugo iyun na nakalagay sa body armor para kapag binaril ay magmukhang may lumabas talaga na dugo mula sa katawan ko. Napakaswerte ko noong mga panahon na iyun dahil hindi niya ako binaril sa ulo dahil siguradong patay talaga ako.



          Oo nga pala. Bigla kong naalala na may dapat akong sabihin sa inyo. Marahil, alam niyo na siguro kung sino si sino…



          Bumukas ang pintuan ng CR. Nagulat ako nang pumasok si Ren at nakatingin lang siya sa akin. Maya-maya ay dali-dali siyang pumunta sa isang cubicle. As expected, hindi niya ako naaalala.



          Nagpakawala ako ng ngiting umabot hanggang sa aking tenga. Mabuti naman at hindi nangyari ang kinatatakutan ko.



          Pagkatapos hugasan ang aking kamay, lumakad ako papunta sa cubicle na pinasukan niya. Tumayo ako doon at naghintay, hanggang sa lumabas na siya. Napahinto siya at nagtataka kung bakit ako nakaharang.



          “Ren,” maligayang tawag ko sa kaniya. “ang tagal na nating hindi nagkita? Kumusta ka na?”



          Nagulat siya sa sinabi ko. “K-Kilala mo ako?”



          Ngumisi ako. “Oo, kilalang-kilala kita. Hindi mo na ba ako natatandaan?”



          4 years ago…



          Sa isang paaralan sa Lapu-lapu, kakatapos ko lang ipagtanggol ang isang estudyante na lapitin ng gulo dahil isa siyang foreigner. At ang school na ito ay mukhang hindi friendly sa mga foreigner.



          Tumunog ang aking phone at nalamang tinatawag ako ng malayo kong kaibigan. Si Gerard.



          “Bakit?” nayayamot kong tanong.



          “Nakita ko na si Garen,” tugon ni Gerard.



          Halo-halong emosyon agad ang biglang pumasok sa aking sistema. Masaya ako dahil nakita pa ni Gerard si Garen, at nag-aalala na baka…



          “Classmate niya ngayon si Harry sa isang eskwelahan. Pero, hindi nila nakikilala ang isa’t isa,” dagdag pa ni Gerard. Sinasabi ko na nga ba. Nag-aalala ako na baka makakalapit na ang pamilya na humahabol sa kaniya.



          Napalunok ako. “Gerard, iyung plano mo, handa na ba iyun?” tanong ko.



          “Magiging handa ako kapag pumayag ka. Halos matatapos ko na ang pagre-replicate ng Mr. Lion. At hindi lang isa ang ginawa ko. Kung hindi dalawa. So, ano ang sagot mo? Handa ka ba sa magiging takbo ng plano natin, o hindi?”



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Basta, hindi mapapahamak si Ren.”



          “Hindi ko maipapangako iyan. Pero mangangako ako na pagkatapos nito, magiging mas ligtas na ang mundo niya.”



          “Sige, pumapayag ako.”



Gerard’s POV



          Sa library, binabasa ko ngayon ang mga pahayagan para maghanap ng interesanteng balita na kailangan kong malaman. Lalong-lalo na doon sa isang insidente na ako ang may gawa. Hanggang ngayon, wala pa ring lead ang mga pulis sa Laguna kung ano ang nangyari. Kahit ang mga dating tauhan na nakaligtas ay hindi na nagsalita at basta na lang sila nawala. Marahil ay natatakot sila dahil baka sila na ang susunod, or so they thought.



          Habang nagbabasa, bumukas ang pintuan ng library at niluwa nito, si Larson, ang kakambal ni Lars. Agad na iniwasan ko ang tingin niya at nagmadaling iligpit ang mga ginamit ko sa library.



          “Stay,” malambing na sabi ni Larson habang hinahawakan niya ang aking kamay.



          Sa pagkakahawak niyang iyun, bumalik sa aking alaala ang nakaraan namin ni Lars, ang kakambal niya na dati kong karelasyon. Ang pagkakahawak niya sa aking kamay, ang boses niya, perpekto ang pagkakapareha nila. Hindi siya si Lars. Kakambal lang siya. Pero bakit ganito? Nanghihina ako sa tinig ng boses niya, at sa hawak ng kanyang mga kamay?



          Wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang. At umupo din siya sa tapat ko.



          “Ano ang kailangan mo, Larson?” tanong ko.



          Tumikhim muna siya at umayos ng upo. “May gusto lang naman akong itanong sa iyo na isang simpleng bagay. Gaya ng, may kopya ka ba nung blueprint ng Mr. Lion? Or, ikaw ba si Mr. Lion?”



          “M-Mr. Lion?” maang ko. “Anong pinagsasasabi mo?”



          “Sa bahay ni Ren, may ipinakita sa akin si Joseph ng mga lihim na nagmumula kay Mr. Lion. Obviously, ang natitira na lang na Mr. Lion ay ako, at iyung isang bagay na nasa pangangalaga nung…” Pinatunog ni Larson ang kaniyang daliri. “Harry. Ngayon, may isa pang parte ng Mr. Lion na hindi alam ng mga magiging impersonator. Laging nagsusulat si Mr. Lion sa font na pagdating sa Microsoft Word, ang tawag nito ay Edwardian Script ITC. At tatlong tao ang nakakaalam ng bagay na iyun. Kami ni Lars, at ikaw lang. Pero iyung huling sulat na mahabang-mahaba, iyung sulat na namamaalam na kay Ren, hindi nakasulat sa ganoong font. Gerard, ikaw ba talaga si Mr. Lon? O baka ang tamang tanong ay, ilan kayo na Mr. Lion?”



          Tinikom ko ang aking dila. Pinipigilan ko ang aking sarili na sagutin ang mga tanong niya. Hindi ko alam kung nangyayari sa akin gayong kakambal ito ni Lars. Lagi kasi akong tapat kay Lars. Lahat ng bagay na tinatanong niya, sinasagot ko ng wala man lang pag-aalinlangan. Lahat ng bagay tungkol sa akin, alam niya lahat. Dahil ganoon ko siya kamahal. At sinuklian niya ito ng pagiging matapat sa akin.



          “Dalawa,” sagot ko. “Ako, at si Kei. Dalawa kaming Mr. Lion.”



          Agad na pinagkukuha ko na ang aking mga gamit saka umalis.



          4 years ago…



          Mula sa malayo, nagmamasid ako sa bahay ni Ren. Nakahanda na ang plano namin ni Kei na magpakita sa buhay ni Ren bilang si Mr. Lion. Kaya lang, may ilan akong problema para magawa ang bagay na ito. Napakahigpit ng security system ng bahay niya. Ang gate niya ay nangangailangan ng password para mabuksan ito. At ang password ng gate ay palaging nagbabago kada-minuto.



          Sa pagmamanman ko sa kaniya, may mga bagay akong napansin. Una, kapag may pumasok sa gate niya, may ipapadalang live feed ang kaniyang phone sa harap ng gate para malaman niya kung sino ang pumasok. At sa UI ng kaniyang phone, may buton siya para patahimikin ang alarm ng kaniyang phone, o diretsong tumawag sa mga pulis kapag hindi niya kakilala ang pumasok. Nalaman ko iyun habang hindi aware si Ren na minamanmanan ko siya. At ngayon, hawak ni Kei ang phone ni Ren. Nakita niya kasing itong ninakaw mula sa bulsa ng kaniyang suot. Hiniram naman ni Kei ang phone kaya, nasa kamay niya ito.



          Dali-dali akong lumapit sa pamamabahay niya at pinindot ang apat na sulok ng pindutan. Ito kasi ang override command sa security system ni Ren para mabuksan ang kaniyang gate ng hindi nangangailangan ng password. Napansin ko ito noong mga panahon na palaging bumibisita si Jasper Schoneberg sa bahay niya, ng madalas.



          Pagkapasok ng bahay, dali-dali akong pumunta sa computer niya. Swerte ko naman na iniwan niya itong bukas at sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Naglagay ako ng hidden bug sa computer niya para malaman ko ang lahat ng pinaggagagawa niya. Sa computer ko naman, literal ko ngang nalalaman ang mga pinaggagagawa niya. Lahat ng activities niya kasama ang kaniyang computer, alam ko. Pati ang pag-a-upgrade ng kaniyang system, pagtatanggal ng virus, pag-a-update ng kaniyang mga software, alam ko lahat. At ang bug ko, nandoon lang palagi. At simula noon, nagsimula na magpakita si Mr. Lion sa buhay niya. Ang taong nakakapasok ng bahay niya ng hindi niya nalalaman.



          Ngayon, natatandaan niyo ba ang lahat ng appearances ni Mr. Lion sa kwentong ito? Gusto niyo bang malaman kung sino ako doon, at sino si Kei doon? Ang Mr. Lion na tumawag noon sa kaniya noong birthday celebration ni Sir Carlos, iyung pumasok sa bahay niya at inakyat siya sa kwarto, iyung POV, si Kei. Ang Mr. Lion na kumuha ng mga ginawang tsokolate ni Ren noong Valentine’s Day, ako ang kumuha, pero si Kei ang kumain. Ang nakausap niyang Mr. Lion sa Enchanted Kingdom, at ang mascot na leyon na nagbigay sa kaniya ng lobo, nagluto sa kaniya nung maanghang na tinolang manok, iyung nagpaalam, iyung kinompronta ko siya kung totoo ba ang mga sinasabi ni Kei, iyung nagpadala sa kaniya ng sulat na pumunta siya sa basketball gym, ako iyun. Iyung sa 18th birthday niya, si Kei ulit. Iyung Mr. Lion na nagsabi kay Ren na ikakasal na si Kei kay Janice, ako din iyun. Iyung Mr. Lion na pumunta sa bahay niya pagkatapos magpakasal si Kei, si Kei iyun. Pati na rin si Leonhart96776, ako din iyun. Oo nga pala, iyung mga inamin ko noon kay Edmund, na ako ang gumawa ng masama kila Paul, Jonas, Ethan, at sa kaibigan niyang si Keith, at sa isang misteryosong tao na nagpapunta kay Ren sa isang abandonadong warehouse, ako talaga iyun. At isa pa, kaya sa tuwing tinatanong ni Ren kung kilala ba niya ako, ang sinasagot ko ay oo at hindi. Dahil pwedeng si Mr. Lion ay ako, o hindi naman kaya si Kei.



          2 years ago…



          “Bakit kailangan ni Ren masaktan? Bakit kailangan pa na may ibang madamay?” tanong ni Janice.



          “Para malaman natin kung malakas na siya para i-absorb ang lahat ng mga masasamang mangyayaring. Para malaman natin kung mauulit ba ang nangyari noon,” sagot ko.



          “Gerard, hindi iyan isang napakagandang ideya.”



          “Kailangan, Janice.” Pinatunog ko ang aking mga daliri. “Kung sa isang magaan na hindi magandang pangyayari lang at nabiak si Ren, paano pa kaya kapag nalaman niya ang lahat-lahat? Na ang pumatay sa mga magulang niya ay ang magulang ni Harry?”



          “Well, ipaalala ulit kay Ren. At kung mangyayari ulit, ulitin. Ganoon lang.”



          “Hindi iyun kasimple. Sa tuwing nauulit ang amnesia ni Ren, napapalapit siya sa hukay. At physically, magiging maganda nga ang kaniyang kalagayan, pero hindi ang mental na kapasidad niya.”



          “Bakit? Ano ba ang mangyayari sa kaniya kapag nagka-amnesia siya ng maraming beses?”



          Napailing ako at tumayo sa sofa. “Darating sa punto na bibigay ang utak niya. At iyun ang bagay na ayaw mangyari ni Keifer.”



Keifer’s POV



          “M-May nangyari daw kasi sa akin, sabi ni Mama kaya,” naguguluhang paliwanag ni Ren. “hindi kita natatandaan. Kasama ka ba sa banda nila Kuya Blue?”



          ‘Hindi,” sagot ko. “Actually, sabihin na lang natin na,” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang balikat. “espesyal mo akong kaibigan.”



          Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya, pagkatapos ay muling tumingin sa akin. “Espesyal na kaibigan? Kagaya ba ni Kuya Allan?” Sinasabi ko na nga ba.



          “Ohh, Kuya Allan?” gulat ko. Binawi ko ang aking kamay. “Iyun ba ang tawag mo sa kaniya?” Kunyaring nag-isip ako. “Sa tingin ko, ayos naman iyun. Pero, malapit doon. Speaking of Kuya Allan, asaan si Kuya Allan mo? Hindi ba’t, dapat ay kasama mo siya palagi?”



          Napalingon si Ren sa likod niya at humarap ulit sa akin. “Lagot. Magagalit si Kuya Allan sa akin. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kaniya,” inosenteng saad niya. “Teka? Paano nga ba makapunta sa parking lot?”



          “Halika, sasamahan kita pabalik sa kanila. Alam ko kung saan iyun.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay.



          Pero binawi naman agad ito ni Ren. “Pero po, sabi ng Mama ko, huwag daw akong sasama sa mga hindi ko kakilala.”



          “Naturuan ka ng mabuti ng Mama mo. Pero huwag kang mag-alala. Dati mo akong kakilala, at isa akong mabait na tao.” Ngumiti ako. “Hindi kita hahayaan na mapahamak. Magtiwala ka lang sa akin. Makakabalik ka sa Kuya Allan at Kuya Joseph mo.” Inabot ko ang aking kamay at hinayaan na siya ang humawak sa aking mga kamay.



          Ilang papalit-palit ng tingin ang lumipas, hindi siguradong hinawakan ni Ren ang aking kamay. Marahang hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang kamay bago ako nagsimulang maglakad para ibalik siya sa mga nag-aalaga sa kaniya.



          1 month ago…



          Minulat ko ang aking mga mata at hinigop ang lahat ng hangin na mahihigop ko sa aking paligid. Nakahinga naman ng maluwag si Gerard matapos makita akong magising mula sa pagkakabaril ni Harry. Napakaswerte ko at hindi ako sa ulo.



          Tinulungan ako ni Gerard na bumangon, at dali-dali akong sumakay sa kotse. Pinaharurot naman agad ito ni Gerard palayo sa lugar. Sa loob ng kotse, hinubad ko ang body armor ko, na may nakadikit na improvised, sabihin na lang natin na bloody armor. Iyung lumabas na dugo mula sa akin nang binaril ako ni Harry, galing iyun sa bloody armor ko. At nakapula pa akong damit kaya hindi nahalata ni Harry na may ganoon ako sa loob ko.



          “Si Ren, nakuha na ni Harry,” saad ko kay Gerard. “Ano na ang gagawin natin? Kukunin na ba natin ngayon si Ren?”



          “Pasensya na, Keifer,” mapait na tugon niya. “pero may pagbabago sa plano natin.”



          Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “Ano?! May pagbabago sa plano?! B-Bakit may pagbabago sa plano natin?! Akala ko ba, agad natin siyang kukunin pagkatapos nilang makuha si Ren?!” reklamo ko.



          “Wala ang buong pamilya sa Laguna. Nagpasya muna iyung iba na hiwalay-hiwalay sila magse-celebrate ng Pasko. Kaya mag-aantay pa tayo ng Bagong Taon para matapos ang ating plano.”



          “B-Bakit mag-aantay pa tayo ng Bagong Taon kung pwedeng ngayon na?!”



          “Kei, ang usapan natin ay mawala silang lahat. Ang nasa Laguna lang ngayon ay ang mga magulang lang ni Harry. At parte pa lang sila ng pamilya na dapat mawala,” kalmadong paliwanag niya.



          “Pero paano na si Ren? Sabi mo sa akin, bumili si Tita ng isang misteryosong gamot na makakapagpawala ng alaala niya?!” Humugot ako ng malalim na hininga. “Paano kung gumana ang bagay na iyun at nawala nga ang mga alaala niya sa amin ngayon?!”



          Umiling si Gerard at biglang hininto ang kotse. “Pasensya na Keifer. Pero ang usapan ay ang buong pamilya nila. Kung gusto mo na iligtas si Ren ngayon, sige. Pero mag-isa kang gawin ang bagay na iyun. At kapag naging matagumpay ka sa ginawa mo, tandaan mo na may natira pa sa pamilya mo na maghahabol kay Ren.”



          “Pero ang alam na nila ngayon ay patay na ako. Kaya kung papatayin ko sila ngayon, hindi sila manghihinala na ako ang gumawa dahil patay na ako. Pwede naman na kapag naitago ko na si Ren, iyung ibang kasapi naman ng pamilya ko ang isunod ko, at uunti-untiin ko sila.”



          “Naitago mo nga si Ren.” Humarap si Gerard sa akin. “Pero naisip mo ba na hindi siya hahanapin ni Mr. Schoneberg?! Nakalimutan mo na ba iyun, ha?! Sa tingin mo ba, gugustuhin ni Ren na mag-alala sila dahil asaan kayo?! Nagtatago sa mga natitirang pamilya mo na hindi mo pinatay dahil atat na atat ka na sagipin si Ren?!” sigaw niya sa akin. “Kei, isipin mo ito! Sa Bagong Taon, nawala nga ang mga alaala ni Ren. Pero sa Bagong Taon na iyun, wala ng panganib na baka hinahanap siya ng pamilya ni Harry. Lahat nangyari iyun, dahil maghihintay ka lang naman ng limang araw para magkasama-sama silang lahat! Sinabi ko na sa iyo, para sa huling plano natin, hindi dapat isa, hindi dapat dalawa, hindi dapat tatlo, dapat ay silang lahat at iyun ang dapat mangyari sa hulihan! At tandaan mo, kasama mo ako sa planong ito! Ginagawa ko ito, para kay Lars!” Isang butil ng luha ang tumakas sa mata niya.



          “Alam kong ginagawa mo ito para kay Lars. Pero nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin noon? Kailangan ay hindi na muli mawala ang alaala ni Ren dahil, baka hindi na maganda ang mga mangyayari kapag patuloy iyun nangyari! Paano kung hayaan natin si Tita na gamitin ang gamot na ito kay Ren?! Paano kung nangyari ang bagay na kinatatakutan ko?! Sa tingin mo ba, may mukha pa akong maihaharap sa kaniya dahil hindi ko siya naisagip agad?!”



          “Then man up, and take a risk! Bakit, Kei? Kapag ba bumigay iyung utak niya, hindi mo na ba mamahalin si Ren? Mahal mo lang ba siya ngayon dahil nakakapag-isip pa ng maayos ang utak niya?”



          Hindi ako nakasagot sa tinanong niya.



          “Kei, kung mahal mo talaga si Ren, kahit ano pa ang mangyayari sa kaniya, mamahalin mo siya. Hindi mo lang siya mamahalin dahil, convenient iyun para sa iyo. Mamahalin mo siya dahil hindi pa nabaldado ang ibabang parte ng katawan niya, mamahalin mo siya dahil hindi pa siya nabulag, mamahalin mo siya dahil hindi pa siya lumpo, dahil may malubha siyang sakit, hindi dapat ganoon. Kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo ang lahat sa kaniya. Dahil kung ganoon ang nararamdaman mo kay Ren, Kei, I’m afraid na niloloko mo lang ang sarili mo. Hindi mo talaga mahal si Ren. Mahal mo lang siya dahil convinient.”



          Mahal ko nga ba si Ren? Ang mga salitang sinabi sa akin ni Gerard, tumama lahat sa aking pagkatao. At ang tanong sa aking sarili, paulit-ulit itong nagtatanong sa aking utak. Mahal ko ba talaga si Ren? Mahal ko nga ba siya dahil convinient para sa akin?



          Hindi ko na namalayan, malapit ng mag-umaga nang malapit na kami sa bahay nila Harry sa Laguna. Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pag-iisip kung mahal ko nga ba si Ren.



          “Oo, mahal na mahal ko siya,” sagot ko sa sinabi ni Gerard. “At papatunayan ko ang pagmamahal ko sa kaniya.” Humarap ako kay Gerard at tiningnan siya na punong-puno ng determinasyon. “Sige. Mag-aantay tayo ng limang araw.”



          Matapos ang limang araw na paghihintay, isinagawa na namin ni Gerard ang plano. Inalis niya ang lahat ng gwardyang nagbabantay sa pamamahay nila, saka kami pumasok para patayin ang buong kasapi ng pamilya ko, ang pamilyang hahabulin si Ren kahit sa kabilang parte pa ng mundo.



          Nang nakarating ako kay Ren, sumasakit na ang kaniyang ulo. Isang sintomas na umeepekto na ang gamot na binigay sa kaniya ni Tita.



          “Mr. Lion, patigilin mo ang sakit ng ulo ko," mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Ren. “Ano ang nangyayari sa akin?"



          “Okay lang iyan,” tugon ko habang nakatingin lang sa kaniyang mukha na nasasaktan. “Mawawala din ang sakit ng ulo mo. Ipikit mo lang ang mga mata mo at yakapin ang kadiliman na bumabalot sa iyo. Nang sa ganoon ay maibsan ang sakit.”



          “P-Pero pwede bang pagbigyan mo ang aking hiling?"



          “Ano iyun?”



          “Pwede ko bang malaman kung sino ang tao sa likod ng maskara? Sino ka ba talaga?"



          Saglit na nag-alangan ako sa aking gagawin kung magpapakita ba ako o hindi. Pero habang nakatingin sa kaniya, nakikita kong naghihirap siya. Nananakit ang kaniyang ulo, at pakiramdam niya’y nabibiak ito. Wala akong alam na remedyo para patigilin ang sakit ng kaniyang ulo, pero may isang bagay akong alam kung paano maibsan ng kahit konti man lang ang kaniyang nararamdaman.



          Dahan-dahan kong inalis ang aking helmet, hanggang sa nakita na niya ang buo kong pagmumukha. Nanlaki ang mga mata niya, at nagsimula namang tumulo ang luha sa mga mata ko.



          “Ikaw pala iyan Theo," huling sabi niya bago nawala ang kaniyang kamalayan.



          Napaluhod ako sa kaniyang wala ng malay na katawan. Bumuhos pa lalo ang luha mula sa aking mga mata. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga.



          “Magiging okay din ang lahat Ren. Magiging okay din ang lahat," bulong ko sa kaniya.



          Nalungkot ako matapos marinig ang sinabi ni Ren, na ako si Theo. Siguradong umipekto na ang gamot at ginulo na ang kaniyang pag-iisip. Iyun daw ang epekto nung drogang ginamit kay Ren. Mananakit ang kaniyang ulo, maghalo-halo ang kaniyang memorya, at mawawala na ito lahat pagkagising niya.



          Niyakap ko ng mahigpit si Ren at humaguhol. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya ngayon dahil naghintay ako ng limang araw para lang matupad ang plano ni Gerard. At ginawa ko iyun para mapatunayan ko na mahal ko siya. Pero hindi na niya ako maririnig, hindi na niya malalaman na nangyari ang bagay na ito sa kaniya. Lahat-lahat ay makakalimutan niya. Kahit ang pagmamahalan namin, makakalimutan niya. Siguro, iyun ang kabayaran ko ngayon sa pagpatay sa buong lahi ng pamilya ko. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko kung ang kapalit nito ay mas magandang buhay para kay Ren.



          Habang yakap-yakap ko si Ren, nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa akin. Si Gerard lang pala ito. Hinahanap lang naman niya ako at tiningnan niya ang buong lugar kung nagawa ko ba ang dapat kong gawin. May dala din siyang gas container para sunugin ang lugar na ito.



          “Magmadali ka na. Sisimulan ko ng sunugin ang lugar,” malamig na wika ni Gerard, at nagsimula na naman siyang magsaboy ng gasolina sa paligid.



          Nilagyan ko muna ng kumot ang hubad na katawan niya, at binuhat ko ito papunta sa kotse, at nilagay ito sa likuran. Pinaandar ko naman ang kotse pabalik sa Rizal, pabalik sa tahanan ni Ren. Habang nagmamaneho, nag-iisip na ako kung ano ang gagawin ko, kung iyung maganda, o iyung pangit ang mangyayari kay Ren. Sa tingin ko, magsisimula na naman ulit ako. Paiibigin ko siya, at ipapaalala ko ang mga panahon na mahal na mahal niya ako. Iyung mga masasakit na alaala kaya, ipapaalala ko ba sa kaniya? Siguro, depende na lang sa mga mangyayari. At malalaman ko iyun, bukas.



          Binuksan ko ang radyo. Saktong-sakto naman na isang napakagandang musika ang aking narinig. Hindi man ito isang request na nagmula sa akin, pero inialay ko ang kantang ito, para kay Ren.



I still believe in summer days.
The seasons always change
and life will find a way.

Ill be your harvester of light
and send it out tonight
so we can start again.

Is love alive?
Is love alive?
Is love alive?

This is my winter song.
December never felt so wrong,
cause you're not where you belong;
inside my arms.

This is my winter song to you.
The storm is coming soon
it rolls in from the sea.

My love a beacon in the night.
My words will be your light
to carry you to me.



          Sa lokasyon na pinapapunta sa akin ni Gerard, nadatnan ko si Mr. Schoneberg na naghihintay. Sinuot ko agad ang Mr. Lion costume, pagkatapos ay bumaba ako sa kotse at kinuha ang katawan ni Ren mula sa likuran nito.



          “Buhay pa ba siya?" kinakabahang tanong ng matanda.



          Lumapit ako sa kaniya habang dala-dala ko si Ren. “Huwag kang mag-alala. Buhay pa siya. Ligtas na ang buhay niya kapag nagising na siya. Wala ng panganib na naghihintay. Isang panibagong mundo para sa kaniya," diretsong sagot ko. Hindi ako makapaghintay na sabihin sa kahit sino man ang mga mangyayari kay Ren pagkagising niya.



          “Anong ibig mong sabihin na ligtas na siya? Ano ang ginawa mo?"



          “Pinatay ko ang lahat ng mga taong nakakaalam at patuloy pa ring hinahanap siya. Wala akong itinira ni isa," malamig na paliwanag ko.



          “May kapalit ba ang ginagawa mong ito?"



          “Wala akong hinihinging kapalit. Ibinalik ko siya gaya ng ipinangako sa iyo. Pwede niyo ba siyang kunin dahil medyo mabigat siya?"



          “Ahh! Pasensya na."



          Kinuha na ni Mr. Schoneberg si Ren mula sa akin. Nilagay niya ito sa likod ng sasakyan. Habang nilalagay niya ito, aksidenteng naialis ni Mr. Schoneberg ang kumot na bumabalot kay Ren. Ngayon siguro ay nalaman na niya na hubad si Ren at maraming tsikinini sa katawan. Marami din siyang mga marka ng kagat. Masyado siyang inabuso ni Harry. Mabuti na lang at…



          “A-Anong nangyari sa kaniya? Bakit ang dami niyang, tsikinini at kagat sa katawan? Inabuso ba siya?" kinakabahan pa ring tanong ng mantada.



          “Ipagpaumanhin niyo pero iyun ang nangyari sa kaniya. Pasensya na kung hindi ko naagapan ang nangyari na iyun sa kaniya. May posibilidad na mag-trigger ang sakit niyang iyun sa utak. Pero manalangin tayo na sana hindi. Kaya lang, kapag hindi nag-trigger ang sakit niyang iyun, malaki ang magiging epekto nito sa emosyonal niyang aspeto."



          “Katulad ba nito iyung nangyari kay Nicko?"



          “Oo. Pero magkaiba iyun. Maraming gumamit kay Nicko habang siya ay, nakakasiguro ako na isa lang ang may gumawa niyan. Huwag na rin kayo mag-alala. Wala na din ang taong gumawa niyan sa kaniya. Hindi na niya makikita ang taong iyun kahit kailan," paliwanag ko. Kinuha ko ang phone ni Ren at ibinigay kay Mr. Schoneberg. “Ibinabalik ko na ang kanyang phone. Umuwi na kayo at tingnan ang kalagayan niya para makasigurado."



          Kinuha naman ito ng matanda. “Salamat sa iyo kung sino ka man."



          “Mas magpapasalamat po ako kung hindi niyo po ipagsasabi ang nangyaring ito sa pagitan natin."



          Humarurot agad ang sasakyan matapos ang usapan namin. Tumayo lang ako ng tuwid habang sinusundan ng tingin ang sasakyan. Hinubad ko ang maskara matapos makasiguro na wala ng ibang tao sa paligid. At tumingin ako sa silangan kung saan nakikita ko na ang liwanag ng araw sa kalangitan. Dahan-dahan naman sumisilip ang bilog na araw mula sa kawalan. Ngayon, opisyal ng magsisimula ang panibagong taon, at panibagong buhay ni Ren.



          Wala pang limang metro ang layo namin sa CR, naputol agad ang oras namin ni Ren. Saktong-sakto kasi na nasa labas si Allan, at mukhang hinahanap niya si Ren. Kitang-kita ko naman sa mga mata ni Allan na naiinis siyang makita ako dahil sa mga ginawa ko kay Ren. Iyung bagay na iyun, hindi ko na talaga uulitin. Susunod, siya na ang nakatayo sa altar na iyun, kasama ko.



          “Kuya Allan,” tawag sa kaniya ni Ren.



          Bumitaw agad si Ren sa akin at tumakbo papunta kay Allan. Pagkalapit ni Ren ay agad nitong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. Nagkatinginan kami ni Allan sa mata at nginisihan ko lang siya.



           “Narito ka lang pala sa CR. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na magsi-CR ka? Nag-alala tuloy kami ni Kuya Joseph mo kung ano ang nangyari sa iyo. Baka napaano ka na,” sabi niya kay Ren habang nakatingin akin.



          “Ren, bakit hindi ka nagpaalam sa mga nakakatanda sa iyo?” tanong ko kay Ren. “Masama iyang ginagawa mo. Sa susunod, magpaalam ka sa kanila bago ka pumunta sa kung saan-saan. Pinag-alala mo tuloy ang Kuya Allan, at ang Kuya Joseph mo. Ngayon, humingi ka ng tawad sa kanila.”



          “Pasensya na po, Kuya Allan kung hindi ako nagpaalam sa inyo. Sa susunod, magpapaalam na po ako,” inosenteng paghingi ng dispensa ni Ren. “Pasensya na talaga.”



          “Okay lang, okay lang. Tara na. Umuwi na tayo at nag-aalala na si Kuya Joseph mo sa iyo,” wika ni Allan.



          Agad na hinawakan ni Allan ang kamay ni Ren, at dali-daling umalis sa lugar na iyun.



          “Sa susunod, huwag mo siyang iwawala sa paningin mo! Baka kung ano ang nangyari kapag nalingat ka, Allan! Itali mo siya sa iyo kung gusto mo! Hindi masama iyun! At iyung pag-aantay mo sa classroom ko kung nag-e-exist pa rin ako, maganda iyun!” nang-aasar na pahabol ko habang naglalakad sila paalis.



          Napalingon sa akin si Allan. Patuloy pa rin akong ngumisi at nasisiyahan sa reaksyon ni Allan. Akala niya, wala na ako. Pero, surprise, surprise. Nandito ako. Ngayon, magsisimula na ang panibagong chapter sa pagitan naming tatlo. At, at least, hindi ako mag-aalala na si Allan ang karibal ko. Si Allan lang naman iyan, at hindi si Harry.



Joseph’s POV



          Dali-dali akong bumalik sa sasakyan at nagbabakasakali na papunta na roon sila Allan at Ren. Pagkarating ko ay sakto naman na pabalik na sila sa sasakyan. Marahas na kinuha ko si Ren mula sa kamay ni Allan, at pinasok siya sa kotse. Kalmado namang sumunod si Ren sa marahas na paraan ko. Sinarado ko agad ni Joseph ang pintuan para pagsabihan si Allan.



          “Hoy, dahan-dahan lang,” naaawang wika ni Allan. “Hindi mo naman iyan kaano-ano, tapos halos kaladkarin mo siya papasok sa kotse.”



          “Ayun nga ang problema ehh!” sigaw ko na umalingawngaw sa paligid.



          Natahimik ako at tumingin sa paligid. Nakita ko na may mga estudyante ang nagulat sa kanilang nasaksihan. Pagkalingon ko ay isa-isa namang nagsialisan ang mga estudyanteng ito. Shit! Kailangan kong kumalma. Joseph, kalma lang.



          Humugot muna ako ng isang malalim na hininga. “Ayun nga ang problema ehh,” kalmadong pag-uulit ko, pero may diin sa bawat pantig ng aking mga salita. “Hindi ko kaano-ano si Ren, pagkatapos, mawawala siya bigla habang nakabantay ka sa kaniya. Ano ba naman kasi ang pinaggagagawa mo at hindi mo siya mabantayan ng mabuti?”



          Iniwasan ako ng tingin ni Allan. “Nag-isip ng mga bagay na dapat naming gawin mamaya?” hindi niya siguradong sagot.



          Nasapo ko ang aking ulo at tiningnan ng masama si Allan. “Pasalamat ka at nauna mo siyang nakita. Dahil kung ako ang unang nakakita, tapos masama pa ang pakiramdam ko, tapos bitter pa ako, ako mismo ang maglalayo kay Ren mula sa iyo. At baka maghanap na lang ako ng mas magaling magbantay sa kaniya. Kaya Allan, sa susunod na iiwanan ko siya sa iyo, bantayan mo siya ng mabuti. Naiintindihan mo ba?”



          Mabilis na pumasok ako sa kotse at pinaandar ko agad ito sa driver bago pa mag-isip si Allan na pumasok. Nasapo ko ang ulo ko at napatingin sa bintana. Shit! Akala ko, may masama ng nangyari kay Ren. Grabe! Kinakabahan talaga ako! Napakabilis pa naman ng tibok ng puso ko! Bwisit! Mabuti na lang talaga, mabuti na lang talaga!



          Habang nakatingin sa labas, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa gilid. Hindi na ako nag-abalang tumingin dahil alam ko kung sino ang yumayakap sa akin. Napaka-weird ng buhay ko.



          “Sorry, Kuya Joseph,” paghihingi ng dispensa ni Ren sa malungkot na tono.



          “Bakit ka nagso-sorry?” masungit na tanong ko.



          “D-Dahil hindi ako nagpaalam kay Kuya Allan na pumunta ng CR. Umalis lang ako ng basta-basta dito sa kotse,” paliwanag niya. “Huwag ka na pong magalit. Promise po, hindi ko na uulitin iyun. Magpapaalam na po ako palagi kay Kuya Allan, o sa’yo kapag pupunta ako ng CR.”



          Hinarap ko si Ren na nakayakap pa rin sa akin. Biglang na-trigger ang masamang ugali ko dahil mukha siyang si Franz na hindi-alam-ang-kaniyang-ginagawa version. Nakasimangot kasi siya gaya nung ginagawa ng Shrek na iyun. At iyung Shrek na iyun, nang-aakit at gustong tikman ako. Well, alam niyo na iyun siguro.



          Tumikhim ako at huminga ng malalim. “Ren, alam mo naman na mawala ka lang ng isang saglit, mag-aalala kaming lahat sa iyo. Lalong-lalo na ako. Nakakatakot kaya at hindi ako sanay na mag-isip ng masama kapag nawawala ka. Ang ibig kong sabihin, ayoko talaga na may mangyaring bagay na mas masama pa sa, sitwasyong ito. Kaya kapag umalis ka, lagi mo iyang gagawin. Ang magpaalam. Kung aalis ka at may gusto kang puntahan, magpaalam. Kung gusto mo magpasama, magpaalam. Hindi ka naman kakainin ng Kuya Joseph mo o ni Kuya Allan mo kung magpapaalam ka. Gusto lang namin makasiguro na ayos ka lang, at walang masamang nangyari sa iyo. Kasi hindi lang ako ang mag-aalala kapag nawala ka. Mag-aalala din si Mama sa iyo. Gusto mo ba iyun? Baka kapag nawala ka at hinanap ka ni Mama, lilindol. O hindi naman kaya, hindi mo na makikilala si Mama. Kaya Ren, huwag na huwag mong kalilimutan itong mga sinasabi ko sa iyo. Dahil kung mangyayari na naman ito, hindi mo gugustuhin na magalit si Kuya Joseph mo. Naiintindihan mo ba?”



          Tumango-tango na lang si Ren na ang ibig sabihin ay oo. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang maliliit na butil ng luha pahiwatig na sinsero siya sa kaniyang sagot.



          “Halika nga dito.” Niyakap ko si Ren at inalo-alo para tumigil ang pagtulo ng luha niya. “Huwag ka ng malungkot. Makakapatay ako ng tao kapag ganiyan ang mukha mo.”



          Nahuli kong tumingin ang driver sa head mirror, at sinamaan ko ito ng tingin para hindi tumingin. Hindi sa hindi totoo ang mga sinasabi at intensyon ko. Ano lang kasi, nakakahiya talaga ang aking ginagawa ngayon at ayokong may isang buhay na tao ang nakakakita sa akin ngayon!



          Pagkarating namin sa bahay ni Ren, nagtaka ako matapos makita na napakaraming sasakyan ang nasa labas ng bahay. Nahuhulaan ko naman kung kanino ang mga sasakyan na ito dahil kilala ko ang mga sa tingin ko’y nasa loob na ngayon ng bahay ni Ren. Sa loob ng bahay ni Ren, nadatnan ko sila Jonas, Aldred, Paul, at Daryll na may pinag-uusapan sa sala. Nakaupo sa pang-isahan si Daryll, at ang iba ay sama-sama sa sofa.



          “Himala, inimbita ko ba kayo dito kaninang umaga?” sarkastikong sabi ko sa kanila matapos kaming magkita-kita. “At asaan si Franz? Si Mama, nakarating na ba?”



          “Umuwi si Franz. Kararating lang ng kaniyang Ate mula sa ibang bansa. Siyempre, hindi pwede ang Ate niya dito kaya pinauwi ko sila,” sagot ni Daryll.



          “At sinabi ko bang pwede sila dito?” tanong ko habang masamang nakatingin kila Aldred, Paul, at Jonas.



          “Joseph, kabanda mo sila?” paliwanag ni Aldred.



          Naramdaman ko na naman ang kamay ni Ren na mahigpit na nakahawak sa kamay ko, at nagtatago na naman sa likuran ko matapos makita si Aldred. Pwede bang may magsabi sa akin kung ano ba talaga ang ginawa dito ni Aldred at takot na takot siya?!



          “Aldred, tinatakot mo ang bata,” sabi ko sa kaniya.



          “Ako, ako. Hindi natatakot sa akin si Ren,” singit ni Paul na tumabi kay Aldred.



          Mas lalo namang nagtago si Ren, kahit halatang-halata na hindi ko siya maitatago.



          “Ren, mauna ka ng umakyat sa kwarto mo. Hindi mo naman siguro kailangan pa ng tulong kapag nagpapalit ng damit hindi ba?” tanong ko sa kaniya.



          Nakita kong tumango-tango siya at dahan-dahan na bumitaw sa akin. Kasama ang medyo mabigat niyang bag, nagmadali siyang umakyat sa hagdan na parang hinahabol ng aso.



          “Dahan-dahan, baka mahulog ka,” pagpapaalala ko dito. Hinarap ko naman ang aking mga kabanda. “Ngayon, pwede na kayong umalis.”



          “Joseph, hindi pwede,” pagtutol ni Jonas habang kinakamot ang kaniyang ulo. “May kailangan kasi kami kaya nandito kami.”



          “May utang si Ren sa inyo?” hula ko.



          “Wala. Wala siyang utang sa amin,” sagot ni Aldred. “May bagay lang kasi si Ren na meron siya, na wala kami. At ngayon, kailangan namin ang bagay na iyun ngayon bago pa matapos ang Valentine’s Day.”



          Naintriga ako sa sinasabi nila at umupo sa pang-isahan din na sofa katapat ni Daryll. “Huwag ninyong sabihing dealer niyo si Ren ng gayuma?”



          Napaisip ang mga kabanda ko sa aking sinabi. “Parang ganoon na nga.”



          “T-Talaga? Ano namang gayuma iyun?”



          “Sabihin na lang natin na gumawa si Ren ng mga love cookies last year, para sa lahat. At wala ka pala noon kaya hindi mo natikman ang ginawang niyang love cookies,” paliwanag ni Aldred.



          Inikot ko ang aking mata. “Oo. Alam ko. Busy ako noon. Ngayon?”



          “Gusto naming malaman kung makakagawa ba ulit si Ren ng ganoon, ngayong Valentine’s Day?”



          “Huling tingin ko, tinuturuan pa lang ni Mama si Ren magluto ng gulay. Hindi lang ako sure kung pwede na siyang mag-bake, o ano?” hindi ko siguradong sagot. “Maliban na lang kung bibigyan ninyo ako ng magandang dahilan. Bakit gusto ninyong mag-bake si Ren ng kaniyang mga loves cookies kung pwede niyo naman dalhin iyung mga kasintahan ninyo sa ibang lugar at lumabas kayo? At ikaw Daryll, dapat ay may plano ka na para kay Franz ngayong Valentine’s Day. At ayokong maging parte ng mga plano mo hangga’t maaari.”



          Nagkatinginan naman ang mga kabanda ko, at palagay ko’y nag-iisip sila ng rason para sagutin ang tanong ko.



          “Change of pace?” hindi siguradong sagot ni Jonas. “Palagi kaming nasa labas nitong mga huling bakasyon. At medyo nakakatamad na ang lumabas ngayong Valentine’s Day?”



          “Yeah. Gaya nung sinabi ni Jonas, change of pace,” pagsang-ayon din ni Paul. Halata namang walang maisagot si Paul at gusto na lang sumang-ayon sa sasagot sa tanong ko.



          “Sige,” pagpayag ko. “Magpapaalam pa ako kay Mama kung pwede ba iyang ginagawa ninyo dito. Si Mama kasi, ayaw muna si Ren maimpluwensyahan ng, alam niyo na. Gusto ni Mama na hangga’t maaari, salungat na version ko si Ren. Kaya bumalik na lang kayo sa bago ang February 14.”



          “Great!” masayang wika ni Aldred. “Tapos, oo nga pala. Huwag kang magsabi ng bagay na ito sa kanila. Gusto namin na ma-surprise sila.” Mukhang ang tinutukoy ni Aldred ay sila Blue, Geo, at Nicko.



          “Fine, labas na bago pa magbago ang isip ko.”



          “Sige, Joseph. Salamat,” pagpapasalamat nung tatlo sa akin nang tumayo na sila at isa-isa silang nagsialisan, kasama si Daryll. Kinamayan pa nila ako na parang ako ang sponsor sa pagbibigay sa kanila ng medalya.



          Pagkalabas nilang apat, sakto naman na pumasok sa pintuan si Mama. Sakto din naman na bumaba si Ren mula sa hagdan, at mukhang nag-aatanay siya na lumabas sila Aldred at Paul bago magpakita sa amin at bumaba. Mukha ba talagang mga halimaw ang dalawang iyun kay Ren? Mas mukha kayang halimaw si Mama, tapos si Ren, lapit lang ng lapit?



          “Ren, bakit ka malungkot?” tanong ni Mama nang napansin ang malungkot na mukha ni Ren.



          “May kasalanan iyan kaya ganiyang ang mukha niya,” sagot ko. “Pumunta ng CR, hindi nagpaalam kay Kuya Allan niya, o kaya sa driver man lang. Ayun. Pinag-alala kaming dalawa kung saan na pumunta si Ren. Mabuti na lang at nakita ni Allan. Kaya pinagsabihan ko.”



          “Pinagalitan mo ba?”



          “Si Allan lang. Siya kasi iyung nakawala sa kaniya. Siya naman, pinagsabihan ko na lang.”



          “Bakit malungkot ka pa rin? Pinagsabihan ka lang naman pala ni Kuya Joseph mo? Smile ka na.”



          Matapos ang ilang pag-uudyok ni Mama, nawala ang malungkot na mukha ni Ren. Pero hindi naman ito tuluyang, nakangiti? Baka dahil wala si Allan kaya ganiyan.



          “Ayan. Mabilis kang tatanda niyan kapag nakasimangot ka palagi,” sabi pa ni Mama habang pinipisil ang pisngi ni Ren. “Alam ko na. Manood ka na muna ng TV, at magluluto ako ng paborito mo. Okay?”



          Napangiti si Ren. “Magluluto po kayo ng maanghang na tinola?” tuwang-tuwa na tanong niya. Iba talaga ang magic ni Mama. Bakit hindi siya lumabas sa TV at ungusan si Barney?



          “Oo. Kaya manood ka na muna ng TV para magpalipas ng oras. Okay?”



          Umupo na sa sofa si Ren saka binuksan ang TV. Sumunod naman ako kay Mama para ayusin ang mga dalahin niya.



          “Nasalubong ko iyung mga kabanda mo kanina. Bakit sila nandito? Pumunta ba sila para bisitahin si Ren?” tanong ni Mama.



          “Palagay ko,” kibit-balikat na sagot ko. “May bagay kasi sila na kailangan mula kay Ren, at hindi nila makukuha iyung bagay na iyun dahil sa, alam niyo na.” Inikot ko ang isa kong daliri sa gilid ulo ko. “Mama, hindi ba’t may nakita kayong mga, parang recipe book na gawa ni Ren? Baka nandoon ang hinahanap nung mga kabanda ko.”



          “Ahh! Dito nakalagay iyun.” Binuksan ni Mama ang isang cabinet at naglabas ng isang medyo malaki na notebook. “Ito iyun.”



          Binigay sa akin ni Mama ang notebook. Binuksan ko ito at hinanap ang isang partikular na recipe na hinahanap ng mga kabanda ko. Sa bandang gitna ng notebook, napansin ko ang isang pahina na may naka-drawing na pulang hugis puso. Binasa ko ang nasa pahina at nalaman na ito ang recipe na ginawa ni Ren noong Valentine’s Day. At nalaman ko na kailangan din ng bourbon para sa recipe na ito. Sa bandang hulihan, may ilang notes pa ang nakasulat. Nalaman ko na ang recipe na ito ay para sa mag-asawang Schoneberg. At isa pang note na nagsasabing hindi pwedeng kumain si Ren ng kahit isa sa mga tsokolateng ito. Teka, mukhang hindi kay Ren ang sulat-kamay na ito. Mukhang kay Mr. Schoneberg ata. Kaya pala may ilang botelya ng bourbon sa isa sa mga cabinet sa kusina. Hindi para kay Ren ang mga iyun kung hindi para kay Mr. Schoneberg at para sa recipe na ito.



          “Siya nga pala Mama, gustong pumunta nung mga kabanda ko dito bago ang February 14. Gusto nila atang gawin ang recipe na ito,” sabi ko kay Mama habang binabasa pa ang recipe. “Mukhang hindi naman mahirap gawin ang bagay na ito. Iyung mga instructions, malinaw ang pagkakasulat.”



          “Pwede naman. Tsaka, ano ba iyang binabasang recipe mo?”



          Inabot ko kay Mama ang binabasa ko. Ilang segundo ang nakalipas, tumango-tango si Mama.



          “Akala ko, kay Ren iyung mga botelya ng bourbon na nasa kusinang to. Mabuti na lang pala at hindi lasinggero ang pangalawang anak ko.”



          “Hindi naman ako lasinggero ahh?” angal ko.



          “Oo. Alam ko.” Inilapag ni Mama ang recipe book at nagpatuloy ulit sa paghahanda ng mga kailangang ingredients sa kaniyang lulutuin.



          “Mama, masama talaga ang kutob ko na alagaan natin si Ren,” sabi ko.



          “Hay! Alam ko. Tutol na tutol ka nga kung bakit tayo pa ang kailangan mag-alaga.”



          “Kasi naman Mama, kapag nawala si Ren, parang tayo ang magdadala ng lahat ng pasanin kapag nawala siya. Kanina talaga, grabe ang kabog ng dibdib ko habang hinahanap siya. Nag-aalala ako na baka kung kaninong kamay na nakahawak si Ren. Tapos, sa atin pa ang sisi kapag may nangyaring masama sa kaniya.”



          Napahinto si Mama sa ginagawa. “Bakit, ayaw mo na bang maging kapatid si Ren?”



          “Hindi ko kahit kailan binalak iyun. Kung nakita niyo lang kung paano siya dumikit sa akin na parang linta habang nakatingin ang mga kaibigan ko sa akin. Nakakahiya.”



          “Joseph, konting tiis lang. Tandaan mo. Ako ang may gusto nito. Kapag naging maayos na ang lahat kay Ren, aalis din tayo dito at, hindi mo na alalahanin pa ang iyong mga responsibilidad sa kaniya.”



          “Pero ikaw Ma, ayos lang ba iyun sa iyo?” tanong ko.



          “Siyempre, hindi. Parang anak ko na talaga si Ren. Kaya Joseph, suportahan mo na lang ako. Matatapos din ito. At baka ilang araw, ilang buwan, ilang taon, babalik din ang normal na relasyon ninyo ni Ren. Basta huwag mo siyang susuntukin. Kagwapo-gwapo pa naman ng pangalawang anak ko.” Binabalak ko talagang suntukin si Ren sa mukha kapag natapos ko na ang lahat na ito.



          “Opo, Mama. Susuportahan ko kayo. Siyempre, mahal na mahal ko kayo. Kahit ano, gagawin ko para sa inyo. Mahal ko po kayo ehh.”



          “Talaga? Lapit ka nga dito at yumakap ka kay Mama?”



          Naglakad ako papuntang sala. “Oras na po pala nung paborito naming palabas ni Ren. Sasamahan ko na siya sa sala.”



          Nakita kong umiling si Mama at napangiti. “Hay nako, Joseph,” sabi niya sa sarili.



Gerard’s POV



          Nakatingin ako sa aking phone nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kei. Akala ko, kung sino na ang pumasok. Akala ko, si Edmund.



          “Masaya ka ngayon,” walang emosyon na saad ko.



          “Oo naman. Nakakatuwa kaya na ginulat ko si Allan kanina na nandito pa rin ako. Alam mo iyun. Akala niya, solong-solo na niya si Ren. Siyempre, hindi mawawala ang mga panggulo,” paliwanag ni Kei habang may hinahanap sa aking kusina. “Habang sinusundan ko pa nga sila, mukhang pinagalitan siya ni Joseph. Pagkatapos, iniwanan siya at hindi pinasama sa bahay nila Ren.”



          Mula sa aparador sa kusina, kinuha ni Kei ang lalagyan ng tablea at gatas. Mukhang mag-iinit ng masarap na milk chocolate ang taong ito.



          “Siya nga pala. May lead ka na ba para sa hinahanap natin?” tanong niya.



          Umiling ako. “Wala pa. Naghahanap pa lang ako. Siya nga pala. May kaunting tip lang ako sa iyo.”



          “Ano iyun?”



          “Nakita mo na ba ang kapatid ni Ren? Nandoon siya sa eskwelahan kanina.”



          Kumunot ang noo niya. “Huh? Si Lars? Patay na siya hindi ba?”



          “Oo. Patay na si Lars. Pero, hindi natin nakilala iyung kakambal niya. Ang pangalan niya ay Larson. Siya ang isa pang kapatid ni Ren na hindi pa natin nakikilala. Bale, kung tama ang sinabi sa akin ni Edmund, bata pa lang ay pinalayas na siya sa kanila dahil, siya daw ang dahilan kaya nagkaroon ng ganoong hindi pangkaraniwan na kondisyon Ren.”



          “Okay? So, ano ngayon? Kapatid lang naman siya, at hindi naman sila ganoon ka-close ni Ren, tama ba?” Nag-iba ang timpla ng mukha ni Kei. “Sandali nga? Nakausap mo na ba siya?”



          “Oo. Ang nakakapagtaka nga, alam niya na ako si Mr. Lion sa buhay ni Ren, at, may isa pa akong kasabwat.”



          “Sasabihin ba natin ang totoo na ako iyung isa pa?”



          “Nasabi ko na” kibit-balikat ko. “At isang bagay pa nga pala. Hulaan mo kung sino ang kinakapatid niya ngayon.”



          “Bakit hindi mo na lang sabihin kung sino?” naiinip na wika ni Kei.



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Si Allan.”



          “Si Allan, huh?” Nag-isip si Kei.



          “Maliban pa doon, alam ni Larson na may gusto si Allan kay Ren. Kaya baka team Allan siya. Kaya kung gusto mo lalong makapuntos kay Ren, ligaw-ligawan mo na din si Larson. Malay mo, talikuran niya si Allan at ibigay ang kamay ni Ren sa iyo. Iyun ay kung posible nga mangyari ang bagay na iyun.”



          “Heh! Magsama-sama sila ni Allan. Kumpyansa naman ako na ako talaga ang pipiliin ni Ren sa huli,” kumpyansang sabi ni Kei sa sarili.



          Lumakad na si Kei papalabas dala-dala ang mga kinuha niya sa kusina. Bago pa ako makapagsalita ulit, nakaalis na siya. May isa at huling bagay pa akong dapat sabihin sa kaniya. Pero, pag-aalahanin ko ba siya ngayon tungkol doon? Hindi bale na lang.



          Muling itinuon ko ulit ang atensyon ko sa phone ko. Nakatingin lang ako sa phone number ni Edmund, ng magdamag. Wala lang akong ginawa kung hindi ito. Grabe. Nakakahiya talaga iyung nangyari noong isang araw. Akala ko talaga, si Lars ay si Larson. Hay! Ang gulo. Hindi ko naman kasi alam na may kakambal pala si Lars.



          Kaya matapos magpaliwanag si Edmund sa akin na ang taong nakita ko ay si Larson, dali-dali akong tumakbo papasok sa apartment ko. Isinarado ito, at hindi na muna nagpapasok ng kahit sino. Simula noon, wala na akong narinig na balita mula sa kaniya. Kahit text mang lang, wala.



          Muling humugot ako ng malalim na hininga at pinindot ang call button ng phone. Nag-antay ako ng ilang segundo, at sinagot niya ang kaniyang phone.



          “Hello, kumusta ka?” bati ng boses ni Edmund sa telepono.



          Napangiti ako matapos marinig ang boses niya. “O-Okay lang,” hindi ko siguradong sagot.



          “So, bakit ka napatawag?”



          “Gusto kong humingi ng tawad sa iyo sa inasal ko noong isang araw. Pasensya na. Hindi ko kasi alam na, iyun pala ay kakambal nung taong…” Dapat ba naming pag-usapan ang bagay na iyun?



          “Hello, nandiyan ka pa rin ba?” tanong ni Edmund matapos hindi ako sumagot ng ilang segundo.



          “Pasensya na ulit. Makinig ka, gusto kong mag-date tayo bukas, pagkatapos ng klase ko. Magkita tayo doon sa lugar kung saan tayo unang nagkita.”



          “U-Unang lugar kung saan tayo nagkita?” Natahimik siya sa kabilang linya.



          “Yeah. Maghihintay ako sa lugar na iyun. Iyun ay kung natatandaan mo pa. Pagkatapos ng klase, doon ako maghihintay.”



          “O-Okay. Sige.” Mukhang hindi niya naaalala kung saan kami unang nagkita.



          “Edmund, sana matandaan mo. Please, dumating ka.”



          Ibinaba ko agad ang phone nang hindi man lang nagpapaalam. Napahiga ako sa sofa na inuupuan ko. Sana, matandaan niya iyun. Sana, dumating siya.



Edmund’s POV



          Nagulat ako nang biglang ibinaba ni Gerard ang phone niya. Lagot! May problema ako. Hindi ko matandaan kung saan kami unang nagkita ni Gerard. Hindi ko matandaan. Hindi niya ba alam na nakakabobo iyung mga itinurok sa aking anaesthesia? Kaya ngayon, problemado ako. Wala talaga akong alam kung saan ba kami unang nagkita ni Gerard. Hindi ko na nga alam kung kailan kami unang nagkita. Ang alam ko lang, siya ay may kailangan kay Ren, at iyun lang. Iyun lang naman kasi ang isa sa mga pinaka-memorable na alaala naming dalawa. Pero iyung unang lugar kung saan kami nagkita, saan nga ba ulit iyun?



          Kinuha ko ang aking maliit na notebook at tiningnan ang mga pahina na ito. Umaasa ako na kahit anong clue ay may naisulat ako. Pero base sa pagkakakilala ko sa aking sarili, babae ba ako na magsusulat ng pinakauna kong pagkikita kay crush sa notebook? Hindi! Hindi talaga posible na may ginawa akong ganoon!



          Bigla naman akong natigil nang nakita ang pinakahuling pahina ng maliit kong notebook. Nakalagay dito na pinapaalahanan ako na sa mga bandang hulihan ng buwan, pupunta kami ni Ren sa labas ng magkasama para bumili ng mga grocery. Tama. Sa isang mall.



          Kinabukasan, pumunta ako sa lugar na iyun kung saan kami unang nagkita ni Gerard. Naaalala ko, may isang foreigner na nagmamakaawa sa kaniya na balikan siya dahil pakiramdam ata ng foreigner na bagay sila ni Gerard. Pero, iba ang tingin ni Gerard sa kaniya. Isa lang siyang kasangkapan para sa kaniya. Naaalala ko, gumawa pa nga ng eskandalo ang lalaki dahil lumuhod pa ito sa harap ng mga maraming mamimili na nasaksihan ang pangyayaring iyun. Pagkatapos, pumasok ako para patigilin na ang lalaki sa ginagawa dahil sumusobra na siya. At, istorbo siya sa mga naghihintay sa pila. Nakatingin kaya iyung mga cashier sa dalawa kaya hindi umuusad ang linya. Tama. Naaalala ko na.



          Sa hindi kalayuan, parang humawi ang mga tao sa harapan ko. Nakita ko si Gerard na naghihintay, at hinaharangan ang ilang mamimili sa kanilang dinaraanan. Medyo hindi naman ganoon ka-hassle ang ginagawa niya, pero kasi, alam niyo iyun. Sa lahat ng lugar na pwedeng maghintay, bakit doon pa sa tapat ng mga mamimiling palabas ng grocery store? Pwede naman sa labas?



          Lumakad ako palapit sa kaniya, at nagkrus ang aming mga tingin. Ngumiti siya nang nakita ako, at nakita kong nakahinga pa siya ng maluwag dahil sa nakarating ako dito, at naalala ko ang una naming pagkikita sa lugar na ito.



          “May damit ka,” unang mga salita na lumabas sa aking bibig nang sinimulan ko siyang kausapin.



          Ngumiti siya ng napakatamis. “Huh? Gusto mo ba na hindi ako magdamit?” Sinimulan na niyang tanggalin ang botones ng kaniyang polo.



          “Teka, hindi iyan ang ibig kong sabihin,” pagpigil ko.



          Tumigil naman si Gerard sa ginagawa at ngumisi. “Mabuti naman at naaalala mo pa rin ang lugar na ito.



          “Ahh! Oo nga ehh. Sa totoo lang, inabot ako ng ilang oras bago maalala ang lugar na ito. Pinagana ko kaya ng mabuti ang utak ko, maalala lang ang lugar na ito. Teka, nagkikita pa ba kayo ni William? Kumusta siya?”



          Tipid na tumawa si Gerard. “Ano ka ba? Bakit ka pa nagtanong kung kumusta na siya? Hindi naman ako nagtatanong kung sino-sino ang mga tauhan noong mga panahon na iyun.”



          Napakamot ako sa ulo. “Ano lang kasi, kinakabahan ako. Mamaya, bigla kang magkakaroon ng pop quiz kung naalala ko pa ba ang lahat. Medyo malabo pa rin kasi sa akin iyung mga nangyari. Nag-aalangan pa nga ako kung nangyari ba talaga ang mga bagay na iyun, o hindi?”



          “Ano ka ba? Hindi iyun mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay nakarating ka. Iyun lang.” Inilahad ni Gerard ang kaniyang kamay. “Tara?”



          Walang pag-aalinlangan na kinuha ko ang kamay niya. “Tara.”



ITUTULOY…

2 comments:

  1. Thaaank you author sa update. Sana po makayanan ng schedule niyong magupdate madalas hehe.

    -James the once Silent Reader :)

    ReplyDelete
  2. hereyap....., thanks author muaaawh muaaawh..., basa mode.. .,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails