Followers

Wednesday, April 4, 2012

Palitan Ng Puso [3]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Yeheeyyy! 1,030 na ang followers ngayon! Salamat pos a inyo!

Ang totoo pala nito, Exchange of Hearts sana ang title nito ngunit may Exhchange of Hearts na si writer Gelo kaya upang hindi ma-confused ang mga readers, tinagalog ko na ang pamagat.

Haissssst! Heto na naman. Sabi nang short story, hindi pa rin ako naawat...

Maraming salamat sa mga sumusubaybay at mga taga-suporta!

I acknowledge ko lang po ang aking mga models nina Ian at Marco - sobrang salamat sa pag allow ng pics ninyo na mai-prject sa kuwentong ito ang mga characters nina Ian at Marco...

-Mikejuha-

-------------------------------------

Heto ako -

Heto ang theme song ko -

At heto ang kwento ko -
---------------------------------------------------
Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti na lamang. Kunyari ay biro-biruan lamang na isang palabas, lalo na noong tumugtog ng fanfare ang banda, itinaas ko na lang ang aking dalawang kamay at umindak nang kagaya sa showtime na mga participants kapag nagbibitiw ng katatawanang linya si vice-ganda at matatawa ang mga audience. Mapasaya wsila. Iyon din ang ginawa ko. At napaindak din ang audience namin.

Ngunit may sumigaw uli ng, “Sa kabila! Sa kabila!”

Na sinagot uli niya ng, “Sa kabila ba? Ah iyon lang pala eh!” at sabay rin dampi nang mabilisan ng bibig niya sa aking kabilang pisngi.

Fanfare uli. At muli, itinaas ko ang aking mga kamay at sumayaw-sayaw.

Hiyawan ang audience, palakpakan, ang iba ay nagsisipuilan.

Lumapit pa si Marco sa gilid ng stage at sumigaw sa audiece. “O baka mayroon pa dyan sa inyong gusto ng kiss! Puwede ako... Huwag lang iyong may mga boyfriends na, baka mabugbog naman ako!”

Nagtilian ang mga babaeng nasa harap. At may mga lumapit talaga sa stage kung saan nakatayo si Marko. At dahil nasa baba sila, tinulungan pa ni Marco na maka-akyat sila sa stage, hinila sa kamay. Noong aka-akyat na ang may limang babae, isa-isa niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi, as in hindi lang iyong beso-beso kundi hinawakan niya talaga ang mukha noong mga babae at idinampi ang kanyang labi sa pisngi.

Ang gulo ng mga tao sa bawat dampi ng halik ni Marco sa mga pisngi noong babae. At ang mga babaeng hinalikan naman ay parang sinaniban ng masasamang espirito na hindi magkamayaw sa kakalundag sa entablado. Tapos, ako naman ang pinuntirya, nagtatalon na nagmamakaawang halikan din daw nila ako.

Tawa nang tawa si Marco at minuwestrhan na lang ako na halikan ko na lang din daw sila. Iyon ang ginawa ko. Tawanan din sila at hiyawan ang mga tao. Sobrang game talaga ni Marco. Grabe. Walang kyeme. Nasabi ko tuloy sa sarili na marahil hiniwalayan siya ng girlfriend ay dahil namis-interpret nito ang pagka-game ni Marco at pagiging malapit niya sa kanyang mga tagahanga. Napakabait pala talaga ni Marco. Hindi siya iyong tipong snub. Bihira lang kaya ang mga guwapo na ganyan ka palakaibigan at game pang makipag-harutan sa mga tagahanga. At ang lakas pa ng loob, hindi nahihiya. Kung ako siguro iyon na hindi pa kilala ng mga tao at hindi ko rin sila kilala, ayokong mag-initiate na ganoon-ganoon na lang magtawag sa audience ng, “O sino ang magpakiss d’yan?” Baka mapahiya lang ako o kaya ay sigawan ng “Boo! Boo!”

Pero siya, sobra ang confidence sa sarili. Alam niyang may dating siya sa mga tao; alam niyang nabubulabog sa kanyang kaguwapuhan ang mundo ng kababaihan at kabaklaan, at alam niya kung paano dalhin ang sarili upang lalo pang tumaas ang excitement ng audience; upang lalo pang tumili ang mga ito at magwala, lalo na ang mga kababaihan at kabaklaan. Sobrang saya ng show. Ang galing!

Nanatili ang mga babae sa stage, nakalingkis ang aming mga beywang sa aming mga tagiliran, hanggang sa nagulat na naman ako sa inannounce ni Marco. “I would like to invite you guys sa gig ng banda namin every night po iyan sa “The Black Stallion Resto” simula bukas ng gabi, kasama ko po dito ang partner kong si Ian” turo niya sa akin “at 9pm – 12 po iyan ng gabi, Monday to Saturday!”

Palakpakan ang mga audience. Tuwang-tuwa sa announcement. Siguro dahil excited silang nalaman na makikita nilang muli si Marco. Sikat rin kasi ang resto-bar ng tita niya. Sa sarap ba naman ng mga barbecue na manok nila. Sila lang ang may ganoong klaseng style ng pagbabarbecue at kakaiba rin ang sarap, specialty talaga nila, signature na sarap na sa resto nila lang mahahanap. Dagdagan pa na mistulang nakalutang ang resto sa dagat, open-air, at sa ilalim lang mismo ng restaurant ay ang tangke nila ng mga buhay na isada – tilapya, bangus, may mga alimango at shellfish kung saan ay puwedeng mamingwit ang mga customers, o ituro ang ang gusto nilang isda o shellfish o alimango na ipaluto. Kaya dinadayo ito ng maraming customers at mga estudyante.

Napatingin ako kay Marco. Hindi naman niya kasi sinabi sa akin na kasali na pala ako sa banda at magperform pa gabi-gabi sa resto-bar nila!

“At isa pang announcement!” pahabol niya, “Nangangailangan po ang ‘TBS Resto ng limang stand-up comedian. Open lamang po ito para sa mga student talents. Gusto po naming tulungan ang mga estudyanteng may mga talentong magpatawa na magkakaroon ng side income. Kung magaling po kayong magpatawa at mang-okray with a sense of intellect and wit, this is your chance po to be with us. Malay po ninyo, you will be the next vice ganda ng Pilipinas. Kung sakali pong matanggap kayo, you will work from 6pm – 9pm, magbigay ng saya at katatawanan sa mga customers ng TBSR. If you are interested, please see me po! Marco De Asis po ng Engineering Dept. Thank you! Thank you!”

At kumaway na kaming nagpaalam sa audience. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung bakit ako nasali sa banda at hindi man lang pinasabihan bago mag announce. Ngunit dahil nasa stage pa kami, nilingon ko na lang siya, ang mga mata ko ay nagtatanong. Abah, kinindatan ako.

“Bakit di mo sinabi agad na kasali pala ako sa banda at magperforma na agad kinabukasan?” ang tanong ko sa kanya noong wala na kami sa stage.

“E, kanila lang din itinext ng tita ko ang proposal niya eh. Heto o...” sabay abot sa cp niya na noong binasa ko ay may nakasulat, “Marco... why don’t you and your band perform at TBS? You and Ian are a perfect match! Bukas ng gabi let’s start! I’ll start to make some arrangements na sa resto ha? Don’t say no...”

“O ano? Pati tita ko ay bilib sa pagkanta mo!”

Napangiti na lang ako. Noong nagpapractice pa kasi kami sa resto-bar nila para sa variety show na iyon, may ilang beses na napanood kami ng tita ni Marco. At nagutuhan niya ang aming kanta at ang aming duet ni Marco. Nagbiro pa nga ito sa akin ng, “Kunin na lang kaya kitang singer dito sa resto ko Ian?” Pero syempre, wala naman silang banda or something sa resto-bar nila, pure videoke lang kung kaya hindi ko ito sineryoso. “E, iyong pagkiss mo sa pisngi ko, para saan iyon?” ang tanong ko na lang tungkol sa pagkiss niya sa akin sa stage.

Natawa naman siya. “E, humingi ng kiss ang mga tao eh.”

“Bakit? Sigurado ka bang ako ang gusto nilang i-kiss mo?”

“Alangan namang ang gitara ko ang i-kiss ko. O kaya ang mga myembro natin sa banda. Tayo lang naman ang nagdu-duet. Kung tatlo sana tayong nag-duet o apat, magtatanong ako kung kanino ako ki-kiss” ang patawa niya. Dalawang tao lang kaya ang duet.

“Weee!” ang nasambit ko na lang. Gusto ko sanang pahabain pa ang pagtatanong sa issue na iyon. Kinilig kasi ako. Kagaya ng mga tanong kung bakit naman kiniss pa niya talaga ako, o kung ano ang naramdaman niya sa pagkiss sa akin, o gusto ba talaga niya iyong gawin sa akin, etc. etc. Pero hinayaan ko na lang sa isip ko ang mga tanong na iyon. Natatakot akong may marinig na hindi maganda galing sa kanya. Baka masaktan na naman ako. Kaya nilasap ko na lang ang sarap ng kilig sa halik niya na sariwa pa sa aking utak at inisip ko na rin na may meaning iyonng paghalik niya sa pisngi ko. “Haisssst! Nangarap ba...” sa isip ko lang.

Kinabukasan, may nag tag na sa akin ng mga litrato na inadd sa facebook. At nakapost ito sa isang fb group na may pangalang “Mar-Ian Friends” at mayroon nang mahigit 300 members. Mabilis silang nakahagilap ng ganoon karaming member sa sala pang isang araw. Nakapost doon ang mga litrato namin sa variety show ng gabing iyon. May solo picture ako, may solo rin si Marco, may kaming dalawa at may mga kuha rin kung saan hinalikan ni Marco ang aking pisngi at ang mga babaeng naroon. Syempre maraming nagreact. May mga nagcomment na, “ang cute daw ni Marco!!!”, “Ang cute nilang dalawa ni Ian!” “Kaka-inlove!” “Bagay sila!” “Ang guwapo ni Ian!” “ang gaguwapo nilang dalawa!” “Marco-Ian love team na!” “Marco-Ian forever!” “Ultimate Crush!” “Pambansang Kilig!”

Dali-dali kong ibinalita ito kay Marco. Noong tiningnan niya ang mga nakasulat sa fb, nagreact. Natawa. “Ganyan na ba tayo ka sikat?”

“Andami mong tagahanga kasi...” sambit ko.

“Marami ka rin kaya...” sambit din niya.

Hindi ako nakasagot agad. Gusto ko kasi sanang isingit na, “Paano iyan, may nanunuksong love team daw natin?” Ngunit hinayaan ko na lang ito sa aking isip. Ayokong magbukas ng issue na sa bandang huli ay ako rin ang masaktan. Baka maitakwil na naman ako. “Basahin mo ang mga comment...” ang nasabi ko na lang. At least, kung ano man ang mabasa niya, hindi nanggaling sa akin ang mga iyon. Wala akong kinalaman.

Binasa niya. Tawa lang siya nang tawa at pagkatapos, tumingin sa akin at kumindat, binitiwan pa ang isang nakakalokong ngiti.

Pakiramdam ko ay nanalaki ang aking mga mata sa mapanukso niyang kindat. “Para saan iyon?” tanong ko.

“Ang alin?”

“Iyong kindat?”

“Bakit bawal bang kumindat? May batas ba na nagbabawal kumindat sa kapartner?”

At talagang hindi na matanggal sa kanyang bibig ang salitang “partner”. Kina-career na talaga niya ang paggamit ng salitang iyan.

At tama rin naman siya. Wala ngang batas na nagbabawal na kumindat sa kapartner. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “Sabagay... Ok, fine. Kindatan na rin kita.” At kinindatan ko rin siya. Iyong kindat na may pagka pilyo sabay bitiw ng isang pigil na tawa, kinilig ba...

At lumaki ang kanyang mga mata, parang na excite. “O... o... ang kindat mo, tangina... may meaning! Alam ko ang kindat na iyon! May ipinapahiwatig iyon!”

“Waaahhh! Ano ka! Ang dumi ng isip mo! Bakit naman may meaning. Kindat-pang partner lang iyon! Bakit masama bang kindatan ang partner ko?” ang banat ko rin sa kanya.

“Sabagay... pero basta, may iba eh.”

“Bakit ano ba ang meaning na nasa isip mo?”

“Wala... Kagaya ng nasa isip mo. Pareho tayo ng meaning”

Napangiti ako. Malaswa kasi ang meaning na nasa isip ko. “Weeehhhh! Ang pang-partner na kindat lang iyon. Walang meaning” ang sambit ko na lang.

“E, pareho nga tayo. Ganoon din ang meaning sa utak ko.” Sagot din niya.

“Bakit ayaw mo?”

“Bakit ayaw? Gusto ko nga eh. Sige nga kumindat ka uli?”

At kinindatan ko uli siya. Ganoon pa rin, yung may pagkapilyo.

Binitiwan niya ang isang nakabibighaning ngiti. Tinitigan niya ang aking mukha na para bang iniukit sa kanyang isip ang bawat detalye nito.

Napatitig na rin ako sa mukha niya. Ewan... para akong nalulusaw sa titig niya ngunit pinilit ko ang aking mga matang makipagtitigan.

Maya-maya, “Ang cute mo pala. Kung babae ka lang sana... niligawan na kita.” Sambit niya, ang boses ay parang nang-aamo patuloy pa rin ang pagtitig niya sa aking mukha.

At doon na yumuko ang lola ninyo, hindi makatingin sa kanya ngunit nag beautiful eyes pa rin ako sa sarili. Feeling ko kasi, ang haba-haba ng aking pilki-mata. Kung may pamaypay lang akong dala noon, iyong abaniko na bulaklakin, itinakip ko na ito sa aking bibig at kinurot nang pinong-pino ang tagiliran niya na hindi ko titingnan ang kanyang mukha dahil sa hiya at sabihin sa kanyang, “Ikaw naman... bolero ka talaga. Bakit ang tagal?” atsaka tatawa ako ng cute na tawa na parang naiihi, “Hihihihihihihihihihihi!”

Ngunit dahil hindi naman ako si Maria Clara, at hindi rin siya isang katipunero, ang isinagot ko na lang ay, “Gusto mo nito?” sabay lapit ng kamao ko sa kanyang mukha. Astig! Hard-to-get ang drama ng lola ninyo. Lalaking-lalaki.

Tumawa lang siya. Tumalikod at umiling-iling sabay sarcastic na sabi ng, “Anlaki ng kamao!”

Anlaking tao niya, anlaki pa ng mga mucles, kaya alam niyang bale-wala ang kamao ko sa kanya. Parang gusto ko siyang lambingin at sabihing, “Marco! Ano ba ang kumento mo tungkol sa mga sinasabi nila sa fb group na love team tayo!” Ngunit sinarili ko na nga lang. Ayoko ko na nga ng ganyan. Takot na ako.

Unang gabi ng pagpresent ng banda sa TBS Resto kung saan kasali na ako. Dahil Sabado iyon, maraming estudyanteng dumalo. Tuwang-tuwa ang tita ni Marco na unang palabas pa lang namin ay nag click na ito. Standing room only ang resto bar nila. Naroon pa rin ang mga kinilig na mga babae at bakla. At marami ring lalaki ang nakikipagjamming. May portion din kasing pwede silang kumanta, mag request ng kantang kung kaya naming kantahin ay pagbibigyan. May portion din ng audience participation na kung may gustong makipagduet sa akin o kay Marco o sa isa pang vocalist ng banda ay puwede. Kung hindi naman, may videoke partion. At syempre, hindi nawawala ang beer. Kaya patok ang pakulo naming iyon.

Sobrang saya ko. Hindi lang dahil nakasama ako sa banda, na matagal ko nang pinangarap kundi dahil kasama ko si Marco. At may pandagdag-allowance pa ako. Sa bawat gabi kasi na kumakanta kami ay may bayad.

Kinabukasan naman, Linggo, may mga nag-apply na mga stand up comedians. Mga estudyante at ang karamihan sa kanila ay bakla. Ganoon naman talaga siguro, mga bakla ang kadalasang gustong magiging stand-up comedian. Nakakatawa kasi ang kanilang mga birit at harutan. At may napili si Marco na tatlong bakla, isang babae at isang lalaki.

Biro ni Marco, “Sa katagalan, itong lalaking kasama ninyo ay maiinlove sa nag-iisang tunay na babae sa grupo at kayong tatlong mga bakla ay mag-oorgy na kayo-kayo na lang!”

Natawa sila.

“O okrayan na! Pasampol!” sambit ni Marco.

“Ay hindi po kami puwedeng mag-orgy kung puro kami bakla. Eww! Kadiri! Puro kami bottom kaya kailangan namin ng top - itong lalaki” sabay hila sa lalaki.

“Sandali! Sandali! Ang lalaki ay para sa babae. Ako lang ang tunay a babae dito kung kaya akin lamang siya!”

“At sino ang nagsabing ang lalaki ay para lamang sa babae? Wala yata ang batas na iyan sa listahan ng mga batas ng Pilipinas. Ginawa ang lalaki para sa mga bakla! Kaya kasama namin siya sa mundo ng mga bakla!”

“O sya, kung ginawa nga ang mga lalaki para sa mga bakla, para kanino naman kaming mga babae?”

Na siya naman mabilisang sagot ng isang bakla na, “Mga tomboy! Ang mga tomboy ay ginawa para sa mga babae.”

Tawanan.

“At ano naman ang masasabi nitong lalaki?” tanong ni Marco sa lalaking napili.

“Kung ako ang masusunod, gusto kong makipag-orgy na lang kina Sir Marco at Sir Ian!”

“Ay type!!!! O sya, sali na tayong lahat! Now na ba??? Gosh! Hindi ako masyadong ready! Sabay hipo sa umbok ng kanyang puwet.” sigaw ng pangatlong bakla.

Tawanan.

Ang saya-saya ng aming grupo. Ang set-up ng kanilang resto bar ay kapag araw, videoke lang. Kapag 6 – 9pm ay ang mga pang-ookray ng mga stand-up comedians, at sa 9 – 12 midngiht, kami na, mga banda. Minsan nakikigulo rin ang mga stand-up comedian.

Naging sikat kami sa campus. Kung sila ni Prime ay tinaguriang campus lovebirds, ang tandem naman namin ni Marco ay tinaguriang Pambansang Kilig. At ang fb group na ginawa ay umabot ng may mahigit 100,000 subscribers at members.

Marami rin naman ang mga tagasuporta nina Prime at sa girlfriend niya. Patuloy pa rin ang samahan at grupo ng mga barkada niya. Kapag nagkasalubong kami sa school, hindi na ako nag-aattempt na umiwas. Pakiwari ko kasi ay lumakas na ang loob ko simula noong aming variety show, kung saan nalaman ko na marami rin palang taong tumitingala sa akin, sa amin ni Marco. Kung si Prime at ang grupo niya ay kinamumuhian ang pagiging bakla at ang nagawa ko sa kanya, mas marami pa rin palang mga estudyanteng bukas ang isip sa mga ganoon na sila pa mismo ang nanghikayat sa amin ni Marco na mag-love team. Kaya hindi na ako nasasaktan. Sa isip ko lang, “Kung hindi nila ako gusto, ano ngayon? Mas marami naman ang mas nakakagusto sa akin.”

Ang buong akala ko kasi dati, nag-iisa lang ako sa mundo. Akala ko, lahat ng tao ay galit sa akin. Mali pala ako. Tama nga ang sinabi ng aking propesor na ang buhay ay maihalintulad sa isang gulong. Isang araw ay parang gumuho ang iyong mundo. Ngunit sasapit din ang araw na parang napamakulay ng iyong paligid. Ang importante lamang ay matuto tayong tumayo at pilit na buuin muli ang mga nabasag na piraso ng ating buhay.

At hindi na rin ako nila inaasar ni Prime. Hindi ko na narinig ang mga patama nila. Kapag ganyang nagkasalubong kami, titingnan na lang nila ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil din iyon sa variety show kung saan ako kumanta at nakita nilang maraming nagkagusto sa aking kanta. O ba kaya ay dahil ito sa pagiging ka-partenr ko si Marco na tunay nga namang pambansang kilig at maraming nababaliw na kababaihan at kabaklaan at mga humahangang kalalakihan. O baka rin, nagustuhan nila ang aking pagkanta.

Anyway, nasa student center ako noon, nag-iisa dahil may pasok pa si Marco. Hinintay ko siya. Nagkataon ding nasa di kalayuan ang grupo nina Prime, kasama pa ang kanyang girlfriend.

Narinig ko pang nagkakantyawan sila, nagbibiruan, nagtatawanan noong maya-maya, napansin ko na lang na bigla silang natahimik at ang isa ay nagsisigaw, “Pare! Anong nangyari sa iyo! Pare!!!”

Dahil natakpan nila si Prime, tumungtong ako sa upuan na semento at sinilip si Prime. At nakita kong nakaupo lang siya, halatang-halata ang pamumutla at tila nahirapan siyang huminga.

“Pare... anong nangyari sa iyo?” tanong uli ng mga barkada niya. Nakita kong inuuga pa siya nila.

“Prime! Anong nangyari sa iyo! Sumagot ka!!!” sigaw ng girlfriend niya.

Hindi pa rin sumagot si Prime.

Kinabahan ako sa nakita. Dali-dali kong kinuha ang gamot sa aking bag at nagtatakbong nilapitan siya. “Tabi muna kayo!” sambit ko sa mga barkada niyang nakatunganga lang at pinaligiran siya noong nakarating na ako sa puwesto ni Prime. “Lumayo-layo lang nang kaunti please upang makahinga naman siya” dugtong ko habang nanatili lang na nakaupo at halos hindi gumalaw si Prime.

Dali-dali kong hinubad ang kanyang polo-shirt. Iniusog ko siya upang ang kanyang likod ay mahawakan ko. Pagkatapos, pinahiran ko ang likod niya sa dala kong balm atsaka minasahe ito nang minasahe habang pigil-hininga naman ang mga barkada niyang nakatunganga pa ring nakatingin sa aking ginawa.

Dedma lang ako, habang nakaupo akong halos nakasandal sa akin si Prime, sige lang ang pagmasahe ko sa kanyang likod, sa balikat, pababa sa kanyang beywang. Tapos, minasahe ko na rin ang kanyang dibdib hanggang sa kanyang tyan. Tapos balik uli sa dibdib. Iyon kasi ang ginawa ko na dati sa kanya.

“Huwag mo ngang tsansingan ang boyfriend ko! Nag-take advantage ka eh. Palibhasa hindi makagalaw iyan! Bakla!” sigaw ng kanyang girlfriend sa akin.

Inihinto ko ang pagmasahe kay Prime at tinitigan siya ng matulis. Nag-init ang aking tainga sa narinig. “Gusto mo? Sige halika rito, ikaw ang mamasahe sa kanya. Kapag may nangyari sa kanya, ikaw ang may kasalanan ha? Saksi ang lahat ng mga nandito na kapag may nangyari sa kanya ikaw ang may kasalanan kapag ikaw ang gumawa nitong ginagawa ko at mamatay ito!”

Hindi siya nakaimik. Akala niya siguro hindi ko siya sasagutin.

“O ano... ituloy ko ba o ikaw na? Daliiiii! Hindi na makahinga ang boyfriend mo! Baka mamatay na ito ako pa ang masisi dahil sa kaswapangan mo!”

Hindi pa rin siya sumagot. Siguro natakot kung kaya itinuloy ko na ang pagmasahe kay Prime. Alam ko kasing iyon ang pansamantalang lunas sa kanya. Palagi kong ginagawa ito sa kanya noong may ilang beses ding sinumpong siya sa atake niyang iyon na hindi rin namin alam kung ano dahil ayaw niyang magpatingin sa duktor.

Pero sa tingin ko ay allergy lang siguro iyon. Baka kapag nakalanghap siya ng usok o alikabok. At mabilis ding manumbalik ang lakas at normal niyang paghinga kapag namasahe siya.

Noong unang nangyari iyon, hindi ko alam ang gagawin, ramdam kong hindi siya makahinga, namumutla, hindi halos makapagsalita, at walang lakas upang gumalaw. Ang ginawa ko ay pinahiga siya at dahil nakasanayan kong magdala ng balm, iyon ang ipinahid ko. Biniro pa nga niya ako bago siya inatake noong nagpapahid ako ng balm sa aking ilong; para raw akong matanda dahil sa amoy. Na sinagot ko naman ng, “Amoy matanda nga ito ngunit di mo lang alam ang maraming gamit nito. Baka isang araw pa ay ito ang makasagip sa buhay mo.”

At nangyari nga. Pagkatapos kong lagyan ng balm ang likod at dibdib niya at minasahe, nakahinga uli siya nang maluwag.

“Uhhhhhh!” ang malalim na paghinga niya, palatandaang bumuti na ang kanyang pakiramdam. Gumalaw na rin siya, hinipo ang kanyang ulo.

Pinakiramdaman ko muna siya ng ilang segundo at noong tuluyan na siyang gumalaw at ngumiti pa, agad rin akong tumayo at umalis nang walang pasabi.

Nasa may walong metro na ang layo ko mula kay Prime noong may narinig ako. “T-tol...”

Boses ni Prime. Lumingon ako. Ngumiti siya sa akin habang ang mga nakapaligid sa kanya ay nagmukhang mga walang silbi at mistulang tulala pa rin sa bilis ng mga pangyayari.

“S-salamat...” ang sambit niya.

Sinuklian ko ang ngiti niya ng isang ngiting pilit at dumeretso na sa aking puwesto. Eksakto naman ang pagdating ni Marco kung kaya kinuha ko na lang ang aking mga gamit at bag sa ibabaw ng mesa at umalis na kami.

“Anong nangyari doon?” tanong ni Marco. Nakita niya kasi akong naglakad galing sa grupo nina Prime.

“Ah, wala. Hinimatay lang...” ang sagot ko habang hinila siyang magpatuloy na kami sa paglalakad.

Tuluyan na kaming tumalikod at naglalakad. “Bakit galing ka doon? Kilala mo ba ang mga iyon?”

“Ah... Uu.” Ang sagot kong nag-aalangan. “Iyon iba doon kakilala ko.”

“Ah ok. Bakit daw hinimatay?”

“H-hindi ko alam eh...” ang sagot ko na lang upang malihis ang kuwento. “Ano pala ang kakantahin natin mamayang gabi?” ang pagbukas ko ng ibang topic.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ni Marco noong sa likod ko ay may nagsalita. “Tol...”

Huminto kami sa paglalakad ni Marco at hinarap ang tumawag.

Si Prime. “Tol...” ang sambit niya.

Nakatingin lang si Marco sa kanya.

“Ah... e, b-bakit? Sagot ko. N-nagmamadali kami eh.”

“Ah, e, s-sige, next time na lang.” ang sagot din ni Prime. Siguro napansin niyang ayaw ko siyang kausapin sa oras na iyon.

“Marco pare... partner ni Ian.” Ang pagsingit ni Marco sabay abot ng kamay niya kay Prime.

“Prime pare...” sagot naman ni Prime, napahinto nang sandali, tiningnan ako. “B-best friend ni Ian...” dugtong niya.

(Itutuloy)

48 comments:

  1. yehey hindi pa rin tapos, meaning may kilig scenes pa next chapter! salamat S'Mike!

    ReplyDelete
  2. Grabe d nako mkapag hintay para sa next Chapter!
    Napapa Wow nlang ako sa mga ng yari!! :)

    TY kuya Mike, sana meron na kgad katuloy^^

    ReplyDelete
  3. Paganda na ang kwento author. Ang galing.

    ReplyDelete
  4. ang ganda po! medyo nakakainis lng si Prime! ang kapal dn ng mukha na magpakilala na bestfriend ni Ian pagkatapos nyang itaboy lng sya ng ganun ganun lng.

    ReplyDelete
  5. wow grabe as in grabe... kakaiba nanaman ito kuya, pinaghalong kilig at saya at lahat na..eheheh ka abang abang ito kuya...ang galing mo talga ur d best pero "mar-ian" parin ako ehhehe tnx kuya :) JhayL

    ReplyDelete
  6. kuya mike next na!!! Shet!!! Ang ganda!!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. bitin kuya mike sabi mo short story lang pinapa-excite mo kami....

    ReplyDelete
  8. waaaahhhh,ibang klase ka talaga Idol...galing mambitin...mukhang long story ang magyayari nito heheheh,next episode na po...thank u & more power...

    ReplyDelete
  9. Buti nga sa babaeng iyon. Feelingera kala mo kung sino. Bleh! Grabe kuya mike, kagaya ng sinabi ko po sa inyo, nabubuhay ang natutulog kong kilig sa storyang ito. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din.. I DONT KNOW WHY pero every day, itong storyng ito lang ang inaabangan ko.. hahaiissttt yung ibang story ko kasing binasa, ala nang kasunod, like now playing, perfect two, my life's playslist.. ang ganda pa namn sana ng mga storyng ito...

      Delete
    2. Baka po mga busy lang sila kaya hindi makapag-update. Remember, hindi lang naman po ito ang ginagawa nila, kung baga libangan lang po nila ito at tsaka hindi rin po madaling magsulat, hindi po ito basta-basta. Iyon lang po. :)

      Delete
  10. errrr.. nakakabitin.. next episode please :) excited much kiligggggg!!!

    ReplyDelete
  11. kuya mike! Ang galing naman nito! Haha. Salamat po sa mabilis na pag uupdate ;) Bitin tong "SHORT STORY" mo kuya mike ah. Hehe

    -marcovelasco

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha! tawa nang tawa ako dito, short story nga sya! lol! and in fairness, marco name mo hehehe.

      Delete
  12. Napaiyak ako sa part na to..haist..sobrang galing talaga..lalo na nung tinulungan ni ian si prime..sana mamaya na yung kasunod na part..can't wait..

    ReplyDelete
  13. PAHABOL: Mas gusto ko si Marco kaysa kay Prime, hindi deserving si Prime para kay Ian.

    ReplyDelete
  14. isa po ako sa silent reader ng mga kwento mo kuya. unang beses ko lang mag comment sa ganito. ang ganda kasi ng kwento :) keep it up kuya. habang binabasa ko to background music ko ang exchange of hearts. medyo nakakarelate ako sa kwento mo( sobrang konti) hehe.

    -ARa

    ReplyDelete
  15. .....ANG GANDA NG TWIST NG STORY.....

    jazz0903

    ReplyDelete
  16. woohoo. eto na! malalaman na ni marco na si prime ang bestfriend ni ian ni ni-rape niya. hahaha XD

    ReplyDelete
  17. Waah haba ng hair ni ian.. sna si prime pdn. Glng sir mike.

    Angie. .

    ReplyDelete
  18. Wohooooo!!! Yahoooooo!!!! Weeeeeeeeee!!!
    Neeeeeext pleeeeeaaaasee :DDDDD

    -cnjsaa15-

    ReplyDelete
  19. part fouuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuurrrrrrrrrrrrrrrrr!!

    ReplyDelete
  20. Sana Meron na mamaya yung part 4 :)
    Excited much .. lol

    ReplyDelete
  21. sir mike sana huwag muna kausapin ni ian si prime dahil sa mga ginawa ni prime sakanya. grabe yung pag papahiya na ginawa ni prime kay ian kaya mas mabuti siguro na iwasan muna ni ian si prime para naman mafeel ni prime kung anu yung ginawa nya kay ian. chapter 4 na sir mike =)

    ReplyDelete
  22. Hay naku! Sige na nga short story lang ito tapos may part 4,5,6,7,8,9 at 10 hanggang 20. Waaahehehe

    ReplyDelete
  23. bestfriend n agad sila pagkatapos ng lahat lahat...

    totoo nga ang tunay na kaibigan maasahan mo sayong kagipitan lagi nariyan handa dumamay...
    thanks po,....kkbitin ganda na eh.

    ReplyDelete
  24. marco-ian hahaha yan ang gusto ko.... prime does not deserve ian at all naturinganng best friend tapos itinakwail at kinutya. naku buti na lang mabait si ial kundi patay ka na sana prime...

    buti nga sa bwuiset na babaeng yun. astig din ang mga standup comediean game na game sa mga kalokohan lalo na yung babae at yung lalaki.. hahahahaha

    ReplyDelete
  25. yan na magkatotoo na lahat... si prime na ngayun ang maghahabol kay ian... naku ian wag mo nang pansinin si prime.... remember ang mga pinagdaanan mo sa kanya at mga frends nya.... tama na lang yan na marealize ni prime kung gano kasakit na ibaliwala ka nya....im sure may pagtingin din si marco sa u....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  26. nice and exciting ang daloy ng kwento. . . . ang buhay ay parang gulong. minsan nsa ibabaw at minsan ay nasa ilalim. he he he

    ReplyDelete
  27. SIGURO BAYAD NA SI IAN SA GINAWA NYA KAY PRIME...
    HE SAVES PRIMES LIFE......
    AND IAN DESERVES TO MOVE ON WITH HIS LIFE..

    JONREYQC

    ReplyDelete
  28. tama kuya wag kang paawat please..ang ganda talga nito...pakiligin mo ulit ang 1030 followers mo...hehhe

    ReplyDelete
  29. Salamat po sa mga nag-aabang at nagcocomment. nababasa ko po lahat iyan at kahit di ako sumasagot, nagbabasa ako sa mga comments. sensya na pala may delete akong 4 na comments, sa pagmamadali ko, delete ang aking napindot, nasa spam kasi di ko lam bat napunta dun mga iyon... Bukas na po ang kasunod, part 4. :-)

    ReplyDelete
  30. Sna ending n s chap 4. .hehe svi mu kc kua gang 2nd chap. Lng. Anyway i like the story kht ma2ga mata q. Ka2bsa . .haha. Worth it nman kc mgnda ung flow as well as d twists. . M0re power.

    ReplyDelete
  31. ganun Lng??...
    bstfrend nah agad??...
    sucks to be u prime!!...
    hahaha!!...

    now the tabLes has been turned...
    c ian nah ang nasa itaas at c prime nah ang nsa ibaba...
    weLL, hindi nman msyadong mababa...
    hehehe...
    nd i agree on jonreyqc's comment...
    he definiteLy deserves someone who wiLL Love him..
    ung hindi kah huhusgahan at LaLaitin...
    kya GO IAN and MARCO!!...

    kuya mike, im Lovin' ur "short story"...
    i can somehow reLate to the story...
    nd i aLready Love the song...
    i pLay the song wenever i want some encouragement...
    thank you kuya mike!!... :)


    - edrich

    ReplyDelete
  32. Ok...so dahil I'm freaking tired and sleepy.....sa kakahintay ng update. Magcomment nalang ako.

    Kuyaaaaa...tagal. Huhu T.T (hehehhe)

    Nakakabaliw...hindi ko alam gagawin ko. Hintay ako ng hintay. Pabalik balik ako sa 7 blogs...refresh ng refresh pero wala ni isang update sa mga sinusubaybayan ko. Grabeng paghihirap. (jk)

    Waaaaaaaahhh. Next na please... :) tas pdeng bigyan si prime ng inggit moments?xD


    What i mean is. Yung parang..... Halik na ng halik si marco kay ian kasi nga dahil dun sa show nila...tas makikita naman ni prime na kung saan mabwibwisit siya tas mapapaisip siya kung bakit siya ganun kung makareact. Tas maiinggit siya. Magseselos. Mamimiss si ian. Saka niya marerealize na mahal na pala niya si ian. Tas maguguluhan na siya......cheberness. Grabe. Kaloka. Makatulog na nga. Updte na kasi agad author. 4 na bagsak agad...wag paisa isa. Boring kaya this summer. Natrap ako sa bahay. Pagbasa lang sa blogs buhay ko ngayon. Kaya update agad please.xD waaaaaaa.....
    (nevermind my imagination...lol....kalimutan mo nalang yung mga pinagsasasabi ko.xD :) nabore lang kasi 1am na. Lol.)
    -cnjsaa15-

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi cnjsaa15! natawa naman ako sa iyo. Heto ako nag soundtrip lang muna, nagpahinga. Bukas na ako magpost at mag-abang ka hehehe.

      In the meantime, may music ka bang maisuggest? Iyong love song, mellow, (gusto ko ang mellow) kahit luma mga 80s na, ok lang. kung bago naman ok lang din basta love song na mejo related o patama...

      Okies, ingat ka jan. may momo sa bahay kapag holy week. hehehe.

      Delete
    2. ... at pahabol re sa eksena na nasa utak mo, hm... huwag na lang akong magcomment hehehe. ano kaya kung yung girlfriend ni prime ang liligawan ni marco? hehehe. Huwag na baka uusok ang ilong at magbabaga ang mga mata ng mga readers. lol!

      Delete
    3. hahhaa kuya naman, wag naman si marco ay para kay ian lang period..heheheh tnx JhayL

      Delete
    4. grabe ka kuya ang gaganda ng mga story mo talaga, nakakawala ng stressed heheh..tnx kuya John Louie :)

      Delete
    5. LOL! late nako nagising. wahahahahahhaa,xD buti hindi ko nabasa yung mumu na reply... O.o (uber scared pamandin ako...O.o)

      hahaha, hmmm,,,songs po? wala po ako marecommend eh, lol,....xD try ko po maghanap, promise. ^^ (pero yung marerecommend ko, siguro mostly,,,,,,senti sila..xD)

      hmmmm,,,wag namang ganun,,,,si marco ay para lang kay ian. GARABE naman na kung mapunta sa gf ni prime si marco, kwento nung betch? kwento niya? siya na! sakanya na si prime at si marco! LMAO! JOKE LANG...xD


      siyempre dapat kay ian si marco at prime, pagaagawan nila ng bengga si ian,,,hahahah...patayan sila kung kinakailangan...xD

      (ian ha,,,ikaw ha,,,,pinapahaba ko hair mo,,,,magshare ka...xDDD LOOOOOOL!!!!!!)



      cgecge, hintay ako ng update kuya. ^^


      -cnjsaa15-

      Delete
    6. may nahanap akong songs, LMAO!,...nagsoundtrip kasi ako habang naliligo.xD

      so eto:

      kung sakali mang sila ian at marco ang magkatuluyan or whatever....
      ang sweet kung ganito song nila... :)

      http://www.youtube.com/watch?v=_Gcrx2Ab0FM

      ;) ang kyot. :')


      tas kung sila prime (tsk...) at si ian naman magkatuluyan(wag....mas gusto ko si marco...JK[akin nalang si marco, kay ian na si prime.xDDDD])

      pde na to

      http://www.youtube.com/watch?v=acvIVA9-FMQ

      hahahahhaha...walang emosyon eh no? asar kasi si prime.xD


      hmmmm,,,,,so.... SOOOO,,,,bat naghanap na ako ng song para sa pairs?..xD

      -cnjsaa15-

      Delete
  33. kailan pa cla nging bestfriend d ba hindi na epal na nmn c prime.haaiisst..............................................................................................ras

    ReplyDelete
  34. Idol,ang husay talaga...walang pagkupas ang galing mo sa paglikha ng story for us...at di ka pa rin nagbabago sa pambibitin para lalo kaming pasabikin...next chapter na po ehheheh..more power!

    ReplyDelete
  35. wow so nice naman ng flow ng story ilove it.. :) tnx

    ReplyDelete
  36. kuya mike, thx po talaga ng marami sa mga post or story mo, dahil d2 nawawala stressed ko sa buhay, u inspired us, tnx again.. John Louie Abrenica

    ReplyDelete
  37. Ganda ng storry, supper hooked na ko... waaaaah..

    ReplyDelete
  38. hayyy,,kakatouch ung scene na sinagip ni ian c prime!^^
    iba pa rin talaga ung may pinagsamahan...

    may love triangle na kayang sisibol??hihihi..excited nko sa next chapter!^^

    -monty

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails