Sorry po sa 2 months delay. Last term of study ko na rin kasi eh at nasabay pa sa tour namin... Anyway, heto na po ang Book 2, Part 14 ng "Love Me Like I Am".
----------------------------------------------
By: White_PalBLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 14: "I Love You..."
Against All Odds - Mariah Carey & Westlife
Mp3-Codes.com
Dahan-dahan akong pumasok sa loob.
Rinig ko ang ihip ng hangin sa aking tenga. Nakakabingi ang katahimikan. Rinig
ko ang bawat pagbagsak ng aking sapatos sa loob ng lugar na iyon. Ramdam ko rin
ang di masyadong mainit na sinag ng araw na tumatagos sa Stained Glass sa
kahabaan ng pasilyo.
Diretso
akong naglakad hanggang sa makita ko ang isang batong may naka-ukit na
pangalan. Nakita ko ang pangalan ni Lolo. Luminga ako sa kanan at nakita ko ang
pangalan ni Kuya Erick at ang pangalan ng sadya ko doon. Napabuntong hininga
ako.
Naglakad
ako palapit doon. Tumayo ako sa harap at lumuhod.
“Kamusta?
Alam mo, miss na miss na kita.” sabay haplos marble na may pangalang nakaukit.
Tinitigan
ko ang kanyang pangalan na nakaukit dito pati na rin ang araw ng kapanganakan
at araw ng kamatayan.
Napabuntong
hininga ako.
“Eversince
we were just a kid, lagi kang nandyan para ipagtanggol ako sa mga umaaway sa
akin… Ako naman ay gustong-gusto kang kasama. Ewan ko… Siguro ay dahil alam ng
mga puso natin na tayo’y magkapatid.” Ramdam ko ang panginginig ng aking mga
kamay. Slowly, my chest got heavy and my heart is like going to crumbled into
thousands of pieces. I felt an unexplainable and unmeasurable pain. Naramdaman
ko na lang ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.
“You
know what? Nakakainis ka. Iniwan mo na kami kaagad. Kung kalian okay na ang
lahat, tsaka ka ganyan. Pero alam mo, na-mimiss kita. Na-mimiss ko yung
kakulitan mo, yung kabaklaan mo, yung bonding natin, lahat-lahat na-mimiss ko
yun. Miss na miss na kita Ely.” Hindi ko na napigilang humagulgol.
Isang
buwan na ang nakalipas nang iwan kami ni Ely. Malungkot oo, at ang hirap din
mag-move on, pero kailangan. Kapag nalulungkot ako, lagi ko na lang iniisip na
masaya na ang kapatid ko ngayon sa piling ng maykapal.
Napayuko
ako at napapikit.
“Salamat
ngapala sa matang binigay mo sa akin ha. Dahil dito, nagising ako sa
katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan ang poot at paghihiganti. Dahil
sa mga mata mo, hindi ako nawala, hindi nawala si Gab na nakilala niyo. Habang
buhay kong utang iyon sa iyo Ely.” Napahinto ako. Ilang sandali pa’y napailing
at nangiti.
“No…
Oo nagbalik ako, ngunit masmatapang na Gabriel. Masmatapang kaysa dati.” Sabay
pahid sa luha ko.
Tahimik.
Muli akong napangiti.
“Papaano?
Alis na ako Sis. May bibisitahin pa akong isang tao bago ko isagawa ang plano
ko.” sabay tayo at muling ngumiti. Tumalikod ako. Linakad ang kahabaan ng
Mausoleum hanggang sa makalabas doon. Ramdam ko ang ihip ng hangin sa aking
balat, medyo malamig ito. Hindi ko maintindihan pero bigla akong napangiti.
Dumiretso ako papasok sa aking limusin at ilang sandali pa’y umandar na ito.
Naupo kami ni Enso sa waiting area, hinihintay ang
kanyang paglabas. Ilang sandali pa’y nakita kong lumabas mula sa loob ng rehas
si Steph. Pansin ko ang napakalaking scar sa kanyang mukha. Alam kong ako ang
may gawa nito dahil sa pag-aaway namin noong huli kaming magkita. Kita ko ang
panlalaki ng kanyang mata at ngumiti na parang demonyo.
“Kamusta
ang libing?” tukoy niya sa libing ni Ely.
Hindi ako umimik.
“Pupunta-punta
ka ditto tapos wala ka naman palang sasabihin. What are you doing here?” ang
biglang pagtaas ng tono nito Steph.
Hindi
pa rin ako umiimik.
“Nandito
ka ba para manginis? Para ipamukha sa akin na talo na ako ha!” dugtong pa niya.
Wala
pa rin akong imik.
“Oo
na! Nakakulong na ako! What more do you want? Are you happy now?” sigaw pa niya
sa akin.
Tiningnan
ko siya sa mata, kita ko ang namumuong luha kasama ang nag-uumapoy na galit sa
kaibuturan nito.
“Steph
hindi ako ang may kasalanan kung bakit ka nandito. Wala kang dapat sisihin kung
hindi ang sarili mo.” ang mahinahon kong sabi sa kanya.
“Putangina
mo!” sigaw niya sabay takbo upang sugurin ako ngunit pinigilan siya ng dalawang
pulis.
“Hindi
ako titigil hangga’t hindi kita napapabagsak! Hindi hadlang ang rehas ng
kulungang ito para pabagsakin kita! Hindi naikukulong ang Ambisyon Gabriel, ang
Ambisyon na pabagsakin ka at makuha si Jared! Hindi Gabriel! Hindi! Hindi
makukulong ang isang Stephanie Aragon!” ang pagsisigaw niya na para ng baliw
kasabay ang pagtulo ng luha nito.
“Ang
mga taong masasama na kagaya mo ang nakukulong Steph. Kaya tumigil ka na, wala
ka ng magagawa pa.” ang matigas kong sabi sa kanya.
“Lalaya
din ako Gabriel! Lalaya ako!” Kita ko ang panlalaki at panlilisik ng kanyang
mata.
“Palayain
mo muna ang sarili mo sa galit, sa inggit, at sa sobrang paghahangad ng masama. Yun lang ang paraan para tunay kang makalaya Steph. Yun lang.” sabi ko sa kanya
sabay talikod at alis.
“Aaarrrggghhh!!!”
sigaw niya na umeecho sa buong lugar.
“Hoy
bruha ka! Pangit ka na nga ang yabang-yabang mo pa rin! Para kang asong ulol!”
sigaw ni Enso sa kanya.
“Isa
ka pa! Mamamatay ka rin! Kasama niya! Mamamatay kang bastardo kang ampon ka!”
sigaw niya kay Enso na may panlilisik ang mga mata.
“Enso
tara na.” sabay hawak sa braso ni Enso at hinatak paalis sa kwartong iyon.
Habang
naglalakad kami palayo ay muli kong narinig ang sigaw ni Steph.
“Akin
lang si Jared! Akin lang si Jared! Papatayin kita Gabriel! Papatayin kitaaa!!!”
sigaw niyang sagad sa lalamunan.
As
we get out of the place, I felt my chest got heavy. Parang dinurog ang aking
puso sa nakitang kalagayan ni Steph. Hindi ko maipaliwanag ang awang
nararamdaman para sa kanya. Alam kong napakalaki ang naging kasalanan niya sa
aming lahat ngunit sobrang awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon ko
nakumpirmang napatawad ko na si Steph.
“Kuya
Gab, okay ka lang ba?”
Ngiti
lang ang isinagot ko sa kanya. Sumakay kami sa sasakyan at agad na pinaandar
ito ng driver.
Nabalot
ng katahimikan ang buong sasakyan sa kahabaan ng byahe. Tanging buga ng aircon
lang ang aming narinig. Muli kong naisip si Steph.
“Kuya
Gab!” tawag ni Enso sa akin na pumutol sa aking pagmumuni-muni.
“Yes?”
sabay tingin sa kanya at bigay ng isang pilit na ngiti.
“Sigurado
ka na ba sa plano mo bukas?”
Hindi
ako nakapag-salita. Isang buntong hininga lang ang nagawa ko. I was so
confused, it’s like half of my mind is battling with the other. Dagdag pa ang
aking puso. My heart is screaming saying that I should not do it dahil may mga
maiiwan ako. Ngunit kailangan kong gawin ito para sa ikatatahimik ng buhay
naming lahat. Dahil alam ko, hangga’t nandito ako, mayroon at mayroong
masasaktan at mapapahamak.
Slowly,
tears fell down from my eyes. Nabalot ng kalungkutan ang buo kong pagkatao.
Pumikit ako at napabuntong hininga.
Binuksan ko ang pinto ng balcony.
Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Pinagmasdan ko ang buong
kapaligiran. I saw skyrapers, cars running down the highways, at naglalakihang
billboards. Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang karagatan at ang
sunrise. Napakaganda.
“Jared.”
Sabi ng boses na nagmula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang aking
ama.
“Tay!
Ano pong ginagawa niyo dito? Papaano kayo nakapasok?”
“Pinapasok
ako ni Angel.”
“Gising
na pala siya.”
“Kagigising
lang, nagkukusot pa nga ng mata eh.” Sabay tawa. Ngumiti lang ako.
“Ang
linis pa rin ng condo unit niyo ah.”
“Syempre,
magaling ang naglilinis eh.” Tukoy ko sa aking sarili.
“Nagbuhat
ka na naman ng sarili mong bangko.”
Tawanan.
Muli
kong tinuon ang mga mata sa karagatan at sa sumisikat na araw. Ramdam ko ang
pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha.
“Mamaya
na ang alis niya ah.”
Napabuntong
hininga ako.
“Anak,
hindi mo ba naisip na nasayang lahat ng effort mo? Yung pagtitiis mo noon sa
trabaho, yung sa Paris? Hindi mo ba naisip na napunta sa wala ang lahat-lahat
ng ginawa mo para makuha si Gab?”
Napatingin
ako sa kanya.
“Tay,
walang sayang… Dahil mahal ko siya. Gusto ko lang iparamdam kung gaano ko siya
kamahal. Hindi na mahalaga kung ano ang mangyayari bukas. At least, naipakita
at naiparamdam ko sa kanya na kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Mahal ko
siya, at kahit hindi man maging kami sa huli ay matatanggap ko iyon.” Sabay
bigay ng isang pilit na ngiti.
Tinuon
ni Tatay ang kanyang mga mata sa kapaligiran. Nakita ko ang kanyang pagngiti.
“Alam
mo anak, naaalala ko ang sarili ko sa iyo.” Napayuko niyang sabi, kita ko pa
rin ang ngiti sa kanyang labi.
“Naalala
ko ang sarili ko sa iyo, lalo na sa edad mong yan. Sa pamilya, sa paraan ng
pag-iisip, sa pagtatrabaho, at pati paraan ng pagmamahal… Ganyan na ganyan
ako.” Sabay tawa.
Napatawa
rin ako sa narinig.
“Alam
mo naman di ba yung sa amin ng Tito Luis mo?” tukoy niya sa Papa ni Gab sabay
ngiti.
Tumango
ako.
“The
first time I met him, sa party yun. Iba na ang naging dating niya sa akin.
There’s this spark na sa kanya lang eh, a charm like no other. Hindi ko rin
nakita ang mga kakaibang bagay na iyon sa Mama niyo ni Angel. Pero wait lang
ha… Mahal ko ang mama niyo.” Sabay tawa ulit.
“Alam
mo ba anak, we’ve been through a lot of conflict ni Luis, lalong-lalo na sa
pamilya niya at Papa ni Tess.”
“Teka
lang Tay, yung sa pamilya niya, alam ko naman pong makapangyarihan talaga sila
at hahadlang ang mga iyon… Pero bakit pati ang Lolo ni Gab… I mean Papa ni Tita
Tess nakalaban niyo?” tukoy ko kay Don Raphael na Lolo ni Gab.
“Dahil
sa Lolo ni Gab kaya kayo nandito ni Angel ngayon.”
Hindi
ako naka-imik sa mga narinig ko. Parang nagka-clash sa utak ko ang aking mga
natutuklasan tungkol sa nakaraan ni Tito Luis at ni Tatay.
“Naguguluhan
ka na ano? Sa susunod ko na lang ikukwento.” sabay ngiti.
Ngumiti
lang din ako at sa di malamanag dahilan ako’y napabuntong hininga at napapikit. Nabalot kami ng katahimikan. Tanging ihip ng malamig na hangin lang ang aming
naririnig.
“Gusto
mo siyang pigilan?”
“Tay... This is for the better. Hindi
lang sa akin at sa kanya, kundi pati na rin sa mga tao sa paligid namin. Parang
yung sa inyo ni Tito Luis.”
“So you want to be like me?”
“Tay, I’m like you.”
“Don’t…” ang maiksi niyang sagot.
Napatingin ako sa kanya, I gave him a
questionable look.
“What do you mean?”
“Uulitin ko Jared, gusto mo ba siyang
pigilan?”
Muli kong inalis ang tingin sa kanya
at tinuon sa dagat at sa sun rise.
“Alam kong gusto mo anak.”
Napapikit ako. My chest got heavy, I felt my heart as if it had been pierced by a thousand arrows. I felt a terrible pain, longing for the one I love. Pero alam kong
hindi na pupwede, at habang buhay kong hahanap-hanapin iyon. Hindi ko na kinaya
ang hirap at bigat na aking dinadala. Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit kong
luha sa aking mukha.
“Son.” Si Tatay sabay hawak sa aking braso.
“It’s not too late. Huwag mong gawin
ang pagkakamali ko noon.”
Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang
pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nakita ko rin ang sobrang pagsisisi dito.
Hindi ko alam kung ano iyon, ngunit alam kong hanggang ngayon ay dala-dala niya
ang kalungkutan at pagkabigo dahil kay Tito Luis.
“Anak, may oras ka pa… Puntahan mo
siya, bago mahuli ang lahat. Huwag kang gumaya sa akin.” Sabay bigay ng isang
ngiti.
Ngumiti lang din ako at napayakap sa
kanya.
Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng
aking puso. Habang nagmamaneho, I saw my cold hands trembling. Hindi ko
maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman, takot na iwan niya ako.
Mabilis kong narating ang mansion ng
mga Alvarez. Hininto ko ang sasakyan sa harap ng napakalaki at napakataas na
gold and white gate nila. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si
Enso. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na niya ito.
“Kuya!” Bakas sa boses nito ang
pagkataranta.
“Si Gab? Nasa bahay pa ba si Gab?”
“Kuya kaaalis lang papuntang NAIA
Terminal 1.”
Agad akong nag-end call nang marinig
ko iyon. Pinaharurot ko ang sasakyan papuntang NAIA. Habang nasa byahe ay
iniikot ko ang aking mga mata, nagbabakasakaling makita ang sasakyan ng aking
mahal.
Napakabagal ng takbo ng oras ng mga sandaling
iyon. Ramdam ko ang pagpatak ng aking pawis kahit naka-todo na ang aircon ng
sasakyan. I was having a hard time breathing, it was the hardest moment of my
life. Parang kalaban ko ang isang bagay na alam kong wala akong laban, ang
oras.
Nasa ganoon akong pagmamaneho nang
biglang may nagtext, binasa ko ito.
“Kuya, sinabi ko kay Kuya Gab na sa
Roxas Boulevard na magdaan kasi traffic sa ibang area. Tinawagan na rin ni Ace
ang isang bus company na ka-tie up ng company namin na papuntahin ang mga bus
nila sa mga dadaanan ni Kuya Gab para magkaroon ng traffic at maabutan mo siya.
Go Kuya, Go!” text ni Enso.
Nangiti ako, kinabig ang manibela
patungong Roxas Boulevard.
Nasa kahabaan na kami ng Roxas
boulevard, bumper to bumper ang traffic at hindi ko pa rin makita ang sasakyan
ni Gab.
“God please… Si Gab po… Sana po makita
ko na siya.” Naiiyak kong sabi. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking
puso. Muli kong naalala ang ganitong eksena apat na taon na ang nakakaraan kung
saan hinabol ko rin siya paalis ng bansa, ngunit bigo ako.
“I won’t let it happen.” Sabi ko sa
sarili ko.
Muli kong naisip si Ely, napapikit
ako.
“Ely… Help me Ely… Mahal na mahal ko
ang kapatid mo, and I promise this time… This time, I won’t let him go. I
promise.”
Dumilat ako at nakita kong biglang naging
Green light ang stop light. Agad kong pinaandar ang sasakyan.
Habang pinapaandar ang sasakyan ay
nadaanan ng aking mata ang isang pamilyar na puting limusin na di kalayuan sa
aking sasakyan. Nabuhayan ako ng loob, nabawasan ang takot at kaba na kanina ko
pa nararamdaman. Patuloy kong pinaandar ang sasakyan, singitan ko ang ilang
sasakyan, makalapit lang sa puting limusin na iyon hanggang sa dalawang
sasakyan na lang ang pagitan naming dalawa.
Nakita ko ang plate number at laking
gulat ko na plate number ni Gab iyon. Hindi ko napigilang ngumiti. Dire-diretso
pa rin ako sa pagmamaneho, hanggang sa nakita kong lumiko sa kaliwa ang
sasakyan, akmang susundan ko na ito ngunit biglang naging pula ang stop light. Nakita
ko rin na medyo maluwag na sa area na iyon. Muling bumalik ang kaba at takot na
kanina kong nararamdaman, at mas matindi ngayon.
“Hindi pupwede ito… Matagal pa bago
maging green ang stop light.” Sabi ko sa sarili ko sabay pukpok sa manibela ng
sasakyan.
May naisip akong isang bagay, and I’ve
left with no choice but to do it.
Lumabas ako ng sasakyan at hinabol ang
puting limusin na di kalayuan sa akin. Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang
sasakyan. Sa aking pagtakbo ay siya ring pagbilis ng sasakyan na iyon.
“Gab!” ang sigaw ko habang habol
hininga ako sa pagtakbo.
Patuloy
pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng kalsada, ramdam ko ang malamig na hampas ng
hangin sa aking mukha, ramdam ko rin ang pagod at bilis na tibok ng aking puso,
ngunit hindi alintana sa akin ang lahat ng ito, hindi rin alintana ang mga sasakyang
dumadaan ang mahalaga’y maabutan ko ang sasakyan niya. Unti-unti kong
naramdaman ang luha mula sa aking mga mata.
Bumilis
ang andar ng sasakyan, mas mabilis kaysa sa kanina, tinangka kong bilisan ang
pagtakbo ko. Muli kong naalala ang ganitong eksena kung saan natapilok ako.
“I
must not fall, hindi pupwede.” Sabi ko sa sarili ko.
“Hindi
pupwede… Gab!!!” sigaw ko.
Sa
kalagitnaan nang pagtakbo ko’y nakita kong tumigil ang puting limusin. Bumukas
angp into at nakita kong bumaba ang taong mahal ko, ang pangarap ko, si Gab.
“Gab!”
sigaw ko.
Nakita
kong tumakbo siya palapit sa akin. Tumakbo rin ako. Nakita ko ang luhang
dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko rin ang matamis niyang ngiti. Hindi ko
napigilang maluha. Ilang sandali pa’y sinalubong namin ng yakap ang isa’t-isa.
Parang
wala ng bukas ang pagyayakapan naming iyon, dinig ko din ang paghagulgol niya
at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
“Gab…”
“Jared…”
“Gab
hindi ko kayang mawala ka. Gab mahal na mahal kita.” Bakas sa aking boses ang
panginginig.
“Mahal
na mahal din kita Jared. I’m sorry, sorry sa lahat nang nagawa ko.”
“Ssshhh…
Ako ang dapat na humingi ng sorry Gab. Kasi ako ang nagkulang, hinayaan kong kamuhian
mo ako at magalit ka sa lahat ng tao. Hinayaan ko ring umalis ka, naging mahina
ako noon.”
Kumalas
siya sa pagyayakapan namin at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang
kanyang kamay, ganun din ang ginawa ko.
“Bakit
ba kasi ikaw aalis?”
“Para
patahimikin na tayong lahat ni Steph, malalagay din kasi sa piligro ang buhay
ninyong lahat eh. Hangga’t nandito ako. Pero alam mo ang narealize ko Jared?
Narealize ko ngayon-ngayon lang na hindi ako dapat umalis lalo na’t alam kong
may anak akong maiiwan. Kahit ba naintindihan ninyo Ella ang situasyon ko,
hindi pa rin dapat ako umalis. Hindi ko dapat ulitin ang ginawa ko noong
pagtatago.”
Ngumiti
ako at pinagmasdan ang kanyang mukha, agad na nakaagaw ng aking atensyon ay ang
kanyang mata, ngayon ko lang narealize na parehas na parehas ang mata niya at
ni Ely.
“I
love you Gab.”
“I
love you too Jared.” Sabay bigay ng isang matamis na halik. Naghalikan kami na
parang wala ng bukas. Ang saya-saya ko, walang kapantay na saya ang aking
nararamdaman. Pagkatapos naming maghalikan ay muli kong tinitigan nag kanyang
mukha, bakas dito ang saya. Hinawakan ko ang kanyang bewang at binuhat siya.
Napuno kami nang tawanan sa mga sandaling iyon. Yumuko siya, buhat-buhat ko pa
rin at iniabot ng kanyang labi ang labi ko.
Matapos
ang halik na iyon ay biglang tumunog aking cellphone. Kinuha ko ito sa
aking bulsa, nakita kong tumatawag si Mama, sinagot ko ito.
“Ma?”
“Jared!”
bakas sa boses ang paghagulgol nito.
“Jared
ang Papa mo!”
“Ano
pong nangyari Ma?” Bakas sa aking boses ang takot. Bigla akong nakaramdam ng
kaba.
“Jared, si Ace ito, nang pumasok ang
Mama mo sa condo ninyo ni Ella ay nakita niyang may dalawang tama ng bala ang
Papa mo, isa sa dibdib at isa sa may tiyan.”
Hindi ko napigilang maluha sa narinig,
parang kanina lang ay napakasigla ng aking ama, ngayon ay nag-aagaw buhay na
ito. Agad kong naisip si Ella, nakaramdam ako ng pangingilabot.
“Si Angel Ace? Kamusta si Angel?”
tanong ko habang patuloy ang aking pag-iyak.
“Hindi namin siya nakita. Pumunta na
kayo dito sa ********** Hospital.”
Agad kong tinapos ang call at
napaluhod. Hindi ko napigilang humagulgol.
“Jared what happened?” tanong ni Gab.
I was speechless. It’s so much for me
to bear, it’s like a thousand knives stabing my heart. Ramdam ko na parang may
nakadagan sa aking puso, hindi ko na rin nagawang magsalita.
“Jared… Please tell me.” Sabi niya, at
agad kogn kinuwento ang nangyari kay Papa.
Nakaramdam ako ng pangamba sa nakitang kalagayan ni Jared.
Parang dinudurog unti-unti ang aking puso sa nakitang paghagulgol niya.
Nasa ganoon akong pangungulit sa kanya
nang biglang nag-ring ang aking cellphone, kinuha ko ito at nakita ang isang
unregistered number, sinagot ko ito.
“Hello?”
“Hi Gab… Kamusta ka na?” sabi ng pamilyar
ng boses sa kabilang linya, alam ko kung sino ang nagmamay-ari nang boses na
iyon. I felt my heart skipped a beat or two. Nakaramdam ako ng pangingilabot sa
aking narinig, sigurado akong si Steph iyon. Tumalikod ako mula kay Jared.
“Lumayo ka kay Jared ngayon din kung
gusto mo pang makita ang mag-ina mo, at huwag mong sasabihin sa kanya ang
tungkol sa akin. Huwag mo ring ipahalatang natatakot ka, may mga mata ako sa
iyo Gabriel… Naiintindihan mo? Ha!” Sigaw nito, tukoy kay Ella at sa anak namin.
“Y-yes Ma’am…” Ang nasabi ko na lang
gawa nang nasa likuran ko si Jared. Parang tumigil ang tibok ng aking puso sa narinig.
“Hintayin mo ang susunod kong tawag.
Uulitin ko Gabriel, isang pagkakamali lang, at patay itong mag-ina mo.” At agad
na nag-end ang call. Hindi ko napigilang umiyak.
“Gab…” tawag ni Jared sa akin, bakas
sa boses ang pag-garalgal nito, bago ako lumingon sa kinatatayuan niya’y
pinunasan ko ang aking luha at nagbigay ng isang ngiti.
“Are you crying?” tanong niya.
“Ah… Tumawag sa akin si Enso, sinabi
niya sa akin ang nangyari kay Tito… Tara na Jared bilis!” ang sabi ko na lang
sabay takbo sa aking sasakyan.
Ginamit ni Jared ang kanyang sasakyan
papuntang ospital samantalang ako’y ang aking sasakyan naman. Sa kahabaan ng
byahe ay napuno ako nang katahimikan, my hands are trembling, para akong mababaliw sa takot at kaba na aking nararamdaman, my heart is like
going to stop because of over beating. Hirap na hirap ako sa paghinga.
“Kailangan kong maging matatag. Gab…
Kailangan.” Ang sabi ko sabay pagpatak nang luha at napatakip ng kamay.
(ITUTULOY)
Wow! Epic ang paghabol ni Jared kay Gab. Katuwa ka Enso. Kaya lang, si Steph ano ba sia sinaniban ng isang libong demonyo. Sobrang kasamaan nia. Ang sarap niang balatan ng buhay o kaya pakagat sa libo-libong langgam.
ReplyDeleteNatawa ako sa mga torture ideas mo kuya.xD
Delete-cnjsaa15-
Susmiyo. Hahaha! Actually ang naisip ko po is mapasok siya sa makinang pang-pipi ng mga bakal. Hahaha! Salbahe ko. Anyway, salamat po sa patuloy na pagbabasa. :D
Deletei hate steph so much!!! kilan ka pa kaya matututu sa lahat ng kasalanan mo!!!!
ReplyDeleteNapakasama talaga ng Steph na yan! Pati daddy ni Jared dinamay niya. Kawawa naman si Ella at ang Baby.
ReplyDeleteThe end is near. I can feel it! Naku bebe Gab sana walang mamatay except yung hayup na Steph na yun. Please!
nakalimutan ko yung comment ko sa chapter na ito dahil kay Steph...... kaya ang masasabi ko na lang? TANGINA MO STEPH MAMATAY KA NA!!!!!
ReplyDeleteok na ang lahat, happy ending na sana pero umeksena nanaman si steph. i'm gonna kill that bitch by myself! i hate her so much!
ReplyDeleteDamn you steph!! Damn you!!
ReplyDeleteGawd! I cant take this anymore!
Kill that bitch!!!
--ANDY
I love the first part, the description of the place is very good, you can really feel the ambiance of the mausoleum. Jared's dad is so nice. Excited na ako sa story nila ng Papa ni Gab, "Love Me Like I Am: The Untold Beginning", mukhang interesting eh.
ReplyDeleteSteph is really a devilish creature. I hate that f*ckin' bitch! Patayin na yan!
Overall, excellent chapter. Next chapter please!
Naiyak ako sa umpisa, I miss Ely. I love her character so much.
ReplyDeleteYehey! Bebe Gab and Papa Jarjar pa rin sa huli! Weeeeee!!!!!
Leche ka talaga Steph di ka pa mamatay. Bebe Gab pakipatay na nga ito para wala ng bwisit... nakakainis na siya eh.
ang ganda! sulit ang mahabang paghihintay. wala pa ring kupas si whitepal!
ReplyDeleteang ganda! sulit ang mahabang paghihintay. wala pa ring kupas si whitepal!
ReplyDeleteAnother chapter full of emotions and breath taking scenes. At first I thought this will be a light one but I was wrong. May pasabog pa pala sa huli. I'm just wondering, how will this story ends. Another great chapter from a great author. I congratulate you for this one, ang laki na ng improvement mo White_Pal.
ReplyDelete~Mighty_Dawn
Maraming salamat po sa lahat ng nagcomment at sa mga patuloy na nagbabasa. Asahan niyo po, mabilis na ang update dahil malapit ng matapos ang term. Muli, maraming salamat po. ^_^
ReplyDeleteKilig na kilig na ako eh tapos biglang umeksena ang kontrabida. Kainis! Pero alam ko Jared and Gab pa rin sa huli, WALA NG MAKAKAHADLANG PA SA KANILA!
ReplyDeleteJARED-GAB TILL THE END!!!!!
ang galing-galing! wala pa ring kupas. more!
ReplyDeletekabwiset si steph. post na po sana yugn next please!
ReplyDeleteAkala ko meron ng part 15 eh. Nakaka-excite naman kasi eh. Sana bukas meron ng update.
ReplyDeleteomg.........OMG!!!!!! post na po yung kasunod pleeeeease!
ReplyDeletehaist lagot ka sakin stef tutulungan kita bebe gab...ganda ng story d best....
ReplyDeleteakala ko po mabilis n ang update,...almost a month n po!!!
ReplyDeletehehe,..nakakabitin kc,..hehe