Followers
Sunday, April 29, 2012
Beautiful Liar Part 3
by: Emirp
primeprielarchime@facebook.com
~♥~
Pagkapasok nila Papa biglang nag tayuan ang mga classmate ko. Pati ako hindi ko din alam ang gagawin ko. Kung pwede nga lang ibalik ko ang oras. Para sabihin sa mga kaklase ko na huwag ng pumunta sa bahay namin. Pero nandun na eh. Wala ng magagawa.
Classmates ko: Ay Good Afternoon po!
Ngumiti si Mama, si Papa naman tumango lang at pilit na ngiti. Dumiretso na sa kwarto.
Mama: oh di mo ba papakainin yung mga kaklase mo?
Prime: tapos na Mama (ehem gutom na gutom na nga sila e. haha) sige Ma alis na kami.
Umalis na nga kami. At nag paalam muna ako kay papa. Saka sabay sabay na kaming naglakad papuntang school para sumakay. May praktis din kasi ako sa mga ka grupo ko sa Values kaya sumabay na ako sa kanila. Malapit na kami grumaduate kaya kailangan matapos na namin yung praktis kasi iyon nalang ang kailangan.
Anielyn: ang tangkad pala ng papa mo Prime.
Prime: oo nga, kaya lang pumayat na siya.
Jhumel: ah kaya pala.
Prime: ay Divine sabay tayo ha. (magka group kasi kami)
Divine: uuwi pa ko sa bahay.
Prime: e di intayin na lang kita. bagal bagal kasing kumilos.
Sa praktis...
Josephine: oh Prime anung kanta yung i a act natin? (ako kasi ang Leader)
Prime: yung Love Sick ng NSN.
Elijah: sinabi ko na nga ba sa NSN ka pipili e. (ka group ko sa kaya todo pa cute ako. Yung Never Shout Never naman favorite band din niya.)
Prime: e maganda naman yun ah.
Divine: okay ano plano mo diyan?
Prime: ganto...
Walang nangyari unang praktis namin kasi tinatamad daw sila lalo na si Elijah. Nanood nalang kami ng kadiri na movie. Yuck talaga. May time pa na napapasigaw ako. Pero okay lang.
Nung second praktis naman hindi na nagpunta si Elijah, kaya boring. Binago na namin ang kanta. Saka hindi na siya kasali. Buti may special project para sa kanila kaya yun lang yung ginawa niya. Bakulaw kasi.
Masaya ang mga nag daang araw nag lalaro nalang kami ng mga ten-twenty, 1x1, chinese garter, batuhang bola or touching ball, pati takbuhan.
Lahat ng yan nagagawa namin sa loob lang ng class room. Isipin mo mga fourth year na kami pero pambata ang nilalaro. Wala yun sa amin, ang importante masaya kami. At ineenjoy lang namin ang mga natitirang araw namin sa high school.
Kaya lang EYP talaga yung mga teacher eh. Kailangan praktis sa graduation lagi. Yung mga time na yun hindi ko alam kung makaka attend pa ko ng Graduation. Kasi pa bago bago ang isip ni papa. Ganun daw talaga pag may sakit. Pero ganun pa man umaattend pa rin ako lagi sa praktis.
Sa bahay...
Prime: Mama magbabaon ako ng kanin ngayon. May praktis kami hanggang hapon. (pabulong na sabi ko kay mama, baka marinig ng tatay.)
Mama: sige paghanda na lang kita ng kanin at ulam.
Masaya ang praktis kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Pero mas marami ang nag eenjoy sa pang aasar samin. Yung mga time na yun hindi ko alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit. Kasi bakit kailangan pa nilang mang alipusta ng kapwa para lang sumaya sila. Anu yon hobby nila ang mang bully?. Hanggang ngayon hindi ko makakalimutan yung mga ginawa ng mga taong yon. Dapat nga hindi na sila grumaduate e. Bahala na ang Diyos sa kanila.
Malungkot kasi malapit na kaming magkahiwa hiwalay. Kaya ayun nag pa autograph ako sa kanila. Syempre gumawa ako ng paraan mapasulat lang si Elijah. Nag bigay din ako nga mga letter para sa kanila. Ibinigay ko sakanila yun nung araw ng recollection. Masaya ako kasi gumawa din sila ng message para sakin. Dun sila nagsulat sa cartolina. Ginawa nila yun kasi alam nila na uuwi na kami sa Mindanao.
Last practice ng Graduation. Nakakaiyak kasi hindi ko talaga sure kung makaka attend ako. Pero ganun pa man, kumuha parin ako ng Toga. Itinago ko nalang pag uwi ko.
Habang kumakain ako...
Papa: Oh kelan ang Graduation niyo?
Prime: sa Lunes po.
Papa: sige umattend ka na sa isang Sabado pa alis natin.
Prime: sige po
Over. Ang saya ko nung oras na yun. Buti makakasama ako sa Graduation. Yun nga lang si ate lang yung sasama sa akin. Okay lang yun.
Salamat at natapos naman ng matiwasay ang Graduation. Malungkot, masaya kumbaga Mixed Emotions.
May handaan sa bahay namin. Kaya lang nagpaalam ako kay papa sabi ko kukuhanin ko lang yung Graduation Picture ko. Pero ang totoo naitago ko na yun sa drawer ko. Yun lang kasi yung naisip kong palusot e.
Sobrang saya dalawang bahay yung kinainan namin. Nilubos na talaga namin ang panahon. Mag gagabi na din ako nakauwi non pero buti hindi ako napagalitan.
Nung kuhanan ng Good Moral nakita ko ulit sila. Wala nga lang si Elijah. Pati si Edelyn kasi nagbakasyon na.
Nung makuha na namin yung Good Moral nag lakwatsa kami. This time ang kasama ko sila Mara, Jhumel, Divine, pati yung dalawang bakuls na sila Patrick at Cedric.
Alam ko kinikilig si Jhumel kasi Crush niya si Cedric e.
Kung saan saan kami nakapunta nun. Pati bahay ni Elijah tinuro namin kela Cedrick. Nung uwian na si Mara at Jhumel magka pareho ng uuwian. Ako naman saka sila Cedrick ang magkapareho ng uuwian.
God is Good hindi na naman ako napagalitan ng Tatay.
Sa nagdaang araw ang boring. Wala akong magawa. Hindi na pwedeng tumakas. Yung ibang gamit namin napauwi na din sa probinsya. Kasi may mga gamit na daw sa Mindanao.
Araw ng Pag alis...
Medyo malungkot kasi mamimiss din namin yung mga kapit bahay namin.
Biglang nawala si Papa. Yun pala umarkila pa siya ng sasakyan. Kasi hindi kuno available yung dapat na sasakyan namin.
Pag dating sa pier Eksaheradang hakot yung ginawa namin. Ang masama pa, fully book na daw yung byahe ng barko para bukas (Linggo). At Huwebes pa yung next.
Ito na yata yung eksaheradang pangyayari sa buhay ko. (haha over) Kasi sa loob ng ilang araw wala kaming ligo tanging sa CR lang kami dun nagbibihis pati pag ebs. Ang hirap talaga. Saka dun lang kami natutulog sa pier. Kulang na nga lang may dumating na GMA News. Feeling kasi namin para kaming nasalanta ng bagyo or something. Ganun kasi ang sitwasyon namin. Yung parang mga napapanood sa TV.
Ito na ang Araw...
Sulit naman ang ilang araw na pag hihintay. Although ang daming level bago maka pasok sa barko. Okay lang talaga.
First time ko makasakay sa barko. Ang ganda. Nakaka ignorante. Ang lakas ng hangin. Ang sarap.
Nakita pa namin doon yung mga badyaw na kasabay namin sa pier. Sosyal nga e. Naka cabin pa sila. Akala kasi namin tambay lang sila kaya pala hindi sinisita nung gwardya. May karapatan naman pala. haha.
Finally nakaligo din kami. Si Papa bakas ko sa mukha niya ang saya. Kaya masaya din ako. Kahit minsan napapagalitan ako.
Sa Mindanao...
Mindanao Pier palang nakakanose bleed na. Puro bisaya kasi sila e. Tapos sabay sabay pa magsalita. Eksaherada talaga.
Pag dating namin sa lugar nila papa. Parang nagkaroon ng eksena sa Wish ko Lang. Kasi ayun yakapan sila ng kapatid niya.
Okay naman. First time kong makakita ng bundok. Ganun pala yun pag nakita mo sa malapitan.
May pagkamatanda na yung bahay nila papa, pero maayos naman. Maganda. Pwede na.
Ito pa ang isa sa aking unforgettable experience first time kong makaka ligo sa dagat. Nagyaya kasi silang maligo.
Saka medyo para kaming STAR kasi tagalog kami at bago lang sa kanilang lungga.
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment